You are on page 1of 3

ADI P. DELICA V St.

Stephen

SULIRANIN SA TRAPIKO

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa kung saan pinakamalala ang trapiko. Sa katunayan, ang
isang kompanyang nagngangalang Numbeo ay inilagay ang Pilipinas bilang ikasampu sa mga
bansang pinakamalala ang sitwasyon sa trapiko. Umaabot sa humigit kumulang isang oras
byaheng inaabot ng isang pasahero para sa isang one-way trip.

Noong nakaraang taon, iniulat rin ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na
umaabot sa 2 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada araw dahil sa trapiko. Sa taong
2030, maaaring umabot raw ito sa humigit kumulang 6 na bilyon, isang malaking kawalan para
sa ekonomiya ng Pilipinas.

Maliban sa ekonomiya, naisasangkalan rin ang kalusugan ng mga taog naiipit sa trapiko,
ayon sa maraming pagsasaliksik. Ang usok na nalalanghap ng bawat tao na naiipit sa trapiko ay
nakakasama sa kanilang mga baga. Idagdag pa rito ang stress na kanilang nararanasan dhilan sa
trapiko, at sa mga problemang nagkakapatung-patong dahil sa pagkaipit nila sa trapiko.

Dahil sa stress na nabanggit ay kadalasan ay nagkakaroon ng away sa gitna ng trapiko.


Nagkakainitan ang mga pasahero at ang mga nagmamaneho kadalasan dahil sa kagustuhan nilang
makauwi ng maaga.

Sinasabing ang mga suliranin sa trapiko ay nagmumula sa paggawa ng mga daan isang
sinasabing lunas sa trapiko. Ayon sa isang balita, talagang kailangang maranasan ng mga tao sa
Pilipinas ang pinakamalalang sitwasyon ng trapiko upang maayos ang mga daan at makamtan nila
ang ginhawa. Ikalawa pa rito ay ang mga informal settlers na nakaharang sa daan. Ikatlo, ay ang
mga sasakyan na hindi naman dapat nasa daan ngunit nakakalusot pa rin sa mata ng batas.

Maganda sana kung mabilis na maaayos ang mga daan at mabilis na magpapalitan ang mga
trabahador upang hindi sila gaanong mapagod at sa parehong sitwasyon ay mabilisang matatapos
ang mga daan. Pangalawa, ay paalisin sana ang mga informal settlers at ilagay sila sa mga tamang
lugar para sa pabahay upang hindi sila humarang sa daan. At ikatlo, ay maaari sanang paalisin sa
daan ang mga hindi dapat magmanaeho, pati na rin ang mga kolorum na mga sasakyan upang
makabawas sa volume ng trapiko sa bansa.

Napakarami pang ugat ng trapiko, at napakarami pang solusyon na maiisip upang


malunasan ang trapiko. Naway makatulong ang ahensyang punong abala upang lumutas sa
suliraning ito.

Department of Transporation (DOTr)


Kalihim: Arthur Tugade
E-mail: webmaster@dotr.gov.ph
CHRISZA DREW I. DADOR V St. Stephen

SULIRANIN SA PABAHAY

Malaki ang problema ng Pilipinas ngayon sa pabahay. Sa katunayan, ayon na rin kay
Pangulong Rodrigo Duterte, 20 Milyon pang mahihirap na Pilipino ang nangangailangan ng
permanenting pabahay at kailangang gumastos ng 100 bilyong piso kada taon upang masimulan
at maging tuloy tuloy ang pagpapatayo ng mga bahay.

Ang mga illegal settlers ay nakakasagabal lalo na sa mga problemang pantrapiko.


Karamihan sa mga informal settlers ay nakaharang sa daan kung kayat lumala ang trapiko sa ibat
ibang daan hindi lamang sa Metro Manila kung hindi maging pati na rin sa ibat ibang bahagi ng
Pilipinas.

Dahil rin sa hindi maayos na tirahan na anumang mayroon ang informal settlers,
nagkakaroon ng problema sa kanilang kalusugan. Hindi maayos ang palikuran na mayroon ang
mga informal settlers kaya naman ang mga dumi nila ay kung saan saan na lamang nila nailalagay.
Maliban pa roon, hindi maluwag ang kanilang lugar kaya mabilis na nagkakahawaan ng sakit.

