You are on page 1of 7

Isang ginang na namamalimos sa labasan. Nakatutula at parang nakatingin sa kawalan.

Sa bawat may
dumadaan ay marahan niyang itinutuwid ang kanyang mga nakabukas na palad upang manghingi ng
limos. Makikita sa kanyang palad ang lahat ng napagdaan niya sa buhay. Sa bawat paghingi ay maaninag
ang kanyang matinding pangangailangan.

Sa kanyang pamamalimos, hindi niya napansin ang isang binata na dahan-dahan kinuha ang isang
lalagyan na punong-puno ng kanyang mga itinuturing na kayaman. Dahil sa ayaw niyang malayo ang
kanyang kayamanan, nakipag-agawan siya, nakipaghatakan hanggang sa sukdulang mapunit ang bag at
nalaglag ang mga laman nito. Tumakbo ang binata at iniwan ang ginang na dali-daling nagpupulot ng
kanyang mga gamit. Ang isang litrato ng isang lalaki at ang sulat na tila gawa ng isang bata.

Marahang pinulot ng ginang ang sulat at biglang pumasok sa kanyang gunita ang mga alala na dala ng
sulat na iyon.

Guro (Teacher)

Scene setting: School elementary

Video clips na nagtuturo yung teacher

Mga bata nagtataas ng kamay.

Teacher Marie: okay class, sana may natutunan kayo sa mga itinuro ko ngayong araw. Mag-ingat kayo
sa pag-uwi.

Students: Goodbye maam.

Nakakita siya ng isang batang gusgusin na nakatingin sa mga batang kumakain.

Teacher: Gusto mong kumain?

Bata: Hindi po.

Biglang tumunog yung tiyan.

Teacher: Hindi ka talaga nagugutom?

Bata: wala po akong pera eh.

Kukunin nii teacher yung pitaka niya.

Makikitang kakaunti na lang yung pera niya at wala na siyang pang-uwi. Pero pinili pa rin niyang ibili ng
pagkain ang bata.

Teacher: tara samahan mo kong kumain.


Scene setting: Kainan

Teacher: nag-aaral ka bunso?

Bata: hindi po mahirap lang po kami eh

Teacher: pero gusto mong matututo?

Bata: opo.

Teacher sanay ka na bang magsulat ng pangalan mo?

Bata: hindi pa po eh.

Teacher: sige tuturuan kita.

*Video clips na makikitang tinuturuan niya yung bata magsulat ng pangalan niya.

Scene setting: school

Sinasama niya sa klase niya yung bata, sumasali yung bata sa pagtataas ng kamay.

Scene setting: school garden

Tinuturuan ni teacher si bata ng math.

Bata: Maam minsan po ba napagod kayong magturo.

Teacher: oo, minsan.

Bata: eh bakit po hindi kayo magpahinga muna?

Teacher: Bunso sa propesyon naming guro, hindi kami pwedeng mapagod o magpahinga dahil maraming
ang nangangailan samin. Hindi man kami yumaman, marami naman kaming napangyaman sa kaalaman.

Teacher: magti-teacher ka rin ba paglaki mo?

Bata: hindi po, gusto ko pong maging doktor para matulungan ko yung nanay ko.

Teacher: wag kang mag-alala darating din yan.

Nagdaan ang mga araw at hindi nagpakita ang bata, wala din ito sa klase niya kaya nag-alala ang guro.

Isang araw.

Co-teacher: Maam Marie, may ipinaabot nga pala sakin sulat.

Co-teacher 2: Parang galing sa mga estudyante mo. Basahin mo daw.


Binasa ni teacher Marie ang sulat.

-Laman ng sulat-

Dear Maam,

Sorry po dahil hindi po kung matagal akong wala. May nangyari po kasi kay nanay sabi po ni tatay. Hindi
ko po alam kung saan po kami pupunta pero sabi ni tatay makikita ko daw po doon sina lolot lola.

Maraming salamat po sa lahat ng itinuro niyo sakin lalo na po sa math.

Lagi ko pong tatandaan ang mga pangaral niyo sa akin.

Salamat po maam.

*fade out sa sulat

*fade in sa sulat na hawak ni ginang

Sunod niya kinuha ang litrato ng isang lalaki.

*fade out sa litrato

Sundalo (An army)

*fade in sa litratong hawak ni Sergeant Corpuz

Srgt . (?) nasa gitna ng isang labanan. Putukan sa paligid. Karamihan sa kanyang mga kakampi ay mga
namatay na, ang ibay sugatan.

Srgt: ( tiningnan ang hawak ang litrato ng kanyang asawa)

: (nanggigilid ang luha)

Srgt: (inalala ang mga masasayang pangyayari sa kanyang buhay kasama ang asawa)

~Flashback~

Araw na sila ay nagkakilala

School setting

Naglalakad si (lalake) sa pathwalk

Magkakasalubong niya si (babae)

Mapapatitig si (lalake)
Habang tinititigan, nag-iislow mo and may wind effect yung galaw and buhok ni (babae)

~end flashback~

Mapapangiti si sergeant habang inaalala

~fllashback~

Maaalala niya yung mga moment nila bilang mag nobya.

