KABANATA 32 ANG KALO

Tinupad ng lalaking dilaw ang kaniyang pangako: hindi isang maliit na kalo lamang ang itinayo sa ibabaw ng hukay upang ibaba ang malaking batong-buhay: hindi ang tripode na inakala ni Ñor Juan na pagsasabitan ng pulley, higit kaysa rito: iyo·y isang makina, isang palamuti, nguni·t isang malaki at kahanga-hangang palamuti. May mga walong metro ang taas ng mga pasikut-sikot na andamyo: apat na malalaking haligi na nakabaon sa lupa, at nangagkakabit sa tulong ng mga pahalang, na ang mga pako ay kalahati lamang ang nakabaon, sa dahilang sapagka·t iyon ay pansamantala lamang ay nang hindi lubhang mahirapan sa pagaalis. Malaking lubid na nangakasabit ay nagbibigay-anyong malaki at matibay sa kabuuan, na may nakalagay sa ibabaw na mga banderitas na may sari-saring kulay, mga palamuting pinagagalaw ng hangin at malalaking tungkos na bulaklak at mga dahon na mainam ang pagkakatali.1 Sa itaas, sa lilim ng mga haligi, ay may mga tahi-tahing bulaklak at mga banderitas, at nakabitin sa mga lubid at mga kawit na bakal ang isang malaking kalo na may tatlong gulong na dinadaanan ng tatlong lubid na malalaki kaysa iba, na siyang pumipigil sa malaking bato na may hukay sa gitna upang sa pagkakadaop sa isa pang batong nasa hukay na, ay magkaroon silang dalawa ng sukat pagkalagyan ng kasaysayan ng kapanahunan, gaya ng mga pahayagan, mga kasulatan, mga salapi, mga medalya, atbp., at marahil ay siyang magbabalita sa darating na panahon.2 Ang mga lubid na tinuran ay mula sa itaas hanggang ibaba, dumadaan sa isa pang kalo na nasa dakong
MGA PALIWANAG 1 Makikita ang husay sa pagdedetalye sa kalo ² parang si Rizal ay nandoon na may dalang metrong panukat at tiniyak ang sukat at kaanyuan nito. Malaman sana na isa sa mga artikulong isinulat ni Rizal ay ang ukol sa tamang sukat ng parapet. 2 Ang ilalagay ay tinatawag na time capsule ² isang metal na lalagyan na anyong kapsula na lagayan ng mga ala-ala ng kapanahunan noong itinatayo pa ang gusali. Nilalayon nito na sa pagdating ng malayong panahon kapag ganap ng wala ang gusali o mga henerasyon na kasabay ng gusali ay mahukay upang maunawaan ng mga darating na panahon ang paraan ng pamumuhay ng mga tao noon.

397

paanan at napipilipit sa isang bilog na pang-ikit na nababaon sa lupa. Ang pang-ikit na ito, na nagpapagalaw dahil sa dalawang pampakilos ay nagpapaibayo ng lakas dahil naman sa ilang gulong na may ngipin kahit tunay na ang napapala sa lakas ay nawawala dahil sa kabagalan. ´Tingnan ninyo,µ ang sabi ng taong naninilaw samantalang iniipit ang pampakilos, ´tingnan ninyo Ñor Juan, at sa sarili ko lamang ay napatataas at napabababa ang batong malaki«Napakainam ang pagkakagawa, na mangyayaring sukatan ang itataas o ibababa, kaya·t mangyayaring kahi·t iisang taong nasa ilalim ay makapaglalapat sa dalawang bato, samantalang iniaayos ko buhat dito.3 Si Ñor Juan ay humahanga sa taong iyon na may kakaibang ngiti. Ang mga nanonood ay nagbubulung-bulungan at pinupuri ang lalaking madilaw. ´Sino ang nagturo sa inyo ng makinarya?µ ang tanong sa kanya ni Ñor Juan. Ang aking ama, ang nasira kong ama!µ ang sagot na sabay sa kanyang katangi-tanging ngiti. ´At sa inyong ama«?µ ´Si Don Saturnino, ang lolo ni Ginoong Crisostomo.µ ´Hindi ko alam na si Don Saturnino«µ ´Ah! Maraming nalalaman! Hindi lamang mabuting mamalo at magbilad sa araw ang kanyang mga trabahador; marunong din namang gumising sa mga nakakatulog at magpatulog sa mga nagigising. Makikita rin ninyo, balang araw, ang itinuro sa akin ng aking ama, makikita ninyo!µ4 At ang taong madilaw ay ngumingiti, sa paraang kakaiba. Sa ibabaw ng isang mesa, na natatakpan ng isang panaping gawa sa Persiya, nakalagay ang sisidlang tingga at ang mga bagaybagay na itatago sa baunang iyon: isang kahang kristal na makapal ang siyang magtatago upang umabot sa mga darating na panahon ang mga alaala ng nakaraan. Ang pilosopong si Tasyo na nagbubulay-bulay sa mga dakong iyon ay bumubulong:

3 Ang taong dilaw ang tunay na may kontrol sa bato na nakasabit sa kalo. 4 Mula sa pananalita ng taong dilaw ay mababakas ang kalupitan ni D. Saturnino at ang kaniyang lihim na balakin ay mayroong motibo ng paghihiganti.

