KABANATA 36 ANG UNANG ULAP

Ang kaguluhan na nangyayari sa bahay ni Kapitan Tiyago ay kagaya rin nang nangyayari sa iniisip ng mga tao. Si Maria Clara ay walang ginagawa kundi ang umiyak at hindi pinakikinggan ang mga salitang pampalubag-loob ng kanyang tiyahin at ni Andeng, na kapatid niya sa suso. Ipinagbawal ng ama ng dalaga na makipag-usap kay Ibarra samantalang hindi pa inaalis ng mga pari ang excomunion. Si Kapitan Tiyago, na abalang-abala sa paghahanda sa kanyang bahay upang matanggap nang karapatdapat ang Kapitan Heneral ay ipinatawag sa kumbento. ´Huwag kang umiyak, anak ko,µ sabi ni Tia Isabel, samantalang pinapahiran nang gamusa (chamoise) ang makikintab na mukha ng mga salamin,1 ´aalisin din sa kanya ang excomunion« susulatan ang santo Papa« magbigay tayo ng isang malaking limos«2 Si Padre Damaso ay nawalan lamang ng malay tao« hindi namatay!µ ´Huwag kang umiyak,µ ang mahinang sabi ni Andeng, ´paparoonan ko upang makausap mo, sa ano pa at ginawa ang mga kumpisalan kundi upang magkasala? Sapat na ang sabihin ng kura upang ipatawad na ang lahat.µ3
MGA PALIWANAG 1 ´Huwag kang umiyak, anak ko,µ sabi ni Tia Isabel, samantalang pinapahiran nang gamusa/chamoise ang makikintab na mukha ng mga salaminµ ASAR TALO TALAGA TAYO KAY RIZAL NA GUMAWA NG EKSENA ² Ginawang katatawanan maging ang pag-iyak ni Maria Clara at ang katangahan ni Tia Isabel. Abangan pa sa mga susunod na kabanata ang maraming mga katatawanan na ibibigay ni Rizal na ang kaniyang ginamit ay si Tiya Isabel. 2 Parang puwedeng patawarin ang kasalanan, kapag nagbigay ng malaking limos sa simbahan. Kaya naman pala bahagi ng kulturang Pilipino ang pagbibigay ng pera para maareglo ang mga kaso. 3 Sino ang paparoonan ni Andeng para makausap ni Maria Clara? Si Padre Salvi ang lihim na pupuntahan ni Andeng para makausap ni Maria Clara. Pansinin na, mahina ang pagkakasabi niya kay Maria Clara at sumunod ay ang pananalitang nagpapakita ng direksiyon na kaniyang pupuntahan ² ´sa ano pa at ginawa ang kumpisalanµ. Ano ang lihim nais na ipagawa ni Andeng kay Maria Clara? Ang magkaroon ng adbantehiyang seksual si Padre Salvi sa dalaga

447

Dumating din si Kapitan Tiyago. Sa kaniyang mukha ay binakas ng mga babae ang sagot sa maraming katanungan; subalit ang panlalambot ang inilalarawan ng mukha ni Kapitan Tiyago. Ang kaawa-awang tao ay pinagpapawisan, hinahaplos ang kanyang noo at hindi makapagsalita. ´Ano, Santiago?µ ang may takot na tanong ni Tia Isabel. Ang isinagot ay isang malalim na buntung-hininga, samantalang pinapahid ang isang patak na luha. ´Alang-alang sa Diyos ay magsalita ka! Ano ang nangyari?µ ´Ang aking kinatatakutan!µ bulalas na halos maiiyak. Wala nang lahat. Iniutos ni Padre Damaso na sirain ko ang kasunduan kay Ibarra, at kung hindi ay paparusahan ako sa buhay na ito at sa buhay na darating!4 Gayon ang sinasabi sa akin ng lahat, kahit na si Padre Sibyla!5 Hindi ko siya dapat papasukin sa aking bahay 6 at« limampung libo ang utang ko sa kanya!7 Sinabi ko ang bagay na ito sa mga pari, ngunit ayaw akong pakinggan: Alin ang ibig mong mawala sa iyo, sabi nila sa akin, limampung libong

