KABANATA 37 ANG KAPITAN HENERAL

´Gusto kong kausapin ang binatang iyan!µ ang sabi ng Heneral sa isa niyang ayudante, ´ginising niya ang aking pagnanais na siya ay makilala.µ ´Ipinasundo na po, aking Heneral! Subalit dito ay may isang binatang taga-Maynila na humihinging mapilit na makapasok. Sinabihan naming ang inyong kamahalan ay walang panahon at hindi naparito upang tumanggap sa mga may sumbong kundi upang tingnan ang bayan at ang prusisyon, ngunit ang tugon ay palaging may panahon ang inyong kamahalan sa pagagawad ng katarungan «µ1 Ang Heneral ay patakang tuminging sa alkalde.2 ´Kung hindi ako nagkakamali,µ sagot ng alkalde yumuko nang bahagya, ´siya ang binatang nakipag-away ngayong umaga kay Padre Damaso dahil sa sermon. Isa pa? Hindi yata at mayroon pang iba, Ibig ba ng prayleng iyan na guluhin ang lalawigan, o inakalang siya ang nakapangyayari rito? Sabihin ninyo sa binatang iyan na pumasok!µ3 Ang Heneral ay nangangatal sa galit na nagpalakad-lakad sa magkabilang dulo ng salas. Sa pook na bago pumasok sa salas ay may ilang Kastila na kahalo ng mga kawal at mga pinuno sa San Diego at mga mamamayan; pulu-pulutong na nag-uusap o nagtatalo. Naroon

MGA PALIWANAG 1 Tinuturuan ni Rizal ang mga Pilipino na lumapit sa Kapitan Heneral at umasa sa kagandahang loob nito. Sa kabilang dako ay mababakas ang pagiging mapagparaya ng Kapitan Heneral at kahandaan na duminig ng reklamo ng karaniwang tao. Malaking kaibahan sa karanasan ni Rizal noong nag-aaral pa sa UST, minsang ay pinalo siya ng espada sa likod ng isang opisyal hukbong Espanyol at ito ay kaniyang isinumbong sa GH ngunit si Rizal ay hindi pinakiharapan nito. 2 Ang tinging nagtataka ng Kapitan Heneral sa alkalde ay isang simbolismo ng pagsita/reprimand sa kawalan ng katarungan o kakayahan ng alkalde na magkaloob nito sa lalawigan. Maingat ang alkalde dahil ang sangkot ay ang isang binata at si Pray Damaso na kapwa nagbuintalan. 3 Mahahalata na may taglay na pagka-asar ang Kapitan Heneral kay Pray Damaso - ang katunayan ay kaniyang pinakinggan ang sumbong ng estudyante na nakabuntalan ng huli.

433

din ang lahat ng prayle, liban lamang kay Padre Damaso, at ibig magsipasok upang bumati sa Heneral.4 ´Ipinamamanhik po sa inyo ng marangal na Kapitan Heneral na maghintay na sandali,µ sabi ng ayudante sa mga pari, ´tuloy kayo, binata!µ5 Ang taga-Maynilang iyon na nagkamaling paghaluin ang Griyego at wikang Tagalog ay pumasok na namumutla at nanginginig sa kabahayan. Lahat ay namamangha: marahil ay malaki ang galit ng Heneral sapagkat nagawang paghintayin ang mga prayle. Ang wika ni Padre Sibyla ay: ´Ako ay walang anumang sasabihin sa kanya« nagsasayang lamang ako rito ng panahon!µ6 ´Gayon din ako,µ ang dugtong ng isang Agustino, ´halinang umalis!µ 7 ´Hindi kaya lalong mabuti ang alamin natin kung ano ang kanyang iniisip?µ tanong ni Padre Salvi, ´maiiwasan natin ang isang gulo« at« maipaaalaala natin sa kanya« ang kanyang mga kautangan ng loob sa« relihiyon«µ8 ´Makapapasok po kayo, kung ibig,µ ang sabi sa mga prayle ng ayudante, na inihatid ang binatang hindi marunong ng wikang Griyego, na ang mukha ay kinalalarawanan ng kasiyahan nang lumabas.

4 Sa kabila ng pagkakaroon ng ibang mga tao na higit na nakakataas sa katungkulan ay inuna pa ng Kapitan Heneral ang binatang mayroong idinudulog sa kanya. 5 Mapapansin na pinaghintay pa ang mga prayle at inunang kausapin pa ang estudyanteng nagsusumbong laban kay Pray Damaso. Ang paghintayin ang mga prayle sa panahong ng mga Espanyol ay isang malaking insulto sa mga kaparian ² paghintayin ang mga kahalili ni Jesucristo sa lupa at unahin pa ang isang estudyante. 6 Nararamdaman ni Padre Sybila ang pagkakainsulto sa kanila ng sila ay pag-hintayin. 7 Mapapansin na nagkakaisa ang mga prayle sa pagkamuhi sa isang Kapitan Heneral na walang pagpapahalaga sa kanila. 8 Ang aktwasyon ni Padre Salvi ay katulad ng mga diplomatikong prayle noon na hindi hayagang lumalaban sa di kapanalig na Kapitan Heneral, subalit gumagawa ng paraan upang ipakita rito na sila ang tunay na makapangyarihan sa Pilipinas.

