You are on page 1of 18

Kabanata X

Ang San Diego


Mga Tauhan:
Matandang Kastila siya ang bumili ng gubat kapalit ng alahas, salapi at damit
na ibinigay sa mga mamamayanan.
Mga Mamamayan sila ang mga taong naninirahan sa bayan ng san diego. At sila
ang binagyan din ng alahas at damit ng matandang kastila.
Don Rafael Ibarra siya ay anakni Don Saturnino na ama naman ni Crisostomo
Ibarra.
Don Saturnino siya ay anak ng matandang kastila. Nakapag-asawang ng isang
manilenya na naging ama at ina ni Don Rafael Ibarra.
Pastol ang nakaamoy sa bangkay ng matandang kastila.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Ang bayan ng San Diego ay nagtataglay ng malaking sakahan sa Pilipinas. At ang
higit maka-agaw pansin dito ay ang gubat sa gitna ng malawak na bukid. Maraming
itinatagong alamat ang gubat na ito.
2. Isa na ang isang matandang kastila na malalalim ang salita ang matatas kung
manangalog ipinagtanong kung kaninong bukal ng mainit na tubig iyon kapalit ng
mga alahas, salapi at damit niya. May ilang mga mamamayan ang nagpanggap
bilang may ari nito. Kaya binigay niya sa mga ito ang mga salapi, alahas at damit
niya sa mga ito.
3. Lumipas ang panahon ay tilang bulang na wala ang matandang kastila. Isang araw
ay may naamoy ang isa sa pastol ang nakaamoy ng isang mabahong amoy hinanap
nila kung saan nanggagaling ang kakaibang amoy na ito nang matagpuan nila agad
itong nilapitan at laking gulat na ito ay ang matandang kastila na nakabitin sa
sanga ng punong balete. Nang dahil dito ay hindi na makatulog ng matiwasay ang
mga dalaga dahil sa mga impit natawa na nangagaling sa kuwebang iyon.
4. At dahil sa takot dito ay itinapon nila ang mga binigay sa kanila ng matandang
kastila tulad nang alahas naitinapon sa ilog at sinunog ang mga damit. Kaya naman
mula noon ay wala na ang ibig na lumapit sa punong balete mula nang inilibing ang
matandang kastila dito. At may mgabalibalita at mga nakikita na kakaiba sa puno
na iyon gaya nang mga naririnig na panaghoy at nakitang buhay ang ilaw ng puno
nito.
5. Sa pag lipas ng panahon may isang binata ang nagpunta dito ayon sa kanya siya ay
anak ng matandang kastila ang pangngalan nito ay Don Saturnino. Nagsaka at
nagtanim ng tina at doon na nanirahan. Pinapaderan niya ang libingan ng kanyang
ama at minsan ay dinadalaw ito. Nang may gulang na siya ay naisipan niyang magasawa ng isang dalagang manilenya sila ang naging ama at ina ni Don Rafael Ibarra
na siyang ama naman ni Crisostomo Ibarra.

Ginintuang Aral:

Mga positibong pagbabago, tiyak na matatamo sa pangunguna ng


isang lider na marangal at matino.
Simbolismo

Sariling Repleksyon

Puno ang napili kong simbolo para sa


kabanatang ito dahil para sakin ang punong sa
san diego ang pinaka naka-agaw ng pansin ko
dahil sa alamat na nakapaloob dito. Angpuno ay
masasabi maraming alamat dahil sa mga
kuwento na ginagawa ng tao. Kuwentong minsan
ay nilalagyan ng komedya o hindi kaya
katakutan. Pero kahit ganoon pa man para sa
iba, iba ang kahulugan ng puno para sa kanila.
Ang puno para sa iba ay punong karunungan o di
kaya punong buhay o mas kilala bilang tree of
life. Para sa iba punong buhay ito dahil pwede
natin itong maihalintulad sa lipunan. Sa lipunan
dahil para itong pagtutulungan nila sa isat isa
may isang hihiwalay pero may bubunga namang
kapalit. Gaya ng isang puno may mahuhulog na
dahon pero may sisibol namang panibago. Kahit
may pumalit na panibago magiging ganito pa din
pero may pagkakaiba lang. Ang pinagkaiba nga
lang nito ay ang puno ay nahuhulog ang dahon
at may papalit na panibago na maaring mas
maganda pa dito. Pero ang lipunan pag may
isang humiwalay maaring may humalili pero
hindi maipagkakaila na mas mabuti parin ang
dati dahil ito ang nakasanayan. Pero kahit
napalitan man nang panibago ay ayos lang ito
dahil mayroon pa ding pumalit dito para punan
ang pagkukulang. Magkaiba man ang dalawa ay
ugnay pa din sila sa isat isa dahil parehas na
papalitan pero may bago din. Parang buhay ng
isang tao o di kaya ang lipunan natin at buhay ng
isang puno puwede ka mang mahulog may isa pa
ring pag-asaang pwedeng sumibol para
magsimula ka uli ng panibagong yugto.

