You are on page 1of 4

Lesson 3: Yamang Tao ng Asya

Yamang Tao Ito ay tumutukoy sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang maghanapbuhay upang
mapaunlad ang sarili at ng bansa sa kabuuan

Dami ng Tao:

Ang Asya ang bumubuo ng mga higit 60% ng populasyon ng daigdig. Nakaaapekto ang malaking populasyon
ng isang bansa. Kapag malaki ang populasyon ng isang bansa, marami itong taong magpapatakbo ng mga
gulong ng mga industriya, marami itong taong kikita at magbabayad ng buwis, at marami itong taong
kokonsumo ng mga produkto. Ngunit, problema rin ang may malaking populasyon. Kapag malaki ang
populasyon ng isang bansa, malaki rin ang gagastusin ng pamahalaan sa ibat-ibang serbisyong pampubliko.

Komposisyon ayon sa Edad:

Dependency Burden ang mga nasa edad na hindi nagtatrabaho ay nakasalig sa mga nasa edad na
nagtatrabaho.
Porsyento ng Edad ng hindi nagtatrabaho
Dependency Rate =
Porsyento ng Edad na nagtatrabaho

Porsyento ng mga taong nasa edad 014 taong gulang


Child Dependency Rate =
Porsyento ng mga taong nasa edad 1564 taong gulang

Ang mga bansang maraming batang populasyon ay may mataas na child dependency ratio.
Nangangahulugan itong maraming bata ang umaasa sa mga nagtatrabaho. Sa darating na mga panahon,
ang batang populasyon ay sasama sa lakas-paggawa at makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya
Porsyento ng mga taong nasa edad 65 taong gulang pataas
Aged Dependency Rate =
Porsyento ng mga taong nasa edad 1564 taong gulang

Ang mga bansang maraming matatanda ay may mataas na Aged Dependency Ratio. Nangangahulugan
itong mas maraming matanda ang sinusuportahan ng mga nagtatrabaho. Masama ito sa ekonomiya dahil
hindi na kasama ang matatanda sa lakas-paggawa ng bansa. Samakatwid, hindi na sila makatutulong sa
pag-unlad ng ekonomiya

Kasarian

Mas marami ang lalaki kaysa babae sa Asya. May implikasyon sa pag-unlad ng ekonomiya ang hindi pantay
na pagkakataon ng mga lalaki at babae. Sa maraming bansa sa Asya, mas malaki at mas marami ang
oportunidad ng mga lalaki kaysa babae. Mas higit ang pagkakataon ng mga lalaki na makapag-aral at
makapagtrabaho.
Bilis ng Paglaki ng Populasyon

Kapag mabilis na lumalaki ang populasyon, nagkakaroon ng pressure sa kapaligiran at sa ekonomiya. Mas
maraming pinagkukunan ang kailangang gamitin para sa pagkain, panggatong, tubig, bahay, at damit. Upang
matugunan ang mga pangangailangan ito, kailangan ang pamumuhunan upang lumago ang ekonomiya.

Kapag lumiliit ang populasyon ng bansa, nababawasan ang lakas-paggawa nito. Ngunit nababawasan
naman ang gastusin sa mga batayang pangangailangan ng mga tao.

Antas ng Kita

Sa maraming bansa sa Asya, hindi lumalaki ang kita ng mahihirap, pero lumalaki naman ang kita ng
mayayamang. Kaya patuloy na lumalaki ang agwat ng mayayamang at mahihirap, lalo na sa antas ng kita,
edukasyon, at kalusugan. Ang mga mayayamang lang nakikinabang sa paglago ng ekonomiya habang hindi
naman nagbabago ang kalagayan ng mahihirap.

Literacy Rate

Literacy Rate tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na marunong bumasa at sumulat.

Mataas ang literacy rate ng mga bansa sa Asya. 36 sa 49 na bansa sa Asya ang may literacy rate na 85%
pataas.

Edukasyon ang kailangan upang matutong bumasa at sumulat ang mga tao. Nililinang ng mataas na kalidad
ng edukasyon ang yamang tao na kailangan upang Tumaas ang kakayahang makipagkompetensya sa
larangan ng ekonomiya. Edukasyon ang puhunan ng mga tao para sa pag-unlad.

