KABANATA 39 SI DONYA CONSOLACION

Bakit nakasara ang mga bintana ng bahay ng alperes? Saan naroroon, nang dumaraan ang prusisyon, ang mukhang lalake at nakasuot ng pranela - ang Medusa o Musa ng Guwardiya Sibil? Nahalata kaya ni Donya Consolacion ang masamang ayos ng kanyang noong nalalatagan ng malalaking ugat, na parang hindi ng dinadaan ng dugo kundi ng suka at apdo, ang malaking tabako na nagsisilbing hiyas ng kanyang labing kulay-talong at ang kanyang mainggiting paningin, at, sa pag-sunod kaya niya sa isang mabuting ng kalooban, ay pinili ang hindi iskandaluhin, sa pamamagitan ng kanyang kakila-kilabot na pagsipot, ang katuwaan ng maraming mga tao. Ang kabutihan ng kalooban ay lumipas na sa kanya, noon pang kapanahunang tinatawag na Siglo de Oro!1 Ang bahay ay malungkot sapagkat ang bayan ay nagsasaya, gaya nang sabi ni Sinang; walang mga parol ni banderitas. Kung hindi lamang mayroong sundalong bantay sa harap ng pinto ay masasabing walang tao ang bahay.

MGA PALIWANAG 1 Siglo de Oro ² katawagan sa bahagi ng kasaysayan ng Espanya noong ika-16 na siglo, nang ang kaharian ay nasa rurok ng kaniyang kapangyarihan sa daigdig at ang lawak ng mga nasasakupang kolonya ay hindi nilulubugan ng araw. Nagtapos ang siglo de oro sa pagsisimula ng pagpanhik ng Inglatera bilang bagong pandaigdig na kapangyarihan. Sa paggamit ni Rizal ng pananalitang ito ay masasabing hindi pa ipinanganak si Donya Consolacion ay likas na walang katutubong kabutihan ang nasabing babae. Ang hanay ng pangungusap na ito ay itinulad ni Rizal sa Kabanatang Lady Jesuit ng nobelang Wandering Jew ni Eurgene Sue.

456

Isang malabong ilaw ang tumatanglaw sa walang kaayusang loob ng bahay at nakapagpapaaninag sa maruruming kapis na kinakapitan ng sapot ng gagamba at dinidikitan ng alikabok. Ang señora, alinsunod sa kanyang ugali na laging walang ginagawa, ay nag-aantok sa isang mahabang upuan. Ang kasuotan niya ay gaya sa araw-araw, na napakasama at napakapangit; ang tanging pinakapalamuti ay isang panyong nakatali sa ulo na nilulusutan ng manipis at maiikling buhok na gusot; ang baro ay pranelang bughaw, na ang pang-ibabaw ay isa ring barong tila noong bago ay puti, at isang sayang kumupas na naglalarawan sa mga payat at tuyong hita na nagkakapatong at ikinukuyakoy nang madalas. Sa kanyang bibig ay sunud-sunod na lumalabas ang usok na payamot na ibinubuga sa dakong natitingnan kung ibinubukas ang mata. Kung siya ay nakita nang mga sandaling iyon ni Don Francisco de Cañamaque2 ay pinagkamalan marahil na ang babae ay isang mapaghari-harian sa bayan o mangkukulam, at hihiyasan pa marahil ang kanyang natuklas na ito ng mga opinyon sa wikang Kastilang-tindahan, na kanyang sariling likha, upang gamitin niyang mag-isa. Nang umagang iyon ay hindi nagsimba ang señora, hindi sa dahilang ayaw niya, kundi, bagkus ibig pa nga niyang matanghal s a madla at makinig ng sermon; datapwat hindi pinayagan ng asawa, at gaya ng sa karaniwan, ang pagbabawal ay may kasamang dalawa o tatlong murahan, sumpa at babalang bibigyan ng ilang tadyak. Batid ng alperes na ang kanyang asawa ay kakutya-kutya kung gumayak, mabilis na mahahalatang kalunya ng sundalo, at hindi nararapat na siya ay ilantad sa mata ng mga pinuno sa kapiltolyo ng lalawigan ni sa mga namimistang tagaibang bayan.
2 Si Don Francisco de Cañamaque ay isang opisyal na Espanyol at sumulat ng ilang katha ukol sa Pilipinas. Isa sa na dito ay ang Recuerdos de Filipinas na nailathala sa Madrid noong 1877 at 1880. Ang kaniyang mga katha ay ukol sa paglalarawan na kaniyang nasaksihan sa mga naninirahang Espanyol sa Pilipinas. Ang paraan ng kaniyang paglalarawan sa mga ito ay mababaw at nailarawan na katawa-tawa ang mga nangangasiwa ng pamahalaan at mga taong simbahan, sa ganito ang kaniyang mga katha ay opisyal na ipinagbawal sa Pilipinas, sa panahon ng mga Espanyol.

