You are on page 1of 11

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Panulukang Taft, Maynila

PANGKALAHATANG
KAHINGIAN SA
KURSONG ED TECH
Ipinapasa ni:
AGUNOD, ANGELICA D.
III-4 Batsilyer sa Edukasyong Pangguro

Ipinapasa kay:
Prop. Rowena Sabate
Educational Technology (PROFED06)
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 12 (Technical Vocational Strand)
GAMIT ANG MODELONG ASSURE
Inihanda ni: Angelica D. Agunod, III-4 Batsilyer sa Edukaysong Pangguro
Paksang Aralin: Pagbuo ng Manwal
Antas: Baitang 12 Technical Vocational Strand
Haba ng Pagtalakay: 60 minuto

I. Analisahin ang iyong mga mag-aaral (Analayze Learners)


Katangian ng mga mag-aaral: Ang paksang aralin na ito ay nakadisenyo para sa mga mag-
aaral sa Baitang 12, Senior High School na nasa Technical Vocational Strand. Inaasahan na sa
klaseng ito ay may iba’t ibang paraan ng pagkatuto ang mga mag-aaral at may kaunti na silang
kaalaman sa paggamit at pagmanipula ng iba’t ibang uri ng teknolohiya. Dahil dumaan na sa iba
pang kursong Filipino na nasa ilalim ng Gen Ed ang mga mag-aaral na ito, inaasahan na may
pauna na silang kaalaman tungkol sa pagsulat ng teknikal na sulatin at mga uri nito tulad ng
manuwal.

II. Ilahad ang mga layunin sa pagtuturo (State Standards and Objectives)
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan na maipapakita ng mga mag-aaral ang mga
kompetensing nakasaad sa Gabay Pangkurikulum tulad ng sumusunod:
a. natutukoy ang kahulugan, katangian, at mga batayang kaalaman tungkol sa manwal;
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
b. napahahalagahan at naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na
sulatin (CS_FTV11/12PU-0m-o-99); at
c. Nakabubuo ng manwal ng isang piniling sulating teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12PU-
0p-t-100).

III. Pumili ng Angkop na Estratehiya, Metodo, Midya at mga Materyales (Select


Strategies, Methods, Media, and Materials)

Estratehiya at Metodo. Sa kabuoan ng talakayan, gagamitin ng guro ang Pagkatutong


Batay sa Pagtuklas (Discovery Learning).

Midya at Materyales. Gagamiting lunsaran ng guro ang aplikasyong Scribd sa kabuaong


talakayan ng pagsulat ng manwal. Dito hahanguin ng guro ang ilang halimbawa ng mga sulating
manwal gayundin ay dito rin itatanghal ng mga mag-aaral ang kanilang mabubuong manwal sa
paglikha nila ng kanilang sariling Scribd library. Sa talakayan, gagamit naman ang guro ng
PowerPoint presentation sa paglalahad ng mga batayang kaalaman tungkol sa pagsulat ng
manwal. Sa kabuaon, gagamit ng computer, internet at Scribd application ang guro at mga mag-
aaral upang isakatuparan ang mga gawain.

IV. Gumamit ng Teknolohiya, Midya at iba pang Materyales (Utilize Technology,


Media, and Materials)

Ihanda ang mga materyales. Ihahanda ng guro ang gagamiting computer laboratory para
sa klase. Titiyakin na ang bawat unit ay konektado sa Internet at may aplikasyong PowerPoint at
Scribd.

Ihanda ang kapaligiran. Sisiguraduhin ng guro na ang bawat isa ay may sariling kompyuter
at hindi masasagabal ng anomang ingay. Maglalaan din ang guro ng ilang espasyo para doon
gawin ang ang mga pangkatang gawain.

