You are on page 1of 24

Mga Salawikain

1. Aanhin pa ang damo


15. Sa aking paaralan
Kung patay na ang kabayo
Aking natutunan
2. Ang tumatakbo ng matulin Magbasa at sumulat
Pag masusugat ay malalim Pati mata ay namulat
3. Kapag binato ka ng bato 16. Walang mataas at malayo
Batuhin mo ng tinapay Sa mga taong mayroong prinsipiyo

4. Ang taong tahimik 17. Aral ay gawing tulay


Kapag nag-isip ay malalim Tungo sa magandang buhay
Ang taong mabunganga 18. Aanhin mo ang ganda ng mukha
Walang kuwenta ang salita At katawan na kaakit-akit
5. Walang matigas na tinapay Pag ang utak ay wala
Sa mainit na kape Pati ang iyong bibig ay walang maibuga

6. Daig ng taong maagap 19. Oh pag-ibig na makapangyarihan


Ang taong masipag Pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
7. Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng Masunod ka lamang
kalituhan
Ngunit ang natural na asal ay hinding- 20. Huwag kang patatalo sa iyong
hindi mapag-iiwanan panibugho
Mundo mo ay guguho at magkakagulo-
8. Mas delikado gulo
ang taong edukado
21. Kapag ang pag-ibig ang namayani
9. Sa mga kabataan Ang lahat ay magbubunyi
Edukasyon ang gawing daan
At maging inyong sangkalan 22. Ang totoong nagmamahal
Sa anumang uri ng laban Harangan man ng sampung kawal
Ay hinding-hindi mabubuwal
10. Ang buhay ay mahirap
Kung hindi ka maagap 23. Ang lalaking puro sablay
Mag-aral ka at magsumikap Ay hindi magandang kasama habang
Para sa magandang hinaharap buhay
24. Huli man raw at hindi magaling
11. Ang batang busog sa pangaral Ay nakakahabol rin
Ay lalaking marangal
Malayo sa pagiging hangal 25. Sa aking pag-idlip
Dala ay mgandang asal. Mukha mo ang aking panaginip
Sa tuwing ako ay nagigising
12. Para sa magandang kinabukasan Ikaw pa rin ang nasa isip
Kamangmangan ay wakasan
Pag-aaral ay gawing sandata 26. Sa haba man ng tinahak na tadhana
Lalo na kayong mga bata Ang hulihan pa rin ay dambana

13. Ang ating abakada 27. Ang lalaking mapagkunwari


Ating natatanging sonata Ay lagging may atubili
Para sa mga bata Kaya ikaw ay mamili
Pati na sa mga nakatatanda Mag-isip ka ng mabuti

14. Walang bilang ng edad ang pag-aaral 28. Ang pag-ibig ay bulag
Ang edukasyon ay walang katapusang Dahil hindi mata ang basehan ng pag-
paglalakbay ibig
Para sa masagana at magandang
kinabukasan
29. Ang hindi magmahal sa sariling wika 40. Ang pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin
Ay higit pa ang amoy sa malansang isda Na puwede pang iluwa kapag ito ay mainit
30. Wika ko mamahalin ko 41. Ang pamilyang nagkakaisa
Pagyayamanin ko at ipagmamalaki ko Ay palaging masaya
Habang ang pamilyang may gusot
31. Saan ka man mapunta
Ay lagi na lang malungkot
Wika ay gawing sandata
Sa pananalita man at pakikipagkapwa 42. Sa mga magulang, maging mabuti
sanang halimbawa
32. Aanhin ko pa ang wikang banyaga
Para sa mata ng mga bata
Kung ako ay may sarili ng wika
Maging mabuting ehemplo
Para sa akin ito ay sapat na
At magsilbing mga modelo
33. Wikang aking gamit
43. Gawing gabay sa buhay
Ang lagi ko ng sinasambit
Ang aral ni nanay
Hindi kita ipagpapalit
Kanyang payo at mga turo
O kahit man lang iwawaglit
Nawa ay hindi maglalaho
34. Wikang pambansa
44. Ang batang masunurin
Alay sa mga masa
At may mataas na mithiin
Lagi nating isapuso
Sana ang iyong hangarin
At huwag ipapalit sa salitang nauuso
Ay makamtan mo rin
35. Ang wika ay dakilang regalo
45. Sa mga ama na masipag
Mula sa ating mga ninuno
Masagana at puno lagi ang lapag
Bigyang halaga ito
Kahulugan: ang mga tatay na handang
Para ito ay hindi maglaho
pagpawisan sa kakakayod ng pera,
36. Ilang salinlahi man ang dumating bibiyayaan din sila ng mabuting buhay.
Wika natin ay paigtingin
46. Ang ate ko na maganda
Atin itong gamitin
Sa biyaya ay sagana
At pagkamahalin
Bukod siyang pinagpapala
37. Pairalin ang pagkabayani Sa pagiging mapagparaya
Sariling wika ay ating ipagbunyi Sa pagkain man o sa pera
Wika na ating kaagapay
47. Walang kapantay ang saya ng buhay
Sa ating pang araw-araw na buhay
Sa pamilya na buo
38. Namutawi mula sa labi Ligaya ang tunay na taglay
Ang wika nating sarili
Ating laging kandili 48. Nang ako ay gumagawa ng tama
Saan man tayo magawi Walang nakakaalala
Ngunit ang minsan kong pagkakamali
39. Ang pamilyang kumakakain at Ay hindi na nakalimutan
nagdarasal ng sabay-sabay
Ay nagsasama at nabubuhay ng 49. Kung sino ang masalita, ay kulang sa
matiwasay gawa

50. Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa


Mga Bugtong at Sagot

1. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.