434

Si Pray Sibyla ang unang pumasok; sa likod ay kasunod si Padre Salvi, si Padre Manuel Martin at ang iba pang pari. Pakumbabang nangagsiyuko, liban na kay Padre Sibyla na nagtaglay sa pagyuko ng isang pagkamataas; si Padre Salvi ay kaiba, halos nabaluktot ang baywang.9 ´Sino po sa inyong mga kagalang-galang si Padre Damaso?µ ang biglang tanong ng Heneral na hindi sila inalok na maupo, ni hindi man itinanong ang kanilang kalagayan, at hindi sila binati ng mga salitang may papuri gaya ng nakapamihasnan ng mga gayong katataas na tao. ´Si Padre Damaso ay hindi po namin kasama!µ ang sagot ng matigas ng pananalita ni Padre Sibyla. ´Nahihiga po ang lingkod ng inyong kamahalan,µ pakumbabang dugtong ni Padre Salvi, ´matapos na magkaroon kami ng lugod na batiin kayo at mabatid ang inyong kalagayan, na gaya nang nararapat ugaliin ng sino mang mabuting lingkod ng Hari at ng mga taong may mabuting pinag-aralan, ay naririto rin kami sa ngalan ni Padre Damaso na magalang na lingkod ng inyong kamahalan na inabot ng kasawian.µ ´Oh!µ putol ng Kapitan Heneral na pinaikot ng isang paa ang isang upuan at pinipilit ang ngiti, ´kung ang lahat ng lingkod ng aking kamahalan ay kagaya ng kagalang-galang na si Padre Damaso ay ibig kong ako na lang sa aking sarili ang maglingkod sa aking kamahalan!µ10 Ang mga pari na napatigil nga dahil sa nakatayo11 ay napatigil pa rin pati sa pag-iisip dahil sa sinabing ito ng Heneral. ´Mag-siupo kayo,µ ang dugtong, matapos ang munting hinto at pinalambot nang kaunti ang pagsasalita.12
9 Magkaiba ang paraan ng pagyuko ni Padre Sybila at Padre Salvi ² ang una ay kura paroko sa Maynila at ang huli ay kura paroko sa isang bayan sa lalawigan. 10 Parunggit sa mga prayle ² mas mabuti pa na wala sila sa pamahalaang kolonyal at maari pang magkaroon ng pagbabago at pagunlad sa Pilipinas. pinaikot ng isang paa ang isang upuan ² ito ay simbolismo ng pagbabago ng kaayusah ng kapangyarihan, mula sa pagiging sunud-sunuran tungo sa pagiging independente mula sa inpluwensiya ng mga dayuhang kaparian. 11 Nakatayo ang mga prayle ² isang anyo ng hindi pagbibigay galang o pagpapahalaga sa mga kaparian na nakikialam sa kapangyarihan ng pamahalaan. 12 Pagpapakita ng pakunwaring bigay galang ² simbolismo ng akomodasyon sa mga taong kaagaw niya sa kapangyarihan. Subalit inayos ng KH ang silya sa pamamagitan ng paa ² ikaw kaya ang alukin

435

Si Kapitan Tiyago ay naka-prak at lumalakad nang akay sa kamay si Maria Clara na urung-sulong na pumasok at puno ng takot. Subalit nakagawa naman ng isang kalugud-lugod at magalang na yuko. ´Anak ba ninyo ang binibining ito?µ ang pahangang tanong ng Kapitan Heneral. ´At ng inyo pong kamahalan, aking Heneral!µ ang sagot na walang kapingas-pingas ni Kapitan Tiyago. Napadilat ang mga ayudante at ang alkalde, ngunit iniabot ng Heneral ang kamay sa dalaga at malumanay na nagwikang: ´Mapapalad ang mga magulang na may mga anak na binibining gaya ninyo! Naibalita na kayo sa akin sa pamamagitan ng paggalang at paghanga« ninais kong makita kayo upang kayo ay pasalamatan dahil sa mabuting gawa na ipinamalas sa araw na ito. Nalalaman kong lahat, at pagsulat ko sa Pamahalaan ng Hari ay hindi ko malilimutan ang inyong mabuting ginawa.14 Samantala ay ipahintulot ninyo sa akin, sa ngalan ng Hari na kinakatawan ko rito at nagnanasa sa kapayapaan at katahimikan ng kanyang matatapat na sakop, at sa sarili kong pangalan, na isang ama na may mga anak din na kasinggulang ninyo, na kayo ay handugan ko ng isang gantimpala!µ ´Ginoo«!µ ang sagot na nanginginig ni Maria Clara. Nahulaan ng Heneral ang ibig niyang sabihin at tumugong: ´Lubhang mabuti nga ang kayo ay masiyahan na sa kasiyahan ng sariling budhi at sa paggiliw ng inyong mga kababayan; bagay na sadya ngang siyang pinakamabuting gantimpala, at hindi na tayo dapat humiling ng higit pa sa roon, ngunit huwag ninyong ipagkait sa aking samantalahin ang isang magandang pagkakataon upang ipamalas na kung ang Kapangyarihan ay marunong magparusa, ay marunong din namang magdulot ng gantimpala at hindi palaging bulag.µ15 ´Si Ginoong Ibarra ay nag-aantay ng utos ng inyong kamahalan!µ malakas na sabi ng ayudante. tiyad;13
ng silya na ang ginamit sa pag-aabot sa iyo ay paa. 13 Simbolismo ng pagiging bantulot ng mayayamang Pilipino sa harapan ng kapangyarihan ng Espanya. 14 Binabanggit ng Kapitan Heneral ay ang kaniyang isusulat na memorias ² isang kabuuang ulat na isusumite sa pamahalaan ng Espanya na naglalaman ng mga kaganapan sa panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas. 15 Ang Kapitan Heneral ay isang liberal at repormista na nagbabalak na magpakita ng bagong mukha ng kolonyal na pamahalaan sa harapan ng mga mamamayan ng Pilipinas.

