You are on page 1of 12

KABANATA 9

MGA BAGAY-BAGAY NG BAYAN

Hindi nagkakamali si Ibarra: sa kanyang nakitang victoria ay


nakasakay si Padre Damaso at papunta sa bahay na di pa natatagalan
niyang nilisan.
Saan kayo pupunta? ang tanong ng prayle kay Maria Clara at
kay Tia Isabel na pasakay na sa isang karwaheng may mga palamuting
pilak; sa kabila ng mga iniisip ukol sa sarili ay nagawa pa ni Padre
Damaso na tapik-tapikin ang mga pisngi ng binibini.
Sa Beaterio, upang kunin ang aking mga gamit ko doon, ang
sagot ng dalaga.
Ahaaa! Aha! Ang naibulalas na hindi pansin na may kaharap at
sinabi pa na Tingnan natin kung sino ang masusunod sa amin, tingnan
natin na nakatingin sa itaas ng hagdanan na kaniyang tinutungo,
kayat ang dalawang babae ay labis na nagtataka.
Marahil ay may sermong ginagawa at isinasaulo! sabi ni Tia
Isabel. sumakay ka na Maria at gagabihin tayo.
Hindi namin masasabi kung si Padre Damaso ay mayroon o
walang sermon; ngunit malalaking bagay ang marahil ang nasa kanyang
isipan, dahil hindi iniabot ang kamay kay Kapitan Tiyago, na halos
napaluhod upang makahalik. Santiago! ang unang nasabi, mayroon
tayong mahahalagang bagay na pag-uusapan; halika sa iyong opisina.1
Si Kapitan Tiyago ay di-mapalagay, hindi makapagsalita, ngunit
sumunod sa matabang pari na isinara ang
pinto nang sila ay makapasok.
Samantalang lihim silang nag-uusap
ay tuklasin natin ang nangyari kay Pray
Sibyla. Ang maalam2 na Dominicano ay
maagang-maagang umalis sa kumbento ng
Binondo matapos makapagmisa at
nagtungo sa kumbento ng kanyang orden

1MGA PALIWANAG Pansinin ang galit at pambabastos ni Pray Damaso kay


Kapitan Tiago ito ay dahil siya mismo ang nagsabi sa huli na magtungo sa
opisina (bahay iyon ni Kapitan Tiyago). Sa bahaging ito ay ipinapakita ang
pakikitungo ng karaniwang prayle sa isang mayamang Pilipino isipin na
lamang kung papaano pa kung tratuhin nito ang mga mahihirap na Pilipino.

2 Ang mas tamang ingles ay astute na nangangahulugang matalino sa mga


pamamaraan at may malayong pananaw lalo na sa mga bagay o pangyayari
na mayroon siyang pakikinabangan.

112
na nasa pagpasok ng Puerta de Isabel o de Magallanes, alinsunod sa
liping naghahari sa Madrid.3 Umakyat si Pray Sibyla na hindi pinansin
ang masarap na amoy ng sikulate, maging ang tunugan ng mga kahon at
salapi,4 na nanggagaling sa dako ng Procuracion5 bahagya nang sinagot
ang magalang na bati ng procurador; binagtas ang ilang pasilyo at
tumawag sa pamamagitan ng pagkatok, sa
isang pinto.
Tuloy! ang hibik ng isang tinig.
Ibalik nawa ng Diyos sa reverencia ang
kalusugan, ang bati ng batang Dominicano
pagpasok.6
Nakaupo sa isang malaking silya ang
isang matandang paring payat, naninilaw,
katulad ng mga santong ipininta ni Rivera. 7
Ang mga mata ay nakalubog, may makapal na
kilay, na sa dahilang parating magkasalubong
ay nakapagdaragdag ng kinang sa kanyang
naghihingalong mata. Nag-iisip siyang

3 Ang pangalan ng pangunahing pintuan papasok ng Intramuros ay


nagbabago ayon sa angkan ng namumuno ganito pa rin hanggang sa
ngayon, ginagamit ng nanunungkulang pinuno ang kaniyang puwersa para
palitan ang pangalan ng mga pampublikong gusali at inprastruktura para sa
kaluwalhatian ng kanilang mga namayapang magulang.

