You are on page 1of 5

COFFEE SHOP LOVE

(How a coffee shop incident turned into a conversation then love.)

Written & Published by fakekrisaquino.com


(This was first published online for the ‘from Internet with Love’ column of
fakekrisaquino.com.)
Payapang lumilinya si Ali sa counter ng isang coffee shop para maka-order ng paboritong
coffee jelly para malamigan ang nag-iinit nyang ulo ng biglang may pumasok na lalake at tinulak
ang lalakeng nasa harapan nya na may kasamang babae na parang girlfriend nito. Na out of
balance ang lalake tinulak at doon napunta kay Ali kaya hinawakan nya ito para hindi matumba.

"Walang hiya ka, Raul. Mang-aagaw ka ng girlfriend!" Galit na galit na sabi ng nanulak. At
hinampas pa nito ang lalakeng hinawakan ni Ali.
"Jeff, wala akong masamang ginawa ni Kyla." Depensa ni Raul. "Kasama ko girlfriend."
Hinawakan ni Raul si Ali at prinisenta ito kay Jeff as girlfriend nya. Pagkatapos tiningnan nito si
Ali para sinyasan ito to play along with the story. "Ito ang girlfriend ko."

Medyo na weirdohan si Ali pero dahil mainit ang ulo niya, pinatulan niya ito.
"Hoy lalakeng walang modo, tantanan mo nga boyfriend ko kung hindi makatikim ka sa akin.
Ang ilusyonado mo, di naman kagandahan iyang girlfriend mo para patulan ng boyfriend ko."
Binungangahan ni Ali si Jeff. "At saka ikaw babae, i-enrol mo nga iyang boyfriend mo uli sa
grade school at ng maturuan ng GMRC."

Lumapit na sa kanila ang security guard ng coffee shop para awatin sila.
"Guard, iyan damputin mo dahil iyan nanunugod. Ipa-police mo iyan talaga." Banat ni Ali sa
guard.
"Guard, sorry. Hindi na mauulit. Jeff, please mag-sorry ka na sa kanila." Kyla begged her
boyfriend.
"Sorry, Miss. Sorry, Manong Guard." Nag sorry si Jeff para matapos na ang gulo. "Ako na sagot
sa lahat ng order nyo." Sabi pa ni Jeff para hindi siya masipa ng guard.
"Pare, paumanhin." Nag-sorry din si Jeff kay Raul.
"Okay, pare." Sagot ni Raul.

Nang ma-okay na silang lahat. Umorder ng umorder si Ali.


"Jeff, Kyla, thank you sa treat nyo ha." Nagpasalamat si Ali.

Pagkatapos naghanap na ng maupuan si Ali, at sumusunod naman sa kanya si Raul para hindi
sila madudahan ni Jeff.
"Thank you talaga, Miss, sa pagsagip mo sa akin kanina." Sabi ni Raul ng makaupo na sila sa
may couch ng coffee shop.
"Pasalamat ka at bad trip ako ngayon na araw. Dahil kung good mood pa ako, hindi talaga ako
papatol sa kagagohan nyo." Ratatat ni Ali kay Raul.
"Ssshhh, Miss. Please maawa ka baka mapansin tayo ni Jeff, at baka mabuking tayo." Raul
begged Ali to tone down her voice.
"Oo na. Ano ba naman kayong dalawa, nakulangan ba kayo ng brains? Bakit ba naman kayo
dito nag-date sa mataong lugar eh patago pala iyang relasyon nyo? At saka sa dami ba naman
ng babae, bakit ba pinagsiksikan mo sarili sa kanya?" Banat pa rin ni Ali.
"Hindi ko naman alam sila pa. Sabi sa akin ni Kyla wala na daw sila ng boyfriend nila."
Malungkot na sagot ni Raul.
"Sinisisi mo pa ngayon ang girl?" Sagot ni Ali.
Hindi na lang umimik si Raul. Super nalungkot ito si nangyari. Childhood crush pa niya si Kyla
pero hindi talaga sya pinapansin. Ngayong, finally, naka chance na sana sya kay Kyla naging
bato pa ang lahat. Pero mas nasaktan sya sa thought na Kyla lied to him, na pinaglaruan lang
pala sya nito.

