You are on page 1of 9

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN

NG MEYCAUAYAN
LUNGSOD NG MEYCAUAYAN

ULAT-AKLAT
(PAGSUSURING ISANGNOBELA)

ISANG PROYEKTO PARA SA FILIPINO IV

IPINASA:
Gng.MARY JANE RAMOS DASIG

INIHANDA NINA:
ALJOHN MARK FIDEL
JOSELITO ARCINAS
LESTER GALLANO
ABEGAIL APPLE MADURA
CHRISTINE EMERALD JUSON

IV-RIZAL
UNANG MARKAHAN
2009
I.PANIMULA
A.Pangkalahatang Pananaw sa Akda
Ang “Dekada’70”,isangnobelang panlipunang
nagpakita ng mundo at ng gobyernong
namamayani rito sa ibang perspektibo; ang
anggulo ng buhay sa mata ng ina; inang dumaraan
sa sistema ng pagbabago hanggang sa umabot na
siya sa rurok ng kamalayan. Bilang estudyante at
kaisa ng laksang tinatawag na populasyon na
populasyon; ang akdang
“Dekada’70” ay nagbibigay ng makabagong
pakahulugan sa buhay ng bawat isa at sa kung ano
nga ba ang tunay na demokrasya. Ang akdang
ito’y nagbibigay liwanag sa mga kasalukuyang isyu
sa pamamagitan ng ideyolohiya ng feminismo at
kumukurot sa puso ng mambabasa dahil sa di-
maipaliwanag na koneksyon ng ina at ng kanyang
anak.
B. Kahalagahan ng Paksa
Ang lipunan; ayon sa akda ay para lamang sa
mga lalaki na kung tutuusi’y namamayani pa rin
hanggang sa kasalukuyan. Ang nobelang “Dekada
70” ay humahaplos sa bawat sulok ng lipunan;
particular na sa pinakamaliit nitong yunit, ang
pamilya.
Ang dignidad at kapangyarihan ng tao ay di-
masusukat sa kanyang mga mali, bagkus sa kung
papaano niya naitatama ang mga kamaliang ito.
Pinahahalagahan sa akda ang buhay at
posisyon ng tao sa lipunan, kung anu-ano ang
maari niyang magawa at kung anu-ano ang
pagbabagong kailangan niyang daanan upang
mamulat ang diwa, damdamin at kamalayan.
Anga pagbabasa ng “Dekada 70” ay
magdudulot ng makabagong sigla upang
ipagpatuloy ang buhay. Ang mga kaisipan dito’y
magsisilbing batayan sa pang araw-araw na
pagharap natin sa lipunan.

II. KATAWAN
Mga Batayan ng Pagsusuri
Tagpuan:
Tahanan ng Pamilyang Bartolome/Kalakhang
Maynila
-Tahanan ng Pamilyang Bartolome ang
pangunahing tagpuan ng akda. Dito, ipinamamalas
ng mga tauhan ang salimbayang pag-usal ng
kanilang paninindigan sa buhay na kung saan unti-
unting namulat at lumiwanag ang kamalayan ng
ilaw ng tahanan.
-Ang kalakhang Maynila ay ginamit sa akda
bilang tagpuan ng salimbayang pag-usal di ng
pamilya kundi ng mga raliyista ng kanilang hinaing
sa gobyerno; ginamit din itong tagpuan ng
mararahas na eksena ng akda.

Tauhan:
Willy – kaibigan ni Jules, namatay dahil sa
prinsipyo ng pakikibaka.
Mara – asawa ni Jules, mabait ngunit
kakikitaan ng katatagan at katapangan upang
ipagtanggol ang prinsipyo.
Evelyn – asawa ni Isagani, makabagong babae
bata pang ituring ngunit iba ang pananaw sa
mundo.
Benjamin – kilala din bilang Bingo, bunso sa
magkakapatid na Bartolome, inosente ngunit
nabago ng pagsubok ng pamilya.
Jason – tinedyer sa magkakapatid na
Bartolome, pariwara ang buhay, sinalvage ng
Metrocom.
Emmanuel – kilala bilang Em, pinakamatalino
sa magkakapatid, manunulat at aktibista ng
mga manggagawa.
Isagani - kilala bilang Gani, pinaapraktikal sa
magkakapatid, isang US Navy, punung puno
ng pangarap hanggang sa isinisi sa asawa
niyang si Evelyn ang kamalasan sa buhay
noong mabuntis niya ito ng maaga.
Jules – katibista ng demokrasya, isisnusulong
ang prinsipyo ng pakikibaka, matatag at
matapang na tao.
Julian – haligi ng tahanang Bartolome,
naniniwalang ang mundo ay umiikot sa
prinsipyo ng mga lalaki.
Amanda – ilaw ng tahanang Bartolome, di
pilalad na magkaanak ng babae, liberal mag-
isip, namulat ang kamalayan sa
pagkakapantay-pantay.
Marela – ampon ng pamilya, biktima ng
karahasan, ang binhi ng isang panibagong
simula ng pamilya Bartolome.

