You are on page 1of 5

Desiderio, Emmanuel L.

BSME V-1
Mga Tulang Nilikha ni Jose Rizal
Sa aking mga Kabata

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala.


Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Ang Una kong Salamisim


Bakit kaya sumisingaw
sa bulaklak na sisidlan
ang lahat ng kabanguhan,
ngayong mayrong pagdiriwang?

Anot ngayon sa silangay


tanaw ko ang kagandahan,
lalo niyang bagong araw,
na ang nooy kumikinang?

At bakit sa kagubatay
may matimyas na awitang
kawangis ng katamisan,
kay Filomena lang utang?

Pagkat ngayoy kaarawan


ng ina kong mapagmahal,
kaya naman mayrong alay
ang ibon at bulaklakan.

Bakit kaya sa damuhan,


ay kasabay ng amihang
tila mandin may lambingang
sa sangay nagluluksuhan?

At ang batis na maingay,


sa araw mong matagumpay,
ay para ring magdarasal
na masaya kang mabuhay.

At ang batis na malinaw,


ay may dalang alingawngaw,
na sa hangiy sumasabay,
sa bulaklakan ang daan?

At sa ingay ng batisan
ang awit ko ay pakinggan,
na laud ko ang kabagay,
simbuyo ng pagmamahal

Isang alaala ng aking Bayan


Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang
pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito'y naglalagos sa 'king katauhan
lalong sumisigla't nagbabagong buhay
Kung aking masdan ang liryong busilak
animo'y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.
Naalaala kong may kasamang lumbay
ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko'y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya't kaaliwan
Di miminsang tumikim ng galak
sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa 'yong mga gubat

sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat


ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.
Ang kagubatan mong kahanga-hanga
Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa'y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.
Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito'y masagana ang saya ko't aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan ko'y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.
Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat
ako'y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.

Matalik na pagtutulungan ng Relihiyon at Edukasyon

Katulad ng dapong sanay na umakyat


nang paliku-liko sa punomg mataaas,
yamang sila kapway magandang pamalas
niyong kabukiran at lupaing patag
saka lumalaking laging magkayakap;
kung ang punoy namay kulangin ng habag,
at ang dapong iyoy mawalan ng liyag,
ay makikita ng dahoy nalalagas;

ang Edukasyon may katulong na tapat


niyong Relihiyong kkanyang kaakibat:
nang dahil sa kanya, Edukasyoy bansag
at ay! niyong taong magtakwil na bulag
sa relihiyong banal na may aral-pantas
sa linis ng daloy, lumalayot sukat.
Saka kung ang puno ng ubas na mahal,
ay nagpapatuloy sa paglaking tunay,
gayundin ang kumpol ng bungang pang-alay
na lubhang matamis na matuturingan,
at sampu ng tinik niyang matuturan
ginagawaran din ang pagkaing bagay:
gayon din ang agos na lubhang malinaw,

na may makalangit na handog sa buhay


niyong Edukasyong ganap at matibay,
na akay ng kanyang maningning na ilaw;
nang dahil sa kanyay mabango ang singaw,
at ang mga bangay masarap sa namnam.
Kung walang relihiyon, edukasyong iyay
Parang isang bangkang hangin ang kalaban,
Na walang pang-ugit na sa digmay taglay
Sa gayong kaugong na simbuyot tampal
Ng galit na hanging boreas ang ngalang
Siyang bumabakang buong kabangisan
Hanggang mailubog ng kapalaluan
Sa pusod ng galit ng sangkaragatan.
Kung hamog ng langit ang sa kapatagay
Nagbibigay-buhay,
Tagsibol na dahil sa kanyay mainam,
Ang mga bulaklak ay naglilitawan,
At pinaririlag ang gilid ng daan;
Iyang edukasyon ay gayon din naman,
Na pinalulusog sa mabuting aral
Ng isang Relihiyon na sumusubaybay,
Na ang tinutungoy madlang kabutihan
Sa kanyang paglakad na lubhang marangal;
At dahil sa butiy bulaklak ang bigay
na may halimuyak ng bango saan man

Dahil sa Karununga'y Nagkaroon ng Kinang ang Bayan


Karunungang pantas ay sigla ng buhay,
Na sa atiy galling ang ibinibigay,
Siyang naggagawad sa sariling bayan
Ng walang paglipas na mga tagumpay,
At katulad pa rin ng hanging mahinay,
Nagpapasariwa sa kabulaklakan,
Gayon din ang dulot niyong karunungan
Na nagpapayabong sa sangkatauhan.

Dahilan sa kanyay nagpapakasakit


Ang tao pati na ng pananahimik,
Dahilan sa kanyay nanasnaw na pilit
Ang sining at agham na kaakit-akit,
Na siyang sa taoy nagbibigay-dikit,
Bukal sa bundukin na lubhang malinis,
Gayon din ang dunong: nanunuyong tikis
Sa baying payapat ligtas sa ligalig.

Doon sa ang tronoy ginawa ng dunong,


Bagong kabataay sadyang umuusbong,
Mga kamaliay kanyang natutunton,
At dangal ng diwa, ang pinayayabong;
Ang liig ng bisyoy kanyang napuputol;
Salay namumutla kung nasasalubong;
Sinusupil nya ang bansang ulupong,
At hangal mang tao ay kanyang inaampon.
At gaya ng bukal, na kung dumidilig
Sa mga halamat bukid sa paligid,
Ay inihahandog nang buong pag-ibig
Sa lahat ang kanyang malamig na tubig,
Sa mga pasigat kanugnog na bukid,
Sa kalikasan may hindi nagkakait;
Gayon din ang taong sa dunong mahilig,
Sa lalong mataas na dangal nananhik.
Sa kaniyang labiy daloy na malinis
Ng bait at dunong ang namamalisbis,
Ang aral ng kanyang buong pananalig
Ay nagpapalayo sa masamang hilig,
Na nangababasag sa pampang pagsapit,
Katulad ng alon pag humahagupit,
Itoy uliran ng taong may isip,
Na ang tinutungoy landasin ng langit.
Sa dibdib ng taong kapus-kapalaray
Siyang nagbibigay ng kaliwanagan;
Siyang gumagapos sa salarin namat
Sa iba ay aliw ang iniaalay,
Kung ang buti niyay siyang pinapakay

At sa kanyang dibdib ang butiy may


tanglaw;
At ang karunungan ay lubhang marangal,
Na siyang pabangong tiyak na sa buhay.
Katulad ng isang kabatuhang lantad,
Sa gitna ng alon na lubhang marahas,
Pag-angil ng bagyo na napakalakas,
Ay dinudusta lang kung pinagmamalas,
Na kapag napagod sa unang paghampas,
Ay umuurong nat takot na aalpas;
Gayundin angh dunong na siyang may
hawak
Ng sa bayan natiy pamitik sa lakad.
Sa batong sapiro niyayaring sadya,
Pinapupurihan ang lupaing mutya;
Sapagkat sa dibdib ng anak napunla
Ang halamang ang iyong bulaklak ay diwa
At sa pag-ibig ding laging nasisiray
Mamamasdan niyong nangamamahala
Sa bayang marangal na tapat sa tuwa,
Kabihasnay siyang inaalagata.
Tinulad sa umagang waring ginintuang
Ginto rin ang buhos ng bukang liwayway,
Tulad ng umagang gintot pulang kulay,
Ang isinasabog na lubhang makinang;
Ganyan din ang handog niyang karunungang
May hiyas na hain sa nangabubuhay,
At siyang sa ating bayang minamahal
Ay nagbibigay ng pagka-walang hanggan.