You are on page 1of 10

Ang ibabaw ay tawiran,

ang ilalim ay lusutan.


Sagot: Tulay
Kinain ko ang isa,
itinapon ko ang dalawa.
Sagot: Tulya
Ngayon lang
nangyayari, nakikita na
ng marami,
kahit sila'y wala rine.
Sagot: TV
Dalawang
magkaibigan, habulan
nang habulan.
Sagot: Paa
Nagtago si Pedro,
nakalitaw ang ulo.
Sagot: (Pako sa
sahig)
Walang pintong
pinasukan,
nakapasok sa
kalooban.
Sagot: Pag-Iisip

namumulaklak.
Sagot: Posporo
Sariling-sarili mo na,
ginagamit pa ng iba.
Sagot: Pangalan
Sa araw nahimhimbing
at sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki
Walang paa'y
lumalakad, ang bakas
ay nangungusap.
Sagot: Panitik ,
Bolpen o Lapis
Bagama't nakatakip, ay
naisisilip.
Sagot: Salamin ng
mata
Bahay ko sa Pandakan,
malapad ang harapan.
Sagot: Pantalan
Binatak ko ang isa,
pawis ang kasama.
Sagot: Panyo

Narito na si katoto,
may dala-dalang kubo.
Sagot: Pagong

Bahay ni Ka Gomez,
punung-puno ng
perdigones.
Sagot: Papaya

May ulo'y walang


buhok, may tiyan
walang pusod.
Sagot: Palaka

Bulaklak muna ang


dapat gawin,
bago mo ito kanin.
Sagot: Saging

Nang munti pa'y


minamahal, nang
lumaki na'y pinugutan.
Sagot: Palay

Di makita ay kalapit,
kaya laging sinisilip
Sagot: Pilikmata

Isang tingting na
matigas, nang ikiskis

Aling bunga ang palibot


ng mata?
Sagot: Pinya

Isang maliit na
impyerno,
nagpapalabas ng
magandang istilo.
Sagot: Plantsa Sa
Damit
Tumutugtuog, umaawit,
walang pagod ang
pagpihit.
Sagot: Ponograpo O
Radyo
Itulak at hilahin,
sigurado ang kain.
Sagot: Lagari
Balat berde, buto itim,
laman pula, turingan
mo
kung sino siya.
Sagot: Pakwan
Noong malinis ay
hinahamak,
nang magkaguhit ay
kinausap.
Sagot: Papel
Isdang inasinan,
nalusaw sa taguan;
pinakinabangan,
ginawang sawsawan.
Sagot: Patis
Ang labas ay tablatabla
ang loob ay sala-sala.
Sagot: Patola
Bahay ng kapre,
iisa ang haligi.
Sagot: Payong
Ang puno'y buku-buko,

ang sanga'y baril,


ang bunga'y bote,
ang laman ay
diyamante.

Sagot: Papaya

Sagot: Pari

Kung malayo ay babae,


kung malapit ay lalaki.

Mga Salawikain patungkol sa


pakikisama, pakikipag-kaibigan at
pakikipag-kapwa tao.

4. Ang may malinis na kalooban ay


walang kinatatakutan

1. Puri sa harap, sa likod paglibak

5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na


mabisa kaysa pahayag na dakila

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y


sitsaron

6. Ang katotohana'y kahit na ibaon,


lilitaw pagdating ng takdang panahon

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok


sa gipitan

7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda


nagmula

4. Matabang man ang paninda, matamis


naman ang anyaya

8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa


bagong gising

5. Kapag tunay ang anyaya,


sinasamahan ng hila

Mga salawikain patungkol sa mga


pangako at ka kawalan ng kaya.

6. Walang paku-pakundangan, sa tunay


na kaibigan

1. Buhay-alamang, paglukso ay patay


2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

7. Hindi sasama ang pare, kundi sa


kapwa pare
8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukotsukot sa harap ng dayo

3. Ang tao na walang pilak, parang


ibong walang pakpak
4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang
pagpapahalaga sa sarili

9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat


10. Mag-aral kang mamaluktot habang
maigsi ang kumot
Mga Salawikain patungkol sa
kabutihan, kabaitan, kagandahang
asal, pagpapakumbaba at pagingat.