398

´Marahil, balang araw, kapag ang gusaling ito na ngayon ay sinisimulan, ay gawa na, at sa pagdating ng panahon dahil sa katandaan, pagkatapos dumaan ang maraming kasawian ay bumagsak at magkadurug-durog dahil sa hampas ng Kalikasan (lindol at bagyo) o sa mapanirang kamay ng tao, at sa ibabaw ng mga guho ay tumubo ang mga baging at damo; pagkatapos, kapag pinawi na nang panahon ang baging at damo, at napulbos na ang mga batong guho at ikalat ng hangin ang kanyang mga abo at malimutan na sa mga pahina ng Kasaysayan ang alaala tungkol sa kanya at sa mga taong sa kanya ay gumawa, na matagal nang nalimot ng tao; marahil, kapag ang mga lipi ay nangalibing na at nawala na kasama ng balat ng lupa, ay mailalabas sa loob ng bato ang mga lihim at talinhaga, kung matamaan ng panghukay ng isang minero ang bato, dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon.5 Marahil, ang mga pantas ng isang bansa na maninirahan sa mga pook na ito ay magsasagawa, katulad ng mga pagsisiyasat Ehiptologo6 sa mga guho ng isang dakilang kabihasnan na abala sa pag-aabala sa pag-aalaala ng walang katapusang buhay at hindi nagsuspetsa na lalatag sa kanya ang isang mahabang gabi. Marahil, ang isang matalinong guro ay magsabi sa kanyang mga tinuturuang may mga lima o pitong taong gulang sa pamamagitan ng isang wikang ginagamit na ng Sangkatauhan, na: ´Mga ginoo!7 Sa masusing pagsisiyasat sa mga bagay-bagay
5 Mapapansin sa bahaging ito ng kabanata ang bisyon ni Pilosopo Tasyo, kaniyang inilalarawan ang pagsapit ng isang malayong panahon. Mula sa mga pananalita na ginamit ni Rizal sa bisyon ni Pilosopo Tasyo ay mababakas ang inpluwensiya ng manunulat na si Jules Verne kay Rizal. 6 Egyptologist ² mga eksperto sa pag-aaral ng matandang kabihasnan ng Ehipto. 7 Dito ay mapapansin sa scenario ni Pilosopo Tasyo ang mga sumusunod: isang pandaigdigang wika na gagamitin ng sangkatauhan at ang edad ng tinuturuan ng guro ay 5 at 6 na taon gulang lamang, ngunit mahalata kung gaano kabigat ang aralin at kaseryoso ang talakayan sa loob ng klase at mapapansin na ang guro sa kabila ng kabataan ng kaniyang mga mag-aaral ay nandoon ang pormal na pagbati at pagtukoy sa kanila. Isang paaralan ng mga matatalinong bata ng kinabukasan. Ang ginamit na pagbati ng guro sa kaniyang mga batang mag-aaral nang ´mga ginooµ ay isang paraan ng pagpaparamdam ni Rizal na ang mga guro ay dapat tratuhin na may mataas na