Sagot: Paruparo
2. Buto’t balat lumilipad.
Sagot: Saranggola
3. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
4. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
5. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
6. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
7. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
8. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
9. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
10. Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
11. Hayan na si kaka bukaka ng bukaka
Sagot: Gunting
12. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
13. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
14. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam
15. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
16. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino
17. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: Palaka
18. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana o Batingaw
19. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
Sagot: Yelo
20. Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan
21. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
22. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
23. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
24. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
25. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
26. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
Sagot: Pusa
27. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: Kuliglig
28. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
29. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
30. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
31. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
32. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
33. Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon.
Sagot: Sungay ng Usa
34. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
35. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
36. Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw.
Sagot: Batingaw
37. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat
38. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
39. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
40. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis
41. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
42. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
43. Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan.
Sagot: Kalsada / Langsagan
44. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
45. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
46. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang tagayan,
alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
47. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya
48. Panakip ito sa inuming nakabotelya, yari ito sa bilog na lata.
Sagot: Tansan
49. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
50. Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga.
Sagot: Gitara
Alamat Ni Maria Makiling

Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na para-parang bathala
o engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang nabanggit na
lakambini sa kanilang tahanan pagka't siyay'y bugtong na aliw ng kanyang ama't ina. Siya ang
liwanag ng kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang puso; anupa't sa biglang
pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang buhay. Sa kanilang katandaan, si Maria
ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-unting nawawalan ng sigla't lakas.

Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't siya'y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na nga ng
aking na sabi, nang panahong yao'y maaaring makipag-usap ang mga tao sa bathala; maaari
silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa kanila ang isang linikhang
nasa kagipitan, at ang mga ito naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi
nagmamaramot. Kung ang pastol ay humihihip ng subing o plauta habang siya'y nagpapalipas
ng maligayang sandali sa piling ng mga binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa'y susulpot
nalaman gsa kanyang harap ang isang nimpang lipos ng alindog, upang makinig at makihati sa
kaligayahan.

Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili sa talipapa.
Kaparis ng ibang babae, siya'y nakasuot ng sutlang kung minsa'y may burdang bulaklak at
malalapad ang guhit ng siyang kinaugalian nang panahong yaon. Ang kanyang maitim at
malagong buhok na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang
bulaklak-suha. Sa kanyang dib-dib ay nakayakap ang mabangong kuwentas ng ilang-ilang.
Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang. Mahinhing kumilos na wari-bang nahihiya. Bakit ang
hawas niyang mukha'y salamin ng kagandahan. Bakit ang kanyang mga mata'y sakdal nang
aamo. Maging ang kanyang kapwa babae'y naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa
kanya'y nagyuyuko ng ulo.

Si Maria'y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing utusan
ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay maliwanag na
mapapansin ang mga luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang panahong yao'y
walang kuwaltang katulad ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na bili ay palitan
ang palakad ng bawa't tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo ang may kailangan. Sari-saring
bagay ang matatagpuan doon. Mga pinatuyong balat ng hayop na may magagandang
balahibo. Mga banig na yari sa buli't sa pandang may kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may
malalapad na guhit ay may patak-patak. At kung anu-ano pang kagamitan sa lob ng bahay
ang paninda roon.

May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa bayan ang
maraming tao upang makipamalit. Palibhasa'y hindi luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria,
kundi tunay na luyang ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa kanya ng iba't ibang lako.
Kataon namang sa araw na yao'y namamalit si Gat Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal na
lingkod na kasama'y may kasama pa siyang mga dugong-mahal. Si Gat Dula ay taga-Bai, kaya
sa kanilang pagtungo sa bayan ng Makiling ay kinailangan nilang gumamit ng malaking bangka.
May kalayuan ang agwat ng dalawang bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila
sasakay na hila ng mga kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.

Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang daladalahan. Kasingkapal ng mga paninda ang
tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng pamamalitang ukol sa bawa't
pook. Kaya bukod sa mga sadyang tubo sa Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong
nangangalakal. Kabilang sa mga lipingmahal na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas
lamang ng maligayang sandali sa talipapa. Kataon namang nagkasabay ng padampot sina
Maria at Gat Dula sa kanilang binibiling balat ng hayop na may magagandang balahibo. Sa
gayong pagkakasabay ay nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang
mga mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa disinasadya'y nahawakan
ni Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan. Subali't sa taglay na
kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang at paghingi ng
paumanhin. Bago sila nagkalayo'y isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng lakambini sa
mapakumbabang patawad po ng binata.

Buhat noo'y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subali't mula rin noo'y hindi
na niya napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria. Hanggang noong makalipas ang
ilang panahonng pamumulaklak ng suha, ay saka lamang niya muling napalarang mamasdan
sa dating talipapaang luwalhating bumihag sa kanyang pihikang pag-ibig. Gaanong galak niya,
at tuloy na ibulong sa kanyang loob: "Ang tiniis kong hirap nang nagdaang mga araw, marahil
ngayo'y malulunasan na." Banayad siyang lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang
kasintamis na ngiti ang isinagot naman sa kanay.

Buhat noo'y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog
ng buwan. Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng gubat ay nahiwatigan nilang sa ubod
ng puso'y may tinitimpi silang pagmamahal. Ito'y naramdaman nila nang magtamang matagal
ang kanilang mga paningin, at hindi maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa
gayong lihim na pag-iibigan ay nagkayakap ang dati'y magkalayong langit at lupa. Nguni't ang
gayong pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga ataw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni
Maria.

Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa nga Bai. Gaanong
damdamin ang nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na anak niya'y
may kasuyong taga-lupa. Ang puso ng ina, palibhasa'y kadluan ng awa, kung kaya dinakatiis na
tanungin si Maria. Madali't salita, dahil sa malabis na pagmamahal ng magulang ay
pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na nakapanaog sa lupa si Maria. Pinutol ni
Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa talipapa. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na
magulang ang engkanto ng pagiging tunay na kinapal: Yaon ang pinagmulan tuloy ng
pagkakahiwalay ng mga bathala at madlang tao.

