You are on page 1of 4

1/4

OGAYON, JULIENNE CELINE G.


3LM3
FIL 3

UNANG BESES

Isang napakasamang pakiramdam na tuwing naalala ko minsan ay naluluha at

nalulungkot pa din ako. Isang memoryang ayaw ko na ulit mabalikan o maalala, isang

pangyayaring hindi naiwasan at tuwing pumapasok sa aking isip ay tila natutulala at natatahimik.

Nagsimula ang lahat sa mga masayang pangyayari, nagkakilala, naguusap at naglalaan ng

oras para sa isat isa hanggang dumating ang punto na nahuhulog na sa isat isa. Hindi inaasahan

ang lahat ng pangyayari ngunit napakaraming magagandang alaala ang nabuo at mga pangarap

na na-planong abutin magkasama. Isang tao ang nakilala at sa unang beses sa aking matagal na

pananatili sa mundong ito, nakaramdam ako ng matinding emosyon at tila hindi ko naiwasan na

mahulog ng sobra sa isang tao.

Matapos na mas magkaroon ng mga oras upang mas kilalanin ang isat isa, lumalim ang

relasyon at tila naliwanagan ang aking puso at isipan. Tila ako ay umiibig ngunit mayroong isa

din na emosyon pa na nararamdaman. Ito ay takot. Natatakot na baka hindi kami parehas ng

nararamdaman at baka ako lang pala ang mayroong nararamdaman.

Hindi ko alam kung saan patungo at saan hahantong pero sa mga unang araw ay kahit

anong gawin ay masaya. Araw araw akong napapangiti at tila nakakalimutan ko lahat ng aking

mga problema pag siya ang aking kasama.


2/4

Nagpapasalamat sa Diyos gabi-gabi dahil siya ay binigay sa akin. Isang malaking biyaya

ang aking nakuha dahil nagkaroon ng isang tao sa buhay ko na sa kahit anong aspeto ng aking

buhay, tila ay mayroon akong kasama na harapin lahat ng iyon.

Nagdaan ang mga buwan at sa bawat araw na dumadaan at mas lalo akong nagiging

kampante sa kanya at sa kanyang pagmamahal sa akin. Isang napakasaya na pakiramdam nung

nalaman kong mahal din nya ako at isa sa mga hindi ko makakalimutan na sandal ng aking

buhay noong tinanong nya ako kung maari ba nya akong maging nobya. Lahat ay nakaplano ng

maayos at isang napakagandang pakiramdam na mahal ka din ng taong minamahal mo. Umabot

na sa puntong nakilala ang pamilya ng isat isa kaya naman mas naramdaman ko na ang

relasyong ito ay mas nagiging seryoso habang ito ay tumatagal.

Ngunit lahat ng relasyon ay nagkakaroon ng mga problema. Hindi palaging masaya at

aabot sa punto na lalabas lahat ng totoong kulay ng dalawang tao. Umabot sa punto na puro away

na lamang ang nangyayari at nagaaway na lamang para may mapagusapan. Tila hindi na

magkaintindihan at parehas na gustong lumaban sa isat isa.

Ang dating magkakampi ay naging magkaaway dahil lamang sa mga bagay na hindi

naman talaga dapat pang pagawayan pa. Hanggang sa dumating ang punto na pilit naming

iniiwasan ngunit bigla nalang lumitaw ng hindi namin inaasahan. Kahit anong iwas ay dumating

pa rin sa puntong ito. Ito ay ang aming paghihiwalay.

Hindi inaasahan, ngunit nangyari. Hindi ginusto, ngunit napagdesisyonan. Pilit na

pinigilan ngunit hindi naiwasan. Isang pangyayaring nakasira sa aming dalawa. Biglaan at

masakit at tila hindi napagisipan ng mabuti. Isang desisyon na araw-araw kong tinatanong kung

tama ba ng kinalabasan.
3/4

Mahirap, masakit at malungkot, at palaging tinatanong ang sarili kung saan nga ba kami

nagkulang? Bakit nga ba ng tila isang perpektong relasyon nung una bigla nalang nasira ng dahil

lang sa mga bagay na hindi naman importante sa amin? Tama ba na hinayaan na lamang ang

isang relasyon na nabuo at nilaanan ng panahon at pagmamahal na masira lamang ng aming

ugali na ayaw magpatalo?

Sa kasamaang palad, natapos ang lahat nang hindi napagusapan ang nangyari.

Pinabayaan na lamang at hindi na inintindi kahit kailan. Akala noong simula ay madali lamang at

hindi magkakaroon ng problema sa paglimot, ngunit nagkamali ako. Bawat araw na maalala na

wala na ang taong naging parte ng araw-araw, mararamdaman mo ang kirot sa dibdib at bigla na

lamang babalik lahat ng sakit. Napakahirap, napakasakit at ayaw ko nang maramdaman ulit.

Hindi makagawa ng mga bagay ng maayos, nakaapekto na rin sa pag-aaral at sa iba pang

bagay na ginagawa. Napakahirap na parang ang motibasyon sa lahat ng gawain ay nawawala.

Tila pati ako rin ay nawala.

Nung nawala siya, ako ay nawala rin. Hindi na ako ang dating masiyahing ako at parati

na lamang malungkot dahil palaging naalala ang nakaraan kung saan dati ay masaya.

Nakakapagod na araw-araw ay gumigising at pagkatapos ay maalala mo na ang taong minahal

mo ng mahabang panahon ay wala na ngayon sa piling mo.

Ang isang relasyon na akala mo ay walang dulo ay nagkaroon ng pagtatapos. Hindi alam

paano matatanggap at maipapasok sa puso at isipan na wala na, ngunit kailangan. Laging

tinatanong kung maibabalik pa ba at maayos ang lahat para maging katulad ng dati, pero walang

sagot na nakukuha. Nakikipag-debate sa tadhana at kulang nalang ay magmakaawa para

maibalik ang dating masayang mga alaala.


4/4

Napakahirap gumising sa umaga at magpatuloy sa buhay noong nawala siya. Ang taong

tumanggap ng buong pagkatao ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa aking mga

pagkukulang ngunit tanong ng ibang tao sakin ay para saan pa?, bakit ko pa nga naman iisipin

pa ang mga bagay na nagwakas na?

Wala na siya. Masakit at mahirap pero kailangan tanggapin. Ito ang unang beses ko na

magmahal ng lubos at masaktan din ng sobra. Isang pangyayari na kahit kailan ay hindi

maibabaon sa limot. Habambuhay na nakatatak sa puso at isipan ang nangyari pati na rin ang

taong nagdulot ng pakiramdam na ito.