399

na nakuha sa ilalim ng ating lupa, matapos na ang kahulugan ng ilang letra at maisalin sa ilang salita ay maari nating masapantaha, nang walang anumang pangamba, na ang mga bagay-bagay na iyon ay yari sa panahong ang mga tao ay mga wala pang muwang sa madilim na kapanahunang madalas nating tawaging panahong maalamat.8 At upang maisip ninyo ang pagiging huli ng ating ninuno9 ay sukat nang sabihin ko sa inyo na ang mga naninirahan dito ay hindi lamang kumikilala sa mga hari upang mahusay ang kanilang mga lokal na pamamalakad ay nagtutungo pa sila sa kabilang dako ng mundo, na tulad sa isang katawan na upang makagalaw ay kailangang sumangguni muna sa kanyang ulo na nasa kabilang lupalop,10 marahil ay sa pook na natatabunan ngayon ng mga alon. Ang halos hindi mapaniwalaang depektong ito, kahit na sa akala ninyo ay hindi mangyayari, ay inyong paniniwalian kung pag-iisipan ang kalagayan ng mga nilalang na iyon na bahagya nang matatawag na tao! Sa matandang panahong iyon, ang mga nilikhang ito ay nakikipag-alam pa sa Lumalang sa kanila (o kung di man tunay ang gayon ay iyon ang kanilang pananalig)11 sapagkat sila ay
pagrespeto ang mga mag-aaral ² ang kawalan ng isang guro ng pagrespeto sa kaniyang mga mag-aaral ang salik upang tingnan niya ang kaniyang mga tinuturuan na mahihina. Sa isang silid-aralan na ang guro ay may respeto at pagtitiwala sa kakayahan ng kaniyang mga tinuturuan ay doon sumisibol ang mga kabataang may malayong mararating ang kaalaman. 8 Sa scenario ni Pilosopo Tasyo na ang ´kasalukuyanµ ay makikita palaging bilang nakaraan ² tandaan na ang ´kasalukuyanµ sa pagdating ng panahon ay matatapuan sa malayong kahapon at ang bukas ay palaging nagiging sa salitang ´kasalukuyan.µ 9 Ang katotohanan sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya ay ninais ng maraming mga prayle na tayo ay maging huli sa kaalaman. Ipinakita nila sa ating mga ninuno na mahina tayo, hindi natin kayang malaman ang mga komplikadong mga bagay. Ito ay dahilan sa natatakot ang mga prayle na ang mga Pilipino ay makabasa ng mga anti-prayleng at liberal na babasahin na nakasulat sa wikang Espanyol. 10 Malayo ang ulo sa katawan ² kailangan pa nang pag-sang-ayon ng nasa Espanya bago maipatupad sa Pilipinas ang ilang mga programa. Sa ating panahon ay hindi na ganoon ² dahilan sa malapit na lang ang embahada ng makapangyarihang bansa, subalit bago magkadigma ay may ilang mga panahon na nagpupunta rin ang mga opisyal na Pilipino sa Washington DC, kaya nagkaroon ng konspeto ang mga Pilipino na ang mga mahuhusay na pangulo ng Pilipinas ay iyong malapit sa presidente ng Estados Unidos.

400

may mga kinatawan ng Diyos, mga taong may higit na katangian kaysa sa iba at kailanman ay ikinakabit sa kanilang pangalan ang mga misteryosong panitik na M.R.P.Fr. (Muy Reverendo Padre Fray) na pinagtatalunan ng ating mga pantas ang tunay na kahulugan. Ayon sa sabi ng isang hindi naman lubhang napakapantas nating guro ng mga wika, na walang nalalaman kundi may mga isang daang wika lamang sa mga di-wastong pananalita noong panahong lumipas, ang M.R.P. ay nangangahulugang Muy Rico Proprietario (Kung tatagalugin ang mga salitang Muy Rico Proprietario ay katimbang ng ´lubhang mayamang may-ariµ)12 sapagkat ang mga sinabing kinatawan ay tulad sa mga diyus-diyusan, mababait, mabuting mananalumpati, marurunong, at kahit na sila ay may malaking kapangyarihan ay pinananaligan ng tao na hindi sila nakagagawa nang kahit maliit man lamang na pagkakasala, kahit kailan, bagay na nagpapatibay sa aking paniniwala sa paghahakang sila·y mga taong di-kagaya ng iba.13 At kung ito ay hindi pa sapat upang magpatibay sa aking sabi ay mayroon pa akong isang katwiran na hindi mapapabulaanan ng sinuman at lalong lalo pang napagtitibay sa bawat sandali, na ang mga nasabing mga tao ay nakapagpapababa sa lupa sa Diyos sa pamamagitan lamang ng pagbanggit nila ng ilang salita na hindi maaaring masabi ng Diyos kundi sa pamamagitan ng kanilang bibig, ang Diyos ay kanilang kinakain, iniinom nila ang dugo at malimit na ipinakakain din naman nila sa mga taong karaniwan«µ14
11 Pansinin mabuti ang bahaging ito ng sulat ni Rizal. Kayo na ang magbigay ng kahulugan. 12 Makikita ang galing ni Rizal sa pang-iinsulto ² sa pamamagitan ng scenario na ginagawa ni Pilosopo Tasyo ay nagawa niyang bigyan ng iba at parunggit ang panitik na ginagamit ng mga prayle sa harap ng kanilang pangalan. Patay Malisya pa nga si Rizal dahilan sa ang kaniyang kunwaring ginamit na may maling pakahulugan ay isang gurong hindi ganap na pantas pero sapol na sapol ang mga prayle dito. Ang historikal na katotohanan ng kayamanan ordeng relihiyoso sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya sa bansa ay nagkakahalaga ng $7,239,000 sa mga lupain lamang na ito ay binayaran ng United States Philippine Commission ayon sa ulat nito noong 1903. 13 Sa paraan ng pagsasalaysay ay ipinapakita ni Rizal na ang mga prayle sa kaniyang mga katangian ay walang pinag-iba sa mga pari ng matandang relihiyong pagano ng Ehipto, Mesopotamia, atbp. Na ginamit ang ispiritwal na kapangyarihan sa pagpapayaman ng kanilang sarili at ng kulto na kanilang kinabibilangan. 14 ´Kinakain at ipinakakain ang Diyosµ - kontra si Rizal sa ganitong

