You are on page 1of 2

ANG HUWARANG EMPLEYADO

ni: Sweet Lapuz


(Employee sa isang design firm sa Mandaluyong. Malayang tulad ng ibon, malawak na tulad ng panahon.
)
Late ng dumating sa opisina,
Itong huwarang empleyada,
Inuna muna ang tsika,
Sa katabi niyang kasama.

Pagkatapos ng tsismis
Tungkol sa showbiz,
Nagpulbos ng manipis
Sa mukhang malangis.

Pitong beses inulit-ulit


Ang paghalik ng lipistik,
Pitong ulit iginuhit
Ang kilay na malantik.

Alas diyes na impunto


Nang matapos magpolbo
Ng powder sa noo,
Break time na ng empleyado.

Nagpa-charming na inaya
Ang kasamang empleyada,
Nagteka-teka muna
Sa pagmemeryenda.

Naghudyat ang alas onse,


Saka pa lang inubos ang kape,
Habang daldal sa pagsasabi
Ng mga tsismis sa tabi.

Nang bumalik sa opisina,


Itinuloy ang istorya,
Ng kung sinong artista
Na bakla palang rumarampa.

Alas dose na nang matapos


Habang nagkapaos-paos,
Lunch naman ang idinaos
Kasabay ng kaniyang boss.

Nakaidlip sa kabusugan,
Ang mesa ay tinulugan,
Alas-dos ang nagisnan
Na panahon sa orasan.

Nagpahid lang ng laway,


At saka uli naglagay
Ng pinturang makulay
Sa mukhang hindi tunay.

Three oclock habit


Nang computer ay ikabit,
Nagkonek sa internet:
Para Facebook ay ma-update.

Alas kuwatro kuwarentay singko,


Nang biglang pumasok sa ulo
Na mayroon palang trabaho
Na dapat na maareglo.

Aba, teka nga pala,


Alas singko na, iha!
Kailan mo na magagawa
Ang trabahong nakapila?

Heto ngat katapusan na ng buwan


Sweldo na pala ng empleyadang huwaran
Akalain mo nga naman,
Nakaraos nang paganun-ganun lang!

Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:

Isang pasalaysay na tula na naglalarawan ng isang pangyayari sa buhay ng isang empleyado. Ang tula ay may
tugma ngunit walang sukat na taludtod at katangian

You might also like