You are on page 1of 2

TAKDANG ARALIN:

A. ANO ANG POSISYONG PAPEL?

- Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa


at karaniwang isinusulat ng may akda o ng may entidad, gaya ng isang
partidong politikal. Nailalathala ang Posisyong Papel sa akademya, sa
pulitika, sa batas at iba pang dominyo. Ang balangkas ng isang posisyong
papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot
hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong
papel. Ginagamit din ng malalaking organisasyon ang mga posisyong
papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ang
kanilang mga mungkahi.

B. MAGBIGAY NG HALIMBAWA.

Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-


lunas sa sakit. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit
sa kabila nito ay nakapagbibigay sakit kapag inabuso. May gamot na
bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa
kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng
droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng
lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa
lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga
napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga.
Walang dudang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagong
hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang
maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal
na gamot sa ating lipunan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga


barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi
kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit
at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot rin sa halos 196 na
politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa
paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016).
Ayon rin sa balita, mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa
'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay ang mga
napaslang, mga durugista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-
araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa
adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular
na popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.

Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa


rin sila sa pag-abuso nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng
buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na ang paggamit ng droga ay
isang paraan upang makaahon sa kahirapan, nakababawas ng suliranin
o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na ang
paggamit nito ay humahantong sa pagkatutong magnakaw,
magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng
masama hanggang sa mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao.
Maraming posibleng epekto nito. Kahit na mabuti o masama,
magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.

C. ISA-ISAHIN ANG MGA KATANGIAN NITO.

1. Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at


ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito.
2. Nakabatay sa Fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na
nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga nailatag na argumento.
3. Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang
kabilang panig.
4. Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may
awtoridad.
5. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling
posisyon maging ang kabilang panig.
6. Pinaglalaanan ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang
layunin.
7. Gumagamit ng akademikong lengguwahe.