You are on page 1of 2

ANG MGA PUNONG UMIIYAK

Noong unang panahon, sa lalawigan ng Cotabato, may isang
lugar na may napakaraming mga puno. Tinawag itong Lupain ng mga
Puno. Ang mga puno dito ay masaya at matiwasay na namumuhay
na parang iisang pamilya.
Si Lolo Puno ang pinakamatanda at tumatayong pinaka-ama ng
mga puno. Ilang libong taon na siyang nabubuhay. Mahal na mahal
siya at mataas ang paggalang sa kanya ng lahat ng mga puno-nina
Tatay Puno, Nanay Puno at mga maliliit na puno.
Isang araw habang naglalaro ang mga maliliit na puno, nakakita
sila ng isang lalaking may makapal na bigote. Siya’y dahan-dahang
naglalakad. Lumuluwa ang kanyang mga mata habang tumitingin sa
mga puno. Pinag-aaralan niya ang laki at hugis ng lahat ng mga
puno. “Hmmm! Ang gaganda at anlalaki ng mga punong ito. Sabi ng
lalaki. Nagtataka ang lahat ng maliliit na puno.
Huwag kayong mag-alala, sabi ni Lolo Puno, Dumadalaw lang
yan, aalis din yan agad.
Pagkaraan ng ilang araw, biglang humahangos na nagtatakbo at
nagsisigaw ang isang maliit na puno. Lolo Puno, Lolo Puno! Sigaw
nito, Ang lalaki po ay nagbalik! Napakarami napo nila! May hawak po
silang isang mahabang bagay na kulay pilak! Kumikinang pa po ang
dulo nito! Ano po kaya iyon? Ibibigay po ba nila sa atin yon?
Makakatulong ba yon sa aming mabilis na paglaki?
Pagkakita sa mga kalalakihan, si Lolo Puno ay nanginig sa
takot. Makinig kayong lahat! Makinig kayo! Tayo ay nasa panganib.
Tayo ay puputulin ng mga taong ito. Matutumba tayong lahat.
Mawawala tayong lahat! Natakot ang lahat ng mga puno.
Ako ang magbibigay ng proteksiyon sa inyo lalo na sa mga
malilit na puno. Ako ang magsisilbing kalasag upang hindi kayo
magalaw. Kapag narinig ninyo akong bumagsak sa lupa, alalahanin
ninyo ako sa pamamagitan ng pagiging matapang at pagpapanatili ng
pag-asa sa inyong mga puso.
Ang lahat ng mga puno ay tumakbo habang tinakpan ni
LoloPuno ang pintuan ng lupain ng mga puno. Narinig sa buong
lupain ng mga puno ang malakas na sigaw ni Lolo Puno nang ilang
araw mula umaga hanggang gabi. Ahhhhh, nasasaktan ako!

Araw-araw. wala nang ginawa ang mga puno kundi umiyak nang umiyak. Simula noon. Hindi na sila nagbibiruan at nagkakatuwaan. Para itong malakas na kulog sabay sa paglindol at pagyanig ng lupa. Lahat sila ay tahimik na umiiyak habang inaalala ang kabaitan ni LoloPuno. Hanggang isang araw. Ngayon ang mga punong ito ay tinatawag na mga puno ng goma. Ang lahat ng mga puno ay nalungkot. Sila ay nalungkot sa pagkawala ni Lolo Puno. . hindi na makapaglaro ang maliliit na puno. narinig nila ang isang malakas na lagabog na parang may bumagsak sa lupa. Hanggang ngayon ay makikita sa lalawigan ng Cotabato ang mga punong umiiyak. Alam nilang wala na ang kanilang pinakamamahal na Lolo Puno.