Subali't kung umibig si Maria'y minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya ma'y hindi na
nakapapanaog sa lupa, dahil sa wala na siyang kapangyarihang makihalubilo sa madlang
kinapal, sa alaala ni Gat Dula'y hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw. Naroong kung
minsa'y pamalas siya sa sandaling nag-iisa ang mabunying Gat, nguni't pag nilapitan nito upang
yakapin ay bigla siyang nalalaho. Naroong umawit siya nang lubhang matimyas kung
nangungulila si Gat Dula ngutni't pag hinanap nito kung saan nanggaling ang tinig ay hindi
naman malaman. Anupa't ang lahat sa binta'y parang panaginip. Walang kasingwagas naman
ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang lahat ng pook at nayong ni yapakan ni Maria,
maging ang tabing-batis na madalas nilang pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin.

Nang panahong yao'y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-bayan. Di-kataka-
takang lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni Gat Dula. Subali't kung ilang
kaharian na ang nakikipaghamok sa matapang na Gat, maano man lamang na mapipilan siya
o kaya'y masugatan. Ang dahilan ay sapagka't siya'y tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang
adhikaing pag-ibig ng paraluman ay nagiging baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na
siyang napasukong kaharian; marami na siyang napagtagumpayang tabak, nguni't ang hindi
lamang niya napasusuko't napagwawagihan ay ang kamandag ng pangungulila sa pag-ibig.
Yaon ang dahilan ng kanyang pagkakasakit, hanggang sa siya'y naputulan ng hininga.

Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa ng kanyang irog
ay ibigay sa kanya. Noo'y yumao narin ang kanyang mga magulang kaya't sang-ayon sa sabi
sina Maria at Gat Dula ang nag-uwi sa naiwang kayamanan at lupain. Subali't hindinalilimot ni
Maria ang pagkamasintahin ng kanyang inang si Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan. Ang
pag kamahabagin ni Dayang ay minana ni Maria sa kanyang puso. Sa bawa't bakuran ng bahay
ng kanyang mga sakop, gaya rin nang dating ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay
ibinubudbud niya ang mga luyang ginto. Ang sinumang ikakasal sa walang magamit na
magarang kasuutan ay hinahandugan niya. Ang isang mag-anak na maghahanda, nguni't
walang magamit na kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat nang daing at kahilingan
ng kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng mapagpalang kandili.

Nguni't ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-mabuti. Ang


karamihan sa tinatangkilik ni Maria'y di-marunong tumingin ng utang na loob. Hanggang sa
wakas ay nakaisip ang ibang mag-imbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang ipahiram
sa kanila ni Maria, palibhasa'y pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi ibinabalik. Bakit ang
sama'y hindi lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi ipinagpapalit pa sa mataas na halaga sa
mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo'y nayamot si Maria. Tuloy nawika sa sariling: "Nag-
iba na ang panahon."

Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang sinuman ng
madlang bungang kaphoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa pagmamalupit ng tao sa hayop
ay ipinagbawal din niya ang pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo, at pamamana
ng mga ibon. Kung ang kanyang utos ay sinusuway ng sinuman, ang ginagawa ni Maria'y
pinagdidilim ang panahon at pinabubuho ang malakas na ulan; pinagugulong niya ng
malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya ng baliti ang pinawalang mababangis na
kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat. Ang mga yao'y panakot lamang
naman ni Maria upang ang mga mangangasong gumagambalang malabis sa katahimikan ng
sakop niyang kagubatan ay magsilayo at umalis.

Ang Alamat Ng Dama De Noche

Sa isang kaharian sa Mindanao, may isang Sultan na ubod ng tapang. Dahil sa kanyang
katapangan ay maraming kaaway ang kanyang nagapi. Ang Sultan ay ipinalalagay na
pinakamasuwerteng hari dahil sa bukod sa kanyang katapangan ay mayroon pa siyang isang
anak na dalaga na ubod naman ng ganda.

Maraming mga mahaharlikang binata ang nanliligaw sa dalaga nguni't wala sa panlabas na
anyo ang kanyang hinahanap. Ang nais niya ay iyong kagandahang nagmumula sa kalooban
ng tao.

Hindi naman nagtagal at si Mayuri, ang anak ng Sultan, ay nakatagpo ng lalaking kanyang
hinahanap. Siya ay si Ramen, ang bago nilang hardinero. Mabait at maginoo si Ramen kung
kaya't si Mayuri ay nahumaling sa kanya. Hindi nagtagal at ang dalawa ay nagkaibigan nguni't
ito ay lingid sa kaalaman ng amang Sultan ni Mayuri. Tuwing gabi lamang sila nagniniig ni Ramen
sa halamanan.
Nagkukunwaring nangunguha ng bulaklak para sa kanyang silid si Mayuri at si Ramen naman ay
nagdidilig.

Waring nakahalata ang hari sa kakaibang sigla ng kanyang anak. Sinubaybayan niya si Mayuri
at natuklasan niya ang pag-iibigan nina Mayuri at Ramen. Sa labis na galit, ipinatapon ng Sultan
ang binata sa ilog na maraming buwaya.

Sa labis na kalungkutan ni Mayuri sa hindi na pagsipot ni Ramen sa kanilang tagpuan ay umiyak


siya nang umiyak. Alam niyang may nangyaring hindi maganda sa kanyang mahal. Hindi niya
alam na ang kanyang ama ang may kagagawan ng lahat.

"Mahal kong Allah, yaman din lamang at wala na ang aking mahal, hinihiling ko po na ako ay
mawala na rin. Ang luha kong ito ay gawin ninyong mga bulaklak na sa gabi lamang
humahalimuyak ang bango. Sa pamamagitan lamang po nito maaring maalala ng aking ama
na ang kanyang anak ay nawala sa kadiliman ng gabi." ang samo ni Mayuri.

Pagkawika ng mga katagang iyon ay unti-unting nagbago ang anyo ng dalaga. Naging puno
ito at namunga ng mga bulaklak na hugis luha at nagsasabog lamang ng bango sa gabi.

Dahilan sa gabi lamang nalalanghap ang bango ng bulaklak, ito ay tinatawag na "Dama de
Noche" ang ibig sabihin ay "dalaga sa gabi".

Ang Alamat Ni Mariang Sinukuan

Sa kalagitnaan Luzon ay may kaisa-isang bundok, ito ay ang baundokng Arayat. Mala-maharlika
ang tindig ng bundok na ito. Dito nagmula ang magandang alamat ni Mariang Sinukuan.

