You are on page 1of 8

Angeles University Foundation

Integrated School
Angeles City

Kasaysayan ng Pampanga
at Kulturang
Kapampangan

Ma. Jessa Gomez


Darlene Figueroa
Christian Albert San Gabriel
Rian Martin Ponce
Pauline Kaila Guiao
11 St. Luke

PANIMULA
Alam mo ba kung saan nanggaling ang salitang Pampanga? Ang
pangalang ito ay ibinigay ng mga kastila sa lalawigan. Sapagkat, natagpuan
nila ang mga unang naninirahan dito sa tabi ng pampang. Ito ay nabatid ng
kastilang si Martin de Goiti noong 1571. Ang mga lalaking kapampangan ay
kilala sa pagiging galante at magaling mamuno, habang ang mga
kababaihan naman ay kilala sa bilang magagaling magluto. Ito ang ilan sa
mga sikat at masasarap na pagkain sa Pampanga; Sisig, Tibok-tibok at Halohalo ng Razon.
Mayroon ding mga kilala at sikat na mga Kapampangan tulad nina Efren
"Bata" Reyes, Ryzza Mae Dizon at Allen Pineda Lindo. Ito naman ang ilang
Kapampangan na sumikat dahil sakanilang angking talento sa mundo ng
musika; Lea Salonga, Allen Pineda Lindo (Apl.de.Ap) at Thia Megia.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Mahalagang malaman ang mga nakatagong yaman ng Pampanga dahil
itoy sariling atin na hindi kailanman makukuha at magagaya ng iba. Sa
pagsasaliksik na ito, makikita ang mga pagdariwang na mayroon sa
Pampanga na hindi gaaong pamilyar sa atin. Sa pagsasaliksik na ito
mapatutunayan sa bawat sumusunod na impormasyon na ang Pampanga ay
mayaman sa karunungan at may kagalingan sa halos lahat ng bagay.
KASAYSAYAN
Ang Pampanga ay nakilala bilang probinsya ng mga Espanyol noong
Disyembre 11, 1571. Ito ay matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang
pampang,

kung

saan

nagmula

ang

pangalan

ng

lalawigan,

ay

nangangahuluhan ng dalampasigan. Ito ang kauna-unahang lalawigang


Kastila sa Piipinas at ang Lungsod ng San Fernando ang naging kabisera nito.
La Pampanga ang tinawag sa mga katutubong kanilang natuklasang
naninirahan sa dalampasigan.

Noon ay may 28 mga lugar sa Pampanga. Nang sumapit ang 1860 ay


napunta ang Bamban, Capas, Conception, Victoria, Tarlac, Mabalacat,
Magalang, Porac, at Floridablanca ay nahiwalay sa Pampanga at napasailalim
sila sa Comandancia Militar de Tarlac. Noong 1873 naman ay naibalik ang
apat na bayan sa Pampanga at ang limang natira ay napunta sa bagong
itinatag na Probinsya ng Tarlac. Disyembre 8, 1941 nang binomba ng mga
Hapon ang Clark Air Base at nasakop ang Pampanga. Hunyo 1991 nang
pumutok ang Bulkang Pinatubo pagkatapos ng 500 taong pananahimik.
Sa kasalukuyan ang Pampanga ay may 3 lungsod: Mabalacat, Angeles, at
San

Fernando;

20

munisipalidad:

Apalit,

Arayat,

Bacolor,

Candaba,

Floridablanca, Guagua, Lubao, Macabebe, Magalang, Masantol, Mexico,


Minalin, Porac, San Luis, San Simon, Santa Ana, Santa Rita, Santo Tomas,
Sasmuan, at San Isidro.
Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa Pampanga ay
matatagpuan sa loob ng Clark, ang dating base militar ng Amerika sa
Pampanga. Maaaring pasyalan dito ang Nayong Pilipino, sanktuwaryo ng
mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo (hot air balloon festival),
mga rsort, palaruan ng golf, piknikan, at mayroon ding mga sugalan tulad ng
Casino. Ang St. James the Apostle Church na matatagpuan sa Betis, Guagua
ay ginawa noong 1754 at natapos noong 1770. Ang arkitektura ng Betis
Church ay makikitaan ng temang Baroque.1
KULTURANG KAPAMPANGAN
Ang mga Kapampangan ay kilala dahil sa kanilang galing sa pagluluto ng
iba't-ibang putahe tulad nalamang ng sisig. Isa pa sa mga masasayang
selebrasyon sa Pampanga ay ang mga Piyesta tulad ng Sisig Festival,
Tigtigan Terakan, Ligligang Parol, Santa Cruzan at iba pa na napakasaya.
1 http://byahenasapampanga.weebly.com/kasaysayan.html

