You are on page 1of 6

Wika o Diyalekto

Oriental Mindoro
Tagalog ang pangunahing wika ng taga-Oriental Mindoro. Sumunod ang Ilokano at
Cebuano. Kabilang sa mga wika ng etnikong pangkat na Mangyan ang Arayan, Alagnan,
Buhid, Hunuo, at Tadyawan. Ingles ang ginagamit na wika sa edukasyon sa Oriental
Mindoro. BATAGNON- Dulong Katimugan ng Mindoro ALANGAN- Hilagang Sentral ng
Mindoro ,HANONOO- Katimugang Oriental Mindoro(Hanunoo) , TADYAWAN(Pula, Tadianan,
Balaban)- Sentral Mindoro, TAWBUID(Bangon, Batangan, Tabuid, Piron, Suri, Barangan,
Binatangan)-Sentral Mindoro.

Occidental Mindoro
Tagalog ang pangunahing wika ng 60.78 porsiyento ng mga taga-Occidental Mindoro.
Sumusunod ang Ilokano at Kinaraya. Ang mga naghahanapbuhay ay nakauunawa at
nakababasa ng Filipino at Ingles. BUHID -Katimugang Mindoro ,IRAYA -Kahilagaang Mindoro

Marinduque
Ang Tagalog sa pulo'ng Marinduque ay nagpapakita ng pagsasama ng mga wikain
sa Kabisayaan at kabikulan.Dahil dito, Karamihan sa mga tunay na Tagalog ay hindi
makaunawa sa maraming pangungusap ng mga taong taga Marinduque.Masasabing di
tunay na tagalog ang salita sa marinduque kundi isang wikain o dialekto na may
nakalalamang na mga salitang tagalog.

Romblon
Romblomanon, Asi, at Onhan ang tatlong pangunahing wika ng mga taga-Romblon. Ang
Hiligaynon, Tagalog, at Ingles ay ginagamit din depende sa pangangailangan.
BANTUANON- Banton, Simara, Banton,Odionganon, at mga pulo ng Tablas,
Romblon,Sibalenhon sa pagitan ng Masbate at Mindoro
Romblomanon-Romblon at mga pulo ng Sibuyan, bahagi ng pulo ng Tablas.

Palawan

Palawan Batak, CUYONON- Baybaying dagat ng Palawan, mga(Cuyono, Cuyunon, Cuyo,


pulo ng Cuyo a pagitan ng PalawanKuyunon) at Panay MOLBOG Pulo ng Balabas,
Katimugang

Palawan
PALAWANO, Brooke's Point Timog Silangang Palawan, Sentral at kasama ang Timog
Kanlurang
(Quezon Palawano, Palawanen) Palawano, Katimugang Palawan mula sa Canipaan
hanggang Canduaga
TAGBANWA-Palawan kasama ng Lamane, Pulo ng Colon, Hilahang Palawan at Busuanga:
Baras, Silangang baybay-dagat ng Palawan katapant ng Pulo ng Dumaras

Pagdiriwang o Tradisyon
Kabilang sa mga pagdiriwang o tradisyon ng mga probinsiya ng MiMaRoPa ay ang mga
sumusunod:
Simbang Gabi, Noche Buena tuwing Pasko, ang Media Noche at ang pagpapautok o
pagsisindi ng Fireworks o pag-iingay pagsapit ng Bagong-Taon, ang pagdiriwang ng Linggo
ng palaspas,ang Istasyon ng Krus, pagbabasa ng Pasyon, Bisita Iglesia at iba pang gawain
kapag Semana Santa, ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay, ang Undas kung saan
nagpupunta ng mga tao sa sementeryo upang dalawin ang mga mahal sa buhay na
namayapa na.Kasama na dito ang mga tradisyon sa mga kaganapan sa buhay tulad ng
kapanganakan, binyag, kasalan at pagkamatay.
Ipinagdiriwang din an mga kapistahan sa ibat-ibang probinsiya ng MiMaRoPa.Ang pista ay
kainan, inuman, mga palabas, paligsahan, palaro at paseyo ng mga banda sa musiko.May
nobvena at rosary sa loob ng siyam na araw. Sa ika-siyam na araw ng kapistahan,
nagpapasalamat sila sa nakaraang taon at humihingi ng isa pang mabuting taon at
masaganang ani. Ilan sa mga kilalalang kapistahan ay ang mga sumusunod:

Oriental Mindoro

Banana Festival, March 18-19; Baco, Mindoro Oriental


Feast of St. John The Baptist / Lechon Festival, June 24; Pola, Oriental Mindoro
Biniray Festival, June 29; Bulalacao, Oriental Mindoro

Feast of the Immaculate Conception, December 8; Puerto Galera, Oriental Mindoro


Feast of Sto. Nino January 01,Calapan City

Occidental Mindoro

Dugoy Festival,January 27,Sablayan, Occidental Mindoro


Indak Padurukan Festival, April 28, San Jose, Occidental Mindoro
Karakol Festival,October 12, Mamburao, Occidental Mindoro
Tamaraw Festival,The whole month of October, Province wide, Occidental Mindoro
Apo Iraya Festival (October 23 - Abra de Ilog, Occidental Mindoro

Marinduque
Feast of the Three Kings, 1st Sunday of January (January 8) , Poblacion, Gasan, Marinduque
Feast of the Holy Cross ,May 3 , Sta. Cruz, Marinduque
Feast of Our Lady of Biglang Awa, May 10 , Boac, Marinduque
Apo Iraya Festival (October 23 - Abra de Ilog, Occidental Mindoro

Romblon

Biniray Festival,January 14 ,Romblon, Romblon


Kalipayan Festival,April 28 to 29 ,San Agustin, Romblon

Palawan

Pista ng Kalikasan,June 19, Provincewide, Palawan


Kaniyogn Festival,June 28, Brookes Point,

Iba pang Pagdiriwang o mga Festivals sa MiMaRoPa Region


Pandang-gitab Festival- (Festival of lights) ang opisyal na festival ng Oriental Mindoro na
ginaganap
Moriones Festival ang tawag sa pagdiriwang sa Marinduque . Ito ay isinasagawa tuwing
mahal na araw .Ang Morion ay nangangahulugang maskarasa parte ng amor ng Romano
na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal .Ang Moriones ay ang mga taong
nakasuot ng maskara at nakagayak na nagmamartsa paikot sa bayan sa loob ng pitong
araw.Nagsisimula ito tuwing Lunes Santo at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.
Maraming mga Fiesta, festivals at mga tradisyon ang makikita sa mga probinsiya ng MiMaRopa, ang
mga nakatala sa Itaas ay ilan lamang.

AWIT, SAYAW
Oriental Mindoro
Martsang Mindoreo- ang opisyal na Provincial Hymn ng lalawigan sa bisa ng Sangguniang
Panlalawigan (SP) Provincial Ordinance No. 18-2011. Ang awiting inakda ni Gng. Amparo G.

Briones, sa saliw ng musika ni G. Oscar Nicasio at inawit ni G. Tagumpay Rivera, ay may


orihinal na titulong Marsta ng Mindoro at naglalarawan sa mahahalagang aspekto ng
lalawigan at lahat ng mga naninirahan dito.
Mazurka Mindorea- Ang sayaw na ito ay isa sa makabagong sayaw na tradisyonal sa
pagsayaw ng ballroom. Nagsimula ito panahon pa ng ika-16 na siglo sa panahon ng
Espanyol na sa lalawigan ng Mindoro.Si Don Antonio Luna ang itinuturing na
pinakamagaling sa pagsasayaw ng Mazurka sa kanyang kapanahunan. Siya din ang
nagpalaganap ng sayaw na ito sa kapuluan ng Mindoro.
Ang Hardinero- isang folk song sa Mindoro.
Ambahan-tulang-awit ng katutubong mga Mangyan.Layon ng ambahan na ilahad sa
patulang-paawit at patalinghagang paraan ang nais sabihin o ihayag ng gagamit. Kapag
ang isang Mangyan ay may naisip na ambahan, ito ay isinusulat paukit sa isang kawayan na
tinatawag nilang luka.

OCCIDENTAL MINDORO
Occidental Mindoro March- ang opisyal na himno ng probinsiya.

MARINDUQUE
Marinduque March- ang himno sa Marinduque
Ang Putong (kilala din sa tawag na tubong) ay isang naiibang tradisyon ng mga
Marinduqueo upang magbigay pugay at pagkilala sa kanilang mga bisita. Ito rin ay isang
pasasalamat mula sa mga biyayang kanilang nakamtan at panalangin na rin upang siya ay
gabayan at lubos na pagpalain. Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa mamumutong, isang
grupo ng mga bababe at lalaki na umaawit at sumasayaw para sa mga
pinaparangalan. Habang umaawit at sumasayaw ang mga mamumutong ay lalapit sa
pinaparangalan, at magsasabog ng mga bulaklak at barya . Isang korona at kumpol ng
bulaklak ang iaalay nila dito. Sa katapusan ng pagdiriwang ang mga mamumutong ay
sisigaw ang VIVA o Mabuhay.

ROMBLON
Sulong Romblon-Romblon official hymn

PALAWAN
Palawan Hymn-opisyal na himno ng Palawan.
Kulial Song(bird Song)-Kilala din bilang Kulilal. Ito ay nagmula mismo sa probinsiya ng
Palawan.Ginaganap ito sa taas ng bundok na may kasamang ritwal. Ang ilan sa mga
tanyag na Kulial song ng Palawan ay Tarinting, Karingking, Layang Pasyak, Ploning.

