PUGADENIANS

(may the pugad be with you…)

THE

THE
PUGADENIANS
(may the pugad be with you…)

Pugad Baboy Association & Pugad Baboy Academy Pugad Baboy Publishing House

The Pugadenians

Authors:

Ryan Labrador Boncocan Daryl May Cerro Esmasin James Albert Tanjutco Tribiana Mary Ann Jamile Jindani Brian Iglecia Velarde Shara Jane Francia Lagutom Limberto Badion Suarez Phoebe Pasao Mendoza Joel Beruega Atienza Judith Valles Vega

Limberto Badion Suarez
a.k.a.

This book is owned by:

ambet^bear^cute
Copyright of 2009. All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information, storage and retrieval system. There are only few copies of this book. Authentication process will only undergo through PBA.

This book doesn’t have any connection to Bob Ong, Pol Medina Jr, IETI, College of Science and Technology, and any other establishments written here. If you have seen this book without a cover you should be aware that this book is pirated copy. It was reported as “unsold and destroyed” to the publisher, and neither the author nor the publisher had received any payment for this “stripped” book. And by the way, this book is not for sale. Copies of this book are only owned by PBA Board of Regents. Because we know that no one will buy a copy of this book. (Note: Naintindihan niyo po ba ‘yung nakasulat sa itaas?! Huwag pasaway huh!!!)

Dedication

The PBA Board of Regents would like to dedicate this book for themselves, to their family, to their friends and of course to their beloved alma mater, the IETI, College of Science and Technology. We thank you for your support. Please watch out for our next book entitled “The Chronicles of PBA: the Penguin, the Bear, and the Askal.” It is coming soon. We are still on the casting process. Thanks.

Before and after reading the book please recite the “Panatang Maka-PBA.” Instruction: Connect your two pointing and middle fingers as if it is a roof, then connect your two thumbs to make a base,

and close the rest of your fingers. The shape that will be made should be a triangle. Now, position the formed image to your “PUSOD”, finally, recite “Panatang MakaPBA.” (Note: Whoever will not follow, will be punish to the full extent of the law by PBA.)

“Panatang Maka-PBA.”
Iniibig ko ang P.B.A. Aking kinabibilangang assosasyon Tahanan ng aking mga kalokohan Pinulot ako at inampon Upang gawing instrumento ng kanilang kaepalan Dahil mahal ko ang P.B.A. Pakikinggan ko ang mga advice ng aking mga kamiyembro Susundin ko ang batas ng P.B.A. Tutuparin ko ang tungkuling magbayad ng admission fee Tatawa, mag-aaral, at tatawa ulit ng buong katapatan Iaalay ko ang aking yaman, kakapalan at kaepalan Sa samahang walang katulad Association’s Motto: Ang asosasyon ng mga nilalang sa ibabaw ng lupa na gumagawa ng wala… Burger lang ang katapat… 

Contents
PBA history

Internet Girl atbp. Boso Kumatok ka muna Sekreto Natuto na Ang Hiwaga, Kababalaghan, Misteryo at ang Kapangyarihang taglay ng Utot na kulay Pinkish-Blue Kaibigan Jollibee Dance Badtrip sa Programming(C) Mr. C Pingu 101 Quandary Adios Mi Amigo Quiz No.1

PBA Brief History Nagsimula ang lahat sa walang habas na kasiyahan at tawanan ng dalawang magkaibigan. Sina Dha-Dha Penguin at Ambet Bear dahil sa pagbabasa ng ipinagbabawal na comics. Ang Pugad Baboy. Naisipan nilang gumawa ng asosasyon na gumagawa ng wala at tinawag itong Pugad Baboy Association(P.B.A.). Ang

dalawang magkaibigan ang mga naging founder ng kulto at nanghikayat sila ng mga miyembro. Hindi po ito sapilitang pagsali, kundi suhulan lang para sila ay dumami. Si Yhanny, ang pusher ng PB comics, ang napagkaisahang maging Pangulo. Si Dha-Dha naman ang naging Ikalawang-Pangulo nito. Si Mimi naman, na adik sa internet, ay naging Sexytary ng kulto at si Shara naman, na pinakamayaman na miyembro, ang naging Financer. Si Ambet naman, na unang na adik sa PB Comics ang naging Legal/Illegal recruiter. Bakit kamo illegal? Kasi suhulan mo lang siya ng isang burger miyembro ka na. Wala nang tanung-tanong pa. Si Phoebz at Jojo naman ay naging mga Muse at Escort and vice-versa. Nadagdagan pa ang Board of Regents nang makigulo sina James at Brian. Si James ang naging Co-Vice-President at si Brian naman ang naging Machotary(di nga?! Questionable ‘to!). Kumatok naman sa mataas na office building ng PBA si judz. Kami ay nakaramdam ng matinding awa para sa kanya, kaya kinupkop namin siya. Akala namin ay mahiyain, nagkamali pala kami. Kaya, ayun, naging member siya ng PBA. Take note, nag-iisang member lang siya. Nag-iisa. As in! Mula nang umupo sa posisyon si Pres. Yhanny ay nagkaroon kaagad ng anomalya. Nag-set siya ng mga batas na labag sa loob ng mga miyembro at nagkaroon din ng membership fee na 200.00 Php. Ang 90% nito ay mapupunta sa Presidente at 10% lamang sa samahan. Umangal ang buong board at pinagpaliwanag ang Presidente. Sabi nito na pinapirmahan niya sa Sexytary ang mga batas na ito. Pero ang hindi alam ng Presidente ay mali ang naging proseso niya kaya pina-revise sa kanya lahat ng naunang ipinatupad na batas. Ngayon ay maayos na ang pamamalakad niya at nadaragdagan pa ang mga miyembro nito. Hanggang ngayon ay lumalago pa sila. Mag-ingat. Naisipan ng Presidente na magtayo ng isang akademya. Tinawag itong Pugad Baboy Academy. Naging tanyag ito sa maraming larangan. Mapatalino man o sa isports. Lagi silang nangunguna dahil sa galing ng mga guro at estudyante. May isa pang dahilan, wala naman silang kalaban eh.

Ngayon ay marami nang branch ang naturang akademya. Lalo pa silang yumayaman. Lalo ding dumadami ang kurakot ni Yhanny. PBA Board of Regents President: Ryan “yhanny corrupt” Boncocan Vice-President: Daryl May “dha-dha penguin” Esmasin Co-Vice-President: James Albert “manong silicon” Tribiana Sexytary: Mary Ann “mimi internet girl” Jindani Machotary: Brian “bry bosero” Velarde Financer: Shara Jane “shang ganda” Lagutom Legal/Illegal Recruiter: Limberto “ambet bear” Suarez Muse: Phoebe “phoebz boksingera” Mendoza Escort: Joel “jojo rock lee” Atienza Member: Judith “judz hinhin” Vega …ρβα… Internet Girl Atbp. by: me ann Aking ikukwento ay tungkol sa mga iba’t – ibang pangalan na tawag sa akin ng aking mga friendsisesises. Ito’y hango sa aking trulalue at walang halong eklabung karanasan na nagsimula sa aming paaralang IETI San Pedro College. Dito naghalo ang mga nilalang ng bawat kurso (And Boom! It became Coco Crunch! hehehe!!!) At dun na nagsimula ang iba’t ibang katawagan sa akin pero ayoko ng pahabain pa ito (ayoko talaga ng mahaba at paliguy- ligoy) dahil alam ko naman na atat na kayong malaman ang aking totoong ikukwento. Pero bago ang lahat, kiss muna! Uiii…. Asar ka na ba? Huwag ka nang mainip dahil eto na ang inyong hinihintay mga kampong (usong tawag sa trying hard mag- artista), butchay/butchoy (usong tawag sa gwapo’t magandang kabataan). Kung gusto ninyo pa lang malaman ang mga usong tawag sa taong ito (2009) ay text uso <space>tawag<space>gustong malaman then send to 5566. Malaman ninyo sana ang gusto ninyong malaman,

pero balik tayo dun sa ikukwento ko. Ahmm…. Ganito kasi yun… Madalas na tawag sa akin ng kaklase kong 10x ang pagkachubby ay “Internet Girl”. Bakit??? Obvious ba? Adik kasi akong mag – internet kaya ganun ang tawag niya sa akin (wag kang galit) ganito kasi yun…. Sa school kasi namin, bawat sem ay may 30 hours kami para gumamit ng internet. Truecafe ang tawag. May personal user ID at password para malaman kung ilan ang nababawas sa aming mga hours (oras I mean). Kapag wala kaming klase nandun ako sa Internet Room. Walang inatupag kundi mag-friendster at mag laro ng mga games. Hehehe… I don’t know kung bakit ba ako naadik sa Internet na parang hinihila ako nito at gustong magbutas ako ng bangko. Siguro dahil nakakalibang ang mga nagagawa sa Internet tulad ng Games, Chat, at Friendster. Sa Friendster kasi, dati hilig ko mag – add ng kung sinu – sinong nilalang para dumami friends ko at ‘getting to know each other’ ang gawa namin. Kapag friend ko na sila ‘comment to the max’ naman ako lalo na sa mga classmate ko. Mahilig din ako sa papalit – palit ng mga pretty cool backgrounds. Pero nakakasawa din pala at ubos na ang oras ko dahil dyan sa friendster na ‘yan (May natira pa naman kahit konti). Isa pa yung y8, nung una kong laro sa y8 ay may 164 games siya. Favorite game ko dun 13 days in hell… mahilig kasi ako sa barilan at patayan ng zombies. Sa fukgames naman metal slug, maganda din un pero dati ko pa un nilalaro eh! Bata pa ko hindi nga lang online. Pero pinakagusto ko super pets, kasama siya sa friendster. Cute kasi tapos pwede mo siya bilihan ng damit, pakainin, paliguan at may battle din at nag lelevel up siya. Hehe! Yun ang maganda, sa super pets magkakaroon ka din ng iba’t ibang friends na galing sa iba’t ibang lugar dahil sa mga nakakabattle mo. Pero di lang naman Internet Girl and tawag sa akin eh. My Fullname is Mary Ann Jindani, Sexytary ng sikat na Asosasyon, ang PBA. Some of my friends call me Me Ann, one of my close friend call me Mimz, cute noh! Hehehe! Pero minsan tinatawag niya kong kulisap… huhuhuhu… kasi hindi ako palasuklay ng buhok kaya sometimes ‘mahangin ba sa labas?’ kapag di maayos ang buhok ko

