You are on page 1of 7

ALAMAT NG AMPALAYA

NARRATOR 1: Noong unang panahon, sa isang mahiwagang lupain na kung saan ang mga gulay na ating

kinakanin ngayon ay may sariling isip at diwa. Tinawag itong lupain ng sariwa na kung saan ay tinutubuan

at pinamamahayan ng iba't ibang uri ng gulay.

NARRATOR 2: Sa lupaing iyon ay naroon si kalabasa na may kakaibang tamis,

KALABASA: Yummmm.. Naiiba talaga ang aking tamis

NARRATOR 2 : Si kamatis na may masutlang kutis,

KAMATIS: Napakakinis ng aking balat..

NARRATOR 2 :Si labanos na labis ang kaputian, si luya na may natatanging anghang,

LUYA: Ibang iba talaga ang aking anghang..

NARRATOR 1 : Si mustasa na may luntiang pisngi, si patola na maganda ang pagkapantay ng gaspang ng

balat, si singkamas na kakaibang lutong, si sibuyas na may manipis at nakakaiyak na balat, at si Talong na

may malalim na lila ang kutis. Lahat ay natatangi at may kakaibang maipagmamalaki. Sa kakaibang lupain

na ito ay tuloy tuloy ang pagusbong ng mga bagong halaman at ito ay malugod namang tinatanggap ng

mga naunang halamang umusbong pa dito. Isa sa ma bagong halamang umusbong ay ang kakaibang si

Ampalaya. Si Ampalaya ay kakaiba sa aspetong ang kulay ng kanyang balat ay napakaputla at ang kanyang

lasa hindi maipaliwanag.

NARRATOR 2: Sa paglipas ng mga araw ay nagsimulang gumapang ang inggit ni ampalaya sa mga

kasamahang gulay. Bagamat tanggap at nais siyang makasalamuha ng ibang gulay sa lupain ay pilit niya

itong itinutulak papalayo.

KALABASA: Kumusta Ampalaya? Halika sumama ka sa amin ni Kamatis .

KAMATIS: Tama! Sumama ka sa amin mamasyal tayo sa kabilang bukirin..

TALONG: Maganda ang araw ngayon halika at sumama ka sa amin pupuntahan natin ang iba pa nating

mga kaibigang gulay.


LUYA: Kaibigan sila nga pala si Kalabasa, Kamatis at Talong mga kasama natin sila dito.Nais daw nilang

maging malapit sa iyo at siyempre maging kaibigan namin.

AMPALAYA: Huwag kayong lumapit! Hindi ko kayo kailangan! Lumayas kayo! Huwag ninyo akong dikitan!"

NARRATOR 1: Ang pasigaw na babala ni ampalaya sa mga nagmamagandang loob na bungang nais

lamang siyang kaibiganin. Dahil sa paulit ulit na pagtataboy sa mga kasama ay nilayuan nga siya ng mga

ito. Sa halip na matahimik sa piniling buhay ay patuloy na kinain ng inggit at galit ang puso ni ampalaya.

NARRATOR 2: Isang maalinsangang gabi ay namulaklak ang maitim na balak ng mapag-isang si ampalaya

laban sa kanyang mga kasama.

AMPALAYA: "Kailangan ko ng magkaroon ng natatanging lasa, kulay, at ganda katulad ng ibang mga gulay!.

Kung hindi man ay mahigitan pa sila!"

NARRATOR 1: Ang bulong ng ganid na ampalaya habang pinaghahandaan ang pagsasagawa ng kanyang

maitim na balak. Sa kalaliman ng madilim na gabi, ay dahan dahang gumapang sa mga balag ng mga

walang kamalay malay at natutulog na gulay si Ampalaya. Doon ay kinuha niya ang lahat ng magagandang

katangian ng mga gulay sa bayan. Kinuha nya ang tamis ni kalabasa, ang anghang ni luya. Isinilid din niya

sa bayong na dala ang nakasampay na kaputian ni labanos, kakinisan ni kamatis, gaspang ni patola, ang

manipis na balat ni sibuyas, at ang lilang kutis ni mustasa. Ipinuslit din nya ang lutong ni singkamas.

AMPALAYA: Hahahaha! Sa wakas nasa akin na ang lahat ang mga natatanging lasa, kulay, ganda, at

katangian ng mga gulay. Ako naman ang kaiingitan nila!"

NARRATOR 2: Ang bulong ni ampalaya asa sarili habang ito ay paalis sa kanyang mga biktima.

