You are on page 1of 26

bat Ibang Uri ng Teksto

Posted by Bokals on Tuesday, January 15, 2013


Labels: Ang Panitikan
Mga Ibat Ibang Uri ng Teksto

1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng
sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na
kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editoryal

3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.


Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay


Halimbawa: mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa
pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon
sa tanong na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-
sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad
ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.

7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga
tanong na paano at kailan.

8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-
aanalays ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.

9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga
inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at
inilalahad.

Narito ang mga bahagi ng teksto sa pagbasa.


 SIMULA-ito ay nagsisilbing panimula ng isang teksto na kung saan ito ay nanghihikayat
sa mga mambabasa. Dito din makikita ang mga pasilip na impormasyon tungkul sa
nilalaman ng isang teksto.
 KATAWAN-ito ay nagsisilbing karne ng isang teksto na kung saan dito makikita ang
mga impormasyon, sariling pananaw, karagdagang kaalaman at mga argumentong
nabibilang sa isang isyu na napapaloob sa isang teksto.
 WAKAS-ito ay ang panghuling bahagi ng teksto na kung saan dito makikita ang buod ng
ispisipikong isyu na tinatalakay sa KATAWAN. Ito din ay nagbibigay ng mga babala,
aral at aksyon na makakatulong sa buhay ng mambabasa.

1. narativ [pagsasalaysay].maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga


pangyayari at may layuning magkuwento.

2. descriptiv [paglalarawan].
naglalayong ilarawan ang pisikal na katangian ng mga pangunahing
tauhan at ang ilang mga bagay.

3. expositori [paglalahad].
paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto
at mga palagay batay sa pansariling haka-haka, opinyon o pananaw.

4. argumentativ [pangangatwiran].
isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng
ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.

5. prosidyural [proseso].
nagpapaliwanang ng mga paraan sa pagsasagawa ng isang bagay.

6. persweysiv [panghihikayat].
naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang
paksa ay maging kapani-paniwala.

7. informativ.
naglalayong alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa
isipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.

== uri ng teksto == ===


1. informative-uri ng teksto na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ito ay
nagpapabatid nagbibigay ng kaalaman.uri ng teksto na naglalahad ng mahahalagang
impormasyong,kaalaman at kabatran.
2. deskriptiv-nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng
isang tao.bagay,lugar,tumutugonsa tanong sa ano?impresystik nagpapakita ng
pansarilingpananaw lamang ng sumulat.obdyektibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na
dato.mga illustration at dayagram.
3. eksposisyon-ay tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga
konsepto,mga iniisip at mga palagay sa sriling pananaw sa tekstong eksposisyon na kung
saan ay naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsep.mga iniispat mga
palagay sa pansariling pananaw ay mahalag ding mapahalagahan ang paggamit ng mga
pares minimal .ito ang tunog na nakapagbabago ng kahulugan.
4. prosijural-ay nagpapaliwanag kung paano ang paggaa ng isang bagay layunin nitong
magbatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng tekstong prosijural
kailangang malawak ang kaalaman ng tao sa paksang kanyang talakayin kailangang
maayos din ang pagkakasunod sunod ng ga hakbang na dapat isagawa o sundin.
5. Agrumentativ-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng proposisyon upang
makahikayat at magpaliwanag ang teksto kung ito'y nagpapakita ng mga proposisyon sa
umiiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyonang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong.
6. Persweysiv-textong nag lalahan ng mga konsep upang makahikayat-Ang textong
agrumentativ kung saan nag lalahad ng mga impormasyong 0 konsepto upang mang
hikayat itoy maaaring masaya,malungkot,mapanibak at iba pa.

1. Kahulugan ng Pagsusulat
1. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na
permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan
maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita.
2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong
ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong
pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o
mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga
pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang
isipan.
4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at
makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan.
5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong
konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di
natin kayang sabihin
6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman
at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
7. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa
pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
8. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at
isipan ng tao.

1. II. Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin
ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon , Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumapay. Sa daigdig ng edukasyon, kailangang
sumulat tayo ng liham na aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng
anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang
iba.

Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at
sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto n gating
kultura ay napananatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay
natututuhan natin ang kasaysayan n gating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng
ating mga ninuno; at ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.

1. III. Layunin ng Pagsusulat


1. Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay
na nakikita, naririnig o nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at
nasasaloob ng mga tao. May malayang pamamaraan, hindi gasinong
pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus minmahalaga ang
mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao. Kinapapaloobang ito ng
sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari
sa paligiid Hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o
diagram
2. Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal. Ginagawa ito kung nais
magpaagbot ng mensahe, balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap.
Gumagamit ito ng mas pormal at kontroladong paraan sapagkat may istilo na
dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target niyang mambabasa.
Halimbawa: liham, memorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat,
report, poster o slogan at sanaysay
3. Malikhaing Pagsusulat. Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at
kapangyarihan sa register ng wika, nagagawang ilarawan ng manunulat ang
lipunang kanyang ginagalawan. May sapat na lakas ang mga salita upang ipadama
sa mga mambabasa ang panaromic na larawan ng buhay. Kabalikat din ang mga
maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang kuryosidad at inspirasyon ng
mambabasa.
1. IV. Apat na Dibisyon ng Kasaysayan ng Pagsusulat
1. Ekspresiv na Pagsulat – nakafokus sa pangangailangan ng manunulat na
malayang maipahayag ang kanyang sarili gamit ang sariling pamamaraan. Walang
ginagamit na teorya ngunit nakaimpluwensya sa inobasyon sa pagtuturo ng
pagsulat.
2. Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bialng isang pag-iisp at isang kompleks na
gawain. May makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito’y isang pabalik-balik
na gawain.
3. Sosyal na Antas – ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa
kundi bilang kasapi ng isang sosyal at kultural na pangkat na nakakaimpluwensya
sa kung ano at paano sila sumulat.
4.

Paggawa ng Burador

5. Komunidad ng Diskurso – nabuo ng maniwala na ang pagsulat ay isang gawain


sosyal. Ang pagkaunawa ng mambabasa at ang genre ay napakahalaga rito. Ang
atensyon ay nakatuon sa pantersyaryang pagsulat kung saan kailangang makasulat
sila nang katanggap-tanggap sa akademik na komunidad.

Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-ult at hindi linyar na kalikasan ng


pagsulat. Ang mga gawaing tulad ng brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong
sa mga manunulat na masabi ang nasa kanyang iskema.

1. Pagfofokus – pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkolsa paksa


2. Pag-iistraktura – pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang mailahad ang
ideya sa paraang tatanggapin ito ng mga mamababasa
3. Paggawa ng Burador – transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong
para sa mambabasa
4. Pagtataya o Evalwasyon – paggamit ng tseklist upang makuha ng fidbak at mga puna na
makatutulong upang maisaayos muli ang binuong burador
5. Muling Pagtingin – matiyak kung tamaang ginagawa. Layunin nitong makalikha ng
makabuluhan at mabisang pagsulat na makabuo sa kasanayan ng manunulat
1. V. Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin
1. 1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman
oimpormasyon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay
maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa.
2. 2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit
siya nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat.
Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki sa
layunin.
3. 3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip
ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan,
ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat skiya
ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao.
Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang
interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring
gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng
wika ang angkop na gamitin.
4. 4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang
maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang
angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.
5. 5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na
tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng
adbertisment na kaiba sa pagsulat.
6. 6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng
iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa
pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang
mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang
kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad;
kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya
at iba pa.
7. 7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ngg manunulat ang
makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga
pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal
na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang
magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-
uugnay.
8. 8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga –dapat isaalang-alang ang mga
pagpapahalagang pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan
ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod:
1. a. Ano ang mahalaga sa paksa?
2. b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?\
3. c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong
may edad kaysa sumusulat?
4. d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?
9. 9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat
1. a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin
2. b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat
3. c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng
decoder naman kung tawagin

1. VI. Proseso ng Pagsususlat


1. a. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa

i. Brainstorming – paglalahad ng mga ideya sa papel


upang maibigay ang posibleng maging paksa.

ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay


interesadong gawin

iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideya

1. b. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa

i. Pangangalap ng mga ideya

ii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik

iii. Pagsasaga ng interbyu

iv. Maari ring mabuo rito ang paksa

1. c. Pala-Palagay

i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng


pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat

ii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng


pangyayari habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili

iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa


yugtong ito dahilpatuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro
pang biglang sumulpot ang iba pang tanong

iv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa


prroseso ng pagsulat a.k.a Incubation Period

1. d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas

i. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang


sulatin. Lubha itong mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang paksang
napili. May dalawang klase ang pagbabalangakas: (1) Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa
mga makadiwang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang sulatin
at (2) talatang balangkas – nakapokus sa mgapinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan, ayon sa
pagkakasunud-sunod.

1. Introduksyon
1. Pangganyak
2. Paglalahad ng Tesis
3. Katawan
1. Paglalahad ng mga Punto
2. Paglinang ng mga iodeya
3. PAntulong sa pangunahing Katwiran
4. Kongklusyon
1. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya

ii. Pagsasaayos ng mga Datos

1. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:


1. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na
tao, mga akdang pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas,
dokumento at iba pang orhinal na talaan.
2. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito,
ensayklopidya, tesis, disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat na
naisulat ng mga awtor.
3. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang material
1. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang
direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian. Ginagamit ito ng
mananaliksik kapag nais niyang:

i. Idagdag
ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argument

ii. Nais
pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor

iii. Bigyang-
diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi

iv.
Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista

1. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng


sanggunian gamit ang sariling pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:

i. Nais
gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya o pangongopya
ii. Nais
iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi

iii. Nais
gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon

1. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat


gamit ang sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng
kabuuang kaisipan ng pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis kapag:

i. Nais
magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa

ii. Nais
maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa nais
na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto

1. e. Pagsulat ng Burador

 Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.
 Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.
 Iwasan ang distraksyon o abala
 Magpahinga
 Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:
o Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat,
pagguhit, pagsipi. Masusundan dito ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga detaly tungkol sa paksa kapag magsususlat.
o Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan
ang paksa sa iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal
na opinion ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin
para marating ang mapagkakasunduang layunin.
o Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa
isip ay isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag
magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang
pagkontrol,sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong ideya ay
lumitaw.
o Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak
makakaipon ng laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga
ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa
sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang maisususlat.

1. f. Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya

i. Ribyu ng Higher-order na tuon:

1. 1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya


2. 2. Organisasyon ng Sulatin
3. 3. Istraktura ng mga talata
4. 4. Matibay na introduksyon at kongklusyon
5. g. Proofreading o Pagwawastong-Basa – binbasa ulit ito upang Makita ang mga
mali sa ispeling, sa gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon

i. Ribyu ng later-order na tuon:

1. 1. Ispeling
2. 2. Bantas
3. 3. Istraktura ng mga pangungusap
4. 4. Istilo ng Dokumentasyon

ii. Wastong Paggamit ng mga Bantas:

1. 1. Tuldok (.)
1. a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos
ng mga pangangausap
2. b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed.
Pahina – ph.
3. 2. Tandang Pananong (?) – Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na
patanong
4. 3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)
1. a. Pangungusap na padamdam
2. b. Ekspresyong padamdam
3. 4. Kuwit o Koma (,)
1. a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
2. b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
3. c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan
4. d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
5. e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham
pangangalakal
6. f. Paghahanay pahalang ng mga salita
7. g. Magkakasunod na parirala
8. h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap
9. i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
10. j. Pagkatapos ng ngalang panawag
11. k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno
12. 5. Tutldok o kolon (:)
1. a. bating panimula ng liham pangangalakal
2. b. pagsulat ng oras
3. c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
4. d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
5. 6. Kudlit o Apostrofi (‘) – ginagamit sa pag-aangkop
ng kataga sa sinusundang salita
6. 7. Panaklong o Parentesis ( ) – ginagamit na
pangkulong sa mgapinamimiliang salita o parirala
7. 8. Panipi o kotasyon (“ “)
1. a. Diyalogo
2. b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
3. c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
4. d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o
pangungusap
5. 9. Gitling (-)
1. a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal
2. b. Mga tambalang salita dahil sa
pagkaltas ng isang kataga o salita kaya
pinag-iisa na lamang na maaaring manatili
ang kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo
3. c. Mga magkasalungat na salita na
inaalis ang pang-ugnay na at
4. d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa
patinig na inuunlapian ng panlaping
nagtatapos sa katinig
5. e. Mga pangngalang pantangi na
inunlapian
6. f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o
numero
7. g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
8. h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga
at ng napangasawa
9. i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya
10. 10. Tuldukuwit (;) – ginagamit sa
dalawang malalayang sugnay na hindi
pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng
pang-ugnay
11. 11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may
tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng
pangungusap o katapusan ng sipi
12. 12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang
sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang
kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa
13. 13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o
mhigit pang talata sa isang sinipi,
pagkatapos ng isang listahan at
pagpapakitang may karagdagang
impormasyon nakatalababa o nakfutnowt
14. 14. Salungguhit (__) – gamit sa mga
pamagat ng aklat, dula, novella, maikling
kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng
babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto
at mga programang panradyo at
pantelevisyon); at banyagang salita

Tabula ng mga Pananda o Pangmarka sa Pagwawastong-Basa

Pananda/Marka Kahulugan
Lagyan o singitan dito
lagyan ng tuldok
Lagyan ng kuwit
Lagyan ng tuldok-kuwit
Lagyan tutuldok
Lagyan ng panipi
Lagyan ngkudlit
Lagyan ng panaklong
Lagyan ng braket
Lagyan ng superskrip
Lagyan ng subskrip
Kaltasin o alisin
Pagdugtungin o pagkabitin
Kaltasin atpagkabitin
Lagyan ng espasyo
Panatiliin
Itranspos o pagpalitin ng puwesto
Iusog o iurong sa kaliwa
Iusog o iurong sa kanan
Igitna
Itaas
Ibaba
Ipantay o ituwid
Ilinya
di-perpekto
Indensyonan o isaparapo
Punan ang patlang
Maling paghahati o pagpapantig
Simulan sa bagong parapo
Baybayin, isulat ng buo
Malaking titik lahata
Maliit na malalaking titik
Maliit na tittik
Italisa
Iset sa Roman
Iset sa bold
Iset nang magaan
Italisadong malaking titik
Nawawalang salita, tingnan ang orihinal na kopya
Walang parapo
Itanong sa awtor; intensyonal bang set ito?
Pigura o itambilang o numero
Maling font o tipo
Paghiwalayin
Lagyan ng asteriko
Baliktarin
Ligature o pangatning
Lagyan ng gitling
May karugtong
Isulat sa bagong linya
Bitin

1. h. Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng


nilalaman, maaari na itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito

1. VII. Bahagi ng Pagsulat


1. a. Titulo o Pamagat

i. Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng


sumulat, petsa ng pagsulat o pagpasa,iba pang impormasyon tutukuyin ng guro

1. b. Panimula o Introduksyon

i. Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan


ng paksa, dahilan ngpagsulat ng paksa at pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel.

ii. Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan,


kung magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan sa sulyap palamang ng babasa,
ito’y kaakit-akit na – nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak na ng kuryusidad – para
tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa ang malay, kung maari pa nga’y pati buhay, ay
matangay nang buong kasabikan.

iii. Mabibisang Panimula:

1. 1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna ang


sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalaga na detalye. Halimbawa: Balita
2. 2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang
tinatalakay
3. 3. Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa
4. 4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mula
ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at
maari rin naming karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng
mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa pinapaksa.
5. 5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng kahalagahang
unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga
pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng
diwa o aral.
6. 6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao.
Sapagkat nagbibigay, deskripsyon,mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
7. 7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung ang binibigyang-
larawan ay pook.
8. 8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang
binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng
bumabasa.
9. 9. Pagsasalungat – Sapanimulang ito, ang binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang
tuntuning sinusunod ditto ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bias.
10. 10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento.
11. 11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggittlang panimula dahil di-
karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang, ginagamit ditto.
12. 12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.
13. 13. Anekdota – isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para pasiglahin
ang babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
14. 14. Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo.
15. c. Katawan

i. Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa


paksa- ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad.

ii. Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng


Katawan ng Sulatin

1. 1. Pakronolohikal – tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula


pinakamatagal hanggang sa kasalukuyan
2. 2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa
mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.
3. 3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang alam na alam
na paksa hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong alam na paksa
4. 4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang pagkakaiba.
Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit.
5. 5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga ang
binabanggit bago ang di-gaanong mahalago o vice-versa.
6. 6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang mga
particular o definidong detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.
7. 7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikadokasunod ang
mga bagay na simple o vice-versa.
8. d. Konklusyon o Wakas

i. Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang


puntos ng papel. Inilalahad din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at pagsusuri
ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.

ii. Dito makikita ang kabuuan ng sulatin.

iii. Mabisang Pangwakas:

1. 1. Tuwirang Sinabi
2. 2. Panlahat na Pahayag
3. 3. Pagbubuod
4. 4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
5. 5. Mahalagang Insidente
6. 6. Pagtatanong
7. 7. Pagsisipi

1. VIII. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulat


1. a. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at wastong pagbigay-diin sa
pahayag.
2. b. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga kaisipan.
3. c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay nakikita
ng bumabasa.
4. d. Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika.
5. e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng:
pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika,
pagsulat ng tambilang at papapaikli ng mga salita at talata.

i. Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na


binubuo at nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talat o magkakasunod na
talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at kaanyuan.

1. 1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap,


kailangang ito’y umikot sa iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap
na pampaksana siyang nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo ng susuportang mga
pangungusap.
2. 2. Kaugnayan:Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy
ang daloyng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa
pagkakahanay ang mga pangyayari o ang diwang ipinahayag upang maging maliwanag
ang pagkakaugnay.
1. a. Pamantayan sa Kaugnayan

i.
Paggamit ng tradisyonal na mga salitao mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa,
sapagkat, ngunit, bagaman, samantala, ngunit, bagaman, samantala, anupa’t,kung gayon,
samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon at marami pang iba.

1. b. Paggamit ng Panghalip

i. Kung
pangngalan ang ginamit sa unang pangungusap o sugnay, panghalip ang maaringg gamiting
kahilili ng pangalang nabangit. Sa mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi
ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy na panghalip.

1. c. Pag-uulit ng Salitaupang Magbigay-diin at Mag-ugnay-diwa


2. d. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na Balangkas Panggramatika
3. 3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong
kaisipan. May pagbigay-katuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit
ng ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba, pagsususuri, mungkahi,
tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang pamamaraan upang maging buo o
ganap. Ang isang akda ay may panimulang talata, makakapanunod na talata (Transitory)
at may pangwakas na talata.
4. IX. Mga Anyo ng Pagsulat
1. a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon

i. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa


bigyan-panlunas, para Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na tinatalakay sa
pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at maintindihan nang walang
pagpapasubali ang pinagmamatuwirang posisyon o pahayag.

ii. Isang pahayag na mapagtatalunan

1. b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri

Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang
magagawa kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na maaaring
magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod ang mgamagkakaiba.

1. c. Anyong Pagsusuri o Analisis


Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang
kailangan isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang
pagsulat sa anyong pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang
kasanayan sa pagmamasid.

1. d. Anyong Pasalaysay

Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at


may tagpuan. Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip.

1. e. Anyong Paglalarawan

Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o


magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

1. f. Anyong Panghihikayat

Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang


pananaw ng manunulat. Halimbawa: adbertisment at sanaysay.

1. g. Anyong Eksposisyon

Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga


kaisipan.

1. h. Anyong Ekspresyon

Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng
emosyon.

1. i. Anyong Refleksyon

Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang sariling
pagkatao. Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang mga
pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa buhay.

1. j. Anyong Direksyon o Panuto

Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin, naipasusunod


niya ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat
gabayin.

1. X. Mga Uri ng Pagsulat


1. a. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang
seyoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng
kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
Ang mga pamanahaunang-papel, tesis, disertasyon, suring-basa,panunuring
pampanitikan, malikhaing pagsulat oanumang sulating may [aksang pag-
akademik ay nabibilang sa uring ito.
2. b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita,
editorial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na
pagsulat.
3. c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko
4. d. Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay
nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang
mga ito’y mulasa mga aklat, pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo,
jornal, tesis at disertasyon.

1. XI. Uri ng Sulatin


2. Malikhain- angtawag sagenreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may
dalwang uri\:

1) Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari na lagi nang may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito:

1. Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan nang may


suliraning nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nababasa sa sangdaling panahan lamang.

i. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang


pagpapahalaga ay ang tungkolsa uri ng pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit

ii. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-


panabik na pangyayari na nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang linaw sa
nasabing kuwento

iii. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding


interes at kawilihan ay nasa balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento.

iv. Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-


paniwalang pangyayari at ang katatakutan ang nilalaman ng kwento.

v. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay


sa pangunahing tauhan

vi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang


sumusulat ng kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao.
Ang higit na kakailanganin ay maipadam sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari.
vii. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang
aliw ang mga bumabasa ang tanging layunin ng nasabing kuwento.

1. |Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot na mga
pangyayari at may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga
kabanata.

i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang


kinakatawan ay ang pagkakasulat o pagkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela

ii. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang


pangunahing tauhan at hangarin ng mga tauhan

iii. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay


ang pag-iibigan

iv. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring


pagbabago sa lipunan o pamahalaan na kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda.

v. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng


may-akda ay ang kasaysayan n gating pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may
malaking ambag sa pagtatanggol sa bayan.

1. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng isang


kilalang tao.
2. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na
naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang
tumutupad upang itanghal sa dulaan.
3. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit nag-iiwan
ng aral.
4. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng mayakda.
5. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong usapin
sa lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pagbabagong
ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at maging personal ay maaaring talakayin.
6. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napapanahong isyu
sa lipunan.
7. Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga bata sa
mgapangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.
8. Parabola-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga
mambabasa.

2) Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t damdamin na


kaugat sapagkatanaw at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buhay. Maaaring may
sukat o tugma o di kaya’t Malaya.

1. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay


i. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang
halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa nga kababalaghan.

ii. Awit at korido – may mga paksang hango sa


pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t
reyna, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit nangmabagal sa saliw
ng gitara o bandurya samantala, ang korido ay may sukaat na walong pantig at binibigkassa
kumpas ng martsa.

iii. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit


habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa mga
tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

1. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng


ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa
karanasan. Karaniwang maikli, likas at medaling maunawaan.

i. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-


ibig, kawalang pag-asao pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

ii. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil


sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y
naghahatid ng aral sa mambabasa.

iii. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o


guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang
yumao.

iv. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na


Birhen at nagtattaglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

v. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay


na buhay sa bukid.

vi. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o


iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng
taludtod sa isang saknong.

1. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o


entablado. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.

i. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang


pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang
Masaya, ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang
nakapagpasiya ng damdamin ng manonood.
ii. Melodrama –Karaniwang para sa musical,
kasama na ng opera, ang sangkap ay malungkot, ngunit aksiya-siya ang katapusa para sa
pangunahing tauhan ng dula.

iii. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa


pagkasawi opagkwasak ng pangunahing tauhan ng dula.

iv. Parsa – naglalayong magpasiya sa


pamamagitan ng mga kawing-kawing na pangyayaring nakatatawa.

v. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-


uugali ng tao o pook.

1. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumatakay sa isang
paksang pinagtatalunan.

i. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng


isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring makapang-asawa ang kasintahang
mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay pakakasalan siya.

ii. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan


ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya,
sa mga sawikain at sa mgakasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang namatayan.

iii. Debate o Balagtasan – isang pagtatagisan ng


katuwiran sa anyong pasalita ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang
balagtasan sa debate bagamat isa ring pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay
kailangang may sukat at tugma.

1. Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong


transaksyunal, prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat.
1. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksyon o
komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa: E-
Mail, Liham,Pagbati, imbitasyon, text message at pakikipanayam

i. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o


impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat

1. Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan
2. Patunguhan ng Sulat
3. Bating Panimula o Pambungad
4. Ang Katawan ng Liham
5. Bating Pangwakas
6. Istilo ng Pagsulat
1. Istilong Blak
2. Istilong semi-blak
3. Istilong nakabitin o baligtad
4. Uri ng Liham
1. Liham-pangkaibigan

i. Liham
Pangangamusta

ii. Liham
Pasasalamat

iii. Liham
Paanyaya

iv. Liham
Pagbati

v. Liham
Paghingi ng Payo

vi. Liham
Pakikiramay

vii. Liham
Paumanhin

1. Liham Pangangalakal

i. Liham
Pagpapakilala

ii. Liham
Aplikasyon

iii. Liham
Pamimili

iv. Liham
Subskripsyon

v. Liham
Pagrereklamo

1. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng isang bagay o


kilos o Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.
2. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa
isinasagawang pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa paraang
pasalit o pasulat. Halimbawa: ulat ng media, deskriptiv, imbestigasyoon, rebyu at grap o
tsart.

i. Pagsusulat ng Ulat

1. Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga tanong na: sino,


ano, bakit, kalian, saan at paano.
2. Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang mga reporter
ay taal na di sumusunod o lumilihis sa pamatnubay.
3. Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat kaagad.
4. Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit na kailangan.
5. Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na pananalita, sa
kadahilanang ang pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan.
6. Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng isang pag-
aaral, maglahad ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at magbigay ng kasagutan sa
katanungan. Halimbawa: press release, lektyur, talakayan sa klase, sarbey at artikulo.
7. Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o maniwala sa
isang bagay o pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng
isang tao o grupo. Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at argument.
8. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita at Layunin

Memorandum: karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato limbag na nakikita araw-


araw sa opisina na karaniwang may tiyak na mensahe o nagtatanong.

Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa ng mga kapisanan
o organisasyon sa buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.

Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang mga pulong batay
sa agenda. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya ang kumukuha ng mga
tinatalakay habang nagpupulong. Ito ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago
magsimula ang susunod na pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto,
ipahahayag ang pagtatama bago pagtibayin.

Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya sapagkat dito
nabibigyan ng kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.

Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang sulatin na


karaniwang ginagawa ng mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance Company.
Dito isinasaad ang assets, pananagutan o liabilities, gastusin o equity. Huling araw ng Disyembre
ginagawa ang ulat.

Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa pagsasakatuparan ng


balak na proyekto na nais magawa.
1. XII. Paraan ng Pag-uulat

May 2 na magiging Anchor sa Studio. Ang paraan ng pag-uulat ay parang pagbibigay ng balita
na limang pares ang magiging field anchor. Sila ay nasa iba’t ibang dako ng klase. Ang mga
upuan ay isasantabi sa gilid at sila’y kasama sa kanilang kani-kanilang mga grupo. May ibibibay
na kopya ng report sa mga mag-aaral upang makasunod sa talakayan.

1. XIII. Pangkalahatan Gawain

Writing Bee kung saan magbibigay ng sampung kanta ang grupong nagbalita at isusulat ng
bawat representative ng bawat grupo ang tamang sagot. Ang magiging pabuya ay ibibigay ng
mga nagbalita.

PAGSULAT

na p

PAGSULAT
 Ay walang katapusan at paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha ng maayos na
sulatin.
 Nangangailangan ng tiyaga
 Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at
koneksyon ng pag-iisip.

ELEMENTO SA PAGSULAT

A. PAKSA
- saan maaaring ihango?

Ang Pagsulat ay isang prosesong panlipunan na maaaring bunga ng ss:


1. bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, naranasan o namasdan upang
maipaabot ang
kanyang pananaw at panuntunan sa buhay.

2. bilang reaksyong pangkomunikatibo ng sumulat sa kanyang nabasa o nasaksihan at


naranasan na nagpapahayag ng kanyang kaalaman at pagpapahalaga.

3. sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na


nagpapasigla ng imahinasyon at tumutugon sa damdamin.

B. MGA LAYUNIN
Ito ay maaaring:
1. Pansariling Pagpapahayag
2. Pagbibigay ng Impormasyon
3. Malikhaing Pagsulat
C. AUDIENCE/MAMBABASA

D. WIKA

MGA BAHAGI NG TEKSTO

1. PANIMULA – ipinakilala ang paksa


-ginagamit na panawag pansin/pang-akit sa damdamin ng mambabasa.
- Ito ay introduksyon
- nagsisimula sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa
-nangangailangan ng 3-5 na sunod- sunod na pangungusap na magpapalawak
at tutukoy sa saklaw ng paksa.
- isang tesis na pahayag ang huling pangungusap.
- may authorial stance
Tesis na Pahayag – ay isang pangungusap ng iyong pahayag sa iyong pangunahing
ideya.
Authorial Stance – perspektibo ng may akda sa kanyang sinusulat.

2. KATAWAN – isinasaad dito ang nilalaman ng teksto. Ang bawat talata ay isa ng kabuuan,
may simula, katawan, gitna at wakas.
2 Kakayahang Hinihingi
a. Mag-uuri-uri
b. Magsuri
3. WAKAS/KONKLUSYON –naglalahad ng buod.
-nakapaghahain ng katibayan at pangangatwiran

3 PANGUNAHING BAHAGDAN SA PROSESO NG PAGSULAT

1. BAGO MAGSULAT – paghahanda


2. HABANG NAGSUSULAT
a. Pagsulat ng Burador
- pagsulat nang tuluy-tuloy
- di muna isaaalang-alang ang
gramatika/estruktura/pormat b. Muling Pagsulat
- Rebisyon
- Pagwawasto/Pag-edit

3. PAGKATAPOS MAGSULAT
- basahin sa klase
- talakayin
- isali sa timpalak
- ilathala
ANG PROSESO NG PAGSULAT

1. Brainstorming
2. Pagsulat ng Burador
3. Revisyon/ Pagrebisa
4. Pag-edit/Editing
5. Paglalathala

Pinagkunan: Atanacio, Heide. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

You might also like