ISA-ISANG bumaba ang magkakapatid mula sa lumang kotse na minamaneho ni Gregory.

Ang panganay na si Soliel ang nauna, sumunod si Guinevere. Georgette was last, and she humped and gasped before she could get her fat self out of the car. Inalalayan naman ni Gregory si Lola Mertha sa pagbaba mula sa passenger‟s seat. Lola Mertha looked pale and tired at the age of one hundred three. Nilapitan ito ni Soliel at inalalayan hanggang sa makarating sila sa tabi ng mga kapatid niya na nakatayo na sa harap ng lumang istraktura nang kanilang bahay. Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa mataas at halatang dating grandiyosong bahay. Iyon ang lumang tirahan nila. Batid ni Soliel na siya lamang sa kanilang magkakapatid ang malinaw na nakakaalala ng

1

dating hitsura nakalilipas.

niyon

labintatlong

taon

na

ang

Sa madalas na pagkukuwentuhan nila ni Guinevere ay lagi nitong sinasabi na malabo ang mga naaalala nito sa nakaraan. Pero minsan daw, parang naaamoy nito ang paboritong pabango nang kanilang ina kapag nasa kakahuyan sila sa likod ng bahay ni Lola Mertha o kaya ay naririnig nito ang marahan at buong tinig ng kanilang ama kapag ipinipikit nito ang mga mata nito sa gabi bago matulog. Pero siya, maraming alaalang nakaimbak sa kanyang isip sa bahay na iyon. Kahit iyon pa rin ang bahay kung saan iginugol niya ang unang limang taon nang kanyang buhay, parang iba ang pakiramdam niya sa bahay na iyon ngayon kompara noon. It looked cold standing alone, with the paint peeling off the walls. Walang ilaw sa loob ng kabahayan, nakatabing ang mga Spanish shades sa mga pinto sa unang palapag, at hindi man lamang gumagalaw ang maiitim na drapes sa sala. Nakasara din ang mga bintana sa ikalawa at ikatlong palapag na parang determinado ang mga iyon na hindi ipakita sa mga nagdaraan ang loob ng kabahayan. The house looked imposing and unwelcoming. Para silang naligaw lamang sa isang bakuran. The little rectangular window in the attic was tightly closed, too, if you would look all the way up. Alam niyang kung magtatanong siya, hindi lang siya ang nakakakita na sa kabila nang maaliwalas na kalangitan ay parang may anino ng ulap na nakatabon sa buong propyedad. Everything looked so gloomy and lonely.

2

Bumigat ang pakiramdam niya. The whole house has an air of being uninhabited for a long time. Maging ang mga damo sa lawn ay napabayaan na. Kung saan-saan na lamang gumapang ang mga vines sa mga dingding at sa bakal na railing na nakapalibot sa buong bakuran. Pero napangiti siya nang makita niyang sa kabila ng malalagong damo at ligaw na mga halaman ay nananatiling malulusog at namumukadkad ang mga rosas nang kanyang mama. What wrath Tita Leica must have endured when she could not get rid of them in the twelve years she had lived here. Natuwa siya sa isiping iyon. Nararamdaman niya ang kalungkutan kahit pa nga naaamoy niya ang bango ng mga bulaklak. Thinking that Tita Leica had felt much discomfort in smelling those roses gave a lurch in her waning esteem about living in this house again. Naramdaman ni Guinevere ang kanyang nararamdaman kaya sumulyap ito sa kanya. Nginitian niya ito. Tumaas ang isang kilay nito na tila nagtatanong. Inginuso niya ang rose bushes sa bakuran at pagkakita nito roon ay sumilay rin ang ngiti sa mga labi nito. Bumaling siya sa kanilang Lola Mertha. “Ano sa palagay n‟yo, Lola? Kaya ba ito ng powers ko?” nanunudyong tanong niya rito. Nangingiting tumingin ito sa kanya. “Magpatulong ka sa mga kapatid mo, Soliel. Baka magkamali ka na naman at kung anu-anong bulutong ang tumubo sa katawan mo. Lalo kang papangit.”

3

Napabuntong-hininga na lamang siya habang nagtatawanan ang kanyang mga kapatid. She was ugly, true. Hideously so. Minsan, kapag hindi nakapaghanda ang nakakakita sa kanya, nagugulat at natatakot ang mga ito. May hinihimatay pa nga lalo na kapag madilim at bigla siyang makita. Mula kasi noong umepekto sa kanya ang sumpa ni Tita Leica ay nagmukhang maligno na siya. “Kanina pa tayo nakatayo rito sa labas. Oras na, Soliel,” anang lola niya. Sumulyap siya kay Gregory at sinenyasan ito na alalayan nito ang kanyang lola bago siya bumitiw rito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nang naghihintay na si Guinevere, na humawak naman sa kamay ni Georgette na nasa tabi nito. Naramdaman agad niya ang lakas ng mahikang dumaloy sa kanilang mga katawan. Sa loob ng ilang sandali ay naramdaman niya na parang iisa sila. This feeling usually made her skin tingle and her heart beat faster in anticipation of what was to come, of what their powers could do together. “The Power of Three,” ang paborito niyang palabas sa TV. The Charmed Ones. Pero kung ang tatlong magkakapatid sa “Charmed” na sina Piper, Phoebe at Paige ay may taglay na mga kapangyarihang kayang bumago sa global state sa pisikal na paraan, ang sa kanilang magkakapatid ay simple lang ang dalang mensahe—ang kapangyarihan ng pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa isang minamahal, pag-ibig sa buhay na pinakamagandang biyaya ng Maykapal sa lahat ng mga nabubuhay, magical mang tulad nila o hindi. However, right now, they were only after getting back what was rightfully theirs. Iyon ay ang bahay na

4

iniwan sa kanilang pangalan nang kanilang mga magulang. Their father died after giving his guarding spell to what they call “The Vessel” by using his own blood. “Ate Soliel?” marahang tawag sa kanya ni Guinevere. Pinisil nito ang kanyang kamay. Nararamdaman na naman nito ang nararamdaman niya. She was the eldest and she could still remember patches of that cold, rainy night. Malinaw pa sa alaala niya ang namumutlang mukha nang kanilang ina at ang pag-ibig at kapayapaan sa mukha nito nang ipikit na nito ang mga mata. Upang hindi na magmulat muli. Unti-unti na niyang pinakawalan ang emosyon na nagpapasikip sa kanyang dibdib. It was getting easier now. Lola Mertha taught them to let love flow from the bottom of their hearts to the entirety of their beings. That was how they could fully use their powers. Tumango siya nang marahan nang handa na siya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Guinevere at naramdaman niya ang paggabay ng ispiritu ni Georgette. They bowed their heads and murmured the cleansing spell that they had prepared. Itinapon nila nang isa-isa ang mga kamalasan, ang mga luha, poot, at ang sumpa sa buong propyedad. Sa tagal ng panahong inilagi roon ni Tita Leica sa kanilang bahay, hindi siya magtataka kung bakit nang matapos sila sa ginagawa ay nakaramdaman siya ng matinding pagkalula at panghihina. Hawak-hawak pa rin siya ni Georgette nang magsalita ang kanilang Lola Mertha.

5

“May natira pang isa,” wika nito sa matigas na boses. Napalingon silang magkakapatid dito. Napahingal sila sa kanilang nakita. Blood was trickling down on one of Lola Mertha‟s nostrils. Inaalalayan ito ni Gregory. She just knew, sa ginawa nilang paglilinis, tinulungan sila nito. Napalapit sila sa matanda. “Lola? Okay ka lang ba?” tanong niya. Tumango ito. “Huwag kayong mag-alala sa akin.” Naglabas ng panyo si Guinevere at pinahid nito ang dugo sa ilong nang kanilang lola. “Ano ang gagawin namin? Gagawa ba kami ng bagong spell, Lola Mertha?” nag-aalala namang tanong ni Georgette. Umiling ito nang marahan. “Hindi na. Hindi natin kailangan ng spell, dasal na lang at pananalig sa Panahon.” Napalunok siya. “Lola, may kinalaman ba ito sa sumpa sa amin ni Tita Leica?” Dumaan ang lungkot sa mukha nito at saka ito tumango. “Oo. Mas makapangyarihan pa pala siya kaysa sa inaakala ko.” Bumuntong-hininga ito. “Puwede na tayong pumasok sa loob. Kailangan kong maupo. Doon na ako magpapaliwanag.” Pagkasabi niyon ay parang bulak na binuhat ito ni Gregory. Ang mga ito ang unang umakyat sa marmol na mga baitang paakyat sa patio. Sumunod sa mga ito ang kanyang mga kapatid. Siya ang nahuli sa pagsunod.

6

Glancing up again before she reached the first step, she could not help but notice na parang biglang umaliwalas ang paligid. The house had a chirpy look and the lawn just looked greener. Maging ang hangin ay tila nabuhay at naramdaman niya ang tila marahang paghalik niyon sa kanyang pisngi. Parang nakawala sa kung anong humaharang doon ang araw at sinabuyan niyon ng liwanag ang buong kapaligiran. The house was alive once again. Moreover, it was welcoming them to come in like a much-awaited companion. Napangiti siya. Kasabay niyon ay ang kusang pagbukas ng mga front doors na animo nangaanyayang pumasok sila sa loob niyon.

