You are on page 1of 4

MGA TUNTUNIN SA ISPELING SA WIKANG FILIPINO Ang abakadang Filipino: A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y (20 na mga titik) Mga titik na idinagdag sa abakadang Filipino

: C, F, J, , Q, V, X, Z (8) Tatlong serye ng forum upang talakayin ang suliraning idinulot ng mga bagong titik  Agosto 13, 2005  Marso 2, 2006  Abril 21, 2006 NCCA ± National Commission for Culture and the Arts KWF ± Komisyon ng Wikang Filipino SWF ± Sentro ng Wikang Filipino 1. Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita 1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong Hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso: 1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Victoria, Galicia, Washington Circle, Shinjuko, Czech, National Basketball Association, Halili Beer, Ma Mon Luk. Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide, Chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glumate, varicose, x-ray.

1.1.2

1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa, bolshoi, feng shui, geisha, gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz, mardi gras, pizza. 1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag binaybay sa Filipino. Halimbawa, ³jeywoking´ (jaywalking), ³rendevu´ (rendevous), ³ispid´ (speed), ³ordev´ (hors d¶euvre), ³feris wil´ (ferris wheel), ³pastits´ (pastiche), ³montadz´ (montage), ³tsokoleyt keyk´ (chocolate cake). 1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita. Halimbawa, box, cat, coke,duty-free, exit, faux pas, fax, fike, jai

alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky, x-rated. 1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles, piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt (gate), istandardiseysiyon (standardization), layt (light).

1.3 Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang baybay. Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-oil, i-salvage, mag-emailhan. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, dumelit,hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl. 2. Hinggil sa mga Bagong Titik 2.1 Gamitin ang mga titik F, J,V, at Z sa mga bagong hiram na salita at Binaybay sa Filipino. Halimbwa, forum, futbol (mula sa Espanyol),jet, javelin, visa, varayti, zipper, zigzag. 2.1.1 Gamitin din ang mga titik F,J,V, at Z sa mga salita mulang Katutubong wika ng Filipinas na may ganitong mga tunog. Halimbawa, Ifugaw, Ivatan, laji, vihud, zakat. 2.1.2 Hindi na kailangang gamitin ang mga titik F,J,V, at Z sa mga hiram na salita na matagal nang binaybay alinsunod sa 20 titik ng abakada. Halimbawa, alpabeto (alfabeto), bapor (vapor), dyaket (jacket), dyambol (jump ball), dyanitor (janitor), dyip (jeep), dyunyor (junior), opisyal (official), piyansa (fianza), pondo (fondo), pormal (formal), sapatos (zapatos), sapiro (zafiro), sarsuwela (zarzuela). Mahalagang patnubay sa pormalisasyon ng mga lumang hiram na salita at binaybay sa abakada ang mga diksiyonaryo nina Jose Panganiban at Vicassan. 2.1.3 Hindi rin kailangang gamitin ang mga titik F,J,V at Z sa bagong hiram na salita kung derabatibo o nagmula lamang ito sa isang salita na matagal nang hiniram. Halimbawa, rebisyon (revision) dahil mula lamang ito sa matagal nang hiram na bisyon, pormalismo (formalismo) na mula na lamang sa porma/pormal. 2.2 Gamitin lamang ang J sa mga bagong hiram na salita na may orihinal na tunog (djey) at titik J. Halimbawa, jam, jar, judo, juniper, jazz, jinggel (jingle), jornal (journal), jakpat (jackpot), hayjak (hijack).