4 Hindi pinansin ni Pray Sybila ang amoy ng sikulate at ang kalansingan ng


pera dahilan sa mayroon siyang higit na mahalagang bagay na gagawin.
Subalit kung wala, siguradong papansinin niya iyon. Makikiinon siya na
tanda ng katakawan at makiki-usyoso sa pagbibilang ng salapi na maaring
palatandaan ng pagkahilig niya sa pera. Nagagawa lamang ng mga prayle na
masunod ang kanilang panata ng kahirapan dahilan sa lubhang
pangangailangan.

5 Tanggapan ng procurador na nakakaalam sa pananalapi sa mga kumbento.

6 Bakit masyadong concern si Pray Sybila sa kalagayan ng matandang


paring maysakit? Natural sa isang tao na magpakita ng simpatya sa isang
tao na mayroong malubhang karamdaman. Ang ating pagsimpatya ay
nagmumula sa kakayahan na ilagay natin ang ating mga sarili sa kalagayan
ng iba. Bilang kapwa pari, alam ni Padre Sybila ang pinagdaanang buhay ng
matandang pari na maysakit na kaharap niya, (katulad din ng pagkakaroon
ni Padre Sybila ng kaalaman sa pinagdaanan ni Padre Damaso).

7 Rivera pintor na Espanyol na kilala sa mahuhusay niyang pintang

113
minamasdan ni Pray Sibyla na noon ay nakahalukipkip sa ilalim ng
kagalang-galang na kalmen ni Sto. Domingo. Pagkatapos ay tumungong
hindi nagsasalita at parang naghihintay.8
Ah! ang buntunghininga ng maysakit, pinagpayuhan ako ng
operasyon , Hernando, ang operahan sa edad kong ito! Ang lupaing ito,
ang kakila-kilabot na lupaing ito! Matuto ka sa nakikita mo sa akin,
Hernando!9
At ano po ang iyong pasya? tanong ni Pray Siblya na itinaas ang
tingin at itinitig sa maysakit.10
C:\Users\samsung\Downloads\999999\999997419.htmC:\Users\samsung\
Downloads\999999\999997419.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999\99999
7419.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999\999997419.htmC:\Users\samsun
g\Downloads\999999\999997419.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999\9999
97419.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999\999997419.htmC:\Users\samsu
ng\Downloads\999999\999997419.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999\999
997419.htmAng mamatay! Mayroon pa bang natitira sa akin kundi iyon
na lamang? Malaki ang aking ipinaghirap; ngunit marami akong
pinapaghirap nagbabayad ako ng aking utang! 11 At ikaw, ano ang
lagay mo? Ano ang iyong dalang balita?

larawan na ang pangunahing katangian ay ang nakakasindak na eksena


tulad ng pagpakakasakit, pagpapahirap, at kamatayan. (Glosaryo)

8 Sa kabilang dako, mararamdaman sa bahaging ito ay hindi lamang ang


labis na simpatya ni Pray Sybila para sa matandang pari, kundi ang
contemplation sa kalagayan ng matandang pari.
9 Ang matandang pari ay mayroong sakit na ang dahilan ay ang
pagsasamantala sa Pilipinas. pansinin ang sinabi nito kay Padre Sybila
Ang lupaing ito, ang kakila-kilabot na lupaing ito! Matuto ka sa nakikita
mo sa akin, Hernando! Matutunugan na mayroong malaking nalalaman ang
matandang pari ukol sa kahiligan ni Pray Sybila sa babae, at ito ay
nangangaral sa pamamagitan ng babala sa batang pari upang makaiwas sa
kalagayan na katulad ng sa matanda. (Mayroong alam sa isat isa ang
dalawa) Sangguniin ang talababa 11.

10 Sa tanong pa lamang ni Pray Sybila ay mapapansin na ang kaniyang


nararamdaman na malaman ang gagawin ng matandang pari ay upang
malaman niya ang kaniyang magiging option sa hinaharap kapag siya na
ang nasa kalagayan ng matandang pari.
11 Kinukumpirma rito ni Rizal na ang karamdaman ng matandang
Dominicano ay dahilan sa pagsasamantala sa bayan at sa ganito ay
pinaghigantihan lamang siya ng kapalaran.