kung anu – anong pangalan ng insekto ang tinatawag sa akin. Yung isa ko namang teacher ‘tarsier’ ang tawag sa akin. Oh Mhaie!!! Huz dat Pokemon! Di ko yun kamukha noh!!! Ang pinaka-ayaw kong tawag sa akin ay ‘patani’ SHEDAH!! Kahiya nuh!! Di ko naman kamukha yung babae na Inglesh Speakenie na mapapanuod sa GMA 7. (OOOPS.. Sorry! Sama ko na yata.hehehe!) yung pinkamamahal kong Machotary ng PBA ang unang tumawag sa akin nun pati si Semaj basong sisiw hmp!!!. ‘Yung kambal ko naman sa school tawag naman sa akin Mimi at tawag ko sa kanya Ruru. Kambal tawag sa amin dahil lagi kaming magkasama, di nga kami mapaghiwalay eh. Hehehe! Minsan nga may isang Emongoloid ang tumawag sa amin na B1 at B2. Gumanti ako at tinawag ko siyang Doding Daga. Pero itong Doding Daga na ito ang pagpauso na baguhin ang Surname ko. Lagi niya kong tinatawg na ‘Jindaeng’. Yan tuloy pati yung iba kong Prof. ganun ang tawag sa akin. Minsan nga eh Janjalani pa tawag sa akin pero ok lang yun di naman ako madaling maasar. (Owwsss… heheh!!!) Kapag naman makulit ako oh kung anu –ano naiisip kong gawin tinatawag ako ng mga kaibigan kong Ahneng, Saltik, Adik, Baliw, at Khulet. Sa ayos naman buhok ko minsan tawag nila sa akin Chuhay/Duday o di kaya Chun – Li yung sa Street Fighter. Ang unang tumawag sa akin ng Chun-Li ay ang kapatid ko na si Rock Lee (kunwaring kapatid) na walang ginawa kundi mag paikot ng buhok sa patilya. Hehehe Maraming pangalan ang tinawag sa akin ng mga kaibigan ko. Minsan ibabase sa ugali, pananamit, hilig, itsura at kung anu –ano pa. Pero ok lang sa akin yung mga tawag nila sa akin, dun sila masaya eh… Pero kapag di na maganda yung tawag, nakakainis din. Lalo na yung mga nakakainsulto. Mabait akong kaibigan, hindi ako mapagtanim ng galit lalo na… kung pahiramin mo ako este bigyan mo ko ng time sa Internet..heheheh!!!! Uyyy… Iniisip niya na yung mga pangalan na tinatawag sa kanya. Gabu! …ρβα… Boso

by: bry Boso ang bansag sa naninilip ng katawan ng iba at tawag din ay manyak. Ako nga pala ang tinatawag nilang bosero. Ohy!! Teka porket yun ang tinatawag nila sa akin eh naninilip na ako ng katawan ng iba. Alam ko nagtataka kayo kung bakit ako naging bosero pero hindi ako naninilip ng katawan ng iba. Ganito kasi ‘yun, yung isa kong kaklase na babae na masyadong “T.H.” or tamang hinala. Eh napagkamalan akong naninilip nung kanyang ano ahm… secret… Alam ko hindi kayo nakumbinse sa paliwanag ko kanina… Eto ang buong detalye. Meron kasi kaming exam sa Filipino at nung pagtingin ko sa likod eh nagulat ako dahil nagkasya silang tatlo sa isang maliit na upuan at ang babaeng nagbansag sa akin ng bosero ay nakayuko at ang akala nya eh sinisilipan ko siya pero ang hindi niya alam eh nagtaka lang ako dahil nagkasya silang tatlo sa isang maliit na upuan. Ang isa pang dahilan ay hindi ko magagawang mangboso dahil ako ay sobrang bait, sobrang konserbatibo at sobrang gwapo!! Hay naku nasabi ko nanaman ang totoo kong itsura… Simula nung napagkamalan akong nangboboso eh hindi na nila ako tinigilan asaring bosero oh katunog pa ang asero. Tinulad siguro nila sa asero kasi kamukha ko ata si Richard Gutierez ahm. May pagkakaiba rin kami, mas gwapo lang ako… Ehem! Sinasabi ko lang ang totoo.. Kung gusto nyo akong makita eh wag na baka kusa na kayong magpaboso, hehe! Sa gwapo kong ito. Tandaan, hindi ako mayabang, hindi rin po ako sinungaling. Hahaha!!! Teka wag na kayo magreact baka mapalayo pa tayo sa istorya, alam nyo ba sa tuwing pagsasalubong naming mga kaklase ko lalo na ang mga ICT tinatakpan nila ang kanilang dibdib… Nagtataka lang ako bakit nila tinatakpan? Eh wala namang masisilip!! Pero naiintindihan ko naman sila kasi hindi naman masama ang mangarap. Hanggang dito nalang ang kwento salamat sa nagbasa. Hindi ko rin sasabihin na bosero ang nagbabasa nito pero yun ang totoo. Hahaha!!! Ang saya-saya talaga! …ρβα… Kumatok ka muna

by: phoebz Sa aking pagninilay-nilay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong sumulat para lamang sa hindi ko alam na dahilan. Subalit bago ko simulan ang magiging bahagi ng librong gingawa ng PBA sa pangunguna ng SUPER TWIN na sina Ambet “the Bear” at Dha-dha “the Penguin”, ay gusto kong iparating ang taos puso kong pasasalamat sa mga taong bahagi ng Pugad Baboy Association. Unang-una sa lahat ay ang SUPER TWINS, sa mga officers, sa mga miyembro at sa aking sarili. Sa lawak ng pag-uutak ng SUPER TWINS ang pagsusulat ng mga kaepalan ay sumiklab, naitatag ang PBA na ngayo’y namamayagpag sa aming pagkakaalam. Sa kasulukuyan kami ay naghahasik ng lagim sa paaralng IETI na kung saan itinatag ang PBA. Sadyang malakas ang impluwensya ni BOB ONG sa mga taong tulad namin, kung hindi dahil sa mga librong kanyang isinulat wala ang PBA, sa kanyang mga libro nagsimula ang lahat. Sa ngayon ang mga nabibilang sa PBA ay nagfe-feeling busy as a writer. Ako ay magpapakilala sa pangalang BHIE, isa sa mga officers ng PBA, ginawang Muse ng hindi ko alam. Siguro wala na silang ibang makuha pa kaya ako ang itinalaga nila as a muse kahit alam ko na inuuto lang nila ako, pumayag na rin ako, sayang eh! Wala man akong magawa, hindi ko magawang pumalag, sa kabuuan ng mga officer ako ay nagpa-uto na sa kanila ng bonggangbongga. Nais ko ring iparating ang walang hanggang pagpapasalamat ko sa mga taong nabibilang sa PBA, na araw-araw kong kasama sa pag-aaral, sa tawanan, kulitan, kaepalan, kajologsan, sa kasinungalingan, sa pang-uuto, sa pagpapauto, sa araw-araw na pagkain ng tae (joke lang!), “Tawa kayo! Nagpapatawa ako, hindi lang po halata.” Nakakalungkot mang isipin na mababawasan kami ng isang makapangyarihang officer na siyang napamahal na sa amin ng sobrang bonggang bonggang bongga, as in todong-todo na talaga. Gusto man naming siyang pigilan sino ba naman kami para siya hadlangan sa mas makakabuti para sa kanyang kinabukasan. Gusto ko lang na sabihing hindi ka mawawala sa puso’t isipan namin, mahal naming kaibigan.

Ang PBA na kinabibilangan ko ay gumagawa ng WALA – ang walang kabuluhang kaepalan ay isa na dito. Nagsimula ang pagkatok sa mga usapan ng nagkakaepalan ang tatlong taong walang magawa sa buhay na mga mukhang walang direksyon ang buhay pero mayaman sa ganda ng mukha(Walang kokontra, kwento ko ‘to!). Bago ka makapasok sa usapan ng iba kailangang KUMATOK ka muna. Ginagawa lamang ito ng mga epal na taong tulad namin. Kung gusto mong hindi ka ma-O.P. o magmukhang alien sa oras ng biruan matuto kang kumatok, kung hindi mo ito gagawin “out of the conversation” ka, kumbaga haller – tsugi ka sa usapan. Ang pagkatok ay ginagawa kahit saan. Sa ulo, sa katawan, sa likod, ‘wag lang sa gitna ng ano. Haller! Okay ka lang?! ‘Wag marumi ang isip(sa gitna ng kalsada, baka may sasakyang dumaan!). Sa usapang seryoso o walang sense hindi ka agad agad makakapasok. Kung inaakala mo na ganoon kadali makihalubilo sa mga usapan, nagkakamali ka! Kung ating susuriin parang walang sense ang pagkatok pero kung iisipin nating mabuti ang pagkatok ay nagiging paraan din ng pagpapasintabi sa mga usapan. “Paggalang” ika nga. Ang mga taong dogmatic na kung saan ay boring, disgusting at naniniwalang siya lang ang laging tama during conversation ay hindi pinahihintulutang pumasok. Pati na rin ang uri ng tao na condescending which is boastful, arrogant person “bragga docio” type ika nga (ay masasapul lang). Ang mga maargumentong epal, egocentric(he/she only sleeps with the best, that’s why he/she sleeps alone), insincere(he/she don’t mean what he/she says, telling something that does not come into the deepest of his/her heart). Sa kalinawan ng paliwanag, at higit sa lahat ay “LIFELESS” na walang alam kundi “Yes” or “No”, ay walang lugar para makapasok sa usapan na gusto niyang pasukan, dahil ang mga epal ay para lamang sa mga epal. Ito po ay buong puso kong pinagmamalaki na natutunan ko sa aking instructor noon na itago natin sa pagkakakilanlang “SE Jr.”. Ang pinahihintulutan lang pumasok sa mga usapan ay ang mga taong may sense of anticipation, moral value, humor, loyalty, at higit sa lahat may “A LOT OF COMMON SENSE”. Lahat ng nabibilang sa PBA ay meron nito, hindi lang

halata…!!! Sa mga makakabasa nito “Hayaan ninyo na lang ako sa mga isinulat ko kung kayo nga hinayaan ko na lang, walang basagan ng trip...” Ngayon mahal naming mga mambabasa alam ninyo na kung paano ang pagkatok at kung para saan ito, sana naman matuto kayo kung paano magpapasintabi. Ito ay para pa sa inyong kabutihan at para na rin sa pagiging medyo “epal”. …ρβα… Sekreto by: shang May mga bagay o pangyayari sa buhay ko na gusto kong sarilinin na lamang. Mga bagay sa buhay ko na di ko kayang sabihin kahit sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan. Hindi naman ako malihim na tao, pero may mga bagay lang talagang nais kong ako lang ang nakakaalam. Hindi naman kasi pwedeng lahat sasabihin mo sa iba, dapat mayroon din tayong self-privacy. (Pero kung minsan, nahihirapan akong sarilinin ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Kahit pa sabihing napakakumplikado o confidential ang isang bagay, kapag pala nahihirapan ka nang sarilinin ito, na sa wari mo ay sasabog na ang dibdib mo sa bigat ng iyong dinadala, natutukso kang ishare o ikwento ito sa iba. Nang sa ganun kahit paano sa pamamagitan man lang niyon mabawasan man lang ang bigat ng dinadala mo. Pero sa bandang huli, mananaig pa rin ang kagustuhan mong walang ibang makaalam kundi sarili mo lang talaga. Kahit pa siguro hirap na hirap ka nang i-keep ito sa sarili mo nagmamatigas ka pa rin. Andyan lang naman ang mga kaibigang handang dumamay at makinig sa sasabihin mo, mga kaibigang alam mong pwede mong pagkatiwalaan gaano man kabigat at kakomplikado ang dinadala mo. Sadyang may mga bagay talagang nakalaan lang para sa iyo.) Pero sabi nang iba, mahirap daw talagang magtago ng lihim o sekreto. Minsan daw kasi kapag inatake ka ng kadaladalan, na parang isang sasakyang nawalan ng preno ang iyong bunganga, hindi mo namamalayan ang mga katagang lumalabas sa bibig mo. Naranasan ko na rin yan, hindi lang minsan kundi MADALAS…!!! Inaamin ko sa sarili ko na talagang

