You are on page 1of 7

St.

Bernadette College of Valenzuela


6121 Gen T. De Leon Valenzuela City

PAG-AARAL UKOL SA KAKAYAHAN SA PAGSUSURI NG ISANG


TULA SA IKALABING-ISANG BAITANG SA
ST.BERNADETTECOLLEGE
OF VALENZUELA

Isang Pananaliksik na Iniharap ng Humanities and Social Science ng St.Bernadette


College of Valenzuela sa mga guro ng Senior High School Department

Bilang bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan saAsignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik

Mga Mananaliksik:

JOSE, Maurisha
MACOROL, Leila
MENDIOLA, Ronnamae
NABONG, Gino
NOGOY, Ron Alex
MONTALBO, Mark Lee
St. Bernadette College of Valenzuela
6121 Gen T. De Leon Valenzuela City

Kabanata I

Ang Suliranin at Sanligan nito

Panimula

Pagbasa ang siyang susi sa pagpapaunlad ng kakayahan ng bawat


tao ukol sa mga bagay na nais niyang matuklasan at nagsisilbing paraan
upang mapalawak ang kaalaman,imahinasyon,at interpretasyon
kaugnay sa kanyang nabasa o sinuri.
Sa kasalukuyang panahon mas nabibigyan na ng pansin ang
ibang bagay gaya na lamang ng pagbababad sa paggamit ng facebook
kaysa mapaunlad pa ang kaalaman sa pagbabasa at pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan tulad ng tula.
Ayon sa The Varsitarian The Official Student Publication Of The
University Of Santo Tomas,Sa kasalukuyang pag-usbong ng mass
media at Internet, maraming kritiko ang nakapupuna sa kawalan ng
interes ng mga Pilipino sa pagbabasa. Anila, hindi na rin nabibigyang-
pansin ng mga tao ang mga akdang-pampanitikan na makatutulong
sana sa lubos na pag-unawa sa buhay.
“Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil
sa mga bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa lipunan at pamahalaan at sa
kaugnayan ngkaluluwa sa Bathalang lumikha.Ang paraan ng
pagpapahayag ay iniayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay sa
kalooban at kaluluwa,na nakabalot ng pag-ibig o pagkapoot,ligaya o
lungkot,pag-asa o pangamba”,(Jose V. Panganiban,et al Panitikan ng
Pilipinas,p.11).
St. Bernadette College of Valenzuela
6121 Gen T. De Leon Valenzuela City

Kabanata II
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Literatura

Ipinahayag ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay na


“Ang tula ay paggagad ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit,
paglililok at pagtatanghal- Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na
malawak kaysa alinmang ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin
man ang mga iyon”,

Para kay Alejandro G, Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith


Sitwell. “Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (Heightened
consciousness)”,

Ayon kina Ongoco at Pineda. Ang tula ay madaling


maipaliwanag bunga ng kawalan ng kaalaman sa pagsulat at pagbsa at
kailangan munang matutunan ng mga tao upang maging malinaw at
maipabatid sa ibaang isang akdang tuluyan.

Banyagang Literatura

Ipinahayag ni Strong(2009), sa pagbabasa ng tula na may


malinaw na pag-unawa at pagkilala sa mga salita, pagsusuri sa kanilang
kahulugan at ideya at panganib ng mga kaisipan sa iba‟t ibang paraan
tulad ng paglutas ng praktikal na problema.

Pinaniniwalaan naman ni Gray(2008) ang ganitong tinuran tungkol sa


panitikan.Ang pagbabasa nito ay isang masalimuot na gawaing may mga
aspektong mahalaga tulad ng pagkilala sa mga sagisag o simbolo
at pag-unawa. Ayon pa rin sa kanya, sa ibang pakahulugan ng mga
akda, pagtugon sa mga gamit ng ideyang nakuha sa pagbabasa batay sa
layunin at pagsama-sama ng mga ideya upang pakaisipan ang
isang tiyak na kaisipan.

Binigyan diin ni Hossaine(2009) sa isang komperensiya ng mga manunulat


na Asyano sa PEN noong Disyembre 1997 ang ganitong palagay tungkol sa iba‟t
ibang panitikan: “Ang buhay at panitikan ay magkaugnay sa isa’t isa.
Salamin ng buhay ang panitikan, subalit ang buhay ang lumikha o
batayan ng salamin. Magkatuwang ang buhay at panitikan pagkat
nauukol sa buhay ang isinaisantitik sa anumang akdang pampanitikan”.

Lokal na Pag-aaral

Batay Julian Cruz Balmaceda,”Ang Tula ay isang kaisipang


naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan
upang maangkin ang karapatang matawag na tula.”

Ayon naman ay kay Iñigo Ed.Regalado, ”Ang tula ay


kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong kriktang
makikita sa silong ng alinmang langit.”
Ayon naman kina Balbacal,Manangkil,Peret,Salmingo(2013),Sa
pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri
tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang
ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan din ang
manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man
o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Banyagang Pag-aaral

Ayon kay Machtinger (2007) ,Layunin sa pag-aaral na ito na


ilahad ang edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang
kognitibong kakayahan. Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring
makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit anong larangan.

Ayon kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay


isang salik upang malaman ang kanilang kayang ipakita. ang kasarian
ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor,
pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa
pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha.
St. Bernadette College of Valenzuela
6121 Gen T. De Leon Valenzuela City

Kabanata III
Metodolohiya sa Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga


kinalap na pamamaraan, instrument, talatanungan at istatistikal na
datos. Deskriptiv na metodo abg ginamit sa pag-aaral na ito,
inilalarawan nito kung ano ang antas at lebel ng pagkatuto ng mga
mag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pumili ng mag-aaral sa Ikalabing-isang


baiting bilang respondente upang mabatid ang kanilang antas ng
kaalaman sa pagsusuri ng tula. Namahagi ang mga mananaliksik ng
talatanungan sa piling mag-aaral ng ikalabing-isang baitang.

Setting ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito mula sa piling mag-aaral ng


Ikalabing-isang baiting, sa St. Bernadette College of Valenzuela.

Instrumento ng Pananaliksik

Makikita sa bahaging ito ang mga talatanungan na ginamit sapag-


aaral.
Talatanungan

Ginamit ang talatanungan upang makalikom ng datos o


impormasyong kailangan. Ito ay binubuo ng mga tanong na sinasagot
ng respondente upang malaman ang kanilang kakayahan ukol sa
pagsusuri ng tula.

You might also like