Ang kabanatang ito ay tungkol sa San Diego kung saan nagmula ang
talumbuhay ng mga tauhan. Sa kabanatang ito masasalamin kung gaano kasakim ang tao
na tanggapin ang kayamananan ng kastila kapalit ng puno na hindi masasabing kanila.
Ang natutunan ko sa kabanatang ito na hindi dapat tayo maging tuso sa mga karangyaan
na pwedeng ibigaysa atin. Maaring may magandang dulot ito sayo di kaya perwisyo tulad
sa nasabing storya hindi man lang nagalinlangan ang mga mamayan na tanggihan ito
nang dahil sa pagtanggap nila nito ang naging kapalit naman ay ang takot nila dahil sa

pagkawala nang matandang kastila. Kung tayo ay nag-isip muna nang maaring mangyari
pag ginawa natin ang kilos siguro ay hindi tayo mababahala. Maari tayong tumanggap ng
biyaya kung itoy kusa at walang pag-aalinlangan at walang pag-aatubuli. Kung itoy buong
puso ibibigay na walang halong sama nang loob. Pero kung ito naman ay may kapalit
maari ding may kapalit na mangyari sa iyo. Sa buong kabanatang ito ang aral na
naipahatid nito sa akin ay kung tayo ay gagawang isang bagay dapat ninanais natin ito. At
ang kabanatang itoy ihahalintulad ko sa puno dahil sa pagkakahulog natin sa
pagkakamaling iyon may pag-asang puwedeng sumibol.

Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Mga Tauhan:
Don Rafael Ibarra siya ay isa sa pinakamayamang tao at maraming taoang may
utang na loob sa kanya. Nang dahil sa kababaang loob hindi siya naghihintay ng kapalit
kaya naman pag siya ang na sa kagipitan ay kinakalaban pa siya
Kapitan Tiago siya ay isa sa pinakamayaman sa San Diego. Pag itoy na dating
sinasalubong pa ito ng orkestra at nang may utang sakanya. Malakas din ito sa gobyerno
at kasundo ang mga tao.
Padre Salvi isang batang pransiskano sa San Diego na pumalit kay Padre
Damaso.Payat ito at masakitin at parang laging nagiisip at tapat sa simbahan
Padre Damaso isang pransiskanong kura sa San Diego. Matapang at mataas ang
tungkulin sa simbahan.
DonyaConsolacion siya ang asawa ng alperes. Makapal kung maglagay ng
kolorete sa mukha.
Alperes isa sa pinakamataas na angkan sa lipunan. Naging asawa niya si Donya
Consolacion dahil sa pagaakit nito sa kanya sa kabaret na naging dahilan upang maging
asawa niya ito.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan sa bayan ng San
Diego. Mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi
kabilang dito sina Don Rafael, KapitanTyago, at ilang namumuno sa pamahalaan.
2. Si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at
pinagkakautangan ng marami. Si Kapitan Tyago naman may mga ari-arian din at
kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng bandang musiko, at
pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga
makapangyarihan.
3. Ang pinakamakapangyarihan ay kundi ang mga kura paroko sa simbahan at ang
Alperes na siyang punong mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo
Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre
Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang
naging kabaitan ang huli.
4. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang
mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig
magkolorete sa mukha.Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakitang dalawa ang
kanilang pakunwaring pagkakasunduan.
5. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay
mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Lahat ng
nasa matataas ay may malaking katungkulan sa ating bansa ngunit ilan lang sa

kanila ang gumagawa ng kanilang tungkulin. Gaya nang mga kura at mga nasa
pamahalaan.

