KABANATA 51 PAG-IIBANG AYOS

Ang mahiyaing si Linares ay walang imik at puno ng pangamba; katatanggap pa lamang niya ng isang sulat mula kay Donya Victorina, na ito ang sinasabi:
´Minamahal na pinsan: Sa loob ng tatlong arao ay inaantay kong malaman sa yo cun napatay ka nan alperes o ikaw ay nacapatay sa cania1 ayocon macaraan ng ilan arao na an jaiop na yan e jindi mackaroon ng caparusahan kun macaran an taning naitot hindi mo jinahamon ai sasabihin ko cai don Santiago na caylan man ay jindi ca naguin galihim ni don Arsenio Martines,2 sasabihin ko cai Clarita na ang lajat ay kasinungalingan at dina kita bibigyan niisang beles kun jahamunin mo ay ipina pa ngako co sayo an lahat kayat hoag na di jamunin ipinauuna co sayong ualang halaga an ano man pag da dahilan.µ An iyon pinsan umiibik sayo nan bong puso.3 Victorina delos Reyes de De Espadaña Sampaloc Lunes ika-7 ng Gabi

Mabigat ang bagay na iyon. Alam ni Linares ang ugali ni Donya Victorina, gagawin nito ang sinasabi; Ang ipakita sa babae ang katwiran ay katulad sa pagsasabi ng katapatan at mabuting pag-uugali, sa isang empleyado ng aduana4 kapag
MGA PALIWANAG 1 Paano kaya niya malalaman kay Linares sa loob ng tatlong araw kung napatay na siya ng Alperes? Makikita na si Dna. Victorina sa kabila ng kaniyang mga kapintasan ay mayroong siyang kakayahan na dominahin ang dalawang Espanyol na nasa kaniyang pangangalaga o pakainin. 2 Ang binabanggit ay Arsenio Martinez Campos ay naging punong Ministro ng Espanya noong 1879 at Ministro ng Digma ng Espanya noong 1881. 3 Umiibig ng buong puso ² samantalang ipinapahamon niya rito ang alperes ng duwelo/patayan. 4 Ang orihinal ay carabinero de Hacienda (an officer of the revenue service) na kalimitan ay nasasandatahan na parang mga pulis. Sa

595

nagnanais na makakita ng contrabando sa pook na wala naman noon; walang kabuluhan ang makiusap, ang dayain ay lalong masama; wala nang natitirang paraan kundi ang hamunin ng duwelo ang alperes. ´Pero papaano,µ ang sabi sa sarili habang nagpapalakadlakad, ´kung pagsabihan ako ng marahas na pananalita kapag nagkita kami? Kung ang asawa niya ang maratnan?5 Sino ang papayag na maging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiyago? Sinusumpa ko ang sandali na sumunod ako payo ng babaing iyon! Maldita. Sino ba ang nagpasok sa akin sa ganitong kagusutan, siyang nag-utos sa akin na maghambog; magsabi ng mga kayabangan! Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng binibining iyan«? Ngayon ko dinaramdam ang pagsasabing naging kalihim ako ng lahat ng ministro!µ6 Si Linares ay nasa gitna ng ganitong agam-agam nang dumating si Padre Salvi. Ang Pransiskano ay higit ngayong payat at maputla kaysa dati ngunit ang kanyang mga mata ay may kakaibang ningning at sa kanyang mga labi ay naglalarawan ng isang mahiwagang ngiti.7 ´Ginoong Linares, bakit kayo nag-iisa?µ ang bati na patuloy sa salas na sa puwang ng pinto ay may kariringgan ng tunog ng piyano. Pinilit ni Linares ang ngumiti. ´Si Ginoong Santiago?µ ang dugtong ng kura.
pamamaraang ito ay nasabi ni Rizal na ang katapatan ay walang lugar sa tanggapan ng mga maniningil ng aduana/custom ² ibig kong sabihin ay noong panahon ng pananakop ng Espanya. Ewan ko lang ngayon. 5 Mas takot si Linares sa asawa ng alferes. 6 Nararamdaman ni Linares ang pagsisisi sa pagsang-ayon niya sa mga kahambugan ni Dna. Victorina. May pagkakataon na masarap na magyabang ngunit masakit pag nalaman ng lahat na hindi naman totoo. 7 Kaya ganito ang aktwasyon ni Padre Salvi nang makita si Linares ay nalaman na nito (Padre Salvi) na hindi totoo ang mga kahambugan na pinagsasabi ni Dna. Victorina, noong ipakilala ang binata sa pari. Nalaman din niya na ang layunin ng binata para kay Maria Clara ay pakasalan para sa kayamanang mamanahin ng dalaga (na nalaman naman niya ito noong nag-aaway ang dalawang senyora, kung kailan naglabasan ng mga baho at pati siya (P. Salvi) ay nakasama). Maaring ipagpalagay na alam na rin ni Padre Salvi na ipinahahamon ni Dna. Victorina kay Linares ang alperes. Ang patagong ngiti ni Padre Salvi ay katulad ng ngiting ibinabato natin sa mga taong mayayabang, na nabibisto ang kahambugan.

