You are on page 1of 4

I.

Pamagat : THE HEALING

II. Tauhan

Vilma Santos- bilang Seth (pangunahing tauhan)

Kim Chiu- bilang Cookie (kapatid ni Jed sa parehong tatay)

Jhong Hilario- bilang Dario Mata (ang binuhay at ginamot ni Manang

Elsa at siya rin ang punot dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula)

Daria Ramirez- bilang Manang Elsa (ang tagagamot o faith healer)

Martin del Rosario- bilang Jed (anak ni Seth at kapatid ni Cookie)

Janice de Belen- bilang Cita (ina ng batang nagpa "healing")

Pokwang- bilang Alma (nagtatrabaho sa Dubai na nagpa "healing")

Carmi Martin- bilang Bles

Cris Villanueva- bilang Ding

Ynez Veneracion- bilang Greta

Robert Arevalo- bilang Odong

Mark Gil- bilang Val

Allan Paule- bilang Ruben

Mercedes Cabral- bilang Kell

Ana Capri- bilang asawa ni Melchor

III. Kwento

Marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang Elsa para magpa healing sa simula pa lamang.
Marami kasing mga tao ang naniniwala sa panggagamot niya na tinatawag nilang "faith healing."
Maraming tao na ang nagamot kaya naman ay dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang
nasabing panggagamot. Nang malaman niyang bumuti ang kalagayan at gumaling ang kanyang tatay,
dinala din niya ang iba niyang mga kakilala para magamot ang kanilang karamdaman. Sa kabila ng
kagalingan ng ibat ibang karamdaman ay siya namang pagbawi sa kanilang buhay bilang kapalit nito. Ito
ay dahil kay Dario Mata, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa kamatayan na naging dahilan rin nang
pagkamatay ni Manang Elsa. Siya ang dahilan ng lahat ng mga problema at kinailangang putulin ang
sumpang ito dahil lahat nang nagagamot ay iaalat ang buhay para sa kay Dario. Ang kamatayan lamang
ni Dario ang lunas sa sumpa upang maayos ang lahat ng mga pangyayari ngunit marami nang buhay ang
kanyang nakuha bago pa man malaman nila Seth ang solusyon sa sumpa.
IV. Banghay ng Pangyayari

> Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang unang nakaalam tungkol sa sinabing
manggagamot at siya ring ang nagdala sa mga kasamahan niya kay Manang Elsa para magpa-healing.
Lahat ng mga kasamahan niya ay gumaling ang kalagayan ngunit may naging kapalit ito sa kanila. Isa-isa
silang namatay tuwing nakikita nila ang kanilang doppelganger, simula sa unang nagpahealing
hanggang sa huli. Ang pagkakamatay muli ni Dario ang tanging sagot sa problemang ito.

> Ang kabuuang pelikula ay makatotohanan tingnan at talagang maganda dahil madaling
naiintindihan at maliwanag ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Totoong hindi hinabi ang
pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento
itong isinasalaysay. Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang
pagkakagamit ng CGI (computer generated images) sa The Healing, bagamat wala itong bagong
naidagdag sa genre. Sa katunayan, ang mga ipinakita dito ay lumang tugtugin na, halimbawa, ang
paggamit ng uwak upang magpahiwatig ng nakaambang kapahamakan. Nakakasawa din ang paulit-ulit
na gimmick na ginamit kapag nababaliw na ang mga pasyentekikilos nang kakaiba; magdidilim ang
mukha; manglalaki, tila luluwa, at magpapaikot-ikot ang mata. Kapag nasa punto nang iyon, tiyak,
papatay na siya, at papatayin din ang sarili. Nawawala tuloy ang gulat, nagiging predictable.

V. Paksa/Tema

Ang paksa ng pelikula, na napapaloob din sa pamagat nito, ay ang pagpapagaling ng karamdaman sa
labas ng kinikilalang siyensiya ng medisina, ngunit ang ubod ng salaysay ay: hanggang saan nakakatulong
at nakakabuti ang ganitong uri ng panggagamot? Kailan dapat gamitin ang kapangyarihang ito, at kailan
dapat ihinto? Inaalam ba ng tao kung saan nagmumula ang kapangyarihang ito? Kung susukatin ang
ibinubunga nito, ang paggaling ngunit pagkabaliw ng mga pasyente. Masasabi ba nating nagmumula sa
Diyos ang kapangyarihan ni Elsa?

VI. Cinematograpo

Ang uri ng pelikula na aming napanood ay isang halimbawa ng suspense thriller. Ang pagkakagawa ng
pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit mayroong ibang parte na hindi
masyadong makatotohanan. Mabisa pa rin naman ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat
pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa mga nangyayaring eksena. Ang
ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa mga pangyayari.