Ginintuang Aral:
Dapat pantay-pantay lang ang tingin natin sa isang tao kahit itoy
mas nakakaangat pa sa atin at malakas ang tungkulin sa ating bansa.
Simbolismo
Ito ang napili kong simbolo para sa kabanatang ito
dahil para sakin dahil dapat pantay-pantay lang
tayo. At walang lamangan at gulangan. Yung
pareparehas ang tingin natin sa isat isa kahit mas
nakakaangat ito kay sa atin. At dapat walang
mahirap o mayaman at dapat ay isa lang ang tingin
sa bawat isa. Sa kabanatang ito masasalamin na
kahit mayaman ka ay iba ang pagtrato sayo tulad ni
Don Rafael at Kapitan Tiago. Kapwa sila mayaman
siya ngunit iba ang pagtrato sa kanila. Si Don Rafael
mabait siya nang dahil sa kabanata niya hindi niya
tinatanaw ang mga may utang sa kanya. Samantala
naman ay isa si Kapitan Tiago na sinasalubong pa
ng musiko pag dumadating. Nang dahil sa hindi
pantay-pantay napagtrato kaya nag reresulta sa
pagkakaroon ng magulo. Sa kabanata ring ito,
sinabing kabilang sa mga makakapangyarihan ang
mga kura at ang mga alperes. Masasabing
makapangyarihan ang kura dahil sa impluwensiya
nito sa simbahan at respetong binibigay ng mga
taong alay narin sa pag-galang sa simbahan. Ang
alperes naman ay makapangyarihan dahil sa
impluwensiya nito sa ating bayan at ang
nagsisilbing mga tagpagtanggol sa atin at tagahuli
sa mga may sala. Masasabing lahat sila ay
makapangyarihan dahil sa impluwensiya nila sa
mga tao. Ngunit isa pa rin sa atin ang mas
makapangyarihan yun ay ang Diyos na may

Sariling Repleksyon
Sa kabanatang ito na ang mga makapangyarihan natutunan kong tayo ay dapat
pantay-pantay. At walang mayaman at mahirap. Katulad sa ating buhay sa atin ay
maraming mapanglait at mapanghusga. Nilalait sa katangian na mayroon sa panlabas na
anyo at masbinibigyang pansin pa ang may mga magandang panlabas. Sa kabanatang ito
masasalamin kung sino-sinosa kanilaang pinakamataas at sino ang nakakaangat sa
lipunan. Gaya ng mga nangyayari sa atin na ginagawang katulong ang mga mahihirap at
hindi nabibigyan ng mga karapatan para ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang isang

tao sa lipunan. Katulad sa mga matataas na tungkulin gaya ng mga gobyerno na walang
ginagawakung hindi kunan ng pera ang mga tao at gawin para sa pansariling interest. At
sa mga mayayaman na mabibilang lang sa kanila ang sino ang nakilala lang sa tao. Bawat
satin may karapatan sa mundong ito kahit mahirap o mayaman man ito. Lahat may
karapatan na mabuhay at gawin ang gusto basta alam mong wala kang natatamaan na
tao.

Kabanata XII
Ang Araw ng mga Patay
Mga Tauhan:
Taong Sepulturero- sila ang inutusan upang ilagay ang labi ni Don Rafael sa libingan ng
mga intsik
Padre Garote- o mas kilala bilang Padre Damaso siya ang nagutos na ipatapon ang
bangkay ni Don Rafael na ilipat sa libingan ng mga intsik.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa isang malawak na palayan at
nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking
krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo,
maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw.
2. Isang araw may isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon. At may
dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo.
Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali
sa kanilang ginagawa.
3. Hindi maitago sa mga ito ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura
sa pagdura at paghithit ng sigarilyo. Sinaway naman ng batikang sepulturero ang
kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang
sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay,
sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay.
4. At ang ngalan ng nagmaymay-ari nito ay si Don Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo
Ibarra. At ang mahigpit na kaaway ni Padre Damaso. Kaya inatasan niya na ipatapon
ang bangkay nito sa malayo.
5. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre
Damaso, na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan
ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong
ito sa lawa. At ipaanod sa may lawa.

Ginintuang Aral:
Dapat makonsesnsya tayo sa mga maling ginagawa natin lalo nat
itoy labag sa iba hindi lang saiba kundi sa Diyos din.
Simbolismo

Krus ang napili kong simbolismo sa


kabanatang ito dahil narin sa unang
pangyayari sa kabanatang ito na
nabanggit ang krus. Krus ay
nagsisimbolo bilang gabay natin. At krus
ay nagsisilbing bilang ang Diyos. Na
nakikita lahat nang ating ginagawa lalo
nat itoy masama. Sa kabanatang araw
ng mga patay binanggit na ipinatapon ni
Padre Garote sa mga taong supulterero.
Na ipatapon ang bangkay ni Don Rafael
sa libingan ng intsik. Na kung iisipin siya
ay padre na nagsisilbi sa diyos ngunit
nagagawa niya ang mga kasalanang
iyon. Hindi lahat na may tiwala at
naglilingkod sa diyos ay masasabing
mabuti marahil sila mismo ay
nagkakasal rin sa kanila. At sila pa ang
nagawa ng kasalanan. Kung ihahambing
ang kabanata sa krus masasabing hindi
lahat na naglilingkod sa Diyos ay tunay.
Marahil sa pinakita ni PadreGarote o
mas kilala bilang si Padre Damaso na
bilang padre dapat siya ang
nagtatanggol at hindi nagawa ng
kasalanan. At kaya krus ang napili ko
dahil para sakin ito ang nagsisilbing
gabay nang lahat. At para narin
makonsensya ang mga taong gumawa

