Pilipinas

Republika ng Pilipinas Republic of the Philippines Bansag: Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, at Makabansa[1] Watawat Sagisag Pambansang awit: Lupang Hinirang Kabisera Maynila 14°35′N 121°0′E / 14.583, 121 Pinakamalaking lungsod Lungsod Quezon Opisyal na wika Filipino, Ingles Recognised regional languages Bikol, Hiligaynon, Iloko, Kapampangan, Panggasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray-Waray Kusang-loob at opsyonal na mga wikaEspanyol, at Arabo Pambansang wika Filipino Pangalang-turing| Pilipino, Pinoy Pamahalaan Unitaryong pampanguluhang republika Pagsasarili mula sa Espanya mula sa Estados Unido - Itinatag Abril 27, 1565 - Idineklara Hunyo 12, 1898 - Pansariling pamahalaan Marso 24, 1934 - Kinikilala Hulyo 4, 1946 - Kasalukuyang saligang batas Pebrero 2, 1987 Lawak - Kabuuan 300,000 km2 [3](72nd) 115,831 sq mi - Tubig (%) 0.61%[3] Populasyon taya sa 2009 92,226,600[4][5] (Ika-12) - 2007 census 88,574,614 [6] - Densidad 295/km2 (Ika-44)

Espanyol, at Arabo ay kinikilala bilang katulong wika sa Saligang-Batas ng Pilipinas. Ranggo sa itaas ay kinuha mula sa mga kaugnay na mga pahina sa Wikipedia bilang ng Disyembre, 2007, at maaaring batay sa data o data sources maliban sa mga lumalabas dito.

Ang Pilipinas na may opisyal na taguring Republika ng Pilipinas ay isang bansa sa timogsilangang Asya at ang Maynila ang tumatayong kabisera nito. Binubuo ito ng mga pulo' na may kabuuang bilang na 7,107 na matatagpuan sa kanlurang Karagatang Pasipiko. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamataong bansa, na may 92 milyong katao. Ang pambansang ekonomiya ng bansa ay ang ika - 47 na pinakamalaki sa mundo, na may tinatayang $ 168.6 bilyong pisong kinikita na pangkalahatang produktong domestiko (nominyal) ng taong 2008. May 11 milyong balikbayan sa mundo, na katumbas ng 11% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Ang pera na ginagamit sa Pilipinas ay ang Peso (PHP). Sa makalumang panahon ang Pilipinas ay naging tirahan para sa mga Awstronesyo na may mga impluwensya mula ng mga kultura ng mga Malayo, Hindu at Islam. Sa paraan ng pangangalakal naman ipinakilala ng mga Tsino ang kanilang Kultura. Ang pagdating ni Ferdinand Magellan ay naging simula ng pagkakaroon ng interes ng España. Ang Pilipinas ay naging sentro ng Manila-Acapulco Galleon trade sa Asya. Ang Kristyanismo ay nagkalat sa buong kapuluan noong panahon ng kolonisasyon ng mga Kastilla at ang Pilipinas ay naging isa sa dalawang bansa (bukod sa East Timor) sa Asya na laganap ang Katolisismo. Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo ay naging tagumpay ang Rebolusyon ng Pilipinas, Digmaan ng Amerika at España at ang Digmaan ng Pilipinas at Amerika. Pagkatapos ng Digmaan ng Amerika at España, ang Amerika ay pinalitan ang España sa Kapangyarihan sa buong Kapuluan. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas ay naging malaya mula sa mga Haponese habang naka-upo ang Amerika. Ang Amerika ay dineklara na ang Ingles ay maging wika sa pagtuturo sa lahat ng mga paaralan at pinakilala ang Sistema ng pagka-pangulo. Nakilala rin ang Pilipinas sa Rebolusyong EDSA ng 1986 sa pagalis ni Ferdinand Marcos sa pagka-pangulo.