5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka


ng munting lagnat
6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang
bait sa sarili
7. Mga salawikain patungkol sa
pagkakaisa at pagtutulungan.

1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda


nagmula

8. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay


wala ring lakas kapag nag-iisa

2. Ang magandang asal ay kaban ng


yaman

Mga salawikain patungkol sa


pagtitiis

3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng


maluwat

1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis


na mamaluktot

2. Pag may hirap, may ginhawa


LAHING MATAPANG
3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng
luha
4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan
5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog
naman, mabuting sa lupa'y mamulot na
lamang
6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang
liwanag
7. Ang tao na walang pilak, parang
ibong walang pakpak
8. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang
pagpapahalaga sa sarili
BATANG MAHIRAP
Kahit na ako'y batang mahirap
May ambisyon din at mga pangarap
Handang magsikap at mag-aral
Umaasa sa Diyos at nag-dadasal
Ang kahirapan ay hindi sagabal
Para mabuhay ng matuwid at marangal
Lahat ng ito ay mga pagsubok lamang
Upang sukatin ang aking kakayahan.
KAHAPON NGAYON AT BUKAS
Ang Kahapon ay nakaraan na
Sama ng loob ay kalimutan mo na
Subalit ang mga leksyon ay dapat
tandaan
Upang dating pagkakamali ay maiwasan
Ang Ngayon ang pinaka importante
Gawin natin ang nararapat at
nakakabuti
Ito ang dapat pagtuunan natin ng
pansin
Dito nakasalalay ang kinabukasan natin
Ang mga Bukas na darating ay di pa
natin alam
Pag may magandang plano syempre
mas mainam
Pero huwag masyadong umasa sa bukas
Dahil lahat ng buhay ay may wakas.

Minsan sa isla ng Mactan


Nagpang-abot si Lapu-lapu at Magellan
Si Lapu-lapu ay sadyang matapang
Napatay ang dayuhang si Magellan
Doon naman sa isla in Bohol
Si Dagohoy naman ang taga-pagtanggol
Lumaban sa mga mapang-aping kastila
Hindi sumuko hanggang namayapa
Sa isla naman ng Luzon
Si Andres Bonifacio nangulo ng
rebolosyon
Lumaban para sa ating kalayaan
Buhay ay inalay para sa bayan
Sila'y mga bayani na ating bayan
Lahing Pilipino at lahing matapang
Kanilang mga dugo sa ugat ko'y
nananalaytay
Para sa bayan buhay ay handang ialay.
PAMASAHE
Baon kong pera ay marami
Kaya ako'y bili ng bili
Kain dito at kain doon
Bayad dito at bayad doon
Aking akala pera ay di maubos
Nang aking bilangin kulang na sa utso
pesos
Paano pa ako makakasakay sa jeepney
Hindi kasya ang pera ko sa pamasahe.
SIGARILYO
Ang pag sisigarilyo ay delikado
Kanser sa baga ang makukuha mo
Usok nito ay puno ng mga lason
Doon sa baga ito naiipon
Kaya payo ko sa kapwa kabataan
Sigarilyo ay huwag ninyong subukan
Pag ako ay di ninyo pakinggan
Tiyak sa sigarilyo sira inyong kalusugan.
KANDILA

Pagmasdan mong mabuti ang kandila


Habang nakasindi ito ay lumuluha
Dahan-dahan ito ay nauupos
Nagbibigay liwanag hanggang sa
maubos
Ang kandila ay parang simbolo
Sa buhay ng mga bayaning Pilipino
Kanilang liwanag inialay sa bansa
Upang kalayaan ay makamtan ng
bansa.

Ang batang magalang


Kinatutuwaan
Ng mga magulang
At maging sinuman
Ang po at opo
Laging nasa puso
Lalo nat kausap
ng mga kaanak.