Sariling Repleksyon
Sa kabantang ito ang aral na nakuha ko dito ay huwag tayo maging sunod-sunurang
sa kasamaan. Huwag maging sunod-sunuran sa kasamaan dahil hindi natin alam
nakakasakit na tayo sa iba. Dapat alam natin ang tama sa mali bago natin gawin ito.
Pinag-iisipan ng mabuti gaya ng kasabihan na think twice, thrice, and many times before
you act. Gaya nang ipinakita sa kabanatang ito sinunod niya ito kahit masama ito. Pero sa
mga taong walang konsensya hindi nila ito iniintindi o nararamdaman man lang. Pero kung
alam mong mali ka at nakokonsensya pero ginawa mo pa din isa kang uto na sumunod sa
masama. Hindi lahat ng bagay ay inaagad-agad dapt pinagiisipan muna ito ng mabuti
kung tama ba ito o hindi. Dapat mas sinusunod natin kung saan mabubuhay tayo na
gumawa ng mabuti sa kapwa natin. Na pwede natin ito ipagmalaki sa susunod na
kabanata nan gating buhay. At huli ay kita ng Diyos an gating ginagawa.

Kabanata XIII
Ang Unang Balita ng Sigwa
Mga Tauhan:
Crisostomo Ibarra- sa kabanatang ito hinahanap niya ang labi o bangkay ng kanyang
ama na si Don Rafael Ibarra
Padre Garote- nag-utos para ipatapon angbangkayni Don Rafael
Padre Salvi- siya ang taong pinagbintangan ni Ibarra na nagpatapon sa bangkay ng
kanyang ama.

Mahalagang Pangyayari:
1. Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael.
Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si
Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael.
2. Na tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng
libingan ni Don Rafael at tumango ang tagapaglibing.
3. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at
itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong
mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto.
4. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni
Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na
may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi.
5. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib.
Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa
nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi
siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre
Garrote.

Ginituang Aral:
Ang buhay ng tao ay kagaya ng ginto, upang mapatunayang dalisay at
totoo ay pinararaan sa pagsubok

Simbolismo
Ulan ang napili kong simbolismo para sa
kabanatang ito marahil na rin sa pamagat nito
na ang ibig sabihin ay ulan. Sa kabanatang ito
masasalamin ang kasamaan ni Padre Garote o
mas kilala bilang Padre Damaso. Na
ipinatapon niya ang bangkay ni Don Rafael sa
gitna ng ulan. Nang dahil sa lakas ng ulan ay
hindi nakaya nang mga lalaking sepulterero
kaya ipinaanod na lang nila ang bangkay nito.
Kaya rin ulan ang napili kong dahil dito rin
nakapokus ang kabanatang ito. Dito
matutunghanayan na kahit sa kaligitnaan ng
bagyo at kidlat ay nagawa pa rin nila ito,
kung iisipin ang ulan lang ay
nangangahulugan bilang hagupit o dili kaya
panganib katulad na lang na panganib na
ginawa kay Don Rafael. Ulan ang naging
dahilan upang magalit si Ibarra. Ang ulan ay
naglalarawan bilang isang dilubyo na
nagpapahiwatig ng problema. Problemang
kahit mabigat alam mo naman na dadating
din ang araw na titigil din ito gaya ng ulan.
Ang ulan ay hindi lang nangangahulugan ng
bagong pag-asa. Pag-asa na malalampasan
din. Maiihalintulad ko ang ulan sa kabanatang
ito dahil sa mga nakapaloob dito. At sa mga

Sariling Repleksyon
Ang aral na hatid sa akin ng kabanatang ito na makonsensiya tayo sa ginagawa natin.
Konsensya natin ang mangyayari sa iba. Na alam dapat natin kung ano ang tama sa
mali. Kung alam mo ang tama ay hindi mo dapat ginawa ang ganung kasalanan. Gaya
nang ipinakita ng mga lalakeng sepulterero alam nilang mali ito pero ginawa pa nila ito.
Lalo nat itoy paglabag sa batas ng Diyos. Na hindi makatarungan lalo nat ipinaanod
nila ito. Kung iisipin ang kasalanang itoy hindi lamang paglabag sa iba pati na rin sa
Diyos. Ang kasalanan ng mga lalakeng sepulterero kay Don Rafael ay walang
kapatwaran dahil patay na nga ito parang pinapatay pa nito ang kaluluwa. Ang
konsensiya natin kung mayroon ay ang magsasabi na kahit nagawa natin ito alam natin
na may parte ng katawan natin ang nangongonsensya. At sa kabanatang ito ang
pinakabuod na aral na hatid nito ay na gawin ang tama at hindi ang mali.