Mga nilalaman

• • • • •

• • • • • •

6 Ekonomiya 7 Demograpiko o 7.1 Etnisidad 8 Kultura o 8.1 Midya o 8.2 Musika 9 Mga sanggunian 10 Tingnan din 11 Mga panlabas na kawing o 11.1 Mga pahinang opisyal o 11.2 Kasaysayan o 11.3 Ibang pang mga pahina

1 Pangalang Pilipinas 2 Kasaysayan 3 Pulitika o 3.1 Pambansang pamahalaan o 3.2 Ugnayang panlabas 4 Mga rehiyon at lalawigan o 4.1 Mga Rehiyon 5 Heograpiya o 5.1 Flora at Fauna o 5.2 Klima

Pangalang Pilipinas Ang pangalang Pilipinas ay mula sa pangalan ni Haring Felipe II ng Espanya. Pinangalanan ng Kastilang manlalakbay na si Ruy López de Villalobos noong paglalakbay-dagat niya noong 1542 ang mga pulo ng Leyte at Samar na Felipinas mula sa pangalang ng prinsipe pa lang noon Asturias, Espanya. Lumaon ang pangalang Las Islas Filipinas ay ginamit upang ipangalan sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, may mga iba nang pangalang ginamit gaya ng Islas del Poniente (Kapuluan sa Kanluran) at ang pinangalan ni Magallanes sa kapuluan, ang San Lazaro, ay ginamit din ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan. Ma-yi naman ang tawag ng mga Tsino sa kapuluang ito. Ang opisyal na pangalan ng Pilipinas ay nabago ng maraming ulit sa pagdaan ng kasaysayan. Noong panahon ng Himagsikang Pilipino, opisyal na tinawag ang bansa na República Filipina o ang Unang Republika ng Pilipinas. Noong panahon ng Digmaang Espanyol-Amerikano at ng Digmaang Pilipino-Amerikano at hanggang noong panahon ng Komonwelt, tinawag ng kinauukulang ng Amerikanong kolonyal ang kapuluan bilang Philippine Islands, ang salin ng Kastilang pangalan nito sa Ingles. Noong panahon ng mga Amerikano nagsimulang lumabas ang salitang Philippines at naging pangkaraniwang salin ng pangalang Pilipinas. Ang opisyal na pangalan ng bansa ngayon ay Republika ng Pilipinas. Kasaysayan Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Pilipinas Ayon sa mga naitalang kusilba ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga isla. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang milenyo, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga migrante mula sa Tangway Malayo, kapuluan ng Indonesia,mga taga Indotsina at Taiwan. Nanirahan sa bansa noong ika-walong siglo ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa rehiyon ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na kompetisyon at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng komersyo at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sa rehiyon; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan) noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga isla ng Pilipinas noon.

Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kay Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga grupong katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulangan ng reporma. Pinamahalaan mula sa Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong teritoryo at nagsimula ang kalakalan sa Galeon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 siglo o dantaon. Itinatag ni Gobernador José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, "Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Nueva España. Nagbukas ang ekonomiya ng bansa sa mundo noong ika-19 siglo. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, samasamang sila sumigaw para sa kalayaan. Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan [na ngayo'y Luneta] dahil sa mga akto umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898. Noong taong ding yon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang KastilaAmerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-deklara na ng kalayaan ang Pilipinas. Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Sa wakas, ipinagkaloob noong 1946 ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pagkatapos ng huling pagkatalo ng bansang Hapon noong 1945. Ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa sibilyan dulot ng diktadurang Ferdinand Marcos na napatalsik noong 1986, at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at separatistang Moro. Noong 1983, binaril si Benigno Aquino Jr. at hinihinalang si dating pangulong Marcos ang nag-utos ng pagpapapatay sa kanya. Isa ito sa mga nagdulot ng pagsimula ng People Power. Noong 1986 naghimagsik ang mga Pilipino ng mapayapa na tinaguriang People Power o EDSA Revolution. Mapayapang bumababa si Pangulong Marcos sa pagkapangulo at napalitan ni Corazon Aquino at tinakwil ang pamilyang Marcos sa kapuluan ng Haway. Makalipas ang tatlong taon, namatay si Marcos habang takwil sa Haway. Noong natapos ang termino ni Corazon Aquino, pinalitan siya ni Fidel V. Ramos na nagtakda ng Pilipinas 2000 na nagtatakda sa inaasahang pagyaman ng Pilipinas sa mga susunod na taon. Siya ay napalitan ni Joseph Ejercito o mas kilalang Joseph Ejercito, isang artista sa mga pelikulang Pilipino. Noong 2001, napalitan siya ni Gloria Arroyo at bumaba sa pwesto dahil sa EDSA Dos. Ang pumalit na si Gloria Arroyo ay anak ni dating Pangulong Diodado Macapagal, ay agarang sumunod sa pwestong iniwan ni Estrada. Si Pangulong Arroyo ay bumalik muli sa pwesto matapos makakuha ng mataas na mga boto sa halalan. Ngunit ito'y nagkaroon ng kontrobersiya ng maqilantad ang Hello Garci tape na nagpababa ng kanyang tanggap sa mga Pilipino, naghingi si Pangulong Arroyo ng paumanhin sa mga Pilipino ukol sa pangyayari. Hindi siya bumaba ng pwesto dahil 'di natuloy ang mga kaso. Siya'y tumakbo muli sa halalan sa pagka-kongresista sa lalawigan ng Pampanga.