upang maayos ang suliranin ni Ibarra. Sa maniwala man kayo o hindi ay ginamit ni Rizal ang magkatulad na sitwasyon sa El Filibusterismo sa dalawang magkaibang tauhan. MAHUSAY TALAGANG TAGAPAG-LUTO SI ANDENG. Alam ni Andeng ang lahat kay Padre Salvi at naikuwento niya ito kay Maria Clara (Kabanata 22 ² Talababa 20). Hindi kaya naipagluto rin ni Andeng si Padre Salvi? 4 Kaparusahan sa buhay na ito ² mabibilanggo. Kaparusahan sa buhay na darating - Ipinakikita ni Rizal ang bisa ng pananakot sa impiyerno bilang instrumento ng mga prayle upang takutin ang isipan ng mga Pilipino. Maaring balikan ang takot ni Kapitan Tiyago sa Kabanata 6. 5 Mapapansin na nagkaroon ng kampihan ang mga prayle laban kay Ibarra kahit na ito ay nagtanggol lamang sa karangalan ng ama. 6 Makikita ang lupit ng ekskomulgasyon ² si Ibarra ay hindi papasukin o kausapin man lamang sa bahay ni Kapitan Tiyago at sa kanino pa mang bahay na ang naninirahan ay Katoliko. 7 ANG HIGIT NA IPINAGDADAMDAM NI KAPITAN TIYAGO AY ANG PERANG MAWAWALA SA KANYA. Tandaan na may sosyohan sina Don Rafael at Kapitan Tiyago sa negosyo ² ang halagan P 50,000 na ang sosyo ni Don Rafael at ngayon ay magiging pag-aari na ni Ibarra. Iniisip kasi ni Kapitan Tiyago na ang utang na iyon ay mababali-wala kung magkakatuluyan ang magkasintahan.

448

piso o ang buhay mo at ang iyong kaluluwa? Ay, San Antonio! Kung nalalaman ko lamang, kung nalalaman ko lamang!µ8 Si Maria Clara ay umiiyak. ´Huwag kang umiyak, anak ko,µ ang dugtong na ito ang hinarap, ´hindi ka kagaya ng ina mo na kailanman ay hindi umiiyak« hindi umiiyak kundi noong naglilihi«9 Sinabi sa akin ni Padre Damaso na dumating na ang isang kamag-anak niyang galing sa Espanya« at siyang nais na maging katipan mo«µ10 Tinakpan ni Maria Clara ang kanyang mga tainga. ´Santiago, nauulol ka ba?µ ang sigaw sa kanya ni Tia Isabel, ´ipagpipilitan mo ngayon sa kanya ang ibang katipan! Akala mo ay nagpapalit ng katipan ang iyong anak na gaya nang pagpapalit ng baro?µ ´Iyan din nga ang iniisip ko, Isabel; si Ginoong Crisostomo ay mayaman« ang mga Kastila ay nag-aasawa lamang nang dahil sa salapi« ngunit ano ang ibig mong gawin ko?11 Binalaan akong paparusahan ng excomunion « sinasabing mapanganib ang aking kaluluwa at katawan« ang katawan, nadinig mo? Ang katawan!µ12 ´Datapwat wala kang ginagawa kundi pasakitan lamang ang iyong anak! Hindi ba kaibigan mo ang arsobispo? Bakit hindi mo sulatan?µ

8 Pansinin na ang Santo na tinawag ni Kapitan Tiyago ay si San Antonio na ama ng mga prayle. ² Ibig sabihin nito ay kung alam lang niya kung gaano kahirap makipag-usap sa mga alagang baboy ni San Antonio. Balikan ang Kabanata 6. 9 Si Donya Pia na ina ni Maria Clara ay umiyak lamang noong naglilihi. Hindi ba ang isang magiging ina ay masaya sa pagsilang ng kaniyang magiging anak. Ang pag-iyak ng isang babae habang naglilihi ay palatandaan na hindi niya gusto ang nangyari sa kaniya. 10 Mapapansin na talagang hindi gusto ni Pray Damaso si Ibarra para kay Maria Clara at naghintay pa ng isang binatang taga Espanya para itapat na manliligaw at/o maging kasintahan ni Maria Clara. 11 Alam din ni Kapitan Tiyago na maraming mga mahihirap na Espanyol ang nagpupunta sa Pilipinas noon para makapag-asawa ng isang mayamang Pilipina na tagapagmana. Ang mga Espanyol na ito ang nagpauso ng pamamaraan ng pag-akyat sa hagdanan ng mataas na antas pan-lipunan sa pamamagitan ng pag-aasawa. 12 Ang banta kay Kapitan Tiyago ay hindi lamang sa buhay na darating, pati sa katawan ² mabibilanggo.

