You are on page 1of 6

KALIKASAN, PROTEKSYUNAN

December 31, 2015 Filed under Opinyon Posted by Balita Online RSS Feed
NASA 10 milyon na ang nagsilagda upang ipanawagan na proteksiyunan ang ating
kalikasan. Ito ay ayon kay Gina Lopez, chairman ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya,
Foundation Inc. Iniharap kamakailan ang mga lagdang nakalap bilang suporta sa Save
Palawan Movement and the ALKFI program Bantay Kalikasan na “Yes to Agriculture and
Ecotourism” campaign.
“Ang mga nagsilagdang ito ang mga taong sawang-sawa na sa patuloy na walang habas na
pagwasak sa kalikasan na pinanggagalingan ng buhay at pinagmumulan ng ikabubuhay ng
mga tao. Ito ang 10 milyong Pilipino na naghahanap ng mga lider na hindi natatakot na
magsasagawa ng marahas na hakbang at kongkretong kilos para sa kalikasan lalo na
ngayong nahaharap tayo sa panganib ng climate change,” pahayag ni Lopez.

Karamihan sa mga nagsilagda ay buhat sa mga paaralan at sektor ng mga magsasaka at
mangingisda sa mga lugar na naapektuhan ng mga pagmimina.
Ang Pilipinas, ayon pa sa grupo, ang pinakamapanganib na bansa na dadanas ng climate
change at maliligtas lamang ito kung pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang ecotourism at
agriculture sapagkat ang bansa natin ay mayaman sa natural resources at biodiversity.
Ngunit malamang na mawalan lamang ng saysay ang pagsisikap na ito ng grupo ni Lopez
sapagkat ang mga lider ng bansa ay tila walang pakialam at hindi binibigyan ng pansin ang
pagbabanta ng kalikasan na hatid ng climate change.
Tila walang sinseridad ang gobyerno na lunasan ito at sa halip ay lalo pang pinalalala.
Matindi ang epekto ng tinatawag na “dirty energy” sa kalikasan ngunit balewala lamang ito
sa kasalukuyang pamahalaan.
Kamakailan ay dumalo si Pangulong Aquino sa pulong ng 200 leader ng mga bansa sa Paris
para talakayin ang lumalalang climate change na dahilan ng global warming. Ano kaya ang
maibabahagi ni PNoy sa paglutas ng pandaigdigang problema gayong sa bansang
pinamumunuan niya ay wala siyang ginagawang hakbang?
Ang pagpupulong ba ng 200 leader ng mga bansa sa Paris ay isa lamang “Kalyeserye?”
Itanong natin kay PNoy.
(ROD SALANDANAN)

Epekto ng pagmimina
sa kalikasan,
tatalakayin ng
'Reporter's Notebook'
Published June 22, 2016 9:38pm
Bayan ng Mina
Reporter's Notebook Mining Special
Huwebes, Hunyo 23
11:35 PM sa GMA-7

Mula sa kailaliman ng lupa, binubungkal ang ginto, nickel, chromite at iba pa
pang yamang mineral para maging alahas, para sa paggawa ng mga bahay at
gusali, para sa mga gadget at electronic appliances at para sa paggawa ng
pera. Bahagi na nga ng ating pamumuhay ang mga produktong gawa sa
mineral—mga mineral na ipinroseso sa ibang bansa.
Pero alam niyo ba na isa ang Pilipinas sa mga bansang nangungunang
pinagkukunan ng ilang mineral? Halimbawa na lang, ayon sa U.S. Geological
Survey, number one ang Pilipinas na producer ng nickel na kadalasang
ginagamit sa mga materyales sa paggawa ng bahay at mga sasakyan. Nasa
ika-dalawampu’t walong puwesto naman ang Pilipinas sa mga gold-producing
country sa buong mundo.
Pero ang tanong, sa dami ng mga binungkal o mininang mineral sa ating mga
lupa, yumaman ba tayo bilang isang bansa? Kamakailan lang nagpahayag ng
pagtutol si President-elect Rodrigo Duterte sa ginagawang malakihang
pagmimina sa bansa partikular sa mga bayan ng Surigao. Bahagi ang Surigao
ng CARAGA region, ang itinuturing na mining capital ng Pilipinas.
Minsan nang tinungo ng Reporter’s Notebook ang Surigao del Norte at
Surigao del Sur noong taong 2011. Una na naming isiniwalat ang epekto ng
ginagawang pagmimina sa lugar tulad ng pagkakalbo ng kagubatan at ang
pagkasira ng karagatan. Nagkulay kalawang na ang ilang ilog at baybaying-
dagat dahil sa siltation o ang pagdami ng deposito ng lupa mula sa malalaking
minahan. Kabilang sa mga nagrereklamong residente noon si Nanay
Propetisa, isang manobo. Makalipas ang limang taon, muli namin siyang
hinanap.
Sumama sa pagsiyasat kung may nagbago sa buhay ng mga gaya ni Nanay
Propetisa. Alamin kung sapat nga ba ang nakukuhang pakinabang ng bansa
sa malawakang pagmimina at pagbubungkal ng ating yamang-mineral.

Huwag palalampasin ang “BAYAN NG MINA,” ngayong June 23, 2016, 11:35
PM sa 2016 New York Festivals Bronze World Medalist - Reporter’s Notebook
pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.