You are on page 1of 1

SINO NGA BA SI HIDILYN DIAZ?

26 years old mula sa Mampang Zamboanga, nanalo ng silver medal sa nakaraang 2016 Rio
Olympics sa pagbuhat ng 200kg na almost 4 times ng weight niya

BAKIT NGA BA SIYA ANG PINILI KO?

I. Siya ang kauna unahang pilipina na nagwagi ng olympic medal.


Noon pa man, simula noong panahon ni Rizal ay tinuturing na pamabahay lamang ngunit may
iillan lamang tulad ni gabriela at Melchora ang nakilala. Ngayong nagabgo na ang panahon,
narito pa rin ang pagiisip na may mga bagay na hindi mo akalaing nagagawa nap ala ng mga
babae. Ngunit Mali ! Doon ako namangha kay Hidilyn sapagkat itinaas niya ang abndera ng mga
babaeng atleta lalong allo na sa larangan pang medyo panglalaki tulad ng weightlifting.

II. Tumayo siya at nagpatuloy lumaban kahit man natalo siya, marami ng nangiwan at di
sumuporta sa kanya
Noong 2008 at 2012 sumubok sumungkit ng medalya sa olymnpics pero nabigo siya
Noong 2014 nga muntikan na niayng iwan ang weightlifting dahil sa pagiwan sa kanya ng
kanyang boyfriend at kahit na nag kanyang matagal ng coach kasi ginagawa na niya ang lahat
pero binabalewala nalang siya pero kahit na ganun nagpatuloy pa rin siya
Sabi pa nga niya sa mga problemang darating sa buhay natin , huwag tayong sumuko kaagad,
kasi kayang kaya natin ito

III. Nagpursige siya hindi lamang para sa sarili at pamilya kundi pati na rin sa bansa sapagkat
binuhat niya ulit ang panagaln ng ating bansa sa larangan ng sports
11 taon pa lang siya noong nagsimula siyang mawili sa weightlifting at batid niya na noon na
kaialangang magsumikap para sa kanyang pamilya lalo pat hirap talaga sila sa buhay kaya lahat
ng nakukuha niya diretso sa magulang niya
Bago pa amn yung Olympics, sobra na ang pagpupursige niya, 6 na oras sa kada arw siyang
magtraining at Dinisiplina ang sarili sa pagkain ng mga paborito niyang pizza, fastfood at
junkfood
Sa pagbubuhat hindi lang kasi ang katawan mo ang pinapaganda mo, tinuturuan mo rin ang sarili
mong maging responsable, disiplinado at malakas hindi lamang sa pangangatawan kundi pati na
rin sa pagiisip sa pang araw araw na problemang dumarating sa buhay mo.

WAKAS:

Sa huli, may tatlong bagay akong natutunan kay Hidylin kaya siya ang source of Filipino pride ko:

Una, ang kasarian mo ay hindi batayan ng kung hanggang saan lang ang maitutulong mo para sa bayan

Pangalawa, huwag kang susuko kaagad kasi unti unti muli mong mabubuhat ang mag problema mo at
malulutas ang mga ito

Pangatlo, kapag gusto mo pagsumikapan mo, kapag pinagsumikapan mo , mapapasaiyo!