596

Si Kapitan Tiyago ay dumating noon din, humalik ng kamay sa kura, kinuha rito ang baston at sumbrero, at nakangiti nang ngiting nabasbasan. ´Halikayo!µ ang sabi ng kura, samantalang pumapasok sa salas na kasunod si Linares at si Kapitan Tiyago, ´mayroon akong magandang ibabalita sa inyong lahat. Tumanggap ako ng sulat na galing sa Maynila, na nagpapatibay sa ibinigay sa akin kahapon ni Ginoong Ibarra«kaya nawala na ang sagabal, Ginoong Santiago.µ Si Maria Clara, na nakaupo sa harap ng piano, sa gitna ng dalawang kaibigan, ay napatayo halos, subalit nawalan ng lakas at muling umupo. Si Linares ay namutla at tumingin kay Kapitan Tiyago, na tumungo lamang.8 ´Ang binatang iyan ay unti-unti kong kinalulugdan,µ dugtong ng kura,9 ´masama ang akala ko sa kanya noong una« may kabilisan sa kanyang mga kilos, ngunit pagkatapos, dahil sa husay niyang gumamot ng mga kamalian, ay hindi maaring magtanim sa kaniya. Kung di lamang kay Padre Damaso«µ At sinulyapan ng kura si Maria Clara na patuloy sa pakikinig, nguni·t hindi inaalis ang tingin sa nota ng musika kahit na kinukurot nang palihim ni Sinang na sa paraang iyon ay inihahayag ang katuwaan; kung walang ibang tao roon ay nagsayaw marahil. ´Si Padre Damaso?µ ang tanong ni Linares. ´Opo, sinabi ni Padre Damaso,µ ang patuloy ng kura na hindi inilalayo kay Maria Clara ang tingin,10 ´na sapagkat siya ang
8 Napakalupit ng maniobra ni Padre Salvi. Nagawa niyang guluhin ang tatlong tauhan sa isang iglap lamang. Sinabi niyang wala ng sagabal para makasal sina Ibarra at Maria Clara. Winasak niya ang pag-asa at maaring ang namumuong pag-ibig ni Linares kay Maria Clara. - Higit niyang nilito si Kapitan Tiyago, dahilan sa nagkakaroon ng kasunduan si Kapitan Tiago kay Pray Damaso na ipapakasal ang dalaga kay Linares, at ngayon ay wala ng hadlang si Ibarra para magpakasal sa dalaga. - Ngunit ang higit na pinaglaruan ng lupit ni Padre Salvi ay si Maria Clara, dahilan sa isang lihim at mapaglinlang na pamamaraan ay tiniyak ni Padre Salvi na hindi magpapakasal si Maria Clara kay Ibarra. 9 Sa pangungusap na ito ay ganap na ipinakikita ang labis na kahipokrtitohan ni Padre Salvi ² isang prayle na ang kaniyang bibig ay nakakagawa ng maskara upang itago ang kaniyang matinding poot kay Ibarra. 10 Si Padre Salvi ay nagpapaliwanag sa kausap, ngunit may lihim na