NARRATOR 1: Kinabukasan ay umugong ang balita ng malawakang nakawan na naganap sa bayan ng

sariwa. Nagtipon-tipon ang mga gulay upang pagusapan ang kalapastanganang naganap, ngunit ito ay

naisantabi ng makita nila ang isang katangi- tanging gulay, isang dayuhang gulay. Ang dayuhang gulay ay

may iba't ibang kulay ng balat, magkahalong kinis at gaspang at samu't saring masasarap na lasa. Ang

dayuhang gulay ay pinagkaguluhan. Lingid sa kaalaman ng lahat ayun ay ang mapangahas na si ampalaya

na lihim na naghuhumiyaw sa tuwa sa kasikatan at pagpupugay na natatanggap sa mga kasamahang

dating umiiwas sa kanya.

NARRATOR 2: Ngunit sabi nga sa kasabihan, walang lihim na di nabubunyag. Naging mapaghinala ang
ilang gulay sa biglang pagdating ng bagong gulay na tila ba kasabay ng nakawang naganap kinagabihan. Sa

pamumuno ni kamatis ay palihim nilang sinundan ang dayuhang gulay ng umuwi ito ay umuwi sa balag

nito. Nagkubli ang mga gulay at nabigla sa natuklasan. Habang hinuhubad ng dayuhang gulay ang

makukulay nitong balat at lasa ay lumabas ang gulay sa likod nito... si ampalaya.

NARRATOR 1: Hinuli at ihinarap ng mga gulay ang tusong si ampalaya sa diwata ng lupain. Sa harap ng

mga gulay ay nilitis si ampalaya. Nangako ang diwata na muling manunumbalik ang mga nawalang

katangian na ninakaw ng bugnuting si ampalaya.

DIWATA: Hindi pa nililikha ang magtataglay ng lahat ng katangian ng mga gulay. Bilang parusa, mananatili

sa iyo ang lahat ng ninakaw mong katangian ng mga kasamahan mong gulay."

NARRATOR 2: Ang paghuhusga ng diwata kay ampalaya. Lihim namang natuwa ang nagipit na si

ampalaya.

AMPALAYA: Anong uri ng parusa iyon?" ang mapanlamang na bulong ni ampalaya sa sarili. Nagkatinginan

na lamang ang mga ninakawang gulay at nagtiwala sa matalinong karunungan ng diwata.

NARRATOR 1: Nang matapos ang paglilitis ay muli bumalik sa mga ninakawang gulay ang kanilang mga

nawalang lasa, kulay, at ganda. Laking tuwa naman ni ampalaya na siya ay nakatakas sa kasalanang

ginawa ngunit ilang saglit lamang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Nag-away ang lahat ng lasa ng

ninakaw ni amapalaya sa loob ng kanyang katawan. Nangulubot ang kanyang balat ng magtagisan ang

kakinisan at kagaspangan ng kanyang mga ipinuslit. Nagsilbing madilim na mantsa sa kanyang dating

makulay na balat ang naghalu-halong mga kulay.

Mula noon ay naging hindi na kaaya-ayang tignan at kainin si ampalaya. Nagsisisi at nagpakumbaba na

ang gulay na ito. Sa likod ng tila ba sumpang parusa sa kaniya ay nagtatago ang kakaibang sustansya na

mula sa kapaitan ng mga naghalong lasa.


Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ang paligid ay pawang kaliwanagan. Wala pa noong gabi sapagkat
laging magkasama ang Araw at ang Buwan.

Bilang mag-asawa, pala-utos ang Araw sa Buwan. Hindi nito binibigyan ng kapantay na
karapatan ang Ina ng Tahanan. Sobra naman sa bait si Buwan. Lahat ng utos ni Araw ay
sinusunod niya. Kahit na ang ipinag-uutos ay dapat na suriin at pabulaanan.

Minsang magbalak mamasyal si Araw ay inutusan niya si Buwang ipaglaga siya ng mga
dahon ng gabi.

Araw: Kailangang puno ng nilagang dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko! utos ni
Araw sa nahihintakutang si Buwan.
Buwan: Pe pero tiyak na uurong ang mga dahon ng gabing ilalaga ko, marahang
paliwanag ng Buwan na mistulang sunud-sunuran sa kaniyang asawang naghahari-
harian.

Araw: Basta tiyakin mong puno ng dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko! pasigaw na
diin ng Araw sa nanginginig na maybahay.