7

ONCE they stepped inside the house, they all moved in action. Excited na excited si Georgette. Lola Mertha was the one who threw all the windows and patio doors open with just a flick of her hands. Walang imik namang inilabas ni Gregory ang lahat ng mga basahan. He beat the dust out of them with his bare hands. A wizard who could not seem to do magic since they‟d met them and who could not speak any words, he was very up to that job. Pagbalik nito ay kinolekta naman nito ang mga tinanggal nilang kurtina at mga itim na tela mula sa mga furniture. Sinunog nito ang mga iyon sa labas ng bahay. They were not sorry to see them go. Sino ba namang baliw ang gagamit ng itim na drapes sa mga bintana kundi ang Tita Leica nila na kasing-itim ng kulay niyon ang puso? Parang funeral home tuloy ang kanilang bahay. Georgette was able to remove the cobwebs and dirt from the ceiling without having to climb on stools or folding stairs. Of course, she used magic. Ginaya niya si Lola Mertha. Dumidiretso sa hawak na garbage bag ni Ate Guinevere ang mga bumabagsak na dumi. Kumuha naman ng suka at tubig si Ate Soliel. Pinaghalo nito ang mga iyon at saka inutusan ang

8

linen scrim na punasan ang mga salamin. Iniwan nito iyon at nag-imbento ito ng spell na nagpalabas sa lahat ng mga librong nasa mga cabinets at drawers sa buong bahay. Si Gregory ang nagpunas ng mga gabok sa mga covers. Lumabas si Ate Soliel ng bahay at nang bumalik ay may dala nang isang pumpon nang mapupulang rosas. May satisfied na ngiti sa mga labi nito nang isa-isang lagyan nito ng mga rosas ang mga plorera na natagpuan nitong nakatago sa mga cupboards sa kusina. Nakangiti pa ito nang balikan ang mga basahan. Tsinek nito ang mga iyon na patuloy sa pagpupunas sa mga salamin. They were doing just fine. Luminaw na ang mga salamin na kanina ay nanlilimahid sa dumi at alikabok. Tumingin ito sa repleksiyon nito sa salamin. Humawak ito sa dibdib nito nang marahil ay makita roon ang isang pangit na nilalang. Ang akala siguro nito ay multo o maligno ang nakita nito na hindi naitaboy nang kanilang cleansing spell. Pero narealized din siguro nito na ang sarili nito ang nakikita kaya nagpatuloy ito sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Si Ate talaga, muntik pang himatayin sa takot, aniya sa isip. At sa kanyang sarili pa. Por Dios!
Bago sumapit ang gabi ay mukha na uling inhabited ang kabahayan. Natabas at nasigaan na ni Gregory ang mga damo sa bakuran. All the plates and kitchenwares, cutleries and kitchen gadgets were cleaned and gleaming. May niluluto nang masarap na hapunan si Ate Soliel. Sa sobrang pagkatakam niya sa amoy niyon ay narinig niya ang kumalam nang malakas ang kanyang sikmura. Dinig iyon hanggang sa sala kaya nagtawanan silang lahat.

9

Sa wakas ay kumain na sila. Dahil sa labis na pagod at pagkagutom ay naging tahimik at mabilis ang kanilang paghahapunan. Pagkatapos ng dinner ay magkakatulong na inimis at hinugasan nila ang kanilang mga pinagkainan. There was an old dishwasher in the kitchen but it was not working. Mas mabilis pa roon ang mahikang inilagay nila sa sponge and dishwashing paste kaysa sa palpak na dishwasher. Nang matapos sa gawain ay niyaya sila ni Lola Mertha sa sala. “Oras na para malaman n‟yo ang tungkol sa sumpa. Bilisan n‟yo, napakaimportante ng bagay na ito,” sabi nito. Nagkatinginan silang magkakapatid nagmamadaling sumunod dito. at saka

“Nakarating ako sa attic kanina. Nakita ko ito,” wika nito habang ibinababa sa mesita ang isang itim na tela. Sabay-sabay silang napatingin sa tela, kinakabahan at natatakot na hawakan iyon. Alam nilang nalinis na nila ang lahat ng kamalasan na maaaring naiwan ni Tita Leica, pero may kung anong nakakatakot sa hitsura ng marungis at maitim na tela na iyon. Sinubukan niyang hawakan iyon pero napaurong din siya. “Georgette, go on, take it. Huwag kayong magalala, hindi na delikado para sa inyo na hawakan iyan dahil wala nang bisa ang tela. Diyan lang isinulat ang mga salita ng sumpang ikinapit ng Tita Leica ninyo sa urn ng abo ng papa n‟yo, ang sumpang nagpawalangbisa sa mga kapangyarihan ninyo at ginawa kayong... ganyan,” wika nito, partikular na nakatingin kay Ate Soliel.

10

“Mukhang nakakatakot,” pagsasatinig niya sa hindi nito masabing deskripsyon. Binawi niya iyon nang mapatingin sa kanya ang panganay na kapatid. “Ang tela, sabi ko,” aniya, saka kinuha ang tela. Bumuntonghininga si Ate Soliel at kinuha nito sa kanya ang tela. “Ang tapang n‟yo naman,” tila kinakabahan namang sabi ni Ate Guinevere. “Hindi naman ito nangangagat,” aniya. Sinubukan niyang magbiro dahil seryosung-seryoso ang mga ito. “Aaah... Aray!” daing niya nang kunwari ay may naramdaman siyang matinding sakit sa kaliwang kamay. “Sa kabila,” sabi sa kanya ni Ate Soliel. “Ha?” “Iyong kanang kamay mo ang inihawak mo sa tela.” Napakamot siya sa kanyang batok. “Joke lang,” sabi niya, saka tiningnan si Ate Guinevere na masama ang pagkakatingin sa kanya. “Puro kayo kalokohan,” saway sa kanila ni Lola Mertha. Hindi nila pinansin ito dahil nakatitig na sila ni Ate Guinevere kay Ate Soliel na nakatitig nang mabuti sa tela. Alam nilang ginagamit na nito ang taglay na kapangyarihan nito para lumabas sa tela ang mga salita ng sumpang isinulat doon.

11

They started to appear, slowly, dramatically, one by one. Nang tumalim na ang pagkakatitig ni Ate Soliel doon ay biglang bumilis ang paglabas ng mga salita na parang natakot ang mga iyon sa ate niya. Nagkatinginan silang dalawa ni Ate Guinevere at nagtawanan. “Sshh!” saway sa kanila ni Ate Soliel. Inihantad na nang tuluyan ng tela ang mga salita. Nagdikit ang mga ulo nila ni Ate Guinevere at magkasabay nilang binasa ang nabuong talata.

“Sumpa ng kamatayan sa tatlong Engkantada... Na noong una‟y kinasihan ng Inang Espiritu... Kung pagibig na alay ng lalaking mahal ay hindi sapat upang magbuwis ng buhay... Sa hatinggabi ng ikadalawampu‟t isa... Babawiin ng sumpa ang huling hininga.”
“Grrr...” reaksiyon niya pagkatapos. Nangaligkig siya. “Ang haba ng spell na ito, Lola,” pagsasatinig ni Ate Guinevere sa obserbasyon nito. Pilit na pinahihina nito ang boses nito dahil masakit sa pandinig iyon. “Oo. Siguro, marami siyang pinatulong mga luha, pawis at dugo para sa sumpang iyan.” Bumuntong-hininga siya para kahit paano ay bumagal ang pintig ng kanyang puso. “Sana noon pa lang, kinulang siya sa dugo at namatay na siya,” seryosong sabi niya. Umiling siya nang mapatitig sa kanya ang mga kapatid niya. “Hindi ako nagbibiro. We all know that a witch would rather die than accept blood from a common man.”
12

“Marami siyang alagad na magbibigay ng dugo sa kanya,” ani Ate Soliel. “Maarte si Tita Leica. Hindi siya tatanggap ng dugo mula sa isang common witch,” katwiran niya. “Paano mo nalaman?” tanong uli nito. “Oo nga,” segunda ni Ate Guinevere. “I can feel her all over the place. Lalo na roon sa kuwarto niya sa itaas na hindi pa natin natatapos linisin. Alam n‟yo namang magaling ako sa mga hunches. Ewan ko, basta naramdaman ko. Sigurado ako na may pagka-Hitler si Tita Leica.” “Hindi ganoon kadaling mamatay ang isang makapangyarihang bruha na katulad ni Leica,” sabad ni Lola Mertha na para na ring sumang-ayon sa sinabi niya. “Sus! Hindi siya ganoon ka-all-powerful kung sa batang edad pa lamang ay namatay na siya,” hindi impressed na kontra niya rito. “Kayo nga, one hundred three na, malakas pa sa kalabaw. Si Tita Leica, sixty-six lang, namatay na.” Iniwasan niya ang palo ni Lola Mertha pero nahagip pa rin siya niyon. “`Kita n‟yo, o. Ang bigat pa ng kamay n‟yo.” “Siguro, nahanap agad niya ang katapat niya,” pabulong na sabi ni Ate Guinevere. Naunahan siya ni Ate Soliel sa pagsagot. “Masuwerte `kamo siya at hindi na natin siya inabot. I would have loved to kill her the way she‟d killed our parents,” seryosong-seryosong sabi nito.

