You are on page 1of 15

Aralin 2.

2: Ako Poy Pitong Taong Gulang


(Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean)

Mag-Aaral na gagamit: Grade-9

Panimula
Pang-aabuso sa mga kabataan ay talagang talamak na kahit saang panig
ng daigdig.

Marahil maitanong mo sa iyong sarili ang kadahilanan kung bakit may


mga batang sa halip na mag-aral ay naglalako ng kung ano-ano sa daanan.
Ganito ang masasaksihan sa Dagli na mula sa Caribbean, kung saan
ipinapakita ang kalagayan ng mga kabataan sa Isla. Ang Caribbean ay
nasasakop lahat ng Isla na matatagpuan sa Timog-Silangan ng Gulpo ng
Mexico at Silangang bahagi ng Central America at Mexico gayundin ang
Hilagang bahagi ng South America.

Layunin
1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kwentong nasa anyong dagli ng
rehiyon ng isla ng Caribbean na pinamagatang Ako Poy Pitong Taong
Gulang.
2. Nakasusulat ng sariling dagli hinggil sa sariling karanasan sa buhay.

Sakop na Oras: 1 oras

Kagamitan: tsart (talahanayan), diagram(linear venn, converging radial).


Mga Hakbang sa Pagkatuto

Tuklasin natin!
Sagutin ang kasunod na mga gawain. Makatutulong ito upang sa
gayoy maunawaan mo kung paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang
pampanitikan? At paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng
pangyayari at damdamin sa pagsulat ng sariling dagli?

Gawain 1: Patotohanan
Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo.
Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Totoo Konsepto Tungkol sa Aralin Hindi Totoo


1. Ang dagli ay mga sitwayong may
nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksyong umuunlad, gahol ang banghay,
at paglalarawan lamang.
2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at
walang timping nangangaral, namumuna,
nanunudyo, o kayay nagpapasaring.
3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng
paghihimagsik.
4. Ang mga salitang malungkot, takot na
takot at tuwang-tuwa ay nagpapahayag
ng damdamin.
5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong
bata pa ako at kamakailan lang ay
ginagamit upang maglarawan ng mga
pangyayari.
Gawain 2: Magsaliksik
Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng mga isla sa Caribbean.
Gamit ang impormasyong nakuha ay magtala gamit ang fan fact
analyzer. Pagkatapos, sagutan ang tanong na nasa ibaba.

Tanong: Paano nakaapekto sa pamumuhay at kultura ng mga taga-isla


sa Caribbean ang pananakop sa kanila ng iba-ibang bansa?
Linangin natin!
Tiyak kong handa ka nang basahin ang dagling ito!

Ako Poy Pitong Taong Gulang

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira po ako sa isang Isla sa


Caribbean. Ako poy pitong taong gulang. Noon poy ibinigay ako ng aking
mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko sa araw-araw gumigising


po ako ng alas singko ng umaga. Umiigib ako sa isang balon na malapit sa
amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo.
Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa
pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po ako ng paghahain ng
almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong


gulang na anak ng lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at
paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi po oras ng pagkain,
kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mg autos nila,
asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at
hugasan ang pinagkainanat linisin ang kusina. Hinuhugaan ko rin po ang mga
paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at
sinampal niya po ako dahil sa galit. Sanay hindi nap o siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti


naman po ito kaysa sa giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit
po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi po ako kailaman pinayagan
ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi
po ay sa salas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig
sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong
sumulat nito. Ayaw po nila kasi akon payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia

-Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. 2011. Lorimar Publication
Gawin natin!

Gawain 3: Unawain mo

Pangyayari 3
Ako Poy
Pitong Pangyayari 2
Taong Tauhan Pangyayari
Gulang Tagpuan
1

Sagutin ang tanong.

1. Suriin ang tauhan, at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng


grapikong representasyon.
2. Ihambing ang tauhan ng dagling binasa sa tauhan ng alinmang dulang
pantelebisyon na may pagwawakas. Sundan ang grapikong
representasyon

Tauhan

Nabasa Napanood

Pagkakatulad Pagkakaiba
3. Saan higit na nakatuon ang binasang dagli? Lagyan ng tsek(/) ang sagot
at ipaliwanag.