madaldal ako. Minsan sa sobrang kadaldalan ko, kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko at di ko namamalayang nasasabi ko na pala ang mga sekretong ibinahagi lang sa akin ng mga taong nagtiwala sa akin. Pero hindi naman ako nagsisisi o naguiguilty dahil alam ko namang maging sa iba ay nangyayari rin yun, naniniwala kasi ako sa kasabihang “nobody is perfect!” Kung kaya’t alam kong naiintindihan ako ng mga taong nagtiwala sa akin. Inaamin ko na palusot lang yun pero wala naman sanang kokontra. Naniniwala rin ako sa kasabihang “walang sekretong di nabubunyag.” Lahat ng sekreto gaano mo man ito katagal itago, malalaman at malalaman parin ito ng ibang tao. Bakit pa kasi nauso ang pagtatago ng sekreto? Alam ko na halos lahat ng tao dito sa mundo ay may mga itinatagong sekreto. Pero ayon sa isa kong kaibigan ang pagtatago raw ng sekreto ay kasalanan, kasi pa’no raw kung ang sekreto mo ay makakasama pala sa iba tapos biglang nabunyag sa taong iyon, eh di nagkasala ka na… may instant kaaway ka pa. O di kaya naman ay ang pinakatatago mong sekreto ay ang lihim mong pagnanasa sa isang tao, sabihin nalang nating sa AKIN, kasalanan nayun, hindi ka lang sa akin nagkasala maging sa Diyos na rin. Ngunit depende naman yun kung ano ang purpose mo sa pagtatago ng sekreto o kung anong uri ng sekreto ang sekreto mo. Dalawang uri lang naman eh, mabuti at masama. Depende rin ito sa sitwasyon… Halimbawa na lang ay ang pagkasangkot mo sa isang krimen o ang pagiging saksi mo sa isang malagim na patayan, malaking bahagi ng buhay mo ang madadamay, hindi lang ikaw ang sangkot dito kundi maging ang buo mong pamilya, kung kaya’t mas pipiliin mo ang manahimik na lamang. Subalit meron din kayong dapat na malaman at matutunan tungkol sa pagtatago ng sekreto. Una, kung gusto mong i-share ang sekreto mo sa iba dapat piliin mo ang taong pagkakatiwalaan mo. Alam ko naman kasing sa panahon ngayon nagkalat na ang mga taong tsikadora. Kaya dapat siguraduhin mo na ang taong ito ay tahimik, hindi matabil ang dila at higit sa lahat hindi tsismosa. Kaya ngayon pa lang umpisahan mo na ang paghahanap ng kakaibiganing pipi. At ang pangalawa at pinakaimportante sa lahat ay ito… kung may sekreto kang

ayaw mong malaman o i-share sa iba, isa lang ang kailangan mong gawin, makipag-one-on-one talk ka sa iyong sarili at kumbinsihin mo ang sarili mo na sumunod sa iyo. Napakasimple at napakadaling gawin di ba? END of story. Umaasa ako na kahit papano ay marami kayong natutunan sa isinulat kong walang kabuluhan. At ito ay iniaalay ko sa mga kaibigan kong mahilig magsikreto at namomroblema sa mga sekreto. Lubos din akong umaasa na kahit “dalawa” man lang sa “dalawang” ipinayo ko ay gawin ninyo! Lubos kong pinasasalamatan ang mga “hayop” na kaibigan kong naniniwala at sumusuporta sa aking kakayahan. Isa ring napakalaking karangalan ang mapabilang sa asosasyon ng iba’t ibang uri ng hayop at nilalang, (hehehe…) asosasyon pala ng mga nilalang na gumagawa ng wala, ang Pugad Baboy Association. At para sa mga karagdagang detalye, ang PBA ay pinamumunuan ng cute na penguin, isang mukhang baboy pero cute na polar bear, at isang cute na asong kalye na ewan kung bakit naging presidente ng PBA. Ang mga miyembro dito ay mga pinagsama-samang engkanto, alien at mga nilalang sa planetang Earth. May isang duwende, tatlong magagandang dilag na tinaguriang “mga babaeng walang hinhin”(at isa ako dun), isang taong kulot na sinasabi nilang salot, isang lalaking mahilig mamboso at ang pinakasikat na nilalang sa bansang Pilipinas na naging masalimuot ang buhay sa planetang Earth kung kaya sya ay lumipat sa planeta ng mga nilalang na gumagawa ng wala, siya ay walang iba kundi si Rizal. Sa kasalukuyan, ang mukhang baboy pero cute na polar bear na syang aming illegal/legal recruiter ay patuloy na nangrerecruit nang sapilitan sa mga inosenteng nilalang. …ρβα… Natuto na by: judz Para po sa kaalaman ng lahat ipinapakilala ko po ang PBA sa inyo. PBA means Pugad Baboy Association. Ito po ay isang unique, astig, at kakaibang grupo na matatagpuan lamang sa IETI, College of Science and

Technology. Ito ay may malaking ginagampanang tungkulin sa buhay-buhay namin. Ang grupong ito ay kamakailan lamang nabuo sa tulong ng dalawang makapangyarihang nilalang sa grupo namin na walang iba kundi ang kambal na magkaiba ng mukha at pinanggalingan ngunit magkapareho ng timbang. Sina “Bear” at “Penguin”. Sa pagpapatuloy ng kwentong ito di ko pala alam kung paano napadpad ang landas ko sa PBA. Kung paano nga ba pinagtagpo-tagpo ng tadhana ang mga bumubuo sa grupong ito. Ang misteryong ito ay wag na nating problemahin. Basta, ako’y natutuwa at nagpapasalamat na napasali ako dito. Ang PBA ay ang grupong gumagawa ng “wala”. Ito po ang mahiwagang kasabihan namin. Alam ko po na nalilito ang mga utak niyo sa pag-iisip kung ano nga ba ‘yun. Don’t worry di ka nag-iisa karamay mo ako. Kasi ako rin di ko maintindihan ‘yung mga mahiwagang katagang iyon. Basta, kunwari alam mo na lang. ‘Wag na lang kontrahin kasi baka mapatalsik pa ako. Dahil sa pagdating ng PBA sa buhay ko maraming akong natutunan. Ika nga “kung may knowledge, may power” at totoo ‘yun. Sabi nila “astig” at “mabangis” daw kami sa lahat ng bagay… sa kaepalan, sa kalokohan, sa kakalogan, sa kakulitan, sa kaartehan, sa kayabangan, at higit sa lahat sa kakyutan… di ba? Ang umangal okay lang kasi ‘di naman sila kasali. Kahit po ganito kaming mga naiibang nilalang, sa earth po pa rin kami nanggaling. ‘Yun nga lang unique po kami. Mamatay na kayo sa inggit. At higit sa lahat matitino po ang mga isip namin. Marami po kaming plano para sa ikauunlad ng association. At proud na proud kami. At isa na po dito ang paglalathala ng libro. Bawat isa sa amin ay inatasang ng mahal naming si Ambet a.k.a. Bear na magsulat, at ang topic na ibinigay sa akin ay “Natuto na”. Kasi ito daw ay angkop sa aking katangian(walang kokontra…)! Para sa inyong mahal naming mangbabasa, ang PBA ba ay B.I. or G.I.(B.I. means Bad Influence and G.I. means Good Influence)? Gets?! Bago po ako pumasok sa IETI, College of Science and Technology, sabi nila inosenteng tao daw ako. Kasi tahimik, mahiyain at hindi pala-kibo. Wala daw akong kamuwang-muwang sa mundo. At ‘yun ang akala nila…

pero mali sila doon! Kasi lahat ay may pag-babago sa bawat taong nakakasalamuha nila. Sa pagdating PBA sa private life ko, everything had changed(English ‘yun at proud ako na sa PBA ko natutunan ‘yun). Dahil sa kanila nagbago ang takbo ng buhay. Sila rin ang dahilan kung paano ako naging tao…! Deeper explanation, naging “totoong tao”. Kaya malaki po ang utang na loob ko at tinatanaw ko ito sa kailaliman ng puso ko. Sasagutin ko na pala ang tanong ng PBA sa akin, kung B.I. or G.I. ba sila. Hindi sa pagpaplastic, mahal ko ang PBA. At ikinalulugod ko po sabihin G.I. po silang impluwensya sa akin. Sila po ang nagturo sa akin na maging malakas ang loob, maging matatag, maging palaban, maging makapal ang mukha, magpose ng malandi, kumatok bago pumasok sa usapan, matutong sumayaw ng Jollibee dance, tumawa lang kapag may problema, matutong umagaw ng eksena at higit sa lahat mang-asar ng bonggang-bongga. Kahit ganoon po ang ginagawa naming marami kaming taong natutulungan na maging masaya upang hindi na sila malunod sa gabundok na problema ng mundo. At simple lang ang paraan dun, ililigtas namin at isasali sa PBA para maiwasan ang pagiging depressed sa mga problema. Kahit di namin maiwasan ang mga taong may matang mapanghusga at kami ang pinoproblema “We don’t care.” Kasi gusto lang namin makatulong sa kapwa. Sa PBA kasi di ka makakaramdam ng problema dahil mga manhid na po kami dun. ‘Pag kami po ay magkakasama-sama masaya po ang mundo. Kaya nagpapasalamat po ako sa taong muntik nang masiraan ng bait sa pagbuo nito. Kahit ganun po natutuwa kami sa tagumpay namin ngunit sa kabilang banda ako po ay nalulungkot sapagkat may isang napakaimportante at nakapamakapangyarihang miyembro ang sandali na lang namin makakapiling. Sapagkat malapit na siyang lumisan sa aming grupo. Ngunit wala kaming magagawa, spagkat hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Kahit na maiksi ang oras ng ating pagsasama, nakabaon ka na sa puso’t damdamin naming. At para po sa hindi nakakaalam siya po ang isa sa mga nakibaka sa pagbuo ng PBA. Kahit masakit po sa amin pipilitin naming tanggapin ang pagsubok na ito. Dahil kaming mga taga-PBA ay dapat

