You are on page 1of 2

Plagiarism, Pangongopya

at Pagkalimot
Tila ay nauuso na ang Plagiarism sa Pilipinas, hindi sa mga estudyante kundi sa
mga may katungkulan at kilalang tao sa lipunan. Ang Plagiarism sa isang payak
na pang-unawa ay ang pangongopya ng gawa partikular na sa literatura at
hindi pagbanggit sa orihinal na may-akda. Para sa mga mag-aaral bagsak na
grado ang kaparusahan sa paglabag na ito ngunit sa mga matataas na tao ay
tila OK lang ang ganitong gawain.

Kabilang na sa mg naakusahan ng Plagiarism ay sina Assoc. Justice Mariano del


Castillo nang magsulat ito ng desisyon patungkol sa mga comfort women
noong panahon ng Hapones. Naging malaking isyu ang nasabing kaso pero
walang naging disciplinary action ang Kataas-taasang Hukuman ng bansa at
sa katunayan ay ipinagtanggol pa nila ito. Maging si Manny Pangilinan ay
lumabag din sa Plagiarism ng magbigay ng talumpati sa Graduation ceremony
ng Ateneo de Manila University. Ang pinakahuling na-isyu sa Plagiarism ay si
Sen. Tito Sotto nang magbigay siya ng talumpati na tumututol sa pagpasa ng
Reproductive Health Bill. Naging laman ng mga balita ang akusasyong ito
ngunit pinabulaanan naman ito ng senador. Sa kaso ng mga estudyante ay
isang malaking kamalian ang gawaing ito pero sa mga matataas na tao sa
lipunan ay tila ba wala lang. Isang palatandaan ng pagiging tamad at
walang kakayahan ang Plagiarism. Kaya nagagawa ito ng mga mag-aaral ay
sa kadahilanang hindi nila kayang gumawa ng sarili nilang akda. Ganito rin
kaya ang mga sikat na taong nabanggit? Ibig sabihin ba nito ay wala rin silang
kakayahan at tamad?

Marahil ay hindi naman siguro masasabing tamad o walang kakayahang ang


mga taong sinasabi. Masyado lang sigurong marami ang kanilang inaasikaso at
trabaho kung kayat sa tauhan na nila ipinapagawa ang kanilang talumpati at
nirerebisa na lang nila. Ang ibig sabihin lamang nito ay walang alam at
kakayahan ang kanilang mga tauhan. Maraming paraan para malaman kung
Plagiarized ang isang artikulo. Nandiyan naman si Google, wag tatamad-
tamad upang makaiwas sa mga isyu.
Tunay na nagkasala sa kasong
plagiarism

BUGBOG sarado si Senador Tito Sotto sa isyu ng plagiarism o pangongopya sa mga


bantog na statements ng iba. Ngayon, sinampahan pa siya ng kaso sa Senate Ethics
Committee kaugnay ng usapin.

Pero sa totoo lang, kung sinasabing may kasalanan si Tito Sen, ito ay dapat panagutan
ng kanyang legislative staff na siyang naghahanda ng kanyang mga talumpati. Ang
hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan pa niyang patagalin sa tungkulin ang
kanyang mga palpak na tauhan na nagsubo sa kanya ng mga kinopyang pahayag.

Kaya hayan, parang binigyan ng ammunition ang mga kumokontra sa kanya tulad ng
mga sector na pabor sa Reproductive Health (RH) Bill. Pabor ako sa family planning
pero iginagalang ko ang salungat na pananaw gaya nang kay Sotto. Nakita natin ang
pagiging emosyonal ng mambabatas na ito kapag ang pagtutol niya sa bill ang
pinag-uusapan.

Wika nga ng isang kaibigan ko na nakikisimpatiya kay Sotto, well-funded ang grupo ng
mga RH Bill advocates kaya walang habas kung tirahin si Sotto. As I was saying, dapat
antimanoy kinastigo na ni Sotto at sinibak ang mga tauhan niyang dapat managot.

Naalala ko pa nang unang sumabak sa politika si Sotto. Ang approval rating niya ay
napakataas at posibleng maging Presidente ng Pilipinas kung tumakbo. Pero parang
lobong sinundot ng aspili nang lumabas ang usaping ito sa plagiarism. Ganyang kabilis
makapanira ang social network na dooy kataku-takot na tuligsa ang tinanggap niya.

Sabi nga, kung below the belt ang cyber bullying na inabot ni Amalayer coed na
nakipag-away sa lady guard ng LRT, higit na below the belt ang mga upak na inabot ni
Sotto. Iginagalang natin ang paninindigan ni Sotto bagamat maaring kakaiba sa aking
pinaniniwalaan. Wika nga we can disagree without being disagreeable. Pero tulad ng
nasabi ko, nagkamali man siya, ang dapat managot ay yung mga tauhan niyang
nagtulak sa kanya para magkamali.

Pati kredibilidad ni Sotto ay nawasak dahil sa kapalpa-kan ng kanyang mga tauhan.

Anong masasabi mo Atty. Hector Villacorta, kasama ng mga angels mo na kung ban-
sagan ngayon sa Senado ay mga plagiarism girls?