You are on page 1of 4

B7 EUGENE SPENCER C.

LOPEZ 9-ADN

FILIPINO 9

GNG. CINDY CHUA

Debate o Pagtatalo

Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinion sa


isang paksa. Masasabi din natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat
kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa pagitan ng mga pulitiko dahil
hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.

Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.

Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o


makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa

Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang


magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunang paksa.

Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon


1.Maydulot na kapakipakinabang at napapanahonang paksa
2.Kawili-wili sa mga nakikinig
3.Pantay at walang kinikilingan
4.Malinaw at tiyak ang mga salitang napagkaloob sa
proposisyon
5.Hindi pa ito nagpapasyahan
6.May makakalap na datos tungkol sa paksa
7.Maaring patunayan ng ebidensya
8.Nagtataglay ng isang ideya sa isang argumento
Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:
1.Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
2.Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap
na may isa lamang suliraning patutunayan.
3.Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang
pag-aalinlanganan ang kahulugan.
4.Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon

Kahalagahan ng Pagtatalo
1.Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagiisip
2.Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na
pagsasalita
3.Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran
4.Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at
maling pagmamatuwid
5.Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad
ng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng sarili
6.Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad
ng iba at pagtanggap na nararapat nakapasyahan.

Paghahanda sa Pagtatalo
1.Pangangalap ng mga datos

Paghanap ng impormasyon at katibayan


2.Paggawa ng balangkas

Panimula

Katawan

Wakas
3.Pagpapatunay ng mga katuwiran

Pagpapahayag ng maayos, mabisa at maingat

Dapat tandaan sa pagtatalo

Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isang


positibong pahayag

Isalang-alang ang antas ng pang-uunawa ng mga nakikinig

Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay


nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag.

Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran at kalaban


Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng
kalaban

Dapat tandaan sa pagtatanong

Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanung

Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.

Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong

Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang


pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila

Ang mga tanung ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan

Dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa


(Rebuttal)

Mahinahon at maliwanag nailahad ang mga kamalian sa katuwiran ng


kalaban

Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.

Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban

Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayang mga binanggit na katwiran sa


paksang pinagtatalunan.

Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga


alituntunin sa pagtuligsa

Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na


katuwiran at katibayan
Mga Tagapagsalita o Speaker

Beneficiallity ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong


mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan

Practicability ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible ba


o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.

Necessity ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng


sitwasyon bilang kailanagn at tunay na solusyon

Uri ng mga Pagtatalo

Debateng Oregon-Oxford

-madalas gamiting paraan ng pagtatalo


-binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi
-may mga huradong susuri sa mga argument na may sapat
Na kaalaman sa paksa

Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )

A.Pagpapakilala ng bawat koponan( Pagtukoysa


mgatuntunin )
B.Paglalahad ng proposisyon
C.Pagbibigay ng katuturan
D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E.Pagtatalo

Debateng Oregon
-Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng
pagmamatwid ngkani-kanilang panig
- Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang
maipakilala ang karupukan ng mg matwid na panig ng katalo
-Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan
Bago lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig

REFERENCES:
http://tl.answers.com/Q/Kahulugan_ng_pagtatalo

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_debate

You might also like