You are on page 1of 1

Despacito

DJ: Love is in the air kaya pala karamihan ngayon sa mga magkarelasyon ay naiwan na sa ere!

DJ: Isang pagong tumakbo hindi pa din nakaabot.

DJ: Magandang magandang maganda kaming mga kababaihan este magandang magandang hapon po sa
inyong lahat! Muling naririto po ulit tayo sa studio oppa! At ako nga po muli si Monique at ito nga pala
ang pinakapanget sa aming dalawa este pinakamaganda sa amin, sa aking puso sya nga po pala si Bb.
Mika Magsumbol kung sino man ang mag-aapply na manliligaw sa kanya, just call in SSS (charot) lang
naririto kami upang maghatid ng balita tungkol sa pagpapalit ng kasarian ng isang sikat na singer na si
Charice Pempengco o Jake Zyrus. Ang oras po natin ngayon ay 2:41 pm at nandito po tayo sa pinsan ni
Charice na si Joselito na nagsasabi na kung ano ang kanyang masasabi sa pagpalit ng kasarian ng
kanyang pinsan.

Love me like you do

Joselito: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ang masasabi ko lang po sa pagpapalit ng kasarian ng
aking pinsan ay kung saan siya mas makukuntento, sang-ayon na ako sa kanyang pagdedesisyon na
magpalit ng kasarian basta huwag lang makakalimot sa kanyang mga pamilya at sa mga taong tumulong
sa kanya at espesyal sa Diyos na maykapal at lumikha sa atin. Iyon lang po ang masasabi ko, salamat po!

Perfect Stranger

DJ: Muli salamat po sa iyong pagbabahagi ng kumento Sir Joselito.

DJ:At ngayon iinterbyuhin naman ni Bb. Mika si Charice Pempengco.

Mika: Ano po ang masasabi nyo sa mga sinasabi ng bashers mo ngayon?

Jake Zyrus: ANg masasabi ko lang sa mga taong wala ng ginawa kundi ang pag-usapan ang mga isyu,
maraming salamat sa inyo dahil kung hindi sa inyo, di ako magkakaroon ng lakas ng loob na
magpakatotoo sa kung ano mang meron ako ngayon.

Mika: Salamat sayo, Jake Zyrus.

DJ: Muli sa mga gusto pong magpabati o ano man pong request, tawag lang po kayo sa 439-632.
Salamat po.

DJ: Ang oras na po natin ngayon ay 2:52 pm.

DJ: Muli ako nga po pala si DJ Monique at DJ Mika. Magandang hapon po sa inyong lahat. Salamat po sa
inyong pakikinig sa aming hinahatid na balita sa inyo. Salamat po. God Bless. Hanggang sa muli po
naming pagbabalik.