KABANATA 29 KINAUMAGAHAN

Sa pagsikat pa lamang ng unang liwanag ng umaga, ang mga banda ng musiko ay tumugtog ng mga tugtuging at ginising, sa pamamagitan ng masasayang tugtugin, ang mga pagod na mamamayan. Nagbalik na muli ang buhay at kasiglahan, ang mga kampana ay muling nagripeke at nagsimula ang mga putukan. Iyon ang huling araw ng pista, ang tunay na araw ng kapistahan. Maasahan makakakita ng lalong maraming kasayahan sa araw na iyon, higit kaysa nagdaang mga araw. Ang mga kapatid sa V.O.T. ay higit ang dami kaysa mga kapatid sa Santisimo Rosario, at ang mga kasapi roon ay nangagngingitian dahil sa natitiyak nang hihigitan ang kanilang mga karibal sa kabanalan. Bumili sila ng lalong maraming kandila: ang mga Insik na magkakandila ay kumita ng malaki, at upang makaganti ng utang na loob ay nag-iisip na na magpabinyag, kahit na pinatutunayan ng ilan na hindi ang pananampalataya sa Katolisismo, kundi sa pagnanais na makapag-asawa.1 Ngunit ang bagay na ito ay sinasagot ng mga mababait na babae: Kahit na magkagayon ang pag-aasawang sabay-sabay ng gayong karaming Insik ay hindi mangyayaring hindi isang kababalaghan, at saka bahala na silang mapagbagong-isip ng kanilang mga asawa.2 Isinuot ng mga tao ang kanilang pinakamahusay na kagayakan; lumabas sa taguan ang lahat ng hiyas. Ang mga mamumuhunan sa sugal at pati ang mga mamumusta ay nangakabarong binurdahan, may mga butones na malalaking brilyante, mabibigat na kadenang ginto at mapuputing sumbrerong hipi-hapa. Ang matandang pilosopo lamang ang patuloy na gaya rin ng dati: nakabarong sinamay na may guhit na

MGA PALIWANAG 1 Dahilan sa nakikita nila ang posibilidad ng kaunlaran ng kanilang mga sariling negosyo sa pamamagitan ng pagbabago ng relihiyon at ang pagnanais na makapag-asawa ng mga babaing Katoliko. 2 Ang mga babaing Katoliko na nag-aasawa ng mga Intsik sa kabilang dako ay nakahanda na sila na ang magpaliwanag sa kanilang mga magiging asawa ukol sa mga usapin ng pananamapalataya.

363

abuhin, na nakabutones hanggang leeg, saping maluluwag at malapad na sumbrerong piyeltrong kulay-abo.3 ´Malungkot kayo ngayon kaysa dati!µ ang sabi sa kanya ng tinyente-mayor, ´ayaw ba ninyong kami ay magsayang paminsan-minsan, at pagkatapos nito ay marami kaming iluluha at iiiyak?µ4 ´Ang magsaya ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng kahangalan!µ ang sagot ng matanda, ´iyan din ang kahangalan ng pagtatapon sa taun-taon! At dahil sa ano? Itapon ang salapi, gayong maraming kasalatan at pangangailangan?5 Ah, batid ko na! Ang Kapistahan ay isang orgia, ang bacanal upang lunurin ang hinagpis nating lahat.µ6 ´Alam naman ninyong kasang-ayon ako sa inyong mga paniniwala,µ ang sagot ni Don Filipo na nakangiting kung