401

Ito at mga iba pang bagay ang inilalagay ng walang paniwalang pilosopo sa bibig ng mga bulok na tao sa darating na kapanahunan.15 Marahil ay mamamali ang matandang si Tasyo, bagay na hindi maaring mangyari, ngunit balikan natin ang ating salaysay. Sa mga kiyosko, na nakita natin kamakalawa, na kinaroroonan ng guro at ng kanyang mga bata, ay inihahanda ngayon ang isang agahang masarap at pasasa. Gayunman, sa hapag kainan na nakalaan sa mga bata sa paaralan ay walang bote ng alak, ngunit marami namang prutas. Sa balag na nagkakabit sa dalawang kiyosko nakalagay ang mga musiko at ang isang mesang na puno ng mga minatamis at mga matatamis na prutas, mga malalaking tapayan ng tubig na natatakpan ng mga dahon at bulaklak, na nakalaan sa mga uhaw na manonood. Ang guro sa paaralan ay nagpalagay ng mga palasebo, mga pabitin, nagpasabit ng mga kawali, mga palayok na laan sa mga palarong masasaya. Ang mga tao, na ang mga damit ay may masayang kulay sa pag-ilag sa init ng araw, ay nakaipon sa lilim ng mga puno o sa silong ng balag. Ang mga bata ay nag-aakyatan sa mga sanga, sa mga bato, upang makitang mabuti ang gagawin, at sa gayong paraan ay napagtatakpan nila ang kanilang kababaan; pinanonood nilang may kahalong pagka-inggit ang mga bata sa paaralan na malinis at maayos ang gayak, nakaupo sa pook na nakatalaga sa kanila. Ang mga magulang ay tuwang-tuwa: sila, mga dukhang tagabukid, ay makikita nila na ang kanilang mga anak ay kakaing may mantel na halos kagaya ng kura at ng alkalde.16 Sapat nang alalahanin ang gayon upang di makaramdam ng gutom at ang bagay na ito ay maikukuwento pa niya hanggang sa kaapu-apuhan. Di naglaon at narinig ang mga tugtog ng papalapit na musiko na pinamumunuan ng isang pangkat ng mga taong iba·t ibang gulang at nakasuot nang damit a sari-saring kulay. Ang taong madilaw ay hindi mapalagay at minalas, ang kanyang gagawin. Isang mapagsiyasat na tagabukid ang sumunod sa kanyang tinitingnan at pinonood ang lahat ng kanyang ikinikilos:
paniniwala ng simbahan. 15 Makikita rito ang kahusayan ni Rizal sa pag-iwas, ginawa niyang hindi naniniwala si Pilosopo Tasyo at ang mga darating na salinlahi ng tao ay may malalaswa ang isipan. 16 Sa anumang tagumpay ng anak ang mga magulang ang unang nagdiriwang.

402

ito ay si Elias na dumalo rin upang panoorin ang mga gagawin doon; dahil sa kanyang salakot at sa kanyang kasuotan ay halos hindi makilala. Pinili niya ang mabuting lugar, halos sa tabi ng kalo sa bukana ng hukay. Kasama ng musikong dumating ang alkalde, ang mga maykapangyarihan sa bayan, ang mga prayle, maliban lamang kay Padre Damaso, at ang mga kawaning Kastila. Kausap ni Ibarra ang unang alkalde, na kanyang naging kaibigan mula nang kanyang pinuri dahil sa mga medalya at dekorasyong taglay: ang pagmamataas ang siyang hilig ng alkalde.17 Si Kapitan Tiyago, ang alperes at ilang mayaman ang kasabay ng ng pulutong ng mga dalagang may payong na sutla. Si Padre Salvi ay gaya ng dati na walang imik at nag-iisip. ´Asahan ninyo ang aking tulong kailanman at ukol sa isang mabuting gawa,µ sabi ng alkalde kay Ibarra, ´bibigyan ko kayo ng lahat ng kakailanganin, at kung di man gayon ay gagawin kong mabigyan kayo ng ibang tao.µ Samantalang lumalapit ay nararamdaman ng binata ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Napatingin siya sa kakaibang balangkas na nakatayo; nakita ang taong dilaw na nagpugay sa kanya at tiningnan siyang sandali. Nabigla sa pagkakita kay Elias na sa tulong ng isang makahulugang kindat ay pinaalala ang babala sa kanya sa simbahan. Isinuot ng kura ang kanyang mga kasuotan at inumpisahan ang mga seremoya: hawak ng sakristang bulag ang isang mata ang aklat at isang bata/acolyte ang may hawak ng pangwisik at lalagyan ng agua bendita. Ang iba, sa paligid, nakatayo at walang sumbrero, ay walang kaimik-imik, na kahit mahina ang basa ay mapapansin ang panginginig ng boses ni Padre Salvi.18 Samantala ay inilagay na sa kahang kristal ang ang mga kasulatan, mga pahayagan, mga medalya, mga kuwalta, atbp« at lahat ay napaloob sa lagyang tingga na mahigpit ang pagkakalapat. ´Ginoong Ibarra, ibig ba ninyong ilagay ang kaha sa lalagyan? Hinihintay kayo ng kura!µ ang bulong ng alkalde sa tainga ng binata. ´Buong lugod po,µ ang sagot nito, ´subalit panghihimasukan ko sa marangal na katungkulan na iyan ang eskribano. Ang