114
Naparito ako upang kausapin kayo tungkol sa inyong ipinagawa
sa akin.12
Ah! At ano?
Psh! sagot na masama ang loob ng bata, na umupo at iniharap
ang mukha sa ibang dako, si Ibarra ay binatang may katalinuhan; hindi
mukhang hangal, gaya ng sinasabi sa atin, at sa palagay ko ay isang
mabuting bata.13
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998361.htmSa akala mo?
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998361.htmNagsimula na po
kagabi ang labanan! C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998361.htm
Agad-agad na, papaano? 14
Sa maikling salita ay
isinalaysay ni Pray Sibyla ang
nangyari kay Padre Damaso at kay
Crisostomo Ibarra.
Saka ang isa pa, ang
patapos na sabi, ang binata ay
magiging asawa ng anak ni Kapitan
Tiyago, na nag-aral sa paaralan ng
ating mga hermana; mayaman at
hindi iibigin ang magkaroon ng
kagalit upang mawala ang kanyang

12 Mula sa pag-uusap ay makikita na si Pray Salvi ay nag-uulat sa


matandang Dominicano, sa ganito ang pari ay mayroong mataas na
katungkulan sa orden.

13 Sa paglalarawan ni Rizal sa kilos ni Pray Sybila ay kaniyang


ipinararamdam sa kaniyang mga mambabasa ang pagiging masusi o
masiyasat na pagtingin nito kay Ibarra. Tandaan ang kaniyang pagkabigla
ng una niyang makita ang binata sa bahay ni Kapitan Tiyago.

14 Bago pa man makita ni Pray Sybila si Ibarra ay mayroon na siyang mga


pangunahing inpormasyon ukol sa binata. Ito ang dahilan kaya nabigla si
Padre Sybila at tiningnan ng buong pagsusuri si Ibarra sa naganap na
hapunan sa bahay ni Kapitan Tiyago. Hindi inaakala ni Padre Sybila ang
pagsulpot ng taong pasusubaybayan sa kaniya. Mapapansin na ang
inpormasyon na naibigay sa kaniya ay mapanira at hindi tugma sa kaniyang
nasaksihan. Sa hanay ng pananalitang ito ay ipinapaalam ni Rizal, na ang
mga prayle ay mayroong nakatalagang paraan ng pagmamanman sa mga
taong inaakala nilang panganib sa seguridad ng simbahan. Pinag-aaralan
nila ang mga taong inaakala nilang banta sa kanilang institusyon at
naghahanda ng mga pamamaraan kung papaano ito pahihinain sa
pamamagitan ng ibat ibang anyo ng pressure.

115
kaligayahan at kayamanan.15 Itinungo ng maysakit ang ulo, bilang
pagsang-ayon.
Oo, gayon din ang akala ko Kung gayon ang magiging asawa at
ang biyenan ay buong-buong atin siya. At kung hindi, lalong mabuti ang
lumantad na kaaway natin!16
Nagtatakang napatingin sa matanda si Pray Sibyla.
Sa ikabubuti ng ating banal na corporacion, ang ibig kong turan,
ang dugtong na nahihirapan sa paghinga,17 ibig ko pa ang tayo ay
kalabanin kaysa mga huwad na papuri ng mga kaibigan na sa mga
bagay na iyan sila binabayaran.18
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998357.htmSa akala po ninyo
ay?
Malungkot na siya ay tiningnan ng matanda.
Huwag mong makakalimutan kailanman! ang sagot na
naghihirap sa paghinga. Ang ating kapangyarihan ay magtatagal
hanggat pinananaligan.19 Kung tayo ay nilalabanan sasabihin ng

15 Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ng pag-uusap ng dalawang pari ang


kaisipan ng mga taong mayaman ang kawalan nila ng pangangahas na
makipag-alit sa mga makapangyarihang puwersa na mag-aalis sa kanila ng
kaligayahan at kayamanan. Ang kasiyahang loob ang pangunahing dahilan
upang ang isang tao ay huwag magreklamo. Subalit sa nobelang ito ay
babakahin ni Rizal ang paniniwalang ito.
16 Para sa matandang pari ay mas mabuti pa ang maging hayagang kaaway
si Ibarra kaysa sa papuri sa kanila ng mga bayarang kaibigan.