Kabanata XIV
Tasyo Baliw o Pilosopo
Mga Tauhan:
Pilosopo Tasyo- siya ay isang matalinhaga kung magsalita. Sa mga taong may pinagaralan siya ay isang matalino ngunit sa tao naman na mangmang siya ay baliw.
Don Filipo Lino- siya ang nakita ni Pilosopo at kinausap tungkol sa pagdating ni Ibarra at
sa purgatory na hindi pinaniwalaan ni Pilosop tasyo.
Basilio at Crispin- sila ang mga nakita ni Pilosopo Tasyo sa kabanatang ito at sinabing
may pinagpahanda sa kanila ang kanilang ina.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang
puntod ng kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo,
kilala ng lahat ng tao sa San Diego dahil sa kakaiba nitong personalidad. Marami rin
itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi
nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw.
2. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang
magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na
mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay
nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa
halip na mag-asawang muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat
hanggang sa mapabayaan na nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina.
3. Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng
papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga
rin ang kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo
ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang
lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat
imbes na mga paputok at kwitis na hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog
ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog ngunit pinagtawanan
na lamang siya ng mga ito.
4. Tumuloy naman si Pilosopo Tasyo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang
dalawang bata na sina Basilio at Crispin at sinabihan niya ito na kung maari ay
umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na
hapunan. Natuwa naman ang sina Basilio at Crispin ngunit tumanggi ang mga ito
dahil na rin sa tungkulin sa simbahan. Nagpaatuloy na naglakad lakad si Tasyo
hanggang sa makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray.
5. Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na
naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang
ama. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi
pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya
naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay

gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis at pagkatapos ay umalis na ito sa


gitna ng malalakas na kidlat.

Ginintuang Aral:
Ang ikakaunlad ng bayan ang siyang ikakaunlad ng lahat
Simbolismo
Ang napili kong simbolismo ay dahon ng
laurel dahil para sa akin maiiihalintulad ko
si Pilosopo Tasyo bilang isang Dr. Jose Rizal
dahil parehas silang makata at may
paninindigan sa bansa. Paninidigan sa
bansa na gusto itong palayain. Palayain
ang bansang punong puno ng
makakapangyarihan na nais maghari. Na
walang karapatan ang mga walang
kakayanan na maghari. Ang dahon ng
laurel ay nagsisimbolo ng isang makata. Si
pilosopo tasyo ay matuturing bilang isang
makata marahil na rin sa pagbibigay ng
payo sa iba. Naihalintulad q si pilosopo
tayo kay jose rizal dahil sa kanilang
pagkakatulad at paniniwala. Paniniwalang
baling araw ay makakalaya din ang ating
bansa. Si pilosopo tasyo kung ituturing
nang mga taong may pinagaralan siya ay
isang matalino. Pero sa mga tao naman na
walang pinag-aralan siya ay isang baliw o
pilosopo. Walang ibang hinangad si
piliosopo tasyo na mapalaya ang inang
bayan gaya din ng nais ni Rizal sa ating
bayan. Hindi man bayani si Pilosopo Tasyo
o taong nakakaangat sa lipunan pero
masasalamin mo sa kanya na kaya niyang
isakripisyo ang sarili para sa inang bayan
na hindi magagawa ng nakakarami.
Hanggang sa pagkamatay ni Pilosopo Tasyo

Sariling Repleksyon
Ang aral na nakuha ko sa kabanatang ito ay ang kahalagahan ng inang bayan. Na ipinakita
ni Pilosopo Tasyo sa kabanatang ito. Ipinamalas niyang kailangan pahalagan ang ating
inang bayan. Naniniwala siya at ako na baling araw ay makakalaya din an gating bansa sa

mga kaguluhan na mayroon tayo ngayon. Sa pagpapalaya sa ating bansa ay ang paglaya
din ng nakakarami. Kung ang bansa natin ay may pagkakaisa at may isang hangarin ay
masasabi natin na nabubuhay at mamatay tayo na may magandang hangarin sa lahat. Sa
kabanatang ito ang pinaka-aral na tumatak sa akin ay ang pinamalas na pagmamahal Ni
Pilosop Tasyo sa bayan hindi man niya ito pinakita naramdaman ko na isa siya sa may
mabuting hangarin. At ang huli sa lahat mahalin natin ang sariling atin.