Noong unang panahon, sagana sa bungang kahoy at malulusog na hayop ang bundok ng
Arayat. Sa paligid nito ay mayabong ang mga halaman at masagana ang ani.

Ang may-ari ng bundok na ito ay si Maria. Siya ay ubod ng ganda, kayumanggi, mahaba ang
buhok, matangos ang ilong ngunit mahiwagang babae. Marami siyang alagang hayop tulad ng
manok, ibon, baboy, kambing at iba pa. Siya ay matulungin sa mga tao. Sa tulong ni Maria ang
mga tao doon ay masayang namumuhay. Paminsan-minsan, makikita ng mga taga Arayat at
karatig pook si Maria na namamasyal kung hatinggabi. Madalas, kapag may kinakapos ng
pagkain, nagigisnan na lang nila ito sa kanilang punong hagdan.

Isang araw, may mga sakim at mga tamad na tao ang nangahas na manguha ng prutas at
manghuli ng hayop sa bundok ni Maria. Malalaking supot at sako ang kanilang dala. Kumain sila
ng maraming prutas, Dumating si Maria at nagwikang "Sige, kumain kayo ng magugustuhan
ninyo, nguni't huwag kayong mag-uuwi."

Pagkaraan ng isang oras, akala ng masasamang-loob ay umalis na si Maria. Nanghuli sila ng mga
hayop at pinuno nila ng prutas ang mga supot. May natakot na baka magalit sa kanila si Maria
nguni't dala ng kasamaan ay nakisama na rin sa pangungulimbat. Hindi nagtagal at napuno na
ang kanilang mga lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi nila pinansin si Maria
na noon ay dumarating bagkus ay binilisan pa nila ang kanilang mga hakbang.

Hindi nila namamalayan na pabigat nang pabigat ang kanilang mga dalahin at nang ito ay
kanilang buksan, wala silang makita kungdi mga bato.
Nakita sila ng isang matanda, "Aanuhin ninyo ang mga batong iyan?" Napag-alaman niya na
galing sila sa bundok. "Uli-uli huwag kayong kukuha ng hindi sa inyo at lalong masama kung
walang pahintulot. Kung sabagay mabait si Maria, hindi nga kayo sasaktan. Igalang naman sana
natin siya. Marami na siyang nagawang kabutihan sa atin."

Marami pa ang sumunod na nagtangkang magnakaw kay Maria. Dahil dito, nagtampo at
nagalit na si Maria. Dumating ang panahon na hindi na siya nakikita ng mga tao. Hindi na rin siya
tumutulong sa mga tao. Unti-unting humina ang mga hayop, ang mga halaman ay nalalanta.
Ang mga tao ay kinapos at nagutom.

Nagtipun-tipon ang lahat at napagkaisahan nilang sumuko na kay Miria. Kailangan nilang
humingi ng tawad sa mabait na mahiwagang babae. Nguni't ang lahat ng kanilang pagsisikap
na makahingi ng tawad kay Maria ay balewala nang lahat pagka't ang kanilang sinukuan ay
hindi na nagbalik pa. Kaya, kinailangan na nilang magpatulo ng maraming pawis upang sila ay
mabuhay.

Alamat Ng Luzon Visayas at Mindanao

MATAGAL bago nagkaanak si Sultana Luvimi. Nang magsilang naman ay triplet ang naging mga
anak ni Sultan Karif. Mahal na mahal ng sultan ang asawa kaya ang pangalan ng triplet ay
hinango sa mga pantig ng pangalan ng babae.

"Tatawagin natin silang Lu, Vi at Mi," ang sabi ng sultan.

"Lu, Vi at Minda," ang wika ng sultana, "Ibig ko ng pangalang Minda."


"Kung iyon ang nais mo ay masusunod," sang-ayon ng sultan.
Wala pang anim ng buwan ang mga anak nang yumao si Sultana Luvimi. Lungkot na lungkot
ang sultan. Dahil wala na ang asawa, buong panahon at yaman ay ibinuhos ng sultan sa mga
anak.

Lumipas ang panahon. Nagkaroon ng gulo sa nasasakupan ni Sultan Karif. Isang datu ang nais
sakuping ang kaharian kaya inihanda ni Sultan Karif ang mga mandirigma sa posibleng pag-
atake ng mga kaaway.

"Sasama kami sa laban, mahal na ama," sabi ni Lu kay Sultan Karif.


"Marunong kaming humawag ng armas kaya tutulong kami," ani Vi.
"Hindi kami papayag na manood lang dahil mayroon kaming magagawa," sabad ni Minda, na
pinakamatapang sa tatlo.

Gaya nang inaasahan ay lumusob ang mga mandirigma ng datu. Nang mapawi ang usok ng
labanan ay natanghal sa mga mata ng Sultan ang patay na mga anak na hawak pa ang
kanilang mga sandata.

Ipinalagay ng sultan sa malaking bangka ang bangkay ng tatlo at ipinaanod sa dagat upang
doon malibing.