Ihanda ang mga mag-aaral. Bago magtungo sa computer laboratory, bibigyan ang mga
mag-aaral ng paunang panuto at babala sa paggamit ng computer laboratory. Magkakaroon din
ng pagbabalik-aral bago magsimula ang talakayan. Ipapaalala ng guro ang mga dapat tandaan sa
pagsulat ng teknikal na sulatin.

V. Hingin ang partisipasyon ng mga mag-aaral (Require Learner Participation)

Ang partisipasyon ng mga mag-aaral ay maaaring maipakita mula sa malaki at maliit na


pangkatang gawain.

Malakihang Pangkatang Gawain. Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ipabasa


ang tatlong halimbawa ng manwal na matatagpuan sa Scribd.
 Ang Iyong Emergency Survival Manwal: Handa Ka Na Ba?
 KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat
 Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at
Pagkundisyon
Mula sa mga nabsang halimbawa ng manwal, kailangan ay makabuo ang klase ng
Graphic Organizer batay sa sumusunod na gabay na tanong:
1. Ano ang nilalaman ng mga nabasang halimbawa ng manwal?
2. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong binasang manwal?
3. Saan kadalasang ginagamit ang isang manwal?
4. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng manwal ang isang
indibidwal?

Maliit na Pangkatang Gawain. Ang klase ay hahatiin sa limang grupo. Ang bawat grupo ay
pipili ng trabaho sa ibaba na gagawan ng manwal. Dapat ay mailapat ng mga mag-aaral
ang mga batayang kaalaman sa kanilang pagbuo ng manwal. Pagkatapos itong mabuo,
dapat na mai-upload ito sa Scribd library. Bago i-upload, kinakailangan muna itong
isangguni sa guro. Maaaring magbigay ng mga komento ang mga mag-aaral sa mga
nabuong manwal ng bawat grupo sa pamamagitan ng comment forum sa Scribd library.
Maaari ding bumoto ang mga mag-aaral ng may pinakamagandang manwal na nabuo sa
pamamagitan ng dami ng nag-save sa kanilang gawa.
Maaaring pumili ang mag-aaral sa sumusunod na trabaho
1. automotive servicing
2. barbering
3. bartending
4. beauty care services
5. bread and pastry production
6. catering
7. commercial cooking
8. driving
9. food and beverages
10. food processing
11. hilot (wellness massage)
12. massage therapy
13. tailoring
14. technical drafting
15. visual graphics design
Makikita ang kompletong listahan ng mga trabaho sa http://www.deped.gov.ph/k-
to12/curriculum-guides/TechnicalVocational-Track

VI. Suriin at rebisahin (Evaluate and revise)


Tatayain ng guro ang mga nabuong manwal sa pamamagitan ng pamantayan sa
pagwawsto:
3 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa
3 2 1
Nakapipili ng isang trabaho ayon sa kagustuhan
Naisasalang-alang ang mga dapat na tandaan sa
pagsulat ng isang manwal
Kinakikitaan ang manwal ng mga mahahalagang
elemento nito
Komprehensibo ang nilalaman ng nabuong manwal at
tunay na kapaki-pakinabang sa mga target na
mambabasa nito