VII. Mensahe

"Tayo rin ang haharap sa mga bunga ng ating mga ginagawa" pinakita sa pelikula na ang basta bastang
pagpasok o paggawa ng desisyon mula sa desperasyon ang siyang magdadala sa atin sa kapamahakan.
Huwag dapat tayong magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon natin sa buhay. Alamin muna
ang sanhi at magiging bunga nito, hindi lamang para sa iyong sarili kundi pati na rin sa ikabubuti ng ibang
tao dahil ito pa ang magdadala sa atin sa sitwasyong hindi mabuti na humantong lamang sa pagsisi.
Pamagat: Anak
1. Tauhan
Vilmant- Josie

Claudine Barretto - Carla

Joel Torre - Rudy

Baron Geisler - Michael

Sheila Mae Alvero - Daday

Amy Austria - Lyn

Cherry Pie Picache - Mercy

Leandro Muoz - Brian

Tess Dumpit - Norma

Cris Michelena - Arnel

Hazel Ann Mendoza - Young Carla

Daniel Morial - Young Michael

Gino Paul Guzman - Don Don

Jodi Sta. Maria - Bernadette

Odette Khan - Mrs. Madrid

Mahusay na nagampanan nila ang papel bilang mga tauhan sa kwento. Dahil natural ang kanilang
mga galaw at walang naiilang sa pagganap sa kanilang tauhan. Ito ay pagsasabuhay ng kwento ng
karamihang sa OFW's na iniiwan ang kanilang mga anak sa Pilipinas at pupunta ng ibang bansa upang
kumita ng malaki para lang mabuhay.

2. Istorya o Kwento

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic
worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang
kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng
kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong
Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na
pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael
(Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya
ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang
atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya
ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng
rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang
pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga
pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang
ibabahagi sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang
si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para
magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang
ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang
kapatid sa muling pag-alis ng ina.

Ang kwento ay kapanapanabik dahil ipinapakita nito kung ano ang nangyayari sa mga OFW na umaalis
papuntang ibang bansa at uuwi dito sa Pilipinas ng puno ng kasabikang makita ang mga anak ngunit
dahil sa matagal siyang nawala sa kanila at hindi na niya gaano kilala ang kanyang mga anak.

Malalim ang hatid ng istorya dahil ito ay makatotohanan, ang fokus nito ay kung paano mabigay ng ina
ang kanyang pagkukulang sa kanyang mga anak upang bumalik ang loob ng mga ito sa kanya. Ang
paglabas ng mga tagong detalye sa pelikula ay mabagal ang pag usad pero hindi masyadong nahuhulaan
agad ang susunod na mga pangyayari dito. Ang pelikulang ito ay dapat panoorin dahil pinapahalagan
nito ang isang pamilyang at pinapakita ang isang tunay na pamilyan pilipino.

3. Pananalita

Sa pananalita ay walang ilangansa pag ganap sa kanilang mga tauhan pagdating sa mga dayalogong
kanilang saasabihin, ginagampanan ang tamang dayalogo para sa isang sitwasyon sa pelikula na walang
halong arte sa gaganapin na kung dapat pagdatin sa mga eksenang dapat mahinahon ay dapat
mahinahon rin ang pananalita, kapag nasasabik naman ang tabuhan ay dapat yun rin ang kalalabasan ng
kanyang pag arte at pagdating naman sa mga pag aaway na mga dayalogo ay dapat buhos ang
expression ng mukha hindi lang sa pagdadayalogo na parang walang tuldok.

4. Tema o Paksa

Ang tema ng pelikulang ito ay ang maipahatid sa mga manood, hindi lang sa mga simple manonood
kundi para sa mga manonood ng may kapamilyang OFW na sanay maintindihan nila ang mga
pinagdadaan nila doon, ang mga pagsubok na kinakaharap, and hirap na mawalay sa pamilya sa Pilipinas
at ang pagpapahalaga ng isang ina sa kanyang mga anak, na umalis siya sa Pilipinas upang maging OFW
para pa iahon niya ang kanilang buhay dito sa Pilipinas.Bilang isang manonood, naiitindihan ko ang isang
buhay ng OFW pero hindi gaanong naiintindihan dahil ang hirap na dinaranas nila doon ay masmabigat
kesa sa nararanasan natin dito sa Pilipinas, karapatdapat talaga silang tawaging mga bagong bayani dahil
sa kanilang paghihirap para sa kadahilanang maiangat ang kanilang buhay at lalong lalo na para sa
kanilang pamilya.

You might also like