KABANATA 12 ANG PANUNUNGKULAN NI MR.

SIMEON MADLANGSAKAY

Si Mr. Simeon Madlangsakay ay tubong Silang, Cavite. Isinilang noong Enero 5, 1888. Ang kaniyang ama ay si Nicolas Madlasangsakay ng Silang, ang gurong ayundante na nakasama ni Guillermo Bayan sa pagpapasimula ng himagsikan sa Cavite noong 1896. Ang kaniyang ina ay si Merced Fajardo ng Imus, Cavite.1 Si Mr. Simeon Madlangsakay ay isa sa mga unang mag-aaral sa lalawigan na nagtapos ng pagkaguro sa Philippine Normal School. Sa talaan ng serbisyo sibil ay kabilang na siya sa mga gurong insular noong 1911.2 Hindi matiyak kung sa pagkapasa niya ng pagsusulit sa serbisyo sibil na nagbigay sa kaniya ng istatus bilang gurong insular ay naglingkod agad siya sa Indang Farm School, subalit ang larawan na kasama siya ni Mr. Guillermo Bayan ay isang indikasyon na siya ay nasa paaralan na.
Mga Programa ng Kawanihan sa Taong 1919-1922

Sa panahon ng panunungkulan ni Mr. Madlasangakay ay intensibiong ipinatupad ng Kawanihan ang pagpapalaganap ng wikang Ingles bilang karaniwang wika sa buong kapuluan.3 Nilalayon at ipinagdidiinan ng Kawanihan na ang Ingles ang maging pambansa ng Pilipinas.4 Subalit nakikita ng Kawanihan na ang hadlang sa epektibong pagkatuto ng mga Pilipino ng Ingles ay ang paggamit ng dalawang wika (wikang opisyal na Ingles at wikang pang-rehiyon/diyalekta) na tinitingnan nila nag-aalis sa mahusay na pagkatuto sa alinman sa dalawa.5

1 Mula sa Papel Pagsasaliksik ng mga mag-aaral ni Mr. Franco Pelayo sa BS Psychology (2006) sa pangunguna ni Hermie Mojica. 2 Roster 1912 3 20th ARTDE 11 4 Ibid. 12 5 Ibid.:15

215

Kabanata 12 ² Panunungkulan ni Mr. Simeon Madlangsakay

Karagdagan sa mga bagong panukala ng Kawanihan ay ang pagtatag ng mga paaralang pang-agrikultura na ang konsentrasyon ay ang partikular na pananim, katulad ng rice school, fruit school, abaca school, tobacco school, sugar school, coconut school. Nagsagawa nang mga pagmamasid ang kawanihan para sa tentatibong lokasyon ng mga ito at naghihintay na lamang ng paborableng pagsang-ayon mula sa lehislatura ng Pilipinas.6 Pinalakas na muli ng pamahalaang insular ang food campaign sa mga paaralan. Ang mga mag-aaral ay pinagtanim ng mais at ang mga mag-aaral sa domestic science ay nag-ukol ng panahon sa food demonstration sa mga paaralan upang maturuan ang mga tao ng mga bagong lutuin mula sa mga halaman na itinatanim sa paaralan. Isa sa pinakamahalagang kaganapan sa edukasyon ng Pilipinas na nagkaroon ng epekto sa intermedia ng Indang ay ang pagkakaroon noon ng mga kahilingan para sa pagtatag ng mga karagdagang paaralang sekondarya sa Pilipinas. Ang paglaki ng kahilingan na ito ay bunga ng pagkakaroon ng mga kumpletong paaralang elementarya na nagkakaloob ng kursong primarya at intermedia sa maraming bayan sa Pilipinas. Sa kahilingan sa pagkakaroon ng mga paaralang sekondarya ay gayundin ang kahilingan para sa karagdgang mga guro na magtuturo. Sa kabila nito, ang pamahalaan ay bantulot na ipagkaloob nang biglaan ang kahilingan na ito nang hindi napag-aaralan dahilan sa kinatatakutan nito na magkaroon ng mga mag-aaral ng sekondarya na wala namang adbantehiyang matatamo bilang mga mag-aaral ng kurso.7 Sa una, ang Central Luzon Agrigultural School lamang ang paaralan nagkakaloob ng sekondaryang instruksiyon sa farm management, sinundan ito noong 1920 ng Trinidad Agricultural School, Catarman Agricultural School, ng Batac Farm School (Ilocos Norte) at Santa Maria Farm School (Ilocos Sur).8 Inaasahan rin ng Kawanihan na ito ay susundan pa ng iba pang mga paaralang agrikultura sa mga darating na panahon - ang IFS ay makikiisa na sa kalakarang rito.

