You are on page 1of 7

Mga Kwentong Bayan / Folktales

Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga


likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan,
katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak
na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito.
SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino
rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra
siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi
na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa
yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang


manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay
sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng
kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang
ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa
tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at
pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon
siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang
ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang
bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng

pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang


pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.


Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta
sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa
daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang
limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela,
ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng
pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang
pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa


kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap
kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunungsunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito


ay maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento


(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press,
1986, pp.84-85.
Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang
Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran
ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga
bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa
bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulangpula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na
at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo.
Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy.
Kawayan.

Pinagtawanan nila ang Punong

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya


nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay
nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang
puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si
Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo
at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento


(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press,
1986, pp.77-78.
Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa
kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa
o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae
at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.
Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng
anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging
pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang
bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang
iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay
mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang
higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata
at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang
asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang
bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok


magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

ng

datu.

Sa

ganito,

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,


binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si
Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang
mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang
matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa
buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung
bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang
pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang
sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.


Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento
(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press,
1986, pp.80-81.
(source:
http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literaturemga-kuwentong-bayan-folktales.190)

Ang Kalabasa at ang Duhat


(Kuwentong-bayan / Folktale)

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto


niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki


pataas na ang itinuturoy kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na
itong mamunga.

Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito


nang gumapang, hanggang sa itoy nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob
niya sa dalawang ito.
Matamang nag-isip si Bathala.

Ang duhat na nilikha koy malaki, nararapat lamang na malaki rin ang
kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang
kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nitoy maliliit
lamang. Wika niBathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad


niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil
sa bigat ng bunga. Si Kalabasa namay hindi bagay dahil maliit ang bunga.
Di pansinin ang mga bunga nito lalot natatakpan sa malalapad na dahon.
Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At


napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa,
mahinog man itoy hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang
lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira
at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang itoy malayo
sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat itoy malapit sa araw.

At sa kanyang ginaway nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

You might also like