Kapag pumasa na sa pamantayan ang nabuong manwal, saka lamang papayagan ng guro ang
mga mag-aaral na i-upload ang kanilang gawa sa Scribd library. Kapag hindi ito pumasa sa
pamantayan, kailangan itong rebisahin ng mga mag-aaral.
PAGSUSURI SA NABUONG BANGHAY-ARALIN SALIG SA MODELONG ASSURE
Pinili kong gamitin ang modelong ASSURE sa pagbuo ng banghay-aralin para sa Baitang 12 dahil
nakikita kong epektibo itong gamiting saligan lalo na at ang mga target na mag-aaral ay inaasahang may
mataas nang antas ng pagkatuto. Batay sa padron ng ASSURE, sinimulan ko ang ang aking banghay aralin
sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga katangian ng aking mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagkilala sa
kanila batay sa kanilang mga katangian, nalalaman ko ang paraan kung paano sila natututo at ito ang
aking magiging batayan sa mga estratehiya at metodong aking gagamitin. Sa pagbuo naman ng mga
layunin sa pagtuturo, ginawa kong batayan ang mga kompetensing nakasaad sa Gabay Pangkurikulum ng
Baitang 12 na inilabas ng Dep Ed. Tiniyak ko na ang mga layunin ay tumutuhog sa tatlong dimension ng
pagkatuto salig sa padron na CAP o ang Cognitive, Affective at Psychomotor. Sa pagtatakda ng layunin
batay sa modelong ASSURE, kailangan ay maging tiyak o konkreto ito at nasisiguradong maisasakatuparan
sa pamamagitan ng mga estratehiyang mabubuo ng guro. Ang mga layunin ito ang magiging
pangkalahatang gabay ng guro sa kaniyang pagtuturo. Matapos matukoy ang mga layunin sa pagtuturo,
mahalagang mapagpasyahan ng guro kung ano-ano ang mga materyales o kagamitang kaniyang gagamitin
sa pagtuturo. Ang pagpili ng mga materyales ay kritikal sapagkat maraming kailangang isaalang-alang.
Mahalagang itugma ang mga materyales na gagamitin sa layunin ng pagkatuto. Bukod sa materyales,
tinukoy din ng banghay aralin na ito ang pangkabuoang metodo na gagamitin at ito ay ang Pagkatutong
Batay sa Pagtuklas. Sa metodong ito, lilikha ang guro ng mga estratehiya at teknik na magbibigay ng
pagkakataon sa mga mag-aaral na sila mismo ang tumuklas ng mga kaaalaman tungkol sa paksang aralin.
Mula rito, malilinang ang iba’t ibang kasanayan sa mga mag-aaral lagpas sa mga kasanayang inaasahan ng
mga layunin sa pagkatuto. Samakatuwid, ang banghay-aralin na ito ay nakapaglilinang ng mga enabling
skills sa mga mag-aaral. Sa susunod na bahagi, naipakikita ng banghay-aralin na ito kung paano dapat na
maihanda at magamit ang mga kagamitan lalo na ang teknolohiyang gagamitin. Nakatutulong ang
paghahanda ng anomang gagamitin ng guro sa kaniyang pagtuturo upang maiwasan ang pagsasayang ng
oras gayundin ay upang maging maayos ang daloy ng talakayan. Dahil ang talakayan ay kinapapalooban
ng integrasyon ng teknolohiya, hamon para sa guro ang maging maalam sa manipulasyon nito kaya ang
paghahanda ay higit na kinakailangan. Ang anomang metodo, estratehiya, teknik o mga kagamitang
gagamitin ng guro ay mawawalan ng bias kung hindi ito nakauugnay sa mga mag-aaral at hindi
nakapanghihimok ng kanilang partisipasyon. Kung kaya, mahalagang makabuo ang guro ng mga gawaing
magpapakilos sa mga mag-aaral. Sa banghay-aralin na ito, tiniyak na ng mga nabuong gawain ay
nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga nalalaman mula sa mga
gabay na tanong na inilatag ng guro. May ilan ding mga pangkatang gawain na nakapaloob dito upang ang
partisipasyon ay maipakita sa loob ng pangkat. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng pagkakataon ang ilang
mga mag-aaral na mahiyain na maipakita ang kanilang galing at talino sa loob ng kanilang mga pangkatang
gawain. Ang pinakahuling yugto ng banghay-aralin na ito ay ang pagtataya ng kabuoang pagganap ng mga
mag-aaral. Mula sa mga produktong kanilang nabuo na iniluwal ng iba’t ibang gawain, tatayain ito ng guro
at kung nakikitang may dapat pang ayusin ay bibigyan ng guro ang mga mga-aaral ng pagkakataon na
rebisahin ito para sa muling pagpapasa. Mahalagang sa bahaging ito ay mailahad ang mga pamantayan
kung paano mamarkahan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng rubriks.
Sa kabuaon, ang modelong ASSURE sa pagtuturo ay isang epektibong dulog na tutugon sa
kahingian ng ika-21 siglong edukasyon. Nakikita natin na ang paggamit ng modelong ito ay hindi lamang
nakapagpaplakas ng kasanayan ng mga mag-aaral gayundin ng guro at sa pangkabuoang sistema ng
edukasyon. Sa anomang antas at asignatura ay maaari nating gamitin ang modelong ito basta’t