3 Pagpapakita ni Pilosopo Tasyo ng pagiging karaniwang araw ng kapistahan para sa kaniya. Hindi siya naghahanda para sa kapistahan, maging sa magiging kasuotan. 4 Ipinakikita ni Rizal sa pamamagitan ng pananalita ni Don Filipo na ang kapistahan ay isang panandaliang lunas sa walang tigil na mga paghihirap ng bayan. 5 Ipinakikita ni Tasyo na ang kapistahan ay hindi dapat na maging kahangalan - katulad ng ating ginagawang malaking gastusin sa kabila ng kasalatan. Halimbawa ay mangungutang para mayroong maihanda sa mga darating na bisita. 6 ITO ANG PINAKAMATAAS NA PANLILIBAK NI RIZAL SA PARA SA KAPISTAHAN: Ang itulad ito ni Pilosopo Tasyo ang kapistahan sa orgy kung saan malayang nakapagtatalik ang mga lalaki at babae at sa bacanalia na isang kapistahang pagano para sa karangalan ni Baco na diyos ng alak. Pinag-iisip tayo rito ni Pilosopo Tasyo ² bakit sa mga kapistahan na ang pinararangalan ay mga santo ² samantalang ang pagbibili ng laman, at lasingan ay magkasama. Wala kahit bahagyang kabanalan sa isang kapistahan na ang hinahanap ay ang espiritu ng alak at hindi ang ispiritwalidad na hinahanap ng mga kaluluwang uhaw sa pagkalinga ng isang tunay na Diyos. Ipinadarama ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa na ang kapistahan ay isinasagawa ng mga Pilipino upang lunurin ang ating mga hinagpis. Katulad ito ng matandang kaugalian sa Roma, na sa panahon na may diskontento ang mga tao ay nagdaraos ng mga circus at iba pang anyo ng mga pagtatanghal na maaring makalimot sa karaingan ng bayan.

364

papaano, ´aking ipinagtanggol nguni·t ano ang magagawa ko sa kura at sa kapitan?µ ´Magbitiw sa tungkulin!µ ang sagot ng pilosopo, at lumayo na. Si Don Filipo ay napatanga, na sinundan ng tingin ang matanda. ´Magbitiw!µ ang bulong niya, samantalang papunta sa simbahan, ´magbitiw! Oo nga! Kung ang katungkulan sanang ito ay isang karangalan at hindi isang pasanin, ay oo na, ako ay magbibitiw!µ7 = Puno na ng mga tao ang patyo ng simbahan: mga babae at lalake, bata at matanda, na nakabihis ng kanilang pinakamainam na kasuotanay magkakahalong labas-masok sa makipot na pinto. Nangangamoy ang pulbura, bulaklak, kamanyang, pabango; ang mga bomba, kuwitis at buscapies8 ay dahilan sa kakatakutan ay napapatakbo at napapasigaw ang mga babae, at nagpapatawa sa mga bata. Isang banda ng musiko ang tumutugtog sa tapat ng kumbento, ang isa naman ay naghahatid sa mga maykapangyarihan sa bayan, ang ilan ay lumilibot sa mga lansangan na kinalalaylayan at niwawagaywayan ng mga banderitas. Liwanag at matitingkad na kulay ang nakalilito sa mata, tugtugan at dagundong sa tainga. Ang mga kampana ay walang tigil sa pag-ripeke; salu-salubong ang mga karwahe at kalesa,9 ang mga kabayo ay minsan ay nagugulat,
7 Napagtatanto ni Don Filipo na ang kaniyang tungkulin ay higit na pasanin dahilan sa wala naman itong tunay na kapangyarihan, kundi ang maging sunud-sunuran lamang sa kagustuhan ng mga tunay na nakakataas. Makikita dito na pailalim na mungkahi ni Rizal noon pa man ang tinatawag nating autonomy para sa mga pinuno ng pamahalaang lokal. = Ang kabuuan ng paglalarawan sa talatang ito ay ang isang maanghan na pagpuna ni Rizal sa isang pagsambang walang kaayusan! Sa kabila ng napakaganda at detalyadong paglalarawan sa mga kaganapan sa loob at labas, maging ang kalapit na kapaligiran ng simbahan. Ginamit ni Rizal ang ganitong detalyadong paglalarawan upang maging salamin ng mga mambabasa sa kawalan ng kaayusan sa isang okasyon na dapat sanang maging isang pagsambang pangkabanalan. 8 Paputok na dikit-dikit at kapag sinidihan ay puputok ng sunod-sunod ² tinatawag ito ngayon na sinturon ni Judas. Pansinin na Habang nagmimisa ay nagpapaputok sa labas ng simbahan. 9 Mapupuna na noon pa mang kapanahunang ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas ay nagkakaroon na nang pagsisikip ng trapiko sa panahon ng kapistahan.