457

Subalit ang iniisip ng babae ay hindi gayon. Ang alam nito, siya ay maganda, nakaaakit, may kilos reyna at magara pang gumayak kaysa kay Maria Clara: ang dalaga ay nagtatapis at siya ay hindi. Kinailangan ng alperes na sabihin sa kanyang: ´Magtigil ka o pababalikin kita sa pamamagitan ng tadyak sa p« mong bayan!µ Si Donya Consolacion ay ayaw mabalik sa kanyang bayan sa tulong ng tadyak, nguni·t nag-isip ng paghihiganti. Kailanman ay hindi nakapgbibigay ng pagpapalagay ng loob sa kaninuman ang madilim na pagmumukha ng señora, kahit na kung nagkokolorete, ngunit nang umagang iyon ay nakakatakot na lubha, lalo na nang makita siyang palakad-lakad sa loob ng bahay na walang imik at parang nag-iisip nang kakila-kilabot at kalagim-lagim sa buong bahay: ang kanyang paningin ay katulad ng sa mata ng serpiyente kung ito ay nahuhuli at papatayin: malamig, maningning, matalas at may kadulingan, nakaririmarim, kasindak-sindak. Ang pinakamaliit na pagkakasala, ang pinamaliit na ingay ay makapagpapalabas sa kanyang mga bibig ng isang malaswa at mahalay na tungayaw na nakaririmarim; nguni·t walang sumasagot: ang paghinging-tawad ng tawad sa kanya ay isa pa ring pagkakasala. Sa gayong ayos nakaraan ang maghapon. Sa dahilang walang nakahahadlang (ang asawa ay nasa kapitahan) ay nagiipon sa kalooban ng pakamuhi; parang ang katawan niya ay napupuno ng koryente at nagbabantang bumuga ng isang bagyo ng pagkagalit. Lahat ng nasa paligid niya ay yumuyuko na gaya ng mga uhay sa kauna-unahang hihip ng bagyo; walang makapipigil sa kanya, wala siyang matagpuang ungos o mataastaas na sukat pagbuntunan ng kanyang pagkamuhi: ang mga sundalo at mga alila ay nangag-sisipangayupapa sa kanyang tabi. Upang di-marinig ang kasayahan sa daan ay iniutos na isara ang mga bintana; ipinag-utos sa bantay na huwag magparaan ng kahit sino. Nagtali ng isang panyo sa ulo na parang upang hindi ito sumabog at kahit may araw pa ay nagpalagay ng ilaw. Gaya ng nakita natin, si Sisa ay dinakip dahil sa kasalanang panggugulo at dinala sa kuwartel. Noon ay wala ang alperes at ang kahabag-habag na babae ay magdamag na nakaupo sa isang bangko at ang tingin ay pawalang-bahala. Nang kinabukasan ay nakita siya ng alperes, at sa pangingilag na baka kung mapaano sa mga araw na iyon na lubhang magulo, at sa kaayawang mapanood ng madla ang isang bagay na diikasisiyang-loob, ay ipinag-utos sa mga sundalo na bantayan, tingnang mabuti at pakanin. Sa gayong kalagayan dinaan ng dalawang araw ang baliw.3
3 Nagkaroon ng pagsasa-alang-alang ang alperes sa kalagayan ni Sisa,