Kumakain ng ice cream

Tumutulong sa kapwa

Naka-upo sa puno habang nag-uusap

~end of fkashback~

Kukunin ni sergeant yung drawing ng bunso sa papel

~flashback~

(Babae): Mahal, may ipapakita daw sayo yung anak mo.

(Sergeant): Sige nga tingnan ko.

~Tiningnan

(Lalake): Wow, ang galing naman ng anak ko. (Tap sa head)

~end of flashback~

Kukuhanin ni Sergeant yung sing-sing sa bulsa niya.

~flashback~

Scene setting: Office

General Roque: We are re-assigning you to a new location and this time, you are assigned to the battle
in Maguindanao

Sergeant: Sir paano yung misis ko?

General Roque: Im sure maiintindihan ka niya. Alalahanin mo ang sinumpaan nating tungkulin bilang
sundalo, ang unahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili.

Scene Setting: Bahay

(Babae): hindi ako makakapayag.


(Lalake): Mahal, order samin yon ni General Roque at kailangan naming sundin. Para to sa bayan.

(Babae): at papaano naman kaming pamilya mo? Papaano yung mga anak mo kung may masamang
mangyari sayo?

(Lalake): Mahal, simulat sapul nung maging tayo alam mo na ang tungkulin ko. Nangako akong magsilbi
sa bayan at mamatay kung mamatay para sa bayan.

(Babae): papaano kung di ka na bumalik?

(Lalake): makakabalik ako.

(Babae): ayokong gawin to pero pinapapili kita, yang pagiging sundalo mo o kaming pamilya mo?

(Lalake): Mahal naman

(Babae): mamili ka.. (gigil)

(Lalake): -silent-

(Babae): alam ko na ang sagot mo (cool lang)

Ibibigay ni babae yung sing-sing kay (Lalake)

(Babae): Mag-ingat ka..

~end of flashback~

Mapapaluha si sergeant yakap yakap ang litrato at drawing.

(Bubuhos ang malakas na ulan)

~intense song~

POV ni Babae

(Babae): (hawak hawak ang litrato ni Sergeant)

(Babae): (Umiiyak)

POV ni Sergeant

Magpuputukan sa paligid.

Susugod si Sergeant kahit siya nalang mag-isa.

~intense music~
POV ni Babae

Ilalagay yung litrato sa table

Dudulas sa kamay.

Slowmong mababasag yung picture.

POV ni Sergeant

Nakikipagbarilan.

*blackscreen*

~Gunshot~

Ipapakita si sergeant, may dugo sa bibig, babagsak,

~flashback sa slowmo ng una silang nagkita.

Ipapakita si sergeant nakahiga,

POV ni Marie

Tinitigan ang picture

*fade out sa picture

ENDING

*fade in sa picture na hawak ng ginang

Niyakap ng ginang ang kanyang dalawang pinakamahalagang kayaman.

Unknown: Maam Marie?

Titingin si ginang kay lalake.

Ben: si Ben po ito, yung batang tinulungan niyo dati? Naaalala niyo pa?

Ginang Marie: Ben? ( nag-iisip )


Ginang Marie: Ben Santos?

Ben: opo, doctor na po ako ngayon.

Ginang: mabuti naman at natupad mo ang pangarap mo.

Ben: Dahil po iyon sa inyo.

~pause

Ben: nasaan po yung pamilya niyo.

Ginang: may sari-sarili na silang pamilya eh. At ako, wala ng asawa kaya mag-isa na lang ako sa buhay.

Ben: wala na po kayong kasama?

Ginang: wala na iho.

Ben: ( nag-isip )

Ben: Maam delikado po para sa inyo ang matulog at tumira dito. Sumasama na lang po kayo sa akin,
doon na lang po kayo tumira.

Ginang: nako iho, wag na, masyadong malaking abala, madumi ako at nakakahiya.

Ben: maam hindi kayo nahiya nung kinausap niyo ko noon. Hindi kayo nandiri nung pakainin niyo ako
non. Hindi kayo nagdalawang isip nang patuluyin niyo ako noon, ngayon pa bang may kakayahan akong
makabawi sa inyo, bakit hindi ko gagawin?

Ben: Alam niyo maam, wala kaming mga doctor, inhenyero, lawyer kung walang mga guro. Gusto ko
lang masuklian lahat ng kabutihang ginawa niyo sa akin.

Ginang: sigurado ka iho?

Ben: naman maam, I insist.

Tinulungan ni Ben na tumayo si Ginang Marie at sabay sila umalis.