2.2.1 Hindi ito ginagamit sa mga hiram mulang Espanyol na may titik J ngunit tunog H. Halimbawa, hardin (jardin), hawla (jaula), hepe (jefe), heringgilya (jeringuilla), hustisya (justicia), inhinyero (ingeniero). 2.2.2 Hindi rin ito ginagamit sa mga hiram mulang Ingles na may titik G ngunit tunog J. Sa halip, gamitin ang DY alinsunod sa paraang abakada noon kapag may ganitong kaso. Halimbawa, adyenda (agenda), badyet (budget), dyenereytor (generator), dyin (gin), madyik (magic), mardyin (margin). Kung nag-aalinlangan sa ganitong pagbaybay, isang solusyon ang paggamit ng katumbas na salita mulang Espanyol. Halimbawa, gamitin ang heneral (mula sa Espanyol na general) para sa ³Heneral Garcia´ sa halip na baybaying dyeneral (ang Ingles na general); gamitin ang Espanyol na heneriko (generico) sa halip na pa ±Ingles na dyinerik (generic), gamitin ang Espanyol na heograpiya (georafia) o heolohiya (geologia) sa halip na pa-Ingles na dyiyografi (geography) o dyiyolodyi (geology). 2.3 Gamitin ang C,Q, Ñ, at X samga saltiang hiram na hindi binabago ang baybay. Halimbawa, cable, cinema, El Niño, exit, mañana, ñina, bonita, quarter, quartz, queen, status quo,tax, taxi, techno, telex, xray. 2.3.1 Ang C ay nagiging S o K , alinsunod sa bigkas nito sa salita, kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, kontrol (control), kontemporari(contemporary), korni (corny), korona (corona), korporal (corporal), kudeta (coup d¶etat), asido (acido), saykel (cycle), sigarilyo (cigarillo), silinder (cylinder), siniko (cinico), sipres (cypress), sirko (circo), siyudad (ciudad). 2.3.2 Ang Q ay nagiging KW (KUW) o K, alinsunod sa bigkas nito sa salita, kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, eskema (esquema), keso (queso), kerida (querida), kilo (quilo), kimika (quimica), kinse (quince), kinta (quinta), kinteto (quinteto), kwintuplet (quintuplet), iskuwad (squad), iskuwirel (squirrel). 2.3.3 Ang X ay nagiging KS kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, boksing (mula sa Espanyol na boxear), ekspedisyon (expedicion), eksperimento (experimento), eksperyensiya (experiencia), express (express), ekstra (extra), leksikograpiya (lexicograpia), mikser (mixer), taksonomiya (taxonomia), teksbuk (textbuk), teksto (texto), seks (sex), seksuwal (sexual).

3. Hinggil sa Pagpapalit ng U sa O at I sa E 3.1 Panatilihin ang titik O sa pagbaybay ng salitang hiram. Halimbawa: komedya (comedia) sa halip na "kumedya," kompanya (compania) sa halip na "kumpanya," kongreso (congreso) sa halip na kungreso," kontrobersiya (controversia) sa halip na "kuntrobersya," koryente (corriente) sa halip na "kuryente," Miyerkoles (Miercoles) sa halip na "Myerkules," nasyonal (nacional) sa halip na "nasyunal," opisyal (official) sa halip na "upisyal," politika (politica) sa halip na "pulitika," tradisyonal (tradicional) sa halip na "tradisyunal." 3.1.1 Nagiging U lamang ang O kapag napalitan din ang kasunod nitong katinig,gaya sa kaso ng N na nagiging M, bilang pagsunod sa palabigkasang Filipino. Halimbawa, kumbensiyon (convencion), kumbento (convento), kumbersasyon (conversacion), kumbersiyon (conversion), kumbida (convidar), kumbiksiyon (conviccion), kumbinsi (convencer), kumboy (convoy), kumbulsiyon (convulsion), kumperensiya (conferencia), kumpirmasyon (confirmacion), kumpisal (confesar), kumpiyansa (confianza), kumporme (conforme). 3.1.2 Panatilihin ang E sa pagbaybay ng salitang hiram. Halimbawa, desgrasya (desgracia) sa halip na "disgrasya," deskarga (descarga) sa halip na "diskarga," eskandalo (escandalo) sa halip na "iskandalo," estandardisasyon (estandardizacion) sa halip na "istandardisasyon," estasyon (estacion) sa halip na "istasyon," estorbo sa halip na "istorbo," estrikto (estricto) sa halip na "istrikto," estropa (estrofa) sa halip na "istropa," estruktura (estructura) sa halip na "istruktura." Tandaan lamang na totoong I at hindi E ang nasa sumusunod na salitang hiram: diskriminasyon (discriminacion), disgusto, disidente, disimulado, dispensa, disposisyon (disposicion), distribusyon (distribucion), isleta, iskiyerda (isquierda). 4. Hinggil sa mga Katinig na inuulit 4.1 Tanggalin ang isa sa dobleng katinig kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa: buletin (bulletin, at iba sa boletin ng Espanyol), enrolment (enrollment), gramar (grammar), patern (pattern).

Sanggunian: Dr. Galileo Zafra Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP Diliman Ang Mga Proyekto sa Estandardisasyon ng Wikang Filipino: Tuon sa Ispeling Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino Mayo 20, 2008