365

nangagdadambahan, sumisipang nakatayo ang mga unahang paa, bagay na kahit wala sa palatuntunan ng kapistahan ay nagiging isang libreng panoorin at isa na lalong kahanga-hanga. Ang Hermano Mayor sa araw na ito ay nagpalakad ng mga utusan upang humanap ng mga panauhin sa lansangan, gaya noong nagbigay ng piging na sinabi sa Ebanghelyo. Inaanyayahang halos sapilitan ang lahat, upang tumikim ng sikulate, kape, tsa, matamis, atbp. Hindi miminsang ang pagaanyaya ay nagkaroon na tuloy ng anyong nag-aaway. Gagawin na ang misa-mayor, ang misang tinatawag na de dalmatica,10 gaya ng sa kahapon na binanggit ng tagapagbalita, ngunit ang ikinaiba lamang ngayon ay sa dahilang si Padre Salvi ang magmimisa at sa mga taong magsisimba ay kabilang ang alkalde sa lalawigan, na kasama ang maraming Kastila at mga matatalinong tao upang pakinggan si Padre Damaso na lubhang bantog sa lalawigan. Ang alperes man, na bagot na bagot na sa pakikinig ng mga sermon ni Padre Salvi, ay naroroon din upang ipakita ang kanyang mabuting kalooban at makaganti, kung mangyayari, sa mga masasamang sandali na ipinadanas sa kanya ng kura.11 Napakatanyag ang kabantugan ni Padre Damaso kaya hindi pa man nagsesermon ay isinulat na ng tagapagbalita sa namamahala ng pahayagan ang ganito: 12 ´Gaya ng aking sinabi sa inyo, sa aking masasamang hanay na talata kahapon, ay gayon nga ang nangyari. Nagkaroon kami ng dakilang kapalaran na mapakinggan ang kagalang-galang na si Padre Damaso Verdolagas, na dating kura rito at nalipat sa ibang bayang lalong malaki, bilang gantimpala sa kanyang mabuting paglilingkod.13 Lumagay sa luklukan ng Espiritu Santo
10 Damit ng nagmimisa na mahabang kola, maluwang ang mga manggas, at nagwawaring isang krus kung nakabuka. 11 Ang pagdalo ng Alperes sa misa ay pakitang tao lamang. 12 Gawa na ang balita ay hindi pa nagaganap ang kaniyang iniuulat. Mauugat dito ang ugali ng mga Press Release ng pamahalaan ² habang isinasaplano pa lamang ang proyekto ay nakahanda na ang papuri at magandang balita ukol dito. 13 Sa ulat si Pray Damaso na inalis sa bayan ng San Diego para sa promosyon ² itinatago ang tunay na dahilan ng kaniyang pagkaka-alis sa

366

ang dakilang mananalumpati tungkol sa pananampalataya, at bumigkas ng isang mainam at makahulugang sermon na nakaakit at nakapagpahanga sa lahat ng nagsisimba na naghihintay na makitang lumabas sa kanyang mga labi ang malunas na batis ng buhay na walang hanggan. Kadakilaan sa mga banggit, kapangahasan sa mga haka, kabaguhan sa mga salita, karingalan sa pagsasaysay, kaayusan sa kilos, kainamang mangusap, kakisigan sa mga tungo, ang mga hiyas nitong Bossuet na Kastila, na karapat-dapat nga sa hayag niyang kabantugan, di lamang sa matatalinong Kastila, kundi pati sa mga walang pitagang Indio at mga tusong Insik.µ Gayunman, kamuntik nang napilitan ang tiwalang tagapagbalita na baguhin ang lahat ng naisulat. Nagpahiwatig si Padre Damaso na siya ay namamalat nang kaunti dahil sa nadapuan siya ng sipon nang gabing nakaraan: matapos na makaawit ng ilang masasayang awitin ay kumain siya ng tatlong kopang sorbetes at nanood sandali ng palabas.14 Dahil dito ay inisip na huwag na siya ang maghatid ng salita ng Diyos sa mga tao, ngunit sa dahilang walang matagpuang iba na nakapagaral sa buhay at mga milagro ni San Diego, tunay nga at ang kura ay nakaaalam noon, ngunit magmimisa naman, ay pinagkaisahan ng lahat ng pari na mabuting lubos ang tunog ng boses ni Padre Damaso at kahina-hinayang kung hindi bibigkas ang gayong kainam na sermong nasulat at napag-aralan na. Kaya ipinaghanda siya ng ama de llaves ng mga limonada, pinahiran ng mga unguento at langis ang kanyang dibdib at leeg, binalot siya nang makakapal na kumot, hinilot, at iba·t iba pa.15 Si Padre Damaso ay uminom ng ilang itlog na hilaw, na inihalo sa alak, at sa buong umaga ay hindi nag-agahan; bahagya nang uminom ng isang basong gatas, isang tasang sikulate at mga labindalawang biskotso16 at buong tapang na iniwan ang kanyang piniritong manok at kalahating kesong Laguna na kinakain sa tuwing umaga, sapagkat alinsunod sa sabi ng ´amaµ ay may asin at mantika raw ang manok at ang keso, at nakapagpapatindi ng
San Diego. 14 Ikaw man ang magkakanta, kumain ng maraming ice cream at magpalamig ka pa sa labas ng bahay ² ewan lang kung hindi ka sipunin at malatin. 15 Ipinapakita rito ang isang matandang paraan sa paggagamot ng ubo sa Pilipinas. 16 Talagang napakatalas magpatawa ni Rizal ² sa lagay palang iyon ay hindi pa nag-almusal si Pray Damaso.