walang pinoproblema kasi kami ang nilalang na gumagawa nun. Salamat pala sa pag-recruit mo sa akin. Hindi ka nagsisi kasi worth it naman. Ipagmamalaki ko talaga ang grupong pinaghirapan mong buuin. Kahit saan man ako mapadpad sa napakalaking mundong ito, promise, hindi ko talaga kakalimutan ang mga bagay na natutunan ko. I will improve this knowledge and skills. Hehehe!!! …ρβα… Ang Hiwaga, Kababalaghan, Misteryo at ang Kapangyarihang taglay ng Utot na kulay Pinkish-Blue by: manong Una sa lahat and before anything else, nais muna kitang batiin ng isang magandang umaga, tanghali, hapon, gabi, madaling araw o kung ano man ang oras dyan sa planeta mo. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa ang obra maestro kong ito na siguradong hahakot na naman ng napaka-raming award sa loob at labas ng ating bansa at maging sa ibang planeta na rin. Ang isinulat kong ito ay nagtataglay na salamangka at mababasa lamang ito ng mga nilalang na CUTE, MAGANDA, GWAPO, MACHO at SEXY, kaya kung ito ay iyong nababasa, dapat kang magbunyi at magdiwang sapagkat isa ka sa mga napili ng dakilang taga-pili na nagngangalang Boknoy na maging kasapi ng Asosasyon ng mga Mapapalad na Nilalang sa Ibabaw ng Lupa (AMNIL). †<oh oh oh bakit ka ngumiti dyan? Anong felling mo CUTE, MAGANDA, GWAPO, MACHO at SEXY ka kaya mo ito nababasa?? Bwahahaha uto-uto ka pla eh.>† Ako’y hinde na magpapaligoy –ligoy pa at sisimulan ko na ang aking napaka super dooper intresting na paksa para sa librong ito. †< hinde ko nga alm kung anong title ng librong ito eh>†. Pero bago ang lahat and before anything else, dapat ko munang ipakilala ang aking sarili sa aking mga FANS †<kung binabasa mo ito, member ka na ng Fans Club ko sa ayaw mo at sa gusto>†. Ako nga pala ang napaka MACHOng kasintahan ng ubod ng ganda pero penguin na si Daryl May C. Esmasin na si James Albert T. Tribiana. Isa akong BsCpE student ng paaralang kakulay ng MMDA, ang IETI na matatagpuan sa planetang Earth na nasa Milky Way Galaxy. Kilala ako sa

tawag na “James” at “Semaj” sa aking mga kaibigan, kamag-aral at sa mga hinde ko kilala ngunit kilala nila ako †<Hirap talaga maging sikat>†. At kilala naman ako sa tawag na “Mahal, Papa at Panny” sa aking iniirog na si Penguin, este Daryl pala †<Additional Info: alam niyo ba na hinde humahaba ang bangs ni Daryl nung 1st year 1st sem>†. Game, seryoso na. nabasa mo naman siguro yung title nitong binabasa mo diba? Inutil ka kung hinde mo yun nabasa! Isa kang napaka laking “T”! †<ikaw na bahala magisip kung anong ibig sabihin ng T. Ano ka sinuswerte? Pati ba naman yun ako pa ang mag-iisip para sayo>†. Sabi nga ni Ma’am Abejar, nagkakaron ng ideya ang mambabasa tungkol sa kanyang binabasa sa pamamagitan ng pagbasa sa Title, kaya kung iniisip mo na ang aking isinulat ay tungkol sa Hiwaga, Kababalaghan at ang Kapangyarihang taglay ng Utot na kulay PinkishBlue, pwes dapat kang mag-celebrate at magpa- Burger sapagkat mali ang iniisip mo †[Bwahahaha]†. Ang aking isinulat ay tungkol sa †<Background music: tan ta na nan tralala lala doobi doobi doo>† Ancient at Sinaunang Sining ng Pambabara. Narinig mo na ba yung kwento ni “Snow White at ang Pitong Kabibeng Dagat”? kung hinde pa, ako’y nakakaramdam ng awa para sa iyo sapagkat hinde mo pa nababasa o naririning ang napaka-gandang kwentong iyon. Pero dahil sa ako ay isang napakabait na nilalang, ikukwento ko yun sa iyo ng walang hinihinging kapalit basta ilibre mo lang ako ng BigMac Burger sa Jollibee. Siya nga pala, ang bahaging ito ay walang kinalaman sa aking paksa, nais ko lamang itong ilagay para ikaw ay asarin at para humaba ang iyong babasahin… bwahahahahaha Hinde ko alam kay Limbertot kung bakit ito ang ibinigay na paksa sa akin, eh hinde naman ako marunong mambara at hinde ko pa iyon nagagawa ng kahit isang beses sa buong buhay ko †<oh oh oh wag ka na umepal, wag ka na kumontra at magreact, nakikibasa ka na nga lang eh.†. Hoy ambetot dapat malaki ang porsiyento ko sa Book Sales ng librong ito ha, kasi rush ko itong ginawa at wala akong kahit kaunting ideya tungkol sa topic na ibinigay mo sa akin. Ayon sa tropa kong sila Newton, Einstein, Archimedes at Manong Allan na taga bukas ng aircon sa

Pastor’s †<na crush ni Jordalyn Ones. Uyyyy kinikilig s’ya oh. Bwahahaha>†, ang pambabara daw ay isang sining ng pakikidigma na nagmula pa sa sinaunang sibilisasyon ng bansang Hapon at Tsina †<na pangalan ng tutang ninenok ni Daryl>†. Ito ay isa sa mga ipinagbabawal na technique sa bayan ng Konoha sapagkat ang sinumang gumamit nito sa pakikipaglaban ay siguradong kamatayan ang nag-aantay sa kanya. Ikaw ay siguradong magtataka kung bakit ganun ang epekto ng technique na ito sa sinumang magtangkang gumamit nito sa oras ng laban, simple lang ang eksplanasyon diyan, KUNG HINDE KA BA NAMAN SIRA ULO!!! MAY BLOODLINE LIMIT NA SHARINGAN AT BYAKUGAN YUNG KALABAN MO TAPOS ITONG TECHNIQUE NA ITO ANG IPANTATAPAT MO!!!!. Kahit nga yung ipis at pulgas na alaga ng Mahal ko na si Daryl ay hinde mamatay kapag ginamitan ng technique na ito, nalaman ko iyon sapagkat naikwento sa akin dati ni Daryl na sinubukan nyang gamitan ng technique na ito yung ipis niya †<na nagngangalang Roachy>† at yung pulgas niya †<na nagngangalang Garapaty>† pero hinde iyon tumalab sa dalawang alaga niya. Sabi ko na lang sa kanya, baka naman mali yung Hand Seals na ginawa mo at baka hinde sapat o sobra yung dami ng Shakra at Ryatsu na pinalabas mo. Ilang beses pa niya inulit na gamitan ng technique na iyon sina Roachy at Garapaty, subalit kabiguan lamang ang kanyang nakakamit sa bawat pagsubok na kanyang ginagawa. †< kawawa naman ang Mahal ko>† Kung binabasa mo pa rin itong ginawa ko hanggang ngayon, ibig sabihin ay interesado kang matuto ng Sinaunang Sining ng Pambabara. †<wag ka na magdeny at magpakipot. Hinde bagay sayo. Oo ikaw nga ang tinutukoy ko, ikaw na ABNORMAL na nagbabasa ng obra maestro kong ito>†. May pagkakomplikado at siguradong mahihirapan ang isang katulad mo lamang na matutunan ang istilong ito, subalit dahil nga sa ako’y mabait at walang hinihinging kapalit sa aking pagtulong, basta’t ilibre mo ako ng BigMac Burger sa Jollibee, ituturo ko sa iyo ang basics ng istilong ito. Ang basics ng Sinaunang Sining ng Pambabara:

1. Una, dapat ay maghanap ka ng iyong biktima.†<pero kung talagang abnoy ka tulad ng mga kakilala kong nagbabasa nito, pwede mo ring subukan na barahin ang sarili mo>† Ipinapayo kong piliin mo yung taong madaling mapikon para mas maging matagumpay ang ritwal na iyong gagawin. 2. Ikalawa, dapat alam mo kung kelan ang eksaktong oras kung kalian mo siya babarahin, hinde mo siya pwede barahin bago siya magsalita, kailangan umpisashan mo ang pambabara habang siya ay nagsasalita o kaya naman kapag siya ay tapos na sa kanyang sinabing wala namang katuturan para sa iyo. 3. Ikatlo, siguraduhin mong marami kang baon na mga salitang pambara sapagkat maaaring lumaban ng barahan yung biktima mo. Kapag ito’y nangyari, dapat ay handa kang makipagbarahan hanggang kamatayn at siguraduhin mong wag ka magpapatalo, dahil kung ikaw ay natalo, kailangan mong maglagay ng kwek kwek na kulay blue at may sili sa butas ng iyong ilong. 4. Ikaapat at ang pinaka mahalaga, dapat ay may tiwala ka sa iyong kakayahang mambara, Sundin mo lamang ang mga nakalagay sa itaas at ikaw ay sigiradong magiging isang propesyonal na mambabara at hahangaan at titingalain ka ng mga kapwa mo autistic, abnoy †<na tulad ng mga kasapi ng PBA>† at sira ulong naniwala sa lahat ng mga pinagsasasabi ko dito. Bwahahahaha Wakokokoko Hahahaha Hihihihi Hekhekhek …ρβα… Kaibigan by: phoebz Lahat tayo ay naghahangad ng tunay na kaibigan, karamihan sa atin ang nagkakasundo dahil sa pagkakapareho ng ugali, at sa pagkakapareho sa maraming bagay. Lingid sa ating kaalaman na ang kaibigan ay isa sa pinakamahalagang regalong ibinigay sa atin ng Panginoon. Kung ating papansinin ang kaibigan ay

karamay o kasama natin sa maraming bagay tulad ng karamay sa problema (maging personal man ito o hindi) kasama sa kalokohan, tawanan, kulitan, kaepalan, karamihan sa atin na sa kaibigan natin naipapakita ang tunay nating pagkatao, maging jologs man tayo o hindi, panget o maganda, artistahin man ang dating o hindi, meron man tayo o wala, tinatanggap tayo ng buo at walang pag –aalinlangan. Sa mundo ng friendship, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para lamang magustuhan ka ng iba, mas masaya sa pakiramdam na alam mong kahit elyen ka tinanggap ka ng buo maging ano at sino ka man. Kung iisipin nating mabuti tatlong bagay lang ang mahalaga sa buhay natin, ang una ay ang “Panginoon”, ikalawa ang ating “Pamilya”, at ang ikatlo ay ang ating “Kaibigan”, na isa sa bumubuo at humuhubog sa ating pagkatao. Mawala man ang isa sa kanila ay wala na rin tayo. Ang tunay na pagkakaibigan ay wala sa tagal ng panahong pinagsamahan, kundi kung paano nyo pagkatiwalaan ang isa’t –isa, at kung paano n’yo rin tanggapin ang isa’t isa bilang parte ng buhay n’yo. Hindi mahalaga sa pagkakaibigan kung mayaman ka man o hindi, ang pagkakaibigan ay nakikita sa puso ng bawat isa. Alam nating lahat na ang kaibigan ang siyang nagiging takbuhan natin sa panahon na masaya tayo, sa panahon na may problema tayo (mabigat man ‘to o magaan), sa panahon na walang – wala tayo. Kung minsan mas higit na minamahal pa natin ang kaibigan natin kaysa sa sariling pamilya, sapagkat kung minsan mas higit na naiintindihan tayo ng ating kaibigan kaysa sa sarili nating pamilya. Parati lamang siyang andyan sa ating tabi, ang kaibigan ang siyang nagiging sandalan natin sa maraming bagay. Kung misan ay isa din sa ating inspirasyon at kasama natin sa pagbuo ng pangarap. Sya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa atin, sa panahong hindi na natin alam kung saan pa tayo patutungo, ang nagiging daan natin upang matagpuan natin ang pupuntahan, ang nagiging ilaw natin sa madilim nating buhay. Ang kaibigan ay isa sa pinakamahalagang bagay sa mundo na hindi dapat itapon bagkus ay dapat natng ingatan at alagaan. Ang kaibigan ang siyang nagiging guro natin kung minsan, ang nagtuturo sa mga tamang bagay na dapat nating gawin.