Ilang buwan makaraan ay napansin ang pag sibol ng tatlong mala laking pulo sa dagat na
pinagpaanuran ng bangkay ng tatlong dalaga. Tinawag ni Sultan Karif na mga pulo ng Lu, Vi at
Minda ang mga iyon pero nang lumaon ay naging Luzon, Visayas at Mindanao.
Alamat Ng Palay
Ang ating mga ninuno ay may sariling paraan ng pamumuhay noong unang panahon. Wala
silang sariling mga bahay. Palipat-lipat sila ng tirahan. Kung saan sagana ang pagkain ay doon
sila titigil. Tumitira sila sa loob ng mga kweba. Ang iba ay gumawa ng bahay sa itaas ng
malalaking puno. Ang iba ay nagtirik ng bahay na yari sa kugon.
Kabilang sa grupong nagtatayo ng bahay na kugon sina Burnik at Paway. Iisang taon pa lang
silang mag-asawa at pinagdadalantao ni Paway ang kanilang unang supling.
"Tumigil na lang tayo sa isang lugar. Malapit na akong manganganak kaya kailangan natin ng
pirmihang titirhan," wika ni Paway.
Naunawaan ni Burnik ang asawa kaya naghanap siya ng lugar na masagana sa mga tanim na
puno at malapit sa ilog para mapangisdaan. Nagtayo siya roon ng isang maliit na kubong gawa
sa kugon.
Pansamantala ay maraming nakuhang pagkain si Burnik. Sagana ang lugar sa mga prutas at
nahuhuling isda. Habang tumatagal ay nauubos ang pinagkukunan ng makakain ni Burnik.
Isang araw, sa paghahanap ng pagkain ni Burnik ay nakarating siya sa lugar na maraming
tumutubong damo. Kulay ginto ang bunga niyon.
Isang katutubo ang nagsabi na manguha siya ng mga butil niyon, bayuhin hanggang lumabas
ang kulay puting bunga at pagkatapos ay iluto. Palay daw ang tawag doon.
Tuwang-tuwa si Burnik. Ngayon ay may tiyak na silang pagkukunan ng pagkain. Nagtanim siya
ng maraming palay at pagkatapos ay itinuro sa ibang katutubo kung paano iyon pararamihin.
Hanggang ngayon ang pagtatanim ng palay ang hanapbuhay ng karamihan sa mga
magsasaka.
TAGALOG FOLK SONG LYRICS Gumisang ka Neneng, tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Sitsiritsit
Pagdating sa dulo’y uunda-undayog
Sitsiritsit, alibangbang Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Salaginto at salagubang
Halika na Neneng at tayo’y magsimba
Ang babae sa lansangan
At iyong isuot ang baro mo’t saya
Kung gumiri’y parang tandang
Ang baro mo’t sayang pagkaganda-ganda
Santo Niño sa Pandakan Kay ganda ng kulay — berde, puti, pula.
Putoseko sa tindahan
Ako’y ibigin mo, lalaking matapang
Kung ayaw mong magpautang
Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Uubusin ka ng langgam
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Mama, mama, namamangka Isang pinggang pansit ang aking kalaban.
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika. Paruparong Bukid

Ale, ale, namamayong Paruparong bukid na lilipad-lipad


Pasukubin yaring sanggol. Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Pagdating sa Malabon Isang bara ang tapis
Ipagpalit ng bagoong. Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
Bahay Kubo (Nipa Hut)
May payneta pa siya — uy!
Bahay kubo, kahit munti May suklay pa man din — uy!
Ang halaman doon ay sari-sari. Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Singkamas at talong, sigarilyas at mani Haharap sa altar at mananalamin
Sitaw, bataw, patani. At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

Kundol, patola, upo’t kalabasa


At saka mayroon pang labanos, mustasa,
Lulay (Folk Song)
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga. Anong laking hirap kung pagka-iisipin
Ang gawang umibig sa babaeng mahinhin

Lumuluhod ka na’y
Leron, Leron, sinta
di ka pa man din pansin
Leron, Leron, sinta
Sa hirap ika’y kanyang susubukin.
Buko ng papaya
Dala dala’y buslo Ligaya ng buhay babaeng sakdal inam
Sisidlan ng sinta Ang halaga niya’y di matutumbasan
Pagdating sa dulo’y
Kahinhinan niya’y tanging kayamanan.
Nabali ang sanga,
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.
Isang Punong Kahoy
Ni: Jose Corazon de Jesus
I.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

PAGSUSURI NG TULA

I. TALAMBUHAY NG AKDA
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na anak
nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus
ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma
sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang
Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang
Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera
ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat
ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay
Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang
kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim
ng pamahalaang Estados Unidas.

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga
800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang
Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito
Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio
Salagubang at Tubig Lily'

II. PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG


Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa
isang punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung
tatanawin mo sa malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang
nagguni-guni. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa
Panginoong Diyos.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay
na siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan
ang mga musikang tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud
ay naglalarawan sa kanyang lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-
aabang sa kanyang lamay.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay
may isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan, malamang
nalulungkot sa kanyang pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang
luha, at sabi pa na hanggang maghapon at magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang
kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong
na inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan ng kanyang
pamilya na nagmamahal sa kanya.
Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa
kanya ay totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa
kanya. Kaya nang nalaman niya ito, ay naging masaya siya at tanggap na niya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay tumunog
bago ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa kanyang huling
hantungan. At ang mga taong nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa
kanyang kabaong. At may tao pa rin na patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan ng
kanyang kabaong.

Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling hantungan
at nang matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang
kalungkutan at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.
Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni nang
napagtanto niya na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan,


inaasahan niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa.

III. TUNGKOL SA AKDA


Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang
buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala
at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao
napamahal at napamahal din sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang
punong kahoy, na kung saan ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan
ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa
matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang unti-unting
pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang
katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at
nagbabago ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa
pagdapit hapon at pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin
niya na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha.

IV. ESTILO
Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-
akda sa buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata ng Pag-ibig kaya naman
mababakas ang kaniyang pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit. Katulad ng
batis ng luha na ang damdaming umiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng
persona sa tula. Ang tulang ay gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay upang
maipakita ang sining ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa kabila na itoy isang Elehiya
at paghihinagpis. Ang Tula ay nasusulat sa tradisyonal na labindalawang pantig ang sukat at
nasa ganap na tugma

Maka-kalikasan
Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihahalintulad ang
buhay sa paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao
na siyang dahilan upang maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala
sa kaniya. Ngunit proseso ng buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay
sumisibol naman ang mga panibagong punla na nagmula din ang pataba at pagdidilig sa taong
pumanaw dahil sa kaniyang mabuting paglaganap ng buhay.

V. TUGMA
Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat taludtod, at
saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma ng mga salita na
napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na
magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa.