Ikaw ba mahilig sa mga bagay na umiilaw? Mga bagay na gawa sa mga


kahoy? Dito sa Pampanga, maraming mga bagay na gawa sa mga kahoy,
mga bagay na umiilaw tulad ng mga parol at mga artifacts.
Ang mga artifacts ay maaring matagpuan sa Betis, Pampanga. Ang mga
kapampangan doon ay kilala sa galing nilang pagukit ng mga furniture na
gawa sa mga kahoy tulad ng lamesa, pinto, at upuan. Ang mga
nagbibidahang parol naman ay matatagpuan dito sa San Fernando,
Pampanga. Ang mga Kapampanga doon ay kilala sa pagiging malikhain.
Gumagawa sila ng iba't-ibang hugis, disenyo, at kulay ng mga parol sa mga
okasyon tulad ng Pasko.2
MGA TAMPOK NA PAGKAIN NG PAMPANGA
Kilala rin ang mga Kapampangan bilang isa sa mga magagaling magluto.
Pinaka una sa listahan ng putaheng kanilang pinagmamalaki ay ang sisig, ito
ay isang sikat na pagkain sa Pampanga. Ito ay maaaring maging
pangunahing putahe o appetizer. Ito ay inimbento ng isang babaeng
Kapampangan na nagngangalang Lucia Cunanan, o mas kilala bilang Aling
Lucing "the sisig queen." . Ang sisig ay gawa sa mga hiniwang karne ng
baboy at atay ng manok. Pangalawa ay ang Tibok-tibok ito ay isa sa mga
specialty ng Kapampangan. Isa itong kalamay na gawa na gatas ng kalabaw.
Tinawag itong tibok-tibok dahil kapag luto na ang tibok-tibok, mayroong
tunog ito na nahahalintulad sa tibok ng puso. Pangatlo ay ang Halo-halo ng
Razon, ito ay halo-halong gawa sa minatamis na saba, macapuno, gatas,
leche flan at yelo. Hindi na kailangan ng asukal dahil tama na raw ang mga
minatamis na sahog para mapasarap ito nang husto. Ang halo-halong ito ay
simple lamang ngunit pinapanatili nito ang mga matatamis na ngiti ng bawat
tao.3
2

http://byahenasapampanga.weebly.com/sining-at-kultura.html

http://byahenasapampanga.weebly.com/mga-pagkain.html

MGA SIKAT NA PASYALAN SA PAMPANGA


Matagal nang sikat ang bayan ng Pampanga dahil sa mga nakatatakam
na mga putahe dito, ngunit hindi lamang pagkain ang masarap dito sapagkat
simula ng pumutok ang bulking Pinatubo, tila inagos narin lahat ng mga
Amerikano at nagsimula nang magsimula ng mga negosyo ang mga tao rito
na hindi umaasa sa mga Amerikano. Ilang mga sikat na pasyalang maaaring
puntahan sa Pampanga ay matatagpuan sa loob ng Clark tulad ng: Nayong
Pilipino, Hot Air Balloon na ginaganap taun-taon, piknikan, at kung mahilig ka
sa sugal, meron ding Casino na matatagpuan sa loob ng Clark. Siyempre,
meron ding mga mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.
Matatagpuan sa Pampanga ang ilang mga sinaunang gusali na itinayo
nuong panahon pa ng mga Kastila. Isa sa mga ito ay ang Mansyon ng mga
Pamintuan kung saan nagsilbi itong Palasyo ng Pangulong Aguinaldo nang
gawing sentro ng Pamahalaan ang lungsod ng Angeles. Ang iba pang mga
lumang gusali ay ang Bale Herencia na noong pang 1860, Camalig na noon
pang 1840, Bahay nina Don Angel Panteleon de Miranda na noon pang 1824,
at ang isa mga pinakamatandang simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang
Simbahan ng Santo Rosario na ginawa mula nuong 1877 hanggang 1896.
Mayroon ding museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga
lumang larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa
Pampanga at iba pang mga eksibit

tungkol sa kasaysayan ng Angeles.