597

inaama sa binyag ay hindi niya mapapayagan« subalit inaakala kong si Ginoong Ibarra ay hihingi sa kanya ng tawad, na inaasahang kong gagawin niya ay maaayos ang lahat.µ Si Maria Clara ay tumayo, nagsabi ng pagdadahilan at pumasok sa silid, na kasunod si Victoria. ´At kung hindi siya patawarin ni Padre Damaso?µ ang marahang tanong ni Kapitan Tiyago. ´Kung gayon ay« si Maria Clara ang bahala« si Padre Damaso ay siya niyang confesor;11 datapwat sa akala ko ay magkakaintindihan sila.µ Nang mga sandaling iyon ay may nadinig na yabag at sumipot si Ibarra na nakasunod si Tia Isabel; ang kanyang pagdating ay naghatid ng ibat ibang damdamin. Binati niya ng buong lugod si Kapitan Tiyago, na parang litong hindi maalaman ang gagawin, kung tatawa o iiyak, si Linares ay sa pamamagitan ng isang yuko. Si Padre Salvi ay tumindig at buong-giliw na siya ay kinamayan, kaya si Ibarra ay hindi napigil ang isang tinging punong-puno ng pagtataka.12 ´Huwag ninyong ipagtaka ito,µ sabi ni Padre Salvi, ´ngayon lamang ay pinunpuri ko kayo.µ Si Ibarra ay napasalamat at lumapit kay Sinang. ´Saan ka ba galing sa maghapong ito?µ tanong ng nilapitan, ´hinuhulaan namin kung saan nagtungo ang kaluluwang iyon na kahahango sa Purgatoryo? At bawat isa sa amin ay iba·t iba ang hula.µ ´Maaari bang malaman ang mga hula ninyo?µ ´Hindi, lihim iyon, pero sasabihin ko sa iyo kung walang ibang makakarinig. Ngayon ay sabihin mo kung saan ka pumaroon upang malaman kung sino ang nakahula ng tama sa amin.µ ´Lihim din iyon, ngunit sasabihin ko sa iyo kung ipahihintulot ng mga ginoong ating kaharap.µ ´Aba, opo! Opo!µ ang sabi ni Padre Salvi.

mensaheng ipinararating kay Maria Clara. 11 kilala mo na ngayon ang ang confesor na nag-uutos kay Maria Clara na limutin si Ibarra.

12 Siguro, si Rizal mismo noong binubuo sa kaniyang isipan ang eksenang ito ay halos gumugulong sa katatawa. Lalo na sa anyo ni Kapitan Tiyago na hindi malaman kung iiyak o matatawa sa pagkakataong iyon.