Ang nagpapasaya sa ating buhay, maging katawa tawa man sila sa harapan ng iba ginagawa niya ang lahat ng paraan mapasaya lamang tayo. Nagpaparamdam na tayo ay mahalaga sa Panginoon. Minsan may mga bagay na siya lang ang higit na nakauunawa kaysa sa iba. Ang pagkakaibigan ay hindi natutumbasan ng pera (burger pwede pa!) – churva lang. hehehe Seryoso na ulet… Hindi ito nabibili, buti na lang! (mahirap pa naman ako!) – churva ulet! (di na mauulet!). Wala ng mas hihigit pa sa tunay na kaibigan sya lamang ang hindi nang – iiwan sa panahon na kaylangan natin ng karamay, handang ibigay ang lahat (kaya man o hindi). Ang kaibigan ay hindi nakalilimot (malayo man kayo sa isa’t isa o hindi). Minsan siya ang nagiging Anghel natin, nagiging GABAY upang malaman natin kung anong nais ng Panginoon na maramdaman natin at malaman, kung anong purpose natin sa ibabaw ng lupa. (Malamang! Alangan naming sa ilalim di ba!?). Minsan ang kaibigan ang nagpapaalam kung sino talaga tayo. Minsan gaano man tayo kasama hindi pa rin tayo magawang iwan ng tunay na kaibigan. Hindi ko ito isinulat dahil lang sa wala akong magawa, isinulat ko ito dahil ito ang paraan ko upang iparating ang taos puso kong pagpapasalamat sa mga kaibigang humuhubog sa aking pagkatao hindi sa paghubog ng aking katawan. (hehe…) Ang kaibigan ang s’yang kaisa – isang nagtyatyaga sa pagmumukhang meron tayo. Minsan may mga kaibigan na nagiging Bad Influence sa’tin, minsan naman ay good influence. Minsan ang kaibigan ang syang nagtuturo sa atin kung paano gumastos sa mga walang kabuluhang bagay, eklabush ika nga! Maging ano man ang dulot niya sa’tin, mabuti man o masama, siya pa rin ang taong ‘pag nawala ay hahanap – hanapin natin. Kung minsan tinuturuan tayo ng kaibigan natin kung paano magsinungaling sa ating magulang pero nakatutuwang isipin na sa panahon ng kagipitan siya ang una nating tinatakbuhan. Sa ngayon ako ay kabilang sa Asosasyon ng Pugad Baboy, ang grupong gumagawa ng wala (walang kabuluhang kaepalan ay isa na dun). Ang mga nabibilang dito ang isa sa mga nagiging inspirasyon ko sa araw – araw. Pumapasok ako sa eskwelahan hindi lang para matuto dahil na rin sa gusto ko rin silang makita at makasama. May mga B.I sa kanila at G.I, pero lahat sila ay

itinuturing ko na isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng buhay ko. Tinuturuan nila ako kung paano maging isang tunay na tao at totoo sa sarili ko. Minsan sa magkakaibigan hindi maiiwasan ang tampuhan dumadating tayo sa puntong nagkakagalit rin kung minsan, pero agad din namang lumilipas. Minsan hindi natin maiwasan na magtampo sa ating kaibigan pero yun ay sumusubok lamang sa tatag ng samahan, kung paano natin dalhin ang isa’t isa. Alam nating lahat na mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan pero kung “totoong tao ka” hindi mahirap na makatagpo ng isang tunay na kaibigan. Ang pagiging totoo sa sarili at sa iba ay ang syang nagiging puhunan natin upang makatagpo ng tunay na friend. Ang mga nabibilang sa Asosasyon ng PBA ay mga taong mabababaw lamang ang mga kaligayahan, madaling kagaanan ng loob, mga palakaibigan at higit sa lahat sobrang gaganda at gagwapo (walang kokontra, gawa ko ‘to,”walang basagan ng trip”). Sa mga pinakamamahal naming mambabasa nawa’y may nakuha man lang kayong kahit kaunting nagpaantig sa inyong mga puso’t kaluluwa. …ρβα…

The Jollibee Dance By: jojo Bago ang lahat ay luma muna. Bago ko simulan ang umaatikabo, maaksyon at di mawaring uri ng kwento. Nais ko munang sabihin kung paano nagsimula ang lahat. At yun ay di ko rin alam, dahil hamak na sampid lang ako sa grupo. Ayon sa aking mga narinig, nakita, naamoy at nadama nagsimula ang lahat sa isang uri ng babasahin na kinabaliwan at kinahumalingan ng grupo maliban ako. Sa babasahin ring ito kinuha at hinango ang pangalan ng grupo na tinaguriang PBA (Pugad Baboy Association). Ang PBA ay itinatag ng dalawang magkaibigang Penguin at Bear. Dahil sa dalawa pa lang sila at mahina pa ang grupo, nanakot, nanindak at pinwersa ang mga inosenteng taong katulad ko na sumali sa grupo. Ako ay itinalaga nila bilang excort kahit na pilit akong tumatanggi. At kalaunan sa awa ng Poong may kapal ay

naging maayos at matiwasay na ang takbo ng grupo magpasa hanggang ngayon. Dahil sa maayos na nga grupo, ang kasiyahan na aming nadarama sa tuwing kami’y nagkakasama-sama ay hindi mapigilan. Dito na rin nagsimula ang kung anuanong mga kalokohan. Mga kalokohan na siyang nagpapasaya sa tuwing kami’y magkakasama. Isa sa mga kalokohang nagpapasaya sa amin ay ang walang hanggang sayawan. Mga dance step na lalong nagpapaigting ng kasiyahan. Ngunit sa dinami-dami ng step na nabuo ay isa lang ang aking pinaka-tinawanan at nagpasaya sa aking kaloob-looban. Ang dance step na ito ay tawagin na lang nating “The Jollibee Dance”. Ang sayaw na ‘to ay nabuo ng isa sa makapangyarihang miyembro ng grupo. Ang miyembro ring ito ang nanakot sa akin kaya ako nadawit sa kaguluhang ito. But anyway, bago ako lumayo sa punto ng kwentong ito, nais kong ipaliwanag kung paano nga ba sayawin ang naturang The Jollibee Dance. Dahil alam kong iniisip mo at gusto mong matutunan rin ito. Oohps teka lang dahil may requirements sa sayaw na ito, dahil kahit ako ay hindi ko magawa-gawa. Simple lang naman ang mga requirements nito. Una, dapat nakapolo kang maluwag sayo. Pangalawa, dapat nakapantalon ka ring maluwag at malambot kaya hindi pwede ang maong. At pangatlo, at huling requirement dito ay dapat healthy ka. Ngunit hindi basta-basta healthy lamang ang ibig kong sabihin kung hindi dapat you have a “fat body”. At melon pa isa, dapat hindi ka mahihiya at magagalit sa ano mang magiging reaksyon ng mga tao kapag nakita ka nilang sinasayaw mo ito. Dahil sa sayaw na ito ay pakapalan at pamanhidan ng mukha upang hindi mo madama ang mga salitang isinasapak sa iyo ng mga taong hindi nakaka-appreciate nito. Alam kong iniisip mo kung bakit naman ito aabot doon. Dahil simple lang naman ang proseso ng pagsayaw. Una, tumayo ka upang mas lalong maganda, pero kung ayaw mo, bahala ka!! Pangalawa, bend your hands in front of you. Pangatlo, move your big fat belly left and right. Kaya nga dapat healthy ka with big fat belly, but not actually too big! Pang-apat, make sure na susunod sa galaw mo ang polo at pants mo. And do step four continuously until you are tired and mad to those people who didn’t appreciate of what you’re doing!! At yun lang,

ganoon lang kasimple. But I warn you, para na rin sa iyong kapakanan, don’t do it in a public place kung ayaw mong damputin ng mga pulis at pulutin sa kangkungan, pero kung ayaw mong makinig okay lang, bahala ka!! Bago ko tapusin ang kabaliwang ito nais ko munang sabihin at ipakilala sa iyo mahal kong mambabasa kung sino ba talaga ang kauna-unahang tao sa ibabaw ng mundo na sumayaw ng “The Jollibee Dance”. Ang taong ito ay itago na lang natin sa pangalang Bear or A.K.A. Ambet! Ngunit sa kasamaang palad, dahil sa pabago- bago ang mapaglarong panahon. Hindi akalain ng grupo na lilisanin niya ang aming Unibersidad ng IETI. Ayaw ko mang isipin ngunit alam kong mababawasan ang kasiyahan ng grupo. Hindi dahil sa hindi na naming siya makakasama, kung hindi ay ‘di ko na makikita ang kanyang jollibee dance na siya lamang ang tanging nakagagawa ng sayaw. Syanga pala bago ko tapusin itong part ng librong ito, may nais lamang akong sabihin sa mga kawani ng University of IETI na makakabasa ng mahiwagang libro ng PBA. Ipromote nyo naman itong librong ito dahil sa IETI nabuo at nadevelop ang grupo. At kasama rin kayo sa aklat na ito kaya obligado kayong ipromote ito. Pero kung ayaw nyo, OK!! …ρβα… Badtrip sa Programming (C) by: ambet Whaaah!!! Kakaasar! Badtrip talaga kanina! Di kasi namin nagawang i-run yung pinagawang program sa amin ng prof namin. Naaasar ako sa sarili ko kasi di gumana yung logic ko (meron ba?!) kanina. Pa’no ba naman makakapag-isip eh gutom ako. Hindi lang ako pati mga klasmeyts ko. Di naman namin masisi yung prof namin kung pang gabi yung schedule namin. Mas kawawa yung mga BS-IT-1 kasi 2:00 pm-8:00 pm sila. Pinayagan kaming mag break para makakain. Pero dahil sa sobrang hirap hindi na yun sumagi sa isipan namin dahil sa sobrang hirap niya at midterm pa. Kaya nga ang sabi ng prof namin, dun na kailangan ng maraming logic ang programming. Ano ba ang logic? Logic is the correct thinking of a person. Panu nga naman kami makakapag-