Ngunit ang Museo ay hindi kilala ng pamahalaan bilang national historical


sites sa

Pampanga. Tampok ngayon sa isang parke sa Pampanga ang

tinaguriang Biggest Ferris Wheel in The Country na umaabot sa taas na 200


na talampakan. Matatagpuan ito sa Sky Ranch.
Ang lalawigan ng Pampanga ay itinuturing bilang Culinary Capital of The
Philippines Ngunit hindi lamang pagkain ang maaaring puntahan dito,
sapagkat dinarayo din ng ibat-ibang tao, pati na sa ibang bansa ang mga
ibat-ibang pagdiriwang dito.

Isa na rito ang pinaka dinarayo, ang Philippine International Balloon


Festival. Ginaganap ito tuwing ika-10 hanggang 13 nang Abril, sa Lubao
Pampanga. Ibat-ibang makukulay na hugis ng lobo ang tampok rito. Mahigit
500 na tao ang dumarating dito taon-taon, hindi lamang taga Pilipinas kundi
pati taga ibang bansa ay dinarayo ito

MGA PAGDIRIWANG SA PAMPANGA


Ang pista ng Nuestra Seora del Santisimo Rosario de La Naval de
Angeles ay isa sa pinakaenggrandeng piyesta sa Pampanga. Ginaganap ito
sa Holy Rosary Parish Church, isa rin itong lumang simbahan sa Pampanga.
Tuwing sasapit ang ikalawang linggo ng Oktubre, libulibong deboto ang
dumarayo dito, tila ba isang dagat ng tao ang makikita tuwing maglalakad
na ang prusisyon
Ngunit hindi papatalo ang Tigtigan Terakan Keng Dalan kung bilang ng
tao ang paguusapan. Sapagkat nito lamang taon mahigit 70,000 katao ang
dumalo. Ginaganap ito tuwing ika-huling biyernes at sabado ng Oktubre.
Ginaganap ito sa malawak

na

kalye sa Balibago.

Dito masaya

at

mapayapang nag-iinuman, nag-sasayawan, at nag-kakantahan, ang mga tao.


Mayroon ding nagaganap na live band ang ibat-ibang artista dito.
Iniilawanng mga taga SanFernando ang mga naglalakihang parol tuwing
darating ang Pasko. Ang mga parol na ito ay umaabot hangang 20 feet o
higit pa. Ginaganap din dito ang paligsahan ng mga parol na tinatawag na
Ligligan Parul, nakaka-aliw Makita ang kumukutikutap na mga ilaw sa saliw
ng isang

pamaskong musika. Tinagurian ding Christmas Capital of The

Philippines ang San Fernando, Pampanga.


Isang eksena ang tampok sa Santa Cruzan sa ibat ibang partikular na
lugar.

Habang

nag-puprusisyon,

haharapin

ng

Goydo,

isang

hindi

kristiyanong kabalyero, si Reyna Elena at ang kanyang mga kasamahan, at


4

http://byahenasapampanga.weebly.com/mga-pasyalan.html

pipigilan niya ang mga ito sa paghahanap sa krus. Sa dulo ng eksena


nagging kristiyano din ang Goydo.
Kakaibang pagtitipon naman ang ipagdiriwang tuwing ika biyernes-santo
sa Cutud, Pampanga. Tinatawag itong Maleldo o San Pedro Cutud Lenten
Rites. Sa mainit, mahalumigmig, at maalikabok na parang sa SanPedro
Cutud, sa labas ng lungsod, higit sa 20 mga kalalakihan at ang paminsanminsang mga babae ay literal na ipinapako sa krus sa isang pansamantalang
Calvary sa isang kakila-kilabot na re-enactment ng pag-ibig at pag-kamatay
Ni Hesukristo sa krus.5
KONKLUSYON
Maganda ang lugar ng Pampanga, ibat ibang uri ng bagay na pwedeng
ipagmalaki lalo na sa pagluluto. Madaming lugar na maksaysayan na tiyak
na pupuntahan ng maraming tao. May maipagmamalaki ang Kapampangan
sa ibat ibang larang (pagluluto, musika, sining, at iba pa) Ito ay may
magandang halimbawa ng ibat ibang kultura at simbolo na pwede maikabit
sa buhay ng tao ( Mga paniniwala ng Kapampangan). Kayat ano pang
hinihintay? Punta na sa Pampanga at tiyak na kayo ay sasaya at mabubusog
sa inyong pagbisita.

http://byahenasapampanga.weebly.com/mga-pagdiriwang.html