6 Ibid.:38 7 22nd ARTDE:17 8 22nd ARTDE:45

216

Intermedia ng Indang / Anciano

Nagkaroon ng isang malaking suliranin ang mga paaralang na nagtuturo ng pagsasaka sa buong Pilipinas sa taong 1922. Ito ay bunga ng pagliit ng pondo para sa mga paaralan na katulad nito. Ang pag-uulat ng Kawanihan para sa nabanggit na taon ay mayroong bahid ng paghihinakit. Ipinararamdam nito na sa kabila ng pagiging agrikultural ang basehang kabuhayan Pilipinas at ang edukasyon agrikultural ay mayroong kahalagahan sa lahat ng yugto ng pagtuturo. Subalit nangangamba na hindi magiging maayos ang edukasyon sa pagsasaka dahilan sa tila hindi nauunawaan ng mga pamahalaang insular, panlalawigan at munisipalidad ang mahalagang ginagamapanan ng mga paaralang nagtuturo ng pagsasaka.9 Taon Aproprasyon ng pamahalaang Insular para sa mga paaralan sa agrikultura 200,000 100,000 90,000 10,000 1922 -------90,000 Sa itaas ay makikita ang kalakip ang bahagi ng taunang ulat ng Kawanihan ng edukasyon na nagpapakita nang patuloy na pagbaba sa aprorasyon ng pamahalaang insular sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga paaralan na nagtuturo ng pagsasaka sa Pilipinas. Sa taong 1922, pinalakas ang curriculum sa intermedia sa layunin na paghusayin ang kahusayan ng mga mag-aaral sa wikang Ingles. Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo ng araling conversational english. Ang pagbabagong ito ay bunga ng pag-aaral ng Kawanihan na ang pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino sa wikang Ingles ay higit na nakasalig sa pagkakarinig nila ng wika kaysa sa aktwal na pagtuturo.10 100 Pagbaba Porsiyento ng pagbaba

1919 1920 1921

----------100,000

--------------50 10

9 23rd ARTDE:45 10 25th ARDE p.

217

Kabanata 12 ² Panunungkulan ni Mr. Simeon Madlangsakay

Sa pag-aaral ng estadistika ng paaralan para sa taong 19191920 ito ay mayroong anim na guro, mula pito sa nakalipas na taon. Mayroong kabuuang mag-aaral 144 na binubuo ng 92 lalaki at 52 babae. Mababa ang bilang ng mga mag-aaral kumpara sa nakalipas na taon na umaabot ng 169. Maipapaliwanag ang pagbawas na ito sa bilang mga mag-aaral dahilan sa nagsimula nang magkaloob ng araling intermedia sa mga bayan ng Silang, Mendez, Alfonso at Amadeo sa mga kapanahunang iyon. Sa taong 1920-1921 mayroong pitong guro sa paaralan at may kabuuang bilang ng mga mag-aaral na 147 na binubuo ng 105 na lalaki at 42 na babae. Sa taong 1921-1922 ay nanatili pa rin na pito ang dami ng mga guro sa paaralan at mayroong 168 na mag-aaral na binubuo ng 111 na lalaki at 57 na babae. Sa taong 1922-1923 ay ganon pa rin ang bilang ng guro at 184 na mag-aaral na binubuo ng 103 na lalaki at 81 na babae. Isa sa mga mahalagang kaganapan sa paaralan sa taong 1922 ² 1923 ay ang pagbabalik sa IFS ng mga dati nitong magaaral na na nakapagtapos ng kursong pagsasaka sa UPLB, na sina Basilio Viado, Camilo Guevara at Eulogio Acuña. Ang eksistensiya ng mga kwalipikadong guro na tapos sa kursong bachelor ay nagbigay ng kahandaan sa IFS upang makapagbigay ng instruksiyon na lampas sa intermedia. Sa pagkakataon na ito ay handa na ang paaralan para sa mas mataas na kurso ² ang sekondarya para sa mga susunod na mga taon.
Taong 1923 hanggang 1925 Sa pagbubukas ng paaralan sa mga taong 1923-1924 ay panimula na nang unti-unting pag-iwan ng Indang Farm School sa kursong intermedia bilang centerpiece ng atensiyon panginstruksiyon. Eksaktong labingsiyam na taon buhat ng buksan ang unang klase ng intermedia sa Indang, sa pagbubukas ng taong pasukan noong Hunyo 20, 1923 pinasimulan na sa loob ng Indang Farm School ang pagtuturo sa Unang Taon ng kursong sekondarya.