17 Pansinin na nahihirapang huminga o naghihingalo ang matanda habang


binabanggit ang korporasyon ng mga prayle. Isang lihim na pagsundot ni
Rizal sa kalagayan ng mga korporasyong pangrelihiyon sa Pilipinas sa
kaniyang kapanahunan.

18 Makikita dito na ang matandang pari ay tila isang Machiavelli na higit na


nakikita ang kabuluhan ng puna na mula sa kanilang mga kaaway kaysa sa
papuri na mula sa mga bayarang kaibigan.
19 Ang ating kapangyarihan ay magtatagal hanggat pinananaligan
Ipinapakita ni Rizal ang takot ang mga prayle sa mga taong mayroong
malayang isipan, na maaring magbunyag ng mga kahinaan ng mga aral at
lihim na kasaysayan ng kolonyal na simbahan. Isang kabalintunaan, na ang
mismong Noli Me Tangere sa pagdating sa Pilipinas ay agarang sinikap na
huwag mabasa ng mga Pilipino, at hanggang sa panahon ng pag-uusap sa
panukalang batas sa pagtuturo ng Rizal noong 1956 ang ginawa ng mga
alagad ng simbahan ay hadlangan ang pagbabasa ng kabuuan ng dalawang
nobela ng mga mag-aaral na Pilipino.

116
Pamahalaan na: kinakalaban dahil sa inaakalang sagabal sa kanilang
kalayaan, kung gayon ay huwag nating alisin. 20
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998355.htm
At kung sila ay pakinggan? Kung minsan, ang Pamahalaan
ay 21

Hindi sila pakikinggan!


Gayunman, kung maakay ng kasakiman ang pamahalaan at
magnanais na napasakanya ang ating kayamanang kung magkaroon
ng isang pangahas at buong tapang na 22
Kung gayon ay kahabag-habag! Kapwa sila nanahimik.23
At isa pa, ang patuloy na may pagdaramdam, kailangang kalabanin,
upang tayo ay magising: matuklasan ang ating kahinaan, upang
C:\Users\samsung\Downloads\999994\999998282.htmC:\Users\samsung\Downlo
ads\999994\999998282.htmC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998282.ht
mC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998282.htmC:\Users\samsung\Down
loads\999994\999998282.htmC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998282.h

20 Sa pananaw ng matandang pari ay mabuti ang kalabanin ni Ibarra ang


mga prayle upang makita ng pamahalaan na magkakampi sila ng simbahan
laban sa maaring maging pagkilos ng bayan.
Ano ang historikal na katibayan nito?
Maraming mga sinaunang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyal na
pamahalaan ay nahadlangan ng mga prayle at sa ganito ay nagiging
mainpluwensiya at nagmimistulang laruan na nila ang pamahalaan.

21 Kinatatakutan noon ng mga prayle na mismong ang pamahalaan ay


kalabanin sila dahilan sa napakalaki nilang kayamanan. Isa pang
ikinababahala noon ng mga prayle ay ang ayunan ng pamahalaan ang mga
repormista na nagmumungkahi ng pagbabago at maaring kasama na rito ay
ang pagsamsam sa mga pag-aari at kayamanan ng simbahan.

22 Ang tinutukoy ay maaring isang mapangahas na pinuno o gobernador


heneral na nagtataglay ng political will na kalabanin ang kapangyarihan ng
kolonyal na simbahan.
23 Mapapansin na may nakahandang paraan ang mga prayle sa paglusaw
ng sinumang lalaban sa kanila, maging ito man ay mga indibidwal o maging
ang mismong pamahalaan.

Bakit nanahimik ang dalawang pari pagkatapos ng pananalitang ito? isang


simbolismo ni Rizal sa lihim na pakana ng mga alagad ng kolonyal na
simbahan sa gagawin nilang pagliligpit sa kanilang magiging kalaban.
Tandaan na binanggit ni Rizal ang kasaysayan ni G.H. Bustamante.