Tauhan dayalogo
Banghay paglalarawan ng matinding damdamin
Tunggalian paglalarawan ng tagpo

Paliwanag:

4. Ano ang pagkakaiba ng dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad


halimbawa ng maikling kuwento? Paghambingin sa tulong ng venn
diagram.

Dagli Maikling kuwento


Paglalapat

Subukan !
Sa pagkakataong ito ay susubukin ang iyong mga natutunan sa araling ito.

Alam kong kaya mo!

Gawain 4: Nagkaroon ng patimpalak sa inyong paaralan hinggil sa


pagsulat ng isang dagli na natutungkol sa mga karanasan mo nang ikay bata
pa. Ikaw ang napiling magpresenta para sa inyong klase.

Sumulat ng isang dagli !


Pagtataya
I. Tukuyin ang inilalahad sa bawat bilang.
1. Siya ang unang European na nakarating sa Caribbean.
2. Ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
3. Gulang ng bata sa dagling binasa.
4. Ang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean.
5. Dahilan kung bakit pinalo ng sinturon ang bata sa dagling binasa.

II. Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang mga nakalahad sa bawat bilang.

1. Ano sa tingin mo ang magyayari kay Amelia matapos niyang ilahad


ang kanyang mga nararasan bilang isang bata?
2. Bakit sa tingin mo hindi si Amelia ang sumulat ng sarili niyang
mga karansan?
3. Sa iyong palagay, bakit napunta sa ganoong sitwasyon si Amelia?

Binabati kita!
Dahil natapos mo ang araling ito!
Ating alamin kung tama ang iyong mga sagot..
Gawain 1: Patotohanan
Tukuyin

kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo. Lagyan ng


tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Totoo Konsepto Tungkol sa Aralin Hindi Totoo

1. Ang dagli ay mga sitwayong may


/ nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksyong umuunlad, gahol ang banghay,
at paglalarawan lamang.

2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at


/ walang timping nangangaral, namumuna,
nanunudyo, o kayay nagpapasaring.

/ 3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng


paghihimagsik.

4. Ang mga salitang malungkot, takot na


/ takot at tuwang-tuwa ay nagpapahayag
ng damdamin.

5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong


bata pa ako at kamakailan lang ay
/ ginagamit upang maglarawan ng mga
pangyayari.
Gawain 2: Magsaliksik
Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng mga isla sa Caribbean.
Gamit ang impormasyong nakuha ay magtala gamit ang fan fact
analyzer. Pagkatapos, sagutan ang tanong na nasa ibaba.

Tanong: Paano nakaapekto sa pamumuhay at kultura ng mga taga-isla


sa Caribbean ang pananakop sa kanila ng iba-ibang bansa?

Dahil sa pananakop sa isla ng Caribbean ng iba-ibang bansa ang


kanilang pamumuhay ay nalipol kasabay ng halos pagkalipol ng mga
taal na katutubong tribu na nakatira rito. Samantala, dahil na rin sa
Pananakop ay pabago-bago ang kanilang kultura.
Gawin natin!

Gawain 3: Unawain mo

Ako Poy
Pangyayari 3
Pitong
Taong Tauhan Pinakain ng
Pangyayari
Gulang Tagpuan Pangyayari tirang
Amelia 1
2 pagkain
Caribbean Gumising
Naghatid sa Hindi
Paaralan Nag-igib paaralan pinaligo ng
Palengke sariling inigib
Naghanda Naghain ng
ng almusal tanghalian Sa labas
Bahay ng
amo pinatulog,
Pinalo ng Gumawa ng
minsan sa
sinturon mga gawaing
sahig
bahay
pinatutulog
Pinaghugas
Hindi pinag-
ng paa ng
aral.
amo

Nasampal ng
amo

Sagutin ang tanong.

1. Suriin ang tauhan, at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng


grapikong representasyon.
2. Ihambing ang tauhan ng dagling binasa sa tauhan ng alinmang dulang
pantelebisyon na may pagwawakas. Sundan ang grapikong
representasyon.
Tauhan

Sa nabasang dagli sa isang tauhan


lamang umiikot ang kwento

Sa napapanood may iba tauhan na


pinagtutuunan ng pansin.

