You are on page 1of 5

Pagsusuri sa “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M.

Bautista

I. Pamagat:
Ang “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista ay isang maikling
kwentong naglalarawan sa buhay ng isang karaniwang mamamayan. Ito ay
tumatalakay sa pagkakakulong sa laot ng kahirapan sa buhay dahil sa kamangmangan.

A. Tagpuan:
Bakas ang tagpuan sa kwento na ito’y naganap sa baybaying dagat,
dalampasigan at karagatan. Dito umiikot ang buong istorya sa buhay ng
pangunahing tauhan.

B. Tauhan:
Ang mga tauhan dito ay mga ordinaryong mamamayan. Sila ay
nabubuhay sa pangingisda. Ang mga pangunahing tauhan ay sina Mang Lope,
isang ama na walang ibang hangarin kundi maiahon ang buhay ng anak sa
kahirapan sa pamamagitan ng pagpapatapos sa kanila sa pag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang walang humpay na pangingisda. Si Nilo, lalaking anak
ni Mang Lope nagbalak huminto sa pag-aaral, at si Aling Nena, ang butihing
maybahay at ina ni Nilo. Ang iba pang mga tauhan ay sina Mang Ador at Mang
Ambo, na pawang mangingisda.

II. Buod

Nagalit ang ama at nasampal ang anak ng sabihin nito na ayaw na niyang
mag-aral at gustong sumama na lang sa pangingisda. Naalala ng ama yung
panahon na ganun din siya sa sarili niyang magulang dahil sa naakit siya sa
tawag ng dagat, at hindi siya napigilan ng sariling magulang. Naging
mangingisda siya at yun ang pinangbuhay niya sa kanyang pamilya. Bumalik sa
dagat ang ama para mangisda, doon ipnakita ang lahat ng hirap na dinadanas sa
trabahong yon. Lakas, pawis , pagod, pagtitiis ang puhunan. Nang siya’y umuwi
sa bahay, hindi niya napansin ang anak sa hapag, Sa huli, sinabi ng ina na kaya
wala sa hapag ang anak at hindi makakasabay sa umagahan ay dahil sa
napuyat sa pag-aaral noong nakaraang gabi. Natuwa na at nakahinga ng
maluwag ang ama.

III. Paksang diwa

Tinalakay sa kwento ang kahirapan sa buhay, kawalan ng pagpapahalaga


sa edukasyon at kawalan ng kakayahan sa paggawa ng isang tamang disisyon
sa uri ng buhay na gustong tatahakin. Ngunit sa huli ay nakapagtanto kung
gaano kahalaga ang edukasyon dahil sa kahirapang napagdadaanan dahil sa
kawalan ng pinag-aralan, at pagnanais na makawala sa hawla sa gitna ng laot
ng kamangmangan.

IV. Banghay

A. Panimula
Nagsimula ang kwento sa isang malalim na pag-iisip na may pangambang
nababakas sa kanyang mukha na nakatingin sa langit habang humihithit ng
segarilyo si Mang Lope.
B. Suliraning inihahanap ng lunas
Hangad ni Mang Lope na hindi matulad sa kanya ang kanyang mga anak
na walang natapos at walang pinag-aralan dahil sa kanyang naging maling
disisyon sa pagsuway sa kanyang mga magulang. Gusto niyang makatapos ang
kanyang mga anak sa pag-aaral at gagawin niya ang lahat na pagsisikap at
pagpupunyagi sa pangingisda matustusan lang ang kanilang pangangailangan.
Ngunit napansin ng anak na si Lito ang hirap na dinanas ng ama kaya naisipan
niyang sabihin sa kanyang ama ang planong paghinto sa pag-aaral upang
makatulong ito sa kanya sa pangingisda, ngunit sa halip na matuwa sa anak ay
galit ang namuo sa puso ng ama dahil sa ibinahaging plano ng anak. Nakita niya
ang kanyang sarili sa kanyang anak noong siya’y bata pa, at ayaw niyang maulit
muli ang paggawa ng isang malaking maling disisyon dahil lamang sa
panandaliang solusyon sa suliranin sa kasalukuyan.

