KABANATA 35 MGA USAP-USAPAN

Madaling kumalat ang balita sa buong bayan ukol nangyari iyon. Sa una ay walang makapaniwala, ngunit sa dahilang hindi maaring hindi mapaniwalaan ang sadyang katotohanan, ang lahat ay napabulalas sa pagkabigla. Ang bawat isa ay nagkaroon ng opinyon ng ayon sa abot ng kanilang budhi. ´Si Padre Damaso ay patay na!µ sabi ng ilan, ´Nang itayo, ang mukha ay puno ng dugo at hindi na humihinga.µ1 ´Mamahinga sana siya sa kapayapaan, nguni·t nagbayad lamang ng kaniyang utang!µ ang bulalas ng isang binata, ´tingnan ninyo ang ginawa kaninang umaga sa kumbento.µ ´Ano ang ginawa? Sinuntok bang muli ang koadhutor?µ2

MGA PALIWANAG 1 Sa kuwentuhan ay nagkakaroon ng mga dagdag ang mga pangyayaring naganap. 2 Alam sa buong ng parokya na ang katulong na paring Pilipino sa San Diego ay binugbog ni Pray Damaso. Isa sa kanilang inaasahan ay maghihiganti ang Pilipinong koadhutor laban sa pagmamalabis ni Pray Damaso. Sa bahaging ito ay makikita ang pamamaraan ni Rizal ng pagmumungkahi sa mga paring Pilipino na magkaroon ng lakas ng loob laban sa ginagawang pananakit sa kanila ng mga dayuhang kaparian. Mahalaga ang bahaging ito ² sinaktan bang muli ang koadhutor o ang paring Pilipino ² isang pagbabanta ni Rizal sa maaring maging resulta ng muling pananakit ng mga prayle sa kapariang Pilipino. Tandaan na ang unang historikal na pananakit ng mga prayle sa mga paring Pilipino ay ang naganap na pagbitay sa GOMBURZA noong 1872. Paliwanag ukol sa larawan: Ang larawan ay isang manikin na nakadisplay noon sa Malolos, Bulacan na nakita ng mamamahayag na si Wildman at ang orihinal na larawan ay nasa Lopez Museum. Ginamit ang larawan na ito sa artikulo ni William Henry Scott na pinamagatang Nine Clergy of Nueva Segovia na aking unang nabasa sa isang Journal ng UP Diliman at maari ring makita ang artikulo (wala na ang larawan) sa aklat ni Scott na Cracks in the Parchment Curtain. Ang artikulo ni Scott ay nakasentro sa pinagdaanang pahirap sa ng mga