nasisigurado lamang ang tama at epektibong implementasyon nito.
ADDIE vs ASSURE vs DID MODEL
In any form of teaching, instructional models are very essential. The history of the use of such
instructional designs and models dates back during the historic times of great philosophers like Plato,
Aristotle and Socrates. These instructional models have been considered as the backbones of any
educational system. It poses great relevance to education because it guides the educators not just with
the important contents to be taught but also the effective process of teaching. In this paper, we are
about to understand the basic knowledge about the three prominent instructional models that are used
in the 21st century education that includes the integration of technology. This paper will try to compare
and conratst these instructional models through different aspects.
First we are going to look at the ADDIE model. ADDIE is basically a generic term for the five phase
instructional deign model that includes analysis, design, development, implementation and evaluation.
Most of the current instructional design models are spin-offs or variations of this model. The ADDIE
model first appeared in 1975. It was created by the Center for Educational Technology at Florida State
University for the U.S. Armed Forces (Branson, Rayner, Cox, Furman, King, Hannum, 1975; Watson, 1981).
It is frequently used in business and corporate training because it has been found to save time and money
due to of its ability to help catch errors while they are still easy to fix.
The first phase of the ADDIE model is analysis. During analysis the learning problem is identified
as well as the goals and objectives and the audience’s needs. The analysis phase also takes into account
existing knowledge, the learning environment, and the timeline for the project. The second phase is
design. During the design process learning objectives are specified and storyboards and prototypes are
made. The third phase is development. This is where the actual creation of the content and learning
materials is put together based on the design phase. The fourth phase is implementation. During this
phase the plan is put into action and the plan for training the learner and teacher is developed. The final
phase is evaluation. During the evaluation phase both formative and summative evaluation processes are
used. Formative evaluation is imbedded throughout the different phases and the summative evaluation
takes place at the end. This type of evaluation makes it possible to provide feedback throughout the
process, thus allowing corrections to be made as problems arise. In summation the ADDIE model is
designed to ensure that all learners will achieve the desired goals through evaluation of the learner’s
needs and the design and development of instructional materials. The literature on ADDIE estimates that
there are well over 100 different variations of the ADDIE model in use today.
The second model we will look at is the ASSURE model. The ASSURE Model is a six-step guide for
planning and delivering instruction developed by Robert Heinich, Michael Molenda, and James D. Russell
in the 1990′s. This model highlights its ability to incorporate technology and media into the design
process. The six steps used for planning include: analyze learners, state objectives, select instructional
methods and materials, utilize media and materials, require learner participation, and evaluate.
During the first step of this process you need to analyze the learners. You will need to
consider general characteristics, socioeconomic levels, prior knowledge and learning styles. Once you
know your students, you can begin developing your objectives or desired learning outcomes. Then you
can begin selecting instructional methods, media, and materials. Before utilizing the materials and
selected media with your class be sure to preview them to make sure they are appropriate and work
correctly. The fifth step in this process is required learner participation. It is important to make sure that
the student is always actively involved in the learning process. The final step in this process is to evaluate
and revise if necessary. The premise of the ASSURE model is that in the end, as you evaluate, you
continue to revise and re-teach until the students have become successful learners.
When taking a closer look at these three models of design we can find there are many