BATANG MAGALANG

Ang Aral ng Damo


Maikling Kwento

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang
lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.
"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y
maligaya sa iyong paligid?"
"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa
banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay
kahali-halina!"
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang
masasabi mo sa iyong halimuyak?"
"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!"
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging,
kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?"
"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag
malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa
narra!"
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay
na puno?"
"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa


iyong sarili?"
"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang
bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili
kaninuman pagkat maligaya!"

Portfolio
sa
Filipino
in
Math
Aicelle
Mynne S.
Salavante
IV Sunflower

Mrs. Pacheco

Isang reynang maraming


mata
nasa gitna ang mga
espada.
Sagot: PINYA
Nagbibigay na'y
sinasakal pa.
Sagot: BOTE
Hinila ko ang baging
nag-iingay ang matsing.
Sagot: KAMPANA
May puno walang bunga
may dahon walang
sanga.
SANDOK
Buto't balat
lumilipad.
Sagot: SARANGGOLA
Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.
Sagot: ASO
Tungkod ni apo
hindi mahipo.
Sagot: NINGAS NG
KANDILA
Eto na ang magkapatid
Nag-uunahang pumanhik.
Sagot: MGA PAA

Sagot: Kamatis
Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.
Sagot: MATA
Nakayuko ang reyna
di nalalaglag ang korona.
Sagot: BAYABAS
Araw-araw nabubuhay
taon-taon namamatay
Sagot: Kalendaryo
Butot balat lumilipad
Sagot: Saranggola
Isda ko sa Maribeles
nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
May isang prinsesa
nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
Matanda na ang nuno di
pa naliligo
Sagot: Pusa
Hayan na si kaka bukaka
ng bukaka
Sagot: Gunting
Pinatay ko na binaril ko
pa

Dalawang bolang kristal


abot hanggang langit.
Sagot: Mata
Nagtago si Juan
nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
Isang balon malalim
punong-puno ng patalim
Sagot: Bibig
Ate mo, ate ko, Ate ng
lahat ng tao.
Sagot: ATIS
Baboy ko sa pulo,
balahibo'y pako
Sagot: Durian
Hindi hayop, hindi tao,
pumupulupot sa tiyan
mo.
Sagot: sinturon
Dala mo dala ka,
dala ka ng iyong dala.
Sagot: sapatos
Maliit pa si Kumpare,
nakakaakyat na sa tore.
Sagot: langgam

Nang sumipot sa
maliwanag, kulubot na
ang balat.
Sagot: ampalaya
Isang butil ng palay,
sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
Sa araw ay bungbong, sa
gabi ay dahon.
Sagot: banig

Sagot: kulambo
Munting hayop na
pangahas, aaligid-aligid
sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
Tinaga ko ang puno, sa
dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
Naabot na ng kamay,
ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos

Dumaan ang hari,


nagkagatan ang mga
pari.
Sagot: siper

Maliit pa si kumare,
marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
Baka ko sa palupandan,
ungay nakakarating
kahit saan.
Sagot: kulog
Hindi pari, hindi hari,
nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo

Malaking supot ni Mang


Jacob, kung sisidlan ay
pataob.
MGA SALAWIKAIN
Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay
Ang paala-ala ay mabisang gamot sa
nakatunganga.
taong nakakalimot.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay
gawa.
kumakapit.
Kung binigyan ng buhay, bibigyan din
Hanggat makitid ang kumot, magtiis
ng ikabubuhay.
mamaluktot.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis
Magsisi ka man at huli wala nang
manggagaling.
mangyayari.
Buhay alamang, paglukso ay patay.
Huli man daw at magaling, naihahabol
din.
Buntot mo, hila mo.
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Matalino man ang matsing,
napaglalalangan din.
Bawat palayok ay may kasukat na
suklob.
Batang puso madaling marahuyo.

Kung nasaan ang asukal, naruon ang


langgam.
Walang mapait na tutong sa taong
nagugutom.
Lahat ng gubat ay may ahas.
Ang anumang kasulatan dapat ay
lalagdaan.