VI. SUKAT
Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may
walong saknong.
VII. IMAHEN
Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:
Ako’y tila nakadipang kurus
Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s apag-iisip ng mga
mambabasa. Ang mga imahen na ginagamit niya sa pagpapayaman ng kanyang tula upang
mas makatutulong sa mga mambabasa na mabilis mauunawaan at madama ang inilalarawan
ng makata. Ayon sa pagdanas niya sa kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula
ay kanyang ipinapakita na hindi ito nakakalayo sa biograpikal na aspekto ng kanyng buhay.
Kung saan ang kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang kanyang karanasan na ginamit niya
bilang inspirasyon.

VIII. Uri ng Genre : Tulang Pandamdamin o Liriko

Ayon pa kay Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng “likha”


at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang pagbabagong hugis
ng buhay. Sa tulong ng guni-guni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya ay ng ibang tao.
Maaari rin itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan.
Karaniwan itong maikli at madaling maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa
mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay ang
pinaghanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw
niya ang ating damdamin. Ang tula ay isang Elehiya na tulang may kinalaman sa guniguni
tungkol sa kamatayan.

KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:

Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa taudtod na;
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus;

Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati na kanyang


nadarama bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay tila Malabo ang
kahulugan nang unang taludtod kaysa pangalawa.. Nangangahulugan ng isang lugar kung
saan siya naroroon. Samantala pagdurusa naman ang mensahe ng kanyang ikalawang
taludtod. Ginamit niya ang kanyang mga karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang
nagbibigay lakas sa kanyang pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa
kanyang sarili na pinagyaman ng kanyang isipang namulaklak ng karunungan.
Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
I.
A. Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
B. Panitikang Asyano Modyul ng mga mag-aaral sa Filipino 9

II. Buod:

Nagsimula ang kwento nang nagpapaalam siya sa kanyang asawa. Sa kanyang


pamamaalam ay labis siyang nalungkot na hindi niya kasama ang kanyang asawa sa lugar na
kanyang pupuntahan. Pagkatapos niyang hagkan sa noo ang kanyang asawa ay sya’y
tumalikod at umalis na at ang kanyang asawa ay sumigaw na siya’y babalik at uuwi agad at
sumagot sya sa kanyang asawa na Oo, at hindi na lumingon dahil ayaw nitong makita na sya’y
umiiyak sa kanyang pag-alis.
Nang nakapasok na siya sa kanyang tinutuluyan ay kumain muna siya at pagkatapos
ay naging malungkot siya sa kanyang pagtulog, dahil malayo siya sa kanyang asawa. Pero
nawala ang kanyang kalungkutan ng siya’y tuluyan ng nakatulog. Gumising na siya kinabukasan
at ginawa ang kanyang mga gawain o trabaho. Siya’y nag-araro at nagtanim sa bukid.
Pagdating ng Disyembre ay inani na ang kanyang mga itinanim. At dadalhin niya ito sa kanyang
asawa.
Umuwi na siya sa kanilang bahay na dala ang mga kahoy at bigas mula sa bukid. Sa kanyang
pag-uwi ay may nakita siyang bulaklak at kinuha niya ito para ihandog sa kanyang asawa. Dahil
dito ay naalala niya noong umalis siya ay umiiyak ang kanyang asawa at marahil sa kanyang
pag-uwi ay magiging masaya ang asawa. Nagmamadali siya sa kanyang pag-uwi na halos
tumatakbo sa bilis para makita ang asawa. Akala niya na masaya ang kanilang tirahan dahil
may tugtog at may maraming tao. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil nalaman ng
kanyang asawa na babalik siya.
Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay akala niya na maging masaya siya ngunit sa
kasamaang palad ay nakita niya ang kanyang asawa sa loob ng isang kabaong habang
napapalibutan ng apat na kandila. Nang pinagmamasdan niya ito ay hinagkan at nakita niya
ang kanyang asawa na parang ngumiti na o nagsasabing siya ay masayang nagpapaalam.

III. Pagsusuri:

A. Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang tula sapagkat nasusulat ito nang pasaknong. Ito ay tradisyunal na tula
sapagkat nagtataglay ito ng may sukat, na may labin-dalawang pantig,nmay tugma at may
talinghaga. Ito ay tulang pasalaysay sapagkat ito ay nagsasalaysay ng buhay sa paraang patula.

B. Istilo ng Paglalahad
Pagsasalaysay at paglalarawan ang istilo ng paglalahad ang ginamit na tulang ito.
Isinalaysay ng may-akda ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Inilalarawan din ng may-akda ang mga kilos, galaw at punto de vista ng pangunahing tauhan,
mula sa kanyang sa kanilang bahay, ang kanyang paglalakbay patungo sa bukirin,
pagtatrabaho sa sakahan hanggang sa kanyang pagbabalik.

C. Mga Tayutay
1. “Pinatuloy ako ng magandang loob” - Ito ay pagpapalit-tawag o metonymy sapagkat ang
magandang loob ay tumutukoy sa tao o taong may busilak na puso.

2. “sinalubong ng kwago at ibong itim” – Ito rin ay pagpapalit tawag o metonymy dahil ang ibig
sabihin ay isang pangitain na nangangahulugang may masamang mangyayari.
D. Pananalig Pampanitikan / Teorya

1. Realismo- Inilalarawan dito ang buhay sa katunayan at walang halong idealismo. Sapagkat
ipinapahayag sa tula na ang lalaki ay dapat magbanat ng buto o maghanap ng trabaho para
sa kanyang pamilya, Tulad sa tula na ang lalaki ay mag-araro sa sakahan, nagtatanim para may
making maihandog sa kanyang asawa.

2. Klasisismo- Pananalig na higit na pinapahalagahan ang isip kaysa damdamin. Sapagkat


nasasaktan ang lalaki sa kanyang paglisan nang hindi niya kasama ang kanyang iniirog bagkus,
kinaya pa rin niya ang lungkot na nadarama nang hindi ito kapiling. Mas pinanaig ang isip
sapagkat kailangan niyang magtrabaho para sa kanilang ikabubuhay.

