You are on page 1of 1

My dearest RV,

Anak, first time ko ito gagawin at di ko alam kung ano ang aking sasabihin basta ang alam
ko lang lumalaki kana imagine 11 yrs old ka na ngayon. Parang kailan lang noong nalaman kong
buntis ako at ikaw yun. Alam mo ba na 33 yrs old na ako noon at takot na takot pa rin ako, pero
yung takot na yun may kasamang saya. Masaya dahil magkaka-anak na ako, takot dahil baka di ko
maibigay lahat ng pangangailangan mo. Lagi akong nagdadasal noon at lagi kong sinasabi sa diyos
na huwag ka niyang pababayaan, kada check up ko kinakabahan ako, lagi akong nanamaginip ng
mga santo lahat sila hinahawakan halos gabi gabi ganyan panaginip ko. Hindi mo ako pinahirapan
habang nasa tiyan kita, okey na okey ako at wala akong nararamdaman sa katawan at hindi ako
nagkakasakit, kahit pa and dami kong iniisip ng mga panahon na iyon. Last check up ko sabi ng
doktora ko manganganak na daw ako pero maniniwala ka ba na wala man lang ako nararamdaman
na kahit ano at walang nasakit sa akin. Dali-dali kaming pumunta sa hospital at ang tagal kong
naglabor, di ka pala lalabas ng normal kailangan ko pala ng Ceasarian Delivery. Lalo akong
natakot ...HAHAHA...
Imagine mo bago ako pumasok sa operating room e nakita ko yung mga nanganak na
nakahiga at parang patay...HAHAHA Kaya anak kahit may pangpatulog ako di ako nakatulog.
Gising ako ng nilabas ka. Noong narinig kong umiyak ka saka ko lang pinikit ang aking mata at
noong nilipat ako sa room iyak daw ako ng iyak. HAHAHA
Ngayon grade 6 ka na at gagraduate kana masayang masaya ako at proud na proud ako
sayo anak ko, kami ng Daddy mo. "I hope you will not grow so fast".
Baka kasi maging busy ka na sa mga classmates and friends mo ( huwag muna love life)
baka hindi mo na ako samahan sa lakad ko, kase may lakad ka ng iyo o kaya baka hindi kana
humabol sa akin. Hehehe (Wag naman sana).
After graduation, pupunta kana sa Dubai at doon ka na magaaral. Marami pang mga
challenges ang pagdadaanan mo. I want you to be strong and smart. Anak, huwag mo kakalimutan
lahat ng sinasabi at tinuturo ko sayo ha. Kung paano aalagaan at aayusin ang sarili mo. Mag-aral
kang mabuti at sikapin mong makatapos ng pagaaral hanggang sa makamit mo ang tagumpay mo.
Yung mga bilin ko sayo ha huwag na huwag kang magpapaloko.
Anak, dasal ko ang tagumpay mo, at lagi kong dasal ang kaligtasan mo. Nandito ako at
daddy mo sa lahat ng oras. Mahal na mahal ka namin at kahit kailan ay hindi ka namin pababayaan.
Lagi mong tatandaan kahit pa dalaga kana ikaw parin ang baby namin ni Daddy. Ang princesa ng
buhay namin. Goodluck to your future, more blessings and guidance of our Lord.
WE LOVE YOU SO MUCH ANAK KO.

Love,
Mommy