367

ubo. Ang lahat ng iyon ay ginawa niya upang matamo natin ang kalangitan at tayo ay mapabuti ang kalagayan!µ ang sabing halos napapaiyak ng mga babaeng kapatid sa V.O.T. nang mabatid ang gayong mga pagtitiis.17 ´Pinarusahan siya ng Birhen de la Paz!µ ang bulungan naman ng mga babaeng kapatid sa Santisimo Rosario na hindi maipatawad sa kanya ang ginawang pagkampi sa kanilang mga kalaban.18 Ikawalo at kalahati, lumabas ang prusisyon sa lilim ng toldang lona. Katulad din ng kahapon, kahit may isang kaibahan: ang kapisanan ng V.O.T., mga matatandang lalake at babae at ilang bata-batang babae, na tungo sa pagtanda ay nakasuot ng mahahabang abitong; ang suot ng mga maralita ay kayong magaspang, ang suot ng mga may-salapi ay sutla o kaya ay ang tinatawag na ginggong Pransiskano dahil sa iyon ang karaniwang gamitin ng mga prayleng Pransiskano.19 Ang lahat ng mga abitong iyon ay tunay na abitong galing sa kumbento sa Maynila, na ipinagbibili sa bayan sa pamamagitan ng fix price, kung gamitin ang salitang tindahan. Ang presyo ay maaring dagdagan ngunit hindi maaaring tawaran. Gaya rin ng mga abitong ito ay may ipinagbibili sa kumbento ring iyon at sa kumbento ng Sta. Clara, na bukod sa taglay na tanging biyayang nagkakaroon ng maraming indulehensiya ang bangkay na masuotan noon, ay taglay pa rin ang biyayang lalo pang tangi, na, lalo pang namamahal kung lalo pang luma, lalong sira at lalong hindi na magamit.20 Itinala namin ito dahil sa baka may isang maawaing

17 Isang paglalarawan ni Rizal sa kahangalan ng mga panatikong Pilipino sa kaniyang kapanahunan. 18 Ang hindi kakampi sa kapatiran ay mayroong masamang interpretasyon sa naging kaganapan kay Padre Damaso. Pansinin din sana ang patron na pagrusa ´Birhen de la Pazµ ² ibig sabihin ay Birhen ng Kapayapaan. Ipinapupuna na walang sinasayang na pangalan si Rizal na hindi mayroong mga nakatagong kahulugan. 19 Sa kasuotan ng mga mapanata sa simbahan ang paggaya sa kasuotan ng mga prayle. Isang pagpaparunggit ni Rizal na ang kabanalan ay ginagawa at hindi ginagaya ² ang kabanalan ay nasa kalooban at wala sa panlabas na kaayuan. 20 Ipinakita ni Rizal na ang mga taong simbahan ang nagpa-uso ng pagbibili ng mga damit na used clothing. Kabaligtaran lamang dahilan sa ang mga gamit na kasuotan sa ngayon ay murang nabibili samantalang noon mas luma ang damit na galing sa kumbento ay binibili ng mahal ng mga mapanatang Katoliko at mapansin sana na presyong walang tawad.

