You are on page 1of 5

Pipay Meets Her Cousin

Felipa! Is that you?


Flesh and blood, its me. Who are you? Natigilan ako sa tumawag sa buo kong
pangalan. Di ko siya kilala.
Come on. Its me. At nagpa-cute pa.
Who are you? Will I win a prize if I made the right guess of your name? So lets
cut this palpable vanity and state your name for the record!
Irita kong banat sa kanya. Nagmamadali pa naman akong umuwi kasi
napupururot na ako. Kumain kasi ako ng niluto naming egg sandwich sa school
kanina. Sayang naman kung di ko kainin, binili namin lahat ng ingredients nun.
Whoa! What a dingy, tangy tongue you have there, cousin! And I must say your
English isuhmiriamic!
Cousin?! As in somebody to whom somebody else is related through the brother
or sister of a grandparent, great-grandparent, or an even older ancestor?
Pinsan ko daw siya. At kelan akong nagka-pinsan na Negra at halata namang
nagpa-rebond lang .
Without a doubt. Its me, Johnette.
Johnette?
Yeah. As in, the only and ever only favorite granddaughter of Lolo Johnny. We
have just arrived from Los Angeles, California, you know.
Oh, that is so self-absorbed. Gusto kong sabihin sa California girl na to that Im
not thrilled of her arrival. At isa pa, napapautot na ako. Pinipigilan ko lang kasi
paniguradong sasambulat ang masagananguhCheese Whiz. Pinagpapawisan
na ako sa sobrang muscle control ko.
Nice to see you again. Enjoy your stay here at Pilipinas Kay Ganda. Sabay kong
tinalikuran at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nasalubong ko si Ban Tie,
alagang aso ni Doray, at muntikan ko na itong maapakan. Sa pagkabigla ko,
muntik na ring mag-erupt ang lava sa rectum ko.

Thanks. See you later, alligator. Narinig ko pang sigaw ni Johnette.


Ano daw?! Alligator ka rin! Hay naku, sana wag na siyang magpakita pa sakin at
baka di ko siya matantiya.
Binalibag ko lang ang pintuan ng banyo namin at walang pasintabi akong naupo
sa trono ng kaluwalhatian ng inidoro. Sabay lumigwak ang kanina pang naguumalpas na sama ng tiyan ko.
Natatandaan ko na siya. Oo, siya pala yung anak ni Tita Cory na bunsong kapatid
ni Nanay. Pero hindi Johnette ang pangalan niya kundi Juanita. Ipinangalan siya
sa lolo naming si Lolo Juan dahil lang ka-birthday niya ito. Ngunit subalit
datapwat manapay huwag niyang sasabihin na siya ang paborito ng Lolo Juan.
Ako. Hindi siya ang paborito ng Lolo Juan, kundi ako. Ang lolo pa nga ang
nagbigay ng pangalan ko, Felipa, kapangalan ng kauna-unahan niyang gelpren.
Kaya nga di kami close ni Lola Petra kasi lagi niyang naaalala ang ex ni Lolo
sakin. Di pa rin siya maka-get over, eh, siya na nga ang pinakasalan ng lolo
namin. Pano naman kasi, ayon sa saling-dila, pinikot lang ng Lola Petra si Lolo
Juan.
Bigla ko tuloy na-miss si Lolo Juan. Mapuntahan ko nga sa bahay nila.
SA BAHAY NI LOLO JUAN
Lolo, heto po ang lugaw na niluto ni Nanay para sayo. Binili pa namin sa
Balintawak kaninang umaga ang mga sangkap niyan. Kainin nyo na po habang
mainit pa.
Salamat, Pipay.
At may kumatok sa pinto.
Grandpa, heres Minnesotan porridge minced with California ginger. Mom and I
cooked this for you. Eat and indulge.
Johnette, ikaw pala iha. Tamang-tama at andito rin si Pipay.
Oh, hello again Felipa.