Ang mga informal settlers ay walang matirhan ng maayos sapagkat hindi pasok ang
kanilang kinikita pampatayo ng bahay, kulang pa nga sa kanilang pangkain kadalasan. Hindi
naman nila maasikaso ang mga papeles upang maging pormal silang indigent sapagkat wala silang
kaalaman sa mga paraan kung papaano ayusin ang mga bagay na ito.

Kung maiisa-isa nga lamang sana ang mga informal settlers at maayos na matitignan kung
ano ang kalagayan ng bawat pamilya, maayos na mabibigyan ng solusyon ang problema ng bawat
pamilya at magiging pantay pantay ang pagbibigay ng kalinga sa bawat pamilyang
nangangailangan ng tulong pabahay.

Kahirapan ang punong ugat ng problemang ito, ngunit sanay kahit papaano ay matulungan
ng gobyerno ang mga naghihirap na Pilipino at mas lalong bigyan sila ng kaalaman kung papaano
makakaahon sa kahirapang kanilang dinaranas.

Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)


Kalihim: Gen. Eduardo del Rosario
E-mail: info@hudcc.gov.ph
JUAN CARLOS HERNANDEZ V St. Stephen

SULIRANIN SA KRIMEN AT DROGA

Mistulang humupa na ang mga ulat tungkol sa droga, ngunit sariwa pa rin sa alaala ng mga
namatayan ang mga naganap tungkol sa giyera laman sa krimen at lalung-lalo na sa laban nila sa
droga. At hindi man nailalathala ng lubusan sa media ay nagpapatuloy pa rin ang pagpatay at
paghuli sa mga gumagamit ng droga.

May ibang naakusahan lamang at napagbintangan lamang ngunit namatay pa rin o kaya
namay nagdurusa ngayon sa kulungan. Iyong ibang totoong gumagamit ng droga ay malamang
na nakakalaya at kunwariy magbabago saglit ngunit babalik lamang sa dating gawain.

Ayon sa mga gumagamit ng droga, nakakawala raw ito pansamantala ng mga problema at
kung mas marami pa ay mararamdaman mo ang kasiyahang hindi mo pa nararanasan noong una
pa lamang. Pamparelax naman ito sa iilan. Kaya naman ang mga nagbebenta ng droga ay talaga
nga namang malaki ang kinikita at marami ang nakukuhang pera.

Ang dorga, kapag nasobrahan ang gumagamit ito, ay hindi na gaanong makakapag-isip ng
maayos ang gumagamit at maaari nang gumawa ng ibat ibang krimen katulad ng pagpatay rin,
panghahalay at marami pang iba. Kaya naman hindi rin natin masisisi ang pangulo kung gusto
niyang patayin ang mga gumagamit ng droga at iyong mga nawalan na ng pag-asa.

Isang solusyon ang pagpapatayo ng napakaraming rehabilitation centers at ang pagkuha ng


maraming doctor at nurse na makakatulong sa pagpapagaling ng mga adik sa droga. Dapat rin ay
mahuli ng maayos ang mga karapatdapat hulihin at i-assess na mabuti ng kapulisan.

Matapos ang rehabilitation centers, kailangan ng moral support ng mga rehab patients.
Dapat ay ang kapaligiran nila ay puno ng suporta na sila ay magbabago, hanggat maaari ay
kailangan nilang makalimutan ang nakaraan nila sa droga. Dalhin nawa sila sa Diyos at sa
mabuting pamumuhay.

Dapat rin ay bigyan sila ng mga gawain na malilibang sila, makukuntento at magiging
masaya. Kailangan nilang malibang upang makalimot sila at malaman nilang mayroon pang higit
sa buhay nila kasama ang droga.

Kahirapan at kawalan ng kakuntentuhan at kasiyahan ang punong ugat ng problemang ito


kaya naman dapat tulungan ng ahensyang ito (PDEA) ang paghahanap at pagpapagaling sa mga
biktima ng droga. Hindi kamatayan ang solusyon dito ngunit malawakang pagbabago ng
disposisyon sa buhay, sa tulong na rin ng mga tao sa paligid at mga taong nagmamahal sa kanilang
pamilya.

Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)


Kalihim: Usec./Director Gen. Isidro Lapea
E-mail: cs@pdea.gov.ph