435

´Ano ang ginawa? Tingnan natin! Isaysay sa amin.µ ´Nakita ba ninyo kaninang umaga ang pag-alis ng isang mistisong Kastila na dumaan sa sakristiya habang nagsesermon?µ ´Oo! Oo, nakita namin. Tiningnan siya ng masama ni Padre Damaso.µ ´Nang matapos ang sermon ay ipinatawag at tinanong kung bakit umalis. ¶Hindi po ako marunong ng Tagalog, Padre,· ang sagot. ¶At bakit ka nangutya at sinabi mong ang sermon ko ay wikang Griyego?· ang sigaw sa kanya ni Padre Damaso at binigyan ng isang sampal sa pamumukha. Ang huli ay gumanti, nagbuntalan silang dalawa hanggang sa sila ay naawat.3 ´Kung sa akin nangyari iyan«µ ang gigil na bulong ng isang nag-aaral. ´Hindi ko minamabuti ang ginagawa ng Pransiskano,µ sagot ng isa, ´ang pananampalataya ay hindi dapat ipataw sa tao na kagaya ng isang kaparusahan o isang penitensiya;4 ngunit labis kong ikinagagalak ang pangyayari sapagkat kilala ko ang binatang iyan, alam kong siya ay taga San Pedro, Makati at siya·y mabuting magsalita ng Tagalog.5 Ngayon ay ibig na
pinagbibintangang kalahok na mga Paring Pilipino sa kamay ng mga prayle sa panahon ng Himagsikang Pilipino. 3 Kung maala-ala ng mambabasa ang estudyanteng nabagot dahilan sa wikang Tagalog na ang sermon ay lumabas sa kalagitnaan ng pagsesermon ni Pray Damaso. Pinagalitan ni Pray Damaso at binuntal ang estudyante, kaya ang nangyari ay kapwa sila nagbuntalan. Maaring isa ito sa dahilan kaya pumunta ng mainit ang ulo ni Pray Damaso sa handaan ni Ibarra at minumura ang mga walang galang sa simbahan. Pansinin ang paraan ng pananakit ni Pray Damaso sa estudyante ay pananampal ² ang pananakit sa pamamagitan ng pananampal ay isang uri ng pananakit na ibinibigay ng isang tao sa kaniyang kaaway na inaakala niyang hindi makakaganti. Isang pananakit ng isang taong may mataas na pagkakilala sa kaniyang sarili at ipinagkakaloob ito sa isang taong inaakala niyang mababa o walang kakayahan na makaganti. Kapag ang isang sinampal ay gumati tiyak na ito ay mauuwi sa buntalan o suntukan bilang kasagutan. Mapapansin kahit na sa eksenang ito na parang palihim na ang pagmumungkahi, pati ang mga estudyante ay pinalalakas ni Rizal ang loob na makipagbuntalan sa mga prayle. 4 Isang hanay ng salita na nagpapamulat sa kahalagahan ng kalayaang pangrelihiyon na noon ay wala sa Pilipinas dahilan sa ang negosyo este ang relihiyon ay monopolyo ng simbahan. 5 Mapapansin ang paraan ng mabilis na kunwaring pagbawi ni Rizal sa kaniyang malupit na komentaryo sa kolonyal na simbahan.

436

magkunwaring kagagaling sa Rusya at ikinararangal pa niya ang pagkukunwaring hindi alam ang wika ng kanyang mga magulang.µ ´Kung gayo·y nilalang sila ng Diyos at sila-sila ay nagbubuntalan!µ6 ´Subalit dapat nating tutulan ang nangyari,µ ang bulalas ng isa pang nag-aaral, ´ang di-pag-imik ay magtataglay ng kahulugang pagsang-ayon at ang nangyari ay maaaring maulit sa kaninuman sa atin. Nababalik tayo sa panahon ni Nero! (malupit na emperador Romano)µ7 ´Nagkakamali ka!µ ang sagot ng isa, ´si Nero ay isang dakilang artista at si Padre Damaso ay isang napakasamang magsermon!µ Ang sali-salitaaan ng matatanda ay iba. Samantalang hinihintay ang pagdating ng Kapitan Heneral sa isang kubo sa labas ng bayan, ang sabi kapitan sa bayan ay: ´Hindi madaling masasabi kung sino ang nasa katwiran at kung sino ang wala; gayunman, kung si Ginoong Ibarra ay nagkaroon ng kaunti pang 8 pagtitimpi«µ ´Kung nagkaroon si Padre Damaso ng kalahati man lamang ng pagtitimpi ni Ginoong Ibarra, ang marahil ay dapat ninyong sabihin?µ ang tutol ni Don Filipo, ´ang masama ay nagkapalit ang dapat ugaliin ng isa·t isa; ang bata ay nagugaling matanda, at ang matanda ay nag-ugaling bata.µ9
6 Ang estudyante ay nagkukunwaring hindi marunong ng Tagalog ² isang Pilipino na dahilan sa may kakayahan na magsalita ng wikang Espanyol ay minaliit na ang kaniyang sariling wika. Ang mayabang na estudyante at ang mayabang na Prayle ay nagkatagpo ² ginawa talaga sila ng Diyos para sa isa·t isa upang magbuntalan. Malimit naman talagang ang mga nagbubuntalan ay parehong mayayabang. 7 Mapapansin na isinama ni ni Rizal ang eksena ng mga estudyante ng Maynila na nakipagmiyesta sa San Diego upang imulat ang kaniyang mga mambabasang estudyante sa kanilang mga karapatan. 8 Ang bayan ng San Diego ay nahahati sa kanilang pampulikong opinyon sa kaganapan, isang bayan na nagsisimulang magsuri ng isyu na makakaapekto sa kanila. Tandaan na hindi maliit na bagay noon hanggang sa ngayon na sa isang bayan na ang pari ay pagtangkaan ang buhay. 9 Mula sa pananalita ni Don Filipo ay nagawa ni Rizal na