598

Pinasunod ni Sinang si Crisostomo sa isang sulok ng salas; ang dalaga ay tuwang-tuwa dahil sa makakaalam ng isang lihim. ´Sabihin mo sa akin, kaibigang Sinang, nagagalit pa ba sa akin si Maria?µ ´Aywan, ngunit ang sabi ay mabuti pa raw ang siya ay limutin mo na, at saka umiyak. Ang ibig ni Kapitan Tiyago ay ipakasal siya sa ginoong iyon, si Padre Damaso ay gayon din, nguni·t si Maria ay ayaw. Kaninang umaga, nang itinanong ka namin sa kanya at sinabi kong baka mayroon kang ibang nililigawan ay sumagot: eh! ano! At saka nag-iiyak.µ13 Si Ibarra ay walang kaimik-imik. ´Sabihin mo kay Maria na ibig ko siyang makausap nang walang nakakakita.µ ´Walang nakakakita?µ ang tanong ni Sinang na nagkunot ng kilay at tinitigan ang lalake.14 ´Lubos na mag-isa ay hindi; ngunit huwag kaharap iyon.µ ´Mahirap; nguni·t huwag kang mabahala, sasabihin ko.µ ´At kailan ko tatanggapin ang sagot?µ ´Bukas ay maaga kang pumunta sa aming bahay. Ayaw ni Mariang nag-iisa, kaya namin sinasamahan; kami ni Victoria ay naghahalinhinan sa pagtulog sa tabi niya; bukas ang toka sa akin. Subalit hintay ka, at ang lihim? Aalis ka nang hindi mo sasabihin ang lalong mahalaga?µ ´Siya nga pala! Nagpunta ako sa Los Baños; magpapatanim ako ng niyog sapagkat binabalak kong magtayo ng isang pagawaan ng langis;15 ang ama mo ay siya kong magiging kasosyo.µ

13 Ninanais ni Maria Clara na masira na ang relasyon nila ni Ibarra ² pero nag-iiyak habang ginagawa iyon. Ang isang babae na nagnanais na sirain ang isang relasyon ay hindi umiiyak, kung desidido siya sa kaniyang pasya. Dito makikita na ang ginagawa ni Maria Clara ay pagtakas sa hapding sakit ng puso, ngunit hindi sa kadena ng pag-ibig. 14 Si Sinang ay naghihinala na ang gusto ni Ibarra kay Maria Clara ay ang maulit ang Kabanata 22. 15 Ang Laguna ay isa sa mga lalawigan na mayaman sa punong niyog. Ipinapakita ni Rizal ang pangangailangan sa pagtatayo ng isang makabagong oil mill. Isinulat din ni Jagor ukol sa paraan ng pagkuha ng langis ng niyog, maaring dito kinuha ni Rizal ang kaisipan kung bakit sinabi niya kay Sinang ang pagnanais niyang magtayo ng isang oil mill sa Los Baños.

599

´Wala na ba kundi iyan? Anong lihim iyan?µ na malakas na bulalas ni Sinang, ay tulad sa isang usurerong hindi binayaran ng balasubas na nangutang. ´ang akala ko ay«µ16 ´Kaiingat ka! Huwag mong sasabihin kahit kanino!µ17 ´Bayaran mo man ako!µ ang sagot ni Sinang na ikinibit ang ilong. ´Kung mahalaga lang nang kaunti, ay sasabihin ko sa aking mga kaibigan; subalit bumili ng niyog! Niyog! Sino ba ang magkaka-interes nang dahil sa niyog?µ 18 At mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan. Makaraan ang sandali ay nagpaalam si Ibarra dahil sa namalas na ang paglilipon ay nawawalan ng saya; ang mukha ni Kapitan Tiyago ay alanganing parang may lugod at may sama ng loob, si Linares ay walang imik at nakikimatyag, ang kura naman na nagpapakunwaring masaya ay kung anu-anong bagay na labas sa karaniwan ang tinutukoy. Ang sinuman sa mga dalaga·y hindi na bumalik.

16 Inaakala ni Sinang na marami siyang makukuhang inpormasyon kay Ibarra na maikukuwento sa kaniyang mga kaibigan. Katulad siya ng reporter na naghintay ng matagal sa inaasahan niyang ekslusibong balita- wala naman pala. 17 Nang-asar pa si Ibarra na huwag ipagsasabi ni Sinang ang kaniyang sinabi na galing siya Los Baños. 18 Kahit upahan man ni Ibarra si Sinang ay hindi niya ito ipagsasabi ² dahilan sa walang halaga. Pagpapakita ni Rizal ng kawalan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa niyog na isa sa pinakamabuting puno sa Pilipinas.

600