3. Simbolosmo- Pananalig na nagsasaad ng mga bagy, damdamin, at kaisipan sa pamamagitan


ng mga sagisag. Maraming pinakitang simbolismo sa akda. Isa na rito ang “panyong puti” na
kanyang ikinakaway nang siya’t paalis. Ang puti ay nangangahulugang kapayapaan at
kalinisan. Naway payapa sana ang kanyang paglalakbay. Ang “kwago rin ay isa sa pinakitang
simbolismo sa akda. Ito’y nangangahulugang masama o masamang pangitain na mayroong
masamang mangyayari o magaganap. At yaong apat na “kandila” ang nagbabantay, ay ang
ibig sabihin mayroong patay o bangkay o may lamay. Nang umuwi siya ay nadatnan niya ang
bangkay ng kanyang iniirog.

Isang Dipang Langit (Tula)


Ni: Amado V. Hernandez
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

I. TALAMBUHAY
Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula at peryodista. Itinanghal na
orden ng mga Pambamsang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa
ilalim ng pangalang Herinia dela Riva, Amanta Hermani at Julio Abril.Isinilang siya noong 13
Styembre 1903 sa Tondo, Maynila. Siya ay supling nina Juan Hernandez at Cara Vera.
Napangasawa niya si Honorata”Atang” dela Rama at tinaguriang “Reynang Kundiman” na
napabilang din sa Orden ng Pambansang Algad ng sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila
High School sa Cagalangin, Tondo, Maynila,at sa American Correspondence School at don niya
nakamit ang titulong, batsilyer sa sinig.Nagsimula niyang tangkilikin ang pagsusulatbilang
journalist at editor ng pre-WWII tagalong newspaper, gaya ng watawat, Pagkakaisa,
Mabubuhat, Sampaguita, at iba pa.Naging kaibigan din niya sina Jose Corazon de Jesus,
Florentino Collantes at Deogracias Rosario.
Ang ilan sa kanyang tulang katha ay “ Sariling Hardin “ sa pagkakaisa mula 1926-1932,”
Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan”, at iba pa.Siya ay nanalo rin ng maraming beses.
Noong 1925 tinagurian siyang “Makata ng Ilaw at Panitik”. “Wala ng Luha”, 1931 nanalong 2
Gold Medal; Republic Cultural Heritage Award para sa “Isang Dipang Langit”, 1962; ang NPC-
ESSO Journalism Award para sa nobelang “ Luha ng Buwaya”, 1963 at marami pa ang
natanggap niya ang National Arttist Prothumously noong1973 para sa kanyang kontribusyon sa
Development of Tagalog Prose.

II. KAYARIAN
Ø URI- tulang salaysay
Ø ESTOPA- Kwarteta
Ø RITMOL/INDAYOG
· Sukat- lalabin dalawahing pantig
· Tugma- katinig at patinig
III. ANYO
TONO
-malungkot, nahihirapan at puno ng poot at galit
-paghihimagsik at pagdurusa

TALASALITAAN
Balasik-kalupitan o kabagsikan
Tiwalag- nauukol sa pagiging malaya,bitiw
Moog- matibay na taguang bato
Atungal- malakas na iyak ng malaking hayop” ungal
Asud- walang humpay
Pakikilamas- sunod-sinod na pagdakot at paglamotak
Tanang- tayo na

TALINGHAGA
Simili- “anaki’y atungal ng hayop
Hayperboli-“ sanlibong aninong iniluwa sa dilim
-sa munting dungawan tanging abot-malas
-isang dipang langit
Pagtatao- “ Kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw”
Pagwawangis-“ Ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng
bilanggo.

IV. PAGSUSURI
PAKSA
- Ito ay pinaagatang “ Isang Dipang Langit” sapagkat ito ay tumutukoy sa pag –asang
maabot pa at matanaw ang sikat ng araw na tanda ng tagumpay habang nasa loob mg
bilangguan ang manunulat.
SIMBOLONG GAMIT
Dungawan- bintanang rehas Kuta- Kulungan
Tanikala- kadena Birang- itim na panakip sa ulo
Puno- Pagkakasala
DIWA
-Karanasan ng mga kinukulong
-Pianagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw
-Matutong ipaglaban ang iyong karapatan
HIMIG
- Pagdurusa , dahil sa pagtukoy ng kanyang mga pinagdaanan na kanyang inilahad sa loob
ng kulungan
- Paghahangad ng kalayaan

V. KAHULUGAN- Paraphrasing
VI. ISTILO
Ang istilo ng may akda ay pangkaraniwan sa iba. Ngunit kung ikukumpara ang istraktura ng
parang pagkakasulat, ang una at pang 3 linya sa bawat saknong ay nasa karaniwang ayos,
samanatalang ang pang2 at pang 4 ay nag bigay ito ng panglimang espasyo.

VII. MENSAHE
- Pagiging matatag sa bawat pagsubok ng buhay
- Ipagtanggol ang sariling karapatan
- Laging magtiwala sa sariling kakayahan
- Lagingmanalig sa diyos
VIII. IMAHEN
Ipinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita dahil sa kanyang
pagkabilanggo. Ipinaramdam ng tula ang hirap na dinanas ng isang bilanggo at ang kanyang
hangaring makalaya.

Ang Guryon
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!

A. Pagkilala sa May akda:


Ang tulang pinamagatang “Ang Guryon” ay isinulat ng isa sa mga tanyag na makata sa
panahon ng Amerikano na si Ildefonso Santos. Si Ildefonso Santos ay nagmula sa bayan ng
Malabon at siya’y isinilang noong Enero 23, 1897. Siya ay nag-iisang anak nina Atanacia
Santiago at Andres Santos.
Nagsimula ang pagkahilig niya sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsan na si
Leonardo Dianzon na isa ring makata. Nang dahil sa tulang isinulat ni Ildefonso natuklasan ni
Dianzon ang kahusayan ng pinsan sa pagsusulat ng tula at doon nagsimula ang kanyang
pagsulat ngtula. Ginamit niya ang “Ilaw Silangan” bilang sagisag-panulat.
Nagtapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon at siya ang kauna-unahang nagturo ng
Pilipino sa National Teacher’s College. Siya ay kilala sa pagsusulat ng mga magagandang tula.
Pumanaw sya sa edad na 84 ngunit nanatili parin ang kanyang mga tula na isa sa mga
nagpayaman sa panitikang Pilipino.
B. Uring Pampanitikan :
Ang “Ang Guryon” ay isang halimbawa ng tula.

