You are on page 1of 6

Ang Pagkakatatag ng Katipunan

Noong 7 Hulyo 1892, pagkatapos mabuwag ang La Liga


Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan, itinatag sa
pangunguna ni Andres Bonifacio ang Kataastaasan,
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan
(K.K.K. ng mga A.N.B.), ang Katipunan.
La Liga Filipina

Ang La Liga Filipina ay isang sosyo-sibikong organisasyong itinayo ni Jose Rizal noong 3
Hulyo 1892. Layunin nitong pag-isahin ang buong kapuluan at mga kasapi upang
mapabuti ang pamumuhay at magsagawa ng reporma. Naging kasapi ng Liga si Andres
Bonifacio.

Itinuring ng mga Espanyol na isang mapanganib na samahan ang Liga at pinahuli si Rizal
apat na raw makalipas ang pagkatatag nito.
Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz
at Jose Dizon, itinatag nila ito sa bahay ni Deodato Arellano
sa #72 kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila.

Teodoro Plata
ca. 1866 – 6 Pebrero 1897

Si Teodoro Plata ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong 1866. Naging asawa niya ang
kapatid ni Bonifacio na si Espiridiona.

Hindi nagtagal matapos sumiklab ang rebolusyon noong 1896, hinuli si Plata ng mga
Espanyol at ikinulong sa Fort Santiago. Kasama niya sa isang selda si Ladislao Diwa,
tagapagtatag din ng Katipunan. Matapos litisin, binaril siya noong 6 Pebrero 1897.

Jose Dizon

Isa sa 13 martir ng Bagumbayan.

Valentin Diaz
1 Nobyembre 1849 – 1916
Ipinanganak si Valentin Diaz sa Paoay, Ilocos Norte kina Geronimo Diaz at Maria
Villanueva. Lumipat sa Tayug, Pangasinan ang kanyang pamilya noong 1857. Naging
gobernadorcillo (pinuno ng munisipyo) siya bago lumipat at tumira sa Tondo, Maynila.
Kasama si Andres Bonifacio, sumali siya sa La Liga Filipina at pagkatapos ay kabilang sa
mga nagtatag ng Katipunan. Naging ingat-yaman siya ng samahan.

Major si Diaz sa hukbong rebolusyonaryo bago sumiklab ang himagsikan noong 1896.
Isa siya sa mga lumagda sa Kaunduan ng Biyak-na-Bato, na ipinatupad noong 1
Nobyembre 1897. Alinsunod sa probisyon ng kasunduan, naging eksilo siya sa Hong
Kong. Noong digmaang Pilipino-Amerikano nagsilbi siyang koronel sa hukbong Pilipino.

Namatay si Diaz sa Maynila sa edad na 67.

Deodato Arellano
26 Hulyo 1844 - 7 Oktubre 1899

Si Deodato Arellano ay pinsan ng propagandistang si Marcelo H. Del Pilar. Naging unang


pangulo ng Katipunan si Deodato noong 1892 kasama ng sumusunod na opsiyal:

Deodato Arellano - Presidente


Andres Bonifacio - Tagapamahala
Ladislao Diwa - Piskal
Teodoro Plata - Kalihim
Valenti Diaz - Ingat-yaman

Noong 1893, pinalitan naman ni Roman Basa si Arellano bilang pangulo.


#72 kalye Azcarraga
Layunin nitong samahan na magkaisa ang bayan upang
palayain ang Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan
ng himagsikan. Malinaw sa kilusan na hindi na sapat ang
paghingi ng reporma sa Espanya dahil hindi naman ito
nakinig sa mga hinaing ng mga Pilipino.
Sa mga problemang hinarap ng mga Pilipino,
pinakamalubha ang kawalan ng hustisya at ang kalupitan
ng guardia civil, ang pagkait sa kalayaang maghayag at
magtipon, ang limitadong edukasyon ng mga Pilipino, at
ang pagpapabaya ng gobyernong Espanyol sa komersyo
at industriya.
Mula 1892 hanggang 1896, lumaki ang kasapian ng
Katipunan mula sa iba’t ibang antas ng lipunan at bahagi
ng Pilipinas. Sumiklab ang himagsikan laban sa Espanya
noong 1896 at parang isang apoy ay kumalat sa iba’t
ibang panig ng kapuluan. Ang Katipunan ang sinasabing
pinakaunang paghihimagsik laban sa isang mananakop na
bansa sa Asya.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Tungo sa Himagsikan

Mula sa talakayan, ayusin sa kronolohikal na


pagkakasunud-sunod ang mga kaganapan sa ibaba. I-drag
ang pangyayari sa tsart.

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Tunguhin ng Katipunan

Basahin ang bahagi ng unang edisyon ng Kartilya ng


Katipunan na sinulat ni Emilio Jacinto

1. Isinulat ang pahayag para sa mga taong

2. Isinulat ang pahayag para sa mga taong

Katipunan ng mga Anak ng Bayan

Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang Ito

Ang kalagayang pinag-uusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga;


papag-isahin ang loob at kaisipan ng lahat ng Tagalog sa pamamagitan ng isang
mahigpit na panunumpa upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak
ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng
Katwiran at Kaliwanagan.

Dito’y isa sa mga kauna-unahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan
at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa. Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat
dito’y magkakapantay at tunay na magkakapatid.
3. Layon ng Kartilya na

4. Sang-ayon sa Kartilya, ang magkakapatid ay


5. Ang kauna-unahang utos sa Kartilya ay

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Ang Pagbuo ng Katipunan

Piliin ang pulang bandilang may araw kung tama ang


nilalaman ng pahayag, at ang pulang bandilang walang
araw kung mali ang mensahe ng pangungusap.

1. Itinaguyod ng Katipunan ang


pagdadamayan ng magkakapatid.

2. Higit na binigyang pagkilala sa KKK ang


mayayaman at nakapag-aral na kasapi.
3. Itinatag ang Katipunan upang labanan
ang pagmamalabis ng mga Espanyol.

4. Dukha o mahirap ang lahat ng kasapi ng KKK.

5. Ang landas ng katwiran at kaliwanagan na nais


matuklasan ng Katipunan ay magdudulot ng
kayamanan sa mga kasapi ng samahan.
6. Nang mabuwag ang La Liga Filipina na
pinamunuan ni Jose Rizal, itinatag ni Andres
Bonifacio ang Katipunan.

7. Marahil ay tinawag na 'Anak ng Bayan" ang mga


kasapi ng KKK dahil sa kanilang pagmamahal sa
lupang sinilangan, tulad ng pagmamahal ng mga
anak sa magulang na nagsilang sa kanila.

8. Ang pagkakaisang hinangad ng Katipunan ay


para isulong ang kapakanan at interes ng
kanyang mga miyembro.
Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?

Bumalik sa Main Menu

Tumuloy sa susunod na Aralin

You might also like