17 Isa sa kahinaan ng mga Espanyol (at minana ng mga Pilipino) ang purihin ng labis. 18 Bakit nanginginig si Padre Salvi sa pagbabasa ² may alam kaya siya sa maaring mangyari?

403

ginoong eskribano ay siyang nararapat na magpatunay sa mga gagawin!µ Kinuha ng eskribano ang sisidlan, bumaba sa hagdang may alpombra patungo sa ilalim ng pundasyon at inilagay sa hukay ng bato. Nang magkagayon ayhinawakan ng kura ang pangwisik at winisikan ng agua bendita ang bato. Dumating ang sandali ng paglalagay ng bawat isa ng kanikanyang buhos sa gilid ng bato na nasa ilalim, upang kumapit ang batong pang-ibaba. Iniabot ni Ibarra sa alkalde ang isang panalok na pilak ng panday-bato, na sa dahon ay nakatala ang bilang ng taon at araw na iyon; ngunit bumigkas muna ng isang talumpati sa wikang Kastila ang marangal na alkalde. ´Mga mamamayan ng San Diego!µ ang sabing walang kapingas-pingas. ´Marangal naming pinangunguluhan sa ngayon ang isang seremonya na may isang malaking katuturan, na mababatid na ninyo ang kahulugan kahi·t hindi namin sabihin sa inyo. Nagtatayo ng isang paaralan; ang paaralan ay siyang gabayan ng lipunan ng mga tao, ang paaralan ay siyang aklat na kinatatalaan ng sasapitin sa kinabukasan ng mga bayan! Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng isang bayan at sasabihin namin kung anong bayan iyan.µ19 ´Mga mamamayan ng San Diego! Pasalamatan ninyo ang Diyos na nagkaloob sa inyo ng mababait na pari, at ang pamahalaan ng Inang Espanya na walang pagod na nagpapalaganap kabihasnan sa mga masaganang kapuluang ito, na nilililiman ng kanyang maluwalhating lambong! Pasalamatan ninyo ang Diyos na nahabag at dinalhan kayo ng mga may mapagkumbabang paring ito na nagpapaliwanag sa inyo at nagtuturo sa inyo ng mga banal na salita! Pasalamatan ninyo ang Pamahalaan na nakagawa ng maraming mabubuting bagay, gumagawa at gagawa pa ukol sa inyong mga anak!µ20 ´At ngayong binabasbasan ang unang bato ng mahalagang gusaling ito, kami, alkade mayor nitong lalawigan, sa ngalan ng Hari (pagpalain nawa ng Maykapal), sa ngalan ng maluwalhating
19 Kung ano ang kalagayan ng paaralan iyon din ang kalagayan ng bayan ² Ang isang bayan na hindi namumuhunan para sa pagkatuto ng kaniyang mga kabataan ay isang bayan na walang malayong patutunguhan. Sa kasaysayan ng mga bansa sa Timugang Asya (na mabilis na umiiwan sa atin sa karera ng kaunlaran) ay matutunghayan na bago nila natamo ang kaunlaran ng kanilang bayan ay namuhunan sila sa edukasyon ng kanilang mga kabataan. 20 Pansinin na nakalimutan ng alcalde na pasalamatan si Ibarra.