13

Lumukso na naman ang puso niya nang tumingin siya rito. Napalunok pa siya habang nagkakatinginan sila ni Ate Guinevere. Lumunok din ito. “Soliel, wala sa puso mo ang pumatay ng tao,” ani Lola Mertha. Sa pagkabigla nila ni Ate Guinevere, galit na binalingan ni Ate Soliel ang kanilang lola. “Hindi siya tao, Lola. Isa siyang napakasamang nilalang. Hindi dapat siya kinaaawaan o pinapatawad. Our father would have killed her if he was given the chance. Kaya lang, nanghihina siya noon. I will kill anyone who poses a threat to my loved ones. Believe me, I will.” Napalunok silang dalawa ni Ate Guinevere. Habang pinapanood niya ang nangangatal sa galit na kapatid ay nagsisi siya sa mga pagkakataong tinudyo niya ito nang labis. Napayuko siya sandali nang maramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Nang magtaas siya ng tingin ay nakita niyang bumuka ang bibig ni Lola Mertha pero sa halip na magsalita ay umiling na lamang ito. Marahil ay alam nito na hindi makakatulong para mabawasan ang nararamdamang galit ni Ate Soliel ang anumang sasabihin nito. Bumuntong-hininga ito at kapagdaka ay nagsalita. “Ibalik muna natin ang atensiyon natin sa sumpa dahil panganib ang dala nito sa inyong mga buhay,” wika nito. Kinakabahang napatingin siya sa kanyang mga kapatid.

14

THE MEANING of the script was not lost on them. Naisip ni Soliel na sumpa ng kamatayan ang ibinigay ni Tita Leica sa kanilang magkakapatid. Hindi ito nagtangkang patayin sila. Sa halip ay ginawa ng sumpa ang dapat gawin niyon nang matagpuan sila niyon. Binasa uli niya ang sumpa. “Sumpa ng kamatayan sa tatlong engkantada na noong una‟y kinasihan ng Inang Espiritu... kung pagibig na alay ng lalaking mahal ay hindi sapat upang magbuwis ng buhay... sa hatinggabi bago magikadalawampu‟t isa, babawin ng sumpa ang huling hininga.” Huminga siya nang malalim. “Tatlong engkantada. Tayo iyon dahil tayo lang sa kasalukuyang panahon ang kinasihan ng Inang Espiritu sa pamamagitan ng ating mga ninuno. Pag-ibig na alay ng lalaking mahal, hindi sapat para magbuwis ng buhay? Sa ikadalawampu‟t isang taong kaarawan natin ay babawiin sa atin ang ating huling hininga?” Napatingin siya kay Lola Mertha. “Unfair ito, Lola. Paano naman kung hindi ako ma-in love bago sumapit ang twenty-first birthday ko?” Dahil siguro sa bigat ng sitwasyon, hindi nagawang tawanan ng mga kapatid niya ang tuwina ay biruan nila tungkol sa mga lalaki. Bumuntong-hininga rin si Guinevere, ang palatawa at palabiro sa kanila. Hindi ito nangingiming tumawa kapag silang tatlo lang ang magkakasama kahit parang pinaghalong kokak ng palaka at tilaok ng manok ang tunog ng boses nito. Minsan nga lang ay kailangang lumayo ito. Her voice could do serious damage. Iyon ang dahilan kung bakit kapag may normal sa tao sa paligid ay hindi ito nagsasalita. Sumunod si Georgette sa pagrereklamo niya. “Lola, paano rin po ako? Alam kong pagdating ng araw ay

15

mai-in love din ako. Kaya lang, sino naman ang magmamahal sa tabatsoy na katulad ko?” Nanggigilalas na napatingin siya rito. “You think that‟s already serious? Nakikita mo ba itong mukha ko? Sino ang mai-in love sa isang mukhang malignong katulad ko?” Hindi sumagot si Georgette. “Nagi-guilty tuloy ako,” sabi naman ni Guinevere. “Tatahimik lang ako o kaya ay magpapanggap na pipi, mukhang normal na akong tingnan.” Tiniis niya kahit nag-iinit ang kanyang mga mata dahil sa sobrang sakit sa tainga ng boses nito. They could usually ward its magical effect off through magic, too. Pero kapag ganoon na ito kalapit, wala nang magawa ang kanilang mahika. Ang mga ignoranteng tao naman, napipilitang magtakip ng magkabilang tainga kapag katabi ito at nabibigla ito sa pagsasalita. It upset Guinevere who never wanted to hurt a living soul in her life. Kaya kapag nasa public place sila, wala silang naririnig dito kahit piyok. “Kung hindi nakalagpas sa dugo ko ang sumpang iyan, hindi sana mangyayari ito,” wika naman ni Lola Mertha. “`La, hindi namin nakakalimutan na kung hindi dahil sa iyo, patay na kami ngayon,” sabi ni Georgette dito. “Isa pa, cute naman ako kahit tabatsoy ako. See?” Itinuro ni Guinevere ang lalamunan nito at ang mukha nito na tila nagsasabing kahit pangit ang tinig nito ay maganda naman ito.

16

“At, Lola, kahit pangit ako, at least, hindi natatakot sa akin ang mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko,” sabi naman niya. “Kaya okay lang ako.” “Oo. Basta huwag ka lang susulpot nang walang abiso, Ate Soliel. Kasi minsan, parang aatakihin ako sa puso sa takot sa iyo,” napapakamot sa ulo na sabi ni Georgette. Pinandilatan niya ng mga mata ito kaya sumiksik ito sa kanilang lola. “Lola, o, nananakot na naman si Ate.” Tumawa si Lola Mertha. “Kayo talagang mga bata kayo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa inyo. Nagagawa n‟yo pang magbiro gayong kababasa n‟yo pa lang sa spell na nagsumpa sa inyo.” Sukat sa sinabi nito ay nanliit sila sa tabi nito na parang mga tinusok na lobo. “Honrademente, Lola Mertha,” nanlulumong sabi niya. “Sa tingin n‟yo ba talaga, matatagpuan namin ang lalaking magmamahal sa amin bago kami magtwenty-one? Tatlong taon na lang ang natitira sa akin. I‟m already eighteen.” She had just turned eighteen last month. Ilang buwan bago siya magdisiotso anyos ay nabalitaan nga nila ang pagkamatay ni Tita Leica. Pagkatapos ng anim na buwan ay umuwi sila sa kinalakihang bahay upang balikan iyon at ang LeCharmeEncantara Incorporated. Ngayon pa lang ay alam niyang natataranta na ang mga abogado ng kanilang pamilya sa paghahanda sa pagdalaw nilang magkakapatid sa main office ng LeCharmeEncantara. They had all been in a loop because of Tita Leica‟s spell. Pero ngayong wala na ang masamang bruha,

17

nabalik na sa pamilya nila ang loyalty ng lahat ng kanilang mga empleyado. Hindi nagawang kunin ni Tita Leica ang kayamanan nang kanilang mga magulang kahit napakatagal nilang nawala. Bago namatay ang kanilang ama, nagawan nito ng makapangyarihang guarding spell ang lahat ng kanilang mga ari-arian, ang mga titulo ng mga iyon, ang mga orihinal na mga papeles at dokumento ng mga kontrata sa negosyo, ang mga bank accounts nila, at ang mga alahas nila sa magically sealed vaults para hindi magalaw ni Tita Leica ang mga iyon. But in trying to save them and the vessel, their parents died. Pagkatapos ay natuklasan naman nila ngayon ang sumpa na bumalewala sa sakripisyo ng mga magulang nila para sa kanila. Ayaw niyang masayang ang pagsasakripisyo ng mga ito. There must be a way for them to get through this. Parang nabasa ni Lola Mertha ang iniisip niya. No, Lola Mertha was not a mind reader. Nevertheless, there were other ways to read minds, like through facial expressions. Napatiim-bagang siya. Nabasa ni Lola Mertha ang kanyang iniisip. “You might be able to find him, hija. May naiisip akong paraan. Ah, sana naman ay gumana ito.” Kinakabahang nagkatinginan silang magkakapatid. “Idesde luego. Huwag kayong mag-alala!” natatawang sabi nito. Tumayo ito mula sa kinauupan nito. “Ang sinasabi kong paraan ay hindi ko paraan. Ito‟y paraan nang inyong mabait na mama.” “Ho?” sabay-sabay na sabi nila.
18

Tumango ito nang sunud-sunod. “Sí. Naaalala ko na may binanggit siya sa akin tungkol sa isang wishing well. Aniya, ipinakita sa kanya ng mahiwagang balon na iyon ang lalaking magiging katuwang nang kanyang puso, ang inyong papa nga, dahil sa isang marubdob na hiling. Ang sabi niya, „When you wish hard enough, ipakikita sa iyo ng balon ang iyong hiling.‟” “Nasaan ang balon, `Lola?” nagniningning ang mga mata sa pag-asa na tanong ni Georgette. “Baka kung hihiling kami nang marubdob, ipakita niya ang paraan kung paano kami makakawala sa sumpa!” Nagdaan ang pag-aalala sa mukha ng kanilang abuela. “Oh, no! Sa palagay ko, hindi kayang ibigay ng wishing well ang isang solidong kahilingan, hija. Maaaring kung tatanungin n‟yo ang balon, ang ibigay niya sa inyo ay ang imahe ng lalaking nakatakda ninyong ibigin pagdating ng inyong panahon gaya ng ibinigay na solusyon ng sumpa.” Saglit na natigilan si Georgette. Pero nang mga sumunod na sandali ay tila lalong nagningning ang mga mata nito. “Uuuy! Sabik na siyang ma-in love,” tudyo rito ni Guinevere. Sinundan pa nito ng tawa iyon na bigla ring naputol nang marahil ay nakita nito na nagtatakip silang lahat ng kanilang mga tainga. “Sorry!” nakangiwing sabi nito. Pinahid ni Lola Mertha ng hawak na panyo ang dugo na tumulo na naman mula sa ilong nito, saka ito bumuntong-hininga at nagsalita. “Tayo na.” Tumayo na rin silang magkakapatid mula sa kanilang kinauupuan at sumunod dito.
19