368

mambabasa na nangangailangan ng mga banal na labing iyon o kaya ay isang tusong magluluma sa Europa na nais na yumaman sa pamamagitan nang pagdadala sa Pilipinas ng isang bunton ng mga abitong may sulsi at marurumi, sapagkat maipagbibili ng labing anim na piso o higit pa ang bawat isa, alinsunod sa kanilang kalagayan.21 Si San Diego de Alcala ay nasa isang karo na may palamuting pilak. Ang santo ay payat, ang mukha at ulo·y garing, na ang anyo ay matigas at elegante, kahit na may malagong buhok na kulot na kahawig ng sa mga ita. Ang kanyang kasuotan ay sutla na may sabog na ginto.22 Ang kagalang-galang na Amang si San Francisco ay sumusunod, pagkatapos ay ang Birhen, gaya ng kahapon, ang kaibahan lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo.23 Datapwa·t kahit na walang magandang tindig ang unang paring tinuran ay may anyo namang banal: ang mga kamay ay nakadaop na anyong nananalangin, nakatungo, at lumalakad na nakaukod nang kaunti. Ang mga may dala ng palyo ay ang mga kabesa rin na pinagpapawisan sa kasiyahang-loob dahil sa nagagampanan nila ang maging parang sakristan, maniningil ng buwis, tagatubos ng mga taong bulakbol at maralita, at dahil dito ay mga Cristong nagdudulot ng kanilang dugo dahil sa kasalanan ng iba.24 Ang koadhutor, na naka sobrepelliz ay
Maaring basahin ang Kabanata 11 ukol sa mga ipinagbibiling mga abito mula sa mga namatay na pare. 21 Niyaya ni Rizal ang mga mambabasang Europeo na mamuhunan sa mga lumang abito na maaring pagkakitaan ng malaki sa Pilipinas. Nakakatuwang isipin na ito ngayon ay nasusunod na ng mga Pilipino, sa anyo ng uka-ukay. 22 Ang santo ay nabuhay ng payak, nasa malabis na pagpapakababa, pagsunod at walang anumang luho sa katawan, ngunit ang kaniyang rebulto ay sinuutan ng mamahaling damit. Hindi kaya isang malaking insulto ito kay San Diego Alcala? 23 Si Padre Salvi ay nasa ilalim ng palyo ² hindi na naawa sa mga naiinitang santo at mga taong nagdadala ng palyo. 24 ISANG MALALIM NA PAGBATIKOS NI RIZAL NA NAKATAGO SA SIMBOLISMO. Ang mga cabeza de barangay ay siyang pinakamababang pinuno sa kaayusan ng kolonyal na pamahalaan at dahilan dito ang lahat ng mabibigat na gampanin ay sa kanila nakaatang ang paniningil ng buwis sa kanilang nasasakupan. Kapag hindi nakasingil ay sa ilang tao ay sila ang nagpapaluwal ng bayad ng ito. Dahilan dito ay patudyong sinabi ni Rizal na ang cabeza de barangay ay mga Cristong tumutubos sa kasalanan ng iba.Mapansin na maging sa kaayusan ng prusisyon ay

