You are on page 1of 7

Isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo7,

1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa at natapos ito


hanggang 1945.
Dahilan ng Digmaan
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng
Alemanya noong 1918. Naniwala ang mga Aleman na sila ay
hindi makatarungang sinisi sa digmaan. Sila ay ginamit
pambayad ng pera sa Britanya at Pransya na nagwagi sa
digmaan.

Ang mga Hapones ay tumulong talunin angAmerika.


Naramdaman nila na karapatan nilangmagpalawak ng
kapangyarihan sa Asya.Ngunit pinigilan silang Pinag-isang
Kaharian at EstadosUnidos.
Pagsikat ng mga Diktador
Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga
suliranin ng Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga
pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular ang
bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito
Mussolini sa ilalim ng Batas Militar

Digmaan sa Europa

Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanya ng Nazi ang mga bahagi


ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar sa Tseka.
Nakipagsunduan rin siya kay Joseph Stalin para magtulungan
at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop
ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong
Setyembre 1,1939, nagdeklara ng digmaan ang Britanya at
Pransya. Ang uri ng digmaang ito ay tinawag na blitzkrieg o
digmaang kidlat dahil sa bilis nito. Ang Dinamarka, Noruwega,
Belhika, Olanda, at Pransya ay bumagsak sa kamay ng
blitzkrieg.

Nanatiling malaya ang Britanya. Gusto ni Hitler na wasakin


muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin
ang bansa. Noong Agosto 12, 1940, binomba ng Alemanya ang
katimugang baybayinng Inglatera. Pinagsamasama ni Punong
Ministro Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban.
Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensyon,ang
radar, na ginamit para malaman kung may hukbong
panghimpapawid papunta sa bansa. Di nasakop ngGermany
ang Britanya.

Noong Hunyo, 1941, tinapos na ni Hitler ang pananakop sa


Britanya para simulan ang pananakop sa Unyong Sobyet. Ayon
sa mga historiko, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni
Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa mga German at
makontrol ang kayamanan ng rehiyon.Gusto rin niyang
pabagsakin ang komunismo at talunin ang
pinakamakapangyarihang karibal na si Joseph Stalin.

Umaabot sa tatlong milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler


sa Rusya.Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng
Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang
namatay sa kamay ng mga Germans. Nagkasundo ang Unyong
Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan.

Noong Hunyo 6, 1944, ang paglumunsad ng mga sundalong


Amerikano, Briton at Kanadyano ay nagsimula ng pagsalakay
sa Normandy, Pransya ay lumaban ng mga sundalong Aleman.
Ang mga puwersang Kakampi sa tulong ng mga sundalong
Pranses sa Normandy ay nagsimula ng pagpapalaya sa
Pransiya, ang operasyon na ito ay itinawag na D-Day o
Operasyong Overlord.

Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa


lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng
Alemanya ng Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay
sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000
sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan
sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8,1945, Ang
pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa
pwersang Kakampi.
Digmaan sa Asya
Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng
pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod ang Malaya
(Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas
at iba pa noong Disyembre 3, 1942. Inutos ni Franklin D.
Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon,
ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban
sa Estados Unidos.

Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila


ngunit hindi ito isinunod ng Hapon atitinuloy pa rin nila ang
pag-atake.Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang
Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.Quezon ay inilikas mula
Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C.,
Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at
Jorge Vargas.

Humirap ang kondisyon ng bansa,malakas na umatake ang


mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito
humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang
Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen.King at Hen.
Wainwright.

Lumakas ang pwersang mga Hapon at nasakop lahat ng mga


lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French Indochina,
Myanmar,Malaya, Dutch East Indies, ata ng Pilipinas.
Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas
MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio
Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos
P.Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral
Richard H.Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos
ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte.

At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan


ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang
ang mga kumilala ng pangkat ng mga gerilya noong 1944
hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones.
Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong
Pebrero 3, hanggang Marso 3,1945 ay nilusob ng
magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na
isinalakayat pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng
kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng
Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong
sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones.

Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki


Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan,
Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon.
Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano
aynaghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang
Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong
1945.

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng


pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong
Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshimaat
Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.