NAIKOT na nina Guinevere ang buong bakuran pero hindi pa rin nila nahahanap ang wishing well. Hindi nila maintindihan kung bakit. Ayon kay Lola Mertha, orihinal na pag-aari nang kanilang mama ang lupang iyon. Ang bahay na nakatirik doon ay namana raw ng mama niya mula sa mga magulang nito. At ayon daw rito, nasa bakurang iyon ang wishing well na hinahanap nila. “Baka dahil madilim kaya balon. Lola Mertha, gumawa Guinevere. Malakas ang loob medyo malayo ang distansiya mga kapatid. hindi natin makita ang po kayo ng ilaw,” ani niya na magsalita dahil niya rito at sa kanyang

“Huwag. Baka may makapansin kapitbahay,” sabi naman ni Ate Soliel.

sa

mga

“May nakita akong flashlight sa loob ng bahay. Sandali, kukunin ko,” ani Georgette. Sa kabila ng mabigat na katawan nito ay nakapasok ito nang mabilis sa bahay at nakabalik din nang mabilis dala

20

ang flashlight na sinasabi nito. Humihingal ito pero excited pa rin na makita na ang wishing well. Napangiti na lamang sila sa isa‟t isa ni Ate Soliel. Nakaikot na uli sila sa buong bakuran ay hindi pa rin nila nakita ang balon. Nang mapagod si Lola Mertha, nagpahinga muna sila. Malapit nang maghatinggabi kaya minabuti nilang pumasok na sa bahay. Hanggang sa naihatid na nila ito sa kuwarto nito ay hindi pa rin ito mapalagay. “Perhaps, I was remembering it wrong. I don‟t understand. Nang itinakas niya kayo nang gabing iyon, sa balong iyon kayo dumaan. Iyon ang ikinuwento niya sa akin. Walang rason para magkamali siya sa kanyang sinabi.” Hindi nila iniwan ito hanggang sa makatulog ito. Labis-labis ang pag-aalala nito na hindi sila nito matulungang mahanap ang balon para mas mapabilis ang paghahanap nila ng solusyon para mapawalangbisa ang sumpa. Clearly, the old woman could not contemplate the thought of them dying. Nahirapan tuloy ito na makatulog. Nakahinga sila nang maluwag na magkakapatid nang sa wakas ay igupo na ito ng antok at pagod. Habang maingat na lumalabas sila ng kuwarto nito ay nag-iisip siya. Malapit nang maghatinggabi. Malapit na silang pansamantalang bumalik sa tunay na anyo nila. Kapag bumalik na ang natural na ganda ni Ate Soliel, kapag bumalik na ang magandang boses niya, at maging balingkinitan na uli si Georgette, mas lalakas ang kanilang kapangyarihan at taglay na mahika.

21

Maybe they could try to find where the wishing well had gone. Alam niyang hindi nagkakamali si Lola Mertha sa naaalala nito dahil malabo man ang kanyang mga alaala tungkol sa bahay, naalala niya nang malinaw ang balon. The wishing well used to be so beautiful and magical. Ang hindi nga lamang niya maalala ay kung saang parte ng bakuran naroroon iyon. Sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang naiisip niya. Nagulat si Ate Soliel sa kanyang sinabi. “Naaalala mo ang wishing well, Guinevere?” ulit na tanong nito sa kanya. “Oo,” sagot niya. “Pero naalala ko lang iyon nang sabihin ni Lola Mertha. Lagi tayong nagpapahinga roon, hindi ba, Ate?” “Oo,” sagot ni Ate Soliel. “Naglalaro tayo sa tabi ng balong iyon noong mga bata pa tayo. Kasama natin si Mama habang karga niya si Georgette at kahabulan naman natin si Papa.” Naramdaman uli niya ang matinding pagkasabik na madalas na nangyayari sa kanya tuwing nagkukuwento ito ng mga naaalala nito tungkol sa kanilang mga magulang. Biglang dumaan ang guilt sa mukha nito. Na-guilty rin siya, pero hindi dahil sa parehong dahilan. Nasaling niya ang guilt nito nang hindi sinasadya. Ate Soliel had always been guilty of the fact that she could remember more about their parents than she and Georgette could. Memories that were sweet and happy. Those memories were treasures her eldest sister thought her other siblings should enjoy, too. “Ate...” nasambit niya.
22

“Minsan, pakiramdam ko, maibibigay ko ang lahat para maalala n‟yo rin ang mga naaalala ko pero hindi ko alam kung paano,” sabi nito habang naluluha. “I feel oddly like a cheater. At kayo ang dinadaya ko. Pero ano ang ibibigay ko? Hindi ko alam. Paano?” “Ate Soliel, hindi na kailangan,” sambit niya habang yumayakap dito. “Nasa gawa mo naman lahat nang kailangan naming maalala.” “Ate Soliel, alam mong mahal na mahal kita kahit napakaarte mo,” pabirong sabi naman ni Georgette sa nangangatal na tinig. Lumuluhang yumakap din ito sa kanila ni Ate Soliel. Nagtawanan sila at nag-iyakan na parang mga nababaliw. Before they knew it, it was happening. Hatinggabi na. Habang unti-unting sinisinagan ng kulay-rosas na liwanag si Georgette, si Ate Soliel naman ay untiunting nababalutan nang mahiwagang ulap. Humarang ang ulap na iyon sa pagitan nila. Napapikit siya at saka tumingala sa langit kasabay ng pag-alpas ng isang napakagandang awit mula sa kanyang bibig. Sandaling nawala sa mga paningin niya ang kanyang mga kapatid. Nang mapalis ang ulap, balingkinitan na uli si Georgette at nakatingkayad na sumasayaw sa kinaroroonan nito. Nakangiti naman ang napakagandang si Ate Soliel habang bahagya itong nakaangat sa lupa na parang idinuduyan nang isang hindi nakikitang puwersa. Umaawit naman siya ng isang kantang ang pananalita ay nagmumula sa mga diwata ng unang panahon. Pananalitang silang tatlo lang at mga may dugong engkantada ang nakauunawa.

23

“Mula sa haplos ng mga kamay... Ng Inang puspos na nagmamahal... Magkakapatid na biyaya ng Maykapal ng awa... Sa mundong puno ng dusa.”
Georgette circled them, doing perfect pirouettes and spins, and dancing as happily and as freely as a bird.

“Huwag nang matakot o kaya ay malungkot... Narito kami para ipaalala ang haplos ng pag-asa... Pag-ibig lang ang tanging sagot... Pag-ibig lang ang tanging sagot...”
Guinevere‟s song ended and the music faded. Georgette slowly finished her dance. Nakatapak na uli sa lupa ang mga paa ni Ate Soliel. Bumuntong-hininga ito at saka ngumiti. “Ang ganda...” wika nito. Napatingin silang dalawa rito kapagkuwan ay sabay pang ngumisi. ni Georgette,

“Ikaw ang maganda,” magkasabay na sabi nila. Nagtawanan sila. Pagkatapos ay naging seryoso na uli sila. Kailangan na nilang hanapin kung saan nakatago ang wishing well. “Tayo na?” yaya sa kanila ni Ate Soliel. Tumango lang silang dalawa ni Georgette at pagkatapos ay ipinagpatuloy nila ang paghahanap.

24

ISANG may-edad na lalaki ang parang nahulasan sa kalasingan. Bumangon siya nang dahan-dahan mula sa sofa at saka siya tumanaw sa labas ng bintana. Nananaginip lang ba siya o totoong katatapos lang niyang makarinig nang isang napakagandang awitin? Nasa itaas ng bahay ang kanyang mabait na asawa at ang kanilang maliliit na anak. Biglang bumukal ang pag-ibig sa kanyang puso. Para siyang nakalaya. Hindi siya makapaniwala. Nakadroga ba siya o nektar ng pag-asa ang ininom niya? Kahit ano pa iyon, sisiguruhin niyang mula nang mga sandaling iyon ay mararamdaman na ng buong pamilya niya ang kanyang pagmamahal. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan at pinuntahan ang kanyang mag-iina.

SA IBANG mga bahay, mayroon ding nangyayaring hiwaga sa mga mag-asawa at sa mga magkasintahan na nag-aaway. Nagbati at lalong lumalim ang pagiibigan ng mga ito. Sa isang bahay, isang kawaksi na babae at isang kawaksi na lalaki na dating magkaaway ang sa wakas ay nagtapat ng damdamin para sa isa‟t isa.