449

´Ang arsobispo ay prayle din, walang ginagawa ang arsobispo kundi ang sabihin lamang ng mga prayle.13 Ngunit huwag kang umiyak, Maria; darating ang Kapitan Heneral, marahil ay gugustuhin na makita ka at ang mga mata mo ay makikita na namumugto« Ay! Ang akala ko pa naman ay magkakaroon ako ng isang maligayang hapon« kung hindi lamang dahil sa malaking kaguluhang ito ay ako sana ang pinakamaligayang tao, at ang lahat ay maiinggit sa akin« Huminahon ka, anak ko, lalo pa akong sawi kaysa iyo ngunit hindi ako umiiyak! Ikaw ay maaaring magkaroon ng lalong mabuting mapapangasawa, ngunit ako, ako ay mawawalan ng limampung libong piso! Ay, mahal na Birhen sa Antipolo, kung susuwertihin lamang sana ako mamayang gabi!µ Putukan, ingay ng gulong ng mga sasakyan, takbuhan ng kabayo, tugtugan ng marcha real ang nagbabalita ng pagdating ng Kapitan Heneral ng Kapuluan ng Pilipinas. Si Maria Clara ay patakbong nagtago sa kanyang silid« Kaawa-awang dalaga! Pinaglaruan ang iyong puso ng mga magagaspang na kamay na di nakakakilala ng kanyang mararamdaming tibok.14 Samantalang ang bahay ay napuno ng tao, at ang malalakas na yabag, mga sigaw na nag-uutos, mga ingay ng mga sable at espuwelas(spurs) ay naririnig sa lahat ng dako, ang malungkot na binibini ay nanlupaypay na halos paluhod sa harap ng isang larawan ng Birhen, na ang anyo ay hapis sa pangungulila, na walang makapaglalarawan kundi si Delaroche15 lamang, na parang napanood nito ang birhen nang manggaling sa libingan ng kanyang anak. Wala sa isip ni Maria Clara
13 Ipinakikita rin ni Rizal na ang arsobispo ay isang prayle at nagiging sunud-sunuran sa mga provincial o pinuno ng partikular na orden na kaniyang kinabibilangan. Mayroong isinulat si Rizal na ganitong kuwento na ang arsobispo ay pinaglaruan ng mga prayle. 14 ´Kaawa-awang dalaga! Pinaglaruan ang iyong puso ng mga magagaspang na kamay, na di nakakakilala ng kanyang mararamdaming tibok.µPagpapakita ni Rizal na ang hindi pagkaunawa ng mga kalalakihan sa damdamin ng mga kababaihan ang nagiging dahilan ng masamang pakikitungo sa kanila. Sana wala ng iba pang nais ipakahulugan si Rizal dito. 15 Pablo Delaroche ² isang pintor na Pranses.