Banghay:
“It’s a man”s world.” Ito ang eksaktong
katagang parating naririnig ni Amanda
Bartolome mula sa asawa niyang si Julian.
Mula sa Burgis at makalumang tahanan si
Amanda kaya’t ipinagbabawal sa kanila ang
pagkilos. Pagsasalita at pag-iisip man lang ng
liberal. Ngunit dahil sa pagtataka unti-unting
nagging liberated ang isipan ni Amanda.
Naging mapusok at matapang siyang
ipaglaban ng unti-unti ang posisyon niya sa
pamilya at lipunan.
Naging tuluyan ngang “tao” ang kanilang
mga anak ni Julian. Si Jules, na napapansin
niyang rationalized nang mag-isip ay
kakikitaan ng malaking pagbabago simula sa
pagiging simpleng estudyante. Si Gani, na
tumatahak at idinidikta na ang sarili niyang
buhay ay kakikitaan ng sigla. Si Em, na nais
parati ang katahimikan dahil siya ang
pinakamalalim mag-isip sa magkakapatid. Si
Jason, ang pinaka-pariwara ang landasin ay
napakalapit sa barkaka at si Bingo na inosente
pang maitatawag ngunit kakikitaan ng
pagmamahal sa ina.
Isang araw napansin ni Amanda ang anak
na si Jules ng kalungkutan; napatahimik siya
ng sinabi nitong pinatay ng Metrocom ang
kaibigan niyang si Willy. Si Willy na kasa-
kasama parati ng anak niya, pinatay sa
engkwentro. Doon niya napag-alaman na si
Jules ay isang aktibista; ang madalas na pag-
alis sa bahay; ang pagabihang pag-uwi at ang
mga babasahing illegal; iyon pala ang dahilan.
Sinubukan ni Amanda na sabihin ito kay Julian
ngunit dahil mas importante ditto ang pera at
trabaho; walang nangyari.
Karagdagan pang trahedya o maituturing
nating biyaya ang pagkakabuntis ni Gani kay
Evelyn. Masaya si Amanda dahil sa unang apo,
ngunit batid niya ang kalungkutang dala nit
okay Gani dahil sa maagang nasira ang
karerang tinatahak nito. At; dahil nga magulo
ang simula; palagiang nagtatalo ang mag-
asawa hanggang sa dumating ang araw ng
kapanganakan ni Evelyn. Ayun! Sa wakes
umayos ang sistema ng mag-asawa sa
panahong ito; tila baga lumalayo ang agwat
ng mag-asawang Amanda at Julian. Abala si
mister sa trabaho; si misis naman abala sa
buhay ng iba. Iba’t-ibang ideyolohiya ang
pumapasok sa kukote ni Amanda. Kung ano
nga ba ang papel ng ina sa pamilya. Ano nga
ba ang papel niya bilang tao? Ano ba siya asa
lipunan?
Nagimbal ang pamilya;isang araw na
mabalitaan nilang nahuli si Jules dahil sa
pagiging NPA. Unang pagkikiya ng mag-ina ;di
mamukhaan ni Amanda si Jules dahil sa
samu’t saring torture na inabot nito sa kamay
ng Metrocom. Dagdag pasakit pa ng makita ni
Em ang bangkay ni Jayson sa isang basurahan
sa kalakhang Maynila. Labimpito ang saksak,
tagos sa puso at baga, tuhog na tuhog ang
laman. May marka ng itinaling alambre sa
pulso niya, talop ang siko at tuhod, basag pati
bayag. Nabudburan ng galit ang pamilya
Bartolome, halos di-kayanin ni Amanda ag
pangyayari, sa unang pagkakataon nakita
niyang umiyak si Julian. Ang sabi’y nahulihan
ito ng marijuana tapos kinuha ang pangalan
tsaka pinalaya. Nagwala si Jules ng malaman
ito, nagbigay ito sa kanya ng karagdagang
tatag at tapang sa loob loob ng piitan.
Naayos na ang lahat; nakalaya na si
Julaes, natuluyan ng umalis si Gani para
maging US Navy at nakilala na rin ni Amanda
si Mara, ang asawa ni Jules, aktibista din. Wala
ng panahong tumutol; kinilala ng husto ang
manugang.
Naging matagal-tagal ding namayapa ang
bahay ng Bartolome hanggang sa maghiwalay
sina Gani at Evelyn. Ang babae ang umayaw,
gusto pa raw niya ang buhay na may
kahulugan at di lamang parang kasama at
katulong. Nabuhay ang isip ni Amanda sa mga
sinabi ni Evelyn at tinakot nito si Julian na
hihiwalayan rin niya ito. Pero namamayani
parin ang pag-ibig magasaw kaya di ito
natuloy.
Nawla na naman si Jules; si Em naman ay
sumsunod pa yata sa yapak ng panganay na
Bartolome. Ngunit sa pagsusulat siya
bumanat. Isang araw, nagbitbit ng pasalubong
si Em sa bahay; bata. Si Marela, biktima ng
human mass execution sa probinsya. Survivor
siya pero may takot sa pagkatao niya.
Nabuhayan si Amanda dahil sa wakas
magkakaanak siya ng babae, kahit na di totoo.
Sa dami ng nangyari tanging si Bingo lamang
ang katuwang at napapagaan ng pasaning
dinadlang ina. Ang pinaka bata at inosente
ang sumasalo at pumupunan ng kakulangan
ng mga nakakatandang kapatid.
Sa mata ni Amanda , nabuo ang kaisipan
at pakahulugan ng buhay na babae sa lipunan.
Ang kahalagahan ng isang tao sa mundong
ginagalawan niya. Ang mumunting linyang
nais niyang sabihin sa pamilya na naipon ay
nagging sandigan ng katatagan niya.
Siya na ngayon ang makabagong Amanda
Bartolome, ki lamang bastsa ina, asawa,
babae kundi isang taong mulat sa kamalayan,
ngayo’y alam, naiintindihan at babaguhin na
ang lahat.