436

Si Maria Clara ay kinilabutan. ´Ah!µ ang bulalas ng Kapitan Heneral, ´ipahintulot po ninyo sa akin, binibini, na ipahayag ang hangad na makita kayong muli bago ko lisanin ang bayang ito; mayroon po akong sasabihing mahahalagang bagay sa inyo. Ginoong Alkalde, samahan ninyo ako sa pamamasyal, na ibig kong gawing palakad, matapos ang pakikipag-usap ng sarilinan si Ginoong Ibarra!µ ´Ipahintulot po sa amin ng inyong kamahalan na ipaalam sa inyo,µ ang sabing mapakumbaba ni Padre Salvi, ´na si Ginoong Ibarra ay eskomulgado«µ16 Pinigil siya ng Heneral na ang sabi ay: ´Ikinalulugod kong walang ibang dapat na ipagdamdam kundi ang kalagayan lamang ni Padre Damaso, na nais kong tunay na gumaling nang lubusan, sapagka·t ang isang paglalakbay sa Espanya sa kanyang gulang dahil sa isang sakit ay hindi masarap.17 Subalit ito ay kung gusto niya« at samantala ay ingatan po kayo ng Diyos!µ Ang isa·t isa ay nag-alisan. ´At sadyang talaga kung gusto niya!µ ang bulong ni Padre Salvi nang makalabas na. Tingnan natin kung sino ang unang maglalakbay!: ang dugtong ng isang Pransiskano.18 ´Aalis ako ngayon din!µ ang sabing masama ang loob ni Padre Sibyla.
16 Isang pagpapa-alala ni Padre Salvi na si Ibarra ay hindi dapat na kausapin ng Kapitan Heneral. Mapupuna dito na ang paalala ni Padre Salvi ay mayroong bahid ng pansariling takot - ito ay baka mabanggit ang ukol kay Sisa at sa mga anak nito. Totoo na ang mga prayle noon ay labis na tiwala sa panahon na ang Kapitan Heneral sa Pilipinas ay kanilang tau-tauhan. Sa kabilang dako, sa kasong ito, ang Kapitan Heneral ay liberal at kritikal sa mga prayle. Ipinapakita ni Rizal sa mga makakabasang Kapitan Heneral noon na ang kailangan lamang nila ay ang political will. Naging kalakaran ng mga prayle na ang pinuno ng bansa na hindi nila makokontrol ay sisiraan nila sa pupito, ilalarawang demonyo sa harapan ng mga panatikong maninimba, at pailalim na alisin sa kapangyarihan. Kapag ang pinuno naman ng bansa ay kanilang kabig, kahit na anumang mga katiwalian at kalaswaan ang gawin at pagsasamantala sa bayan ay hindi sila kumikibo. 17 Magalang na pag-papaunawa ng pagnanais ng Kapitan Heneral na si Padre Damaso ay pauuwiin sa Espanya. 18 Mapapansin natin sa mapagmalaking salita na ito ng isang paring Pransiskano ang kakayahan ng mga korporasyon ng mga prayle na magpa-alis ng isang punong ehekutibo na hindi nila gusto. Ginagawan nila ng masamang usap (rumor) at di paborableng ulat sa kanilang tanggapan sa Madrid.