437

´At walang kumilos ang sabi ninyo, walang umawat kundi ang anak na dalaga ni Kapitan Tiyago?µ ang tanong ni Kapitan Martin. ´Ni sinuman sa mga prayle, kahit ang alkalde? Hm! Iyan ang lalong masama! Hindi ko ibig ang malagay sa kalagayan ng binata. Walang makapagpapatawad sa kanya ng pangyayaring siya ay kinatakutan. Iyan ang lalong masama, hm!µ ´Sa akala ba ninyo ay ganoon?µ ang masusing tanong ni Kapitan Basilio. ´Inaantay ko,µ ang sabi ni Don Filipo na nakipagtitigan kay Kapitan Basilio, ´na hindi siya pababayaan ng bayan.10 Dapat nating alalahanin ang mga ginawa ng kanyang ama at ang ginagawa niya sa ngayon. At sakaling ang bayan ay hindi umimik dahil sa pagkatakot, ang kanyang mga kaibigan«µ ´Ngunit mga ginoo,µ ang putol ng kapitan sa bayan, ´ano ang magagawa natin? Ano ang magagawa ng bayan? Mangyari na ang mangyayari ay ang prayle rin ang laging nasa katwiran!µ11 ´Laging nasa katwiran dahil lagi nating inaayunan,µ sagot ni Don Filipo na may pagkayamot12 at tinindihan ang pagsasabi ng salitang ´lagi.µ ´Bigyan naman natin kahit minsan ang ating sarili at saka tayo mag-usap.µ13
parunggitan ang mga matatanda sa Pilipinas. Ang mga bata ang naghahanap ng pagbabago. Ang mga matatanda ay tahimik na tinatanggap na lamang ang isang mapanupil at mapagsamantalang lipunan. 10 Inaasahan ni Don Filipo na ang bayan ang magkakanlong kay Ibarra ² ang paniniwalang ito ni Don Filipo ay nagpapakita na inaasahan niya ang lakas ng bayan ay kayang magkanlong sa mga api laban sa mga mapaniil. May potensiyal na lakas ang bayan ² lakas na ayaw matuklasan ng mga naghahari at nagsasamantalang uri sa lipunan. INAASAHAN NI RIZAL ANG MGA PILIPINO AY MAGKAROON NG ISANG KOLEKTIBONG SENTIMIENTO UPANG MAKAKILOS PARA MABAGO ANG ATING LIPUNAN. 11 Makikita rito na ang pangangatwiran ng kapitan ng bayan ay nakabatay sa kaniyang takot sa kapangyarihan ng korporasyon ng mga prayle. Ang hanay na ito ng pananalita ng kapitan ng bayan ay pagpapakita ng pilosopiya ng mga prayle na - Ang lakas ay gumagawa ng huwad na katwiran. 12 Sa pamamagitan ng pananalitang may pagkayamot ni Don Filipo ay ipinakikita ni Rizal na ang kapangyarihan ng mga dayuhang kaparian sa Pilipinas noon ay dahilan sa mga Pilipino na rin na hindi marunong tumutol o walang epektibong paraan sa pagtutol laban sa mga prayle. 13 Yamot si Don Filipo dahilan sa ang bayan ay hindi magkaroon ng