458

Nang gabing ito, dahil sa ang pagkakalapit ng bahay ni Kapitan Tiyago ay nakapag-parating hanggang sa pook niyang kinalalagyan ang malungkot na awit ni Maria Clara, o kaya ay may ibang tugtog na nakapagpagunita sa kanya ng kanyang mg dating awit, o maging sa papaano mang sanhi ay umawit siya ng ilang kundimang inaawit noong kanyang kabataan, sa tulong ng isang malungkot at matamis na tinig. Napapakinggan siya ng mga sundalo ngunit hindi nagsisiimik: ay! ang mga awit na iyon ay nakagigising ng mga alaalang lumipas, ang mga alaala noong hindi pa narurungisan ang kanilang mga budhi.4 Narinig din ni Donya Consolacion si Sisa at nabatid kung sino ang umaawit. ´Paakyatin ngayon din!µ ang utos, makaraan ang ilang sandaling pag-iisip. Isang tulad sa ngiti ang nababakas sa kanyang mga yayat na labi. Iniakyat si Sisa, na humarap nang walang pangingilag, pagtataka at takot: parang wala siyang nakikitang sinumang señora. Ang bagay na ito ay nakasugat sa kapalaluan ng Musa na nag-aakalang karapat-dapat na igalang at katakutan. Ang alperesa ay umubo, hinudyatang umalis ang mga sundalo, at matapos makuha sa pagkakasabit ang latigo ng kanyang asawa ay nagsabing, ang tinig ay kakila-kilabot, sa baliw, na: ´Vamos, magkantar ikaw!µ Gaya ng nararapat mangyari·y hindi naunawa ni Sisa ang kanyang sinabi, at ang di-pagkabatid na iyon ay nakapagpatindi sa kanyang galit. Isa sa magagandang ugali ng babaeng ito ay ang pagkukunwaring hindi nakakaalam ng wikang Tagalog o kung di man gayon ay nagpapakunwaring hindi siya marunong ng nasabing wikang sa pamamagitan ng di-wastong pagsasalita: sa gayon ay nagmamalaki siyang wari·y tunay na Europea, gaya ng lagi niyang sinasabi. At mabuti nga ang kanyang ginawa sapagkat kung pinarurusahan man niya ang wikang Tagalog, ang wikang Kastila ay hindi rin nakaligtas sa kaniyang paglapastangan sa gramatika at sa pagbigkas.5 Gayong tinuruan na siya ng kaniyang ang asawa, sa tulong ng mga silya at sapatos ay upang kaniyang matutunan!
dahilan sa ito ay ipinagkatiwala ni Ibarra at ipinaalam sa Kapitan Heneral. 4 Ang mga guwardiya sibil ay dating mga mabubuti, ngunit ang kanilang malaking kapangyarihan na hindi malabanan ng mga karaniwang mamamayan ay nagbigay daan sa kanila para magmalabis. 5 Makikita ang lupit ni Dna. Consolacion ² pati ang wikang Espanyol ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagsasalita nito sa pamamagitan ng mali-maling gramatika at pagbigkas.