437

´At kami·y uuwi na sa aming lalawigan,µ ang sabi ng mga Agustino. Hindi matiis ng isa·t isa, na dahil sa kasalanan ng isang Pransiskano ay tinanggap sila nang malamig ng Heneral.19 Bago pumasok sa kabahayan ay nakatagpo nila si Ibarra, ang may mga ilang oras lamang ang nakaraan ay nagpakain sa kanila. Hindi nagbatian at nagtapunan ng tingin na may maraming sinasabi.20

Ngunit ang alkalde ay kaiba, nang wala na ang mga prayle ay binati si Ibarra at masuyong kinamayan ito,21 subalit ang

19 Ang pagmamataas at katigasan ng ulo ng mga prayle ay dinadaan pag-boycott sa pinakamataas na pinuno ng pamahalaang kolonyal. Ngayon may tumatakbo« Siguro noong nasa UP pa siya, trip niyang sumama sa Oblation Run. 20 Dahilan sa eskumulgasyon ay kinalilimutan ng mga prayle na mayroon silang utang na loob kay Ibarra. Pagkatapos na pakainin, titingnan pa ng tingin na may mga kahulugan, kung hindi man pabulong na sumpa laban sa binata. 21 Makikita sa ikinilos na ito ng alcalde na siya man ay may lihim na pagka-asar sa mga prayle ² ito ay dahilan sa ang mga pinunong sibil kahit na hindi niya masabi ay naiinis sa mga prayle na naghahari-harian sa lalawigan.

438

pagdating ng ayudante na hinahanap ang binata ay hindi nagbigay-panahon upang makapag-usap silang dalawa. Sa pinto ay nasalubong si Maria Clara: ang mga tingin nilang dalawa ay nagpahayag din ng maraming bagay, na labis na kakaiba sa ipinahayag ng mga mata ng mga prayle kanina. Ang suot ni Ibarra ay luksang-luksa. Humarap na panatag at mababang yumuko gayong ang pagdalaw ng mga prayle ay hindi niya inaring mabuti. Sumalubong sa kanya ng ilang hakbang ang Heneral. ´Lubos akong nasisiyahang-loob, Ginoong Ibarra, sa pakikipagkamay sa inyo. Ipahintulot ninyo sa aking tanggapin kayo nang buong kapalagayang-loob.µ22 Minamalas at siniyasat nga nang may kahalong lugod ng Heneral ang binata. ´Ginoo« ang ganyang kagandahang-loob!«µ ´Ang inyong pagtataka ay nakasusugat sa aking damdamin, ipinalalagay kong hindi ninyo inaasahan na tatanggapin ko kayo nang mahusay: ang ganyang akala ay pagaalinlangan sa aking katarungan!µ23 ´Ang isang magiliw na pagtanggap po, Ginoo, sa isang walang kabuluhang tagapaglingkod ng Hari na gaya ko ay hindi isang tuwid na katarungan, kundi, isang pagkakawanggawa.µ ´Siya, siya!µ ang sabi ng Heneral na umupo at itinuro sa kanya ang isang upuan,24 ´bayaan ninyong kami ay magkaroon ng isang mabuting sandali; lubos akong nasisiyahan sa inyong ginawa at ipinalagay ko na sa Pamahalaan ng Hari upang pagkalooban kayo ng isang gantimpala dahil sa maganda ninyong panukala na pagtatayo ng isang paaralan« Kung nagsabi kayo sa akin ay malugod sanang humarap ako sa paglalagay ng unang bato at marahil ay naiwasan ang isang pagkakasira.µ ´Inakala kong napakaliit ang balak,µ ang sagot ng binata, ´kaya·t hindi ko sinapantahang karapat-dapat na maging sanhi ng pagkagambala ng inyong kamahalan na maraming gawain; saka

22 Ang masuyong pagtanggap ng Kapitan Heneral kay Ibarra ay simbolismo ng pagtanggap sa malayang kaisipan na dumarating sa bayan. 23 Paraan ng pagpapakita ni Rizal na ang liberal na kaisipan ay hindi dapat katakutan ng pamahalaan, dahilan sa ito ay magiging kakampi pa nga ng pamahalaan. 24 Isang simbolismo ni Rizal sa kaniyang pagnanais na ang liberal na kaisipan ay makasalo o maging ka-partner ng pamahalaan ² tandaan kanina na kunng papaano inalok ng upuan ng KH ang mga prayle.