117
tmmapagbuti natin.24 Ang mga labis na papuri ay dumadaya sa atin,
nagpapatulog sa atin, at lalabas tayong kakutya-kutya, at sa araw na
malantad tayong kakutya-kutya ay babagsak, gaya ng ating paglagpak sa
Europa. Hindi na papasok ang salapi sa ating mga simbahan, wala nang
bibili ng mga kalmen, correa, o ng anuman, at kapag hindi na tayo
mayaman ay hindi na natin mahihikayat ang mga budhi.25
Psh! Kailanmay atin ang ating mga lupain, ang ating mga
paupahang bahay
Mawawalang lahat, gaya ng pagkawala ng ating mga lupain at
paupahan sa Europa!26 At ang masama pa ay tayo rin ang gumagawa ng
ating ikababagsak. Gaya halimbawa: ang patuloy na pagtataas ng upa
sa ating mga lupain taon-taon, at ito ay dahilan sa sarili lamang
nating kagustuhan:27 iyang pagpipilit na na iyan ay aking labis na
kinalaban sa lahat ng pagpupulong ng Capitulo,28 ang pagmamalabis na

24 Sa bahaging ito ay ipinakikita ni Rizal ang kahalagahan nang pagpuna sa


kolonyal na simbahan. Nasanay ang kolonyal na simbahan na purihin ng
mga taong takot o kaya ay binabayaran nila. Sa ganito ay nahuhulog sila sa
mga kamalian at kahinaan na hindi kayang ipakita ng mga bayarang
tagapuri.

25 Sa mga salitang ito ay ipinadadama ni Rizal ang tunay na interes ng


frailocracia ang salapi ng kaniyang mga tagasunod. Gagawin nila ang lahat
ng paraan, upang manatiling naniniwala ang mga tao sa kanilang mga aral,
sapagkat mananatili ang kanilang kapangyarihan, hanggat sila ay
pinapanaligan.

26 Naging katotohanan ang nasabing pahayag ni Rizal sa pamamagitan ng


matandang pari pagkatapos ng kapangyarihan ng Espanya at ng
simbahan ang lupain ng simbahan ay binili ng mga Amerikano.

27 Hinuhulaan ni Rizal na ang isa sa mga magiging dahilan ng pagbagsak ng


mga prayle ay ang taon-taong pagtataas ng upa sa kanilang mga lupaing
pangsakahan. Ang mismong pamilya ni Rizal ay nangungupahan sa lupa ng
mga Dominicano. Sa taong 1888 ay nagkaroon ng pagkilos ang mga
magsasaka ng Calamba para tutulan ang taunang pagtataas ng bayad sa
lupang sinasabing pag-aari ng mga Dominicano at dahilan sa hawak ng mga
ito ang hukuman at pamahalaan ay natalo ang mga magsasaka ng Calamba
at ang kaparusahan ay ang paalisin ang mga magsasaka sa lupang
sakahan. Isinulat ni Rizal na may labis na hinanakit ang El Filibusterismo,
sa ganito ay nagkaroon ito ng mga mainit na nilalaman. Ang nobelang El
Filibusterismo ay nabasa ni Andres Bonifacio at nagkaroon ng ibang landas
na tinunguhan ang ating kasaysayan.

28 Capitulo - pagpupulong ng mga prayle upang pumili ng pinuno ng

118
iyan ay nakasisira sa atin! Ang Indio ay napipilitang bumili ng lupa sa
ibang mga pook sa labas ng ating hacienda at umaani na kasimbuti rin o
higit pa kaysa mga lupain natin.29 Nanganganib akong baka tayo ay
bumagsak na: Quos vult perdere Jupiter dementat prius.30 Sa dahilang ito
ay bayaan na nating dagdagan ang ating pasanin, ang mga taong bayan
ay bumubulong na. Mabuti nga ang naisip mo: bayaan nating linawin ng
iba ang kanilang sariling mga bagay-
C:\Users\samsung\Downloads\999999\999997417.htmC:\Users\samsung\Downlo
ads\999999\999997417.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999\999997417.ht
mbagay, ingatan natin ang nalalabi pa nating karangalan, at dahil sa
C:\Users\samsung\Downloads\999994\999998281.htmC:\Users\samsung\Downlo
ads\999994\999998281.htmC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998281.ht
mC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998281.htmC:\Users\samsung\Down
loads\999994\999998281.htmC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998281.h
tmdi magtatagal, tayo ay haharap sa Diyos ay hugasan natin ang
ating mga kamay Mahabag nawa ang Diyos, at kaawaan tayo sa
ating mga pagkakasala!31