Kabanata XV
Ang Dalawang Sakristan
Mga Tauhan:
Crispin- nakakabatang kapatid ni Basilio. Siya ang napagbintangan na nagnakaw ng pera
ng simbahan.
Basilio- nakakatandang kapatid ni Crispin. Siya ang kasama ni Crispin bilang isang
sacristan.
Sakristan Mayor- siya ang nagbintang kay Crispin na nagnakawa ng pera ng simbahan.
At siya rin ang nagpakasakit kay Crispin.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan
na sina Crispin at Basilio. Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama nila si Sisa na
kanilang ina ay hindi sana siya mapagbibintangang na isang magnanakaw. At kung
malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang
suweldo lang nila ay dalawang piso sa isang buwan at minultahan pa sila ng tatlong
beses ngunit hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina.
2. Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya
ngunit kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Nang dahil dito,
nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat magagamit pa
nila ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siyay mamamatay
magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio.
3. Nag-aalala si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw
si Crispin, tiyak na magagalit ito. Samantalang gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap
na gusot na napasukan nilang magkapatidat gusto na niyang makauwi silang
magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan na hinanda sakanila ng
kanyang ina. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang
magnanakaw dahil sa kanilang ama na mabisyo, lasenggero at sabungero.
4. Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay galit na nakapanhik sa
palapag na kinaroonan nila. Hinarap naman agad ng sakristan mayor si Crispin
naman ang at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang
dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero
hindi siya pinayagan ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi
makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi.
5. Makikiusap pa sana si Basilio, nang biglang hinagip ng sakristan mayor si Crispin sa
bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim.
Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid pero at ang bawat pagsampal ng

sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Hindi alam ni Basilio


ang kanyang gagawin kaya pumasok sa isip niyang tumakas at umuwi sa kanila at
dinig niya ang mga hinaing ng kaptid niya ngunit naikuyom na lang niya ang
kanyang kamay.

Ginintuang Aral:
Karapatan ng mga bata ay pahalagahan sapagkat kinabukasan ng bansa
sa kanila makakamtan
Simbolismo
Alam nating lahat na napakahirp ipasok ang
sinulid sa butas ng karayom.
Nangangahulugan na ang buhay ay
maraming pagsubok na mahirap lutasan.
Ngunit gaya ng pagpapasok ng sinulid sa
karayom ay naiipasok rin natin ito. Gaya rin
ng ating buhay parang sinulid din maiipasok
rin natin pero mahirap kung tutuusin.
Katulad na lang ng paghihirap nina Basilio at
Crispin sa mga kamay ng Sakristan Mayor.
Ang paghihirap nina Basilio at crispin sa
kanila ay hindi naging madali. Marahil ngang
nakatakas si Basilio sa kamay ng Sakristan
Mayor ay hindi ito naging madali. Dahil
mayroon pa rin sa kanyang humadlang
upang makapunta sa kanyang tahanan.
Nangangahulugan lang ito na mahirap ang
buhay. Maraming haharang sayo upang
marating mo ang pinakadulong parte. At
maari ring maraming pagsubok na
nakapaloob dito na maaring humadlang
sayo. Katulad na lamang sa buhay natin
marami muna tayong pagsubok bago natin
makamtan ang pinakadulo. Gaya na lamang
ng pagabot sa mga pangarap natin.Marami
munang proseso bago natin ito marating. At
ang pinakahuli sa lahat hindi man naging

Sariling Repleksyon
Ang paghihirap ng isang kapwa ay hindi nangangahulugang tayo ay naghihirap.
Nangangahulugan ito na kaya ito binigay sa atin upang tayo ay matuto at para maging
malakas. Sa bawat problema ng tao ay pinipili na lang nila na magpakamatay at takbuhan
ito na hindi naman tama. Sa mga problema dapat alam natin kung paano lumaban at
ipaglaban ang karapatan. Gaya ng naging problema nina Basilio at Crispin sa Sakristan
Mayor dapat ipinaglaban nila ito. Kung alam mo naman na nasa tama ka at alam mong
hindi ikaw iyon ay dapat ipinaglaban mo ito o binigyan mo man lang ng respeto ang sarili.
Naniniwala ako na hindi kalian man naging maganda ang pagpapasa sa kasalanan na

mayroon ka. At hindi porket mahirap ka ay wala ka nang karapatan upang ipaglaban mo
kung ano ang tama. Mayaman o mahirap lahat ay may karapatan. Ang aral na ibinigay ng
kabanatang ito sa akin na hindi kalian man binababaan ang tingin sa mga mahirap
sapagkat silay kapwa rin tao na naghahangad lang ng magandang buhay.