404

Pamahalaang Kastila at sa ilalim ng kanyang watawat na walang dungis at palaging mapagwagi.21 Karangalan namin sa sandaling na sinisimulan namin ang pagtatayo ng paaralan! Mga mamamayan sa San Diego mabuhay ang Hari! Mabuhay ang Espanya! Mabuhay ang mga pari! Mabuhay ang relihiyon Katolika!µ ´Mabuhay! Mabuhay!µ sagot ng maraming boses, ´mabuhay ang alkalde!µ

Matapos iyon ay dahan-dahan itong bumaba samantalang ang musiko ay tumutugtog; naglagay ng ilang sandok na buhangin at apog na nilusaw sa ibabaw ng bato,22 at gaya rin namang
21 Nagawa ni Rizal na ipasok ang pang-iinsulto nang sabihin niya ´laging mapagwaging bandilaµ ang katotohanan noon pa mang ika -18 siglo ay nagsimula ng manghina ang Espanya at sa siglo -19 ay naghimagsik na ang kaniyang mga kolonya sa Timugang Amerika. Sa panahon ni Rizal, ang natira lamang sa Espanya ay ang Pilipinas, Cuba, at Puerto Rico. Ang isang papuring walang katotohanan, ay isang maskaradong insulto. Sa isang talumpati ni Rizal para sa karangalan nina Luna at Hidalgo noong 1884 ay patagong binanggit ni Rizal sa magandang paghahanay ng mga salita ang katagang basahang ginintuan at pula ² na tumutukoy sa bandila ng Espanya. 22 Naipakita ni Rizal ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng gusaling bato. Ang buhangin at apog ang siyang katapat ng ating simiento.

405

bumaba ay umakyat nang tuwid na tuwid ang katawan. Nagpalakpakan ang mga kawani. Inabutan ni Ibarra ng isa pang panandok pilak ang kura, na matapos siyang matitigang sandali ay unti-unting pumanaog. Sa kalagitnaan na ng hagdan ay itinaas ang mata upang tingnan ang batong nakabitin at natatalian ng malaking lubid, ngunit sandaling- lamang ang itinagal ng kanyang tingin at ipinatuloy ang pagbaba.23 Ginayahan ang ginawa ng alkalde, ngunit ang palakpakang nadinig ay mas malakas kaysa una: sa mga kawani ay nadagdag ang ilang prayle at si Kapitan Tiyago. Parang si Padre Salvi ay naghanap nang pag-aabutan ng panandok; tiningnang parang alinlangan si Maria Clara, ngunit nagbago ng loob at iniabot sa eskribano. Ang mga prayle, ang mga kawani, at ang alperes ay sunud-sunod na nagsibabang lahat. Si Kapitan Tiyago ay hindi naligtaan. Si Ibarra na lamang natitira, at iniutos na sanang ipababa sa lalakeng madilaw ang bato nang maalala ng kura ang binata at pabirong pinagsabihang: ´Hindi ba kayo maglalagay ng inyo namang sandok, Ginoong Ibarra?µ24 ´Hindi po, mangyayari ako na ang nagbayo, ako ang nagsaing, at ako pa rin ang kakain!µ ang sagot ng tinukoy na pabiro rin. ´Sulong na kayo!µ ang sabi ng alkalde na marahan siyang iniaboy, ´kung hindi, ay ipag-uutos kong huwag ibaba ang bato at hindi tayo maaalis dito hanggang sa araw ng paghuhukom.µ 25 Sa harap ng gayong babala ay napilitang sumunod si Ibarra. Pinalitan ang munting panandok na pilak ng isang malaking panalok na bakal, bagay na ikinapangiti ng ilang tao,26 at palagay ang loob na bumaba. Tinitingnan siya ni Elias nang tinging di-maunawaanang ibig sabihin; kung may makamamalas sa kanya ay magwiwikang ang buong buhay niya ay nasa paningin nang mga sandaling iyon. Ang lalakeng madilaw ay nakatingin sa hukay na nasa kanyang paanan. Matapos na matingnang sandali ni Ibarra ang bato na nakabitin sa kanyang ulunan, si Elias at ang taong madilaw, ay nagsabing ang boses ay
23 Talagang mukhang maingat siya sa bato na nasa kalo. 24 Pansinin na si Padre Salvi pa ang nag-anyaya kay Ibarra na maglagay ng sandok para sa panulukang bato. 25 Hanggang araw ng paghuhukom - Tigas naman ng utos ng alcalde parang walang kamatayan. 26 Pagpapakita ng pagiging karaniwang tao ² ang ginamit ni Ibarra ay ang gamit ng mga manggagawa. O isang pagpapakita ni Rizal ng ideal na tinataglay ng mga samahang Freemason?