kanilang partikular na orden at talakayin ang mga suliraning kanilang


kinahaharap.

29 Nakikita ng matandang pari ang nagiging kalamangan ng mga


magsasakang Pilipino na mayroong sariling lupa, ito ay ang higit na
kaunlaran ng pamumuhay. Mula sa mga angkang ito nagmula ang mga
kabataang ipinapadala para mag-aral sa Europa, at nahahantad sa mga
mapanuring kaisipan na hindi kaayon ng simbahan.

30 Binabaliw muna ni Jupiter ang ibig niyang puksain hinahayaan ng


Diyos na magkamali ang mga pinuno ng simbahan at pamahalaan na gusto
niyang wasakin o alisin sa panunungkulan.

31 Isa itong satirikong pagdagil sa pamamagitan ng kaniyang mga


tauhang Dominicano ay pinagkumpisal sa kanilang mga kasalaman at
pinahingi ng tawad ni Rizal ang mga dayuhang kaparian sa Pilipinas.Isang
iskulturang likha ni Rizal na ang orihinal ay ginawa sa wax na
pinamagatang ORATE FRATRES (Manalangin Tayo, Mga Kapatid). Sa likhang
sining na ito ni Rizal ay ginawa niyang karikatura ang isang prayle sa
kaniyang maluhong katayuan, nagdurusa sa kaniyang pagpapasarap sa
buhay at napapaligiran ng mga bisyo: BABAE, KAGAMITAN SA SUGAL, AT
ALAK; Kalakip din nito ang kaniyang negosyo na pagbebenta ng krusipiho,
ang bunga ng kaniyang panlilinlang; at isang sako ng salapi. Ang
panalangin ng matandang pari sa Kabanata 9 ay higit na ipinaliwanag ni
Rizal sa pamamagitan ng likhang sining na ito.

119
Kung gayon ay inaakala po ninyo na ang canon o buwis
Iwan na natin ang pag-uusap tungkol sa salapi, ang putol na
may di-kasiyahang-loob ng maysakit. Ang sabi mo ay nagbanta ang
tinyente kay Padre Damaso!32
Opo, Padre! ang tugon ni Pray Sibyla na nakangiti, subalit
nakita ko ngayong umaga at sinabi sa aking dinaramdam niya ang mga
nangyari kagabi, sabi pa niya ay umakyat lamang sa kanyang ulo ang
alak at inakalang lasing din si Padre Damaso. At ang pangako ninyo?
ang pabirong
C:\Users\samsung\Downloads\999994\999998280.htmC:\Users\samsung\Downlo
ads\999994\999998280.htmC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998280.ht
mC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998280.htmC:\Users\samsung\Down
loads\999994\999998280.htmC:\Users\samsung\Downloads\999994\999998280.h
tmtanong ko.
C:\Users\samsung\Downloads\999999901.htmC:\Users\samsung\Downloads\999
999901.htmC:\Users\samsung\Downloads\999999901.htmPadre Kura, ang
sagot sa akin, marunong akong tumupad sa aking sinabi, kung sa
pagtupad ay hindi madudungisan ang aking karangalan; kailanman ay
hindi ako naging manunuplong, kaya wala ako kundi dadalawang
bituin lamang.33
Matapos mag-usap ng iba pang bagay na hindi masyadong
mahalaga ay nagpaalam si Pray Sibyla.
Tunay ngang hindi nagtungo ng Malakanyang ang tinyente, ngunit
nabatid ng Kapitan Heneral ang mga nangyari. Sa pakikipag-usap sa
kanyang mga ayudante tungkol sa mga parunggit sa kanya ng mga
pahayagan sa Maynila, na ang ginamit sa pagtukoy ay mga kometa34 at

32 Sa tanong ng matandang pari ay nag-aalala siya na mauwi sa masamang


pangyayari ang naganap na pagtatalo nina Pray Damaso at Tinyente
Guevarra dahilan sa baka magsumbong ang huli sa GH. Ang pag-aalala ng
matandang pari ay may batayan dahilan sa ang GH na nanunungkulan na
inilalarawan sa nobela ay isang liberal o hindi tau-tauhan na pinapagalaw
ng mga prayle.