Noong halalan ng 2010, naganap ang kauna-unahang halalang awtomado sa kasaysayan ng Pilipinas. Kumandidato ang anak ni dating Pangulong Corazon Aquino na si Benigno Aquino III o mas kilala bilang 'Noynoy' at si Mar Roxas bilang ikalawang pangulo na apo ni dating pangulong Manuel Roxas. Pulitika * Ang Palasyo ng Malacañang, ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas. * Pambansang pamahalaan Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang namamahala ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa Gabinete. Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga miyembro ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular. Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na Senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 na taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang Senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino. Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababa sa 250 Kinatawan. Ang sangay Panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Katataastaasang Hukuman, ang Punong Mahistrado (chief justice) ang lider nito at may 14 na Kasamang Mahistrado(associate justices), lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro. Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampulitika na kung tawagin ay impeachment. Ugnayang panlabas Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pangekonomiya sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation), isang kasapi ng Pangkat ng 24 (Group of 24) at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa United Nations (UN; Nagkaisang mga Bansa) noong Oktubre 24,1945. Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa ang tunay na may-ari ng Spratly/Kalayaan Islands na mayaman sa langis at petrolyo natural. Ito rin ay may di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing binigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu, pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sulu ng pera para sa "renta" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia. Tingnan ang mga kasulat. Silipin din:

• •

Ugnayang Panlabas ng Pilipinas Saligang Batas ng Pilipinas

Mga rehiyon at lalawigan Pangunahing artikulo: Mga Rehiyon at Lalawigan ng Pilipinas Ang Pilipinas ay nahahati sa mga pangkat ng pamahalaang lokal (local government units o LGU). Ang mga lalawigan o probinsya ang prinsipal ng pangkat. Hanggang 2002, mayroong 79 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nahahati sa lungsod (lungsod) at bayan (munisipalidad), na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat lokal ng pamahalaan. Ang lahat ng mga probinsya ay nalulupon sa 17 rehiyon para sa kadaliang administratibo. Karamihan sa mga ahensya ng pamahalaan ay nagtatayo ng opisinang rehiyonal para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga rehiyon sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang lokal, maliban sa Muslim Mindanao at Cordillera, na autonomous. Tumungo sa mga artikulo ng mga rehiyon at mga lalawigan para makita ang mas malaking mapa ng mga lokasyon ng mga rehiyon at lalawigan. Mga Rehiyon Rehiyon Rehiyon ng Ilocos Lambak ng Cagayan Gitnang Luzon CALABARZON MIMAROPA Rehiyon ng Bikol Kanlurang Visayas Gitnang Visayas Silangang Visayas Zamboanga Peninsula Hilagang Mindanao Rehiyon ng Davao SOCCKSARGEN Caraga Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao Pambansang Punong Rehiyon Paghirang Sentrong pang-rehiyon Rehiyon I Rehiyon II Rehiyon III San Fernando, La Union Tuguegarao, Cagayan San Fernando, Pampanga

Rehiyon IVCalamba, Laguna A Rehiyon IVCalapan, Oriental Mindoro B Rehiyon V Legazpi, Albay Rehiyon VI Lungsod ng Iloilo Rehiyon VII Lungsod ng Cebu Rehiyon VIII Tacloban, Leyte Rehiyon IX Rehiyon X Pagadian, Zamboanga del Sur Lungsod ng Cagayan de Oro Koronadal, Timog Cotabato