369

paga-gala at payao·t sa mga karo na dala ang incensario at dinudulutang maminsan-minsan ng usok nito ang ilong ng kura na kung mangyayari ang gayon ay lalo pang nag-aanyong walang kapingas-pingas.25 Ang prusisyon ay lumalakad nang marahan at banayad na sinasabayan ng mga paputok, awit at malumanay na tunog na itinatapon ng mga banda ng musiko na sumusunod sa bawat karo. Samantala naman ay namamahagi nang buong liksi ang Hermano Mayor ng kandila na naiuuwing may ilaw sa kanilang mga bahay ng maraming nagsisiilaw upang magamit ng apat na gabi samantalang nagsusugal.26 Marubdob na nagsisi-luhod ang mga nanonood pagdaraan ng karo ng Ina ng Diyos at matimping nagdarasal sila ng mga credo at mga salve. Sa tapat ng isang bahay na sa kanyang mga bintana ay may mga mariringal na kurtina, na kinadudungawan ng alkalde, ni Kapitan Tiyago, ni Maria Clara, ni Ibarra, ilang Kastila at mga dalaga, ay huminto ang karo; napataas ang tingin ni Padre Salvi, ngunit hindi nalarawan sa kanyang mukha ang anumang anyong pagbati o sila ay nakilala man lamang; walang ginawa kundi ang tumayo ng higit na tuwid
makikita ang lupit ng pagkukumpara ni Rizal ng simbolikal sa aktwal na kalagayan ng cabeza de barangay. Simbolismo ² ang mga cabeza de barangay ang nagdadala ng palyo o toldang kinasisilungan ng prayle sa kabila ng hirap at pagiging inconvinience ng nasabing gawain, samantalang nagiginhawahan ang prayle na nasisilungan nito. Aktwalidad ² ang mga cabeza de barangay ang naatasan na maningil ng buwis sa kanilang mga nasasakupan sa baryo. Ang listahan ng mga sisingilin ay naayon sa talaan ng kura-paroko. Sa dahilang ang allowance ng kura paroko mula sa gobyernong kolonyal ay nakabatay sa populasyon ng isang bayan, ang kura paroko ay malimit na hindi inaalis sa listahan ang mga taong namatay o lumipat na sa ibang lugar. Sapagkat walang magbabayad sa mga taong namatay at lumipat, ang cabeza de barangay ang nagpapaluwal sa mga ito. 25 Sa simbolismo ng isang koadhutor na pagala-gala sa mga karo na may dalang incensario at nagpapausok at ang amoy ay nakakarating sa prayle ay nagdadagdag sa kawalang kapingas-pingas nitong anyo. Aktwalidad - Pagala-gala ang ko-adhutor na ang ibig sabihin ay siya ang gumaganap ng mga gawaing pansimbahan sa malalayong lugar ng parokya at maging sa mga mahihirap na gawaing pasimbahan. Na sa pagganap ng nasabing katungkulan, ang prayle ang higit na nakikinabang sa katanyagan sa gawain at paghihirap ng mga paring Pilipino. 26 Ang kandila na inaakalang magagamit sa kabanalan, subalit gagamitin sa sugalan.

370

upang kaniyang capa ay bumalabal na lubhang maayos at makisig sa kanyang balikat. Sa daan, sa tapat ng bintana, ay may isang babaeng may kabataan pa, na ang may maayos na mukha, magara ang suot at may kilik na isang sanggol na lalake. Siya ay yaya marahil sapagkat ang bata ay maputi at bulagaw, at ang babae ay kayumanggi at ang buhok ay maitim pa kaysa azabache. Nang makita ang kura ay inilahad ng bata ang mumunting kamay, tumawa nang tawang-batang hindi nagiging sanhi ng sakit, ni hindi naman gawa nito, at nagsisigaw na pautal, sa gitna ng katahimikan, ng: ´Ta«ta! Tata! Tata!µ27 Ang babae ay nanginig, biglang tinakpan nang kanyang kamay ang bibig ng bata at lumayong patakbo na litung-lito. Ang bata ay nag-iiyak. Ang mga may-masasamang akala ay nagkindatan, at ang mga Kastilang nakamalas sa munting pangyayaring iyon ay nangagngitian. Ang karaniwang pamumutla ni Padre Salvi ay napalitan ng kulay-saga. Datapwa·t gayunman ay walang katwirang maghinala ang tao: hindi man lamang kilala ng kura ang babaeng nabanggit, na isang napadalo lamang sa bayang iyon.28

27 Labis ang kapilyuhan ni Rizal maging sa pagbibiro, pinag-iisip pa niya ang kaniyang mambabasa kung ang babae ay yaya ng sanggol na maputi ang kulay ng balat at sa pagdaan ng prusisyon at sa pagkakita ng sanggol kay Padre Salvi ay nagsabi ng Ta... ta... ta... ta« ay tumakbo ang babae. Sa kabilang dako walang kinalaman si Padre Salvi sa pagsipot ng sanggol na ito sa daigdig dahil kung siya ay isang lihim na ama ay magdadalawang isip siya bago niya napatay si Crispin. Maaring kaya lamang nasabi ng maputing sanggol ang salitang ta« ta... ta« ay nasanay na alagaan, kalingain, at pag-ukulan ng pagmamahal ng isang nilalang na katulad ni Padre Salvi sa kasuotan. 28 Makikita ang pagpapatawa at pag-iwas ni Rizal, pagkatapos na maipahiwatig ang isang milagro ng mga prayle ay nandoon naman ang bilis ng pagbawi.

371