439

ang isa pa ay katungkulan ko ang magbigay-alam sa lalong may mataas na kapangyarihan sa aking lalawigan.µ25 Iniiling nang anyong may lugod ng Heneral ang ulo at sa isang paraang lalo pang masuyo·y nagpatuloy: ´Tungkol sa pagkakasira ninyo ni Padre Damaso ay huwag kayong mangamba ni nang pagtatanim ng galit sa kanya: walang makagagalaw sa inyo samantalang ako ang namamahala sa Kapuluan; at tungkol naman sa excomunion ay bahala na akong makipag-usap sa Arsobispo, sapagkat kailangang makibagay tayo sa kalakaran: dito ay hindi natin maaring pagtawanan ang mga bagay na iyan sa harap ng madla, na gaya sa Espanya o sa makabagong Europa. 26 Gayunman, ay mag-iingat kayong mabuti sa susunod; kayo ay nakiharap sa mga Corporacion, na dahil sa kanilang katayuan sa lipunan at malaking kayamanan ay nararapat na igalang.27 Ngunit tatangkilikin ko kayo, sapagkat ibig ko ang mabuting anak, ibig ko ang pagbibigay-dangal sa magulang; ako may inibig ko ang aking mga magulang at« hindi ko masabi kung ano ang gagawin ko kung ako ang napalagay sa inyong kalagayan kanina«µ At tumanong, na binago ang salitaan, ng: ´May nagsabi sa aking galing daw kayo sa Europa, tumira ba kayo sa Madrid?µ ´Opo, mga ilang buwan.µ ´Nadinig ba ninyo narrinig sa mga usapan ang aking kaanak?µ ´Kaaalis pa lamang ng inyong kamahalan nang ako ay ipakilala sa kanila.µ ´Kung gayon ay bakit kayo naparito nang walang taglay na isa mang sulat na pagpapakilala?µ ´Ginoo,µ ang tugong yumuko ni Ibarra, ´sa dahilang hindi sa Espanya ako nagmula ng umuwi rito,28 at saka, sa dahilang
25 Ipinapakita ni Ibarra ang pagiging edukado ² alam ang protocol, alam ang mga taong dapat na anyayahan na ayon sa laki o liit ng proyekto. 26 Ang ekskomulgasyon ay pinatutupad sa Pilipinas, habang sa mga liberal na sektor sa Espanya at Europa, ang ekskumulgasyon ng simbahan ay isa na lamang katatawanan. Nakikibagay lamang ang KH, sa mga prayle na nagtataglay ng susi sa kadena ng panatisismo noon sa Pilipinas. 27 Maging ang pamahalaan mainpluwensiya at mayaman. ay maingat sa mga samahan na

28 Si Rizal sa pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay hindi nagmula sa Espanya, kundi mula sa Alemanya at naglakbay tungo ng Italya at sumakay ng barko sa Pransya pabalik ng Pilipinas.

440

may nagsabi sa akin ng ugali ng inyong kamahalan ay inakala kong hindi na kailangan ang isang sulat na pagpapakilala upang inyong ampunin,; kaming lahat ng mga Pilipino ay nasa ilalim ng inyong pag-aampon.µ29 Isang ngiti ang bumakas sa labi ng matandang sundalo, na banayad na tumugon na parang sinusukat at tinitimbang ang kanyang mga sasabihin: ´Ikinalulugod ko ang pag-aakala ninyo ng ganyan, at« ganyan nga ang nararapat! Gayunman, dapat ninyong mabatid kung anu-anong pasanin ang napapataw sa balikat namin sa Pilipinas. Dito, kaming matatandang kawal ay siyang lahat, at kami ang gumaganap sa lahat: Hari, Ministro de Estado, de Guerra, de Gobernacion, de Fomento, de Gracia y Justicia, atbp.; at ang lalo pang masama ay ang pangyayaring sa bawat bagay ay kailangan ang sumangguni pa sa Espanya na sumasang-ayon o nagpapawalang-kabuluhan sa aming mga panukala, nang ayon sa mga pangyayari.30 Kung minsan ay walang hunos-dili! At kami ring mga Kastila ang nagsasabing: ¶ang maraming balakin ay walang magagawa.· At saka ang karaniwan ay pumaparito kaming bahagya pa lamang ang nalalaman ukol sa mga bagay-bagay sa bayang ito at ito ay aming iniiwan sa panahon na unti-unti naming nakikilala.31 Sa inyo ay maaari akong magtapat, sapagkat walang mapapala ang pagkukunwari ng ibang bagay. Kung sa Espanya, na, ang bawat kagawaran ay may nakatalagang ministro na doon
29 Nagpaparamdam si Rizal sa pamamagitan ng tauhang si Ibarra na ang katungkulan ng Kapitan Heneral ay ang ampunin ang mga Pilipino ² ang isang pinuno ng bansa ay dapat na unang intindihin ang kapakanan at kagalingan ng mga mamamayan, hindi ng kaniyang mga kamag-anak at mga malapit na kaibigan. 30 Ipinapa-alam ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa na ang mga pinunong Espanyol sa Pilipinas ay maraming mga tungkulin at responsabilidad ngunit walang sapat na awtoridad, kailangan pa na sumangguni sa Espanya para aprobahan o hindi aprobahan ang kanilang mungkahi. Mula sa pananalita ng Kapitan Heneral ay mababakas ang panukala ni Rizal na bigyan ng autonomiya ng Pilipinas mula sa Espanya ² ang autonomiya ay karapatan na magpasiya sa sarili ng ayon sa umiiral na suliranin ng hindi na kailangan pang labis na sumangguni sa nakakataas na kapangyarihan. 31 Sandali lamang ang panunungkulan ng mga opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang nananatili ng matagal sa Pilipinas ay ang mga prayle at dahilan sa sila ang nakakaalam ng bayan nagagawa nilang makontrol ang iba·t ibang aspekto ng buhay ng mga Pilipino na yumayakap sa Katolisismo.

