The Prince and A Song

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 3 NOELLE ARROYO

INIANGAT ni Leica ang dalawang kamay at kinilatis niya ang kanyang mga kuko. Naningkit ang pulangpulang mga mata niya na parang kulay nang bagong daloy na dugo mula sa katawan ng kamamatay lang na biktima. Her fingers were not long enough, nor hard enough to slit someone’s throat, but it would have to do. Aleka could do whatever she wanted her to do. She was a prize beyond compare. Ang pagsisilbi nito sa kanya ay higit pa sa pagsisilbi sa kanya nang kahit sinong alagad niya. She would give her life for her without blinking an eye. One day she would. One day, Leica would give her that honor. It was almost upon her now, the moment she had been waiting for. Sa loob ng mahabang panahon ay nanahimik siya at walang ginawa kundi magplano. Gusto muna niyang bigyan ng pagkakataon ang tatlong

magkakapatid na masanay sa buhay na walang kinatatakutan at walang kaaway habang unti-unti niyang inihahanda ang sarili sa muli nilang paghaharap. “Ang mga babaeng pagtatrabaho nila?” manlililok, kumusta ang

“Maayos ho ang lahat, at umaayon ang kanilang pagpapagal sa panahong itinakda ninyo para sa inyong mga plano.” “Ang mga bangkay? Ang mga buto?” “Sinisipi na po nang inyong nagmamahal na mga alagad.” “Hmmm... natagpuan na ba ang ating hinahanap?” Napalis ang ngiti nito. “Bakit, Aleka?” “Natagpuan na ho ang ating hinahanap, Mahal na Reyna. Huwag ho kayong mag-alala.” “May problema ba?” “Kaunting panahon pa ang hinihingi ng ibang mga tauhan, para lang sa sunod na pagbilog ng buwan, Mahal na Reyna. Sa ganoong panahon ho pinakamabisa ang kapangyarihan ng itim na kristal.” Unti-unting naglaho ang pagkadisgusto na nararamdaman niya sa posibilidad na magkakaroon ng aberya ang kanyang mga plano. They had waited a long

time. A little more time was all right. Tamang panahon ang kailangan para sa perpektong pagsasagawa ng lahat. “May iba pa ho ba kayong ipapagawa, Mahal na Reyna?” tanong sa kanya ni Aleka na nakaluhod sa harap niya at naghihintay nang susunod niyang utos. “Wala na,” sagot niya. “Lumabas ka at siguruhin mong naihanda na ni Mathis ang lahat para sa ating biyahe.” Tumayo ito. “Masusunod ho, Mahal kong Reyna.” Sa isang kumpas niya ay nawala ito sa kanyang harap. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa dalawang tauhang nakatayo malapit sa bintana. “Ano’ng bagong balita tungkol sa magkakapatid?” “Madalas silang lumalabas kasama ang kanilang bantay, Mahal na Reyna. Pero walang indikasyon na alam na nila kung saan kayo naroroon o kung ano ang inyong mga binabalak laban sa kanila.” Lumapit siya sa bintana at tumanaw sa labas ng kanyang natakbuhang taguan. Isa iyong lumang tore na dati’y parte ng isang gumuhong kastilyo sa mabatong lugar malapit sa Pasipiko. Sa Silangan ay ang karagatan kung saan nagmumula ang kumakagat na lamig ng hangin sa paligid, at sa Kanluran ay ang kagubatan kung saan maraming mga biktima na ang nakalibing sa ilalim ng bumagsak na mga puno, at makakapal, matitinik na mga halamanan, at kung saan nagmumula ang masangsang na amoy sa paligid. Sa kabila nang makapal na kakahuyan ay isang bayan na puno ng sindak sa kagubatan. No one has gotten in and came out of that

forest alive since the full moon of three years ago, noong bumaba ang madilim na usok sa buong kagubatan. At hindi na iyon napasok ng liwanag kailanman kahit nasa katirikan man ang araw sa katanghalian. “Ibalik sa harap ko si Kerara.” Mabilis na kumilos ang isa sa dalawang malalaking mga lalaki. Lumabas ito ng pinto, at nang bumalik pagkatapos nang ilang minuto ay dala na ang isang nanlilimahid na babaeng itinulak nito at bumagsak sa kanyang harap. Nasa pagkilos nito ang kaba. Nangangatog ito sa magkahalong takot at lamig. Ang isa sa mga mata nito at namumuti sa katarata at ilong nito ay kasing flat nang sa isang Ita. Nagbibigay ng lakas kay Leica ang takot na nararamdaman niya sa matandang bruha. “`Care to tell us more, Kerara? O gusto mo bang—” Umiling ang bruha, sunud-sunod. “Wala na. Wala na akong alam na iba pa. Sinabi ko na sa inyo ang lahatlahat nang nalalaman ko tungkol kay Caleb Barton, Reyna Leica.” “Sigurado kang kahit kailan, sa iyong pagsisilbi sa kanila ay hindi mo kinakitaan ng mahika ang lalaking pinili? Hindi pa rin ako naniniwala.” Sunud-sunod ang pag-iling nito. “Sinabi ko na sa inyo, kung meron mang mahika sa kanyang dugo, parang hindi niya alam ito. Iyong bantay niya, si Paquito, may katahimikan siya na hindi ko magawang mapiho.

Nararamdaman kong mas marami siyang alam kaysa sa kanyang alaga. Pero ingat na ingat ako sa paligid niya. Isa siyang katutubo, isang purong dugo. Makapangyarihan siya, Mahal na Reyna. Hindi ko susubuking galitin siya.” Nag-iisip na muling tinitigan ni Leica ang kulay sa kanyang mga kuko. “Gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa kanya.” “Sinabi ko na lahat ng aking nalalama-aarrrkkkhh!” Biglang sinapo ni Kerara ang leeg nito na parang nasasakal ito nang kung ano. “Aakkhhh...” Hinarap ito ni Leica, may malamig na galit sa maamong ganda nang isang mukhang walang kamalaymalay na probinsyana. Ang totoo, isa na naman ang katawang iyon sa nabiktima ni Leica. Ang marumi nitong ispiritu na ngayon ang namamahay sa katawan. “Bumalik ka roon at alamin mo ang mga bagay na hindi mo pa nalalaman, Tonta. At siguruhin mong kapag muli kitang pinatawag, sasabihin mo sa akin ang lahat ng sagot sa aking mga katanungan! “Pinawalan niya ang leeg nito. Bumagsak ang bruha sa sahig at halos halikan nito ang dumi habang humahagulhol na pumapayag. Nasa pinto na ito ng madilim na kwarto noong pigilan niya ito. “Sandali.” Napapitlag ang babae, saka nangangatog na humarap, yukong yuko pa rin ang ulo. “Ano po `yon, Mahal na Reyna?” “Hindi na kita kailangan,” bale-walang sabi niya. “Oho. Aalis na ho ako, Mahal na Reyna.”

“Manatili ka sa iyong kinatatayuan, Kerara,” utos niya rito sa malamig na tinig. Nagsimulang mangatog ang babae. Iniabot niya rito ang kanyang palad. At unti-unti, mula sa nangangatog nitong katawan, ay umalpas ang walang hugis na abuhing usok. Nagtungo iyon sa kanya. Ibinuka ni Leica ang kanyang bibig at pumasok sa kanya ang usok. Nang makuha na niya iyon lahat, bumagsak ang walang buhay na katawan ng bruhang dating tinatawag na Kerara sa sahig. “Itapon ang bangkay, Forteza.” Sumunod sa utos ang isang lalaki. “Leoncho, tawagin ang Kailangan ko siya, ngayon na.” bruhang manghuhula.

“Masusunod, Mahal na Reyna.” Pinahid ni Leica ng likod ng palad ang kanyang bibig. Pagkatapos ay mahina siyang dumighay. Sa likod niya, ipinasok ang matandang manghuhula sa kuwarto. “Gusto kong ipakita mo sa akin muli ang magaganap sa hinaharap.” “Masusunod, Mahal na Reyna.” Inilabas nito ang bolang kristal mula sa nanlilimahid nitong mga damit. Sinulyapan niya si Leoncho. Kumilos ito para sundin ang tahimik na utos niya. Kinuha nito ang bolang kristal mula sa kamay ng matandang bruha.

Nagtatakang minataan ito ng matandang manghuhula. “Walang silbi ang kristal sa isang nilalang na walang taglay na mata ng hinaharap sa kanyang katauhan.” Humagikgik si Leica. Napapitlag ang matanda nang tingnan niya ito nang matalim. “Tama ka, Tanda. Kaya kukunin ko ang mga mata mo.” Iniangat niya ang dalawang kamay niya, ihinarap dito ang kanyang palad, at ikinuyom iyon na parang mayroon siyang pinirat na kung anong hindi nakikitang bagay na hawak nito. Dumaan ang sobrang pagkagulat sa nangungulubot na mukha ng matandang bruha. Gaya ni Kerara, lumabas ang itim naman ngayong usok sa bibig nito, na naglakbay sa hangin patungo kay Leica. Matapos lamunin ni Leica ang kapangyarihan, bumagsak ang matandang bruha sa sahig, nakapaskil pa rin sa mukha ang huling ekspresyong nagdaan doon bago maagaw ang buhay mula sa pusong ngayon ay hindi na tumitibok. “Akin na ang bolang kristal, Leoncho.” Lumapit sa kanya ang alagad at ibinigay sa kanya ang kanyang hinihingi. At may malamig na kinang sa mga mata, sinimulang gamitin ni Leica ang kanyang bagong bagong salamangka... Pero sa sumunod na sandali, umaaringking siya sa sakit. Napasugod sa kanyang tabi ang dalawang lalaki. “Ang matandang iyon, sumpain siya! Matagal na niya tayong niloloko!”

Nasira ang bihis at ayos ni Leica matapos nitong magwala. Humihingal at nanghihina sa ibabaw ng kama kung saan siya ihiniga ng kanyang mga alagad, masamang-masama ang loob na binago niya ang kanyang mga plano. “Alamin ang lahat tungkol kay Paquito. Hindi ko pwedeng galawin ang lalaking mangingibig, pero dahil kay... sa pamamagitan ni Paquito... magagawa ko siyang sirain...” “Masusunod, Mahal na Reyna,” magkasabay na sabi ng dalawang lalaki.

TUMATAGAKTAK ang pawis sa mukha ni Caleb Barton pero hindi niya alintana iyon. Mas nakatuon ang pansin niya sa sanlibong mga tao na nanonood sa kanya sa Araneta Coliseum. Tila maging ang mga ito ay nakabitin ang hininga sa paghihintay na tugtugin ng banda ang huling nota ng finale song niya. It was as if they were under a magic spell. Iyon ang pakiramdam niya kapag kumakanta siya sa harap ng kanyang audience. Bata pa lang siya ay alam niyang taglay na niya ang talentong maka-captivate ng mga tao sa pamamagitan nang kanyang tinig. First, it was his parents. Then his friends. Then there were his classmates in school, his teachers, the nuns... Until someone suggested to his parents he needed to learn how to sing professionally. Marunong na siyang humugot ng awitin mula sa kanyang kaluluwa at lakipan iyon ng damdamin mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Ang kailangan na lamang niyang matutuhan ay ang mga teknikal na aspeto ng pagkanta. Then he could pursue

becoming a professional singer. He had a voice that people should hear, anito. Isa iyong biyaya na hindi niya puwedeng ipagdamot sa iba. And guess what. Here he was, a professional singer. And loving every minute of it. Narinig niya ang beat na hinihintay niya. Humugot siya ng malalim na hininga at pinakawalan ang huling linya ng liriko ng ballad song na pinasikat niya. Pumailanlang ang masigabong palakpakan. Ngumiti siya. Naramdaman pa niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata habang nakikita ang paghanga sa kanya ng lahat. Sumisigaw ang mga ito. “We love you, Caleb!” Alam niyang sa mga sandaling iyon, totoo ang sigaw na iyon ng mga ito. Katulad din na totoo ang pagmamahal na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon para sa mga tao. “More! More!” But the night, like his other concert nights, had to end. Hindi pa man siya nakakabalik sa backstage ay nararamdaman na niya ang matinding pagod. His throat was already buzzing. His back was aching. Kailangan na niyang magpahinga. Kumaway siya sa audience. Hinalikan niya ang kanyang mga daliri at ibinukas niya ang kanyang mga bisig na para bang hangad niyang mayakap ang lahat. It was truly a natural gesture for him. He loved his fans from the bottom of his heart. It had always been hard for him to leave his audience when they still wanted

him to sing. Because he never liked to leave. But he had to. Sometimes, some things had to end to make way for the next beginning. He stepped back, walked backwards to his exit, waving his hand. Tumayo ang mga tao habang patuloy pa rin ang mga ito sa pagpapalakpakan at pagsigaw. Hinihimok siya ng mga ito na bumalik sa stage at muling kantahan ang mga ito. Iniwanan niya ng huling sulyap ang mga nanonood. Pero bago siya tuluyang makatalikod, his eyes zeroed in on one beautiful face among a crowd of so many beautiful faces. And for a few unexplainable, tension-filled moments, hindi niya magawang mailayo ang kanyang mga mata. “Caleb?” Ang tinig nang kanyang kapatid ang humila sa diwa niya pabalik sa kasalukuyan. Tinanggap niya ang baso nang warm water na inilagay nito sa kanyang kamay. “`Tol.” “Halika na sa dressing room, kiddo, habang hindi ka pa nalalapitan ng mga fans mo rito.” Tumingin uli siya sa audience. Naharangan na ang babaeng tinititigan niya kanina kaya hindi na niya ito makita. But that wasn’t such an impossible thing. May ibang araw pa. Magko-concert pa uli siya. Malakas ang kutob niya na magkikita uli sila ng babae.

At sa unang pagkakataon mula nang unang beses na mag-concert siya, ibinigay niya sa iisang tao ang pamamaalam niya.

Until we meet again.

HINDI matapus-tapos ang pagpalakpak ng Ate Soliel ni Guinevere na nasa gawing kanan niya at ang pagsigaw ni Georgette sa gawing kaliwa niya. Hindi niya masisi ang dalawang kapatid. If she could only shout the way they could. Kapag tumili siya ay kawawa naman ang mga taong nakapaligid sa kanya. May magkaka-nose bleed, may masisira ang eardrums, may sasakit ang ulo, at may masisira ang mood. Kaya pumalakpak na lang siya. Nasa Araneta Coliseum sila at nanonood ng concert ng concert prince na si Caleb Barton. Kahit gaano sila kaabalang magkakapatid ay hindi nila pinalampas ang concert ng paborito nilang mang-aawit. Malayo na talaga ang narating ni Caleb. Hindi naman nakakapagtaka iyon. Hindi lang angat sa iba ang kaguwapuhang taglay nito kundi malaanghel din ang tinig nito. Isang brilliant na lyricist pa ito. She wished she had heard of him when she was little. Kaya lang, nasa San Bernardino pa sila noon, sa lupain nang kanilang Lola Mertha, kaya hindi niya ito nakikilala. May sarili silang mundo noon dahil sa pagnanasa ng mga taong nagmamalasakit sa kanila na mabigyan sila ng proteksiyon mula sa itim na mahika.

Nakilala na lamang niya si Caleb noong sikat na sikat na ito. Naririnig niya sa radyo ang mga awitin nito pero dahil sa sobrang pag-aalala niya noon sa kalagayan ng panganay na kapatid niya at dahil sa nakaambang panganib mula kay Tita Leica, he remained to be just a singing voice on the radio. Mga awiting nagbibigay sa kanya ng sandaling pahinga kapag nangangamba siya sa kinabukasan nilang magkakapatid. But the words on his songs could always touch her heart in a way she could not understand. Pagkatapos malampasan ni Ate Soliel ang sumpa rito, sandali silang nagkaroon ng respite mula sa puwersa ng nanghinang tiyahin nila. Mabilis lumipas ang dalawang taon. And four months ago, she turned twenty. Masaya man ang naging selebrasyon nang kanyang kaarawan, naging anino sa likod ng masayang ngiti sa mukha nang lahat ng mga bisita ang reyalisasyong dumating na ang kanyang sandali. That it was her turn to face Tita Leica’s wrath. Unti-unting huminto ang mga palakpakan. Natanggap na ng lahat na hindi na uli lalabas sa stage si Caleb. Naupo uli siya sa kanyang upuan. Kasabay niyon ay naalala niya ang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay. When Georgette magulang secret this Ate Soliel was just five, she was three and was barely one, namatay ang kanilang mga sa pagtatanggol sa kanila. There was a world of physical world did not even know existed.

Uuwi nang nakangiti ang mga taong nasa loob ng coliseum na iyon nang walang nalalaman tungkol sa ibang mga pwersa sa labas ng tahanan ng mga ito. Mga

puwersa ng salamangka. Sa sikretong mundong iyon ng mahika nabuhay at nagkaisip silang magkakapatid. There was nothing they could possibly do to avoid their destiny. Their father, Philippe Alfonso Encantara, was Spanish, and was born from the line of powerful wizards and sorcerers. Habang ang kanilang ina na si Celine le Charme ay mula sa linya ng mga diwata at makapangyarihang enchantresses. Mula sa ninuno nila sa ina na si Chemeia nila natanggap ang mga kapangyarihan ng biyaya ng Inang Ispiritu ng mga Engkantada. Sila kasi ang isinilang na tatlong dalaga sa kasalukuyang panahon. Ayon sa propesiya, kada isanlibong taon ay isisilang ang tatlong dalaga ng pag-asa sa linya ni Chemeia, isa sa unang tatlong mga diwata na isinilang ng Inang Ispiritu noong unang Panahon. Ang isa sa tatlong dalaga ay magtataglay ng biyaya ng kagandahan, ang isa ay biyaya ng magandang tinig, at ang isa ay biyaya ng sayaw ng mga diwata. Si Ate Soliel ang nakakuha ng biyaya ng kagandahan, siya ang nakakuha ng biyaya ng magandang tinig, at ang bunso nilang si Georgette ang nakakuha ng biyaya ng sayaw. Noong una nilang matuklasan ang tungkol sa taglay nilang kapangyarihan at ang misyon nila sa mundo, tinanggap nila nang malugod iyon. Bata pa sila ay natural na sa kanila ang kanilang mga mahika. Komportable na sila sa paggamit niyon. Pero hindi lahat ay saya. Natuklasan nila kung ano pa ang mga kaakibat ng biyayang ibinigay sa kanila.

Ate Soliel was six, she was four and Georgette was two when they first encountered Tita Leica’s powerful curse. Nagawang itakas ng mga kaibigan nang kanilang mga magulang ang abo ng kanilang ama para maitabi iyon sa labî ng kanyang ina na nasa lupain ni Lola Mertha. Iniuwi ni Gregory ang urn pero wala itong kaalam-alam na iniuwi rin nito sa kanilang magkakapatid ang sumpa ng masamang bruha. Their gifts were totally worthless because of the curse. Pero napagtulung-tulungan nilang labanan ang sumpa gamit ang kanilang mahika at katulong pa rin ang mabubuting mahikero na kaibigan ng kanilang pamilya. If Tita Leica had her minions, they had their loyal, trusted friends. Mula noon, tuwing hatinggabi hanggang pagsikat ng araw ay bumabalik sila sa normal at nagagawa nilang makatulong sa mga nangangailangan. Kahit sa mundo ng salamangka ay may mapag-imbot na mga kaluluwa. At ina nang mapanibughong mga bruha ay si Tita Leica, ang pinakamakapangyarihang masamang bruha sa buong mundo. Pero ayon kay Georgette, wala itong originality.

“If Lord Voldemort of Harry Potter happens to be real, napangasawa siya ni Tita Leica. Haay... sana. Para kakampi natin si Harry Potter!” naalala pa niyang sabi ng
kanyang kapatid. Ang hangarin ni Tita Leica ay makamit ang immortality sa pamamagitan ng pag-agaw sa kapangyarihan nang ibang nilalang na may dugong mahika. Marami na itong nabiktima, dahilan kung bakit matagal-tagal na rin itong nabubuhay. There was a rumour that Tita Leica was older than their father, older

still than their father’s parents. Hindi lang halata iyon dahil sa pagpapalit-palit nito nang ginagamit na katawan. For years, Tita Leica had learned the process of going from one body to another to stay alive. Noong mabalitaan nito ang tungkol sa kanilang magkakapatid ay bigla silang naging pet project nito. Malas nga lamang ito dahil hindi naging madali para rito ang gawin ang binabalak na pag-agaw nito sa kanilang kapangyarihan. Hindi ito nagtagumpay kay Ate Soliel. Ang sabi ni Lola Mertha, malamang na dahil sa kahambugan kaya naglagay pa ito ng clause sa sumpa nito, which goes something like this:

“Sumpa ng kamatayan, sa tatlong Engkantada... Na noong una’y kinasihan ng Nunong Ina... Kung pag-ibig na alay ng lalaking mahal ay hindi sapat upang magbuwis ng buhay... Sa hatinggabi ng ikadalawampu’t isa... Babawiin ng sumpa ang huling hininga.”
It became like a challenge. Hindi yata alam ni Tita Leica na pag-ibig ang specialty ng kapangyarihan ng mga diwata. Nakatakdang umibig ang mga enchantress sa isang lalaki na may busilak na puso. Iyon ang selebrasyon ng mga ito sa kaganapan ng pag-ibig na ipinapalaganap ng mga ito sa mundo sa bawat ika-isanlibong taon. Iyon nga lang, gaya ng nakasulat sa propesiya, hindi nasabi kung kailan mangyayari iyon, kung bago o pagkatapos nang kanilang ikadalawampu’t isang kaarawan. Hindi pa nagkaroon ng adversary na katulad ni Tita Leica ang mga naunang enchantresses. Kung nakatakda man silang umibig, hindi nila alam kung ang pagdating nang kanilang mga mangingibig ay nasa tamang oras na maililigtas sila ng mga ito sa sumpa ni Tita Leica.

Nakilala ni Ate Soliel ang mangingibig nito bago ito naging vulnerable sa sumpa ng kamatayan ni Tita Leica. Nailigtas ito ng pag-ibig ni Kuya Orlando kaya tapos na ang kalbaryo nito. Sila na ni Georgette ang susunod. Unfortunately, mauuna siya kay Georgette. Makaligtas din kaya siya gaya ng nakatatandang kapatid niya? Nakagat niya ang ibabang labi at saka bumuntunghininga. Bago tuluyang nawala sa left wing ng stage si Caleb ay nagkatitigan sila. For a minute there, she felt magic connecting him to her. Pero naputol ang koneksiyon like she knew it would be. Hindi pa niya nahahanap ang kanyang prinsipe at mangingibig. Kung si Caleb na lamang sana iyon, madali na para sa kanya ang kumilos. Naputol ang pagpapantasya niya. That was Caleb Barton, ang lalaking pinagpapantasyahan ng libu-libong mga babae. For all she knew, siya lamang ang nakadama ng mahikang sinasabi niya, ng mainit na koneksiyong iyon sa pagitan nilang dalawa. Baka nga hindi siya ang tinitigan nito kundi ang Ate Soliel niya. The lights could be blinding. Yet, Ate Soliel’s beauty could pass through everything and anything. Kung katabi niya ito, hindi mapapansin ang taglay na ganda niya. Maliban na lamang kung si Caleb nga ang mangingibig na hinihintay niya.

“NAPANSIN ko lang, magpapaiwan ba tayo rito buong magdamag?” Pinukaw ng pagsasalita ni Georgette ang malalim na pag-iisip ni Guinevere. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Halos nakalabas na ng coliseum ang libu-libong mga nanood ng concert. Dahil sa kakaisip ay hindi niya napansing naiwan na pala sila roon. Napatingin siya kay Ate Soliel. May hinala na siya kung bakit hindi pa ito kumikilos. “Magtu-twelve na. Kung sasabay tayo sa mga naglalabasan, baka may makakita sa pagpapalit mo ng anyo,” sabi nito kay Georgette. Tumingin naman si Georgette sa relos nito. “Oo nga, `no?” Nagkamot pa ito sa ulo. Napangiti siya. “Nasa labas na rin lang tayo, let’s make the most of it, right? Hindi naman ako obligadong pumasok nang maaga sa opisina bukas. Wala akong appointment until one PM.”

Nagngitian silang dalawa ni Georgette. Ever since they could remember, Ate Soliel had been the commanding presence in their team. Bata pa lang ito ay may pagkacontrol freak na ito. Pero mula nang mapangasawa nito si Kuya Orlando, nag-relax na ito at buong tiwalang pinagpaubaya sa asawa ang mag-spearhead sa negosyo ng pamilya. Mula nang makawala ito sa sumpa ni Tita Leica at hindi na ito nagaanyong maligno ay sineryoso na nito ang paggamit sa biyaya nito ng kagandahan para makatulong sa mga tao. She would attend functions, would socialize, and would interact with people who could help her. Kung si Kuya Orlando ang namumuno sa administrasyon ng LeCharme at nagpapatupad ng mga batas at guidelines niyon, si Ate Soliel ang namamahala sa advertising at public relations. Pero may isang aspeto ng negosyo na mag-isang pinamamahalaan ni Ate Soliel: ang charity works ng kompanya. Magkakatulong silang magkakapatid pagdating doon. May iba pa silang mga kasama, ang mga kaibigan nilang sina Veronica at Kathleen na anak ni Aling Lily, ang matandang herbalist sa San Bernardino na kaibigan ni Lola Mertha. Nasa Maynila ang dalawa at nag-aaral sa kolehiyo kasama ng mga normal na tao. Close ang dalawa kay Georgette palibhasa pare-parehong kuwela ang mga ito. Then there was Gretchen, ang inaanak ni Lola Mertha at kaibigan ni Ate Soliel. And of course, ang best friend niya na si Peachy. Sa San Bernardino pa rin ito nakabase dahil sinasamahan nito ang matatanda ng mga magulang

nito. Pinsan nito sina Kathleen at Veronica pero kahit madaldal at makuwela ito, silang dalawa ang magkasundo. Dapat ay kasama nila sa panonood ng concert sina Kathleen at Veronica. Kaya lang, may exams ang mga ito kinabukasan kaya hindi na tumuloy. Ayaw pumayag ng mga magulang ng mga ito na gumamit ang mga ito ng mahika para makapasa sa exams. Kasama rin sana nila si Kuya Orlando pero na-extend ang dinner meeting nito at ng mga business colleagues nito. Kaya ang kanilang loyal bodyguard na si Gregory ang kanilang kasama. Mukhang estatwa ito habang nakabantay sa kanilang likuran. Nakaupo ito sa isang silya at kumikilos lamang kapag may ipinag-uutos sila. Pero kapag may nakita ito na nakaambang panganib sa kanilang magkakapatid, kumikilos ito sa bilis na hindi nila inaasahan. Sa laki at bigat nito, he was surprisingly light on his feet. Ang akala nila noon, hindi ito marunong gumamit ng mahika nito. Hindi kasi nito ipinakikita sa kanila iyon. Natapos ang paghihintay nila nang isang umaga ay magising si Ate Soliel na may nakabiting ahas sa ceiling fan sa kuwarto nito. Mabilis at walang pag-aatubiling kumilos si Gregory at sa harap nila ay nilunok nang nilunok ng ahas ang sarili nito mula sa buntot. Hanggang sa hindi na ito makalunok. Mula noon ay mas naging safe ang kanilang pakiramdam tuwing kasama ang pinakamamahal na alalay.

PINAGMAMASDAN ni Guinevere si Georgette. Patingin-tingin ito sa relos nito at sa mga naglilinis na janitor. Nasa loob pa rin sila ng coliseum. Manakanakang tinitingnan na sila ng mga ito. Ipinaubaya na nila kay Ate Soliel ang paggawa ng spell para walang mapansin ang mga ito sa pagbabagong anyo nilang dalawa ni Georgette. “Ready?” mahinang tanong ni Ate Soliel nang ilang segundo na lang ang natitira sa pagpapalit ng araw. Sabay silang tumango ni Georgette. Ang sumunod na nakita nila ay isa-isa nang tinatanguan ni Ate Soliel ang mga janitor at ang mga guwardiya na patungo sa kanilang direksiyon. Biglang umiba ng direksiyon ang guwardiya habang ang mga janitor naman ay isa-isang tumalikod na parang de-susing mga robot. At gaya ng dati, nabalutan sila ng liwanag at makulay na usok. Nang mapawi iyon ay naramdaman niya ang pagkawala ng sumpa ng masamang tinig sa kanyang lalamunan. Hindi na niya kailangan pang magsalita para malamang taglay na uli niya ang kanyang biyaya. Habang si Georgette, isang tingin pa lamang ay mahahalata nang gumaan ito. Nagmistulang Sabrina style ang T-shirt nito. Kung hindi nito naagapang hawakan ang sinturon nito ay baka nalaglag na ang pantalon nito sa sobrang luwag niyon. Ginawa ni Ate Soliel ang shrinking spell. Lumiit sa tamang size ang suot na mga damit ni Georgette. “Thanks, Ate,” ani Georgette.

Tiningnan uli niya ang mga janitor at guwardiya at siya na ang nag-alis ng spell ni Ate Soliel sa mga ito. Nagpatuloy sa paglilinis ang mga janitor at muli silang sinulyapan na waring nagtataka kung bakit hindi pa rin sila umaalis. Napatigil naman sa pagbaba ng hagdan ang guwardiya na parang may bigla itong naalala, napakamot sa batok, at ipinagpatuloy ang paglapit sa kanila. They were already walking towards the exit nang abutan sila nito. Dahil obvious na paalis na sila gayong nais sila sana nitong sitahin, napatigil na naman ito. Sinundan na lang sila ng tingin ng pobre hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng coliseum. “Saan tayo pupunta ngayong gabi?” tanong ni Georgette nang nasa parking lot na sila. Mangilan-ngilang mga sasakyan na lamang ang naroroon. Nagtungo sila sa kanilang van. “Maraming street children sa paligid dito. Maglakad na lang tayo habang hinahanap natin sila. Gregory, ikaw na ang bahala sa sasakyan, ha?” sabi ni Ate Soliel. Tumango lamang si Gregory. They knew he would man the van. Matatagpuan na lamang nila ito na tahimik na sumusunod sa kanila at nagbabantay. Sanay na sila sa gawain nitong iyon. Ang mga ordinaryong tao na lang ang hindi masanay-sanay rito dahil nga hindi ito nagsasalita, hindi ngumingiti at ang laki-laki pang tao.

“Pagsuotin kaya natin ng black suit at dark glasses si Gregory kapag lumalabas tayo? Iyong parang Men in Black?” naalala niyang sabi ni Georgette nang minsang
may magkomento na para silang may kasamang FBI agent.

“Tange! Mga enchantresses tayo, hindi aliens,” sabi niya. “Di pagdalhin natin siya ng wand.” “Sa movies lang ginagawa iyon.” “Eh, ano’ng gagawin natin sa kanya? Who knows about the difference but us?” “Marinig ka ni Gregory, makita mo. Hindi ka na nahiya.”
Narinig nga sila ni Gregory. Pero wala itong sinabi. Pagsapit ng eighteenth birthday ni Georgette, nakita na lang nila ito na nakasuot ng black suit complete with magic wand. At isinayaw pa nito si Georgette. He was not smiling but the joke was on Georgette. Hiyang-hiya tuloy ito at panay ang pahingi ng paumanhin. Georgette never attempted to joke about Gregory ever again.

“I’LL DRIVE my car home, Paquito. Ang susi?” tanong ni Caleb sa adopted brother at personal assistant niya. Nailagay na nito sa kotse niya ang mga mamahaling alak, fan letters at mga bulaklak na natanggap niya bilang pagbati sa kanya sa matagumpay na konsiyerto niya. He had already showered and had changed into a casual Tshirt and maong pants. Lumabas na siya ng dresssing room dahil alam niyang wala nang fans na naghihintay doon.

Hindi kumontra si Paquito. Inilagay nito sa kanyang palad ang susi. “Go ahead. But drive carefully, will you?” Nginitian niya ito bilang pasasalamat. Tinapik naman nito ang balikat niya. Kabisado na siya nito. Nakagawian na niyang mag-drive around nang mag-isa pagkatapos niyang mag-show o kapag may problema siya. It had always been like that since he’d learned how to drive. In fact, he had not done this for a long time. Unang concert niya iyon mula nang makauwi siya mula sa Asian tour niya. They did not dare let him drive his own car alone sa ibang bansa dahil sa pag-aalala sa kaligtasan niya. Humarang sa daraanan niya ang manager niyang si Larry. He had always been nervous about his going out and driving alone after every concert. Larry had been managing his career since he was fifteen. “Caleb, pagod na pagod ka na. Are you sure you can still drive?” Napangiti siya at inulit ang lagi niyang sinasabi rito kapag sinisita siya nito sa pagmamaneho. “Larry, I need to drive. Just humour me, okay?” Tinapik niya ang balikat nito. “Well, mag-iingat ka. Accidents happen in the road at night,” paalala nito. “As well as in daylight.” Kumaway siya rito, dahilan kung bakit nagkalansingan ang mga susing hawak niya. “But I’ll be all right. Don’t worry.” The hallway was empty. Isang oras din iyong napuno kanina ng mga fans, ng mga kaibigan at ng mga kakilala

niya sa industriya. Usually, pagkatapos ng big event, party ang kasunod. Pero nakagawian na niyang magbigay ng victory party kinabukasan. Ang mga parents niya ang nag-impose niyon noong nabubuhay pa ang mga ito. Nalungkot siya nang maalala niya ang mga ito. Nagiisa man siyang anak, hindi siya na-spoiled. Binusog siya ng mga ito sa pagmamahal. Pinapaalalahanan at pinarurusahan din siya ng mga ito kapag nagkakasala siya. He was born when his mother was quite late on her birthing age. But according to his parents, they never lost hope that he would come into their lives. His mother had a gift. “Psychic” ang tawag dito ng marami. Ang ama niya, seer ang tawag dito. She knew about things that would happen in the future. She had said that big things would happen to him. Noong sinabi niyang ang pagsikat niya sa larangan ng pagkanta ang tinutukoy nito, she would just shake her head.

“Bigger, grander. You will fall in love.” Natawa siya. “That’s something you don’t have to predict. Hindi ba’t ang isa sa mga pangarap ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ang matagpuan ng mga ito ang wagas na pag-ibig?” biro niya rito. “You will understand only when it happens. Kaya nga lang, wala na kami ng papa mo kapag nangyari iyon.”
Hindi siya laging nakakapagsalita kapag sinasabi nito iyon dahil hindi pa ito nagkamali kahit kailan sa mga nakita nito. It would be an insult if he ever put into words his protests, however strong his feelings about that particular prophesy was. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay desperadong hanapin ang sinasabi nitong pagibig. He would bring women home for them to meet.

He would introduce women he knew they would approve for him to marry. But her mother would have that look on her face, telling him it was the wrong woman. So, he would desperately try to look harder, trying to cheat Time. Trying to cheat the prophesy. But he would always fail.

FIVE years ago, Caleb’s mother died in her sleep. Ilang oras lang pagkatapos niyon ay namatay rin ang kanyang papa. He was sitting in their favorite armchair, crying silently, sometimes talking. But his words, although clear, were senseless to him. May sinasabi itong mga bagay na hindi niya maintindihan. But he kept holding his hand. Isinandal nito ang likod nito sa lumang loveseat, pinisil ang kanyang kamay, at humugot ng malalim na hininga. It was his last. The doctors said it was a heart attack. Pero ang sabi ng mga kakilala ng mga magulang niya, his father had willed himself to die dahil hindi nito kayang mabuhay nang wala ang kanyang mama. Ganoon nito kamahal ang kanyang mama. Magkasabay na ibinurol at inilibing ang mga ito sa magkatabing puntod. Minsan, nai-imagine niya na sabay siyang pinanonood ng mga ito sa kabila ng mga ulap at sinusubaybayan ang nangyayari sa kanila ni Paquito. Noong buhay pa ang mga ito, they would talk about death as if it was just another walk in the park. They were never scared. Dahil doon ay naging payapa ang kanyang kalooban sa kabila ng matinding lungkot at

pagdadalamhati. Wherever they were now, he was sure they were happy. They had always loved each other, they never quarreled when they were alive. Although they argued a lot, it was because they talked a lot about so many things to each other. Walang subject na taboo sa mga ito. They never ran out of things to talk about. Walang sino man ang makapagsasabi na hindi nagmahalan ang mga ito. The one would be useless without the other like a needle would be without the thread. Kahit siya, hindi niya maisip na mawawalay ang mga ito sa isa’t isa. Would he ever find that kind of love for himself? He eased the car from its slot and it entered the road. Mula sa Gen. Roxas Avenue, kumaliwa siya sa Gen. Araneta. Nakatira siya sa lumang bahay nang kanyang mga magulang sa San Juan, sa bahay na kinalakhan niya. Sa Gen. MacArthur siya daraan para makalabas ng EDSA. Pagtapat niya sa Farmer’s Market ay binuksan niya ang bintana sa tapat niya, tutal ay gabi na. The road was almost deserted. Walang makakikilala sa kanya. Napapreno siya nang may narinig siyang magandang tinig. Biglang kay bilis ng tibok ng kanyang puso. Parang hindi siya makahinga. Mabuti na lamang at wala siyang kasunod na sasakyan. Nag-park siya sa isang no parking zone, nagmamadaling bumaba siya ng kotse at hinanap ang kumakanta. In a daze, he swore he had heard that voice before. Lagi niyang naririnig iyon sa kanyang panaginip. He would hear that voice instead of his own when he was

composing music inside his head. That voice had guided him, always, ever since he could sing a tune. That was his secret. Hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang, maging kay Paquito ang tungkol doon dahil tiyak na matataranta at mag-aalala ang mga ito sa kanya. Natatakot at nahihiya siya sa iisipin ni Paquito tungkol sa kanya. Wala rin siyang masabihang iba. It was enough that even loving friends considered his mother’s gift a freak accident. Paano niya ipapaliwanag sa iba ang tinig ng babaeng naririnig niyang kumakanta nang nako-compose niyang mga kanta? Baka sabihan lang siyang nababaliw. He had always considered the voice his gift, a quirk that only he knew about. Hindi niya inasam kailanman na magkaroon siya ng ibang kapatid bukod kay Paquito. That voice had been his female sibling. It was his female friend. Hindi niya alam kung paano niya ipaliliwanag na naririnig niya ang tinig na iyong kumakanta ng awitin na hindi pa naririnig kahit saang istasyon ng radyo. The possibility that the voice actually belonged to someone else boggled his mind. He had to find that voice, the owner of that voice. Or that radio. The station. He had to find where they got that singing voice. Now.

ISANG batang babae na nasa limang taong gulang at dalawang batang lalaki na kulang-kulang sampung taong gulang ang nakatitig sa magkakapatid na Le Charmes. Sa

gilid ng mga mata ni Guinevere ay nakita niya ang paggising ng dalawa pang bata at isang nanlilimahid na matandang babae. Nakahiga ang mga ito sa maruruming karton na nakalatag sa sidewalk. Tanging diyaryo ang nagsisilbing kumot ng mga ito. Her heart ached for them. She knew all too well what would have happened if they had not found them. Malamang, sa kalye na lalaki ang mga ito. Patitigasin ang mga puso ng mga ito nang masasamang mga karanasan. Hindi rin malayong maging kriminal ang mga ito sa halip na makapagtapos ng pag-aaral. Maaari ding mamatay ang mga ito sa napakabatang edad. Pero sa karanasan niya sa mga batang kalye, mas matibay ang katawan ng mga ito kaysa sa mga bata na may sariling mga tahanan. She did not know if she could survive living in the streets. Siguro, dahil sa hangaring maka-survive, lalong nagiging malakas ang mga batang ito. Hindi lamang ang pisikal na katawan ang matatag sa mga ito kundi tatag ng dibdib. Iyon ang lamang ng mga ito sa mga batang may karamay sa lahat ng bagay at sa lahat ng oras. They had to always fend for themselves. Tapos na ang paghihirap ng mga ito. Bukas, magigising ang mga ito sa House for Little Angels, ang orphanage na sinusuportahan ng LeCharmeEncantara Inc. They would not remember what happened tonight. But they would remember the feeling of happiness, of belonging. At dahil doon, madaling makukuha ang tiwala ng mga ito ng piling-piling staff ng orphanage—mga kaibigan nilang witches at enchantresses. Aalagaan ang mga ito roon, bibigyan ng espesyal na edukasyon, at bubusugin ng pagmamahal. Lalaki ang mga itong

mabubuting mga taong busog ang pagmamahal sa kapwa. Ngumiti siya. One person with a heart full of love could make a lot of difference in this world. Binigyan silang magkakapatid ng pagkakataong hanapin ang mga taong may kakayahang magmahal. Sana, matagpuan nilang lahat iyon at tuluyang mapagbuklod ang mga ito sa pagmamahalan. Humagikgik ang batang babae nang hilahin ni Georgette ang mga kamay nito at iniikot at isinabay sa pagsasayaw nito. Nakatayo na ang dalawang nagising na bata at tumakbo palapit sa kanila. Umubo ang matanda; halatang may sakit ito. Nilapitan ito ni Ate Soliel at nginitian. “Bukas, bubuti na ho ang inyong pakiramdam,” sabi nito sa matanda habang hinahaplos ang nanlalagkit na buhok nito. Ngumiti ang matanda. “Ngayon pa lamang, bumubuti na ako, ale.” Lumarawan sa mukha nito ang matinding pagkamangha. “Para kang isang anghel mula sa langit dahil sa iyong kagandahan. Paano mo ako nagawang pagalingin sa hawak lang nang iyong kamay?” “Dahil po sa pagmamahal ko sa inyo.” Tumulo ang mga luha nito. “Mabuti ka pa, mahal mo ako kahit hindi mo ako kilala. Pero ang sarili kong anak... Ni hindi na niya ako naalala.” Kinarga niya ang pinakabatang lalaki na walang pagaatubiling iniyakap sa kanyang leeg ang payat na mga kamay. Hindi niya pansin ang mabahong amoy nito. Ang

nararamdaman niya ay ang matinding pangangailangan nito at paghahanap sa pagmamahal na malamang ay noon lang uli nito naramdaman. She wanted to cry for him. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-awit. “Huwag nang mangamba... Huwag nang iiyak... Mula ngayon hanggang kailanman hindi ka iiwan. Huwag nang iiyak... Ikaw, aking mahal... Mula ngayon, pag-ibig ko’y iyong malalasap...” Nang huminto siya ay nakita niyang nakatulog ito sa kanyang mga bisig na parang isang sanggol na inihele. Nasisiyahang inayos niya ang pagkakahilig ng ulo nito sa kanyang balikat. Ilang sandali pa at akay-akay na ni Ate Soliel ang matandang babae at batang babae. Hawak naman ni Georgette sa magkabilang kamay ang dalawa pang batang babae. At karga niya ang nakatulog na bata habang may akay pa siyang isa. They were all ready to go. Sumulpot si Gregory at ang van malapit sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag. Maybe they could go to another street. Marami pang oras bago sila bumalik sa cursed state nila ni Georgette. Marami pa silang ibang magagawa. Bigla na lang may sumigaw mula sa kung saan. “Hoy! Saan n’yo dadalhin ang mga bata?” Gulantang na napalingon siya. Hindi siya nakakilos nang makilala niya ang lalaking iyon. It was Caleb Barton, the concert prince.

HINDI makapagsalita si Guinevere habang pinanonood niya ang papalapit na si Caleb. Punung-puno ng pagdududa at aggressiveness ang guwapong mukha nito. Nakadama siya ng defensiveness kahit alam niyang wala silang ginagawang masama nang kanyang mga kapatid. Hindi siya makapaniwala na mag-iisip ito na kini-kidnap nila ang mga bata. Pero nang mga sumunod na sandali, nagbago ang dahilan ng kanyang disbelief. He was oblivious of the spell of trance in the place. Hindi ito natutulala, ngumingiti o tumatango sa kung ano mang nakikita nito gaya nang ibang napapadaan doon. Sa madaling salita, hindi ito naaapektuhan ng kanilang mahika. “Saan n’yo dadalhin ang mga bata? Ano’ng gagawin n’yo sa kanila?” nagdududang sabi nito. Trust Ate Soliel to be the first to get over her surprise. Pareho sila ni Georgette na nakatanga pa rin sa sikat na mang-aawit. Hinarap ni Ate Soliel si Caleb. “Ano man ang gawin namin sa kanila, rest assured na mula ngayon, nasa mabuti na silang kalagayan, Mr. Barton. Now, if you will excuse us—” “No, I refuse to excuse you. Hindi ko alam kung paano n’yo sila nakumbinsing sumama sa inyo. Pero hindi ako aalis hangga’t hindi ko nasisiguro na hindi n’yo nga sila gagawan ng masama.”

Na-shock uli sila ni Georgette. Kaharap ni Caleb si Ate Soliel. Pero ni hindi man lamang ito naaapektuhan ng ganda nito. As usual, si Ate Soliel uli ang unang nakabawi. Mataray na umigkas ang dulo nang isang kilay nito. Nagkatinginan sila ni Georgette. Oh, no. Someone better interfere before something happens! aniya sa isip. “Ate—” sabay pa nilang sambit ni Georgette. “Are you suggesting we’re kidnapping them, Mr. Barton?” sikmat ni Ate Soliel. Pero ni hindi man lang nabagabag si Caleb. “Well, I’m suggesting that, yes,” sagot nito. “Humingi ba kayo ng permiso mula sa kahit sino para kunin sila?” “Kanino?” nanunuyang tanong ni Ate Soliel. “Some people have authority over them, social working people. Hindi kayo na—” “Nasaan sila, aber? Wala silang opisina rito. Saan kami pupunta para makipag-usap?” “Hey, I’m not stupid. Alam ko ang pinupunto mo. Pero kung mas mapapasama sila sa pagsama sa inyo—” “Ano pa’ng mas sasama kaysa sa kalagayan nila ngayon dito sa kalye, Mr. Barton?” putol ni Ate Soliel sa sinasabi nito. “Hindi sila kumakain nang tamang pagkain sa tamang oras. Wala silang maayos at ligtas na tahanan. Kung hindi mo nakikita, may sakit sila. Kailangan silang mailagay sa maayos na lugar, mapakain, at maalagaan. They cannot stay in this place for another night. Dahil

baka bukas, hindi na humihinga si Lola. O lumala na ang sakit ng mga bata.” “I can’t believe there were people who would get to so much trouble for them. Ni hindi n’yo sila kilala.” Kung posible pa, lalong lumamig ang tinig ni Ate Soliel. “Huwag mong isipin na ang hindi mo kayang gawin ay hindi magagawa ng ibang tao, Mr. Barton. Hindi mo kami kilala.” “Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin para sa kanila,” malamig na sabi ng binata. “Hindi mo rin ako kilala. Kung wala kayong mapagdadalhan sa kanila, ako, meron. Puwede ko silang dalhin sa orphanages kung saan pwede silang maalagaan nang maayos. Hindi n’yo sila responsibilidad.” Bumuka ang bibig ni Ate Soliel para manghamon. Pero mabilis itong napigilan ni Georgette. “Maybe we better let him go with us, Ate,” ani Georgette. “Ipaliwanag na lang natin sa kanya ang tungkol sa atin. Mukha naman siyang mabait, eh.” Naunahan lamang siya ni Georgette sa pag-side track sa kanilang ate. Sigurado sila na kapag nagpatuloy pa ito ay tatamaan na ng shutting up spell si Caleb. “What?” naiiritang tanong ni Ate Soliel. “That’s Caleb Barton, Ate. Sige na, please? Isama natin siya sa van kahit sandali lang. We’ll never have another opportunity like this again.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Georgette!” natatawang sabi niya rito. “What?” natatawa ring sabi nito. “Duh!” Pinandilatan siya nito ng mga mata. “At least I’m doing something!” “He-he.” “Tumigil nga kayong dalawa,” sita sa kanila ni Ate Soliel. “Hot ka na, eh,” ani Georgette. Masama ang tinging ipinukol ni Ate Soliel kay Caleb na tinitingnan naman sila ni Georgette na parang noon lang sila nito napansin. Kapagkuwan ay tumutok ang mga mata nito sa kanya. Nagsimula siyang makadama ng alinsangan. Iba pala ang titig ni Caleb sa malapitan. Pinanlabanan niya ang pakiramdam na iyon. Much as she wanted to enjoy his eyes on her for longer, she had to move now. Sinamantala niya ang pagka-distract ni Ate Soliel kay Georgette at hinalikan niya ang hangin sa pagitan nilang dalawa ni Caleb. Natulala sa kanya ang lalaki. Unti-unting nabura ang pagkamangha at ang naguguluhang ekspresyon sa mukha nito. Ang pumalit ay isang maaliwalas at masuyong ngiti. Dahan-dahan siyang naipit sa isang trance. Unti-unting nanlambot ang kanyang mga tuhod.

“Who are you?” namamanghang tanong nito sa kanya. Napangiti siya. “I’m—” “Guinevere!” Parang tunog nang sirang tono sa gitna ng perpektong orchestra ang tinig ni Ate Soliel. Nagitla siya at napatingin dito, nagi-guilty. Namula siya sa kahihiyan. What had just happened? Tinapunan niya ng spell ng infatuated kiss si Caleb pero parang siya ang na-infatuate dito. Dalang-dala siya sa masuyong ngiti nito. “Tayo na,” sabi ni Ate Soliel sa kanila sa pagitan ng magkadikit na mga ngipin. Tinapunan nito ng tingin si Caleb. Alam niya na sa pamamagitan ng tingin na iyon ay tinapunan nito ang binata ng forgetting spell. “Si Gregory na ang bahala sa kanya. He will safely reach his car and he will drive home. Bukas, kapag nagising siya, hindi niya maaalala ang lahat ng nangyari.” She wanted to protest. But it was foolish to actually dare to say she did not want Caleb to forget. Tulala siyang napatango. Sumunod na siya ritong parang robot.