459

Isa sa mga salitang pinagkahirapan niya nang higit kaysa pagkakahirap sa mga geroglifico ni Champillion6 ay ang salitang Filipinas. Nabalitang kinabukasan ng kanyang kasal, nang nakikipag-usap sa kanyang asawa, na noon ay kabo lamang, ay binigkas niya ang Pilipinas; inakala ng kabo7 na nararapat siyang turuan, kayat sabay sa isang kutos ay sinabi sa kanyang: ´Sabihin mong Felipenas, huwag kang hayop! Hindi mo ba batid na gayon ang pangalan ng p« mong bayan dahil sa galing sa salitang Felipe?µ Ang babae naman, na nanaginip pa sa kanilang naging pulot at gata ay sumunod at sinabing Felepinas. Inakala ng kabo na nalalapit-lapit na, dinagdagan pa ang mga kutos at binulyawan siya ng: ´Ano ka bang babae ka! Hindi mo ba masabing Felipe? Huwag mong limutin, alamin mong ang Haring Don Felipe« quinto« sabihin mo ang Felipe at dagdagan mo ng nas na sa wikang Latin ay kapuluan ng mga Indio ang kahulugan, at iyan ang pangalan ng iyong kap«- p« hang bayan!µ Si Consolacion na manlalaba lamang nang kapanahunang iyon, matapos na mahip ang pasa (bruises) at bukol sa kaniyang ulo, ay nagsalitang nauubusan na ng pagtitimpi: ´Fe«lipe, Felipe«nas, Felipenas; ganoon ba?µ Ang kabo ay napatunganga. Bakit lumabas na Felipenas at hindi Felipinas? Alin sa dalawa: dapat sabihing Felipenas o nararapat sabihing Felipi? Nang araw na iyon ay inakala niyang mabuti ang huwag kumibo, nilisan ang kanyang asawa at masusing sumangguni sa mga aklat na nakalimbag. Dito siya napahanga nang lubha; pinahid ang kanyang mga mata: ´Tingnan« dahan-dahan« Filipinas ang nasasabi sa mga limbag kung iisa-isahin ang pagbasa ng mga titik: siya at ang kanyang asawa ay kapwa wala sa katwiran.8 ´Bakit?µ ang bulong niya, ´makapagbubulaan baga ang Kasaysayan? Hindi ba sinasabi ng aklat na ito, na ito ang
6 Champillon- (Champollion) ² isang Pranses na kasama ng hukbo ni Napoleon sa Ehipto na nakatuklas ng Rosetta Stone na naging susi upang maunawaan ng mga iskolar ang sulating geroglipiko ng Ehipto. 7 Ito ay noong bagong kasal pa lamang ang alperes at ang ranggo ay kabo (corporal). ² Ang mga non-commissioned officer na Espanyol ng hukbong sandatahan ng Espanya sa Pilipinas ay nanungkulan bilang mga opisyal ng guardia sibil. 8 Dito ay pinalabas ni Rizal na maging ang alperes na nagtuturo sa kaniyang asawa ay mangmang din maging sa kasaysayan ng kaniyang sariling bansa. Sinabi ng alperes na Felipe V ang pinagkunan ng pangalan ng bayan samantalang ang katotohanan ay Felipe II.

460

pangalang inilagay ni Alonso Saavedra sa lupaing ito, alang-alang sa prinsipeng si Don Felipe? Papaano at nabago ang pangalang ito? Baka kaya isang Indio ang Alonso Saavedrang iyon«?µ9 Isinangguni ang kanyang pag-aalinlangan kay Sargento Gomez, na noong bata ay nagnasang maging kura. Ito naman, hindi man lamang siya nilingon at samantalang ibinubuga ang usok na nasa bibig, ay sinagot siya nang buong pagmamalaki. ´Noong unang panahon ay Filipi kung turan at hindi Felipe, tayong mga bago, dahil sa tayo ay nagiging maka-Pranses, ay hindi natin maamin ang pagbigkas ng dalawang i na magkasunod. Kaya ang mga taong bihasa, lalo na sa Madrid, nakarating ka ba sa Madrid, ang mga taong bihasa, ang sabi ko, ay bumibigkas na nang menistro, emitacion, embitacion, endino at iba pa, na siyang tinatawag na makabago.µ Ang kaawa-awang kabo ay hindi nakarating ng Madrid kaya hindi alam ang pangyayari. Gaanong karaming mga bagay ang natututuhan sa Madrid!10 ´Kung gayon ay dapat sabihin ngayong«µ ´Alinsunod sa unang panahon, tao ka! Ang bayang ito ay hindi bihasa, alinsunod sa unang panahon: Filipinas!µ ang sagot na paalipusta ni Gomez. Ang kabo, kahit hindi man mabuting pilologo,11 ay mabuti namang asawa: ang kanyang natutuhan ay dapat ding matutuhan ng kanyang kabiyak, kaya ipinagpatuloy ang pagtuturo. ´Consola, papaano ang tawag mo sa p« mong bayan?µ ´Eh, papaano pa; gaya ng turo mo: Felipenas!µ ´Hahagisan kita ng silya, p«! Kahapon ay nasasabi mo nang mabuti-buti, ayos-makabago; ngunit ngayon ay kailangang ibigkas nang ayos-makaluma! Feli, ang sinasabi ko ay Filipinas!µ ´Hindi ako luma! Ano ba ang akala mo?µ ´Walang kailangan! Sabihin mong Filipinas!µ ´Ayoko! Hindi ako isang lumang kasangkapan« bahagya pa lamang na akong may tatlumpung taon!µ ang sagot, samantalang naglililis at humanda sa paglaban.
9 Mapapansin na maging ang aklat na sinangguni ng alperes ay mali din ² dahil ang ekspedisyon ni Villalobos ang nagbigay ng pangalang Filipinas sa ating kapuluaan at hindi ang kay ni Saavedra. 10 Ipinapakita ni Rizal ang kawalan ng pagkakataon ng alperes na makarating sa Madrid na kapitolyo ng Espanya. Kung nakarating lamang ito sa Madrid ay marami itong matutunan na maraming mga makabagong paraan ng pamamahala sa hukbo. 11 Pilologo - dalubhasa sa pagsusuri ng mga salitang nakasulat at ang kaugnayan ng mga salita sa bawat isa.