Rehiyon XI Lungsod ng Davao Rehiyon XII

Rehiyon XIII Butuan, Agusan del Norte ARMM Lungsod ng Cotabato Baguio, Benguet Maynila

Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera CAR NCR

¹ Ang mga pangalan ay nasa malalaking titik sapagkat ang mga ito ay akronym na naglalaman ng mga pangalan ng sinasakupang lalawigan at/o lungsod. (silipin Akronym sa Pilipinas). Heograpiya Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng 7,107 mga pulo na may kabuuang sukat, kasama ang mga nakapaloob na katubigan. ay tinatayang nasa 300,000 kilometro parisukat (116,000 milya parisukat). Ang 36,289 kilometrong (22,549 milya) baybayin nito ang naging dahilan upang ang Pilipinas ang maging ika-5 bansang may mahabang baybayin sa buong

mundo.[2][19] Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 116° 40', at 126° 34' S. longhitud at 4° 40' at 21° 10' H. latitud at naghahanggan sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Celebes sa timog. Ang pulo ng Borneo, ay matatagpuan ilang daan kilometro timog-kanluran at ang Taiwan ay matatagpuan diretso sa hilaga. Ang Mollucas at Sulawesi ay matatagpuan sa timog timog-kanluran at ang Palau ay matatagpuan sa silangan ng kapuluan.[2]
*

Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang pagtatanim ng pabaitang upang magtanim ng mga ani sa matarik na bulubunduking bahagi ng hilagang Pilipinas. * Flora at Fauna * Ang Haribon ay isang uri ng ibon na matatagpuan sa mga kagubatan ng kapuluan. *

Ang kagubatan ng Pilipinas at ang malawak na baybayin nito ang nagdulot upang ito ay gawing tahanan ng malawak na uri ng mga ibon, halaman, hayop at mga nilalang dagat.[20] Ito ang isa sa sampung bansang may pinakamaraming uri ng nilalang biolohikal at isa sa may pinakamataas na antas ng biodibersidad bawat yunit ng lugar.[21][22][23] Nasa tinatayang 1,100 uri ng lupang hayop na may gulugod ang matatagpuan sa Pilipinas kasama ang 100 uri ng mga mamalya at 170 uri ng mga ibon na hindi matatagpuan sa ibang bansa.[24] Klima Ang lokal na klima ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalamitang taunang temperatura ay nasa 26.5° Sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula Marso hanggang Mayo), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula Hunyo hanggang Nobyembre), at ang Taglamig (malamig na panahon mula Disyembre hanggang Pebrero). Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga islang ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang Bundok Apo sa Mindanao na may taas na 2,954 m. Maraming aktibong bulkan sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon. Ang bansa din ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo bawat taon. Ang Pilipinas ay napapaloob rin sa tinatawag na Ring of Fire na isa sa pinaka-aktibong fault areas sa buong mundo. Ekonomiya Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang gobyerno na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asya. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 65% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar. Ang stratehiyang pinaiiral ng gobyerno ay ang pagpapabuti sa imprastruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis para paigtingin ang kita ng gobyerno, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pag-kalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakadepende sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng gobyerno.