isip?! Eh gutom nga kami. Pero ano naman ang koneksyon ng pagkain sa tamang pag-iisip at pagdedesisyon ng isang tao? Ma-eexplain ba nito ang pagkabaliw ng ilang tao? Dahil ba sa pagpapalipas ng gutom ng tao kaya siya nawawala sa tamang pagiisip? Mangyayari kaya yun sa akin? Siguro naman hindi. Palagi kasi akong busog! Wag kayong papagutom ha(concern?!). Pero para sa taong besi-busy-han hindi maiiwasan ang pagkain sa di tamang oras o hindi mismo pagkain. Balik tayo dun sa program namin. Ang hirap talaga, as in! Nakakabaliw isipin kung paano namin paiikot-ikutin yung program. Bawat mali debug ng debug. Hanggang sa hindi mo na sya talaga mapagana. Debug. Isang salitang hindi ko maaaring kalimutan sa tanang buhay ko dahil sa mga kaakibat nitong mga alaala. One time, nabingi kami ng mga kaklase ko sa salitang yan. Imbes na debug ay libag ang aming naulinigan. Tinawag na namin ang isa’t-isang libagers. Ieexplain ko pa ba kung bakit may “-er” na nakadugtong sa salitang mali ang aming pagkakadinig? Idinagdag na dun ang “-er” para gawing yun at matawag ito sa tao. Ngayon isang tao na lang ang tinatawag naming “Libager”. Hindi ko na babanggitin kung sino, sikreto ko lang yun. Programming. Kailangan ng logic. Kailangang magdebug kapag may mali. Kailangang mag declare, mag lagay ng decision, ng loops at kung anu-ano pa para lang mapatakbo ang program at taos puso mong mapakopya sa mga kaklase mo para pare-pareho kayong makatapos. Nakakatuwang balikan ang mga araw. Nakakalungkot mang isipin na malapit na itong matapos kailangan ko pa rin itong tanggapin. Pero hanggat may pasok pa magpapakasiya pa kami at sabay-sabay na mababaliw sa programming. Kahit na hirap na hirap na kami, paglabas naman ng computer lab ay mga nakangiti na dahil nairaos naming muli ang isang gabi ng paghihirap at lahat kami ay may naacomplish. Madami mang angal wala din naman kaming nagawa. Sana maipasa lahat namin ito. Napasigaw ako kanina paglabas ko ng school dahil sa tindi ng badtrip ko sa sarili ko. Pero napatawa pa rin ako sa huli dahil ang ilan sa mga tunay kong kaibigan ay naroroon at pilit na pinasisiya ang mga sarili mula sa napakahirap na subject. Dun na din naming naisipang

ipagpatuloy ang pagpaplano sa isang libro na pinangarap naming maipublish para sa mga sarili namin.. Sa susunod na Lunes naman pinaghahanda na kami ng bimpo ng prof namin. Bimpo raw na kasing laki at kapal ng tuwalyang pang paligo. Idedefense raw namin yung ginawa naming program tapos man ito o hindi. Paring thesis defense ang style, kinakabahan na kami. Hindi namin alam ang mga pupwede nilang itanong kaya wala rin kaming maaaring isagot. Hay! Hirap kailangang magtiis para makapasa. Pinili namin ang buhay na ito kaya kailangan magtiis. Bawal umangal! Kailangan lang ng logic at pagdedebug. Isa pang badtrip Hindi natuloy ‘yung defense. Pinakaba lang pala kami. Sa wakas at C+ na kami. Kaso ang gulo naman niya. Konti lang ang pagkakatulad nila ng Pascal. Nasanay pa man din kami sa pascal. Nung nakaraan bago matapos ang isang gabi ng programming ay pinakopya muna sa aming mga flashdrive ang installer ng C+. Badtrip talaga. Matagal raw magkopya pagdating sa akin. Kaya nagtaka ako. Kaya naman ng memory ko. 2gig ‘yun. ‘Yun pala niloloko ako ng professor namin. Kasi malaki talaga ‘yung memory na nakakain ng installer na iyon. Kaya naman pala matagal eh. Naloko na. hindi pa nag-“safely remove” sa flash drive ko. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ba ako kopya ng kopya ng mga installer na iyon. Wala naman akong PC na pagiinstall-an. Badtrip talaga. Ahh. Alam ko na. For future use. Oo nga noh! Kapag may PC na akong sarili. Magkaroon kaya ako? Kung sino man po ang may mabuting puso na gustong magdonate ng PC makipag-ugnayan na lang po sa PBA. Salamat po. …ρβα… Mr. C by: yhannie Bago ko umpisahan ang segment na ito gusto ko lamang liwanagin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Mr. C. Kung sa tingin niyo “Mr. Cute” yun, medyo magaling kayo manghula, at tsaka halata naman na cute

talaga ako, macho pa(walang ngingiti…). Kung talagang hindi ka maniniwala na cute talaga ako ‘wag mo na ituloy ang pagbabasa… Kahit ako din hindi ko alam na cute pala ak, pinalaki kasi ako ng nanay ko na lagi niyang sinasabi na ang gandang lalaki ko daw. Simula noon nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko at habang lumalaki dala-dala ko ang salitang “cute”. Alam kong gusto niyo malaman kung sino talaga ako, nang nauso na ang mga tao naging popular ang pangalang “Ryan” na ngayon ay kilala sa tawag na “yhanny”. Salamat sa taong nagbigay ng bagong pangalan ko, bawal sabihin kung sino siya, pero kung ililibre niyo ako ibibigay ko sa inyo kahit address niya. Kasalukuyang miyembro ako ng “Pugad Baboy Association” na binubuo ng mga ganap nang tao. Naitayo ang asosasyon sa tulong ng dalawang magkaibigan na hindi nagkakalayo ang timbang, nakilala ko sila dahil nasuhulan ko ‘ata ng “pagkain”… este libro. Hindi ko alam kung nagandahan sila sa libro o pinilit lang nilang basahin dahil nag-effort ako na ilagay ‘yun sa aking bag. Bilang pasasalamat gumawa sila ng asosasyon. Hindi ko lubos maisip na ako pala yung gagawin nilang PRESIDENTE ng samahan. Natuwa naman ako kahit sa tingin ko inu-uto lang nila ako. Bilang isang president ng samahan kailangan gumawa ako ng mga batas na naayon sa aking kagustuhan at mag-ipon ng pondo para sa ikabubuti ng asosasyon. Biglang nanglisik ang aking mga mata ng may pumasok sa aking maliit na isip at nagkaroon ng idea kung saan gagamitin ang pondo na hindi pa ngayon alam kung saan kukunin. Kinalaunan, na-aprobahan din ng “Department of Corrupt”(DOC) ang aking ginawang financial statement na kukunin sa nasabing pondo. Okay naman ang pagkakahati-hati nito. Narito ang mga detalye: 30% 20% pamasahe na gagamitin ng presidente sa kanyang mga appointment pagkain ng presidente, maliit pa nga dahil matipid ang presidente pagdating sa kanyang kalusugan

30% 10%

-

tirahan, dahil madalas ginagabi ng uwi ang presidente galing sa kanyang mga appointment savings account ng presidente na sa ngayon ay wala nang laman.

Sa wakas magagamit ko na din aking natutunan sa matematika ng ako’y elementarya pa lamang. 30%+20% +30%+10%... Oopps… nasaan yung aking kinakalawang na calculator… May 10% pa pala na natira, ito ay mapupunta sa pondo talaga ng Pugad Baboy Academy, na isang pangpribadong paaralan na tumatanggap ng mga estudyanteng hindi bababa sa timbang na 130 lbs. at mga estudyanteng napatalsik sa kani-kanilang unbersidad dahil sa pagiging malakas kumain sa loob ng kanilang campus. Lahat ng nabanggit ko ay sa panaginip ko pa lamang nangyari. Hindi ko inaasahan na kahit sa panaginip ay hinahanbol ako ng “KARMA”. Kasi ako’y magising ay diretso ako sa lababo para maghilamos. Nang aking buksan ang gripo, kahit isang patak ng tubig ay walang lumabas(wala ‘atang tubig). Kaya pala nang isang araw may dumating sa amin na sulat galing sa bagong nagmamay-ari ng kompanya ng tubig dito sa amin na panandalian nilang puputulin ang daloy ng tubig sa kadahilanang hindi sila nabigyan ng baranggay clearance na gagamitin sa pagkuha ng business permit. Nang ako ay lumabas at naglalakad sa sementadong kalsada habang nagti-text ay may natapakan akong isang malambot na bagay. Nang aking tingnan ay isa pa lang “PUPU” ng aso na kakasilang pa lang. Medyo naawa ako sa pupu dahil ito ay aking napitpit, sa oras na ‘yun wala akong nagawa kundi i-hit and run ‘yung pupu na napitpit, buti na lang nakisama din ang panahon, medyo umulan at nagawa kong makapaghugas ng paa. Lumipas ang apat na oras ay bumalik ang serbisyo ng tubig. Nasiyahan ulit ako dahil makakaligo na. Meron pa palang kamalasan na naghihintay sa akin sa school nang ako’y pumasok na at natapos din agad ang aking subject. Tumambay pa kami ng aking mga naggagwapuhang kamag-aral sa canteen, hindi upang kumain

kundi ay para magpalipas ng oras habang nagkukwentuhan ng kani-kanilang mga crush sa loob ng campus. Dumating ang aming mabait na kaibigan na hihiramin ang aking mumurahing cellphone, nagkaroon pa naman ako ng memory lost at nakalimutan ko ang code ng aking mumurahing cellphone, hindi sinasadyang napintod ang off button, hindi ko na ito mabuksan ulit, nasayang tuloy ang aking “unli” na tawag ng mga kabataan ngayon. Nang ako’y magising sa katotohanan naisip ko na lahat pala ng mali nating ginagawa ay may katapat ding kaparusahan. Kaya ‘yung mga corrupt na pulitiko balang araw babalik din lahat ng mga mali nilang ginagawa sa kanilang nasasakupan, malay natin makatapak din sila ng tae. Dahil sa mga pangyayaring hindi ko na gustong maulit pa bumalik na din ang aking matinung kaisipan. Mas masaya pala na laging pantay-pantay ang tingin mo sa lahat ng bagay at sa mga nilalang dito sa ibabaw ng lupa, kung ganito lahat ng kaisipan ng bawat nilalang siguro walang “corrupt”, “magnanakaw” o anumang masamang gawain sa ibabaw ng mundo. Pagnagkataon uusad ang ating bansa at magkakaroon ng mapayapang kapaligiran. Sa ngayon meron akong kayamanan na hindi kayang agawin ng iba. Ito ay ang aking masayang pamilya at mababait na kaibigan. Bago pa ako maiyak nais kong ibahagi sa inyo kung paano ko nakilala ang aking mga cute at feeling cute na kaibigan. Isang araw naghahanap ako ng mapapasukang school dahil late na ako nag-enroll nahirapan akong maghanap. Nang ako’y mapadpad sa isang hindi masyadong pamilyar na lugar sa akin, may nadaanan akong isang magandang school na kulay PINK. Hindi ko pwedeng sabihin dahil wala naman akong kontrata para i-plug sila, pero dahil napamahal na yata ang school na ito sa akin ay sasabihin ko na. Ito ay ang “IETI, College of Science and Technology” na pinamumunuan ng mga magagaling at mababait na professor, kung sakaling mabasa nila ito siguradong ipapasa na nila ako o kaya gagawin nila akong scholar. Nang unang pasok ko sa school marami akong nakilala at kaibigan na rin, medyo tahimik pa ako noong una dahil hindi ko pa sila masyadong kilala. Nang makalipas ang ilang linggo nagpapalitan na kami ng kani-kanilang

opinyon at kwento, hindi ko inaasahan na ganoon pala sila kababait. Habang sinusulat ko ang kwentong ito ay patuloy na masaya ang samahan ng barkada. Pinagsasaluhan namin ang tawanan, kwentuhan, asaran at kanya-kanyang kaepalan, pati na rin ang pagkain na nabibili namin sa labas. …ρβα… Pingu 101 by: dha-dha Hindi ko lubos maisip kung paano ako nasama sa mga taong tulad ko na gumagawa din ng wala. Minsang nagkaroon ng bakasyon, alam mo yung unlimited text sa SMART? Oo yun nga yun. PROCEDURE:

1. Bumili ng SMART sim na worth 70.00 pesos sa
bayan, sa mall, retail store basta yung pang mamahalin at sosyal lamang. 2. Pagkatapos bumili ay itapon na ang dati mong sim na mumurahin at palitan na ng mamahaling new polish sim card na tatagal lamang ng ilang buwan kung addict texter ka. 3. Kuhain ang mga numero ng mga classmates, family, teachers, janitor o janitress, number ng crush mo, mga dati mong classmate, mga kakilala, mga kapitbahay, pati na rin yung mga taong ayaw mo kausap kasi magulo kausap pero wala kang magawa dahil susulitin mo ang UNLI mo at kailangan ma-consume mo iyun within two days, katabi sa jeep, driver, yung panadera, assassinator, isama na rin ang kapwa natin mamamatay tao, si manong lasenggo, homo sapiens, at yung mga yumao ng tao na gusto mo pang makausap ay mag-rereply din sayo basta malakas ang signal, GO! 4. Matapos kunin ang numero ng mga nabanggit na tao ay ready ka na para sa SMART – SMART UNLI TEXT. PAANO:

1. Mag paload ka ng 30,000 php sa mga outlet na alam mong medyo alam ang ibig sabihin ng 30, 000 load ngunit ang babayaran mo lang ay 30 pesos lamang talaga. Pero kung matiyaga kang maghanap ng maloloko mo eh pumunta ka sa Mindanao at maghanap ng medyo hindi mukhang mangkukulam at hindi rin mukhang wakwak na buong pusong magbibigay ng load sayo ng walang kapalit. 2. Kailangan mong gumising ng alas tres ng madaling araw o kung hindi ka naman talaga natutulog ay hintayin mo na lang sumikat ang araw basta hindi aabot ng alas nwebe dahil madidismaya ka lamang sa malalaman mo. PROMISE! <wait lang kakain lang ako> 3. Game. Ang susunod naman, I-type ang <30> at I send sa <258> 4. Maghihintay ka ng 30 minuto, pero ang totoo eh pag send mo pa lang eh rehistrado ka na. 5. Kung nasundan mo ang aking taos pusong pagtuturo sayo ay CONGRATULATIONS! ***confetti** Ikaw na ay certified photo copy UnLi TexTer! Ayun, dito nagsimula ang PBA. Minsang nag kiti-kiti text kami ni Ambet gamit ang UnLi eh napag-tripan naming dalawa na bumuo ng isang organisasyong pangFAMAS ang dating. Ang mga kasangkot sa miyembrong ito ay puro mga taga STVAC. Hindi ko nga alam kung bakit may isang EDUC <ehem> ang nasabit sa kanila. Matapos ang walang kalatuy – latoy kong kwento eh meron lamang akong mga karagdagang mga walang kwento ulit. Isang simpleng komposisyon lamang ng aral at kaunting katarantaduhan na mula sa akin. Mga bokabularyo na mula sa aking diksyonaryo at mga salitang angkop para lamang sa mga miyembro ng PBA.. Supot ka pala!

-

-

-

isang tiyologo na nagmula sa tagalog na salitang supot na ang ibig sabihin sa ingles ay plastic. Actually, dalawa ang ibig sabihin nito depende sa version mo. Una, <ŝüphÖt> ang pagbabalangkas ng nasabing salita ay ginagamitan ng taimtim na paghinga ng malalim. Inguso ang iyong labi na may 45º lamang ang lapat at sasabayan ito ng malalim na paghinga upang mas malinaw at taimtim ang pagsabi mo ng supot. SUPOT! SUPOT! <repeat after me> SUPOT! <higher><repeat tab 2x> Ang ikalawa naman ay <šupot>, matigas, taimtim, walang katulad! Ito ang paraan ng pagbigkas ng salitang nabanggit. Ginagamit lamang ito ng mga taong may sapat na lakas ng loob upang magsabi ng kanilang nararamdaman patungo sa taong ayaw nila o sadyang may hinagpis lamang sa buhay o nakulangan sa tulog o natatae lang.

Tengga ako! salitang ginagamit ng taong walang load. “<TèNnga>” Ito ang tamang pag banggit sa salitang naka quote*quote.

GM o Group Message. Ito ay ginagamit lamang ng mga taong naka UnLi. Dalawa ang paraan ng paggamit ng salitang GM Una, GM pangkalahatan Ikalawa, Gm para sa isang tao lamang.

Kurakutist salitang na aangkop para sa mga taong tulad ng aming Presidente na si Yhanny. Gorilla ka! Odtujan! WARNING: ang salitang ito ay mapanganib! Huwag basta basta gagamitin kailangan

may sapat na kasanayan sa pagtakbo at pagiwas sa mga hampas ng unggoy! Penguin Dance nagmula ito sa “Athaios Le Torneau” na isang grupo ng mga bampirang naglalakad sa umaga (huwag mo na tanungin kung sino ang myembro). Bear – Bear PRONUNCIATION: “Bhèr – Bhèr” Salitang nakalaan para lamang kay Ambet lamang sa mga taong

Matanda ka na ba? Ito ay sapat sumusunod: i. James ii. Ryan Bibe nalaman!

<Vivè> ang salitang ito ay kahapon ko lang

END OF FIRST PART Kala mo tapos na!? Mukha mo!!! Ilan pa lang yan sa mga salitang pinasimulan ng PBA sa buong IETI! Pugadenians, good luck sa inyong lahat! Lalong lalo na kay Ambet na pumapayat na!^-^ DRAMA PART: Summer is coming, pero sana yung team natin ay hindi basta basta magbago. Let’s do our best para sa lahat and hope for the better… This is all I can say for things you’ve done to me guys… SUPER THANKS!!!!!!!!!!!!!! Love ko po keo 

mwahmwah Tsuptsup …ρβα… Quandary by: dha-dha When things gotten wrong In fervor and masquerade No friends I have seen But the PBA itself I demand to unearth The elongated last of amity And so I see them The PBA itself The lost, the urn, the failure will come Yet the friendship will last, from this day on I might surrender and leave behind But the wealth of alliance will last eternally I am gratified for the warmth of your empathy I thank you for the convergence you offered me And this I stand for the PBA that I revere Who had dear fully adore me from my ups and downs **IPHIGENA DHADHA BATHORY PENGUIN** …ρβα… Adios mi amigo by: ambet Paalam. Goodbye. Adios. Iba’t-ibang lenggwahe. Pare-parehong pagpapakahulugan. Paalam. Nangangahulugan ng pag-iwan. Mahirap maiwan ng taong nagpapaalam. Mahirap din ang mang-iwan kung alam lang nila. May iba’t-ibang klase ng pamamaalam. Mayroong panghabang-buhay, panandalian, at panandalian na parang panghabang-buhay. Mahirap mawalan ng mahal

sa buhay ng panghabang-buhay o yung kamatayan. Nakakamiss. Ang panandalian naman ay parang wala lang, kasi mamaya, bukas o sa susunod na linggo ay maaari mo na siya ulit masulyapan at makita. Ang pamamaalam ng panandalian na parang panghabang-buhay ang isa sa pinakamahirap. Lalo na kung napalapit na sa iyo ang mga nilalang na iiwanan at mangiiwan. Nakakaiyak. Nakakaasar. Nakakaiyak dahil nakakalungkot. Nakakalungkot dahil iiwanan ka at mangiiwan. Nakakaasar dahil aalis ka. Maraming beses na ako iniwanan. Minsan lang ako mang-iwan. Sanay na ako maiwan ng mga nilalang na mahal ko sa buhay. Hindi ako sanay mang-iwan. Ayaw ko kasing may nasasaktan tuwing nang-iiwan ako. I really hate to say goodbye, but sometimes I really need to say that word, not only for my own good but also for the others. Wait lang huh… magpupunas lang ako ng ilong. Kasabay kasi ng pagdurugo ng ilong ko ay ang pagtulo ng hindi pa hinog na sipon ko. Mahirap talagang iwanan ang mga nilalang na kahit sa sandaling panahon ay natutunan mong mahalin. Lalo na yung mga nilalang na gumawa talaga ng marka sa puso mo. Mga nilalang na hindi mo malilimutan. Mga tunay na kaibigan. Kaibigan na talagang maaasahan sa lahat ng bagay. Lalo na sa kalokohan. Mula nang pumasok ako sa kolehiyo ay mas dumami ang nalaman kong kalokohan na pwede kong gawin. Hindi tulad ng high school na kakaunti lang. Ikaw kaya ang mapa-barkada sa mga nilalang na tulad ng mga taga-PBA?! Ewan ko lang kung hindi ka makatiis. Pero hindi kasama sa mga kalokohang iyon ang pag-inom at paninigarilyo. Hindi sila ganun. Hindi ko din naman iyon gusto. Mapait ang alak at may history ako ng hika noong bata pa ako. Speaking of hika, naaalala ko ang kwento noon ng nanay ko tungkol sa mga kinatay na maliliit na pagong ng lolo ko at inihaw ito para sa amin ng pinsan ko na may hika din. Napanaginipan raw ito ng lola namin. Ito rin raw ‘yung nakagaling sa hika ng nilalang na napanaginipan ng lola ko. Nakalimutan ko na ang pangalan ng nilalang na tinutukoy niya sa kanyang panaginip. Nagpaalam na pala ‘yung lolo kong kumatay dun sa mga pagong. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Bata pa ako nung nawala

siya. Hindi ‘yun naging masyadong malaking impact sa buhay ko dahil bata pa nga ako nun at hindi pa hasa ang aking damdamin para sa mga ganun. Pero nalulungkot ako kahit papaano dahil madalas niya akong bigyan ng piso noon. Masaya na ako sa piso dahil bata pa nga ako. Naaalala ko tuloy ‘yung isa naming kaklase na madalas sabihin na siya ang pinakabata sa course naming noon. Hanggang sa malaman naming na ‘yung isa pala naming kaklase ang pinakabata. Pero pinagpipilitan pa din niya sa akin na mas bata pa din siya kaysa sa akin. Ano naman ang pakialam ko. May mapupulot ba akong talino doon? Wala naman! Speaking of talino, nakakawala ba ng talino ang pagpapagupit ng buhok? Kasi parang mula nang magpagupit ako nawala lahat ng ideya ko para dito. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko pa susundan ang partikular na sulatin na ito. Tulog muna ako. Pakigising na lang ako ng 7:30 a.m. Wala naming pasok bukas eh, kaya okay lang kahit medyo late na ako gumising. Ay! 7:30 a.m. pala talaga ang normal kong gising. Sige na bukas na lang. Good night! Kinabukasan. Muli na namang sumagi sa aking diwa ang mga naiwan kong kaklase mula elementary hanggang high school. ‘Yung mga kaklase ko sa high school ang nagbigay ng isa sa pinakamalaking impact sa akin pagdating sa pamamaalam. Nandyan ‘yung iyakan, ‘yung pagbabalik tanaw sa mga nakaraang araw, ang mga balak gawin habang wala pang pasok at ang matinding pangako na hindi kalilimutan ang isa’t isa. Sana nga ganoon ang mangyari sa batch namin. Malapit na palang mag-one year mula nang grumadweyt kami. Paalam. Ang salitang namutawi sa aming mga labi nang kami’y malapit nang maghiwa-hiwalay. Paalam. Salitang madaling bitiwan pero mahirap tanggapin at gawin. Gasgas na nga ang linyang ‘yan. Pero aminin natin sa sarili natin na totoo ‘yun. Mahirap tanggapin na may mawawalang tao sa routine ng buhay mo. Mahirap gawin kasi alam mong may malulungkot kapag umalis ka. Pero tulad ng sinabi ko makabubuti ito para sa lahat. Matututunan ng nangiwan na mabuhay sa