461

´Sabihin mo p«, o hagisan kita ng silya!µ Namalas ni Consolacion ang amba, nag-isip at dahandahang ibinigkas, na ang hininga ay pabuga, ang: ´Feli« Fele« File«µ Pum! Krak! Tinapos ng silya ang salita. At ang pagtuturuan ay nagtapos sa suntukan, kalmutan at buntalan. Sinabunutan ng kabo sa buhok ang babae, sinabunutan naman nito ang lalake sa balbas sa labi at sa isa pang dako ng katawan (hindi makakagat sapagka·t umuugang lahat ang ngipin), ang kabo ay napasigaw, binitiwan ang babae, humingi ng tawad, nagdanak ng dugo, may isang matang higit na naging mapula nang higit kaysa isa, isang barong nagkapunit-punit, ang ilang bahagi ng katawan ay nalabas sa kinatataguan, nguni·t ang Filipinas ay hindi lumabas. Ang mga kaatulad na pangyayari ay nauulit kailanma·t napag-uusapan ang tungkol sa pagsasalita. Sa pagkakita ng kabo sa pagsulong ng babae sa pagbigkas ng mga salita ay malungkot na tinaya niyang sa loob ng sampung taon ay wala nang mabibigkas na anuman ang kanyang kabiyak. Gayon nga ang nangyari. Nang sila ay ikasal ay marunong pa ng Tagalog ang babae at nalilinawan pa kung mangastila; ngayon, sa kapanahunan na nangyayari ang aming isinasalaysay ay wala nang wikang nasasalita: nahilig sa pagsasalitang dinadaan sa hudyat, at pinipili pa ang mga pinakamaingay at lubhang matindi, na magpapasakit ng ulo sa lumikha ng Volapuk.12 Nagkapalad nga si Sisa, na hindi siya maunawaan. Nagbawas ng kunot ang noo, isang ngiting nagpapahayag ng kasiyahang-loob ang nabakas sa kanyang mukha: hindi na maipag-aalinlangan na siya·y hindi na marunong ng Tagalog, siya ay Europea na. ´Asistente, sabihin mo rito, sa wikang Tagalog, na umawit! Hindi ako malinawan, hindi marunong ng wikang Kastila!µ Naunawaan ng baliw ang sinabi ng asistente at inawit ang ¶Awit ng Gabi.· Nang una, ay nakatawang pakutya na nakikinig si Donya Consolacion, subalit unti-unting nawawala ang tawa sa kanyang mga labi, pinakinggang mabuti ang awit, at pagkatapos ay hindi na umimik at nag-iisip. Ang tinig, ang tinuturan ng mga tula, at pati nang pag-awit ay nakababagbag sa kanya: ang pusong iyon na walang dagta at tuyo ay nauuhaw mandin sa ulan. Nababatid
12 Volapuk - isang panukalang sistema ng pandaigdig na wika na nilikha noong 1880 ng paring Aleman na si Johann Martin Schleyer, sinundan ito ng sistemang Esperanto, na inimbento noong 1887 ni Dr. Ludwik L. Zamenhof.

462

niyang buung-buo:13 ´Ang kalungkutan, ginaw at lamig na bumababang mula sa langit na nababalutan ng dilim ng gabi,µ alinsunod sa sinasabi ng kundiman, parang bang sa palagay niya ay bumababa rin sa kanyang puso ´ang bulaklak na lanta at lipas, na nagpamalas ng kanyang mga hiyas, buong maghapon sa pagnanais na mapuri at lipos-pagmamalaki, pagsapit ng hapon, ay nagsisisi at wala nang pag-asa, ay ginagamit ang munting lakas upang itaas sa langit ang kanyang mga lugas na talulot, at humihingi ng kaunting lilim upang itago at mamatay nang walang pagkutya ng liwanag na nakamalas sa kanya nang siya ay maringal, upang huwag makita ang kawalang-kahalagahan ng kanyang pagmamalaki, kaunting hamog din naman na lumuha sa ibabaw niya. Iniiwan ng ibong panggabi ang kanyang ulilang tahanan, ang guwang ng matatandang puno, at binubulahaw ang kapanglawan ng kagubatan«!µ ´Huwag, huwag ka nang umawit!µ ang biglang sabi ng alfereza sa tunay na wikang Tagalog, ´huwag kang umawit! Nasasaktan ako mga awit na iyan!µ14 Ang baliw ay huminto; ang asistente ay bumitiw ng isang ¶Aba, marunong pala ng Tagalog,· at nagtataklang napatingin sa señora. Nahalata nitong siya ay nalantad; napahiya, at sa dahilang ang kanyang kalooban ay hindi kalooban ng isang babae ay naging ngitngit at galit ang pagkapahiya. Itinuro ang pinto sa pangahas at pagkalabas ay isinara ito ni Donya Consolacion sa tulong ng isang malakas na tadyak. Umikot ng ilang ikot sa kabahayan, na pinipilipit sa kanyang malitid na kamay ang latigo, at matapos na makahintong bigla, sa harap ng baliw ay sinabi rito sa wikang Kastila, na: ´Sumayaw ka!µ Si Sisa ay hindi kumilos. ´Sumayaw ka, sumayaw ka!µ ang ulit na ang boses ay nakakatakot. Siya ay tiningnan ng baliw nang tinging walang kahulugan: itinaas ng asawa ng alperes ang dalawang kamay ng baliw at kinalog: walang napala, hindi maunawaan ni Sisa. Naglulundag, nagpapalag, na pinipilit si Sisa upang siya ay gayahin. Sa malayo ay naririnig ang musiko ng prusisyon na tumutugtog ng isang banayad na marcha, ngunit ang señora ay naglulundag na katakut-takot na ibang kumpas ang sinusunod,

13 Pansinin mabuti ang inaawit ni Sisa sa harapan ni Donya Consolacion. 14 Ang awitin ay isang pagpapaala-ala ni Rizal sa mga babaeng naligaw ng landas, dahilan sa kanilang mga hibang na pangarap.

463

ibang tugtugin, ang umuugong sa kanyang sariling kalooban.15 Siya ay tahimik na pinagmamasdang walang imik ni Sisa: isang parang pagnanais na manood ang nalarawan sa mga mata nito at isang ngiti ang nagpagalaw sa mga namumutlang labi, naibigan nito ang sayaw ng señora.16 Ito ay tumigil na parang napahiya, itinaas ang latigo, iyong kakila-kilabot na latigo na kilala ng mga magnanakaw at ng mga sundalo, na gawa sa Ulango at lalo pang pinagbuti ng alfereza sa tulong ng mga kawad na pinilipit,17 at ang sabi: ´Ngayon ay ikaw naman ang dapat na sumayaw« sumayaw ka!µ At pinalo nang mahina ang mga paang walang sapin ng baliw, na ang mukha ay napangiwi sa sakit, kaya napilitang isanggalang ang mga kamay. ´Aha! Nagsisimula ka na!µ ang bulalas, na taglay ang isang malupit na katuwaan, at ang palong banayad ay ginawang masaya (para sa nagpapahirap) at masigla (mabilis at sunod sunod). Ang nakakahabag na baliw ay napaingit, at dahil sa sakit ay biglang itinaas ang paa. ´Sasayaw ka ba, p«.. India?µ ang sabi ng señora, sabay sa haging at haginit ng latigo. Si Sisa ay napabukas ang mga kamay at inihahaplos sa mga hita at minalas ang nagpapahirap sa kanya nang matang gulilat. Dalawang matinding palo sa likod ang nagpatindig sa kanya: hindi na isang ingit, dalawang malakas na ungal ang lumabas sa bibig ng kaawa-awang babae. Nagnisnis ang manipis na baro, ang balat ay nabuksan at lumabas ang dugo. Ang pagkakita ng dugo ay nagpasigla sa tigre: ang dugo ng biktima ay nagpasigla kay Donya Consolacion. ´Sayaw, sayaw, walang-hiya! Anak ng p«!µ ang sigaw. ´Sasayaw ka o papatayin kita sa palo!µ At siya na rin, matapos mapigilan ang isang kamay ng baliw, samantalang ang isa pang kamay ay ipinapalo ang naglulundag at nagsasayaw. Sa kahuli-hulihan ay nalinawan din ng baliw ang kanyang nais at iginalaw nang walang tuos na paggalaw ang mga bisig. Isang ngiting kasiyahang-loob ang nagpakibot sa mga labi ng nagtuturo, ngiti ng isang babaeng Mefistofeles18 na nagkaroon ng
15 Napakapangit na isipin sa imahinasyon na nagsasayaw si Dna. Consolacion (para gayahin ni Sisa) na iba naman ang naririnig na tugtog ng banda sa kapaligiran. 16 Napakasahol nang ginawang iyon ni Dna. Consolacion ² siya ang pinanood ng baliw na si Sisa. 17 Nilagyan pa ng alambre ang latigo upang higit itong maging napakasakit sa biktima ng kalupitan. 18 Mephistopheles ² ang pangalan ng tauhang diyablo sa panulat ni Goethe na Faust.