438

Ang kapitan ay nagkamot ng ulo, tumingin sa bubong at sumagot nang maasim na tinig. ´Ay! Ang init ng dugo. Parang hindi ninyo alam kung saang bayan tayo naroroon; hindi ninyo kilala ang ating mga kababayan. Ang mga prayle ay mayayaman at nagkakasama-sama at tayo ay hati-hati at maralita. iyan nga! Subukan ninyong ipagtanggol siya, makikita ninyong mag-iisa kayo sa kagipitan.µ14 ´Tunay,µ ang bulalas ni Don Filipo na may mapait na kalooban, ´iyan ang mangyayari samantalang ganyan ang pagiisip, habang ang pagkatakot at ang pagtitimpi ay magkatulad ng kahulugan.15 Binibigyan pa natin ng pansin ang isang kasamaang nangyayari sa sandali kaysa kabutihang sadyang kailangan;16 agad-agad na susungaw ang katakutan at hindi ang pagtitiwala,17 ang bawat isa ay walang iniisip kundi ang sarili, walang nakakaalaala sa iba, kayat mahina tayong lahat!µ18
sariling katwiran ang bayan. Parang walang katwiran ang bayan, habang pinipiga ng mga mapagsamantalang korporasyon ang sambayanang Pilipino. Malimit nating naririnig na kaya nagtataas ang presyo ng gasolina at iba pang mga negosyo ay upang huwag silang malugi. Kapag ang bayan ay marunong ng kolektibong mangatwiran, doon lamang ito kikilos para hanguin sa kaniyang aba at aping kalagayan. 14 Kapag ang bayan ay natutong bigyan ng katwiran ang kanilang sarili, magigising sila sa kanilang nakatagong lakas, upang tapusin ang mga mapagsamantala at mapanupil sa lipunan. 15 Kailangang alisin ng bayan ang kaniyang kaduwagan na nasa anyo ng ´pagtitimpiµ ² kapag nagpahayag ang bayan ng kaniyang determinadong pagtutol, walang lakas na maaring makahadlang sa kolektibong pagkilos ng bayan. 16 Mas pinahahalagahan pa na talakayin ang sandaling insidente kaysa sa mga bagay na pangmatagalan. Ito puna ni Rizal sa mga Pilipino ay mapapansin pa hanggang ngayon ² pinag-uusapan natin ang mga maiinit na isyu, ngunit namamatay ito ng hindi na natin alam kung ano na ang kinahantungan. Subalit ang mga mahahalaga at mga suliranin na nagpapahirap sa bayan ay hindi natin napagtutuunan ng matagalang pansin at malalim na pagsusuri. Kaya ang ginagawa sa mga Pilipino, kapag mayroong mga malalaking isyu sa pamahalaan ay takpan ng mga bagong balita na kanilang pag-uusapan. 17 Ang mga Pilipino ay madaling takutin dahilan sa walang tiwala sa sarili. 18 Sa pamamagitan ng pananalita ni Don Filipo ay ipinakikita ni Rizal ang ugat ng kahinaan ng mga Pilipino ² ang pagiging makasarili.

439

´Siya, alalahanin ninyo ang iba, bago ang inyong sarili, at makikita ninyo kung hindi kayo maiwan! Hindi ba ninyo alam iyong salawikaing Kastila, na: ang tunay na kawangagawa ay magsimula sa sa sarili?µ19 ´Ang sabihin ninyo,µ sagot na nagagalit na tinyente-mayor, ´na ang tunay na karuwagan ay nagsisimula sa malabis na pagmamahal sa sarili at nagtatapos sa kawalan ng kahihiyan!20 Ngayon din ay ihaharap ko sa alkalde ang aking pagbibitiw sa tungkulin; suya na na ako sa kalagayang itong kakutya-kutya nang hindi naman nakagagawa ng mabuti sa kaninuman« Diyan na kayo!µ Sa kalipunan ng mga babae ay iba ang opinyon sa mga naging kaganapan. ´Ay!µ ang buntung-hininga ng isang babaeng may mabait na anyo, ´ang mga kabataan ay talagang ganyan! Kung buhay lamang ang butihin niyang ina ay ano na lang ang sasabihin? Ay, Diyos! Kapag naiisip kong maaari ring mangyari ang ganyan sa aking anak na lalake, na mainit din ang ulo« ay, Jesus! Halos kaiingitan ko ang kanyang namayapang ina« mamamatay ako sa sama ng loob!µ21 ´Kung ako ay hindi,µ ang sagot ng isang babae, ´hindi ko ipagdaramdam kung ganoon ang mangyari sa dalawa kong anak.µ22
19 Binanggit ang makasariling kasabihan na mula sa mga Espanyol. Maaring pinalaganap nila noon ang kasabihang ito bilang bahagi ng kanilang disenyo na paghati-hatiin ang maraming mga Pilipino, sa harap ng kakaunti ngunit nagkakaisa mga mananakop. Sa kasalukuyan, hanggang hindi tayo nagkakaisa ay makikita ninyo ang epekto niyan sa tindi ng paniniil na ipinapataw sa atin, kung hindi man sa pamamagitan ng lakas na armado ng estado ay sa presyo ng mga sinsingil sa atin. Kailangang sama-sama ang sambayanan, para sa kapakanan ng bayan. 20 Maaring suriin ang argumento ni Don Filipo na ang kaduwagan ay nagmumula sa malabis na pagmamahal sa sarili. 21 Makikita na ang isang mananampalataya ng kolonyal na simbahan ay kinokondena si Ibarra dahilan sa pananakit kay Pray Damaso. 22 Kapitana Maria - Maaring maliit ang kaniyang papel sa nobela ngunit inilagay ni Rizal sa pangangatwiran ng babaeng ito ang isang mapangahas na kaisipan na hindi karaniwang tinataglay ng mga kababaihan sa panahong iyon. Makikita sa kaniyang pangungusap na hindi niya ipagdadamdam kung gagawin ng kaniyang anak ang magiging pananakit kay Pray Damaso.