C. Saglit na kasiglahan
Mula sa isang malalim na pag-iisip at pagbabalik tanaw sa mga karanasan
ng kanyang kabataan sa gitna ng laot ay umuwi siya sa kanilang bahay
kinaumagahan. Isang handang hapagkainan ang kanyang nadatdan at may
hinahanap ang kanyang mata na kanyang ikinabahala dahil hindi niya matagpu-
an si Lito. Napansin ito ng asawa at kwenintuhan siya na hindi pa ito kakain dahil
hihintayin niya ang kanilang anak na gumising na napuyat sa pag-aaral
kinagabihan.

D. Kasukdulan
Sa mga narinig na balita ni Mang Lope mula sa kanyang asawa tungkol sa
kanilang anak ay nakahinga siya ng maluwag.

E. Kakalasan o katapusan
Hindi direktang sinabi ng awtor na nagbago ng isip ang anak mula sa
pangarap na maging mangingisda kaysa ang pag-aaral, pahiwatig ang ginamit
ng awtor para sabihin ito , tulog pa dahil napuyat sa pag-aaral kagabi, pahiwatig
din ang ginamit para sabihing natuwa o nasiyahan na ang ama sa wakas ng
kuwento, nakahinga ng maluwag.

F. Himig
Ang pagsisisi, pag-asa at pangamba ang naghaharing damdamin sa akda.
Ngunit minsan gaano man tayo katotoo sa ating pagsisi sa mga maling nagawa
natin sa buhay, at gaano man kaliwanag ang pag-asa ang ating nakikita sa
hinaharap ay hindi natin maiwasan na mangamba dahil sa multo ng ating
nakaraan. Minsan may mga pagkakataon na nayayanig ang ating kinatatayuan
dahil sa mga pangyayaring hindi natin kontrolado. Gaano man tayo
kadeterminado na itama ang ating pagkakamali sa ating nakaraan, hindi parin
natin maiwasan na matakot na muling mangyari ito dahil hindi tayo ang may
hawak sa buhay at damdamin ng ibang tao.

V. Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Panlipunan -ang akda ay nakapaloob sa teoryang panlipunan


sapagkat ito ay sumasalamin sa tunay na kulay at kaganapang nangyayari sa
lipunan. Tulad ng kahirapan at kamangmangan. Mapapansin natin ang teoryang
ito sa buong nilalaman ng akda. Una, sa pagbibilad sa dagat at pagtitiis sa lamig
ng hangin at tubig sa gitna ng laot makahuli lang ng isda upang may maiahin sa
hapag kinabukasan. Pangalawa, ang kawalan ng edukasyon at pagiging
mangmang dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili at sa edukasyon na ito’y
maaaring makapag-ahon sa kahirapan dahil sa piniling panandaliang solusyon
sa kahirapan at kahinaang harapin ang mga pagsubok sa buhay sa kasalukuyan.

Teoryang Pangkaisipan – pangkaisipan sapagkat anuman ang mga


pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Mang Lope sa kasalukuyan ay dahil sa
paulit-ulit nitong pagbabaliktanaw sa kanyang nakaraan. Ang kwentong ito ay
isang mahabang paglalakbay sa mga naganap sa nakaraan na nag-udyok sa
kanya na kailan man ay ayaw na niyang maulit pa sa buhay ng kanyang sariling
anak.

Teoryang Pangmoral – sapagkat lahat ipinakikita dito ang


pagpapahalaga sa pag-alam kung ano ang tama at mali. Matapos nakita ni Mang
Lope ang resulta sa kanyang mga maling disisyon nang siya’y bata pa, ay
napagtanto niya na kailangang maturuan niya ang kanyang anak sa tama at
mali. Ang hindi pagsunod ni Lope sa kanyang ama, ay siyang nagkulong sa
kanya sa daigdig ng karagatan.

Teoryang Pang-arketipo – ang kwento ay gumagamit ng mga


simbolismo; gaya ng kulubot ng kanyang mukha, dagat, laot, bangka, tala, at
sumisikat na araw.