464

isang mabuting tinuturuan; doon ay kahalo ang ngitngit, pagalipusta, pag-uyam at pagngangalit: ang isang halakhak ay hindi na makapaglarawan nang higit pa sa roon. At sa pagkatigagal sa panonood sa kanyang ginagawa ay hindi nadinig ang pagdating ng kanyang asawa hanggang hindi binuksan nito ang pintong nag-umugong dahil sa malalakas na tadyak. Maputla at mapanglaw na dumating ang alperes; namalas ang doo·y nangyayari, at pinandilatan ang kanyang asawa. Ito naman ay hindi kumilos sa kinalalagyan at nanatiling nakangiting walang kangimi-ngimi. Marahang ibinaba ng alperes ang kamay sa balikat ng baliw na mananayaw at pinatigil. Ang baliw ay huminga at dahan-dahang umupo sa sahig na may patak na dugo niya. Ang pananahimik ay nagpatuloy; ang alperes ay humihingang malakas; kinuha ng babae ang latigo at tinanong siyang mapanatag at madalang nang: ´Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi!µ Hindi sumagot ang alperes, at tinawag ang asistente. ´Dalhin mo ang babaeng iyan,µ ang sabi, ´pabigyan mo ng ibang baro kay Marta at gamutin! Bibigyan mo siya ng pagkain, mabuting hihigan« mag-ingat kayong gawan siya nang masama!19 Bukas ay dalhin siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.µ20 Matapos iyon ay dahan-dahang isinara ang pintuan, inilagay ang pansara at nilapitan ang kanyang asawa. ´Ikaw, hinahanp mong basagin ko ang mukha mo!µ ang sabing ang kamay ay pasuntok. ´Ano ang nangyari sa iyo?µ ang tanong ng babae na tumindig at umurong. ´Ano ang nangyari sa akin?µ ang maugong na sigaw na sabay sa isang tungayaw at ipinakita ang isang papel na puno ng sulat na kahig-manok, at nagpatuloy nang: ´Hindi ba ikaw ang nagpadala ng sulat na ito sa alkalde at sinasabing sinusuhulan ako upang pahintulutan ang sugal p« ka?21 Hindi ko malaman kung bakit hindi kita dinudurog!µ
19 Pinaiingatan ng alperes si Sisa sa mga guardia sibil mula sa molestiyang seksual ² tandaan na wala na silang magagawa pang masama laban kay Sisa ng labis pa doon, dahilan sa ang babae ay baliw. 20 Takot ang alperes sa ginawang pagmaltrato ni Dna. Consolacion kay Sisa ² dahilan sa naging pagmamalasakit ni Ibarra na ipagamot si Sisa ayon sa kaalaman ng KH. Alam ng alperes ang pagiging delikado ng kaniyang posisyon. 21 Buti pa sila noon, takot na maisumbong na kumuha ng suhol mula sa sugalan. Hindi pala sila garapalan noon.