similarities and difference between them. The ADDIE and ASSURE models are more closely in line with
each other whereas Understanding by Design stands on it own a little more. The most obvious in
differences is the number of steps involved in each process. ADDIE implements five steps where as
Understanding by Design only uses three steps and ASSURE uses six steps. Both ADDIE and ASSURE begin
their process as a front end analysis and design whereas Understanding by Design uses a backwards
design approach. ADDIE and ASSURE both begin with an analysis stage which allows for consideration of
the learner’s back ground and environment. This stage is not allotted for in the Understanding by Design
model. ADDIE and ASSURE also have a stage to focus on implementation which allows for effective use of
media and technology to be addressed. This also is a stage that is not addressed in the Understanding by
Design model. Another similarity between ADDIE and ASSURE is that they are both based on Robert
Grange’s Conditions of Learning. Understanding by Design in comparison has developed its own six facets
of understanding. In a final comparison of the three models we can look at methods of evaluation.
ADDIE and ASSURE address evaluation in the final stage whereas Understanding by Design addresses it in
the second stage. Regardless of what stage evaluation is addressed, all three models provide for
formative and summative assessment. It seems that all three models have their strengths and
weaknesses. Most schools in our area are turning toward the Understanding by Design model due to its
ability to pinpoint the desired outcome up front which helps to increase test scores. I think many
teachers naturally include some of the stages from ADDIE or ASSURE in an attempt to bridge the gap
between teaching the test and providing for the needs of the whole child.
Lastly, we are about to understand the Dynamic Instructional Design Model. The Dynamic
Instructional Design model or DID is based on designing technology infused instruction and focuses on
creating an effective learning environment for the students. This model is very learner-centered that
includes special steps such as identifying the learning styles of the learners and establishing a comfortable
learning environment.
There is the opportunity for feedback at each stage of the Dynamic Instructional Model, to
improve the pace and depth of the lesson and to reach the learners most effectively.
The first step in designing instruction (teaching) is to know the characteristics of your learners so
that the teaching will benefit them. The characteristics include their development stage (physical &
cognitive), cultural/language backgrounds, skills and knowledge they already have, individual
characteristics (learning styles, cognitive styles, types of intelligence), similarities and differences as a
group, and their effects on the design of instruction. Feedbacks obtained in this step (internal feedbacks)
and those obtained after completing the step (external feedbacks) must be used in designing your
instruction.
The second step is state learning outcomes. Outcomes are statements of what students will
achieve as a result of instruction, i.e. what students can do at the end of the lesson. Example: At the end
of this lesson, students will be able to identify the subject and verb in sentences. Bloom (1956) had
classified cognitive domain of learning outcomes into six categories: (1) Knowledge, (2) Comprehension,
(3) Application, (4) Analysis, (5) Synthesis, and (6) Evaluation.
The third step is establish the learning environment. Learning environment includes all the
physical and educational aspects that support teaching and learning, for example, seating arrangement,
lighting intensities, friendly competition and gradual difficulty. We need to arrange for: (1) excellent
physical space when it can be maximally adjusted to meet learner diversity to promote interactivity,
active learning and positive interaction; (2) excellent classroom climate when it is flexible and meets the
needs of diversity of learners and promotes cooperative, friendly competitive and active learning; and (3)
excellent in attitudes when teacher attitude is always positive and encouraging, friendly and nurturing;
while students show high confidence and willing to take risks.
The fourth step is to identify teaching and learning strategies. Teaching strategies are the