Ang estadistika ng paaralan para sa taong ito ay nagpapakita na mayroong pitong guro at 213 na mag-aaral na binubuo ng 149 na lalaki at 64 na babae. Sa katotohanan ang bilang na ito ng mga mag-aaral ang siyang pinakamalaki na naitala sa kasaysayan ng Indang Farm School at hindi na nalampasan maging ng mga sumunod na taon na sinasakop ng 1927-1928. Ang pagtaas na ito ng bilang ng mga mag-aaral ay
218

Intermedia ng Indang / Anciano

dahilan sa nanatili pa rin sa IFS ang mga mag-aaral ng Grade V, VI, at VII at nadagdagan pa ito ng mga mag-aaral sa kursong sekondarya na nagmula sa Silang, Amadeo, Mendez, Bailen, Alfonso, at Naic na nakatapos naman sa klaseng intermedia sa kani-kanilang mga bayan. Sa taong 1924-1925 ang istadisktika ng paaralan ay nagpapakita na mayroon na itong walong guro at 186 na magaaral na hindi na nilinaw ang pagkakahati ng bilang ng mga magaaral ayon sa kasarian. Ang pagliit ng bilang na ito ay dahilan sa posibleng pagsisimula ng pagkakaloob sa Paaralang Elementarya ng Indang ng araling pang-intermedia para sa mga kababaihan.

Ang Indang Farm School sa Mga Taong 1925 hanggang 1927

Sa taong 1925 pumasok ang huling batch ng mga babaeng mag-aaral ng kursong intermedia sa IFS. Sa ipagkakaloob ng IFS na kursong sekondarya ay iyon na rin ang huling mga taon sa paaralan ng mga gurong babae dahilan sa mga panahon na iyon ay maaring gaganapin na ang pagtuturo ng household industries sa paaralang sentral ng Indang na tumataas na ang antas mula sa paaralang primarya patungo sa pagiging isang kumpletong paaralang elementarya. Ang unang katunayan nito ay maagang pagkakatayo ng Home Economics Building sa Paaralang Sentral ng Indang na
219

Kabanata 12 ² Panunungkulan ni Mr. Simeon Madlangsakay

maaring naitayo sa taong 1925. ang Ikalawang katunayan ng paglipat ng klaseng intermedia para sa mga mag-aaral na babae ay nakabatay mga nagsipagtapos ng kursong intermedia sa IFS noong 1927 at 1928 na rito ay walang babae na kasama sa listahan.11 Sa Taong Pampaaralan ng 1925-1926 ay nawala ang tatlong gurong babae ng IFS. Sila ay nalipat upang magturo sa ibang mga paaralan at sa bandang huli ay maging administrador sa mga paaralang elementarya at nagkaroon ng malaking ginampanang papel sa edukasyon ng Cavite. Sa mga taong 1926-1927 ay napopokus na nang ganap ang pagtuturo sa IFS sa kursong sekondarya na ang ispesyalisasyon ay vocational agriculture. Sa taong 1927 ang IFS ay isa nang paaralang sekondarya at tinawag na sa bagong pangalan na Indang Rural High School at ginanap sa pagsasara ng paaralan sa nasabing taon ang unang programa ng pagtatapos ng sekondarya na binubuo ng 26 na lalaki mula sa hayskul at 19 na lalaki mula sa intermedia. Sa pagtatapos ng IFS noong 1928 ay binigyan ng katibayan ng pagtatapos sina Eusebio Espineli, Emerito Guerra, Roman Halos, Anselmo Legarda, Maximo Llorente, Arcadio Matilla, Macario Panganiban, Crispin Petelo, Basilio Sierra, at Santiago Vidamo bilang mga huling mag-aaral ng intermedia sa Indang Farm School.

11 Sa pakikipanayam ng nagsasaliksik kay Mrs. Eulogia Ocampo na nagtapos sa Indang Elementary School noong 1930 na ang mga babaeng intermedia ay nasa Indang Central School at ang mga lalaki ay naman ay pumapasok sa Indang Rural High School. Ang sinabi ni Mrs. Ocampo ay mabibigyan ng koroborasyon ng larawan mula sa koleksiyon ni Mrs. Natalia A. Panganiban kung saan ang mga mag-aaral ng Grade IV sa Indang Central School ay puro mga babae.

220