465

´Tingnan natin! Tingnan natin kung magagawa mo!µ sabi ng babae na pakutyang tumatawa, ´ang dudurog sa akin ay nararapat na humigit sa iyo sa pagkalalake!µ Nadinig ng alperes ang pag-alimura, ngunit natanaw ang latigo. Kinuha ang isang pinggan na nasa hapag-kainan at inihagis sa ulo ng babae; ngunit ang babae, na sanay na sa mga ganitong labanan ay biglang yumuko kaya ang pinggan ay nadurog sa pagtama sa dingding; gayon din ang nangyari sa isang tasa at sa isang kutsilyong gamit sa pagkain. ´Duwag!µ ang sigaw ng babae, ´hindi ka makalapit!µ At dinuraan upang higit galitin. Nagdilim ang mata ng lalake at bumubusang siya ay sinugod, ngunit ang ginawa ng babae, sa tulong ng isang kahanga-hanga bilis, ay pinagkrus-krus ang latay ng latigo sa mukha ng lalake at nagtatakbong pumasok sa silid at biglang isinara ang pinto. Hinabol siyang nagngangalit sa galit at sakit ng alperes ngunit walang napala kundi ang maumpog sa pinto, bagay na ikinabuga niya ng mga pagmumura. ´Tamaan sana ng lintik ang buo mong angkan! Magbukas ka, p« p« magbukas ka at pag hindi ko binasag ang mukha mo!µ ang sigaw na sabay ang suntok at sipa sa pinto. Si Donya Consolacion ay hindi sumasagot. May naririnig ang lalaki na lagitik ng mga silya at mga tabla sa loob na parang nagtatayo ng moog na pawang gawa sa kasangkapan. Ang bahay ay umuuga sa tadyak at tungayaw ng lalake. ´Huwag kang pumasok, huwag kang pumasok!µ ang sabi ng matalas na tinig ng babae, ´pag sumilip ka ay babarilin kita.µ Ang lalake ay parang nanahimik at nagpalakad-lakad lamang sa buong kabahayan na parang ganid na hayop na nasa kulungan. ´Paroon ka sa lansangan at magpalamig ng ulo!µ ang pakutyang sabi ng babae na parang nakatapos na sa kanyang paghahanda sa pagsasanggalang. ´Isinusumpa ko sa iyong pag nahuli kita, ni ang Diyos ay hindi makakakita sa iyo, p«!µ ´Oo! Sabihin mo na ang ibig mong sabihin« ayaw kang ako ay magsimba! Ayaw kang makapagbigay ako sa Diyos!µ ang sabing patuya. Kinuha ng alperes ang kanyang uniporme, nag-ayos nang kaunti at umalis na malalaki ang hakbang, ngunit makaraan ang ilang sandali ay dahan-dahang bumalik na walang kakila-kilatis; nag-alis ng sapatos. Ang mga alilang sanay na sa gayong awayan ay madalas na mabagot, ngunit dahil sa pagkakaalis ng botas ay kanilang napuna, at sila-sila·y nagkindatan. Ang alperes ay umupo sa isang silya, sa kalapit ng malaking pinto, at nagtiis na nag-antay nang mahigit sa kalahating oras.

466

´Talaga bang umalis ka o naririyan ka pa, cabron (lalaking kambing) ang pamaminsan-minsang tanong ng tinig na nag-iiba ng palayaw ngunit lalong lumalakas. Sa kahuli-hulihan ay unti-unting iniurong ng babae ang mga kasangkapan: naririnig ng lalake ang kaluskos at nangingiti. ´Asistente! Umalis ba ang panginoon mo?µ ang sigaw ni Donya Consolacion. Dahil sa isang hudyat ng alperes ay sumagot ang asistente nang: ´Opo, umalis po.µ Nadinig ang tawa ng babae at inalis ang sagka. Dahandahang tumindig ang asawa; nabukas nang kaunti ang pinto« Isang sigaw, ang kalabog ng isang katawang lumagpak, tungayaw, sumpa, ungal, mura, paluan, mga paos na tinig« Sino ang makapagsasalaysay sa nangyari sa loob ng silid? Nang lumabas ang asistente sa kusina ay humudyat nang hudyat na makahulugan sa nagluluto. ´At ikaw ang magbabayad!µ ang sabi nito sa kanya. ´Ako? Hindi ang buong bayan! tanong niya ay kung umalis; hindi niya itinanong kung bumalik.µ

467