450

ang dalamhati ng inang iyon, ang nasa isip niya ay ang sariling kadalamhatian. Ang ulo ay nakayuko sa dibdib at ang mga kamay ay nakatukod sa lupa na parang sanga ng asusena na binali ng bagyo. Isang kinabukasang pinangarap at kasama sa mahabang panahon, na ang mga gunitain, na nagsimula pa sa pagkabata at lumaki nang magdalaga, at siyang nagbigay-anyo sa buo niyang katauhan, ay ninanais na pawiin ngayon, sa isang salita lamang, sa kaniyang pag-iisip at sa puso! Ang ganito ay para ding pagpapatigil sa tibok ng kaniyang puso at pagpawi ng liwanag sa kaniyang pag-iisip!16 Si Maria Clara ay isang mapagmahal na anak at mabuting kristiyana. Hindi lamang natatakot sa ekskumulgasyon, pati na ang pagkawala ng kapayapaan ng ama ay humihinging lunurin niya ang kanyang pag-ibig. Dinaramdam niya nang matindi ang damdaming iyon na hindi pa niya nararamdaman. Iyon ay minsan ay naging isang ilog na umaagos ng marahan; masasamyong bulaklak ang nakalatag sa mga gilid at ang kanyang ilalim ay mga maliliit na buhangin. Bahagya nang kulutin ng hangin ang kanyang agos; kung siya ay matatanaw ay masasabing tulog. Subalit biglang kumipot ang inaagusan, magagaspang na talampas ang humadlang sa kanyang agos, matatandang kahoy ang humalang na naging sagka, ah!17 nang magkagayon ang pumaitaas na mga bula, binundol ang mga talampas at tumalon sa kailaliman. Ibig niyang manalangin, subalit sino ang makapananalangin sa gitna ng malaking hinagpis? Mga panalangin sa panahon ng kawalan ng pag-asa ay tumatawag tayo sa Diyos, upang sabihin ang ating mga daing. Diyos ko! Ang sigaw ng kanyang puso. Bakit inilalayo nang ganoon na lamang ang lalaking iyon, bakit siya pagkakaitan ng pag-ibig ng kapwa? Hindi mo siya pinagkaitan ng araw, ng hangin, at hindi mo itinago sa kanya ang anyo ng langit. Bakit ipagkakait sa sa kanya ang pag-ibig, gayong maaaring mabuhay nang walang langit, walang hangin at walang araw, ngunit hindi mabubuhay nang walang pag-ibig?18
16 Sa talatang ito ay nagawang ilarawan ni Rizal ang pagkabasag ng puso ng isang babae. 17 Kahulugan - Isang matandang pananampalataya ang humadlang sa agos ng kanilang pag-ibig. 18 Ang hanay ng pananalitang ito ni Rizal ay isang anyo ng kaniyang pagtutol sa ipinatutupad na excomunion ng simbahan sa kaniyang kapanahunan.

451

Makarating kaya sa tronong kinaroroonan ng Diyos ang mga sigaw na iyon na hindi madinig ng tao? Madinig kaya ng Ina ng mga sawing-palad? Ang kaawa-awang dalaga, na hindi nakilala ang ina ay nangahas na magtiwala ng mga pighating ito, na gawa ng pag-ibig sa lupa sa malinis na pusong iyon na walang nakilala kundi ang pag-ibig anak at pag-ibig ina: sa kanyang mga kalungkutan ay lumalapit siya sa larawang iyon ng kababaihan na kinakasihan ng Diyos, ang pinakamagandang himala na ukol sa pinakamagandang nilikha, diyan sa maningning na likha ng Kristiyanismo, na may taglay sa sarili ng dalawang pinakamagandang kalagayan ng babae, maging birhen at ina,19 na hindi nabahiran ng kahit bahagyang dungis, na tinatawag nating Maria. ´Ina, ina!µ ang taghoy. Kinuha siya ni Tia Isabel sa gayong kalungkutan. Dumating ang ilang kaibigan at ibig siyang makausap ng Kapitan Heneral. ´Tia, sabihin ninyong may sakit ako!µ ang bulong ng dalaga na gulat, ´patutugtugin ako ng piyano at paaawitin!µ ´Ipinangako ng ama mo, huwag mong ilagay sa kahihiyan ang iyong ama?µ Si Maria Clara ay tumindig, tumingin sa kanyang ali, pinilipit ang kanyang magagandang bisig at bumulong nang: ´Oh! Kung mayroon lamang akong«µ Datapwa·t hindi natapos ang salita at sinimulan ang pagaayos.

19 dalawang pinakamagandang kalagayan ng babae, maging birhen at inaµ Ikumpara ito sa sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Dna. Consolacion sa Kabanata 25. Ipinakikilala ni Pilosopo Tasyo ang pagiging masamang babae ni Dna. Consolacion maagang nasira ang kapurihan. Ang isang babae kahit na anong sama ay may mapipigang kabutihan kung ito ay magkakaroon ng pagkakataon na maging isang ina, ngunit si Donya Conslacion ay hindi naging anuman sa dalawa.

452