Ulit(Shamanic Chant)- Epiko ng sinaunang tao sa Palawan.Ang Shaman ang kumakanta


na naglalahad ng mahirap na karanasan ng paglalayag ng kanyang kaluluwa o
kuruduwa, sa pamamagitan ng isang tiyak na chant, ang lumbaga, na kung saan may
melody at lahat ng mga punto assimilableto sa isang epic melodic line. At ito ay may
na ordeals na ang kaluluwa ng shaman ay natalo niya sa kanyang paglalayag at
nakatagpo ang Evil Doers, na si Lnggam o Sqitan.ang mga talakayan ay nakikibahagi
sa mga Invisible-being. Ito ang bumubuo sa shamanic chant.
TULTUL(Epic chant)- Tultul (Epic chant)-Isand Epikong pagkanta. Ang pagkanta ng tultul ay
upang ma-possessed ng isang Tw Tultultuln. Ang mga "Epic Heroes" ay isang uri ng
sangkatauhan na nakatira sa pagitan ng mga tao sa daigdig na ito at mpuq. Ang mga ito
and pumuprotekta sa tinatawag nilang "Real Men." Ang chanting gumagamit ng ng tao na
tinatawag nilang Bard na nagiging isang medium. Epics chanted ay ginagawa sa gabi, na
nagtatapos sa madaling-araw; ipinagbabawal ang pagkanta sa araw sapagkat iniuugnay
ane epiko sa isand sagradong mundo.
Sayaw Sa Cuyo, Palawan ay isang masurka danced sa pamamagitan ng walong mga batang
babae na iwinawagayway ang maliit na pinong panyo sa accent ng turns at twirls. Ang mga
maliliit na papel na korona ay isinusuot ng mananayaw na parang batang Prinsesa. Ang
sayaw ay nagmula sa Cuyo, Palawan.
Ang nakatala sa itaas ay mga awit at sayaw sa bawat probinsiya ng Rehiyong MiMaRoPa
maisasama pa natin ang mga sayaw at awit sa mga festivals sa rehiyon tulad ng Pandanggitab at Kalap Festival at iba pa.May mga awit at sayaw din mga indigenous people tulad
ng Mangyan,(Igway na isang kanta at ang Marayaw- isang Spirit song ng Iraya, Manyan
sa pakikipag-ugnayan nila sa mga kaluluwa kapag may ritual para sa paggaling ng maysakit
o pagiging listas ng kanilang komunidad.)

Pamahiin o Paniniwala
Karamihan sa mga pamahiin at paniniwala ng Rehiyong MiMaropa ay katulad din sa ibang
probinsiya. Sapagkat majority ay tagalog ang naninirahan sa rehiyong ito.Narito ang ilan sa
mga pamahiin at paniniwala:
Animismo-Ang animismo ay isang katutubong paniniwala na laganap sa ibat-ibang bahagi
ngmundo. Ang isa sa mga katangian ng animismo ay ang paniniwalang may mgamabuti at
masasamang ispirito at nilalang na nanatili sa mundo na dapat igalang o dili naman kayay
sambahin. Ang animismo ay laganap sa Pilipinas noong pahanong bago dumating ang
mgaKastila. Ang tawag nila sa pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si Bathala,habang
ang iba namang mga ispirito ay mga diwata at anito. Ito ay kaugnay din sa pagsamba
sa kalikasan, sapagkat pinaniniwalaang ang mga anito ay nakatira samga puno, bato,
hayop at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran.Mga Kilalang DiyosMaliban
kay Bathala, may iba pang mga sinasabi ang mga animista ng sinaunangpanahon. ang
pagsamba sa mga ispirito ay magdudulot ng magagandangbunga, tulad ng mas maunlad
na pananim at magandang panahon. Kinakailangannilang gumawa ng mga bagay, katulad
ng pag-alay sa mga ispirito, upang mapabutiang kalooban ng mga ispirito sa kanila. Ang
mga masasamang ispirito naman, ayon sa kanila, ay dapat iwasan o di kayay bigyan din ng

mga alay, upang hindi sila magdulot ng mga panganib at sakuna.Mga Tagapanguna sa
Pagsamba Ang mga taong nangunguna sa mga ritwal ng animismo ay tinatawag na mga
babaylan at catalonan. Sila ang nangunguna ng mga ritwal ng pangungusap sa
mgaispirito. Karaniwang gumagamit sila ng mga awit at sayaw upang simulan ang ritwa
paniniwala pa rin ang mga Pilipino na masasabing nag-uugat sa mga
paniniwalanganimismo. Halimbawa, laganap pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino
samasasamang ispiritong tulad ng aswang at barang na nagdudulot ng panganib. Angmga
paniniwala sa mga duwende, nuno sa punso at mga diwata ay masasabing ugat din ng
animismo.
Ag paniniwalang ito ay makikita sa mga indigenous tribe na nakatira sa rehiyon
tulad ng Mangyan sa Mindoro, Batak sa Cuyo, at Tagbanua sa Palawan.Ang ilan
ay paniniwala din natin.
Madalas na Paniniwala o pamahiin:
Sa Kusina:
Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon ito ay simbolo ng kamalasan.
Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal simbolo ng kaswertehan.
Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
Iba pang pamahiin:
Bawal maggupit ng kuko sa gabi upang hindi malasin .
Friday the 13th mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang
ang kanyang damit sa lupa)

You might also like