33 Hindi manunuplong sa ating panahon ay hindi siya sipsip. kaya


mababa ang ranggo (ang dalawang maliit na bituin sa insignia para ito sa
tinyente ng hukbo ng Espanya). Tandaan na sa nobelang ito si Tinyente
Guevarra ay pinuno ng guardia civil sa distrito ng Binondo at kung naging
malapit siya sa mga naging kura paroko sa nasabing lugar ay maaring
naging napakataas ng kaniyang ranggo sa kolonyal na hukbo. Subalit hindi
siya naglalapit sa mga kura-paroko sa kaniyang nasasakupang distrito.
Marami pa tayong malalaman ukol sa integridad ni Tinyente Guevarra.
34 Ito ang pamamaraan ng editoryal sa mga pahayagan sa Maynila noong
panahon ni Rizal maaring bilang paraan ng pagpapasintabi o takot, ang
mga manunulat ay hindi direktang binabanggit ang pangalan ng pinuno ng

120
mga pagsipot sa langit ng mga di-karaniwang bagay, ay ikinuwento sa
kanya ng isa sa mga ayudante ang naganap kay Padre Damaso, sa isang
paraang lalong may ibig ipalaman, ngunit sa maayos at di-magaspang
ang pagkakahanay.35
Kanino ninyo tinanggap ang balita? ang tanong na nakangiti ng
Heneral.
Kay Laruja, na siyang nagsasalaysay kaninang umaga sa
Pasulatan.36
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998336.htmMuling ngumiti ang
Heneral at saka idinugtong na:
Ang babae at ang prayle ay hindi makakai-insulto sa akin! Nais
kong mabuhay na mapayapa sa ilang panahong ilalagi ko sa lupaing ito
at ayoko nang magkaroon pa ng gusot sa mga lalaking nagsusuot ng
saya.37 At hindi pa iyan, nabatid ko ring pinaglaruan ng paring provincial
ang aking kautusan; hiningi kong kaparusahan sa prayleng iyan ay ilipat

pamahalaan o ng simbahan sa mga lathalain na kinapapahayagan ng


opinyon.
Bakit kometa ang ginamit na simbolo ni Rizal? Ito ay dahilan sa matagal
bago dumating at panandalian lamang ang panunungkulan ng mga
mahuhusay o natatanging GH/KH sa Pilipinas.

35 Sa isang paraang lalong may ibig ipalaman, ngunit sa maayos at di-


magaspang ang pagkakahanay - ISA ITO SA MAHALAGANG SUSI SA PAG-
UNAWA NG NOBELA dahilan sa ipinapaliwanag ni Rizal ang isang istilo ng
pagsulat sa kaniyang kapanahunan, na siya rin niyang ginamit sa
pagsasalaysay sa nobelang ito.

36 Makikita ang pagiging balimbing ni G. Laruja panig siya kay Pray


Damaso sa panahon ng ginawang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago,
pagkatapos ay nagsalita sa pahayagan ukol sa insulto na ginawa ng pari
laban sa Kapitan Heneral. Pansinin na umaga nakipagkita si Laruja sa
pahayagan dahilan sa ang mga pahayagan noong panahong iyon ay
inilalabas sa hapon at hindi umaga na katulad sa ating panahon. Ngayon ay
nauunawaan mo na kung bakit siya binigyan ni Rizal sa Kabanata 1 ng
ilong na parang hindi sa kanya.

37 Mapupuna ang labis na pagkamuhi ng Kapitan Heneral, ngunit limitado


na lamang ang panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas at
nagiging maingat na siya sa pakikitungo sa mga lalaking nagsusuot ng saya
hindi bakla ang tinutukoy dito kundi mga prayle.