Nag-iiyak nang nag-iiyak ang Buwan. Alam niyang hindi mapupuno ang palayok kapag
nilaga sa kalan. Sapagkat lubos na mabait ang Buwan, pinagtiyagaan niyang lutuing
mabuti ang mga dahon ng gabi. Pero kahit sikaping mapuno ang palayok ay hindi niya ito
magawa. Lagi at laging may bakante pa ring lugar sa loob ng palayok na
pinagpapakuluan.

Nang magbalik ang Araw at itanong ang mga dahon ng gabi ay napailing ang Buwan.

Buwan: Giginawa kong lahat ang makakaya ko pe.pero hindi ko mapunu-puno ang
palayok sapagkat umuurong ang mga dahon ng gabing inilalaga ko.

Araw: Laging ganiyan ka! panumbat ng Araw.

Araw: Noong isang linggo pinapalitan ko sa iyo ng ibang kulay ang asul na karagatan
pero di ka man lang nakasunod sa aking kautusan! At hindi ba pinakiusapan din kitang
pantayin ang lahat ng burol at bundok sa kanluran pero ano ang ginawa mo? Ipinagkibit
balikat mo lang ang utos ko!

Buwan:Asawa mo ako at di utusan! nangatal ang boses ng galit na galit na Buwan.


Pantay lang ang ating karapatan. Kung utusan ang turing mo sa akin, mabuti pang tayo
ay maghiwalay.

Araw: Aba, kung yan ang gusto mo ay susundin ko, taas noong sagot ni Araw.

Buwan: Ako ang ina ng mga bata kaya kailangang sa akin sila sumama.

Araw:Para mamatay sa lamig mo? nanghahamong tugon ng Araw.

Buwan:Paano kung isasama mo sila? Tiyak na mamamatay sila sa sobrang init mo!

Araw: Sa akin dapat sumama ang mga bata. Ako ang ama nila!

Buwan: Ako ang ina na laging kayakap nila!

Nag-away ang dalawa. Sa paghahatakan nila sa mga anak ay nahulog ang mga bata sa
kalawakan. Mabilis na hinabol ng Buwan ang mga anak na naging kumpol ng Bituin sa
kalangitan. Ang Araw ay kuntento namang naghihintay na lamang sa kaniyang makinang
na trono sa kalangitan. Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng asawa at mga anak.

Mapapansing sa umaga at katanghalian matatanaw natin ang mapagmalaki at


magagaliting Araw sa kalangitan.
Sa gabi naman, makikita natin ang malamlam na liwanag ng Buwan at kikislap-kislap na
mga Bituin sa kaitaasan.

ANG TIGRE AT ANG LOBO

Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan. Kakainin na sana ng
mabangis na Tigre ang kaniyang huli nang itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at nagwikang,

Lobo: Teka, teka. Alam mo bang kaproproklama lamang ng mga Bathala na ako na raw
ngayon ang Hari ng Kagubatan?

Tigre: Ikaw? Hari ng mga Hayop?

Lobo:Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa buong kagubatan.


Tingnan mo lang kung hindi matakot ang lahat makita lang ako!
Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o hindi ang tinuran ng Lobo.

Mayabang na lumakad sa harapan ng Tigre ang Lobo. Nang ayain ng Lobo ang Tigreng
umikot sa kagubatan ay napasunod ito.

Malayo pa lamang sa mga Usa ay kumaway-kaway na ang Lobo sa mga hayop na may
mahahabang sungay. Takot na napatakbong papalayo ang mga Usa. Ganoon din ang
naging reaksiyon ng mga Kambing, ng mga Kuneho at ng mga Tsonggo.

Usa: ( mukhang takot na takot at tatakbo papalayo ) Naku!

Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo at mga Kabayo.

Takang-taka ang Tigre.

Nang magtakbuhan sa sobrang takot ang mga hayop ay mayabang na nagsalita ang
Lobo,

Lobo: Kaibigan, naniniwala ka na bang ako na nga ang Hari ng Kagubatan?

Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na silang dalawa sa mga hayop ay lagi at laging
nasa likod niya ang tusong Lobo.

Napag-isip-isip niyang hindi sa Lobo takot ang Usa, ang Kambing at Kuneho. Hindi rin
dahil dito kaya kumaripas ng takbo ang Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang
manlisik na ang mga mata ng Tigre at magsitayo na ang mga balahibo nito sa galit ay
mabilis pa sa alaskwatrong nagtatakbong papalayo ang takut na takot na Lobo.

Aral: Dapat na maging mapanuri upang malaman ang layunin ng


mga taong nakapaligid sa atin.