441

na ipinanganak at lumaki, doon na may pahayagang naghahayag nang tapat sa mga opinyon ng mamamayan; kung doon na ang hayagang pagtutol ay nagpapamulat sa Pamahalaan ay hindi ayos ang lakad ng lahat at magulo, ay isang himala ang pangyayaring dito ay hindi gusot ang lahat ng bagay, dahil sa wala nang mabubuting bagay na iyon at ang pamahalaan ay nabubuhay at kumikilos sa gitna ng anino ng kaniyang malakas na kalaban.32 Kaming mga namamahala ay hindi kulang sa mabuting hangarin,33 ngunit napipilitan kaming gumamit ng mata at bisig ng iba na ang karaniwan ay hindi namin kilala, na marahil ang pinaglilingkuran ay ang kanilang sariling kapakanan at hindi ang kanilang bayan.34 Ito ay hindi namin kasalanan, dala ito ng mga kasalukuyang kaganapan; natutulungan kami nang kaunti ng mga prayle sa pagpapalakad, ngunit hindi na sila sapat« Kayo ay ibig kong tingnan at hinahangad kong huwag masira sa inyo nang kahit babahagya ang depekto ng kasalukuyan naming paraan ng pamamahala«35 hindi ko magagampanang bantayan ang lahat, ni ang lahat naman ay mangyayaring lumapit sa akin. Sa ano ko kayo mapaglilingkuran, mayroon ba kayong hihilingin sa akin?µ Si Ibarra ay nag-isip. ´Ginoo,µ ang sagot, ´ang pinakamalaki kong nais ay ang kaligayahan ng aking bayan, kaligayahang ibig ko sanang maging utang sa Inang Espanya at sa pagsusumikap ng aking mga kababayan, na ang una at mga huling tinuran ay magkaroon ng magkaisang-hangarin. Ang hinihingi ko ay walang makapagbibigay

32 Ipinapakilala ni Rizal na ang pangunahing kalaban ng pamahalaang kolonyal at ng mga reporma itinataguyod nito ay ang mga alagad ng kolonyal na simbahan. 33 Makikita ang pagiging matimbang ni Rizal ² ang katotohanan, ang pamahalaan ng Espanya ay hindi salat sa mabuting hangarin at maraming mga batas ng Espanya na ipinatupad sa Pilipinas ay makatao at may pagnanais na maisayos ang maraming mga maling bagay. 34 Ang pamahalaan ay humihingi ng tulong sa ibang mga tao ² ngunit sa pagtulong ng ibang mga tao ay hindi naman tunay na ang pamahalaan ang kanilang tinutulungan, kundi ang kanilang pansariling kapakanang pampulitika at pangkabuhayan. 35 Isang pagpapamukha ni Rizal sa mga alagad ng kolonyal simbahan na ang kanilang pagtulong sa pamahalaan ay hindi sapat pagsulong ng bayan at nangangailangan ang pamahalaang Espanyol Pilipinas ng mga edukadong mamamayan na makakatulong pamamalakad ng bayan. na sa sa sa

442

kundi ang pamahalaan, matapos ang walang likat na paggawa at mga tumpak na reporma.µ36 Tiningnan siyang ilang sandali ng Heneral ng tinging pinaglabanan ni Ibarra, ng tinging walang pagkagulumihanan.37 ´Kayo ang unang lalakeng nakausap ko sa lupaing ito!µ38 bulalas na iniabot sa kanya ang kamay. ´Ang inyong kamahalan ay walang nakita kundi ang mga gumagalaw sa mga siyudad, hindi ninyo nakikita ang mga minamaliit na kubo sa aming mga bayan-bayan; nakakita sana ang inyong kamahalan ng mga tunay na lalake kung sa pagiging lalake ay sukat na ang magkaroon ng isang mabuting puso at paguugaling walang paimbabaw na kilos.µ39 Ang Heneral ay tumindig at nagpalakad-lakad sa magkabilang dulo ng kabahayan. ´Ginoong Ibarra,µ ang bulalas na biglang huminto; ang binata ay tumindig, ´marahil ay aalis ako sa loob ng isang buwan; ang inyong napag-aralan at ang inyong mga pagkukuru-kuro ay hindi angkop sa lupaing ito.40 Ipagbili ninyo ang lahat ng ariarian, magbalot kayo ng damit at sumama kayo sa akin sa Europa:41 ang klima doon ay siyang lalong mabuti sa inyo.µ42
36 Ang sinabi ni Ibarra ay layunin ng mga propagandistang Pilipino, na dito si Rizal ay minsan ay naging kabilang. 37 Nababakas ng Kapitan Heneral sa pananalita ni Ibarra ang pagiging repormista. 38 Si Ibarra ang unang lalaking nakausap ng KH dahilan sa prangka at seryoso, may kakayahang masabi ang kaniyang tunay na saloobin - ito ay naipakikita niya sa balakin na magpatayo ng paaralan. 39 Ipinapalingap ni Ibarra sa Kapitan Heneral na hindi lamang silang mga dugong Espanyol na may kayamanan at nakapag-aral ² maging sa mga karaniwang tao ay katulad niya sa mga katangian at layunin. 40 Ang mga kaisipang ng pagmamahal at naisin na umunlad ang bayan ay mapanganib na taglayin noon sa Pilipinas dahil hindi mapagparaya ang mga prayle sa mga ideya na panganib sa kanilang interest pampulitika at pangkabuhayan. 41 Ang pagyaya ng Kapitan Heneral na manirahan si Ibarra Europa ay isang pagmamalasakit at di-direktang babala sa masamang kapalaran na maaring sapitin ng isang tao sa kamay ng mga prayle kapag wala ang isang mapagkalingang namamahala. 42 ´ang klima doon ay siyang lalong mabuti sa inyoµ - Isang hindi simuladong paraan ng pagbubunyag ni Rizal na ang klimang panlipunan sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya ay hindi angkop sa