440

´Ano ang sabi ninyo, Kapitana Maria?µ ang bulalas ng unang nagsalita na nagdaop-kamay.23 ´Ninanais kong matutunan nila na ipagtanggol ang kapurihan ng kanilang mga yumaong magulang, Kapitana Tinay. Ano ang masasabi ninyo, kung isang araw, na kayo ay balo na, ay madinig ninyong inaalimura ang inyong asawa at ang gawin ng inyong anak na si Antonio ay tumungo na lamang at hindi umimik?µ24 ´Itatanggi ko ang aking basbas!µ ang biglang sabat pangatlong babae - si Hermana Rufa, ´nguni«µ25 ´Ang huwag basbasan ay hindi dapat na mangyari kailanman!µ ang putol ng may magandang loob na si Kapitana Tinay, ´ang ganyan ay hindi dapat sabihin ng isang ina« subalit hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin« hindi ko malaman« mamamatay yata ako« akin siyang« hindi! Diyos ko! Nguni·t hindi ko na iibiging makita pa siyang muli« ngunit anu-ano ba ang naiisip ninyo, Kapitana Maria?µ ´Gayunman,µ dugtong ni Hermana Rufa, ´ay hindi dapat malimot na isang malaking kasalanan ang manakit sa isang taong sagrado.µ ´Higit na sagrado ang alaala ng mga magulang!µ tutol ni Kapitana Maria, ´ang sinuman, kahit ang Papa, at lalo pang ang isang Padre Damaso, ay walang katwiran na insultuhin ang banal na alaala.µ ´Tunay nga,µ ang bulong ni Kapitana Tinay na napapahanga sa karunungan ng dalawang kaharap, ´saan ba ninyo kinukuha ang ganyang magagaling na katwiran?µ26

23 Ipinakita ang reaksiyon ng isang mapanata sa simbahan sa harap ng isang bago at mapangahas na kaisipan. Mapapansin ang pagkataranta ni Kapitana Tinay, kung sa kanyang anak naganap ang nangyari ang kay Ibarra. 24 Sa pangangatwiran ni Kapitana Maria ay kaya niyang hatiin ang paglalaanan ng mataas na paggalang ² ang magulang o ang abusadong si Pray Damaso. 25 Si Hermana Rufa na mapanata ay natatakot sa pangangatwiran ni Kapitana Maria. Makikita ang paniniwala ng mga mapanata na ang mga pari ay kahalili ni Cristo sa lupa. 26 Kung ito ay isasadrama, magkakaroon tayo ng malaking katatawanan sa magiging hitsura ni Kapitana Tinay na nasa pagitan ng isang babaeng may malayang kaisipan at ng isang matandang babaeng panatiko.