Kabanata XVI
Si Sisa
Mga Tauhan:
Sisa- isang mapag-alagang ina. Mayaman ang pamilya nito kaya naging asawa nito si
Pedro. Nais sana niyang maging isang madre ngunit ayaw ng kaniyang mga magulang.
Pedro- siya ang asawa ni Sisa. Naging asawa niya ito dahil sa salapi na ibinigay sa kanya
ng magulang ni Sisa.
Basilio isa sa mga anak ni Sisa.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng
dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak pero, si Sisa ay gising pa at
hinihintay ang pagdating ng kanyang mga anak. Kapuspalad si Sisa sapagkat
nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at
palaboy sa lansangan. Hindi nito inaasikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang
ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay
dalaga pa at sinasaktan pa siya ng kanyang asawa gayunpaman itinuturing niyang
bathala ang kanyang asawa at anghel naman ang kanyang mga anak.
2. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong
tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin.
Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay
Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio at higit sa lahat, nagsaing siya ng puting
bigas na sadyang inani niya sa bukid.
3. Ngunit sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ni Sisa
sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing
nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak at
umalis na pagkatapos umalis at sinabing ipagtira siya ng perang sasahudin nina
Basilio at Crispin.
4. Nang makaalis si Pedro hindi maalis kay Sisa ang pangaalala para sa kanyang mga
anaka. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak at tinanong sa kanyang sarili paano na
ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang
ng kanyang walang pusong asawa.
5. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat
naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa
paghihintay kaya inaliw niya ang kanyang sarili. Nagkaroon siya ng malungkot na
pangitain kaya agad siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen nang gulantangin
siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Ginintuang Aral:
Ang pagmamahal ng isang ina ay walang katumbas

Simbolismo
Gaya nang inilagay ko sa aking ginituang aral
ang pagmamahal ng isang ina ay walang
katumbas. Katulad na lang ng pagmamahal ni
Sisa sa kanyang mga anak. Kung tutusin ay
nabaliw siya sa kakahanap ng kanyang mga
anak. Alam nating lahat na gagawin lahat ng
isang ina para lang mapaginhawa ang buhay
ng kanilang mga anak. Katulad ni Mama Mary
hindi man natin siya tunay na ina pero alam
natin sa puso na ina parin siya sa atin.
Katulad ng pagmamahal ni Sisa sa kanyang
mga anak ang pagmamahal ni Mama Mary sa
atin hindi man natin nakikita pero
nararamdaman natin. Ipinakita ni Sisa na ang
pagmamahal niya sa anak ay walang katulad.
Nabaliw man siya hindi pa rin maalis sa kanya
ang pangungulila sa kanyang mga anak. Tulad
ni Mama Mary labis ang kalngkutan niya ng
Makita niyang naghihirap ang kanyang anak
na wala man lang siya nagawa. At hindi na
ako magpapakalayo tulad na rin ng ina ko
hindi man siya kasing galling ng iba siya pa
rin ang pinakamagaling sa akin. Hindi man
lahat ng ina nagagawa ang kanilang tungkulin
bilang isang ina pero alam nila na
nagkukulang din sila. Hindi man ganoon
kabait ang ibang ina alam natin na may
pagmamahal pa rin dito. Hindi man nila
magawa ito pero napaparamdam naman nila.

Sariling Repleksyon
Gabay, kaibigan at taong hindi ka iiwan yan ang katangian ng isang ina. Hindi man lahat
ng ina ay ganoong kasaya kasama pero sila yung taong hindi ka iiwan. Iwan ka man ng
lahat asahan mo siya ang matitira sayo. Katulad na lang ng ina ko hindi man siya kasing
husay ng iba pero siya pa rin ang taong may pagmamahal sayo. Hindi man natin kasundo
an gating ina pero lilipas din ang mga panahon na hindi nyo siya matitiis. Kung iispin may
mga ina din naming salbahe kung ituturing dahil na rin sa pagmamaltrato nila sa kanilang
mga anak. Isa na ring dahilan upang magkalayo ng loob. At dahil na rin sa maling

pamamaraan ng pagtuturo ng tama sa mali. Pero kahit magalit man tayo sa ating ina hindi
natin ito matitiis at kakalimutan na lamang ang mga masasamang pangyayari. Hindi
maiiwasan sa mga ina na magkaroon ng isang paborito pero hindi mo sa kanila maalis na
kahit may higit pa man pantay-pantay pa rin ang pagmamahal.

Kabanata XVII
Si Basilio
Mga Tauhan:
Sisa- isang ina na walang hingad na mapabuti lang ang kaniyang pamilya
Basilio isang batang nangangarap na guminhawa ang kanilang buhay at hiniling na sila
na lang tatlo nina Crispin, Sisa at siya ang magkasama at wala sa piling ng kanilang
sugarol na ama.