DAHAN-DAHAN sa paglalakad at pagsasalita si Guinevere. “Hindi ko maintindihan. Hindi ko maalala kung nasaan ang wishing well pero ang pakiramdam ko, dapat ay alam ko iyon. Inalis ba ni Mama sa isip ko ang alaala niyon?” “Hindi ko alam. Kung ginawa man niya iyon, siguradong may dahilan,” sabi sa kanya ni Ate Soliel.
25

“Alam n‟yo, sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko rin maalala kung nasaan ang wishing well na iyon. Naaalala ko naman nang malinaw ang tungkol doon gayundin ang tungkol sa bahay at kina Papa at Mama.” “What made you think na tayo nga lang ang makakahanap sa wishing well gayong ang tagal nating naghanap kanina pero hindi natin nakita iyon? Katulong pa natin si Lola,” tanong ni Georgette kay Ate Soliel. “Ewan ko. Hindi ko alam. Pero may pakiramdam ako na makikita natin ang balong iyon ngayong gabi. Hindi ko nga lang alam kung paano. May ideya ba kayo?” Walang nakasagot sa kanila ni Georgette. Ilang sandali pa silang naglakad-lakad. Mayamaya ay tila naiirita nang pinatigil sila ni Ate Soliel. She was really the most impatient of them three. Sa mga pagkakataong nakakapagpasensiya ito, sobrang pag-eexert na ng effort para sa mga ito iyon. “Mali ito. Walang nangyayari, eh,” nakakunot ang noong sabi nito. “Ano ba ang dapat nating gawin? Siguro, dapat tumigil muna tayo at mag-isip.” Sinunod naman nila ito. Nag-isip sila nang tahimik. Nabasag ang katahimikan nang tumikhim si Georgette. “May suggestion ako. `Di ba wishing well iyon? Ano kaya kung pumikit tayo at humiling na makita natin iyon? Baka sa sobrang desperasyon natin, maawa na sa atin iyon at magpakita.”

26

“Nagbibiro ka na naman ba, Georgette?” tanong dito ni Ate Soliel. “Sa tingin mo ba, oras ng pagbibiro ito? Ano ka ba naman? Namomroblema na nga tayo, idinadaan mo pa sa biro ang lahat.” Lumabi si Georgette. “Pero, Ate Soliel, hindi ako nagbibiro,” giit nito sa kanilang ate. “Oh, no,” sabay pang sabi nila ni Ate Soliel. Nagkatinginan sila nito. Tila kapwa sila naaalarma. “Ah, gano‟n ba?” ani Ate Soliel nang makabawi ito. “Simple pero may sense ang sinabi mo. Bakit hindi natin subukan?” “Talaga? Kasi, medyo hindi nga ako sigurado sa idea ko, parang childish. Kaya lang, wala na akong maisip na iba pang idea.” “It‟s okay,” sambot naman niya at saka ito inakbayan. “Mabuti nga ikaw, may naisip na paraan habang kami, wala.” They both hated it when their youngest sister get hurt because Georgette could always make them feel better in their worst moments. “Tara!” masiglang yaya sa kanila ni Ate Soliel. Iniabot nito kay Georgette ang mga kamay nito. Sumunod siya para ipakita nila kay Georgette na gusto talaga nila ni Ate Soliel na gawin ang ideya nito. Nakahinga sila nang maluwag nang hawakan ni Georgette ang kanilang mga kamay. Sabay-sabay silang pumikit at kanya-kanyang inusal ang kanilang mga hiling. After a few moments of standing there, nothing seemed to happen. Siguro ay dahil nag-aalinlangan pa rin sila ni Ate Soliel sa
27

ideya ni Georgette. Sa kabila niyon, dahil sa pagmamahal nila sa kanilang bunsong kapatid ay pinilit niyang mag-concentrate nang sa ganoon ay hindi siya ma-guilty na hindi niya ginawa ang lahat ng makakaya niya para sa ideyang iyon nito.

Gusto kong makita ang wishing well nang aking mama. Wishing well, please, magpakita ka na, aniya
sa isip habang nakapikit. Then something happened. Kasabay ng pag-init ng paligid ay umihip nang malakas na hangin at gumalaw ang lupa na parang lumilindol. Palakas nang palakas ang bulong na nagmumula sa isang tinig na paulit-ulit ang sinasabi. At dahil sa mga nakabaong alaala sa kanyang isip, nakilala niya kung kaninong tinig iyon. It was the voice of their mother speaking the language of the fairies. It was the echo of the last spell she invoked before she left this place.

“Fill it up, cover your face, don‟t let her know where we‟ve left this place.”
Nang mawala na ang tinig na iyon ay saka siya nagmulat ng mga mata. Sa tabi nila, sa puwesto kung saan itinambak ni Gregory ang mga natabas na damo at mga ligaw na halaman ay isa-isang nabubuhay ang malulusog na halaman na nang magsilakihan ay napuno ng iba‟t ibang mga bulaklak na humahalimuyak ang bango at nagpapaligsahan sa ganda at mga kulay. Parang may sariling pag-iisip ang mga baging na gumapang ang mga iyon paakyat sa dalawang trellis na sumulpot mula sa ilalim ng lupa. Napagitnaan ng
28

dalawang hagdan ang naturang trellis. Nangingislap at nababalutan ng makulay na liwanag ang sa wakas ay nagpakitang balon! Naririnig nila ang tunog ng tubig na animo may nais iparating na mensahe. Habang paakyat sila sa hagdan, napuno ng mga talulot ng rosas ang sahig niyon. At tuwing matatapakan nila ang mga talulot na iyon ay humahalimuyak sa bango ang paligid. This was exactly how she remembered it. The swing on the right side where her mother sat with Georgette when she was still a baby. Umaalingawngaw sa pandinig niya ang paghahagikgikan nila habang nakikipagtaguan at nakikipaghabulan sila sa kanilang papa. “Wow! Ang ganda-ganda!” manghang-manghang sabi ni Georgette sa kanyang tabi. Itinuro sa kanila ni Ate Soliel ang swing. “Iyon ang swing kung saan kayo idinuduyan ni Papa noon habang karga ka ni Mama, Georgette.” Tumakbo si Georgette patungo sa swing at excited na umupo roon at nagduyan na mag-isa. Binalingan siya ni Ate Soliel. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Nasa kabila ito ng balon. “At, Guinevere, dito tayo—” “Nilalaro nina Papa at Mama,” putol niya sa pagsasalita nito. Tumangu-tango siya. Nagsimulang uminit ang kanyang mga mata habang nangangatal ang mga labi niya sa pagpupumilit na ngumiti. “Sa damuhang ito tayo nagpapagulung-gulong. At dito siya tumutugtog ng gitara habang kinakanta ko ang mga
29

awiting basta ko na lang naaawit kahit na hindi ko naiintindihan iyon. Naaalala ko na!” Ngumiti ito. “Siguro, dahil sa paulit-ulit na pagpapatulog ni Mama sa atin noong tumatakas tayo, naapektuhan niyon ang ating memorya. At dahil ako pa lang noon ang empathic kay Mama, kaya siguro mas marami akong naaalala kaysa sa inyo. Minsan nga, maalala ko lang ang isang eksena na may naramdaman akong damdamin para sa kanya, sumasabay na roon ang mga naaalala ko noong unang nangyari ang bagay na iyon.” “So, she hid this well through magic para hindi tayo masundan ni Tita Leica,” sapantaha ni Georgette. Tumango si Ate Soliel. “Mukhang ganoon na nga. Congratulations, Georgette. Dahil sa naisip mo, natagpuan at napalabas natin sa pinagtataguan niyon ang wishing well.” Ngumiti si Georgette at saka nagkibit-balikat. “Naisip ko lang kasi na kung ang purpose ng wishing well ay ibigay ang hiling natin, malamang na inip na inip na iyon dahil ilang taong walang ginawa. Na hindi makakatiis na lumabas iyon kapag pinabalik sa serbisyo ng mga engkantada ring tulad ng dating amo niyon.” “Tayo na ngayon ang amo ng balon, Georgette. Hindi mo ba naaalala? Atin na ang lugar na ito bago pa man namatay sina Papa at Mama. Hindi nga lang tayo makabalik dito dahil kay Tita Leica,” pagpapaalala niya rito.

30

“Isa pa, nananalaytay sa mga ugat natin ang dugo ni Mama. So, I don‟t think this well could disobey us,” Ate Soliel said. Namayani ang sandaling katahimikan. Mayamaya ay bumuntong-hininga si Georgette at saka nagsalita. “Can I ask a favor?” tanong nito. Nagtatakang napatingin sila rito. “At the risk of sounding childish again, puwede bang unahin muna nating hilingin sa wishing well na ipakita sa atin ang nakaraan? Gaya noong kompleto at sama-sama pa tayong nakatira dito.” Lumunok ito bago nagpatuloy. “At least, kayong dalawa, kahit paano, may naaalala. Ako, ni hindi ko maalala ang mukha ng ating mga magulang noong nabubuhay pa sila. Ni wala tayong nabaong litrato nila noong tumakas tayo patungo kay Lola Mertha. `Tapos, sinira pa ni Tita Leica ang lahat ng mga larawan nila rito sa bahay. So, please, pagbigyan n‟yo na ako.” Nanikip ang kanyang dibdib. Nag-aalalang tumanaw siya sa kanilang bahay. Kung alam lamang ni Lola Mertha ang ginagawa nila nang mga sandaling iyon, siguradong pinatigil na sila nito. Tiyak na uulitin na naman nito ang madalas na sabihin nito sa kanila.

“Bakit ibabalik n‟yo pa ang mga bagay na wala na? Bakit mas pipiliin n‟yo pang pahirapan ang sarili ninyo kaysa hayaan nang mamayapa ang lahat sa nakaraan?”