443

´Tataglayin ko po, habang nabubuhay, ang kagandahangloob ng inyong karilagan,µ sagot ni Ibarra na nabagbag ang loob, ´ngunit dapat akong mabuhay sa lupaing kinabuhayan ng aking mga magulang«µ ´Kinamatayan ang inyong sabihin at siyang lalong 43 angkop! Maniwala kayo sa akin, marahil ay malaki pa ang pagkakilala ko sa inyong bayan kaysa pagkakakilala ninyo« Ah, ngayon ko naalaala,µ ang bulalas na nagbago ng salita, ´kayo ay mag-aasawa sa isang kagiliw-giliw na binibini ay inaabala ko kayo rito! Paroon kayo, paroon kayo sa piling niya, at upang lalo kayong magkasarilinan ay paparituhin ninyo ang ama,µ ang dugtong na nakangiti, ´gayunman ay huwag ninyong limutin na ibig kong samahan ninyo ako sa pagpapasyal.µ Si Ibarra ay yumuko at lumayo. Tinawag ng Heneral ang ayudante. ´Natutuwa ako!µ ang sabi na tinapik-tapik sa balikat ang kagalawad, ´Ngayon ko lamang nakita kung papaano at maaaring sabay sa pagiging mabuting Kastila ay maging mabuting Pilipino at umibig sa kanyang bayan;44 naipakilala ko rin sa mga reverencia na kami ay hindi laruang lahat nila: ang binatang iyan ang nagbigay sa akin ng daan at di-malalaon magkakatuusan na kami ng prayle! Sayang ang binatang iyan bukas o makalawa«45 nguni·t ipakitawag mo sa akin ang alkalde.µ Ito ay humarap agad. ´Ginoong Alkalde,µ ang sabi rito, nang pumasok, ´upang maiwasang maulit pa ang mga pangyayaring kagaya kaninang tanghali, mga pangyayaring dinaramdam ko sapagkat nakasisira sa karangalan ng
mga taong may kaisipang liberal. 43 Alam ng Kapitan Heneral ang kinahantungan ng ama ni Ibarra ² ito ang nag-utos na na alisin si Pray Damaso sa San Diego. Kilala niya ang bayan dahilan sa matagal-tagal na siya dito at nakita na niya ang galaw ng mga tao sa lipunan. 44 Ginamit ni Rizal ang pananalita ng Kapitan Heneral upang ipamukha sa mga mambabasang Pilipino na may dugong Espanyol na maaring pagsabayin ang katapatan sa Espanya at ang pagmamahal sa Pilipinas. Sa pananalita ng Kapitan Heneral ay hinihikayat ni Rizal ang una na magkaroon ng sarili nilang paninindigan (hindi laruan ng mga alagad ng simbahan na katulad ng rebulto ng Santo Nino na nakasuot ng uniporme ng KH sa Kabanata 6). 45 May nakikitang masamang pangitain ang Kapitan Heneral na maaring kasapitan ni Ibarra at ito ang dahilan kung bakit niya ipinatawag ang alcalde.