Nabasa Napanood

Inilalarawan ang pangyayari. Inaaksyon ang mga pangyayari.

Walang pag-unlad sa May wakas at umuunlad ang mga


pangyayari, walang tiyak na pangyayari . Gumagamit ng mga
kahahantungan ang kwento. emosyon na makikita sa tauhang
Gumagamit ng masidhing gumaganap.
damdamin sa paglalarawan.

Pagkakatulad Pagkakaiba

Parehong nagpapakita ng ibayong walang wakas, may wakas. Pag-unlad


emosyon . ng pangyayari. Bilang ng tauhan.

3. Saan higit na nakatuon ang binasang dagli? Lagyan ng tsek(/) ang sagot
at ipaliwanag.

/ Tauhan dayalogo
Banghay paglalarawan ng matinding damdamin
/ Tunggalian paglalarawan ng tagpo
Paliwanag:

Tauhan at tagpuan sapagkat ipinapakita sa dagli ang mga karanasan ng


Isang bata. Sa kanya umiikot ang istorya. Sunod ay ang tunggalian
Sapagkat ipinapakita ang paghihirap ng tauhan sa dagli kung paano niya
Harapin ang panibagong bukas at ang bangis ng kayang amo.

4. Ano ang pagkakaiba ng dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad


halimbawa ng maikling kuwento? Paghambingin sa tulong ng venn
diagram.

Dagli Maikling kuwento


walang tiyak na May wakas
wakas
May banghay
gahol sa banghay,
May tauhan at
puro paglalarawan
may
lamang
pangayayaring
may sangkot na umuunlad
tauhan ngunit
Isang kwento
walang aksyong
Nabibigyang tuon
umuunlad
ang mga element
walang kwento
nito.
puro sitwasyon
lamang
iisa lamang ang
binibigyan ng tuon
maaaring ang
tauhan,tagpuan at
iba pa.
Gawain 4:
Pamantayan para sa pagsulat ng dagli:

1. Tema o paksa
2. Malikhain
3. Estilo sa pagsulat
4. Mensahe
5. Lakas ng dating

Tatanggap ka ng 3 puntos sa bawat pamantayan kung nagawa mo nang


mahusay; 2 puntos kung katamtaman; at 1 puntos kung dapat pang
paghusayan.

Pagtataya
I. Tukuyin ang inilalahad sa bawat bilang.

1. Siya ang unang European na nakarating sa Caribbean.--Christopher


Columbus

2. Ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang


aksyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.--dagli

3. Gulang ng bata sa dagling binasa.--pito

4. Ang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean.--spain

5. Dahilan kung bakit pinalo ng sinturon ang bata sa dagling binasa.--


nahuli sa paghahain ng almusal

II. Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang mga nakalahad sa bawat bilang.

6. Bakit sa tingin mo hindi si Amelia ang sumulat ng sarili niyang mga


karansan? ----sapagkat hindi siya marunong sumulat sapagkat hindi
siya pinayagang mag-aral.
7. Sa iyong palagay, bakit napunta sa ganoong sitwasyon si Amelia?---
dahil ang kanyang mga magulang ay isang mahirap at hindi kayang
tustusan ang kanyang pangangailan, siguro nagbakasakali silang
mapaganda ang buhay ng bata.
Nakuha ko!
Ngayon alamin natin ang iyong estado.

Kung ang iyong sagot ay halos katulad ng mga sagot na


nakita, binabati kita sapagkat nagawa mo nang
napakahusay ang lahat ng gawain! Maaari ka nang tumuloy
sa susunod na aralin.

Kung ang iyong sagot sa 1-2 gawain ay hindi magkatugma


sa nakitang sagot, kailangan mo pang pagbutihin ang iyong
pag-aaral!

Kung may isang gawain lamang ang magkatugma ang sagot


sa nakikita. Pag-aralang muli ang aralin!

Inihanda ni:

Jean B. Centeno

BSEd-3a Filipino

Pinagtibay ni:

Dr. Ronato Ballado

Dean of Student Affairs

You might also like