31

Pero alam niya kung gaano kahalaga para kay Georgette na maalala nito ang nakaraan kaya napatingin siya kay Ate Soliel. Gaya niya, nasa mukha rin nito ang labis na pag-aalala. “S-sige,” kapagkuwan ay sabi nito bilang pagsangayon sa nais mangyari ng bunsong kapatid nila. “Sigurado ka ba, Ate?” tanong niya rito. Tumango ito. “Oo, Guinevere. Parang recorded video lang naman iyon, hindi ba? Sabihin na lamang natin kay Lola Mertha na napanood natin iyon sa nakita nating mga litrato o kaya ay mga lumang VHS tapes na hindi nasira ni Tita Leica. Hinihiling sa atin ni Georgette na bahaginan natin siya ng mga memorya ng kaligayahang naranasan natin noong buo pa ang ating pamilya. Parte rin naman siya n‟on kaya marapat lang na pagbigyan natin siya. Napakabata pa niya noon para makaalala. It will be cruel for us to not let her see them. She has as much right as we have to remember our parents.” “I understand.” Niyakap siya Guinevere!” ni Georgette. “Salamat, Ate

“Oo naman. Pasensya ka na kung noong una ay nagdalawang-isip ako. Nag-aalala lang naman ako. Ayokong mahirapan ka.” “Mas gusto kong mahirapan, Ate, kaysa hindi ko makita maski ang mukha nina Mama at Papa. Kaunting sakripisyo lang iyon at balewala sa alam kong mararamdaman kong saya kapag nakita ko na ang inyong mga alaala.”
32

Isa-isa silang lumapit sa wishing well at saka sabay-sabay na sumilip doon. There was luminescent light coming off the water kaya sa halip na madilim at maitim na tubig ay parang smooth crystal na tubig ang nakita nila. Gumagalaw-galaw iyon na parang may buhay. Pumikit si Georgette. Halatang sabik na sabik ito sa mangyayari. Hindi niya alam kung tutulungan niya ito o hindi. Sumapat kaya ang matinding pagnanasa nito para pagbigyan ito ng wishing well? Halos hindi pa niya natatapos ang tanong na iyon sa kanyang isip ay bumulwak na ang tubig. Namamanghang napapatitig sila roon. Kapagdaka ay kumalma uli iyon. As the light glowed whiter, it seemed to stop to come out, making the surface of the water seemed like a solid mass and like the surface of a round silver screen. Mula sa gitna ng tubig ay nagsimulang kumalat ang mga imahe hanggang sa mapuno niyon ang buong surface ng tubig. Mula roon ay nakita at napanood niya ang mga alaala na nasa kanyang isip. Ilang sandaling nawalan sila ng imik at nakatutok lamang ang mga mata sa kanilang pinapanood. Hindi sila makapaniwala ngunit nakangiti at namamasa ang mga mata nila dahil sa sobrang saya. Mga eksenang puno ng paghahalakhakan at paghahagikgikan, ng mga salitang nagsasabi ng pagmamahal nila para sa isa‟t isa, at mga sigaw at hagikgik ni Baby Georgette ang pumuno sa balon. “Kamukha ni Ate Guinevere si Georgette. Ito ang unang nakapagsalita. Papa,” ani

33

“Oo. At kamukha mo si Mama,” naiiyak at natatawa namang sabi niya rito. “Sino ang kamukha ko?” nasasabik na tanong ni Ate Soliel. Suminghut-singhot siya bago nagsalita. “`Di ba ang sabi ni Lola Mertha, kamukha mo raw si Lola Soliel, ang lola natin sa tuhod sa side ni Mama? Iyon daw ang agad sinabi sa kanya ni Papa noong ipanganak ka ni Mama. Kaya nga „Soliel‟ ang naging pangalan mo. Isinunod iyon sa pangalan ni Lola.” “But I really wish I have at least gotten something from our parents. Sila ang gusto kong naging kamukha ko.” “Sa tingin ko, nakuha mo ang ilong mo kay Papa at ang mga mata mo kay Mama. Ang hugis ng baba mo, definitely, kay Mama,” ani Georgette. “See? Grabe, ang pogi at ang ganda pala ng parents natin!” Nagkatinginan sila ni Ate Soliel at nagngitian. Georgette took this in her stride. Wala silang naririnig na nakakabahala sa tinig nito na sa palagay nila ay kailangan nilang ipag-alala. Kung tutuusin, siya pa nga ang medyo nahirapan sa pagkontrol ng kanyang emosyon. At nang tingnan siya ni Ate Soliel, tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha na tila ba hindi mauubos iyon. “Guinevere, are you okay?” tanong nito sa kanya. Umiling siya nang sunud-sunod. “God! I miss our parents so much, Ate Soliel!” Humagulhol siya.

34

Napasugod sa tabi niya ang dalawa at saka siya inalalayan ng mga ito patungo sa swing. Hinagudhagod ng mga ito ang kanyang buhok at likod habang pinababayaan siyang ilabas ang saloobin niya sa pamamagitan ng pag-iyak. Ilang sandali lang at kalmado na siya. Pinahid niya ang kanyang mga luha. “Pambihira, pati ako ay napaiyak do‟n, ah.” naiiling na sabi ni Georgette. Humagikgik siya. Tumawa rin ang mga ito hanggang sa natagpuan nila ang kanilang mga sarili na parang mga batang gumugulong sa damuhan. Wala silang tigil sa pagtawa. “Sa palagay mo, kaya mo nang hilingin sa wishing well kung sino ang lalaking mamahalin mo at magmamahal sa iyo nang wagas pagdating ng panahon?” tanong sa kanya ni Ate Soliel nang sa wakas ay huminto na sila sa pagtawa. Nakahiga sila sa damuhan habang nakatingin sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin. “Kailangan na nating umibig at ibigin ngayong gabi dahil bukas, nakaka-turn off na naman ang hitsura natin,” sabad naman ni Georgette. Nagkatinginan sila at kapagkuwan ay sabay-sabay na nagtungo sa tabi ng wishing well. Doon nila pinagdiskusyunan kung sino sa kanilang tatlo ang unang hihiling sa balon.

35


“OKAY, simulan na natin. Kaunti na lang ang panahon ni Ate Soliel at sa ating tatlo, tiyak na siya ang pinakamahihirapang mapaibig sa loob lang ng kulangkulang tatlong taon ang lalaking nakatakda para sa kanya,” ani Guinevere. Natigilan si Soliel pagkarinig sa sinabing iyon ng kanyang kapatid. Kahit ilang oras na ang lumipas mula nang mabasa nila ang sumpa sa itim na tela, pakiramdam niya, nang mga sandaling iyon lamang siya tunay na tinaningan. “Bakit? Puwede ko namang ipakita sa kanya ang tunay kong hitsura kapag hatinggabi na,” depensa niya sa kanyang sarili. “Oo, puwede nga. Iyon ay kung itatali mo siya para manatili siya sa harap mo sa araw hanggang sa pagkagat ng dilim, Ate Soliel,” ani Georgette. “For which, you‟ll be lucky if he doesn‟t faint first before the clock struck twelve.” Natigilan siya. “Hindi muna ako magpapakita sa kanya kapag pangit ako,” kapagkuwan ay sabi niya.

36

“You‟re supposed to make him love you as you are, not bewitch him with your beauty,” sabi naman sa kanya ni Guinevere. “Wagas na pag-ibig ang kailangan natin, hindi ba? Kaya kailangang mahalin ka niya bilang ikaw, pangit ka man o hindi. Remember iyong natuklasan natin tungkol kay Lola? Kaya pala hindi niya ginamit ang magic niya sa loob ng matagal na panahon ay dahil ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanila n‟ong lalaking inibig niya. Napaniwala niya ang kanyang sarili na minamahal din siya n‟ong lalaki kahit ginamitan niya ito ng love potion. Iyon pala, mahika lang ang dahilan kung bakit in love na in love sa kanya iyong lalaki. Na noong matauhan ito ay basta na lang siya iniwan. Kaya si Lola, tumandang malungkot at hindi na nag-asawa. Gusto mo bang mangyari iyon sa iyo?” Tumitig siya rito, nag-aalinlangang sumagot. “Kapag nakita ka ng lalaking iyon bilang enchantress, it will seriously be hard for him to see beyond the face. Kailangang makita ka niya bilang ppangit.” “Maganda ako sa loob at sa labas. Wala akong dapat itago,” kontra niya sa sinabi nito. How could something as simple as falling in love be so hard? “Which is very important, I know,” anito. “Pero... mas wagas ang maipapakita niyang pag-ibig kung makikita niya ang kalooban mo sa kabila ng pangit na mukha mo. What do you think? `Di ba tama ako?” “Bakit gusto mo pa akong pahirapan, Guinevere?” pagmamaktol niya.

37

“Kasi, Ate Soliel, mas magandang sigurado tayo kaysa hindi. Buhay mo ang kapalit nito. Hindi tayo puwedeng mag-second chances,” sagot nito. Ilang sandaling napatitig siya rito. “Ate...?” “Ikaw na kaya ang maging panganay?” aniya rito dahil alam niyang tama ito. Humagikgik si Georgette kaya binalingan niya ito. “Sige, tumawa ka. Baka nakakalimutam mong kailangan mo ring paibigin ang lalaking nakatakda sa iyo kahit kasintaba ka ng balyena. Ano kaya ang gagawin mo?” “Inaaway mo ba ako, Ate Soliel?” “Hindi!” “Ate Soliel, it‟s an established fact na may mga lalaking mas type ang babaeng matataba. Hindi kasinlala ng problema mo ang problema ko. Besides, may less than seven years pang natitira sa akin para gawin ang misyon ko. Huwag mo kaming pagdiskitahan ni Ate Guinevere, gusto lang naming makatulong. Kailangan mo na talagang makita ang lalaking iyon ngayon.” Lalo siyang nainis dahil totoo rin ang sinabi nito. “Pero sino ang magmamahal sa isang pangit na kagaya ko?” sambulat niya. “Hindi lang ako pangit. Mukha rin akong maligno. This is black magic. Pinapangit ako ng black magic. Anong nilalang pa ang puwedeng mas maging pangit kaysa sa akin?” nagpapanic nang tanong niya. “Sino ang hindi matataranta? Buhay ko ang kapalit at ayoko pang mamatay!”