Tema/Paksa:
Ang Paksang diwa ng nobelang “Dekada
70” ay patungkol sa sistema ng pagbabago sa
buhay ng isang tao. Ang Pagsusumikap ng
taong makibagay kung hindi man ay baguhin
ang sarili niya para maitama at maputol ang
tanikalang nagkukulong sa mga nais niyang
gawin at sabihin. Pagbabago na dapatna
pagdaanan para maging makabagong nilikha
ng mundo.

Pagkakasulat:
Ang paggamit ng kolonyal at balbal na
salita ang istilong ginamit ni Lualhati Bautista
pang masalaysay at mauri ang mga persona
at katangian sa akda. Nagbibigay buhay ang
paggamit ng tiyak na pangyayari mula sa mga
pangunahing pagkukunang impormasyon para
makiayon ang nobela sa kasalukuyang
panahon.

III. Pangwakas
A. Pagbubuod
Ang kahinaan ng akda ay ang pagdomina
ng katauhan ni Jules sa loob ng akda na
nagbigay kakulangan sa ibang karakter
tulad nina Jayson, Gani at Bingo. Kung di-
napigilan ng awtor ang kaisipan ni Jules ay
baka tuluyan na nitong nakain ang buong
akda.
Ngunit kahanga-hanga pa rin ang
transisyon ng pangyayari sa loob ng
nobela. Mahusay na pagkakapili ng mga
salitang ginamit para mas mabigyan ng
buhay ang bakuuan ng akda at ang
damdaming nanaig sa bawat karakter na
mararamdaman ng mambabasa.

B. Kongklusyon
Ang “Dekada 70” ay isang “obra
maestra.” Isa itong patunay na kaya pang
makipagsabayan ng panitikang Pilipino sa
ibang dayuhang panitikan.
Ang nobelang ito’y nagpapaalab ng
damdaming makabansa, makatao at
makababae upang bigyang pansin ang
pantay na tinging pagkakabuklod natin sa
lipunan.

C. Rekomendasyon
Ang tangi kong masasabi at
maimumungkahi sa akda ay ang
pagkakaroon nito ng dagdag pang
paglalarawan sa buhay ng ilang tauhan.
Ang ilang eksena’y masyadong
pinagtuunang pansin na napang-ibabawan
nito ang ilang eksenang patay at tigang
sa paglalarawan.