121
sa ibang bayan; ang ginawa ay inilipat sa ibang bayang lalo pang mabuti
kaysa pinag-alisan;38 frailadas,39 kung sa kasabihan natin sa Espanya!
Ngunit nang mag-isa na ang Heneral ay hindi na ngumiti. Ah!
Kung hindi lamang napakahangal ng bayang ito ay itutuwid nila ang
lakad ng mga paring iyan! ang wikang sabay sa buntunghininga.
Datapwat ang bawat bayan ay may kapalaran na naayon sa
kaniyang kaugalian, at gawin natin ang ginagawa ng lahat.40
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998332.htmSamantala, natapos
na ang pakikipag-usap ni Kapitan Tiyago kay Padre Damaso, o sa higit
na wastong sabi, natapos na ang pakikipag-usap nito sa kanya. Alam ko
na! sabi ng Pransiskano nang nagpapaalam. Ang lahat ng ito ay
nahadlangan sana kung nagsabi ka muna sa akin, kung hindi ka
nagsinungaling nang itanong ko sa iyo. Huwag mong babalakin gumawa
ng mga kahangalan! At manalig ka sa akin na iyong tagapag-ingat.41
C:\Users\project\01jrcode1\999881\999998331.htmSi Kapitan Tiyago ay
napabuntong-hininga at palakad-lakad na nag-iisip ng makalawa o
makatatlo sa salas; subalit parang may biglang nagtulak sa kanyang

38 Pinakamataas na pinuno ng partikular na orden sa Pilipinas ang


naglipat kay Padre Damaso sa mas mabuting parokya ay provincial ng orden
Pransiskano bilang pasaway na pagsunod sa kautusan ng KH. Akala ninyo
ngayon lang uso ang mga pasaway panahon pa ni Rizal pinasimulan na
iyan ng mga prayle at sa susunod na kabanata ay makikita pa ninyo ang
marami pang mga pasaway.
39 Frailadas - Kasabihan na ang kahulugan ay mga pandaraya ng mga
prayle. Mga pandaraya sa gawa at sa salita.

40 Ang KH ay nagpakita ng kaniyang tunay na galit sa mga prayle. Tandaan


ang kaniyang sinabi kung ang bayang ito ay hindi hangal ay magiging
tuwid ang mga prayle. Hangal ang bayan dahilan sa pinaniniwalaan nila
ang mga kabalbalan na sinasabi sa kanila ng mga prayle. Ngunit noon at
ngayon ay aplikable pa rin ang mensahe ni Rizal na Ang kahangalan ng
bayan ang dahilan ng kaniyang mga pagdurusa. Dahilan sa hangal ang
bayan sinabi ng KH na gawin natin ang ginagawa ng iba maaring
ipagpatuloy ang mga katiwalian at pagmamalabis na walang pumupuna sa
isang bayang hindi marunong tumutol sa lahat ng anyo ng pang-aabuso at
katiwalian ng mga maykapangyarihan.
41 At manalig ka sa akin na iyong tagapag-ingat
Mapapansin sa ang matinding pananakot sa pananalita na binitiwan ni Pray
Damaso kay Kapitan Tiyago. Masasalamin na ito rin ang ginawa ni Pray
Damaso kay Pia Alba upang mapapayag ang babae na magkaroon ng
kasalanan sa pagitan ng babae at ng prayle.

122
kalooban, tumatakbong patungo sa silid dasalan at pinatay ang mga
kandila at lampara na sinindihan para kay Ibarra.42 May panahon pa, at
ang lakarin ay lubhang mahaba! ang bulong niya.

42 Ang pagpatay ni Kapitan Tiyago sa ilawan na siya rin ang nag-utos na


magtirik kay Maria Clara ay tanda ng pagbabago ng kaniyang isipan, dahil
sa mapanirang udyok ni Pray Damaso. Tandaan sana ang naging
inpluwensiya ni Pray Damaso sa binatang mapula ang buhok na kararating
pa lamang sa Pilipinas, na nagbago rin ng kaisipan.

123