444

Pamahalaan at ng lahat ng Kastila, ay mahigpit kong ipinagbibilin sa inyo si Ginoong Ibarra, hindi lamang upang pagkalooban siya ng lahat ng kailangan upang matuloy ang ng kanyang magagandang proyekto, kundi, upang iwasan din sa hinaharap na panahon na siya ay gambalain ng sinumang tao, maging alin man ang kalagayan nito at maging sa ano mang kadahilanan.µ Naramdaman ng alkalde ang sumbat at yumuko upang ikanlong ang kanyang pagkalito.46 ´Ipasabi rin ng inyong kamahalan ang gayon sa alperes na namumuno sa pangkat, at siyasatin ninyo kung tunay na ang ginoong ito ay may mga inuugaling hindi iniuutos ng mga patakaran: hindi lamang iisang sumbong ang naririnig ko tungkol sa bagay na ito.µ47 Si Kapitan Tiyago ay humarap na pormal na pormal. ´Ginoong Santiago,µ ang sabi sa kanya ng Heneral na malugod ang pananalita, ´hindi pa nalalaong dinulutan ko kayo ng maligayang bati dahil sa kapalarang pagkakaroon ng isang anak na gaya ng binibining de los Santos; ngayon ay binabati ko kayo dahil sa inyong magiging manugang: ang pinakamabait na anak na babae ay sadyang bagay sa pinakamabuting mamamayang lalake sa Pilipinas. Maaari bang mabatid kung kailan ang kasal?µ ´Señor«!µ ang mahinang sabi ni Kapitan Tiyago at pinahid ang pawis na tumutulo sa kanyang noo. ´Ah, nawawari kong wala pang kasunduang anuman! Kung kulang ng padrino ay ikalulugod kong maging isa sa magaanak. Upang mapawi lamang ang di-kasiyahang-loob na iniwan sa akin ng mga kasal na pinadrinuhan ko hanggang sa sandaling ito!µ ang dugtong, na ang tinukoy ay ang alkalde.48
46 Ang sinabi ng Kapitan Heneral ay isang diplomatikong paraan ng reprimand sa alcalde dahilan sa hindi niya napigilan sa panahon ng pananghalian si Pray Damaso sa pagsasabi ng mga masasamang bagay laban kay Ibarra. 47 Sa kabila ng proteksiyon ay pinasisiyasat din Kapitan Heneral sa alperes si Ibarra dahilan sa may mga sumbong ang nakakarating sa kaniya ukol sa binata ²mapapansin na may mga nagsusumbong sa Kapitan Heneral ng laban kay Ibarra at ito ay maaring kagagawan ng mga kalaban ng kaniyang yumaong ama. Isang malaking kabalintunaan sa buhay ni Rizal na sa panahon na siya ay nagbalik sa Pilipinas pagkatapos niyang maipalathala ang Noli Me Tangere ay ipinatawag at tinanggap siyang may kaluwagan ni GH Emilio Terrero at binigyan nito si Rizal ng isang tagapagbantay sa katauhan ni Tinyente Jose Taviel de Andrade ² ang trabaho ni Tinyente Andrade ay pangalagaan si Rizal at manmanan kung may katotohanan ang mga sumbong na ipinararating mga prayle sa GH laban kay Rizal. 48 Isa sa kaugalian nating mga Pilipino na kumuha ng mga matataas na

445

´Opo!µ ang sagot ni Kapitan Tiyago sa pamamagitan ng isang ngiting nakakaawa.49 Halos patakbong hinanap ni Ibarra si Maria Clara: maraming bagay siyang sasabihin at isasaysay. Nakarinig siya ng masasayang tinig sa isa sa mga silid at marahan siyang kumatok sa pinto. ´Sino ka?µ ang tanong ni Maria Clara. ´Ako!µ Ang mga tinig ay nagsitigil at ang pinto ay« hindi nabukas. ´Ako, maaari ba akong pumasok?µ ang tanong ng binata na ang puso ay tumitibok nang malakas. Ang katahimikan ay nagpatuloy. Makaraan ang ilang sandali ay may mahihinang yabag na lumapit sa pinto at ang masayang tinig ni Sinang ay bumulong sa butas ng susian: ´Crisostomo, pupunta kami sa dulaan mamayang gabi; isulat mo ang nais mong sabihin kay Maria Clara.µ At ang mga yabag ay muling lumayo, matuling gaya nang lumapit. ´Anong ibig sabihin nito?µ bulong na ni Ibarra samantalang dahan-dahan lumalayo sa pinto.

tao para maging ninong sa kasal ² mas mataas na tao ay para bang sikat ang kasalan. Isa sa mga sanhi nito ay nakikita natin na ang mga ninong na maaring magkaloob sa atin ng pabor ² tulad ng alcalde (na sa bahaging ito ay lumalabas na inaanak pala ng Kapitan Heneral at may pagkakataon pa na ang mga inaanak na ito ay nagpapasakit ng ulo ng mga ninong. 49 Mapapansin ang labis na pagkarindi ni Kapitan Tiyago sa tanong at pakiusap ng Kapitan Heneral, kailan ang kasal at nagpi-prisinta itong maging ninong ² napasagot ng opo si Kapitan Tiyago (maging kumpare ng pinakamataas na pinuno ng bansa). Pero ang kalituhan ay dahilan sa ipinasisira ng mga prayle ang magaganap na kasalan at kaibayo naman sa pagnanais ng Kapitan Heneral na matuloy ang kasalan. (ito ang palaging dilemna ng isang taong sunud-sunuran sa ipinagagawa ng iba.)

446