You are on page 1of 2

SINUMPANG SALAYSAY NG PAG ARESTO

AKO, P01 MARVIN SANTOS Y AVILA, NASA HUSTONG TAONG GULANG, MYEMBRO NG PASIG
CITY POLICE STATION NA MAY PAHATIRANG SULAT NG C/O SAIDSOTF, PASIG CITY POLICE
STATION, C. RAYMUNDO AVENUE, BRGY. CANIOGAN, PASIG CITY AY NANUNUMPA NG
NAAAYON SA BATAS AY NAGSASAAD SA MGA SUMUSUNOD:

Na, ako aay kasalukuyang nakadestino sa station Anti-illegal Drugs Special Operations Task
Group (SAIDSOTG), Pasig City Police Station na matatagpuan sa C. Raymundo Avenue, Brgy.
Caniogan, Pasig City na gumaganap ng tungkulin araw-araw ng walang takdang oras.

Na, nuong humigit kumulang alas 5:00 ng hapon ika-4 ng Pebrero 2014 ay nagsagawa ng
pagpupulong ang aming hepe na si PCINSP RENATO CASTILLO tungkol sa gagawing paghuli ng
mga taong nabanggit sa OCPNP SMS with Reference Number SFN140131-2310, SFN140204-
1123 na sina @ RONALDO VICTORINO alias "ONA" at LORELIE REYES alias "LOLAY" na nakatira sa
144-E Evangelista St., Brgy. Santolan, Pasig City na nagbebenta ng pinagbabawal na droga. Ako
ang naatasan na magiging back-up at ang magiging poseur buyer ay si P01 Mario David at may
kasama siyang confidential agent na nakakakilala kay @ONA at @LOLAY at ang napagusapan
naming pre-arrange signal ay babaligtarin ni P01 David ang kanyang suot na sumbrero hudyat na
siya ay nakabili na nag ipinagbabawal na droga.

Na, pagkatapos ng aming pagpupulong ay gumawa si P02 Edmon Reyes ng coordination at Pre-
Operations sa DAIDSOTG at PDEA RONCR at ito ay tinatakan ng Control Number 0214-00039.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa 144-E Evangelista St., Bgy. Santolan, Pasig City at ako ay
pumwesto malapit sa lugar nila P01 David at kasama niyang confidential agent (CA) kung saan ay
makikita ko ang lahat ng kanilang magiging kilos para sa paghuli ng mg taong si @ONA at
@LOLAY.

Na, bandang alas 10:45 ng gabi ng Pebrero 4, 2014 ay nakita ko itong si P01 David at kasama
niyang CA na sinalubong ng isang lalaki at pagkatapos ay sumunod na si P01 David at CA sa lalaki
at doon ay sumunod ako sa kanila at pagtapat nila sa isang bahay ay kumatok ang lalaki na
kalaunan ay nakilala kong si @Willie at lumabas ang isang lalaki na nakilala ko sa kalaunan na
@ONA. Doon ay nakita ko na nakipagtransaksyon na itong si P01 David kay @ONA at maya-
maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae na kalaunan ay nakilala kong si
@LOLAY at nagusap sila ni @ONA at pumasok ulit itong si @LOLAY at nakita ko na ibinigay na ni
P01 David ang buybust money kay @ONA at ito ay inilagay ni @ONA sa bulsa ng suot niyang
maong na pantalon. Maya-maya ay lumabas na ulit itong si @LOLAY at nakita ko na may ibinigay
siya kay @ONA at kinuha naman ito ni @ONA at doon ay nakita ko na may ibinigay na isang
piraso ng heat sealed transparent plastic sachet kay P01 David at saka inabutan din niya ng isang
pirasong plastic sachet si @WIllie. Pagkatapos ay nakita ko si P01 David na binaligtad na niya ang
kanyang sumbrero hudyat na siya ay nakabili na ng shabu. Dahil dito ay agad akong rumesponde
at halos kasabay ko itong si P02 Reyes at hinuli ko agad itong babae na si @LOLAY at inutusan ko
siyang ilabas ang lahat ng gamit sa kanyang bulsa at doon ay nakita ko pa ang ilang heat sealed
transparent plastic sachet na naglalaman ng ipinagbabawal na shabu. Nang tanungin ko ang
kanyan buong pangalan ay nakilala ko siyang si Lorelie REYES y Ocampo @LOLAY, 43 taon
gulang, may kinakasama, walang trabaho at nakatira sa 144-E Evangelista St., Brgy. Santolan,
Pasig City. Pagkatapos ay sinabihan ko siya ng kanyang paglabag ng batas na pagbebenta at
pagdadala ng ipinagbabawal na droga at saka inaalalahanan ko siya ng kanyang karapatan ayon
sa saligang batas. Ang nakuha kong isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na
naglalaman ng hinihinalang shabu ay minarkahan ko ng MAS/LOLAY 2/4/2014 at pinirmahan ko.
Ito ay ginawa ko sa harap mismo ni @LOLAY.
Na, Pagkatapos ay dinala namin sila sa barangay Santolan at doon ay pumirma si kagawad
Francis Adriano sa Inventory of seized evidence matapos aminin ng mga suspek ang nilabag
nilang batas bilang patunay sa nasabing lihitimong police operations.

Na, amin ng dinala sa aming opisina para maimbestigahan at masampahan ng kaukulang kaso at
dito ay nakilala sila sa kanilang tunay na pangalan bilang sila (1) Ronaldo VICTORINO y Santos,
@ONA, 49 years old (jan 26, 1965) single, electritian native and a resident of 144-E Evangelista
St., Brgy. Santolan, pasig City, (2) Lorelie REYES y Ocampo @LOLAY, 43 years old (Nov 03, 1970)
single, jobless native and a resident of 144-E Evangelista St., Brgy. Santolan, pasig City, at (3)
Wilfredo TEODORO y Gabriel @Willie 53 years old (Aug 02, 1961) married, driver, n/o and a
resident of 128 Evangelista St., Brgy. Santolan, Pasic City. At ng matapos ang mga kaukulang
dokumentasyon ay dinala na namin ang mga suspek sa (RMC) Rizal Medical Center para ipa-
medical at pagkatapos ay dinala na namin sila sa EPD Crime laboratory Service sa Mandaluyong
City para ma Drug Test at masuri ang mga nakumpiskang ibedensya. Pagkatapos ng examination
sa mga dinalang ______ sa EPD SOCO ay nagpositibo ang lahat ng hinihinalang shabu.

Ginawa namin ang salaysay na ito bilang patunay sa mga pangyayaring inilahad at para sa
pagsampa ng kasong paglabag sa Sec. 5, 26 para b and 11, Art. II R.A. 9165 laban sa mga suspek
na nabanggit sa itaas.

P01 Marvin A Santos


-----Nagalaysay-----

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this __________ day of _________________


2014 at Pasig City.

THIS IS TO CERTIFY THAT I HAVE PERSNOALLY EXAMING THE AFFIANT AND I AM


SATISFIED THAT THEY VOLUNTARILLY EXECUTED AND UNDERSTOOD THEIR FOREGOING
STATEMENT.

PCI RENATO B. CASTILLO


Under sec. 50, RA 6975
(Administering Officer)