Etnisidad Pangunahing lathalain: Mga pangkat etniko sa Pilipinas Ayon sa senso noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay mga Tagalog, 13.1% ay mga Cebuano, 9% ay mga Ilokano, 7.6% ay mga Bisaya/Binisaya, 7.5% ay mga Hiligaynon Ilonggo, 6% Bikolano, 3.4% ay mga Waray, at 25.3 ay inuring iba pa.[3][35] Ang pangkahalatang pamuhatan na ito ay maaari pang hatiin sa mas natatanging hindi panliping pangkat gaya ng mga Moro, ang mga Kapampangan, mga Pangasinense, ang mga Ibanag, at ang mga Ivatan.[36] Mayroon ding mga katututong pangkat gaya ng mga Igorot, ang mga Lumad, mga Mangyan, Badjao at ang mga Pangkat Etniko ng Palawan[37] Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta at mga Ati, ay kinikilalang mga taal na nananahan ng kapuluan. Kabilang sa mga Wikang Banyaga sa Pilipinas ay ang ; Ingles; Tsino (Mandarin, Hokyen at Kantones) sa mga myembro ng komunidad Tsino at Tsino-Pilipino, sa kanilang Bayan-Tsino o Chinatown at may kasama mula sa Ingles; Hapones; Hindu at Koreano ay mula sa mga miyembro ng Komunidad ng mga Hapones, Indyan, mga Amerikano at mga Koreano, ay mula sa kanilang Lugar ng Hapon o Japantown, Munting-Hapon o LittleJapan, Munting-Indya o LittleIndia, Bayan-Koreano o Koreatown, Bayan-Kano o Americantown at mga Munting-Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang bilingwal na Mandarin/English; Arabe sa mga myembro ng populasyong Muslim o Moro; at Espanyol, na wikang opisyal ng Pilipinas hanggang 1973 at ngayon ay ginagamit ng mababa sa 0.01% ng populasyon (2,658 tagapagsalita, Senso ng 1990). Gayunpaman, ang tanging nabubuhay na wikang kriolyong Asyatiko-Espanyol, ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa. Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang pag-gamit ng opisyal na pambansang wika, ang Filipino,de facto na batay sa Tagalog. Tinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng populasyon bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang wikang opisyal at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, edukasyon at negosyo.

Kultura Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, wala ni isang tanging pambansang identitad pangkultura ang nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga dialekto nito. Ang pagkakabukodbukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa identidad. Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga misyonerong Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng bilingguwal na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbulo , pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang sekular (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-rehiyon para sa mga analfabetong mayoriya (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa alpabetong Romano ng mga prinsipal na wika at kumalat. Sa karagdagan, ang literatura o panitikang klasikal (Jose Rizal,aira,mikaela Pedro Paterno at mga dokumento ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay naisulat sa Espanyol, na hindi na opisyal na wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946. Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng isla ng Mactan ang unang pumigil sa agresyong kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, sinaulo ang 22 mga wika: Arabe, Katalan,

Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong diyalekto; siya ay naging isang arkitekto, artista, negosyante, karikaturista, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, historiador, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, musikero, mitolohista, nasyonalista, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikologo, syentipiko, manlililok, sosyolohista, at teolohiko. Ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) ay isang Pilipino - si Carlos Peña Romulo. Itinuturing na Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Sites) ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana dito ang Intramuros ngunit nawasak ito ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Site) ang "Hagdang-hagdang Palayan" o Pay-yo ng Cordillera, na kinikilala ring pang-walong nakakahangang-yaman ng mundo. Musika Pangunahing lathalain: Musika ng Pilipinas Ang musika ng mga Pilipino ay maraming aspekto tulad ng Rock, ang pinakamalagong uri ng musika sa Pilipinas, Pop, ang pausbong palang na uri ng musika, at musikang tradisyunal, na ngayo'y madalang ng mapakinggan, ang musikang Soul, aktibo ngunit di lubusang malago at ang mga pa-Ballad na mga kanta na matagal na aktibo, at ang Bossa Nova na aktibo at lumalago na sa mukha ng Musikang Pilipino. Ang tradisyunal o nakaugaliang musika ng Pilipinas ay nagpapakita ng mga inpluwensiyang Malay at kasapi ang mga iba't-ibang mga instrumentong musikal gaya ng kulintang, gandiangan at iba pa. Ang mga bandang Cueshe, Bamboo, Parokya ni Edgar ay ilan lamang sa mga bandang maunlad sa uring Rock sa Pilipinas. Si Jose Mari Chan ang may pinakamadaming nabentang album sa kasaysayan ng musika ng Pilipinas sa album na Christmas in Our Hearts. Si Nora Aunor ay isa sa mga sikat na kumakanta ng Ballad sa Pilipinas. Si Sitti ay ang pinakasikat na kumakanta ng uring Bossa Nova sa mukha ng musika sa Pilipinas. Ang uring Pop, na tinaguriang P-Pop ay nagsimula pa lamang noong maagang-2010, ilan sa mga ito ay mga bandang lalaki at mga pangkat-babae, tulad ng XLR8 at Pop Girls. Lubusan ding laganap ang K-Pop na kumalat noong mga gitnang-2009 sa mukha ng musika ng Pilipinas.