Hello, Juanita! Magiliw kong sukling-bati sa kanya ngunit diniinan ko ang


pagkakasabi ng pangalan niya. Labanan na to ng tunay na pangalan, pabahuan
ng pangalan, ika nga.
Ah heto pa po pala ang mga tsokolate na niluto pa ni Nanay kahapon kasi
nagdala si Tatay ng mga buto ng cacao galing Bulacan noong isang linggo.
Naku, antagal ko nang di nakakainom ng mainit na tsokolate. Ang sarap niyan
sa umaga.
Here, too, Grandpa. Mom reserved these chocolates for you. Toblerone,
Hersheys, Cadbury, pick your choice.
Oh, those sweets are not allowed for Lolo. They are not good for the heart.
Biglang agap kong sabi kay Johnette. Yun kasi ang sabi ni Mang Ambo, ang
albularyong tumitingin kay Lolo.
Oh, really? But they are imported chocolates.
Let me tell you this: The fat in chocolate consists of approximately equal
amounts of oleic acida monounsaturated fat like that found in olive oiland
two saturated fats, stearic and palmitic acid. Medical studies have linked palmitic
acid to increases in low-density lipoproteins, a form of cholesterol that is thought
to promote atherosclerosis and heart disease.
Paliwanag ko sa kanya. Naturo kaya yun ni Mrs. Pineda sa Science class namin.
Hmm, kabog siya sa explanation ko na yun.
Well, recent studies we made at UCLA found out that stearic acid, however,
appears to have a neutral impact on cholesterol levels. As a result, only about a
third of the fat content in chocolate is thought to affect cholesterol levels.
Buwelta niya sakin.
Alam mo, Juanita, huwag kang magmarunong dito kasi kararating mo lang. At
tigilan mo na nga yang kaka-English mo. Nakakain ka lang ng halo-halo na may
snow na winalis sa basurahan ng California, aba, at tinalo mo pa mag-English
ang Statue of Liberty. Kumain ka kaya ng maraming lugaw at nang bumalik yang
pagka-Waray mo. Ang lakas na kasi ng tama ng expired na M&Ms sayo.
Di na ako nakapagpigil. Ipinakita ko na sa kanya na di ko siya gusto. Inaagaw
niya mula sa akin ang atensiyon ni Lolo.

Pipay, ano ka ba? Ngayon lang kayo nagkita ng pinsan mo at ganun ka na lang
makapagsalita sa kanya.
Just let her speak for herself, Lolo. Maybe shes just pagod cooking lugaw for
you. Wow. Very patient siya sakin.
Bakit di mo ako hampasin ng Louis Vuitton handbag mo? Huwag kang magbaitbaitan dyan. Hindi ka anghel sa paningin ko.
Are you kidding? My Louis Vuitton? In your face? Not worth it. I dont wanna
have it scratched from the oily craters on your face. Blackheads and whiteheads,
duh!
Negrang Waray ka! Pakukulutin ko ulit yang buhok mong bagong rebond.
Sabay kong sinunggaban ang buhok niya at nagpagulung-gulong kami sa harapan
ni Lolo.
Tumigil kayo! Sigaw ni Lolo. At bigla na lang hinawakan niya ang kanyang
dibdib.
Lolo! Pareho kaming napasigaw ni Johnette.
Heto ang salabat. Inumin nyo to. Agad kong alok kay Lolo.
No, this one Lolo. This is mineralized water that had undergone twenty-four
stages of purification and fortified with vitamin C.
O sige Lolo, inumin mo na yang mineral water ni Juanita kasi pagkatapos mong
maubos ang laman, ipapanguya ko sa kanya ang bote para matigil na siya sa mga
kaartehan nya.
Inasar ko pa siya ng todo habang ipinaiinom niya kay Lolo ang kanyang tubig.
Nahimasmasan na rin si Lolo pagkatapos ng ilang sandali. Nakaalis na rin si
Juanita. At ako na lang nagbabantay kay Lolo. Ipinaliwanag niya sakin na mali
ang naging pakikitungo ko sa aking pinsan. Kaya binalak kong puntahan siya
ngayong gabi sa kanilang bahay para mag-sorry.
Maya-maya pay dumating si Nanay. Ibinalita niya na sumabog sa ere ang
sinasakyang eroplano nina Tita Cory at Juanita kagabi. Walang nakaligtas sa mga

pasahero ayon sa balita.


Hindi nakarating si Juanita? Eh sino 'yung negrang na kaaway ko?
Ako si Pipay. May nakaaway na multo.
P.S. Pinsan, sige ikaw na! Ikaw na ang maputi, straight ang buhok at
pinakapaborito ni Lolo Juan. Sayo na lahat. At di na rin kita tatawaging Juanita.
Johnette na lang. Huwag mo lang ulit akong dalawin. Please. Huwag mo na
akong dalawin pa, di naman tayo close di ba.