You are on page 1of 7

EDUKASYON

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang
bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga
at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na
salinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging
produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa
pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para
makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at
matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang
edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral
mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw ang pamanang kailanman ay hindi
mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman.
Prayoridad sa sektor ng edukasyon ang susi sa ating kaunlaran!Maraming beses na natin itong
narinig. Ilang mga dakilang tao na rin ang paulit-ulit na sinasabi ito. Ilang pag-aaral na rin ang
nagpapatunay na malaking bagay ang sapat at dekalidad na edukasyon ng mga mamamayan
para sa kaunlaran ng isang bansa.
Ngunit sa ating bansa, sa matagal na panahon ay napabayaan ng ating pamahalaan ang
mahalagang sektor na ito ng ating lipunan. Sa kawalan ng magandang plano sa sektor ng
edukasyon, maging ang mga college graduates natin ngayon ay hindi na nakakahanap ng trabaho.
Sa pag-aaral ng Labor Force Survey ng National Statistics Office, lumalabas na kahit nakatapos sa
kolehiyo, 18% ng mga walang trabaho sa Pilipinas ay mga college graduates. Pangatlo ang mga
college graduates sa listahan ng mga madalas walang makuhang trabaho mula taong 2006
hanggang 2011.
Hindi na nakakagulat ito dahil marami sa mga kolehiyo sa bansa ay nakakakuha ng zero passing
rates sa mga professional examinations. Sa lahat din ng professional exams sa lahat ng disiplina
sa bansa, lubhang mababa ang average passing rates. Sa datos ng Commission on Higher
Education o CHED, noong 2010 ay 33.91% ang average passing rate at noong 2011 naman ay

tumaas lamang ito sa 35.37% average passing rate. Ibig sabihin, lubhang kakaunti lamang ang
pumapasa sa mga exams dahil na rin sa hindi dekalidad na edukasyon sa maraming bilang ng
mga colleges at universities sa bansa.
Ang isa pang dahilan ng patuloy na mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kawalan ng
mga mahuhusay na guro sa bansa. Kung titingnan ang teacher-pupil ratio ng Pilipinas kumpara sa
mga karating bansa nito, tunay na may problemang kinakaharap ito. Sa datos ng United Nations
Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, noong 2009, sa bawat isang guro sa
Pilipinas ay 39 pupils ang tinuturuan nito o may ratio na 1:39. Samantala, ang teacher-pupil ratio
sa bansang Malaysia ay 1:13 lamang; Thailand ay 1:16; Indonesia naman ay 1:17 lamang; at
maging ang bansang Vietnam ay may teacher-pupil ratio lamang na 1:20.
Tulad ng pagkain, tirahan, at trabaho, isang karapatang pantao ang pagkakaroon ng sapat at
dekalidad na edukasyon. Dapat itong pahalagahan dahil bahagi ito ng pangangalaga ng dignidad
ng tao. Ayon sa turo ng Simbahan, ang edukasyon din ang nagbibigay kakayahan sa sinuman na
makilahok sa pagpapatakbo ng lipunan at sa pagsisigurong ang lahat ay nakikinabang sa mga
bunga ng pag-unlad. Ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay
lamang ng napakalaking pagkukulang sa pangangalaga at pagtataguyod ng karapatang ito.
Panahon na samakatuwid na iangat ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Kailangang matukoy
ng pamahalaan ang napakahalagang kontribusyon ng mga paaralan sa kaunlaran ng ating bansa.
Kailangan ang tunay, mabilis at epektibong reporma para sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng
sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay
ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang
katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga
bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa

kanilang mga inaasam na mga mithiin.


Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan.
Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng
bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng
kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang
magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging
kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat
ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas


Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay
K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi
na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbang sa
pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay
magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring
mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport
at iba pang pagpipilian.
Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas
na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic

Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong
paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.
Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa
lamang ay masyadong siksikan sa mga silid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na
rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Ganito ang
sitwasyon sa Metro Manila.
Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga
estudyante na maraming oras ang ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang
sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabot tuwing
umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang
dinaranas nila para lang makapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob
ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki rin
ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadong
guro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taontaon rin ay naglilimbag ng aklat pero kinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa
ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.
Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan
lang ang problema sa edukasyon ng bansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang
programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna unahin ang
mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga
kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon.
Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.
Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral
upang tumaas lang ang kalidad ng edukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa
eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipino ang dapat na
matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng
edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang
pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. May mga nananalo pa ngang
estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.
Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan
kaya nito ang mga drop out? Kung sa ngayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay
paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga
pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na
baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din
ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school

lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap
makahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.
Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas.
Halimbawa nito ay ang malawakang pagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar.
Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw na pasakit sa pagpasok
sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan
ng paggawa ng mga educational channel na panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa
aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibong paraan ang naghihintay na linangin
para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.
Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema
at walang malinaw na direksyon at hindi napapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado
ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magiging dagdag pa pala sa
suliranin.

Sanaysay Tungkol sa Wika


Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging
sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan,
ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis
ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isat isa? Sa bawat isang
tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang
krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng
mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o
mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at
panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang
displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang
intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng
sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan
at komunikasyon.
Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdririwang mo ba ang
iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mg tanong na di mawari sa aking isipan.
Bilan isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng
isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang
kahalagahan ng mga baya-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay
nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang
lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng
Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang
isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay
ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling
wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa
isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa
atin na ang desison kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay daahil tayo lamang mga
Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin
natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.
Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Siya ang nangunang maghubog ng Wikang
Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dit sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog,
at iba pa. Maram tayong iba't-ibang wika dahl sa archepilagong hugis ng ating bansa . layu-layo ang mga lugar at
isla na bumubuo nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at
agtalaga n aing sariling Wika dahil maraming hindii desidido at hindi sang-ayon nito. Hanggang nakapagdesisyon n
ang madla na nnag magiging Wikan Pambansa ay ang Wikang Filipino.
Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong
nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabo ang Wikang Filipino. Maraming mga
gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba't-ibang patimpalak isa isa na rito anng tula, paggawa ng
sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang io maas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahhalagahan ng Wikang
Filipino. Hiindii lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagami natin ang ating
wika bawat segundo. minuto at araw sa ating buhay.
Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles a ang
pangunahing linggwahi nna mmas ginnagamit nga karamihan kait saan man sila maggpunta sa mundo. Pero parra
sa akin at sa mg atong mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang
napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad an

ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan. Mas
pinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika kasa sa ibang wika kait ganito napapaunllad pparin nila ang
kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bbansa sa pinakamaunlad na bansa sa buoong mundo.
Sabi pa nga g ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa
malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso,
hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang
maipagmamalaki.
Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang
Filipino.
Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng
wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at
nakikigamit lang ng wikang banyaga.
by: CHRISTIAN IGLESIA