Nang ma-sense ni Ali na medyo malungkot si Raul, she tried to slow down on him.
"Oy, sorry, Raul. Medyo na-shock lang ako kanina. Ako pala si Ali." Sabi ni Ali. "Smile ka naman
diyan. Kahit papaano ang swerte mo no, binigyan ka kaagad ng kapalit na girlfriend ni Lord --
Ako!" Biro ni Ali sa kanya.
"Huwag ka na malungkot, medyo di naman gaano kalayo ang ganda ko sa dream girl mo." Ali
tries hard to cheer up Raul. "Halika dito. Get closer to me at parang inoobserbahan tayo ng Jeff
na iyan."
Kaya tumabi na si Raul sa kanya sa couch na pang-isang tao lang. Natawa na lang din ito sa
sitwasyon nila.

"Hay, natutuwa talaga ako. Ang bait ni Lord, in-erase nya ang bad trip ko ngayon. Binigyan nya
ako ng jowa, linibre pa ako ng starbucks." Masayang nag-jojoke lang si Ali para naman hindi
sila magmukhang awkward na dalawa.
"Pwede umalis na tayo dito, Ali? Hanap na lang tayo ng ibang lugar matambayan." Tanong ni
Raul sa kanya.
"Hindi ako pwede pa umalis eh. May hinihintay kasi akong kasama dito. Patay na celphone nya
kaya hindi ko sya ma-text kung saan tayo lilipat. Anyway, iwan mo na lang ako dito." Sagot ni
Ali.
"Okay. Huwag na. I'll stay here with you na lang." Sagot ni Raul.

Parang medyo kinilig na rin si Ali kay Raul kasi feel nya mabait ito, at saka may sense na tao,
at saka hindi naman ito panget -- above average looking. Kaya she took advantage na rin of the
moment.
"Pwede papicture sa iyo? Para naman may remembrance ako sa first boyfriend ko." Lagi na
lang nag-jojoke si Ali para medyo matuwa naman si Raul dahil parang sinakloban ito ng langit.
"Wala kang boyfriend?" Tanong ni Raul.
"Mayron ah. Ikaw! Hahaha." Tinawanan ni Ali si Raul.

Raul slowly opens up, and lightens up with Ali's fluffy-ness. And, so they ended talking about
anything under the sun. Minsan naman Ali would bring up to Raul's attention the different
people that walks by sa coffee shop, and they would make fun of them by making up stories.

They then learned later on their conversation na schoolmate pala sila, only they belong to
different departments -- nasa engineering department si Raul while Ali belongs to the education
department. Small world. Di nila namalayan na mag mag 8pm na pala -- 4 hours na pala silang
nag-uusap na magkatabi.

"OMG, it's almost 8PM na pala. Gawd, kainis naman ng kausap ko. Hindi na seguro iyon
darating. Let's go na lang, Raul." Tumayo si Ali, and he pulled Raul up. Nang tumayo si Raul,
hindi nasadya na medyo nagkadikit ang mga mukha nila.
"Dinner?" Invite ni Raul kay Ali to break the awkward closeness.
Parang nakuryente sa malapit nilang pagkahalikan ni Raul. Parang nakekemi na si Ali. "Thanks.
But doon na ako sa Dorm."
"Okay." Sabi ni Raul.

Lumabas na sila ng coffee shop. Sa labas ng coffee shop, sa may sidewalk, huminto silang
dalawa.
"Ihahatid na kita, Ali." Raul offers.
"Huwag na. I'll be fine. I guess hanggang dito na lang tayo. So break na tayo?" Ali jokes.
Though, deep inside, she feels a pang that sayang bakit hindi pa maging totoo. She fell inlove
with Raul during their conversation. He's smart, nice with right angst. If only she can be Kyla...

"Bye. I wish you the best of love and life, ex-boyfriend." Dali ng tumalikod si Ali kay Raul, at
baka ma-inlove pa sya lalo nito, at mahirapan na syang malimutan ito.

Raul can only follow her with his stare dahil ang bilis ni Ali na nakalakad.

---------------------------------------

Nang nakauwi na sila, at nasa kanilang isa't isa na silid. Both of them are restless. Hindi na ma-
take ni Ali ang kanyang pagkabalisa. Nagdecide itong lumabas at bumalik sa coffee shop where
she met Raul.

Ali was lining at the counter, when suddenly may humawak sa kanyang kamay at
bumulong, "Hi, girlfriend."
When Ali turned around, it's Raul.
"I don't want to be your ex-boyfriend." Raul demanded from Ali. Ali gave a quick kiss on his lips.
And, they held hands.

The End.

Love story is meant to be shared. Feel free to pass this around.


Thank you,

@fakekrisaquino
fakekrisaquino@gmail.com
http://fakekrisaquino.com