piling ng ibang tao at tumanggap ng mga bagong kaibigan. Ganoon din naman sa mga maiiwanan. Pero mahirap talaga! Whaaah! Nakakalungkot talaga! I hate this feeling. Naiiyak tuloy ako. Huhuhu. “Sumakay ako sa jeep na walang laman. Sa pagandar may mga sumasakay. Pero bumababa din agad. Maraming sumasakay, pero nakalimot din, bumababa din agad. Hanggang sa ako na lang ulit ang pasahero ng jeep. Nagulat ako noong magsalita ‘yung driver, ‘Bata, nakakatawa noh? Ang daming sumasakay pero lahat sila bumababa, walang tumatagal sa’yo…’ Napangiti na lang ako pero nasaktan ako, naisip ko kasi ganoon ang biyahe ng buhay ko, maraming sumasakay pero wala pa sa pupuntahan bumababa na agad. Walang nagtatagal. Masakit isipin pero may mga tao talagang dumaan lang, at hindi pwedeng magtagal. Nakakalungkot isipin pero imposible na siyang mapasakay ulit siya sa jeep ng buhay mo. Sa dami ng jeep sa mundo, swerte mo na lang ‘pag napara niya ulit yung sa iyo.” Ang napakahabang quote sa itaas ay galing sa presidente ng PBA. Hindi ko alam kung kanino niya ito nakuha at kung sino ang nakuhaan ng kinunan niya ng quote sa itaas. Salamat sa napakagandang quote. Ipinahihiwatig sa quote na ito na kailangan natin mag-let go sa mga taong mawawala na sa routine ng buhay natin. Pero sana magkita pa kayo. Hindi naman kasi panghabang buhay na makakasama mo ang mga nilalang na kapiling mo ngayon. Naalala ko nitong February 14, 2009, nagkasundo kami ng ilan kong kaibigan sa kolehiyo ng mag-videoke sa labas ng kolehiyong aming pinapasukan. Pinilit nila ipaalala sa akin ‘yung mga masasayang alaala namin ng magkakasama. Mga kulitan. Mga asaran. Mga tawanan na parang wala nang bukas. Kinantahan nila ako ng mga nagpapaalam na kanta, dahil nga ako ay lilisan na at lilipat na sa ibang unibersidad. Habang kumakanta ang isang miyembro ng PBA ay binuksan ko ang isang sulat galing sa muse ng PBA. Binasa ko ito at unti-unti akong nalungkot at napaisip. Pinasalamatan ko ‘yung muse namin. Napaiyak siya. Patuloy pa din ang videoke bilang background namin. Inaantay pala nila akong umiyak din. Pero sabi ng presidente at escort namin na tatawa sila kapag nakita nila akong umiyak. Mga adik talaga. Pero

napigilan ko pa ang sarili ko. Niyakap ko ang muse namin habang umiiyak(Yes! Tsansing!). Napaiyak na din ‘yung financer namin at isang member. Tinatawag silang “Tatlong Mariang Walang Hinhin.” Niyakap ko silang tatlo. Kasya naman sila sa bisig ko. Ewan ko lang kung sa laki kong ito kung hindi sila magkasya. Kung alam lang nila kung gaano ko pinipigil ang pangingilid ng aking mga luha. Nadurog ang puso ko nang makita silang umiiyak dahil sa nalalapit kong paglisan at pamamaalam. Masaya ako kasi napagtanto ko na may mga tao palang nagpapahalaga sa akin. Masarap ang pakiramdam kapag nalaman mo na may nabibigay importansya pala sa’yo. Penguin. ‘Yan ang tawag namin sa vice-pres. namin. Penguin kasi parang penguin siya maglakad. ‘Yun ‘yung sabi nila. Pero ‘wag ka, magaling yan sa maraming bagay. Talentado kumbaga. Matalino pa, pero marami ding alam na kalokohan sa buhay, kaya nga siya napasama dito eh. Paalam na Dhadha. My super pig twin. Presidente. Siya na siguro ang pinaka-kurakot na presidente na nakilala ko(kung nabasa ninyo ang “Brief history of PBA” alam niyo na ang ibig kong sabihin). Isang presidente na umamin na sa kalokohan lang gumagana ang utak. Pero matalino yan. Pusher nga lang. Siya ang pusher ng PB comics. Kasangga ko sa yan sa kalokohan. Paalam na Yhanny. Bumbay. Isa sa mga kasangga ko pagdating sa kalokohan. Pati sa mga kanta ng Air Supply. Tatahitahimik Pero sa loob pala kalog din. May pagka-Bikolano pa kaya pati ikaw mapapagaya. Pareho sila ng financer namin. Paalam Jo. Shang. Financer siya ng kulto, dahil isa siyang mayaman na nilalang. Palaging nalilibre. Ang bait-bait. Parang anghel. (note: ang tatlong huling pangungusap bago ang parenthesis note na ito ay sapilitang ipinasulat sa akin at walang suhulang naganap kundi takutan lamang.) Palagi kong kasama sa maraming bagay. Kasapi din siya ng isang samahan na kung tawagin ay “Tatlong Mariang Walang Hinhin.” Paalam Shang. Judz. Isa sa mga miyembro ng “Tatlong Mariang Walang Hinhin.” Parang si Jo din. Tatahitahimik, pero kapag nakausap mo mababaliw ka din. Noong una parang hindi mo makausap. Pero kapag nakapagpalagayang loob mo sumasagot din pala. Natuto na kasi mula sa mga bad

influence niyang kaibigan(*ehem* kasama po ako dun). Paalam Judz. Brian. Pinaniniwalaang bosero ng cleavage ng babae. Pero wag ka, pati lalaki binobosohan niyan. Kaya kapag nakasalubong niyo siya itago niyo ang mga cleavage niyo, kasi pati mga walang dibdib binobosohan niya. Kapag wala naman siyang mabosohan hininipuan naman niya ang sarili. Ang tindi niya noh!? Mahilig din ‘yang makisabay sa uso. Tulad na lang nitong huli ng mapansin naming may gupit ‘yung kilay niya. Pauso! Paalam Brian. Paki-ingatan si Mimi niyo. Mimi. Nilalang na adik sa internet. Wala pang midterm minuto na lang ang naiiwan sa oras niya para sa internet consumption sa school. Nagbubutas ng upuan sa internet laboratory. Hindi mo siya maiistorbo kapag nagiinternet siya. Badtrip ‘yun kapag hindi nakakagamit ng internet sa lalo na kapag puno ‘yung internet laboratory. ‘Wag mo siyang lalapitan at bibiruin kapag nasa ganoong mood siya kundi matutunaw ka sa nanlilisik niyang mga mata. Lagot ka! Peace out! Mabait si Mimi. Kulang lang talaga sa height. Cute naman! Itinuturing na kapatid ni Jo. Paalam Mimi. Rizal. ‘Yan ang tawag ni Shang kay James. Paano ba naman parang si Rizal ang hair-do. One side. Ang taray-taray pa niyan. Kapag nakasalubong mo ang movement ng ulo parang pa-check. As in bababa from one side at aakyat to the other side. Isnabero. Seryoso. Hindi pala-tawa. Pero deep inside babaliw-baliw din pala. Paalam James. Phoebz. Ang taong napakasipag. Kasapi sa “Mga Mariang Walang Hinhin.” Gagawin ang lahat para sa pamilya niya kahit hindi niya na intindihin ang kanyang sarili. Makulit. Magulo. Palaging busy. Mag-iwan ka ng awa sa sarili mo huh. Paalam Phoebz. Marami pang tao akong gustong pagpaalamanan. Pero dahil sa liit ng espasyo dito hindi ko na sila mababanggit lahat. Basta, paalam na. Kilala niyo na kung sino kayo. Hindi ko kayo makakalimutan. On the behalf of ICT-I, STVAC, PBA and IETI, ang sulating ito ay handog ko sa mga nilalang na maiiwan ko. Bye guys. Hindi ko kayo malilimutan. …ρβα…

Quiz No.1 Akala niyo siguro tapos na ang libro noh?! Nagkakamali kayo… may pahabol pa ang isang pugadenian na si dha-dha “penguin” para sa inyo…

L A B R A D O R I C A I N A M J

P P A Y H A N N Y I E D S B E D

U G U M N D R E G R U B H O B Y

A D B G O A R Y B G N H I O N A

S A S K A L O H I N D A A B G J

N B C G P D U A A A O R P O N S

A B Z N Q N B N N H Z D H N O P

I E D I W G S A S S A O V G B M

N A X N X E T N B L P H G B O B

E R D G Z N O Y A O H A E N B J

D A R N G I P J J G Y B J I A R

A B I I B U U M I U O A O B G M

G B J N F G S E N T E L S E U A

U I K A R N L S S O B C J S I I

P B L P T E O T Z B E O H P O O

O E Y P S P V R N M M K O P N C

DIRECTION: Search all the answers on the puzzle above, not below you not on your left or right just over and above..:) 1. Pangalan ng isang organisasyon 2. Half Indian, half __________ 3. The p______________n

4. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

President ng PBA (nickname) Katawagan kay Ambet (2 answers) Lovey Dovey ni Brian Si Brian ay “toooooooot” Honey ni Allan Mahal ni Miah Palayaw ni Jojo kulot, J_N M_A_ The Chronicles of PBA; the Penguin, the Bear and the ____________ 8. Si James ay S____________ 9. Anong uri ng aso si Yhanny? 10. Favorite author ng PBA. 11. Si Phoebe ay B___________ 12. _______________ lang ang katapat 13. Tawag sa mga sasapi ng Pugad Baboy

About the authors
Lahat ng mga manunulat ng librong ito ay kasapi sa isang tagong samahan na ngayon ay nabunyag na. Ang Pugad Baboy Association. Ang mga manunulat rito ay galing pa sa iba’t-ibang kurso sa kolehiyong kanilang pinapasukan. Merong galing ng ICT, AS, IT, Educ at CpE. Iba’t-ibang tao, iisa ang hangarin. Iyon ay ang magdala ng katuwaan para sa buong barkada. Nagsama-sama para pasiyahin ang isa’t-isa.

About the book
The Pugadenians. Ang librong ito ay mga pinagsama-samang sulatin ng mga nilalang na gumagawa ng wala. Ginawa nila ang librong ito para naman raw makagawa sila ng meron. Mahirap kapag hindi ka nagkaroon, dahil “Mabuti nang delay, hindi naman buntis.” Kaya ngayon ang librong ito ay nailabas sa pamamagitan ng pag-e-effort ng PBA Board of Regents, nabuo ang librong ito dahil sa pinagsama-samang pangarap at mithiin ng mga nilalang na ito. Ginawa ito para sa pagbabalik tanaw na maaari nilang gawin sa nalalapit na hinaharap.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful