You are on page 1of 3

Halamang gamot para sa alagang hayop

Ang mataas na presyo ng gamot para sa alagang hayop ay isa sa mga pinakamalaking
problema ng mga magsasaka. Ngunit, biniyayaan ang Pilipinas ng mga halamang gamot
para sa tao at puede din sa alagang hayop. Makakatipid na ang maraming magsasaka at
ligtas pa ang mga alagang hayop sa sakit. Magkakaroon ng malusog, malaki at mabigat
na alagang hayop ang susunod sa babasahin ito
sa paggamit ng halamang gamot. Lalo na sa mga magsasaka nakatira sa malalayong
lugar.
Ang sumusunod ay ilang sa mga karaniwang ginagamit na halamang gamot na kung saan
ay napatunayang mabisa.
Alagaw o Adiyo, Argaw (Tagalog), Abgaw (Bisaya) ,
• Maglaga o magpakulo ng 8-15 pirasong dahon ng alagaw sa 2-3 basong tubig,
palamigin at ipa-inum ng pwersahan ( ½ - 1 tasa, 3 beses kada araw sa loob ng 3 araw)
ay mabisa laban sa lagnat, ubo at sipon ng alagang hayop tulad ng kambing, baka,
kalabaw o kabayo.
• Ang katas ng mga sariwang dahon ay puedeng gamitin laban sa buni, lisa, kuto o
garapata at panglinis ng sugat.
Ampalaya o Paria, Piliya (Tagalog), Paliya (Bisaya), Amargoso (Ingles)
• Dikdikin at magpa-katas ng ½ - 1 kilo dahon ng ampalaya at ipa-inum ng pwersahan sa
alagang hayop bilang pampurga o dewormer.
• Binibigay din sa bagong anak na biik para maiwasan ang anemya o anemia.
Bayabas o Guava (Ingles)
• Maglaga o magpakulo ng 12 pirasong dahon ng bayabas sa 2 basong tubig at ipa-inum
ng pwersahan para malunasan ang pagtatae o diarrhea. (1-2 baso, 3 beses kada araw sa
loob ng 1-2 araw ).
• Ang dinikdik na dahon ng bayabas ay puedeng ipahid sa mga sakit sa balat; sugat at
pagkapon o castration at ginagamit din upang ampatin o ihinto ang pagdurugo.
Bunga o Betelnut (Ingles)
• Hilaw na bunga o young betelnuts ay ginagamit bilang dewormer o pampurga , lalo na
laban sa ulyabid o tapeworn at roundworm. Ang mga ito ay binabayo o nilulusong at
haluan ng tubig at ipakain agad sa alagang hayop. Ang dosage o dami para sa manok ay
isang piraso sinlaki ng isang peanut o mani, 1-3 pirasong bunga para sa kambing at baboy
at 8-10 pirasong bunga para sa mga baka o kalabaw.
Caimito o Starapple (Ingles)
• Maglaga o magpakulo ng 1/2 kilo dahon ng caimito sa 3 basong tubig at ipa-inum ng
pwersahan
(1 tasa, 3 beses kada araw sa loob ng 1-3 araw) para sa lagnat at pagtatae ng alagang
hayop.
Kakawate o Madre de Kakaw (Tagalog, Bisaya)
• Bayuhin ang mga dahon at kunin ang katas at ipahid sa apektadong lugar upang
magamot ang mga sakit sa balat at sugat. Puksain ang mga panlabas na parasites o
parasito tulad ng mga lisa. kuto at garapata.
Lagundi o Five-leaves chaste tree (Ingles)
• Pakuluan ang ½ kilo na dahon ng lagundi sa 2 litrong tubig at ipa-inum ng puwersahan
(1 litro, 2 beses kada araw sa loob 1-3 araw) ay epektibo sa paggamot sa lagnat,
trangkaso at ubo
para sa baka o kalabaw o kabayo. Kung sa kambing 1 tasa, 2 beses kada araw sa loob 1 –
3 araw.
• Ang katas ng dahon ay ginagamit bilang dewormer o pampurga (1 - 2 kilo na dahon ng
lagundi)
at paggamot sa Newcastle Disease sa mga manok.
Lantana o Baho-baho (Bisayas), Kantutal (Tagalog)
• Maglaga o magpakulo 200 grams na dahon at bulaklak sa 1 litrong tubig,
ipa-inum ng 3 beses kada araw sa loob 1 – 3 araw,
upang mabawasan ang lagnat at pagalingin ang ubo at sipon.
• Ang dinikdik na sariwang dahon ay puedeng ipahid sprains o liai, fractures o bali at
rayuma.
Malunggay
• Magdikdik ng ½ - 1 kilong dahon at kunin ang katas,
ipa-inum sa bagong anak na mga biik para maiwasan ang anemia o anemya .
• Ang katas ng dahon ay epektibong magpagaling ng sugat at pampurga o dewormer.
• Young leaves o murang dahon magandang ipakain sa inahin baboy o inahin baka para
dumami ang daloy ng gatas.
Niyog o Lubi (Bisaya), Coconut (Ingles)
• Sabaw o tubig ng murang niyog o buko (3-5 coconuts) haluan ng 1 tasang asukal at ang
ilang kurot ng asin at ipainom sa alagang hayop na meron diarrhea o pagtatae.
• Para sa bloat o impacho, constipation o paninigas ng dumi at bilang dewormer o
pampurga ang gata o langis mula sa niyog (mature), (200 - 350 ml. -- 2 beses maghapon,
sa loob ng 2 araw) at ihalo sa pakain o feeds ng alagang hayop.
Saging
• Magtadtad ng malinis na dahon ng saging ( saba variety ) at ipakain sa alagang hayop
na nahihirap sa pagdumi o constipation.
• Puedeng ipang-gamot sa bukas na sugat.
Halimbawa: upang ihinto ang pagdurugo pagkatapos ng castration o pagkakapon,
Magdarang o pasingawan o steamed ng malinis na dahon ng saging (lahat ng varieties) at
ilapat sa sugat. Gawin parang benda.
Sambong o Alibum, Ayoban, Lakadbulan (Bisaya),
Ngai alkampor (Ingles)
•Maglaga o magpakulo ng 10 pirasong dahon sa 1 litrong tubig at ipa-inum ng
puwersahan,
gamot laban sa lagnat, sipon, ubo, running nose at pagtatae o diarrhea.
(2 beses sa maghapon, ½ - 1 litro sa loob ng 1-3 araw)
Tandaan:
• Hindi nabanggit ang mga uri ng alagang hayop sa puedeng gamutin ng halamang gamot
ng detalyado.
Para sa malalaking baka, kalabaw at kabayo ang pagpapa-inum ng mga tasa o litrong
sukat ng sabaw o katas ng halamang gamot.
Para sa kambing o tupa / maliliit o batang baka, kalabaw at kabayo ang pagpapa-inum ng
mga tasa lamang na sukat ng sabaw o katas ng halamang gamot. Baka malunod ang
alagang hayop paglitrong sabaw o katas ang ipainum.
Kung batang kambing o tupa, bawasan sa ¼ to ½ tasa ng ipaiinum na sabaw o katas ng
halamang gamot.
Tantiyain ang sukat ng ipaiinum sa sukat ng alagang hayop para hindi malunod sa
pagpapainum.
Ang mga lunas o remedyo ay maaaring gamitin para sa lahat ng uri ng alagang hayop.
• Upang maghanda ng sabaw o inumin , ang mga materyales ng halamang gamot ay
pinakuluan sa tubig
sa loob ng 15-20 minuto o hanggang ang tubig ay nabawasan sa kalahati sa orihinal na
dami o volume.
Palamigin at salain ang mga pinagpakuluan.
Kung ang sintomas ay magpumilit, pumunta sa isang manggagamot ng hayop
o beterinaryo ang dapat konsultahin.
Para sa karagdagan impormasyon, sumangguni o magtanong sa pinakamalapit na JMP &
Partners
sa inyong lugar o sumulat sa pamamagitan ng koreo sa:
Share a forage seeds and Plants Project
P.O. Box 131 Lucena City, Quezon Province 4301