406

nanginginig nang kaunti kay Ñor Juan. ´Ibigay ninyo sa akin ang balsa at ihanap ninyo ako ng isa pang panandok sa itaas!µ Ang binata·y nag-isa. Hindi na siya ang tinitingnan ni Elias; ang mga mata nito ay nakapako sa kamay ng taong madilaw na nakatungo sa hukay at tinitingnan ang mga galaw ng binata.27 Sa gitna ng alingawngaw ng mga kawaning bumabati sa alkalde dahil sa talumpati nito ay naririnig ang tunog ng panandok na inihahalukay sa magkahalong apog at buhangin. Biglang narinig ang malakas na ingay: ang kalo, na natatali sa salang-kupit na kawayan, ay napatid at sumunod doon ang pang-ikit ay pumalo nang buong lakas sa kasangkapan, umuga ang mga kahoy, kumalas ang mga panali at maugong na bumagsak sa loob lamang ng isang kisap-mata. Isang ulap ng alikabok ang pumaitaas; isang nakapangingilabot na sigawan ng libong katao ang nadinig. Lahat halos ay nagtakbuhang palayo, ilan lamang ang lumapit sa hukay. Si Maria Clara at si Padre Salvi lamang ang naiwan sa kanilang kinalalagyan, na hindinakakilos at makapagsalita.28 Nang ang ulap ng alikabok ay bahagyang napawi, nakita si Ibarra na nakatayong napapalibutan ng mga nakahambalang na mga haligi, kawayan, lubid, sa pagitan ng malaking bato at ng pang-ikit na nang bumagsak ay nakapagpagalaw at dumurog sa lahat ng tinamaan. Hwak pa ng binata ang panandok at gulat na tinitingnan ang bangkay ng isang taong na nasa kanyang paanan at halos nakabaon sa mga haligi. ´Hindi ba kayo namatay? Buhay pa ba kayo? Alang-alang sa Diyos, magsalita kayo!µ sabi ng ilang kawani na puno ng at pag-uusisa at pagmamalasakit. ´Milagro! Milagro!µ ang sigaw ng ilan. ´Halikayo at iahon ang bangkay ng kaawa-awang taong ito!µ sabi ni Ibarra na waring nagising. Nang madinig ang kanyang boses ay naramdaman ni Maria Clara na siya ay nawawalan ng lakas at napahilig, na halos walang ulirat, sa mga bisig ng kanyang mga kaibigan. Isang malaking kaguluhan ang naghari doon: lahat ay nagsasalita, nagkukumpayan, nagtatakbuhang pabalik-balik, nagbababaan sa hukay, nag-aakyatan; lahat ay lito at sindak.

27 Binabantayan ni Elias ang mata ng taong dilaw habang ang huli ay tinitingnan si Ibarra (inaasinta ng ibabagsak na bato). At ang paningin ni Elias nakatitig sa kamay ng taong dilaw. 28 Si Maria Clara ay hindi makakilos sa kaniyang kinalalagyan dahilan sa nabigla sa nangyari sa kaniyang kasintahan. Si Padre Salvi ay dahilan kaya sa siya ay mayroong tunay na kinalaman sa krimen.

407

´Sino ang patay? Buhay pa ba?µ ang tanong ng alperes. Siniyasat ang bangkay ng lalakeng madilaw na nakatayo sa tabi ng ikiran. ´Isakdal ang namahala sa paggawa!µ29 ang unang nasabi ng alkalde. Kinilala ang bangkay, dinama ang dibdib, nguni·t hindi na tumitibok ang puso! Inabutan siya ng bagsak sa ulo at nilabasan ng dugo sa ilong, sa bibig, at sa tainga. Nakitaan ng bakas na dimawari sa leeg: apat sa isang dako at isang malaki-laki sa kabila: sinumang makamalas noon ay maghihinalang isang kamay na bakal ang sa kanya ay umipit.30 Dinulutan ng maligayang bati ng mga pari ang binata at kinamayan. Anang Pransiskano na may anyong mabait, na naluluha, na naging Espiritu Santo (ito ang tagadikta kanina sa sermon) ni Padre Damaso, ay: ´Ang Diyos ay tapat, ang Diyos ay mabuti!µ31 ´Kung naalaala kong di pa kanina lang ako ay naririyan!µ ang sabi ng isang kawani kay Ibarra, ´at kung ako ang naging huli, Jesus!µ ´Nagtatayuan ang aking mga buhok sa takot!µ sabi naman ng isang kawani na halos makakalbo na. ´Salamat na lamang, sa inyo nangyari at hindi sa akin!µ bulong ng isang matandang nanginginig. ´Don Pascual!µ ang sabi ng ilang Kastila. ´Mga ginoo, nasabi ko iyon, sapagkat hindi siya namatay: kung sa akin nangyari iyan, kahit hindi ako natiris ay mamamatay din ako, maalala lamang ang pangyayari.µ Nguni·t si Ibarra ay malayo na at inaalam ang kalagayan ni Maria Clara. ´Huwag makasira ito sa pagpapatuloy ng kasayahan, Ginoong Ibarra!µ sabi ng alkalde. ´Salamat sa Diyos! Ang patay ay

29 Buti pa sila noon alam nila na ang dapat managot sa kasakunaan ay ang namamahala sa paggawa ng gusali. Ngayon yata para ng hindi ² ano na ang nangyari sa napakaraming trahedya sa mga gumuho at nasunog na mga gusali na kumitil ng maraming buhay. 30 Sa ganap na detalye sa pagliligtas ni Elias kay Ibarra mula sa masamang balak ng taong madilaw ay tingnan ang mga talababa sa Kabanata 33. 31 Ang pagsambit na ito ng Pransiskanong naging tagdikta ni Padre Damaso ay hindi maaring ipagwalang bahala. Maari kayang meron siyang nalalaman sa krimen na plano ng kaniyang mga kapwa Pransiskano?