methods a teacher will use to help students to achieve learning outcomes; while learning strategies are
the techniques and activities that a teacher plans for his/her students to do, to achieve the outcomes.
The combination and implementation of planned teaching and learning is called “pedagogy”. Teaching
and learning strategies can be considered as a pedagogical cycle, that comprises of eight steps: (1)
Provide a pre-organizer (tell students their responsibilities), (2) Use motivators (use objects to engage
students in learning), (3) Build bridges to prior knowledge (connect new content to previous knowledge),
(4) Share learning outcomes (inform students about learning objectives), (5) Introduce new knowledge
(use methods & media to present new content), (6) Reinforce knowledge (use examples, models,
formative feedback to reinforce content), (7) Provide practical experience (let students do activities
related to content), and (8) Review lesson contents (reinforce content through verbal, visual and auditory
review).
The fifth step is to identify and select technologies. Instructional technologies are the tools used
to support the teaching and learning strategies planned by the teacher. In this step, you need to select
technological tools that are appropriate for your teaching and learning strategies and are available to you.
You also have to decide how and when to use these technologies. These technologies include audio
(cassette tapes, radio, talking books, multimedia CD, models/real objects), visual (videotapes, video discs,
overhead projector) and digital (computer hardware, educational software, webcasts, internet sources)
technologies.
The last step is plan a summative evaluation. The last step in instructional design is to plan for a
summative evaluation to evaluate the effectiveness of the design, and to make appropriate revisions in
order to improve the design. This can be done through your own evaluation on the effectiveness of your
lesson or ask your students to fill up questionnaire form on various components of the design. However,
the ultimate evaluation is your students' performance. If your students do not perform well, you need to
check all the earlier steps in your design and determine where it has gone wrong. Therefore, both the
students' achievement and the summative feedbacks can be used to improve the design.
NABUONG DISENYO NG POWERPOINT BATAY SA RUBRIKS SA PAGBUO NG POWERPOINT
PRESENTATION
PAGSUSURI SA POWERPOINT PRESENTATION
Batay sa mga natalakay na mga batayang kaalaman at mga prinsipyo na dapat isaalang-alang sa
pagbuo ng isang PowerPoint presentation, ginamit ko ito upang makalikha ng isang PPT presentation
tungkol sa Evolution of Ed Tech. Kung susuriin, masalimuot na paksa ang pagtalakay sa kasaysayan ng Ed
Tech dahil kinapapalooban ito ng maraming petsa at konsepto kaya marapat lamang na ang paraan ng
pagpapahayag nito sa anyo ng PPT ay simple at mapapagaan ang magiging daloy ng talakayan. Upang
maisakatuparan ito, dapat lamang na maingat na piliin ang mga kulay, disenyo at maging ng font style na
gagamitin. Para sa pangkalahatang disenyo, pinili kong gawing magaan ang bawat slide sa mata ng mga
mambabasa. Sa usapin ng kulay, gumamit ako ng mga light pastel colors upang magkaroon ng magaan na
impresyon ang bawat slide. Gumamit ako ng color palette upang masiguro na ang lahat ng kulay na
gagamitin ay magkakaugnay-ugnay at akma sa tema. Ang background ng bawat slide ay ginawa ko na
lamang na solid color at hindi na ako naglagay ng anomang texture upang maging simple at elegante ito.
Sa usapin naman ng disenyo, gumamit ako ng mga vector clip arts upang bigyang-halimbawa ang bawat
konsepto. Naniniwala ako na ang paggamit ng mga ganitong elemnto sa PPT Presentation ay
nakatutulong upang mahimok ang atensyon ng mga mambabasa o tagapakinig sa talakayan. Sa usapin
naman ng font style, gumamit lamang ako ng dalawang font style sa pangkabuoang PPT Presentation.
Pinili ko ang mga font na simple at madaling mababasa kahit nasaanman ang tagapakinig/mambabasa.
Gumamit din ako ng mga GIF o mga larawang bahagyang gumagalaw upang higit na maging kaakit-akit
ang presentasyon. Gayundin, nilagyan ko ng mga minimal animation ang bawat slide upang kahit
papaano’y maging buhay ang bawat slide. Sa pangkabuaon, napagpasyahan ko na gawing simple lamang
ang presentasyon dail sa huli, ang epektibong pagkakaunawa ng mga mababasa sa paksang aralin ang
pangunahing layunin pa rin ng pagtuturo.