Tikatik man kung panay ang ulan,


malalim mang ilog ay mapapaapaw.
Naghangad ng kagitna, isang salop ang
nawala.

Nasa taong matapat ang huling


halakhak.

Ang tunay na kaibigan karamay kailan


man.
Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa
kagipitan.
Ang matapat na kaibigan, tunay na
maaasahan.
Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin
ko kung sino ikaw.
Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa
gawa mo.
Ang tao kapag mayaman marami ang
kaibigan.
Magkulang ka na sa magulang huwag
lamang sa biyenan.

May tainga ang lupa, may pakpak ang


balita.
PAGSUNOD SA UTOS
Sa mga iniutos
Sumunod nang maayos
Mukhay pasayahin
Paglakad ay ayusin.
ANG PO AT OPO
Ang bilin sa akin
Ng amat ina ko
Maging magalang
Mamumupo ako
Sa lahat ng oras
Sa lahat ng dako
Pag kinakausap
Ng matandang tao.
PAGGISING SA UMAGA

Ang pag-aasawa ay hindi biro, di tulad


ng kanin
Iluluwa kung mapaso.
Nakikita ang butas ng karayon, hindi
makita ang butas ng palakol.

Sa umaga paggising
Kumot ay tiklupin
Higaan ay ayusin
Unan ay gayon din.
PAGKATAPOS MAGLARO

Kung gaano kataas ang lipad gayon din


ang lagapak pag bagsak.
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang
latay.

Pagkatapos maglaro
Lagi sanang isapuso
Laruan ay itatago
Upang lagi itong buo.

Kapag ang ilog ay matahimik, asahan


mo at malalim.
Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo
at mababaw.

GATAS AT ITLOG

Ang lumalakad nang mabagal, kung


matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin, kung
matinik ay malalim.

Ang gatas at ang itlog


Ay pagkaing pampalusog.
Ang saging at papaya
Ay pagkaing pampaganda.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,


hindi makakarating sa paruruonan.

Ikawy uminom ng gatas


At kumain ka ng itlog.
Hindi magtatagal
At ikawy bibilog.

Ang langaw na dumapo sa kalabaw,


mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

Alagaan mo ang manok


Bibigyan ka ng itlog.

ANG MGA GULAY AT PRUTAS


Sa ating bakuran
Mga prutas at gulay
ay matatagpuan
May santol, atis, kaimito
at mangga
Balimbing, bayabas, saging
at papaya.
Talong, okra, sitaw, kalabasa
Kamatis, petsay, upo at mustasa
Sa ating katawan ay nagpapasigla.
ANG BATANG MATAPAT
Ang batang matapat
Kaibigan ng lahat
Saan man lumakad
Kilala ng lahat.
SA AKING MGA MAGULANG
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoot dakila,

Ang siyang nagbigay ng lakas kot sigla


Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti kot luha.
Sa aking pagtulog sa gabing madilim,
Nagbabantay kayo hanggang sa
mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako may tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi nga maliit ang sakripisyo nyo.
Simula nang akoy maging isang tao,
Kaya naman akoy may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!

Ang Araw at ang Hangin


Maikling Kwento
Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway
itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.
Isang araw, sinabi ng hangin, "O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas
malakas ako kaysa iyo?"
Ngumiti ang araw. "Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun,
may lalakeng dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot
niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas."
"Payag ako. Ngayon din", magkakasubukan tayo, "malakas na sagot ng hangin. "Ako
ang uuna," dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang
labanan.
Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng
tao ang hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.
Nilakasan ng hangin ang paghihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa
may leeg ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa paghihip. Lalo
namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na
siya.
Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa paghihip niya ay talagang hindi niya
makuhang mapaalis ang damit ng lalake. "Sige," sigaw niya sa araw. "Tingnan
naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad ang taong
iyon."
Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis
ng lalake. Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang lalake ay
nagkalas ng mga ilang butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal
nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula noon, di
na nagyabang uli ang hangin.