You are on page 1of 2

PAKSA: Libreng Pagbibigay ng Department of Health sa Condom sa Mga Magaaral ng Senior High School

HINDI CONDOM ANG SOLUSYON
Sa pagpasok ng taong 2000, tila malaki na nga ang mga pagbabagong
mapapansin lalo na sa mga kabataan. Umusbong na ang mga isyu ukol sa
teen pregnancy, same sex marriage, at pagkakaroon ng LGBT Community.
Isa sa mga pinakamalaking isyu na ninanais masolusyunan ng Department of
Health(DOH) ay ang pagkalat ng mga sakit na HIV at AIDS. Ang HIV o Human
Immunodeficiency Virus ay isang sakit na mula sa pakikipagtalik kung saan
ang isang tao ay nagkakaroon ng multiple sex partners. Ito ay maaring
makapagdulot ng impeksyon sa immune system ng isang tao na magiging
sanhi ng pagkawala ng lakas ng katawan na lumaban sa mga sakit o ang ang
at ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome. Ayon sa pananaliksik,
lumalabas na 30% sa mga kalalakihan ang nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki
at 60-70% naman ang nakikipagtalik na mga babaeng sexworkers. Upang
masolusyunan

ito,

nagsumite

ng

isang

plano

ang

DOH

kung

saan

mamimigay sila ng libreng condom sa mga mag-aaral Senior High School
upang maiwasan ang pagpapasa ng mga sakit tulad ng AIDS at HIV.
Kaugnay nito ang pag-implementa ng sex education sa curriculum ng mga
paaralang may Senior High School na siya namang tinututulan ng maraming
mamamayan.
Isa sa mga pinakamatinding tumututol sa plano ng DOH na magbigay
ng libreng condom at pag-iimplementa ng sex education ay ang Simbahang
Katolika dahil naniniwala sila na ito ay labag sa kalooban ng Diyos at ito ay
immoral at makasalanan. Ito rin ay mapanganib sa kabataan dahil itinuturo
nitong isabuhay ang kalayaang magbubunga ng ibayong kapusukan at
maling pagpapahalaga. Ang pagbibigay ng libreng condom sa mga
estudyante ay para na ring pagtuturo sa kanila ng kapusukan at maling
gawain na makapagdudulot ng maagang pagbubuntis na siyang inaasahang
tumaas pa sa pagsapit ng taong 2050.

Sa halip na pagtuunan ng pansin ang sex education ay mas bigyan ng pansin ang iba pang problemang kinakaharap ng ating bansa.com Encarta Dictionaries . Mga Sanguunian Abante-tonite.Hindi dapat aprubahan ang plano nilang pamimigay ng condom sa mga senior high school sapagkat ito ay magtuturo ng maling kaisipan at Sistema sa mga susunod na henerasyon. Hindi solusyon ang pamimigay ng libreng condom sa mga kabataan. kundi tanging disiplina at tamang edukasyon ang kailangan.