38

Umingay uli ang tubig sa balon. Bumulwak iyon na tila umaawit. Lumakas ang liwanag na nagmumula roon at naulit ang nangyari kanina noong unang humiling si Guinevere doon. “Mukhang narinig ka ng wishing well, Ate Soliel!” namamanghang sabi ni Georgette. Sabay-sabay silang napabalik sa tabi ng balon at sumilip doon. The images were vague. Isang matangkad na lalaki na may malagong buhok at maskuladong pangangatawan ang nakikita niya. Hindi man lang yata ito nagsusuklay! He was acting like an enraged animal. Pero bakit parang mabuhok ito? O dahil ba malabo at... Yes, definitely, ang dibdib nito ang mabuhok. Parang dibdib iyon ng isang foreigner gaya nang kanilang papa. Tila lumulukso sa isang hindi niya makitang bagay ang lalaki. He cruelly laughed and it made her hairs shrunk back to her skin. Then, he beat something with his hands. Hindi niya makita kung sino o ano iyon. Sinasampal at itinutulak iyon sa sahig ng lalaki. O sa kama? Hindi niya makita. “Oh, my God! Was he naked?” aniyang natututop ang bibig. Bigla siyang nagpasalamat na malabo ang tubig sa wishing well at hindi niya makita ang kahubdan ng lalaki. “What is he doing?” tanong ni Georgette. Halatang nasisindak din ito gaya niya. “Gross! Hindi kaya iyan si Beast?” sabi naman ni Guinevere. “`Tapos, ikaw naman si Beauty, Ate Soliel.”

39

“Ayoko na siyang makita,” hintakot na sabi niya. At once, the water began to gush. Pero bago mawala ang imahe, nakita pa niya na parang asong ulol na umaalulong ang malaki at matangkad na lalaki. Kinilabutan siya. “B-bilog ba ang buwan ngayon?” dismayadong tanong niya. “Werewolf ba siya?” ani Georgette. “Ngiii!” “I don‟t think the gods would be that cruel to an enchantress, Georgette. Tigilan mo na nga ang kababasa mo ng mga horror stories!” sabi rito ni Guinevere. Habang nagtatalo ang kanyang mga kapatid ay lumayo siya sa balon at naupo sa swing. “K-kailangan ko lang bumawi sa nakita ko,” sabi pa niya sa mga ito bago tumalikod. Nanghihina ang mga tuhod niya. “It‟s okay, Ate. Take your time,” ani Georgette. Napatingin siya rito. Halatang sinabi lamang nito iyon dahil natatakot na rin itong magtanong sa balon tungkol sa lalaking mamahalin nito.

BUMABA ng kama si Orlando. Humihingal at pinapawisan na umupo siya sa gilid niyon. This was weird and insane but it could get better. This woman was one heck of a lover.

40

“Honey, bakit ka tumigil? Ayaw mo na bang magplay-act?” reklamo ng nakahubad na babae na nakahiga sa ibabaw ng kama. “Gusto ko pa, eh. Sige na. Kunwari, beast ka uli.” Ngumisi siya. “Ibang play-act na ang gusto ko. Ayoko na ng beast.” Game na dumapa ito sa kama at nang-aakit na ngumiti sa kanya. “At ano ang gusto mo? Sabihin mo lang. Anything, game ako. Basta ikaw, Orlando.” Tumaas ang isang kilay niya. “Rapist?” Umirit ito nang daluhungin niya ito sa kama.

41

TWO AND A HALF years later. Inihinto ng driver ni Soliel ang kotseng minamaneho nito sa private parking space ng LeCharmeEncantara Tower. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad patungo sa private elevator na direktang magdadala sa kanya sa opisina niya. Dalawang taon na niyang ginagawa iyon. Kaysa magdaan siya sa daanan ng mga empleyado at may matakot sa kanya, minabuti niyang siya na ang umiba ng daan. Kadalasan ay mayroong hood ang pang-itaas na damit niya. O kaya ay mayroon siyang bandana para matakpan kahit man lang ang kalahati ng pangit na mukha niya. Noong nasa probinsiya pa sila, hindi niya gaanong pinoproblema ang kanyang hitsura dahil bihira ang nakakikita sa kanya sa araw. Pero ngayong kailangan niyang lumabas ng bahay at pag-aralan ang pamamahala sa kanilang negosyo, kailangan niya ng extra measures para maprotektahan ang mga taong maaaring makakita sa kanya.

42

Noong una, inuutusan niyang tumingin sa ibang direksyon ang mga nakakasalubong niya. She liked walking the corridors and boarding the elevators with the workers. Ang kaso, kapag ginagawa niya iyon ay nakakalimutan din ng mga empleyado kung ano ang ginagawa ng mga ito noong tinamaan ng spell. Kadalasan, nagdudulot iyon ng seryosong konsekwensya at delay sa trabaho. May nasesante pa ngang empleyado dahil doon. Kaya mula noon, ginagamit na niya sa pag-akyat sa dating opisina nang kanyang papa—siya na ang umookupa roon ngayon— ang private elevator nito. Nang makarating sa kanyang opisina ay tila nahahapong umupo siya sa swivel chair at nag-isipisip. Hindi man nagtatanong, may hinala siyang nagdududa na si Orlando DiCorcia. Hindi pabor sa kanya ang bagay na iyon dahil nagagawa nitong impyerno ang sandaling pagtatagpo o pag-uusap nila kahit pa tungkol iyon sa negosyo. Si Orlando DiCorcia ang panganay na anak ni Gideon DiCorcia, ang isa sa pinagkakatiwalaang empleyado ng kanyang ama at kaibigan nang kanilang pamilya. He was gone for years following his father‟s death. Ayon sa mga impormasyong nakalap niya, matalino at magaling na tagapamuno raw si Orlando. Marami raw itong natutuhan mula sa ama nito. At marami ang nagtaka nang bigla itong umalis pagkamatay ng ama nito. Anyway, he wasn‟t anywhere when she started going to the office. She didn‟t know how lucky she was when he was still gone until he finally came back and resumed his former office. When they first met, it was a disaster. Isang malaking understatement ang sabihing hindi nito tinanggap nang maayos ang

43

katotohanang siya ang pumalit sa posisyon ng kanyang ama. Naalala niya ang first meeting nila mahigit isang taon na ang nakararaan. It was after he had come home. Bigla na lang itong sumulpot sa kanyang opisina, ini-lock ang pinto niyon, at galit na galit na kinompronta siya...

“WHY ARE you here? Bakit kailangan mo pang tumuntong sa opisinang ito? Kung ang tiyahin mong bruha ay walang nagawa rito, ikaw pa kaya? My father had invested his sweat and blood for this business. Hindi ako papayag na guluhin mo ang kompanyang ito,” mariing wika ni Orlando. Napakurap-kurap si Soliel. Ang naunawaan lamang niya sa sinabi nito ay ang tungkol sa kanyang Tita Leica. That evil witch couldn‟t affect anything in LeCharmeEncantara. Nothing could affect an spell made in blood. She was magically forbidden to do so. Besides, to her surprise, Orlando was an extremely handsome man. Kahit nahihiya siyang aminin sa kanyang sarili na natulala siya sa kaguwapuhan nito, wala siyang magawa. He was handsome and had a presence that was undeniably magnetic. Sa pagiging extremely attractive pa lang nito ay parang may sarili na itong angking mahika. Then she caught up with what he said. Alam ba nito ang tungkol sa...
Bruha?

“Yes! I know what she was. She‟s a witch. Ang masakit, hindi ko magawang isiwalat sa ibang tao ang
44

ginawa niya sa daddy ko dahil sinong sira-ulo ang maniniwala sa akin?” Kumunot ang noo nito at nagsalubong ang mga kilay. “Pero ikaw, alam mo, hindi ba? You‟re one of them. You even look like them. What? Sobrang hina ba ng powers mo that you cannot hide your true face?” She tried to be as calm as she could even if his words were grating on her nerves. Nakatulong sa kanya para magpakahinahon ang natuklasan na isa ang pamilya nito sa mga naging biktima ng kasamaan ni Tita Leica. “Gusto ko munang linawin sa iyo na hindi kami magkadugo ni Tita Leica. Stepsister siya ng mama ko. And—” “What the hell do I care? Just get out of here. This business is my life now. Don‟t mess with my life and I will kill you, do you understand?” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito nang kanyang opisina. “Aba‟t...” Nag-init ang kanyang katawan sa naramdamang galit. He couldn‟t do that to her. Kahit paano ay marami na rin silang nagawang magkakapatid para sa kompanyang iyon. Nakapag-record na naman sila ng bagong awitin ni Guinevere. They had taken videos of Georgette‟s new dances. Nag-a-undertake din siya ng brainstorming sa studio ng LeCharmeEncantara para sa mas magandang utilization ng mga angking biyaya nang kanyang mga kapatid—under the guise of commercial jingles and exercise videos, of course. Hindi pa puwedeng lumabas sa publiko ang mga kapatid niya dahil sa komplikadong schedule ng “talents” ng mga ito. Though Guinevere was more productive because of her skills with musical instruments, especially playing the piano.
45

Walang karapatan si Orlando na basta na lang siya patalsikin sa kanyang opisina. Granted na wala itong alam tungkol sa tunay na pagkatao niya. Pero para sa kanya, mas malaking dahilan iyon para maging humble ito, kaysa maging mayabang at arogante. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at lumabas ng kanyang opisina. “Ditourner, ditourner, ditourner,” mahinang spell niya sa magkadikit na mga ngipin. Isa-isang tumingin sa ibang direksiyon ang mga taong makakasalubong niya sa corridor. “Show me where he went.” She was so angry that she was dishing off magical orders without being aware of them. Bumukas ang isang pinto. Pumasok siya roon. Nakarating siya sa isang maluwang at modernong opisina. The man she found inside was striding from here to there, as if caged in a cell, and dangerously close to exploding. “Orlando, isn‟t it?” aniya sa galit na boses. Humarap ito sa kanya. Napaurong ito at biglang namutla. Alam niyang dahil natakot ito sa hitsura niya. If she looked ugly smiling, how she must look when she was so angry would be beyond words. “Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa iyo ng tiyahin naming bruha. At hindi ko pakikialaman iyon. Pero ang ihanay kami sa isang tulad niya ay hindinghindi ko mapapayagan. We have suffered enough. Tulad n‟yo, biktima rin kami. Kung hindi mo napapansin, nakabalik lang kami rito noong patay na siya.”