Kulubot na mukha: simbolo ng pangamba at pagkabalisa


Dagat: ginagamit bilang salamin ng kanyang nakaraan
Laot: ito ay nagbibigay buhay ngunit kumukulong sa mga mahihirap sa
kamangmangan
Bangka: Lumuko kay Lope ng siya’y bata pa. Akala niya na ito ang magdadala
sa kanya ka sa kalawakan ng mundo ngunit dinala pala siya sa isang
hawla at ikinulong.
Sumisikat na araw: Ito ay simbolo ng pag-asa na nakita ni Lope nang marinig
niya sa kanyang asawa na napuyat si Lito sa pag-aaral kinagabihan.

VI. Mga Bisa

Bisang Pangkaisipan:
Anumang disisyon na ating gagawin sa kasalukuyan ay kailangan natin
itong pag-isipan ng matagal dahil sa bawat disisyon na ating ginagawa ay hindi
lang tayo ang naapektohan dito kundi pati narin ang mga tao na nasa paligid
natin. Huwag gumawa ng isang bagay na alam mo sa huli ay pwede mong
pagsisisihan.

Bisang Pangkaasalan:
Dapat buksan natin ang ating puso’t isipan sa buhay ng mga tao lipunang
ating ginagalawan. Minsan nakakalimutan natin na may nangangailangan ng
ating tulong dahil sarado ang ating mga mata sa sarili nating mga suliranin. Ang
hindi natin alam, may mas mabigat pang dinadala ang iba kaysa sa atin.

Bisang Pandamdamin:
Magandang bigyan ng pansin ang intensyon ng may-akda upang ikintal sa
isipan ng mga mambabasa ang nilalaman ng akda. Minsan lahat ng takot na
ating nadarama, kadalasan ay hindi nangyayari at hindi totoo.

VII. Pangkalahatang Reaksyon:

Sa kwentong “May Daigdig sa Karagatan{“, aking napagtanto na talaga


palang ang lawak ng mundo. Kung titingin tayo sa ibang ibayo ay makikita natin
ang katotohanan na hindi lang umiikot sa atin ang mundo. May mga tao sa iba’t
ibang bahagi ng mundo ang may pinagdadaanan na pangamba at takot. Minsan
napakalungkot isipin na sa takot na kanilang nadarama ay mag-isa nila itong
hinaharap. Ang kwentong ito ay nag-udyok sa akin sa isang katanungang, “Ilan
pa kaya ang mga taong katulad ni Mang Lope at Nilo na naghihirap itawid ang
pag-aaral dahil sa kahirapan?” Napakalungkot isipin na marami sa mga katulad
nila ang nangangailangan ng supurta at inspirasyon upang itulak sila na
mangarap at abutin ito. Sino kaya ang makikinig sa kanila? Mayroon kayang mga
pusong handing magbukas upang kanilang masilayan ang pagsikat ng araw?
Sana’y matunton ko ang mga taong ito, at bigyan ako ng Diyos ng
kapangyarihang tumulong.

Sanggunian:

Vosotros, G.G. (2017). Kritikal na pagsisiyasat sa maikling kwentong may daigdig sa


karagatan. Hinango noong ika-5 ng Pebrero, 2017 sa https://www.scribd.com/up
load-document?archive_doc.

CEBU NORMAL UNIVERSITY


College of Arts and Sciences
Graduates Studies
Osmena Blvd., Cebu City

PF4006- Pananaliksik sa Panunuring Pampanitikan at Kasaysayang Pampanitikan


Unang Semestre, 2016-2017

Kritikal na Pagsisiyasat sa Maikling Kwentong “May Daigdig sa Karagatan”


ni Glory Gwendolyn N. Vosotros

Ipinasa Kay:
Dr. Elsie T. Alvarado
Professor
https://www.scribd.com/upload-
document?archive_doc=326838360&escape=false&metadata=%7B%22context%22%3
A%22archive_view_restricted%22%2C%22page%22%3A%22read%22%2C%22action
%22%3Afalse%2C%22logged_in%22%3Atrue%2C%22platform%22%3A%22web%22
%7D