441

´Datapwa·t ang excomunion at ang pagkahulog sa impiyerno?µ ang tutol ni Hermana Rufa. ´Ano ang mga karangalan at ang malinis na pangalan sa buhay na ito kung sa kabilang buhay ay mapaparusahan tayo? Ang lahat ng bagay ay madaling nakararaan« nguni·t ang excomunion« lapastanganin ang isang kahalili ni Jesucristo« sa bagay na iyan ay walang nakapagpapatawad kundi ang Papa!µ27 ´Ang magpapatawad ay ang Diyos na siyang nag-uutos na bigyang-kapurihan ang ama at ina;28 hindi siya eeskomulgahin ng Diyos! At sinasabi ko sa inyo; na kung ang binatang iyan ay paparoon sa aking bahay ay patutuluyin ko at aking kakausapin; kung ako ay may isang anak na babae ay nanaisin kong siya ay aking maging manugang: ang isang mabuting anak ay magiging mabuting asawa at mabuting ama, maniwala kayo, Hermana Rufa!µ ´Hindi gayon ang aking akala; sabihin ninyo ang ibig sabihin, at kahit parang kayo ay may katwiran, ay ang kura rin ang aking higit na paniniwalaan. Bago ang lahat ng bagay ay ililigtas ko muna ang aking kaluluwa, ano ang masasabi ninyo Kapitana Tinay?µ ´Ah, ano ba ang masasabi ko! Kapwa kayo may katwiran; ang kura ay may katwiran, ngunit ang Diyos ay dapat din namang magkaroon!29 Ewan ko ba, ako ay isang mangmang« Ang gagawin ko ay ang sabihin sa aking anak na huwag nang mag-aral! Sinasabing ang marurunong ay namamatay sa bibitayan! Maria Santisima! Ang anak ko pa naman ay may balak na pumaroon sa Europa!µ30 ´Ano ang inaakala ninyong gawin?µ
27 Inilalantad ni Rizal ang hungkag na katwiran ni Hermana Ruffa, katabi ng makabuluhang paniniwala ni Kapitana Maria upang mapagtanto ng mga mambabasa kung sino ang higit na may timbang at katuturan. 28 Makikita sa pangangatwiran ni Kapitana Maria na ito ay mayroong nakalaman sa Biblia ² ´Igalang ang ama at ina, dahilan sa ito ang unang utos na may pangako.µ 29 Isang hanay ng salita na palihim na paghimok ni Rizal na higit nilang paniwalaan ang Diyos kaysa sa mga prayleng nagsasabing mga alagad ng diyos. 30 Makikita ang tulirong ina sa katauhan ni Kapitana Tinay ² isang babae na hindi makapamili ng kakampihan o yayakaping paniniwala na nasa kaniyang harapan. Ipinapakita dito ang takot ni Kapitana Tinay para sa kaniyang anak na nagnanais na magtungo sa Europa para magaral.

442

´Sabihin sa kanyang huwag lumayo sa aking tabi, ano at mag-aaral pa nang marami? Bukas o makalawa ay mamamatay rin tayo, namamatay ang marunong na kagaya ng mangmang« ang kailangan ay mabuhay nang payapa.µ At ang mabait na babae ay nagbuntung-hininga at tumingin sa langit. ´Kung sa akin,µ ang matigas na sabi ni Kapitana Maria, ´kung ako ay mayaman na kagaya ninyo ay pababayaan kong maglakbay sa ibang lupain ang aking mga anak: sila ay mga binata at nararapat na maging tunay na lalake balang araw« hindi na ako mabubuhay nang matagal« magkikita na kami sa kabilang buhay« ang mga anak ay dapat magnais na maging higit kaysa kanilang mga magulang, at sa ating tabi ay wala tayong itinuturo sa kanila kundi ang maging bata.µ31 ´Ay, napakatanging paghahaka mayroon kayo!µ ang bulalas na pagulat ni Kapitana Tinay, na nagdaop-kamay, ´parang hindi kayo nagdamdam ng hirap sa panganganak sa dalawa ninyong kambal!µ ´Dahil ako ang naghirap sa panganganak sa kanila, inalagaan at pinaturuan sa gitna ng aming karalitaan, ayokong pagkatapos ng mga hirap kong dinanas ay maging lalalalakihan lamang sila«µ32 ´Sa palagay ko ay hindi ninyo mahal ang inyong mga anak nang ayon sa utos ng Diyos,µ sabing matigas ni Hermana Rufa. ´Mawalang-galang sa inyo; ang bawa·t ina ay may kanyang paraan ng pag-ibig sa kanyang mga anak: ang ilan ay iniibig ang kanilang mga anak para sa kanilang sarili, ang iba ay dahil sa iyon ay kanilang anak at ang ilan ay para sa ikabubuti ng kanila ring mga anak. Ako ay nabibilang sa huling kong binabanggit, gayon ang itinuro sa akin ng aking asawa.µ ´Ang inyong mga kaisipan, Kapitana Maria,µ sabi ni Rufa na parang nangangaral, ´ay hindi sang-ayon sa pananampalataya:

31 Ito ang kahinaan ng maraming magulang sa Pilipinas, palaging ginagawang parang bata ang kanilang mga anak. Kapag hindi nila gusto ang desisyon ng kanilang anak ay itinuturing nilang ang desisyon na iyon ay mali o walang pangarap o patapon ang buhay ng kanilang anak. 32 Si Kapitana Maria ang tunay na nais ni Rizal na maging modelo ng mga ina sa Pilipinas (hindi si Sisa). Isang ina na may kakayahan na maghandog ng mga anak para sa kagalingan ng bayan. Matutunghayan ang higit na pagpapaliwanag na ito ni Rizal ukol sa dapat na maging saloobin ng mga ina sa Pilipinas, sa kaniyang sulat sa mga kadalagahan sa Malolos.

443

Umanib kayo sa kapatiran ng Santisimo Rosario, kay San Francisco, kay Sta. Rita o Sta. Clara!µ ´Hermana Rufa, kapag ako ay naging mabuti nang kapatid ng mga tao ay saka ko tatangkain na maging kapatid ng mga santo!µ ang sagot na nakangiti.33 Upang matapos ang kabanatang ito ng mga usap-usapan, at upang makilala ng mga mambabasa kahit sa sandali man lamang ang mga opinyon ng mga taga-bukid ukol sa nangyari ay tumungo tayo sa liwasan at tingnan natin ang ilang nag-uusap sa ilalim ng habong, na ang isa sa kanila·y ang ating kilala na nangangarap tungkol sa mga doktor na manggagamot.34 ´Ang higit kong pinagdaramdam ay ang hindi na matutuloy ang paaralan!µ ´Ano? Ano?µ ang mausisang tanong ng mga kausap. ´Ang anak ko ay hindi na magiging doktor kundi magkakariton! Wala! Hindi na magkakaroon ng paaralan!µ35 ´Sino ang may sabing hindi magkakaroon ng paaralan?µ ang tanong ng isang may mahinang isip at malaking katawang taga-nayon na malalaki ang panga at maliit ang bao ng ulo. ´Ako! Tinawag na plibustiero36 na kagaya ni Ginoong Crisostomo ng mga paring puti. Wala ng paaralan.µ Ang lahat ay nagtanungan sa tingin. Ang salitang iyon ay bago para sa kanila. ´At masama ba ang pangalang iyan?µ ang sa huli ay mapangahas na tanong ng isang hangal na taga-bukid. ´Ang pinakamasamang masasabi ng isang Kristiyano sa kapwa!µ ´ Masama pa kaysa tarantado37 at saragate?µ38
33 Isang parunggit ni Rizal sa mga taong aktibo sa mga kapisanang pansimbahan Kapag mabuti na silang kapatid ng mga tao, saka na lamang nila iibigin na maging mabuting kapatid ng mga santo. 34 Makikita rito ang kahusayan ni Rizal sa paglalaan ng espasyo para sa opinyon ng kaniyang mga tauhan sa Noli Me Tangere. Hindi niya kinalimutan itala ang opinyon ng mga tagabukid na mayroong sariling isipan upang suriin ang magiging epekto ng mga kaganapan sa kanilang buhay at pangarap, bilang kabahagi ng kolonyal na lipunan. 35 Nakikita ng mga magbubukid na sa naganap na pagkakagulo ay hindi na matutuloy ang proyektong paaralan at kasama rito ang pagkawasak ng kanilang pangarap. 36 Pliabastiero- pagagong bigkas ng Filibustero. 37 Tarantado ² isang taong walang ingat sa gawa at pagsasalita.