408

hindi pari, ni Kastila! Dapat ipagsaya ang pagkakaligtas ninyo!32 Ah, kung kayo ay nabagsakan ng bato!µ ´May guni-guni, may guniguni!µ ang bulalas ng eskribano, ´sinasabi ko na nga: mabigat ang loob ni Ginoong Ibarra nang pumanaog. Nakikini-kinita ko na!µ ´Ang namatay ay isang Indio lamang!µ ´Patuloy ang pista! Musika! Hindi nakapagpapabuhay ng patay ang kalungkutan! Kapitan, dito gawin ang pagsisiyasat«! Paparituhin ang directorcillo«!33 Ipiit ang namahala sa paggawa!µ ´Ilagay siya sa sepo!µ34 ´Isepo! Eh! Musika, musika! Isepo ang namahala!µ35 ´Ginoong Alkalde,µ ang sabi ni Ibarra, ´kung ang kalungkutan ay hindi makabubuhay sa patay ay lalo nang hindi ang pagpiit sa isang taong hindi natin maalaman kung may kasalanan. Pinananagutan ko siya at hinihingi ko siyang makalaya, kahi·t sa mga araw na ito lamang.µ ´Siya! Siya! Nguni·t huwag nang uulit!µ Ang sari-saring pala-palagay ay kumalat. Ang paniniwala sa kababalaghan ay matibay na. Gayunman ay waring hindi

32 Sa pananalita ng alcalde ay mapapansin na walang halaga ang buhay ng isang Pilipino, papaanong makapagbibigay ito ng pantay na pagtrato sa kaniyang mga nasasakupan. Ito rin kaya ang nasa isipan ng mga dayuhang mamumuhunan kung may masasawing manggagawa sa kaniyang pagawaan (huwag naman sana). 33 Ang directorcillo ay isang napakahalagang opisyal sa mga pamahalaang pambayan (pueblo) sa panahon ng pananakop ng Espanya. Ang kapangyarihan niya ay nagmumula sa kaniyang kahusayan sa pagamit at pagsulat ng wikang Espanyol. Mula sa opisyal na ito ay mababakas na ang damdamin ng ilan na superyoridad kumpara sa kanilang mga kababayan ay nasa kakayahan ng ilan na magsalita ng wika at epektibong makipagtalastasan sa mga mga mananakop. 34 Isang tabla na ang kalahati ay mayroong butas na pinaglalagyan ng ulo, kamay at paa at pagkatapos na ilalagay ang bilanggo ay itatakip ang kalahating tabla na may kaayon na butas. Ang sepo ay malaking pahirap sa sinumang tao na mapapalagay doon ng mahabang panahon. Ang higit na detalyadong pagpapaliwanag ay ginawa ni Rizal sa Kabanata 57. 35 Isesepo na ang walang malay na tao ay humihingi pa ng musika Gustong ipagparangalan ng alkalde ang kaniyang pagpapadakip katulad ngayon ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nagpapa-litrato katabi ng mga nadakip na mga pinaghihinalaang kriminal, tapos isang araw mababalitaan nating mali pala, dahil hindi pala kriminal iyong nadakip.

409

ikinalulugod na lubos ni Padre Salvi ang kababalaghang iniuukol sa isang santo na kanyang kabaro at nasa kanyang simbahan. Nagkaroon ng nakapagdagdag na nakita niyang pumanaog sa hukay, samantalang gumuguhong lahat, ang isang wari·y taong may suot na damit-Pransiskano mandin. Wala na ngang dapat ipag-alinlangan: iyon si Diego. Napag-alaman ding si Ibarra ay nagsimba at ang lalakeng madilaw ay hindi; maliwanag pa ito kaysa sinag ng araw.36 ´Nakita mo na? Ayaw kang magsimba; kung hindi pa kita napalo upang sumunod, ngayon ay patungo ka sa tribunal na kaayos niyang nakasakay sa paragos!µ Ang taong madilaw nga o ang kanyang bangkay na nakabalot sa isang banig ay dinadala sa tribunal. Si Ibarra ay nagmadaling pumatungo sa kanyang bahay upang magbihis. ´Masamang pasimula, hm!µ ani Matandang Tasyo, samantalang lumalayo.

36 Makikita rito ang mga mapanata ng simbahan ay pilit na iginagawa ng eksena ang kababalaghan. Nagtatahi ng mga kasinungalingan para palitawin ang higit na paniniwala sa mga santo at udyukang magpakabanal ang mga tao.

410