Mahahalagang Pangyayari:
1. Napatigil si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo at masaganang
dumadaloy ang dugo sa kanyang ulo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang
pagkakasugat na siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad
pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya
ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel at dahil sa hindi niya paghinto siya
ay binaril siya at nadaplisan sa noo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa
kumbento si Crispin at ipinakiusap na huwag sabihin kahit kanino ang dahilan ng
pagkasugat ng kanyang noo sa halip ay sabihing nahulog na lamang siya sa puno.
2. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan
na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin at hindi niya sinabi ang parusang
natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa
anak.at sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng
maraming hirap sa buhay.
3. Nang mahimasmasan ay inalok ni Sisa si basilio kumain ngunit tumanggi ito. Agad
namang sinabi ni Sisa na dumating ang ama nila, alam nila na pag dumadarating ito
ay nakakatanggap ng bugbog ang kanyang ina. Nabanggit ni Basilio na higit na
magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang.
4. Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang
kapatid na si Crispin ay pinalo ng kura at sakristan mayor hangang sa ito ay
panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni
Sisa.
5. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang
dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang
pamumuhay ang kaniyang balak ay ihihinto na silang magkakapatid sa
pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din sunod hihilingin niya
kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at at panghuli kung
malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na

masasaka at salahat ng sinabi ni Basilio natuwa si Sisa ngunit lihim siyang napaluha
dahil wala sa plano nito ang kanyang ama.

Ginituang Aral
Pagmamalupit at pagmamaltrato sa kapwa ay iwaksi, karapatangpantaoy pahalagahan upang pag-ibig sa mundo ang siyang maghari
Simbolismo

Ang nabuong simbolismo sa aking isipan sa


kabanatang ito ay bituin. Bituin sapagkat sa kabila ng
kadiliman na nakapaligid sa kanya ay nagawa nya
paring umangat. Kahit na maraming tao ang nais na
umagaw ng kanyang magandang liwanag ay nagawa
nyang lumaban upang makuha ang para sa kanya. Sa
dami ng dinanas niya sa buhay katulad ng isang
normal na tao ay patuloy siyang lumaban. Isang anak
na ang tanging ginawa lamang ay lumaban upang
muling mahagkan ang kanyang ina. Nakakalungkot
mang sabihin ngunit sa panahon ngayon ay tila
nababawasan narin ang katulad ni Basilio na
handang lumaban para sa inang minamahal. Ngunit
sa kabila ng lahat ng ito ay mayroon paring mga anak
na nag-aaruga at patuloy na nagmamahal sa
kanilang ina anuman ang humantong sa kanilang
buhay. Tila ito na ang kanilang maaaring gawing
kapalit sa lahat ng sakripisyong ginawa ng kanilang
ina sa kanila. Si Basilio ay isang bituin na may
matayog at mataas na pangarap, hindi lamang para
sa sarili ngunit para sa pamilya. Isang munting bituin
na pinipilit na umangat sa ibang bituin na nakapalibot
sa kanya. May mga pagkakataong may haharang sa
liwanag na ibinibigay niya ngunit kahit hindi siya
makita ay alam niyang pansamantala lamang ang
kadilimang babalot sa kanya, sapagkat darating rin
ang panahon na muli ay magliliwanag siya. Sa ating
makabagong lipunan ngayon, nawa'y tayo ay maging
isang bituin. Handang umangat sa ating buhay kahit
na anong hirap man ang dumating. Isang bituin na

Sariling Repleksyon
Pangarap ng magandang buhay iyan lahat ang pangarap ng nakakarami. Pangarap
na balang araw ay matupad din kung tayo ay may pagsisikap. Lahat ng bagay ay
nakakamtan sa pagtitiyaga at pagsisikap. At lalo na rin sa pagpupursige na
makamtan ito at hindi nasuko kahit ano man ang mangyari. Katulad na lamang ni

Basilio isinaad niya ang mga pangarap sa kanyang pamilya. Gusto niyang
mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Para sa akin ang
pamilya ang unang dapat natin bigyan ng magandang buhay para na din sa kapalit
na binigay nila sakin. Hindi man gaanong kaganda ang buhay ng isang tao pero
may is aka pa rin mapapasalamat sa lahat yun ay ang ibinigay ng Diyos na buhay
at pamilya. Hindi man natin maabot ang pangarap nang atin nais maabot basta
alam natin na may pamilya tayong karamay. Ang pinakatumatatak sa akin ay
pamilya an gating buhay.