444

´Kung iyan na nga ba lamang! Makailan na akong tinawag nang ganyan ay hindi man lamang sumakit ang aking tiyan.µ ´Kung gayon ay hindi na sasama pa kaysa Indio, na sinasabi ng alperes!µ39 Ang magkakaroon sana ng anak na manggagamot na ngayon ay magiging magkakariton ay lalo pang napakunot-noo; ang isa ay nagkamot ng ulo at nag-isip. ´Kung gayon ay tulad ng betelapora40 na sinasabi ng babaeng matanda ng alperes! Ang lumura na lamang sa hostia ang masama pa kaysa riyan.µ41 ´Higit na masama pa kaysa dumura sa hostia kung Biyernes Santo,µ ang matigas na sagot, ´naaalaala ninyo ang salitang ispichoso,42 na pag nasabi sa isang tao ay sukat na upang dalhin sa tatapunan o sa bilangguan ng mga sibil ni Villa Abrille;43 ang plebustiero ay makalilibong masama pa kaysa roon. Ayon sa sabi ng telegrafista at ng directorcillo; kapag ang salitang plibestiro ay sinabi ng isang Kristiyano, ng isang kura o ng isang Kastila sa isang Kristiyanong kagaya natin ay waring santusdeus na may requimiternam: kapag natawag kang minsan ng plibustiero ay makapangungumpisal ka na at magbayad ng iyong mga utang sapagkat wala ka nang magagawa kundi ang magpabitay. Alam mo namang ang directorcillo at ang telegrafista ay dapat makabatid ng bagay na iyan: ang una ay marunong ng
38 saragate ² taong gumagawa ng kaguluhan o walang kaayusan sa paggawa. 39 Indio ² ipinapakita ni Rizal ang mapanlibak na pagtukoy sa katagang ito na ginagamit sa mga Pilipino. 40 vete a la porra, ang wasto, na ang kahulugan ay lumayas ka dito. ² Laging naririnig ng mga Pilipino ang mga pananalitang iyon sa mga prayle na pagalit. 41 Pansisin na ang krimen ng filibustero ay pulitikal, ngunit sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, ang paglalarawan sa isang filibustero ay parang demonyo. 42 Maling bigkas ng salitang sospechoso o suspect. 43 Si Villa Abrille ay naglingkod na puno ng guardia sibil sa Pilipinas at ang atas sa kaniya ay payapain ang mga lugar na pinamumugaran ng mga tulisan. Dahilan sa kaniyang operasyon ay nagawa niyang madakip ang mga kinatatakutang lider ng tulisan sa kaniyang kapanahunan na si Juan Fernandez na kilala sa katawagang Tangkad.

445

Kastila at pinagagalaw ang panulat at ang huli ay nakikipag-usap sa mga kawad.µ44 Ang lahat ay gulilat. ´Pilitin na akong magsapatos sa buong buhay ko at huwag akong painumin ng kahit ano kundi ihi ng kabayong tinatawag na serbesa, huwag lang akong matawag na pelbistero!µ ang sumpang nakasuntok ng taga-nayon. ´Sino? Kung ako ay mayamang kagaya ni Ginoong Crisostomo, marunong ng Kastila, na tulad niya, at nakakakain ng madali na hawak ang kutsilyo at kutsara, pagtatawanan ko kahit ang limang kura!µ45 ´Ang unang sibil na makita kong nagnanakaw ng inahing manok ay tatawagin kong palabistiero« at mangungumpisal ako agad!µ ang mahinang bulong ng isa sa mga taga-bukid, samantalang lumalayo sa pulutong.46

44 Hinahangaan nila ang trabaho ng directorcillo at telegrafista dahilan sa hindi nila naiintindihan ang ginagawa. 45 Para sa taga-bukid na nagsasalita ay kung nagkaroon lamang siya ng kayamanan at pinag-aralan ay kaya niyang labanan ang mga prayle. 46 Ipinapakita ni Rizal ang galit na namumuo sa damdamin ng mga karaniwang mamamayang taga-nayon, laban sa kolonyalismo. Sa mga panahong iyon ay hindi pa lamang sila organisado para sa himagsikang bayan, ngunit nasa kanila ang isa sa mahalagang elemento ng pagkilos ng bayan sa isang mapagpalayang gampaning pangkasaysayan.

446