Sa kasalukuyan, patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong marunong bumasa at sumulat sa ibat-ibang
dako ng mga bansa sa Asya. Bawat bansa ay gumagawa ng mga hakbang upang ang mga kamangmangan
ay unti-unting mawala. Naglalaan ng badyet ang pamahalaan ng mga bansang Asyano upang maging
modernisado at Tumaas ang kalidad ang edukasyon.

Life Expectancy Rate

Ang antas ng life expectancy ay ang pangunahing palatandaan kung ang populasyon ay masasabing mataas
ang antas ng kalusugan. Mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng mga mamamayang may malusog na
katawan at kaisipan dahil ito ang lakas-bisig na kinakailangan sa pag-unlad. Kapag malusog ang katawan at
kaisipang ng mga tao, makakaasa sila ng mahabang buhay.
Bahagdan ng Lakas-Paggawa

Lakas-Paggawa ito ay tumutukoy sa mga taong may edad na 15 hanggang 64. Tinatawag din ito bilang
economically active population ng International Labour Organization (ILO)

Sa Asya, mga 67.78% ang populasyon na kabilang sa lakas-paggawa. Kabilang dito ang mga nagtatrabaho
at hindi nagtatrabaho.

Ang lakas-paggawa ay isa sa mga salik ng pag-unlad ng ekonomiya. May kinalaman ito sa pagpupunyagi ng
isang tao na gamitin ang kanyang isip at lakas upang makalikha ng yaman, kasaganaan, at mga bagay na
kailangan niya sa buhay.

Nakasalalay ang lakas-paggawa ng isang bansa sa populasyon nito. Kapag mas malaki ang populasyon,
mas malaki ang pagkukuhanan ng lakas-paggawa. Kailangan ang lakas-paggawa ay sanay at malusog.

Migrasyon

Migrasyon isang proseso ng paglipat ng Tirahan mula sa isang lugar o rehiyon patungo sa isa pang lugar
o rehiyon.

Ang migrasyon sa loob at sa pagitan ng ibang bansa ay nagbibigay-daan sa pagbabago sa komposisyon ng


populasyon ng ibang bansa.

Ang migrasyon sa loob at labas ng Asya sa kasalukuyan ay dala na rin ng globalisasyon. Dahil sa
globalisasyon, madaling nagkakaugnay ang ekonomiya ng mga bansa. Unti-unting inaalis ang mga taripa at
iba pang mga hadlang sa pandaigdigang kalakalan. Hindi lamang naging madali ang pagpasok ng puhunan
sa mga bansa kundi dumagsa rin ang mga migrante at iba pang manggagawang nagpapaunlad sa lokal na
ekonomiya.

Malaki ang Epekto ng mga migrasyon. (1) nagkakatrabaho ang mga migrante. (2) Maaaring lumiit ang
populasyon ng iniiwang lugar at lumalaki ang populasyon ng pinupuntahang lugar. (3) Paglanap ng mga
krimeng transnasyonal, ito ay ang mga krimen na may aktwal o potensyal na Epekto na lagpas sa mga
hangganang pambansa.

Human Development Index

Human Development Index ito ay isang mabisang paraan upang matukoy ang kaunlaran, antas ng
kabuhayan, at pamumuhay ng mga Mamamayansa isang bansa. Ito ay ang buod sa pagsukat ng kaunlaran
ng mga Mamamayan sa isang bansa.

Mga Sukatan sa pagkuha ng Human Development Index:

1. Life Expectancy Rate


2. Average years of Schooling Tinatayang taon ng pag-aaral ng mga mamamayang may 25 taong
gulang pataas
3. Expected years of Schooling inaasahang taon ng pag-aaral sa paaralan. Ang expected years of
schooling ay 18 taon.
4. Standard of Living o Antas ng Pamumuhay
A. Gross National Income (GNI) per capita pinagsama-samang kita ng pambansang ekonomiya mula
sa naging produksyon nito at ang pagmamamay-ari ng mga Salik ng produksyon
B. Purchasing Power Parity (PPP) isang paraan upang matukoy ang pambansang kita sa
pamamagitan ng pagpapakita ng Kinakailangang bilang ng currency unit ng isang bansa sa pagbili ng
parehong dami ng produkto at serbisyo ng ilang bansa.

You might also like