C. Estruktura:

I. Sukat, Saknong at Taludtod


Ang tulang “Ang Guryon” ay may sukat na lalabindalawahin sa bawat taludtod. Ito ay may
anim na saknong at may apat na taludtod sa bawat saknong. Kahanga-hanga rin ang mga
pananalitang ginamit ng may akda sa pagsulat ng tulang ito.

II. Teoryang Pampanitikan


Ang tulang “AngGuryon” ay may teoryang Imahismo dahil gumagamit ito ng mga imahen
upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang ano mang damdamin, kaisipan,
ideya, saloobin na nais ipahayag ng tula.

III. Tauhan
Ama – ang nangangaral sa kanyang anak.
Anak – ang tagapagpalipad ng saranggola.

D. Pagtalakay sa Pamagat:
Ang pamagat ng tula ay “Ang Guryon” o saranggola. Ito ay sumisimbolo sa pangarap ng tao
sa buhay. Kung gaano na katayog ang pangarap at kung paano ito makakaabot sa nais
nitong abutin.

E. Sariling puna:
Ang tulang “Ang Guryon” ay patungkol sa pangangaral ng isang ama sa kanyang anak.
Inihalintulad ang guryon sa buhay ng tao. Kung paano ang tamang pagbalanse ng mga
bagay sa buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin ang bawat isa sa atin. Katulad ng
isang guryon maaaring ang buhay ang tao ay dumaan sa maraming pagsubok na tiyak na
susubok sa atin.

F. Aral makukuha:
Katulad ng isang guryon tayo rin dapat ay magpatuloy sa paglipad patungo sa ating mga
pangarap. Hindi dapat tayo sumuko kung may mga unos man tayong kakaharapin bagkos
dapat nating tatagan ang ating loob at magpatuloy sa buhay.

Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla

Ito ay isang tula na isinulat ni Alejandro Abadilla na nagpapahayag ng sandamakmak na


maaaring maging kahulugan ng tulang ito. ‘Ako ang Daigdig’ ay nagbigay ng daan tungo sa
modernisasyon ng estruktura ng tula.

Sa pagbabasa ko sa tulang ‘Ako ang Daigdig’ ay nakabuo ng dalawang maaaring maging


kahulugan ng mga salitang inilimbag ni Alejandro Abadilla: pag-aaklas sa tradisyunal na sukat at
tugma ng isang tula at ang pag-aaklas laban sa mga mananakop sa bansang Pilipinas.
1.) Pag-aaklas sa Estrukturang Patula

- Mula pa man sa matandang panitikan ay nakaugalian na ng mga Pilipino ang


pagbigkas ng tula na may sukat at tugma. Ngunit ang tulang ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro
Abadilla ay nagbukas ng maraming pinto tungo sa masining at malayang tula. Nilabag nito
ang nakasanayang porma ng isang tula. Ipinakita ng tulang ito na maaaring walang sukat at
tugma ang isang tula at maaaring maging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng diwang
gusto nating malaman ng mga tao.
Ito ang estruktura ng ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro Abadilla

ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

2.) Pag-aaklas Laban sa Mananakop ng Ating Bansa


- Paminsan-minsan ay nakakaligtaan natin ang mensaheng nakabaon sa isang tula at
nahuhuli lamang ang ating atensyon sa porma at mga salitang ginamit nito.
Ang ‘Ako ang Daigdig’, para sa akin, ay tila nagpapahiwatig sa mga Pilipino na bumangon at
huwag magpapa-api sa mga dayuhang sumakop sa bansa. Sa linyang ‘Ako ang tula ng
daigdig’, sinasabi ni Abadilla na bawat isa sa ating, bilang tao, ay may karapatan sa sarili
nating buhay, na tayo ang bumubuo sa daigdig, tayo ang sariling nating mga boses.Sa
pamagat pa lamang ay nagpapakita na ito ng pagiging masigasig ng awtor na ipaglaban ang
kalayaan hindi lamang ng panitikan kundi ng ating mga sarili. Bawat isa sa atin ay ang daigdig
na nagpapa-ikot nito. Kalian man ay hindi dapat tayo matakot na isigaw ang dapat ay
nararapat sa atin.

TALAMBUHAY NI LOPE K. SANTOS


SINURI NI: Nazardel G. Alamo

Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang
Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1]Bukod sa pagiging
manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang
Wika at Balarila" ng Pilipinas.

Talambuhay
Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa
mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo saRizal. Ngunit mas
inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang
pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela
Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de
Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan
ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang
maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling
Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa
pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng
Wikang Pambansa.[4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang
pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas
kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Sariling Buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng
limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng
buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.

Sa larangan ng politika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya
bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.

Mga Nagawa
Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:
Balarila ng Wikang Pambansa
Banaag at Sikat, isang nobela

Pagsusuri ng tula
May Akda: Lope K. Santos
Teoryang Pampanitikan: Realismo
Ritmo:
sa tulang ito ay ang pagkadama ng kapighatian ng isang may akda na makunan ng pighati ang
nadaramang kalungkutan dulot ng labis na pagsisisi halimbawa ng mga linya sa ibaba:
Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.
Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang
pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina
bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa
gawang masama'y dapat mong iwasan.
Sa mga linyang ito ay ating mapapansin ang kapighatian na sinulat ni Lope K. Santos.
Nagpapalabas ito himig ng pagsisisi atng isang matinding kalungkutan sa kanyang tula isinulat.
Nagpapalabas ng mga malulungkot na mga salita ang kadalasan niyang isinusulat

Tugma:
Sa tulang “Luha” ni Lope K. Santos ay makikitang ito ay isang malayang tula karamihan sa mga
salitang nasa-unahan ay hindi kadalasan tumutugma ng nasa hulihan ng bawat taludtod ng tula.
Ito ay malaya lamang na isinusulat ng may akda na limitado lamang ang bilang ng tugma.