46

Tumawa ito nang nakakaloko. “Hah! Don‟t try your words on me. I would die first before I associate myself with your people.” “Sinabi ko na sa iyong hindi ako katulad niya!” “You look so much like one.” Oh, that was so low! Anong klaseng lalaki ito? He was a beast. She got madder. “You are more than a fool if you think you can judge people with how they look!” she shouted at him. “If I remember it right, Tita Leica was a beautiful woman. Kung kasinggago mo ang ama mo, mabuti nga sa inyo, nabiktima rin niya kayo!” Siya naman ang walang paalam na lumabas ng opisina nito. She left behind a spell that would disable him from following her. Nang humupa na ang galit niya ay saka lang nito nagawang lumapit sa kanya. Pero hindi para makipagbati, kundi para magdeklara ng digmaan. “Use your magic inside this building again and I will let them do to you what they did to your evil aunt.” “Hindi ako natatakot,” aniya. “Hindi ako masama. Wala akong dinadalang guilt sa konsiyensya ko.” “Oo. Dahil lahat ng kasalanan mo, nakapaskil na sa mukha mo... Hideous,” nanunuyang sabi nito. “Hindi bale nang pangit kaysa naman kasinsama ng ugali mo. You have the heart of a beast... Beast. Naaawa ako sa mga babaeng nauuto ng kaguwapuhan mong tanso.”

47

At dahil galit na naman siya rito, hindi na ito nakalapit sa kanya mula noon.
Sinabi niya kay Lola Mertha ang lahat ng mga nangyari. Mula noon, ginawa nito ang lahat para malaman kung paano namatay si Tita Leica. The details were vague. Basta namatay raw ito sa isang malubhang sakit na kahit ano mang mahika ang gamitin ay hindi nito napagaling ang sarili.

“Use your magic inside this building again and I will let them do to you what they did to your evil aunt.”
Them. They. Sino ang mga taong sinasabi ni Orlando? Hindi pa uli niya ito nakakausap. She went on studying the business, bringing her homeworks at home, and he went on managing it actively. Nagpatuloy silang magkakapatid sa paglabas sa mga gabing maayos ang kanilang hitsura. Nagdadala sila ng pag-asa sa madidilim na sulok ng lungsod. Ginagalugad nila ang mga sulok ng siyudad para ipamahagi ang biyaya ng pagmamahal at pag-asa. Ngunit tuwina ay nalulungkot sila sa nakikitang kawalan ng pag-asa at kasamaang dulot ng pangit na ugali ng mga tao. Kinukuwestiyon ng mga ito kung paano hindi pantay-pantay ang pagkakalikha sa mga tao. The answer was always there... love. And they couldn‟t begin to question that. Pero sa buong buhay niya, sa iisang tao lang niya naramdaman ang matinding pagnanasa na ipagkait ang biyayang iyon—kay Orlando DiCorcia. Since he came, he proved to become the sole bane of her existence.
48

Tuwing magkikita sila sa building ay tinitingnan siya nito nang pagkasama-sama. Nagtataka tuloy ang mga nakakapansin niyon. Hindi naman niya magamit ang kanyang magic kapag kaharap niya ito. Alam niyang lalo lang itong magagalit sa kanya kapag ginawa niya iyon. Technically, tama ito sa akusasyon nito. She was part witch because of her father. At hindi man niya ipinapahalata rito, nababahala siya sa sinabi nito na ipinagawa nito laban sa Tita Leica niya. Ano man iyon, baka tumalab din iyon sa kanya. At kapag minalas siya, baka mas maaga pa siyang mamatay bago dumating sa edad na itinakda ng sumpa para sa kanya. Bigla niyang naalala ang lalaking dapat ay makakapagligtas sa kanya sa masamang tadhanang iyon. Nagdudulot sa kanya ng matinding takot at kaba na hindi pa niya ito nakikita. She had consulted everything—tarot cards, seers, psychics, fortune-tellers, and other unimaginable ways. Pero iisa lang ang sinasabi ng mga iyon. Ang puso raw niya ang magsasabi sa kanya kung natagpuan na niya ang lalaking hinahanap niya. She even went as low as walking on the streets disguised as a beggar—it would be safer being like one with the way she looked—with Gregory trailing her at a distance. Nagbakasakali siyang isa sa mga taong-lansangan iyong pangit na lalaking ipinakita sa kanya ng wishing well kaya nagtutungo siya sa iba‟t ibang lansangan. Pero wala pa ring nangyari.

49

Nakaramdam lamang siya ng awa sa mga malnourished na batang pakalat-kalat sa daan, nanlilimahid sa dumi habang nanlilimos. Ganundin sa matatandang may sakit at basta na lang nakahiga sa mga sulok ng lansangan. Mali man ay parang mas makabubuti pa sa mga ito ang mamatay para matapos na ang paghihirap ng mga ito. Pagdating sa mga ganoong bagay ay madaling mabaghan ang kanyang puso. This had always been the most painful, the most emotionally tiring experience she always had. Sumasalakay sa kanya mula sa iba‟t ibang direksiyon ang desperasyon, lungkot, kaignorantehan at kawalan ng pag-asa. Pagdating sa bahay ay saka nila pinag-uusapang magkakapatid ang kanilang sitwasyon. There must be some other way they could help beside the meager hours they could come up with every night. At gumawa nga sila ng paraan. Nakipag-usap sila sa mga kilalang charity key people sa lipunan. Nagbigay sila nang lihim na pondo para sa expansion ng mga proyekto para sa mga streetchildren at matatandang wala nang mga kamaganak na kumukupkop at pagala-gala na lamang sa mga lansangan. Dahil sa kapangitan niya ay hindi siya lumalabas. Si Guinevere ang humaharap sa mga taong dapat kausapin. Ginagamit nito ang boses ni Georgette kaya lumalabas na ang kanilang bunsong kapatid ang tagapagsalita nila. Georgette was tremendously enjoying the new responsibility at her young age of sixteen. Nakakapag-aral ito sa regular school samantalang si Guinevere ay nagho-home study.

50

Nabo-bore si Guinevere sa bahay kaya nagprisinta ito na ito na ang mamahala sa pagtulong nila sa mga charitable institutions. Through this, they discovered their parents were active supporters of charity when they were still alive, and the support abruptly stopped when they died. Ang alam ng mga nakakakilala sa kanilang mga magulang, namatay ang mga ito sa aksidente sa malayong bansa at hindi na na-recover ang labi ng mga ito. Tita Leica did a good job of covering it all up. Kaya tuloy minsan, inaasam niya na sana ay buhay pa ito para maranasan nito ang paghihiganti nilang magkakapatid sa ginawa nito sa kanilang mga magulang. She knew thinking of revenge wasn‟t a good trait. Nagpapakita iyon ng kakulangan ng pananalig at pagtitiwala sa hustisya ng Panahon. Ng Maykapal. Pero mauunawaan naman siguro ng Diyos ang galit na nararamdaman niya. Siguro, itinulot Nito na mamatay si Tita Leica bago sila makaganti rito. Kung nagkataon ay magkakasala pa silang magkakapatid. Pero itutulot din ba ng Diyos na mamatay siya dahil sa isang masamang sumpa? Napalunok siya. Huwag naman sana. Pero kung sakali, nasa puso niya ang pagtanggap. Halos isang taon na lang ang natitirang panahon sa kanya pero hindi pa niya natatagpuan ang lalaking hinahanap niya. Maybe it was all for the better. Pero paano ang magagawa pa sana niya para sa mundo kapag bumalik na ang kanyang ganda? God could take away something and only He could bring it back. Maaaring may iba pang plano Ito na dapat

51

lamang niyang hintayin. Wala siyang magagawa sa itinakda Nito para sa buhay niya kahit taglay man niya sa kanyang mga kamay ang lahat ng kapangyarihang maibibigay ng mahika. Namalayan niyang tumutulo na ang kanyang mga luha. She was thinking about her sisters, about her leaving them, about leaving the world before her Lola Mertha, about not being able to take care of her old aunt when she was really old and on her last days. At dahil doon, tinanggal na niya ang shunning spell niya kay Orlando DiCorcia...

52

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful